CHAPTER 19

Chapter 19

Xavier Pov

I held my head backward and tried my best to catch my breath. Lawrence's full weight was on me while hugging his arms around my neck. How great?! Papaano ako nito ngayon makakahinga ng maayos?

I tried to untangle his arms from around my neck first, yet his arms snaked over my neck tightly. Goddamnit!

"L-Lawrence!" I choked out and attempted to wake him up.

But the monkey clinging to me just rubbed his legs, and they coincidentally brushed against my... shit, fvcking shit, my member!

Tila umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan at itutulak ko na talaga sana itong si Lawrence sa ibabaw ko at wala na akong paki kung mahulog man siya sa sahig at mabalian. Ngunit parang linta rin itong nakayakap sa akin! Huh! The nerve of this small goddamn bee!

"I miss you!"

My hand paralyzed when I heard him maunder. Both of my hands stopped on his waist as I looked down. His eyes were still closed, and his lips were mumbling incomprehensible phrases.

"Lawrence," I called out, hoping he would open his eyes and see what he was doing on top of me.

"Miss na kita..."

Humingang malalim ako at napapikit sa aking mga mata. Sumuko rin ako sa pagsubok at hinayaan ito sa aking ibabaw. Ayaw ko na ring gumalaw dahil nararamdaman ko sa ibaba ang aking kaibigan na nadadaganan ng kanyang hita.

"I miss you, mom but I'm scared. I'm... really, really s-scared."

Naalarma ako roon at muling tiningnan ang mukha si Lawrence. He is still talking in his sleep, but this time, tears were escaping from the corners of his eyes.

Kung hindi ako nagkakamali, it's Mama Aubrey. Mama ang tawag niya sa kanyang ina. Sino ang tinatawag niya mom? O baka nananaginip na naman ito? Baka binabangungot? Or nag-iilusyon ito. Doon pa naman siya magaling.

"Lawrence wake up!" I said, shaking his shoulders. He is crying for crying out loud!

"I-I'm scared, mom. I hate i-it... I don't want to see him. I want to forget everything, mom."

"Lawrence!" I shouted carelessly without worrying if I might wake our neighbors or my grandparents in the other room.

Doon lang nagmulat ng mata si Lawrence. Lumuwa ang mata niya nang makita ang aming posisyon. Halos hindi makagalaw at hindi siguro ma-process sa utak niya itong aming posisyon ngayon.

He clumsily wiped his tears as if I couldn't see him crying or see his tears.

Ngumiting aso ito sa akin na para bang hindi ko narinig iyong mga binubulong niya kanina sa kanyang panaginip.

"Ayie! Kaya ba gusto mo ang lights off, honeysugarplum, kasi ito ang goal mo?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kakagising lang namin, umagang-umaga pero badtrip na ako.

"What did you say? My goal?!" My eyebrows were already knitting.

"Oo, goal mo."

"The heck! Anong goal ko?"

"Ang makapa mo ako!"

"Ha! Ha! Hahaha!" Putol-putol at sarkastikong tawa ko sa kanya. Ibang klase rin talaga tumakbo itong utak niya.

Nalukot ang kanyang noo at mukhang walang balak na umalis sa ibabaw ko. Masyado na siyang naging comfy doon.

"Umalis ka na d'yan!" Galit kong saad at itutulak na sana ang katawan nito sa ibabaw ko nang bigla siyang yumakap sa akin at kinulampit ang binti sa katawan ko.

The bullets of curses flew from my mouth! Is he really oblivious to what he is doing to me?

"God! Lawrence! I'm kidding anymore!" Bulyaw pero kinuskos lang nito ang mukha sa aking dibdib. Fuck!

"Bibitaw ka o lilipad kang Cebu ngayon?" Banta ko rito. I have no choice. He is so, so fucking stubborn!

Kakasikat palang ng araw pero pagod na ako sa nangyari sa kwarto namin ni Lawrence. Tang ina! Iyong inis ko sa kanya hindi nalusaw kahit nakaligo na ako, nakapagbihis, at nakapag-almusal.

Thankfully, wala ito sa hapag nang bumaba ako. Pinasyal daw si Z kasama si Lola Marcila. Mga kampon niya ang kanyang kasama. At kahit gusto ko man silang sundan dahil nandon din ang anak ko. Minabuti ko munang manatili sa bahay para makahinga ng maayos at magkaroon ng peaceful hour na walang bubuyog na dumi-disturbo sa akin.

