CHAPTER 17
Chapter 17
Xavier Pov
Nang natanggal ko ang walang hiyang kwintas ko sa towel ni Lawrence, hinagis ko rin iyon sa kanya at binigyan siya ng isang sulyap. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi man lang nag-react sa pagtapon ko no'ng towel sa kanya.
Nakahiga si Lawrence sa kama namin dito sa bahay ni Lola. He is displaying his white and flawless legs and spreading his arms freely on the bed. My eyes travelled south until they glued to his small face. I didn't know what the hell was wrong, but every time my eyes landed on his face, I was unconsciously dumbfounded by it. And... damn! Even his voice! Parang bubuyog ang kanyang maingay na boses na bumubulong sa akin kahit nasa gitna ako ng trabaho! Minsan nga nakakalimutan ko na ang script, ang linya ko dahil natutulala ako sa gitna ng shooting namin.
Hindi ako napapagalitan sa set o nasisigawan pero nitong mga nakaraang araw palagi na lang akong nasisigawan sa set. And it's all Mark Lawrence's fault! His face looked like a ghost haunting me, and his voice was like damn bees buzzing in my ears.
I hate it. Nakakainis na wala siyang ginagawa maliban sa kanyang mga kabaliwang mga sinasabi sa akin pero dinidisturbo ako ng walang hiyang boses at pangit... scratched it... unattractive niyang mukha.
Yeah, it's unattractive, yet it's tattooed on my brain! How fucking great!
Naiinis rin ako dahil iyong mga kabaliwan niyang sinasabi sa akin, naapektuhan ako roon. Naapektuhan ako— binibwesit kasi ako. Oo, binibwesit ako.
Inis akong kumuha ng towel at pumasok sa banyo para maligo. Ililigo ko na lang itong inis at pagkabanas ko. Kailangan ko lang sigurong iligo biglang init ko sa ulo. Iniwan ko si Lawrence na mukhang naglalakbay na naman sa ibang dimensyon ang utak!
Ginulo ko ang buhok nang makaharap ako sa malaking salamin ng banyo. Kaya nga gusto kong pumunta rito sa bahay ni Lola para mawala itong bumabagabag sa aking inis kaso mukhang lala pa yata! Shit!
Nagpailalim na ako sa shower at hinayaan ang tubig na maglakbay sa aking katawan. Naitungkod ko rin ang kamay sa tiles na dingding ng banyo. Ang naririnig lang sa loob ng banyo ay ang lagaslas ng tubig ngunit magulo ang utak ko.
It's a really bad idea to bring that unattractive bee with us. Pero alam ko namang hindi ako titigilan ni Z kapag hindi kasama ang Mami niya, ang maingay niyang Mami!
Kailan ba ito nagsimula? Kailangan ba ginulo ng bubuyog na iyon ang utak ko? Shit! That night... that night that I kissed him. Wala lang naman iyon sa akin. Honestly, walang malisya ang halik na iyon. Iniisip ko lang iyon na ka-trabaho ko si Lawrence pero ginugulo ako no'n. Kahit iyong mga ka-eksena ko, hindi naman ako ganito. Hindi ako nababagabag ng ganito. Pero tangina! Ang bubuyog na iyon binabaliw ako! Gusto pa akong pakitaan ng katawan niyang wala naman makikita. Tsk! Maputi lang naman siya. Yeah, maputi lang pero unattractive. Yes!
Lumabas ako ng banyo nang nakatowel lang at sinusuklay ang buhok gamit ang daliri ko. Ngunit natigil din ako sa ginagawa nang makita kong bakante na ang kama— ang buong kwarto. Maayos na rin ang kama at wala na si Lawrence.
Shit! Umupo ako sa kama. Why the hell did I do that shit? Ano para makita i Lawrence ang katawan ko? Dammit! Nalimutan ko lang naman ang damit ko, hindi ako nakapagdala ng damit sa banyo kaya nakatowel lang ako nang lumabas sa banyo.
Kumuha na lang ako ng shorts and paired it with my St. Laurent white t-shirt. Inilabas ko rin ang silver necklace ko na may letter X na pendant. Pahamak na pendant. Nagwisik din ako ng pabango sa katawan. Inayos ko ang aking buhok. Aalis na sana ako sa harap ng salamin nang makita ko ang hitsura ko. Damn! Bakit ba ako nag-aayos ng ganito? Bakit kung magpabango para ko na itong iligo sa katawan ko?
Ginulo ko ang aking nakaayos na na buhok bago lumabas sa kwarto. Nababaliw na rin yata ako. Mukhang nahahawaan na ako sa kabaliwan ni Lawrence.
Unti-unting tumaas ang isang kilay ko nang wala akong marinig na boses nung bubuyog. Nasaan na ang maingay na iyon? Bakit walang boses niya na nagr-resonate sa buong ground floor?
"Daddy!" Imbes na ang bubuyog niyang nanny ang boses na sumalubong sa akin, ang anak ko na si Zion ang bumungad sa akin.
Yumuko at upang mahagkan ang anak ko.
