CHAPTER 16
Chapter 16
Mark Lawrence Pov
Paika-ika akong lumabas ng kwarto dahil sa ginawa ni Ultimate Crush sa akin. Hindi ko aakalain na magagawa niya iyon sa kagaya ko. Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko! Char! Alam kong hindi iyon gagawin ng aking iniirog! Ako pa nga siguro ang gagapang sa paanan no'n kapag nagkataon. Walang Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan para sa mga batang mambabasa ang mangyayari sa amin ni Xavier kasi... hindi trip no'n ang precious face ko!
"Apo!" sambit ni Lola Marcila nang makita kong paika-ika. Dinaluhan kaagad ako nito pero ang ngisi sa mga labi ay nakapaskil pa rin. Mukhang nag-aalala si Lola pero may tuwa sa kanya.
"Bakit ka lumabas ng silid? Tapos na kayo ng apo ko sa inyong ginagawa?" Atat na tanong ni Lola.
Kusang umangat ang isang kilay ko sa tanong ni Lola Marcila.
"Anong tapos, 'la?"
Kinirot ako nito sa aking tagiliran. Naku! Gumaganti yata itong si Lola sa sundot ko sa kanya. What if sipain ko ito? Char!
"Doon sa ginagawa ninyo sa silid kanina!" Ngiting aso nitong saad. Ikinawag pa nito ang kilay sa akin! Tsismosa rin pala itong si Lola Marcila. Sinaunang marites at tsismosa!
"Oo, 'la, tapos na po." sagot ko rito. Sumabit kasi ang pendant ng kwintas ni Xavier sa tela ng aking towel at iyon ang ginawa ni Xavier. At, so far so good, natapos na rin naman. Pero iyong pagkabanas ni Ultimate Crush sa akin ay hindi pa yata!
"Talaga, apo?" usisa pa ni Lola.
Gusto yata ni Lola Marcila ng bidyo as evidence para maniwala siya sa sinasabi ko. Sayang hindi ako nakahanda ng camera kanina. Hindi naman kasi ako vlogger na palaging handa yata ang camera nila sa kahit anong sakuna.
Tinanguan ko lang si Lola dahil alam kong hahaba pa itong usapan namin kung magsasalita pa ako.
"Kaya pala pa-ika-ika kang lumabas ng kwarto, apo?"
Nanlalaki ang mga mata ko.
"Haha! Nahulog ako sa kama, 'la!"
Napatakip sa bibig si Lola Marcila.
"A-ang wild n'yo naman apo!"
"Naku, 'la! Iyang apo n'yo po ang kausapin ninyo! Siya po ang marahas sa aming dalawa!"
Sinampal ni Lola Marcila ang balikat ko. "Oh s'ya! Tama na ang kwento, apo! Alam ko namang pribado na ang ibang parte n'yang kwento mo."
Ngumuso ako kay Lola. Siya naman itong tanong nang tanong sa akin. Hayts!
"Marcila nandito si Dessa!" rinig kong tawag ni Lolo Handro sa baba.
Sumabay na ako kay Lola Marcila sa pagbaba niya. Iniwan ko na si Ultimate Crush kasi alam ko naman na naiinis pa iyon sa akin. Care no less, ako sa kanya kasi kasalanan niya naman ang nangyari kanina. Hinahamon niya kasi ako tapos no'ng papakitaan ko na ay takot pala siya! Tsk!
"Mami!" Salubong kaagad ni bibi Zion sa akin.
"Nakapag-rest na po ikaw, mami?" tanong ni bibi Zion. Binuhat ko ito kahit mabigat na.
"Oo, dong! Sobrang resting na ang nagawa ko!"
Pinugpog niya ako ng halik sa mukha. Para namang aso ito. Skin care ko na siguro itong laway ni Zion sa mukha ko!
"Dessa, anong ginawa mo rito?" Naki-tsismis naman ako roon.
Tiningnan ko ang Dessa na mukhang magka-edad lang nung friendship kong si Jewel. Naka-C cut ang buhok nito at may bangs! Ang gara ng ate ninyo! Parang si Dora lang na nagdadalaga!
"Nabalitaan ko kasi Lola na umuwi raw po si Xavier?"