Nasa balcony ako ng bahay nina Lola, naka-upo sa isang silya na gawa sa kahoy at sa tabi ko naman ang isang round table na gawa rin sa kahoy at pinatungan ng transparent glass sa ibabaw. Doon ko sa mesa inilapag ang aking dalang tsaa.

Napangiti ako kasi sobrang aliwalas ng paligid at hindi gaanong mainit ang sinag ng araw. Pinagmamasdan ko lang ang hardin ni Lola na mga iba't ibang klase ng bulaklak.

"Apo?"

Nalingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Lolo Handro.

"Lo,"

Tinapik ni Lolo ang aking balikat at umupo sa kabilang upuan.

"Akala ko sumunod ka kina Lawrence at lola mo, sumama sa kanila si Zion."

Ang ngiti sa labi ko ay dahan-dahan na nawala at napalitan ng pait. Lawrence na naman! Lawrence here, Lawrence there! Kailan ba ako tatan-tanan ng bubuyog na ito?

"Mag... magpapahinga muna ako saglit, lo, bago sumunod sa kanila."

"Maaga silang naggayak kasi kino-konsensya ni Zion si Lawrence. Nagtatampo ang bata dahil wala raw'ng oras ang kanyang Mami sa kanya." Natatawang wika ni Lolo.

My head instinctively turned toward my grandfather when I heard his hearty laugh.

"Natutuwa ako kay Lawrence. Sobrang masayahin niyang bata at parang puno ng positibo sa katawan. Ang ingay niya pero nakakatuwa. Pati lola Marcila mo na masungit tinablahan sa kakulitan at sa pagkamasayahin ni Lawrence." Pahayag ni Lolo.

Kinuha ko ang aking tsaa at sumipsip doon bago tumingin muli sa mga bulaklak sa harap namin.

Lawrence is definitely like a bee carrying pollen. A bee helps flowers bloom, aiding those that cannot propagate on their own by transferring pollen. Wherever that bee goes and lands, it leaves a trace—a sweet yet sometimes stinging reminder. Parang ganon nga si Lawrence, kahit saan siya napapadpad laging nahahawaan niya ang tao sa kanyang paligid. Gumaganda ang paligid dahil sa kanya.

I almost facepalm. What the fuck did I just think about Lawrence?

"Apo? Apo!"

Napaigtad ako sa tapik ni Lolo sa aking kamay.

"Lo?"

Tumawa si Lolo.

"Ang dami ko nang nasabi rito pero hindi ka pala nakikinig."

Napailing ako.

"I'm sorry, lo. May... may inisip lang."

"Si Lawrence?"

"Lo,"

Sumandal ito sa kanyang kinauupuan.

"Nung una nating mag-usap kahapon pumunta kayo rito kasi gusto mong magpahinga at pero, bakit mukhang mas napapagod ka rito? Dahil din ba iyan kay Lawrence?"

"Hindi, lo." sagot ko kay Lolo pero tumango ang ulo ko. Tang ina!

Malakas na tumawa si Lolo.

"Mukhang naguguluhan ka, apo."

Napatawa naman ako roon ng hilaw sa sinabi ni Lolo.

"Hindi naman, lo, saka bakit po ako maguguluhan?"

Ngiting napailing-iling si Lolo sa akin.

"May nararamdaman ka ba roon kay Lawrence, Xavier?" Biglang sumeryoso si Lolo dahil tinawag na niya ako sa aking tunay na pangalan.

Nasamid ako sa sariling laway. Nararamdaman? Baka inis at pagkabanas doon.

"W-wala, lo. Saka hindi ko pa po iyon masyadong kilala. Sinagip niya lang po si Z at mahal ng anak ko. Imposible na magkaroon ako ng feelings doon."

"Hindi iyan imposible, Xavier." Muli akong napatitig kay Lolo kaso ang tingin nito ay deretso lang doon sa hardin. "Hindi ko alam kung tanda mo pa itong kwento ko sa'yo tungkol sa amin ng Lola Marcila mo. Ngunit isang beses ko lang siyang nakita pero napagtanto ko kaagad na siya ang magiging asawa ko. Tinaga ko iyon na kung hindi ang lola mo ang magiging asawa ko, hindi ako magpapatali sa iba. At tulad din ng mga yumao mong magulang, ganon din sila. Ang papa mo, isang beses lang din niyang nakilala ang mama mo sa Manila pero dinala kaagad dito sa bahay at pinakilala."