"Where's your Mami?" I asked my son. I tried my best to act like nothing and chill.
"Mami is out po, daddy."
Kumunot na ang noo ko roon sa sinabi nga anak ko.
"What? Lumabas siya? Who's with him? Gabi na, anong gagawin niya sa labas?" Tuloy-tuloy kong tanong sa anak ko.
Zion's forehead creased, copying my confused and annoyed expression.
"Why are you asking, daddy? Are you worried about my Mami?" My son asked with a wide smile crossing on his lips.
"Hindi." My bland response.
"Then, I won't answer you."
Umawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Ito ba ang natutunan niya sa kanyang Mami? May salita pa silang sila lang din ang nakakaintindi.
"Baka umalis na ang Mami mo. I'm just worried that your Mami might leave you—"
"No! My mami will stay with me! Hindi ako iiwan ng Mami ko! My Mami Lawrence loves me so much! Mami even promised me kanina before he left! My Mami will only go to the place where only adults are allowed!" Hiningal si Z matapos ang sinabi niyang iyon. Kapag talaga si Lawrence ang pinag-uusapan namin nagiging choleric si Z. Z really, really loves Lawrence so much. Siguro na-attach siya ng sobra kay Lawrence dahil ito ang tumulong sa kanya at spoiled din siya kay Lawrence. Tingin ko nga rin mas mahal ni Z si Lawrence compared sa akin.
I also want Z to love me the way he cares and loves his Mami. Nakakapanghinayang na sa pagtatrabaho ko para kay Z, ang pagmamahal niya naman pala para sa akin ang unti-unting nalulusaw. Kung hindi nangyari ang kidnapping at kung hindi nawala si Z sa akin, hindi ko siya muling mapagtutuonan ng atensyon. and I'm so, so guilty.
Ginulo ko ang buhok ni Z. "I'm sorry, Z. I'm just kidding, okay? Hindi aalis ang Mami mo." But later on, I know Lawrence will eventually leave us. Two months lang siya sa amin ni Z.
"Don't say those things again, Daddy. Hindi aalis ang Mami ko. Love niya ako. Mami promised, Zion, na hindi niya ako iiwan. And I know too that Mami won't leave me. Like how Mami saved me back then." Z said those things with a smile on his lips. Tingin niya talaga hero niya si Lawrence.
Lagi kong nabibigo ang mga pangako ko kay Z. Kaya hindi siya umaasa minsan sa mga pangako ko. Pero si Lawrence, kaya siguro ganon na lang ka-attached si Z kay Lawrence kasi hindi niya iniiwan ang anak ko. Kaso, papaano na lang kung malaman niyang iiwan din kami ng Mami niya after two months? Fuck!
"I know. I know, Z." Alo ko na lang sa anak ko.
Tiningala ako ng aking anak, with his pleading eyes.
"Please do something, Daddy, so that my Mami won't leave me or leave us. Please?"
"Z,"
"I'm happy with my Mami Lawrence, daddy."
"But you know that your Mami Lawrence isn't your biological—"
"My Mami Lawrence will always be my Mami." Galit nitong pinadyak niya ang paa sa sahig.
"Okay, okay." Suko ko na rin dahil ayaw kong mag-away pa kami ni Z habang nandirito kami sa probinsya. Sapat na ang problema ko kay Lawrence. Ayaw ko na pati kay Z magkalamat pa ang relasyon naming mag-ama dahil kay Lawrence.
At muling pumasok sa isipan ko na hindi ko nga pala alam kung nasaan si Lawrence.
"Apo! Akala ko nagpapahinga ka sa taas! Pumunta rito ang kababata mo, si Dessa." si Lola na siyang biglang dumating. Dessa is a very good friend of mine. Siya lang ang may lakas loob noon na lumapit sa akin nung kabataan namin dito sa probinsya.
Ngunit bago pa ako makapag-react sa sinabi ni Lola nauna na ang sampal nito sa balikat ko. "Ikaw, apo, huwag ka namang maging marahas kay Lawrence. Maawa ka naman doon. Ang liit pa naman ng apo kong iyon."
Kumunot ang noo ko. Marahas? Ang alin? Ang pakikitungo ko kay Lawrence ba ang tinutukoy ni Lola Marcila? Papaano niya malaman?
"La, anong marahas ang pinagsasabi ninyo?" Takang tanong ko kay Lola.
Tiningnan ko si Z na kumapit sa kamay ni Lola Marcila. Magkakampi na sila ngayon, mukhang mga kampon talaga ito ni Lawrence. That noisy bee!
Inirapan ako ni Lola. Shit! Kakakilala lang ni Lola at ni Lawrence pero may virus na siyang nakuha mula sa bubuyog na iyon!
"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na ang totoo, apo! Alam ko naman na walang awa ka talaga minsan at minsan nakakalimutan mong maging gentle kaso huwag naman pati kay Lawrence, apo."
Halos umabot na sa hairline ko ang aking kilay sa pagtataka ko sa mga sinasabi ni Lola ngayon.
