CHAPTER 15

Chapter 15

Mark Lawrence Pov

Sinundot ko ang tagiliran ni Lola Marcila nang makalayo kami kina Lolo Handro, Xavier at Zion. Nandito kami kusina at naghuhugas ng plato habang ang mga mister namin ay nag-uusap doon sa dining table. Emz! Masarap din pala itong delulu paminsan-minsan.

"Lola!" pabulong kong tawag kay Lola Marcila na nagsasabon doon sa mga kobyertos. Ako kasi ang tagabanlaw.

"Apo?" Shocks! Pak! Pak! Ganern-ganer! Confirm! C.ON.F.I.R.M like ako ni Lola Marcila para sa kanyang apo na aking iniirog! Hindi niya naman kasi ako tatawaging apo kung hindi niya ako bet-ism para sa apo niyang ubod ng gwapo at sungit, 'di ba? Pakiusap ko lang na sumang-ayon sa akin ang lahat ng deity ng pag-ibig.

"Ang feeler mo, lola, huh! Apo n'yo na po ako?" Pabirong saad ko kay Lola. Kahit malapit nang matabunan ng puting buhok itong itim na buhok ni Lola Marcila ay strong and independent woman ang lola ninyo!

"Bakit ayaw mo ba?"

"Ay, 'la! Gustong-gusto ko po!" Madaling alma ko naman kay Lola. Shocks! Ang bilis namang kausap nitong si Lola!

"Pero ang laking pasalamat ko na ikaw ang nakakita kay Zion, apo. Hindi namin alam kung papaano nakarating ng Cebu ang apo namin. Pero salamat, dahil sa'yo siya napunta."

Bumuntong hininga ako. Sus! Kung alam lang talaga nitong si Lola Marcila na muntik ko nang iwan si bibi Zion doon sa gubat!

"Kaya ba lakas mong maka-apo sa akin, 'la, dahil tinulungan ko si Zion?" ani ko habang natuloy sa pagbabanlaw. Kahit na hindi naman ganoon karami ang hinuhugasan namin ni Lola ay natatagalan kami kasi mabagal ang kilos ni Lola. Understanding ko naman iyon kasi matanda na ang strong and independent woman na lola ninyo!

"Hindi!" At tinampal pa ni Lola ang kamay ko gamit ang kamay niyang may bola! What if buhusan ko rin ng tubig itong si Lola Marcila? Chariz lang! "Sa katunayan n'yan ay gusto kita para sa apo kong Xavier." Humina ang boses doon ni Lola.

Nang dahil sa sinabi ni Lola Marcila, napasilip ako sa kanyang mukha kung seriousness na ito. Baka kasi dyino-joke time lang ako ni Lola. Mahirap na, madali pa naman akong maniwala. Lalo na pamilya ito ng aking ultimate crush.

"Weh? Totoo, 'la? Baka prank lang ito!"

Pairap na tumingin si Lola sa akin bago tiningnan ang aming mga mister sa likod. Shocks! Ang sarap naman sa pakiramdam na tinatawag kong 'mister ko' si Xavier! Ibang iba sa 'Ultimate Crush' lang!

"Alam mo bang may dating nobya iyang apo kong si Xavier, apo?" tanong ni Lola at muli ko na namang naalala si Mareng Kyline ninyo. Dios ko! Kung pagbibigyan akong muli na makaharap ang bruhildang iyon ay uubusin ko na talaga ang rebonded niyang buhok! Nanggigigil pa rin ako sa mukha niya eh! Tsk! Umekstra pa kasi sa love story namin ni Xavier!

"Ay naku, 'la! Kung alam mo lang. Nagkaroon kami ng action film niyang si Kyline!" Tsika ko kay Lola.

"Nag-away kayo?"

Muntik ko nang palakpakan si Lola Marcila nang makuha niya ang ibig kong sabihin! Gusto ko tuloy'ng umiyak dahil gets ni Lola ng mga trip ko sa buhay!

"Oo, la!"

Napa-tsked si Lola Marcila at umiling bago bumalik sa paghuhugas ng pinggan.