Tumaas ang kilay ko. Another karibal ko ba ito sa pusong ligaw ni Xavier? Nakakabanas na ang daming balakid sa buhay namin ni Xavier! 'Di na ito nakakatuwa!
"Oo, Dessa pero nasa taas pa kasi. Pero..." Binalingan ako ni Lola Marcila at kinamay upang lumapit sa kanila. At dahil mabuti naman ako at puting-puti ang budhi, lumapit ako kay Lola. "Ito pala, Dessa, si Lawrence, ang kasama ng kaibigan mong si Xavier at si Zion."
"K-kaninong anak itong si Zion, lola?" tanong ni Dessa. Oo nga pala, secret lang pala na may anak itong si Xavier. Kahit nga si Wikipedia ay hindi alam ang information na ito.
"Anak ko, bhie!" sagot ko rito.
"Wow! Nice to meet you, Lawrence. At grabe! Ang cute ng anak mo!"
Ngumisi ako ng malaki. Tiningnan ko si Zion na ngiting-ngiti rin habang nakatingin sa akin. Mangha talaga ang alaga kong ito sa ganda ko!
"Pero, Dessa, baka magpahinga pa si Xavier kasi galing sila sa mahabang byahe. 'Di iyong nagpahinga kanina, eh. Nagkwentuhan pa kasi kami at napahaba." singit ni Lolo Handro na akala ko hindi na nag-iexist.
"Oo nga, Dessa." gatong ni Lola.
"Sayang naman po. May disco pa naman doon sa covered court."
Nanlalaki ang mga mata ko. Kaya pala maingay dahil sa disco! Oh my! Na miss ko ang disco! Ito pa naman ang inaabangan ko sa tuwing may fiesta roon sa probinsya.
"Ikaw, Lawrence, gusto mo bang sumama sa akin?" Aya ni Dessa sa akin.
Tumingin ako kina Lola Marcila at Lolo Handro. "Sasama po ako kay Dessa, lola." anang ko.
"But what about me, mami?" Ang hindi ko inintindi na tao ay siya pang aalma sa plano ko.
"Bata ka pa, dong, kaya dito ka muna sa bahay. Pang matanda lang ang lugar na pupuntahan namin ni Dessa." saad ko kay bibi Zion.
"Lagi mo na lang ako iniiwan dito, mami." Paawa nito.
Hinalkan ko ito. "Don't worry bukas mamamasyal tayo! Buong araw tayong magkasama bukas!"
Nagliwanag ang mukha nito.
"Promise?" Itinaas pa nito ang pinky finger.
"Promise!" ani ko.
Mabuti at ganadong-ganado naman si Lola Marcila na itulak ako kasama si Dessa sa disco party. Umaalma si Lolo Handro doon dahil 'di raw alam ni Xavier na aalis pero pinagalitan lang ni Lola Marcila si Lolo. Kakaawa pero under de saya si lolo! At saka bakit kailangang malaman ni Ultimate Crush kung saan ako pupunta? Care no less din iyon sa akin eh!
"Ang puti mo!" Compliment ni Dessa sa akin habang nakasakay kami sa tricycle. Hindi naging maganda ang karanasan ko sa tricycle sa Cebu pero dahil kasama ko naman si Dessa ay naging panatag ako. Ewan ko ba, simula kasi nong na-holdup ako wala na akong tiwala sa mga tricycle. Sumasakay lang ako ng tricycle kapag may kasama.
"Maliit na bagay, Dessa!" ani ko. "Pero, kaano-ano mo pala si Xavier, Dessa? Don't tell me, karibal kita?"
Humagalpak ng tawa si Dessa sa akin. Halos matabunan ng halakhak niya ang music ng disco sa 'di kalayuan.
"Hoy! Barkada ko lang si Xavier! Tropa ko iyon dati, nung mga musmos palang kami. Namiss ko lang kaya pumunta ako kina Lola Marcila. 'Di naman aakalain na ikaw ang bibit-bitin ko sa disco!"
Umirap ako rito. "Siguraduhin mo lang 'yan, Dessa, dahil ako ang magiging kaagaw mo sa pusong ligaw ni Xavier!"
Muling humagalpak ng tawa si Dessa. Adik din ang babaeng ito! Hindi lang pala madaldal si Dora, parang timang din. Tawa nang tawa sa tabi ko!