"La, I know that I've been rough to Lawrence, but it's not what you think it is!" Giit ko rito kaso inilingan lang ako ni Lola.
Fuck!
"Huwag na, apo, kita ko na ang ebidensya sa ginawa mo kay Lawrence. Buti na lang talaga at may gana pa siyang sumama kay Dessa sa—"
"Sumama? Saan? Saan dinala ni Dessa si Lawrence."
Kita ko ang tawa sa mukha ni Lola kaso inipit niya ang labi upang pigilan ang tuwa niya.
"May disco party doon sa covered court. Ayon sinama ni Dessa kasi akala ko nga nagpapahinga ka sa taas."
"Disco? Sumama si Lawrence, la?"
Taas noong sumagot si Lola. "Oo, mabuti nga at may lakas pa iyon na sumama kay Dessa kahit pinagod mo!"
I want to correct my grandmother, but my mind has already flown to where Lawrence is. I'm not being overdramatic here; I'm just worried because he is my son's nanny, and my son loves him so much. That's why I'm so worried.
"Kanina pa, la?"
"Oo, apo."
"I'll just go after him." saad ko lang bago lumabas ng bahay at tumungo sa garage.
I climbed onto my car and immediately started the engine. Malapit lang naman ang covered dito sa bahay ni Lola, mga ilang minutong drive lang. Sa katunayan ay naririnig pa nga rito ang music na nanggagaling sa disco kaso hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali ng ganito! Fuck this life.
Mabilis akong nakarating sa covered court. Thankfully may bullcap ako sa sasakyan kaya sinuot ko iyon. Habang naglalakad ako tungo sa covered court, napansin ko ang mga taong napapalingon sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at dere-deretso ang lakad ko.
Napabuntong hininga naman ako nang makita ko ang court na punong-puno sa tao. Ano nga ang pinunta ko rito? Why do I do this shits? Why Am I so lame? I want to retract my feet and go home but it feels like my body wanted to stay and look for that damn bee.
Isang marahas na hininga ang pinakawalan ko bago sinuong ang dagat ng tao at sinubukang hanapin ang taong gusto kong makita. It's a blessing that I'm tall for almost the rest of the people inside the court because I can scan the people without that much effort.
My hands on my sides involuntarily clenched to it's limits and my bone on my jaws tightened when I saw Lawrence... grinding and dancing together with Dessa. Dessa even cheered for Lawrence and they caught the eyes of the people around them. I sauntered towards them and just when I reached where they are. I grabbed Lawrence waist. The fucking small waist for heaven's sake.
Lawrence usually wear loose shirts and shorts short, hindi ko siya mapipigilan doon. I know I don't have any rights to dictate Lawrence about whatever he wears. It's just that when I looked at him wearing those fabric irks something inside me. Siguro inis iyon?
And now that I'm holding and feeling his waist under my palms, it's nice... it's nice having his body have as this proximity as mine. Ngayon ko lang nahawakan ng ganito ang waist niya at ang liit!
Niyakap ako nang mahigpit ni Lawrence pero hindi ko siya magawang itulak kagaya ng lagi kong ginagawa sa kanya. Those hawk eyes watching him dance like a pro inside the court boils my blood. I don't like those stares.
Yumuko ako at bumulong sa tenga ni Lawrence
"Let's go." I whispered onto his ears.
Hindi tinanggal ni Lawrence ang pagkakayakap sa katawan ko. Like a tarsier holding for his life onto the branch.
"Paaano si Dessa? Siya ang nagdala sa akin dito. Nilibre niya rin ako."
Kumuyom ang panga ko. May paki pa talaga siya sa mga libre ni Dessa sa kanya?
Kinilabit ko si Dessa na manghang nakatingin sa amin ni Lawrence. The fuck?!
"Uuwi na kami." ani ko sa kaibigan ko na hindi ko pala napapansin kanina.
Piping tumango si Dessa sa amin. She looks stunned at us!
Holding Lawrence's waist, inakay ko siya palabas ng covered court at dinala ko siya papunta kung saan nakaparada ang kotse ko.
"Ayiiee! Bakit mo ako sinundo, honeysurgarplum ko?"
Pumikit ako ng mariin at hindi umimik. Iyang tawag njya sa akin... nabibwesit ako. Maraming callsign si Lawrence sa akin at ni isa no'n wala akong nagustuhan. Pinaiinit niya lang ang ulo ko. Fuck this!
"Alam mo enjoy na enjoy na ako roon. Alam mo na, namiss ko rin kasi ang mga ganto. Namimiss ko amg probinsya." Daldal niya kahit tahimik ako.
I started the engine.
"Saka kanina anb saya kasi chini-cheer ako ni Dessa nang sumayaw ako. Nakakadagdag sa confident at pagka-precious ko."
"Really?" anang ko at sarkastiko iyon.
Ngumuso si Lawrence at tumango. Tang ina! Hindi niya talaga nakuha ang gusto kong iparating.
"Oo! Oo naman!
"If you want attention, I can give it to you."
"Unsa?"
"Don't seek anybody else's attention. I can give you the attention you want."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top