"Napunta na rin dito si Kyline, isang beses lang iyon. At alam mo ba kung ano ang nangyari, apo?" ani Lola pero umiling ako. Haha! Grabe naman ang amats nitong si Lola Marcila, tatanungin ako sa nangyari dati, eh, ngayon lang naman ako napadpad sa probinsya nila! Matanda ng naman. Hayts!

"Sobrang arte no'n, apo. Hindi umupo doon sa silya naming gawa sa kahoy kasi sasakit daw ang pwet niyang mukhang hindi totoo. Tapos hindi pa kumain sa handa namin ng Lolo Handro mo kasi hindi raw pamilyar sa kanya ang pagkain namin! Magpapalipas sana sila ng gabi dito ni Xavier kaso pinilit no'ng Kyline na umuwi ng syudad kasi nangangati siya dito sa bahay." Saysay ni Lola Marcila na kina tanga ko naman.

Ha! Kung alam ko lang ang kwentong ito ay baka nilublob ko na sa kanal ang mukha ni Kyline no'ng nag-away kami! Kulang ang salitang arte sa bruhildang iyon!

"Sobrang saya ko nga nang makita ko na iba ang kasama ng apo ko!" Humagikhik pa si Lola sa akin.

"Pero, 'la, bakla po ako. Bet n'yo pa rin ba ako para sa apo ninyo?" Alanganing tanong ko kay Lola.

Kasi naman, kadalasang mga tututol sa mga ganito ay ang mga matatanda! Hindi kasi sila bukas sa mga ganitong bagay.

"Nako! Kung hindi kita gusto para sa apo kong si Xavier ay pagsasamahin ko ba kayo sa iisang kwarto?"

Kinuha ko ang kamay ni Lola Marcila ay itinaas iyon upang mag-high five kaming dalawa.

"Talaga, 'la? Bet ninyo ako para kay Xavier? Promise? Mamatay man si Kyline?"

Bumulanggit nang tawa si Lola Marcila dahil sa sinabi ko. Napasilip ako sa mga mister namin na nagtataka rin sa ingay namin ni Lola.

Muli kong tiningnan si Lola.

"Mamatay o hindi si Kyline, apo. Ikaw ang gusto ko para kay Xavier! Bakla ka man o hindi, babae ka man o ano, ikaw ang bet ko! Hindi naman hadlang ang kasarian ng isang tao, para sa akin, apo, kung tunay silang nagmamahalan. Walang pinipiling kasarian kung tunay at tumibok na ang puso mo para sa isang tao." Nakangiting wika ni Lola.

Gusto kong lumipad sa himpapawid dahil sa tuwa! Hindi lang dahil bet niya ako kung hindi dahil sa lawak ng isip ni Lola. Nakakatuwa!

"Salamat, 'la!"

"Hay naku! Hindi mo dapat 'yan ipinagpapasalamat, apo. Kasi may mga tao talagang ipinanganak na lalaki pero babae sa loob. Ang iba naman ay nadi-develop sa paglaki nila." Saysay pa nito.

Mangha akong napailing kay Lola Marcila at napapalakpak!

"Ikaw na, Lola Marcila! Sa'yo na ang korona ko!" anas ko at kunwari ay kinuha ko ang imaginary crown ko at pinasa kay Lola.

"Wala akong ibang tatanggapin dito sa bahay na mapapangasawa ng apo ko kung hindi ikaw lang, apo!" ani Lola.

Dahil doon sinet-up namin ni Lola si Xavier at nagkaroon kami ni Xavier ng shotgun wedding! Charz! Walang same sex marriage sa Pinas! Pero kahit meron hindi naman tanga itong si Ultimate Crush para patulan ako!

Natutuwa ako sa mga sinasabi ni Lola Marcila ngunit alam ko naman na hanggang salita lang naman ang mga iyon kasi alam ko naman na pang two months lang ang beauty ko dito sa buhay ni Xavier. Pero hindi ko iyan sasabihin kay Lola Marcila.

Pagkatapos no'n ay nagpahinga muna ako dahil napagod din talaga ako sa byahe namin. Buti nga may energy pa akong tulungan kanina si Lola sa paghuhugas. Hindi ko muna diniskarga ang mga dala kong damit, kita ko rin naman kasi na nasa bag pa ni Xavier ang mga gamit niya.