Yeah, but sadly, they both died in an accident. I was in grade school, and Xana, my older sister, was in her high school years when both our parents died. The taxi they were riding in collided with a truck. They were declared dead on the spot.

Walang naging ibang babae noon si Papa. Hindi ko batid pero kontentong-kontento sila ni Mama sa isa't isa noon. Sakto lang naman ang panumuhay namin dati pero sobrang saya namin. Ngunit panandalian lamang iyon.

"H-hindi naman ako katulad ninyo ni Papa, Lo. At saka... Lawrence is a gay guy, lo."

Dinala ko na rin dito si Kyline pero hindi naman talaga naging kami sa huli. Kaya nga umabot kami sa puntong ito ng buhay namin. Nag-coparenting pero winala niya ang anak namin. Pinagkatiwalaan ko pa naman siya kay Zion kasi anak niya rin ito.

"Gumagawa ka talaga ng rason."

"Lo?" Gulo kong wika.

"Ano naman ngayon kung bakla si Lawrence? Bawal ba iyon? Saan nakasulat na bawal magkagusto o magmahal ng isang tulad ni Lawrence?"

"Lo, kasi—"

"Dati na naman may ganyan, apo, kaso hindi nga lang ganito ngayon ka bukas ang mga tao. Noon, hindi nila pinapakita ang tunay nilang nararamdaman— ang tunay kanilang kasarian kasi kapag sinabi dating bakla. Nako, takbuhan ka ng tukso. Para bang kapag bakla ka noon ay isang malaking katawa-tawa at kasalanan. Oo nga't ginawa tayo na lalaki at babae lang, pero may mga taong pinanganak na babae sa damdamin pero lalaki ang anyo. O may mga babaeng pinanganak pero lalaki ang nasa damdamin. At kung ako ang tatanungin, walang mali roon. Hindi mali na magpakatotoo ka. Walang mali sa pagsunod mo sa iyong nararamdaman. Walang mali sa pagmahal ng kapwa mo lalaki o babae."

Bumaling si Lolo sa akin. "Kaya ikaw, magpakatotoo ka rin. Ano ba talaga iyang nararamdaman mo para kay Lawrence? At huwag mong gawing rason ang kasarian niya para d'yan sa nararamdaman mo. Ang laking tao mo na, Xavier."

Nanginginig ang labi ko.

"Lo, inis at pagkabanas ang nararamdaman ko ay Lawrence... i-iyan ang totoo!"

"Talaga?"

"Opo!"

"Iyan bang sagot mo ay iyan ang sinasabi ng puso mo? Iyan ba ang nararamdaman n'yang puso mo? O baka iyan lang ang sabi ng utak mong monggo!"

"Lo!" Inis kong wika. Inaasar pa ako!

"Isasaboy ko talaga iyang tsaa mo sa mukha, Xavier!"

Tumayo ako bago gawin ni Lolo ang kanyang banta.

"Ipapa-check-up ko pa itong puso ko, lo. Balitaan na lang kita kung ano ang resulta!" ani ko at iniwan si Lolo. Ang daming sinasabi ni Lolo... nadadala na ako!

Kaya naman sinundan ko na sina Lawrence kung saan man ito nagpasyal. Maliit lang naman itong kugar kaya I'm sure mahahanap ko lang din sila. At hindi naman ako nagkamali kasi nakita ko sila sa sentro kung saan iyong fiesta. Itinabi ko ang kotse ko.

I wore my ballcap and climbed out of my car. I locked my car before taking a stride towards Lawrence and Z, who were playing with bubbles in the middle of the road. People were passing by around them, and on each side of the road were small vendors selling toys and street foods.

I knew that the sun's rays were bright enough. However, there was something wrong with my eyes as I watched Lawrence in the middle of the road, playing with the bubbles with his lips stretched into a smile. All of Lawrence's movements seemed to be in slow motion, and all I could hear was his... damn, his voice. The echo of his laughter filled my ears like music—an unfamiliar song, but it suited my ears.

W-what the fvck! What the hell?!

"Honeysugarplum ko!" I jumped when Lawrence grabbed my hand, and an intense, electrifying sensation surged through my entire body!

Mabilis kong kinuha ang kamay ni Lawrence palalayo sa akin dahil doon.

