CHAPTER 13

Chapter 13

Mark Lawrence Pov

"Hindi ba talaga natin pwedeng pilitin? I said, I like you. I know it's not enough at alam kong imposible na maniwala ka kaagad dahil sa mga ginawa at mga masasamang nasabi ko sa'yo. Pero... sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sa'yo kung gaano ako ka-desido at seryoso sa'yo, Lawrence." Ang wika ni Xavier sa akin habang nakahawak sa libre kong kamay.

Seriousness! Nanlalamig ang mga kamay ko, nanginginig, at tila dinuduyan ako sa ulap habang nakatingin kay Xavier. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin dito sa labas ngayon. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkaseryoso, pagpapakatotoo, at ang kanyang katapatan. Ang lalim ng titig ni Xavier sa akin ngayon ay kagaya ng gabing tahimik, nakakapanatag pero dala rin ang isang panganib. Emz! Kaya hulog na hulog ako rito, eh!

Wari'y nakalimutan ko kung papaano magsalita sa sobrang lunod ko sa mga titig sa akin ni Xavier. Hindi na rin magkamayaw ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Halos masinok na nga ako.

"A-Ahh... huwag mo nang ituloy ang binabalak mo, Xavier. May mahal na akong iba." Ganti ko rin naman dito. Pilit kong tinitigasan ang aking boses at maging seryoso kaso para na akong nakikiliti rito.

"Just... just give me a chance, Lawrence. Hindi ko sasayangin kapag binigyan mo ako ng isang pagkakataon." Pilit pa nito at humigpit ang pagkakahawak sa aking kamay.

Hindi ko na naitago pa ang kilig na aking naramdaman.

"Ahhhh!!! Yes na yes for you, Xavier! Kahit kasal hingin mo forda go na! Magpropose ka lang ako na bahala sa kasal natin!" Pagwawala ko sa harapan ni Xavier at nalukot ng isang kamay ko ang hawak na bondpaper.

Pabagsak na binitiwan ni Xavier ang aking kamay.

"The heck, Lawrence!" Asik niya.

Ako naman ay todo ang ngisi, halos mapunit na ang mga labi sa laki ng aking ngiti. Shocks! Paano kumalma?!

"Ehh! Papaano ako kakalma rito kung ganyan ka sa akin?" Pabebe kong untag dito. 

He rolled his eyes and held out his hand.

Pabebe ko namang inabot ang kamay ni Xavier at pinagsiklop ang aming mga daliri.

"Ay!" Sambit ko sa biglang pagwaksi ni Xavier sa aking kamay.

"The script, akin na ng script."

Ngumunguso kong inabot sa kanya ang script.

"Ang unfair, huh! Matapos kitang samahan dito sa pagsasaulo mo d'yan sa script mo, gagantuhin mo ako? Wala man lang bang kiss d'yan!" Pagpaparinig ko kay Xavier, medyo inartehan ko rin ang aking boses upang kapani-paniwala ako sa kanyang pandinig.

Tamad akong tiningnan ni Xavier.

"Huwag mong gawing biro ang lahat, Lawrence." Aniya.

Lumipad ang kamay ko sa aking dibdib, madamdamin akong napamaang sa lalaki at pinanlakihan ito sa aking mga precious eyes.

"Sino ba nagsasabi sa'yong nagbibiro ako? Forda go! Kiss na!" I said, ngumuso ako kay Xavier at pinikit ang aking mga mata.

I lean forward, nag-waitness ako na dumapo sa aking mga malalambot at masarap na lips ang labi ni Xavier. Ngunit sa kasamaang palad iba ang dumapo sa akin. Ang pitik sa aking noo ang nagpamulat sa akin.

"Ahhw!" Ngiwing sambit ko at napahimas sa aking noo na walang awang pinitik ni ultimate crush.

"Kakasabi ko lang, huwag kang magbibiro." Wika ni Xavier, sumandal siya sa lounger at tumingin sa madilim na kalangitan.

"Kakasabi ko lang din na hindi ako nagbibiro, my daddy, my honey, my loviedubs." Bwelta ko naman rito.

Kita ko ang paggalaw hulamadong panga ni Xavier. Oh my god!

"Ganyan ka ba?"

"Huh?"

Umirap siya sa akin. Shocks!

"Ganyan ka ba, nagbibiro ka ba sa mga lalaki mo ng ganyan? Nanghihingi ka rin ba ng halik sa kanila?" tanong niya at nagtatagpo na ang kilay.

"Ha! Ha! Hahahaha! Hindi 'no! Maarte kaya ako kahit hindi halata! Saka anong mga lalaki?" Matigas ko namang tanggi kay Xavier.

Nagkibit lang siya sa kanyang malalapad na balikat. Emz! Pwedeng-pwede na akong kumapit doon! Lalambinit na tila isang magandang prinsesa!

"Ikaw lang. Ikaw lang naman ang gusto kong halikan." Ani ko sa mababang boses, ewan ko kung nakarating ba mga sinabi ko sa kanya.

"I'm your celebrity crush. That's it right?"

Ngumunguso akong tumango sa kanya.

"Kung hahalikan kita titigil ka?" Sunod na sabi ni Xavier.