Humiga na lang ako sa kama, kama na pagsasaluhan namin ni Xavier mamayanag gabi! Emz! Si Xavier ay hindi ko kasama ngayon kasi nag-uusap pa sila ni Lolo Handro sa labas. Understanding ko naman iyon since matagal silang hindi nagkita. And as for my bibi Zion, ayon, doon natulog sa kwarto nina Lola Marcila.

Nang magising ako feeling ko, full charge na ang battery ko sa katawan. Nahagip ng mata ko ang orasan at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang bilog na orasan na nakasabit sa dingding, alas siete na nang gabi!

Nilibot ko ang paningin ko sa silid at wala si Xavier, pero ang bag nito na nasa kama kanina ay wala na. Dali-dali akong kumuha ng towel sa bag ko at tumungo sa banyo ng silid. Syempre dala ko rin ang maliit at transparent kong purse dahil nandon ang skincare ko. Thankfully, may banyo dito sa kwarto namin.

Mabilis lang din akong naligo at nagskin-care sa loob ng banyo. Of course, para kabog ng beautyness ko ang mga tao dito! Mahirap na! Alam kong maganda na ako pero mas mabuti nang may panangga sa mga hazards.

Pakanta-kanta ako nang lumabas sa banyo at pakiramdam ko ang fresh-fresh ko na. Mas presko pa sa isdang nakuha sa dagat ng mga mangingisda.

Ang towel lang ang nagsisilbing panakip ko sa aking katawan, yakap ng itim kong towel ang aking maliit na katawan habang naghahalungkat ako ng maaari kong isuot nang biglang bumukas ang pinto.

Patalon akong napalingon doon at laglag ang panga ko nang makita ko si Xavier.

"Damn!"

"X-Xavier!"

Sambit naming dalawa ni Xavier.

"The hell!" Muli nitong mura.

"M-magbibihis lang ako! Huwag kang titingin." anang ko at tinuro ko pa ang lalaki na para bang gagawan ako nito nang masama. "Huwag kang mambuso! Virgin pa ako!"

Ang kunot sa noo ni Xavier ay mas nadepina matapos ko iyong sambitin.

Muli akong napatalon nang padarag na isinara ni Xavier ang pinto at saka siya pumasok sa kwarto namin!

"Alin ang bubusuhin ko sa'yo? May makikita ba ako?" Pang-aasar niya sa akin at hinagod ng tingin ang buo kong kaluluwa!

Napayakap ako sa aking dibdib. "M-may pwet ako! May dibdib!" Pagmamalaki ko.

Umupo si Xavier sa fully furnished na upuan na siyang gawa sa kuwayan. Para siyang senyorito doon na nakaupo habang naka-cross legs. Akala talaga nitong si Xavier ay maiinggit ako roon sa mahaba niyang binti! Mas bet iyong nakatago sa gitnang hita niya! Charz!

Tinaasan niya ako ng kilay habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa akin. Mapang-asar nitong sinasalubong ang mga titig ko sa kanya at muling pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan! Uminit ang tenga at leeg ko dahil sa mga titig ni Xavier sa akin! Para niya kasi akong hinuhubaran sa paran ng mga titig niya sa akin.

"Nasaan ang sinasabi mong dibdib at pwet d'yan?" asar pa talaga nito sa akin at ngumisi.

Inis kong binaba ang aking kamay. Hinahamon ba ako ni Ultimate Crush? Pwes humanda siya sa ganti ng isang Mark Lawrence!

Nagmartsa ako tungo sa kanya. Kita ko ang paggalaw ng kilay nito na mukhang nagtataka sa akin o baka nawi-wirduhan. Tumigil ako nang ilang hakbang na lang ang layo naming dalawa.

"Ano? Gusto mo bang ipakita ko sa'yo?" Taas noong anas ko at hinawakan ang towel ko at handa na itong hubarin sa harap niya.

Mabilis na umiwas ng tingin si Xavier at saka pumikit ng mariin.

"Ano? Huwag kang pumikit nang makita mo ang hinahanap mo!" Hamon ko pa pero hindi naman talaga totoo ang mga sinasabi ko rito. Wala naman talaga akong dibdib at pwet na tulad no'ng kay Toni Fowler. Puro at walang halong kimikal itong ganda ko.