Pagkarating namin ni Dessa kung nasaan iyong disco party. Pakiramdam ko nasa probinsya namin ulit ako. May mga magdyowa tapos merong iba na naglalandian sa labas ng covered court. May mga nagtitinda rin sa labas ng court ng makakain at inumin.
Kadalasan sa mga nakikita ko ay mga sexy talaga na mga gurls pero 'di pakakabog ang beautyness ko sa kanila. Kahit short shorts lang itong suit ko at simpleng tshirt. Umaangat pa rin ang ganda ko sa kanila. Ngunit sa katunayan n'yan ay hanggang kalingkingan lang ako ng mga gurls dito! They're so, so pretty! Iba talaga ang ganda ng mga taga-probinsya, kagaya ko.
"Pasok tayo mamaya kapag marami nang tao." sigaw ni Dessa sa tenga ko. Pasalamat ang Dora na ito na makasingtangkad kami.
Tinanguan ko lang ito. Dinala ako ni Dessa sa mga nagtitinda ng kwek kwek, tempura, fish ball at iba pa.
"Kumakain ka naman nito, 'no?" aniya.
"Of course!" Baka kung si friendship Jewel ko ay hindi iyon kumakain ng ganito pero ako favorite ko ito. Alam kong 'di healty ang mga ito kaso gusto kasi ng katawan ko.
Nakakatuwa kasi mukhang pera si Dessa, chariz! Yayamanin pala si Dora- Dessa! Puro libre lang ang mga kinain ko at kahit iyong pamasahe ko kanina. Halatang bagong withdraw sa bangko ang kanyang pera, mabango pa eh! 'Di naman siguro niya ito nakaw sa bangko, 'di ba?
"Okay na iyon sa'yo? Baka may gusto ka pang kainin."
"Okay na ako, bhie. Busog na! Pwede na natin itong tunawin sa dance floor mamaya!"
Tumawa na naman siya. Grabe! Happy pill ako ni Dessa.
"But seriously, papaano kayo nagkakaintindihan ni Xavier? Dati kasi ang seryosong tao niya. Tapos ikaw, maingay at makulit. Minsan kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig mo." Natatawang usisa ni Dessa. Umiinom ito sa kanyang soft drink.
"Seryosong tao pa rin si Xavier, bhie. Hindi kami nagkakaintindihan no'n, kung alam mo lang, ako lagi nag-a-adjust doon, eh. Ang sungit din niya kasi, 'no?"
Tumango si Dessa. Agree na agree sa sinabi ko.
"Oo, kahit dati, hindi na talaga approachable na bata iyang si Xavier. Ako nga lang ang matapang na nakipag-kaibigan d'yan. At saka takot ang mga kalaro namin dati d'yan kay Xavier dahil parang kahit anong oras nambubugbog."
Sumipsip ako sa straw ng aking soft drink na nakalagay sa plastic.
"Kahit iyong Kuya Camelot ko tingin niya kay Xavier parang brutal daw na tao."
Tumawa si Dessa.
"Enough with Xavier. Pumasok na tayo sa court at mag-enjoy!" aya ni Dessa sa akin.
Pagkapasok namin sa loob ng covered court, parang lalabas na sa ribcage ko ang aking puso dahil sa lakas ng beat. Parang lalabas na rin ang tutuli ko sa lakas sounds.
Marami nang tao at dikit-dikit na rin ang katawan namin ng mga tao sa loob. Enjoy na enjoy sila.
Hinila ako ni Dessa sa gitna ng court and she started singing, char! Alangan naman kung kumanta ang ate ninyo sa loob ng disco party! Syempre sumayaw! Sanay na sanay si Dessa na sumayaw. May pataas-taas pa siya sa kamay niya sa ere at gumigiling!
Really, I know how to dance. Ang pagsasayaw lang ata ang kaya kong gawin na kampante pero... hindi naman pang disco ang moves ko! Pang sexy dance lang, chariz! Kahit na madilim at nakakalula iyong mga strobe lights, kahit papaano naaninag ko pa naman si Dessa.
Inilapit ni Dessa ang bibig niya sa aking tenga. "Come on, let's dance!"