Bigla akong sininuk sa sinabi ni Xavier, naghintay ako kung may pahabol ba siyang joke doon sa kanyang sinabi ngunit wala na. Seryoso lang na nakatitig sa akin ang nga tila pagod na mga mata. Nakakahumaling pa ang kanyang mga mata na pinapatingkad ng buwan na nagre-reflect sa pool.

Yawa! Mao nani? First kiss ko na ba ito? Bibigay na ba ako? Iti-text ko ba si Mama Aubrey na isusuko ko na aking kabataan? Gosh!

Umurong ang lahat sa akin, parang tinakasan ako ng aking tapang at nang aking guts!

Mama! Muntik na akong mapasigaw kasabay ng pag-alpas ng aking damdamin sa kakaibang ritmo.

At nang tumayo si Xavier mula sa kanyang kinauupuan ay tila mas natuod ko sa aking pwesto. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Wari'y magpapakain lang kung kakainin!

Nanlalaki ang aking mga mata nang itungkod na ni Xavier ang kanyang isang kamay sa sandalan ng lounger kung nasaan ako.

Dahan-dahan ay ibinaba ni Xavier ang mukha tungo sa akin. Ang kanyang mababango at maiinit hininga ay tumatama na sa aking mukha.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at naghintay sa paglapat ng mga labi ni Xavier sa akin. Ganito naman ' di ba? Ganito naman ang ginagawa ng mga naghahalikan sa TV? Pinipikit nila ang kanilang mga mata upang hindi nila makita ang muta ng isa't isa?

Halos makutos ko ang aking sarili? How come hindi man lang ako nakapaghanda para dito? Sana nakapag-mouthwash ako at nakapagpabango sa aking precious self.

"Shut it!" bulong ni Xavier sa aking tenga.

At muli ang pitik sa aking noo ang nagpamulat sa aking mga mata! And when I open my eyes, bumungad sa akin ang nakangiting si Xavier. He was smiling from ear to ear, showing his pang commercial na mga ngipin.

"Let's sleep," aya ni Xavier habang aming mga mukha ay magkalapit pa rin sa isa't isa.

Dahil sa inis ko kay Xavier, ikinulampit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at saka ko ito tinangkaang halikan ngunit malakas din si Xavier.

Sinusubukan kong idiin ang aking mukha sa kanya ngunit si Xavier naman ay tinutulak ang aking mukha palalayo sa kanya. Ayon tuloy mukha na kaming nagwre-wrestling sa isa't isa rito sa tabi ng pool.

"Shut it, Lawrence! Mark Lawrence shut it!" Matigas na wika ni Xavier habang hawak-hawak ako sa aking nguso.

Ngumisi ako.

"Isang kiss lang!" Birong pilit ko rito. Masyado na kasi siyang nakakarami sa akin. Ultimate crush ko si Xavier Faleiro pero hindi naman makatarungan na binibiro niya ako, pinipitik, at pinapagalitan dahil lang sa suot ko. Hindi nga ako napagalitan ni Mama Aubrey o ng mga kapatid ko tungkol sa aking pananamit, tapos siya na crush ko lang ay anlakas ng tupak sa ulo.

Lihim akong napangisi dahil sa inis na gumuhit sa mukha ni Xavier.

Ngingiting tagumpay na sana ako nang biglang pakawalan ni Xavier ang aking nguso at saka humawak ang dalawang kamay nito sa aking magkabilang pisngi at walang anu-ano'y siniil ako ng halik!

Right there! Right here! At Right Now by One Direction, bumagsak ang aking mga kamay, na wari'y nawalan ng lakas.  Bukas ang aking mga mata at tila tumigil sa pag-ikot ang buong daigdig nang totoo ko nang maramdaman ang mga labi ni Xavier sa aking mga labi.

"Fuck!" Mura ni Xavier at saka pinakawalan ang aking mukha.

Tulala ako habang hawak ang aking mga labi na natikman na ni Xavier. Nakaalis na si Xavier at naiwan na kong mag-isa rito sa poolside pero ang laman pa rin ng utak ko ay ang first kiss ko.

Sa gabing iyon hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa aking kwarto. Ang bilis ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Akala ko kasi dadaan pa kami ni Xavier sa holding hands, yakap, at landian pero dumeretso kami sa kissing scene.

"Ahhh!" Tili ko nang maalala ko na naman ang first kiss ko.

"Mami are you okay?" tanong naman ni bibi Zion sa akin na nagbubungkal ng lupa.

Vacay na vacay ang feels namin ni bibi Zion pero nandirito lang kami sa big brother house ng daddy niya na pwede ko rin maging daddy! Emz!

"Ayos na ayos na ako, dong. Pwede na nga akong umuwi ng Cebu dahil nakuha ko na ang pakay ko rito!" Masayang saad ko na kina simangot naman ni Zion.

Natampal ko ang aking bibig dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas dito.

"Char lang iyon, dong. Biro lang iyon ni Mami! Hehe!" Bawi ko rin naman sa sinabi ko. Ang hirap biruin ng mga taong seryoso!