"Fvck, Lawrence!" Inis na nitong wika at mariing pumikit.

"Huwag kang pumikit! Tingnan mo ang hinahanap—"

Namatay ang boses ko nang marahas na tumayo si Xavier at saka lumapit sa akin. Napaatras ako nang umiigting na ang panga nitong nakatitig sa akin. Umatras ako ngunit umabante naman ito papalapit sa akin!

'Mama Aubrey, isusuko na ang pearl of the orient, ma!' hiyaw ng utak ko!

Sa isang iglap ay nagdikit na ang katawan namin ni Xavier.

"He. Hehehe! B-biro lang iyon, honeysugarplum ko!" Nanginginig na ng boses ko. Siguro dala ng kaba at takot ngayong nagtatagpo ang kilay ni ultimate crush.

"Show me." He said eyeing my poor body na malayong-malayo sa katawan ni Toni Fowler.

"H-hehehe! Show me n-n-ng alin?" Nangatal ang boses ko.

Umangat ang sulok ng labi nito at ang hininga ng lalaki ay tumatama na sa mukha ko. Umaatras ako pero umaabante naman si Xavier. Hanggang sa tumama na ang binti ko sa kama.

Without taking his eyes off me, Xavier licked his bottom lip with his tongue. Oh my goodness! Straight English ko ngayon!

Lumuwa ang mata ko nang hawakan ni Xavier ang towel na siyang suot ko lang ngayon!

I clumsily hugged the towel that was covering my body and took a step back. Pero maling galaw pala iyon dahil wala na akong aatrasan at nawalan ng balanse ang katawan ko.

Tila tumigil sa pag-ikot ang aking mundo nang unti-unti na akong matumba. Nangangapa ako ng makakapitan pero walang makapitan ang kakawang sarili ko hanggang sa iabot ni Xavier ang isang kamay sa akin. Pero nang hawakan ko rin ito ay natumba rin si Xavier kasunod sa akin.

"Fvck!"

"Ahh!"

Daing namang dalawa ni Xavier pero mas masakit ang katawan ko dahil naglanding si Xavier sa ibabaw ko.

"Fvcking shit!" Crispylicious na mura ni Xavier sa ibabaw ko at aahon na sana nang magkasabid-sabid ang kanyang kwintas sa tela ng towel ko.

Marahas itong huminga at galit na tumingin sa towel ko.

"Take it off!"

"Huh!?" Takang sambit ko. Gusto niya pa bang makita ang dibdib at pwet ko? Pwede naman pero sana dahan-dahanin niya ako! Virgin pa kasi ako!

"I said, take it off! The towel!" Malakas niya wika.

"A-ayaw ko!" Syempre papakipot ako 'no! Ultimate crush ko ito kaso binibini kasi ako! Hindi ako hihiga sa kama at ibubuka ang hita ko kahit crush ko pa si Xavier! It's a no, no, no!

"The fvcking hell! Just take it off!"

Ngumuso ako. Grabe naman makatawag ng demonyo itong si Ultimate Crush.

"A-yaw ko! Huwag po!" sigaw ko at nag-aagawan na kami ni Xavier sa towel ko. Sinasangga ko ang kamay nitong nais hubarin ang aking towel!

"Apo— ay!"

Sabay kaming napalingon ni Xavier sa pinto na bukas na at nandon si Lola Marcila na laglag ang pangang nakatingin sa amin ni Xavier.

Ngumiting aso si Lola Marcila sa amin ni Xavier at napatakip sa bibig. Inabot nito ang busol ng pinto.

"Wala akong nakita mga apo. Sige ituloy n'yo lang iyan! Hihihi!" Pakanta pang saad ni Lola Marcila at sinara ang pinto.

Tulala ako doon sa pintuang nilabasan ni Lola Marcila at dahil doon, kinuha ni Xavier ang pagkakataong iyon upang tuluyang agawin sa akin ang aking towel.

Tumalbog ang katawan ko sa kama nang hablutin niya ang towel sa akin at saka nito itinulakbong sa aking katawan ang bedsheets ng kama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top