Naku! Kapag ako sumayaw baka magsilabasan ang mga tao dito sa covered court at umuwi sa bahay nila. Ayaw kong pakitaan sila sa aking moves!
Kinuha si Dessa ang kamay ko at saka ako ginaya upang sumayaw at igalaw ang katawan sa dagat ng tao.
My feet started to dance with the beat, ginalaw-galaw ko na rin ang aking baywang at sinu-sway ang katawan. Ilang sandali pa ay pinagpapawisan na ako at nasanay na ang katawan na sumayaw. I started to grind kagaya no'ng kay Dessa.
"Woah!" Dessa screamed in blissed nang makita akong gumiling. "Ang lambot ng katawan mo!" sigaw niya. Dahil sa lambot naging bakla! Chariz!
Itinaas ko ang aking kamay at rock my body together with the loud and banging music. Ngunit ang paggiling ko ay natigil nang may humawak sa balakang ko. Awtomatik na tumigil ako sa pagsasayaw at kasabay no'n ang pagnginig ko. Pero nalusaw ang panginginig ko nang lumingon ako at nakita ko si Xavier pala ang humawak sa baywang ko.
Hinarap ko si Xavier. Dahil sa malilikot na strobe lights nakita ko ang pag-igting ng panga ni Xavier at umusli ang ugat ng leeg nito.
"Xavier!" sigaw Dessa sa aking likuran.
Napansin ko na dito sa probinsya nina Lola Marcila, hindi pinagkakaguluhan si Xavier. Kilala lang nila si Xavier at tinatawag ito ngunit hindi sila wild. Saksi ako no'n nung makatungtong kami dito sa probinsya. Kumakaway lang sila. Kaya siguro ito ang lugar kung saan nagpasya si Xavier na mag-unwind. Kampante kasi siyang naglalakad dito na hindi dinudumog ng fans. Immune na siguro sila kay Xavier.
"Let's go home." Malamig nitong wika habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa baywang ko.
"Hey, Xavier. Ako ang nagdala kay Lawrence dito. H'wag mo siyang pagalitan." Umalma si Dessa ngunit hindi ito pinansin ni Xavier.
"T-true the fire ang sinabi ni Dessa, X-Xavier." ako naman, ewan ko lang kung naririnig niya ako dahil sa lakas ng music. Ngumiti ako kay Xavier pero parang naging ngiwi na iyon dahil nanginginig ang mga labi ko. Ang seryoso niya kasi!
Mas naging upbeat ang music kaya naging wild ang mga tao sa loob ng covered court. Nagtatalunan ang iba at sinasabayan pa ng sigaw, dahil doon, nawalan ako ng balanse nang may tumulak sa likod ko.
Sumubsob ang mukha ko sa dibdib ni Xavier at ito naman ay napaatras. Yumakap ang dalawang kamay ni Xavier sa baywang ko.
"Okay ka lang, Lawrence?" tanong ni Dessa sa tabi namin ni Xavier pero ang lakas ng tibok ng puso ko!Alam kong hindi na iyon dahil sa lakas ng music.
Aahon na sana ako mula sa pagkakasubsob ko doon sa dibdib ni Xavier nang magsalita niya.
"Ito ba ang gusto mo?" anito, tiningala ko siya. 'Di ko naman alam na nakayuko pala siya sa akin kung kaya't nagkatinginan kami.
Tinulos ako sa aming posisyon ni Xavier. Naguguluhan ako sa tanong niya. Alin ba ang tinutukoy niya na gusto ko? Na gusto ko rito sa disco? O iyon bang gusto ko ang yakap niya. Mas gusto ko pa kasi ang yakap niya kaysa sa disco.
"X-Xavier..."
"Ito ang gusto mo, 'di ba?"
Nagtagpo ang kilay ko. "Ang mayakap ka?" ani ko.
Gumalaw ang panga nito.
"I mean itong lugar na ganito. Masikip at maingay."
Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ni Xavier.
"Ito ang gusto ko!" ani ko. Biro ko lang iyong yakap ko sa kanya kasi alam ko naman kung gaano ito ka-allergic sa akin. Ngunit nagulat ko nang higpitan ni Xavier nang yakap ang aking baywang.
"Tighten your embrace because I don't like the way other guys look at you right now, Lawrence." Xavier growled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top