"The heck!" asik ko rito kaso ngumuso lang siya sa akin.

"Bumili kami ng mga laruan, Xavier. Gusto kasi ni bibi Zion." Kwento niya lang kahit 'di ko tinanong.

Binaba ko ang tingin kay Zion na malaki ang ngiti. Bigla tuloy nawala ang inis ko dahil sa aking anak.

"Nasaan si Lola?" tanong ko sa kanila kasi akala ko magkasama sila tulad ng sabi ni Lolo.

"Ay, nandon sa mga amega niya, Xavier. Ang daldal kasi ni Lola. Iniwan tuloy namin ni bibi Zion para mamili ng mga toys! 'Di ba, dong?"

"Opo, mami!" Tumatawang saad ng anak ko.

"Hahaha! Pak! Pak! Ganern-ganer!?"

Napailing ako sa kabaliwan ni Lawrence.

Tumalon pa ang anak ko at ginaya si Lawrence.

"Pak! Pak! Ganern-ganern, mami ko!"

Mga kabaliwan nilang dalawa na hindi ko na yata kaya pang pigilan at supilin.

We stroll around. Bumili kami ng mga pagkain at tumambay din sa tabing daan. Ito iyong mga bagay na hindi ko nagagawa kapag lumabas ako rito sa probinsya namin. Ang sarap sa pakiramdam na parang ordinaryong tao ka lang. Pero syempre iyong inis ko ay hindi talaga nawawala kasi ang ingay ni Lawrence at panay pa ang kuha ng larawan sa amin.

"Ang ganda 'di ba, dong?" ani Lawrence sa anak ko at binigay kay Z ang telepono niya.

Nakahalukipkip ako at nasa gitna namin ni Lawrence si Z. Pasimple akong sumilip doon sa telepono. Mga larawan pala namin iyon.

"Wow! Para tayong family, mami!" si Z.

It's a pang in my chest that I can't give Zion the family he wants. His mother and I will never be able to be like we were before. My relationship with Kyline ended a long time ago. I can't even be civil to Kyline because of what she did to my child

"You're so pretty, mami!"

Tumaas ang kilay ko doon sa sinabi Z. Pretty my ass!

"Salamat, dong, kahit alam ko na iyan!"

Muntik na akong matawa. Kaso hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili na huwag sumilip sa larawan. Kaming tatlo iyon at buhat ko si Z. Kahit naka-cap ako halata pa rin ang inis sa mukha ko habang malalaki naman ang ngiti nina Lawrence at Z.

"Ay, puntahan ko muna si Lola Marcila, Xavier." si Lawrence nang mag-aya nang umuwi si Z. Dumidilim na kasi at inaantok na rin ang bata. Buhat ko nga si Zion at napapakit mata na sa antok. 

"No, baka nakauwi na si Lola. Umuwi na lang tayo." Pigil ko sa kanya.

"Hindi." Umiling siya. "Saglit lang naman ako, pupuntahan ko lang si Lola doon sa mga amega niya. Mauna na lang kayo sa kotse ni bibi Zion. Mabilis lang ako."

"Faster, Lawrence. Please!" ani ko rito.

Ngumisi pa ito bago tumalikod sa akin.

Tumungo na rin ako sa kotse ko at pinahiga ko si Z sa backseat at lumabas ng kotse para doon hintayin si Lawrence.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako mapakali habang panay ang sulyap ko sa aking wrist watch. It's been 20 minutes since Lawrence went looking for Lola, but he hasn't come back yet.

"Apo?!" Nalingon ko ang tumawag sa akin, si Lola Marcila.

"La! Nasaan si Lawrence? Bakit hindi kayo magkasama?!" My tone seems in rage.

"A-apo, hindi ko nakita si Lawrence. Uuwi na nga ako pero nakita ko ang kotse mo."

"What?!" Doon na tumambol ang puso ko ng todo.

"Nasaan ba si Lawrence, apo?"

I bite my lips with a fierce intensity.

"Sabi niya pupuntahan ka niya, la. Pero malapit nang magkalahating oras pero wala pa rin siya!"

"A-ano?"

"Bantayan mo si Z dito sa kotse. La. Hahanapin ko si Lawrence." Bilin ko kay Lola bago hinanap si Lawrence.

Ngunit sa ilang minuto kong paghahanap kay Lawrence hindi ko ito makita. Nalibot ko na ang lugar ngunit... walang Lawrence.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top