"Pak! Pak! Ganern-ganern, mami?" Namumula at umaamba na ang mga luha sa kanyang mga mata pero nagawa nita pa rin sabihin iyon! Aish! Kaya ako nalilintikan ng ama nito, eh!

"Oo, dong! Pak! Pak! Ganern-ganern!" Sakay ko rin sa kanya.

Pero honesty is the best policy lang kapag naiisip ko na uuwi na ako ng Cebu ay nalulungkot ako. Napalapit na ako ng husto kay Zion tapos pinapaasa ko pa. Alam kong masasaktan ko ang bata dahil sa ginagawa ko pero dapat ding sisihin ni Zion dito ang kanyang daddy. Kaso kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko na dadaan lang ako sa buhay ni Zion. Dadaan lang ako sa buhay nilang mag-ama.

Huminga ako ng malalim at saka ko niyakap si bibi Zion. Pipi akong napabulong ng mga paumanhin sa kanya.

In two weeks babalik na ako sa aking pag-aaral. Magiging busy na naman ako nito kaya baka maibsan itong bigat ng dibdib ko.

Hayts! Ang hirap maging bida-bida sa buhay!

---

"Hoy! Lawrence!"

Napalundag ako sa tawag ni ateng Arianna Granada sa akin.

"Ano ka ba, Arianna! Muntik na kitang mabato nitong tinidor na hawak ko!" Daing ko naman sa babaeng FC sa akin as in Fan Co! Charz!

"Tulala ka kasi d'yan, akala ko kung napano ka na." Aniya at umupo ito sa katabing upuan ko.

Binagsak ko ang aking mata sa bowl ng prutas na nasa harapan ko.

"May iniisip lang ako."

"Like, ano? Ano ang mga iniisip mo?" Usisa ni ateng.

Hindi rin halatang chismosa ang babae! Pati iniisip ko gusto na niyang malaman.

Umirap ako at tumusok ng isang slice ng apple. Nginuya ko iyon bago sinagot si Arianna.

"Iniisip ko lang ang mama ko sa probinsya, ang kuya ko, at si Zion."

"Huh? Araw-araw mong kasama si Zion, Lawrence."

Ngumuso ako. "Araw-araw kong kasama pero papaano kong aalis na ako rito."

"Huh? Aalis ka?" Gulat na sambit ni Arianna at natampal pa ang aking braso.

Piste kasakit!

"Oo, ateng! Paulit-ulit ah!" Reklamo ko.

"P-pero kasi... hindi mo naman nabanggit iyon sa akin. Saka bago ka palang na yaya ni Z. Mukha namang maayos kayo ni Sir Xavier, Lawrence. Bakit ka aalis?"

Binalingan ko si Arianna at nakita ko na napapalabi si ateng.

"Dahil pang two months lang ng beauty ko ditey!"

"Huh?"

Ang slow!

"Basta... aalis din ako rito pero huwag mong sasabihin kay Zion lahat ng pinag-usapan natin ngayon, Arianna." Wika ko.

Napatalon ako nang yakapin ako ni Arianna.

"Mamimiss ko ang bibig mo, Lawrence."

Itinulak ko ang ulo ni Arianna papalayo sa akin gamit ang isa kong daliri.

"'Di ikaw ang inaasahan kong yayakap sa akin ng ganito, oi!" Natatawang saad ko pero sumimamgot lang si Arianna sa akin.

Kinagabihan habang nagsasagawa ako sa aking nightly routine, may kumatok sa aking pintuan. Naglalagay ako ng facemask sa aking mukha para mas maging precious pa ito pero iniisturbo ako ng kung sino.

Tamad kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto ngunit muntik nang malaglag ang facemask na nakadikit sa aking mukha nang bumungad sa akin si Xavier! Nanlalaki rin ang kanyang mga mata nang makita ang ganda ko pero kaagad naman na nakabawi.

Base sa kanyang suot ay kararating lang ng lalaki! Sheyt! Ang yummy niya pa rin kahit mukhang pagod!

"Pack your things aalis—"

"Ops! Para! Wala pang two months, Xavier! Hindi porket nagkiss na tayo ay papaalisin mo na ako." Singit ko sa kanya.

Napabuga si Xavier ng isang malalim na hininga.

"Let me finish, okay?"

Napanguso naman ako.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero nakatingin lang ito sa mukha ko... partikular sa aking... mga labi! Shems! It's been two days since that eventful night pero parang wala lang iyon kay Xavier. Ako lang itong affected masyado, siguro dahil ultimate crush ko siya. O baka dahil artista siya kaya magaling magkunwari? O baka rin dahil wala na lang talaga sa kanya ang mga ganoon dahil sa work niya? Aish! Nakaka-istres siya sa aking precious face.

"Pack your things 'cause we will be going to my grandparents place." Xavier said.

"Date!" Pag-arte ko at napatalon sa tuwa kaso kaagad din namang hinila pababa ni Xavier ang aking tuwa.

"No, matagal na akong hindi nakakadalaw doon and since Z seems bored here pupunta tayo doon for leisure na rin." Explain ni ultimate crush.

I felt my cheek slowly burning down. Akala ko date na namin. Emz! Syempre pinapaasa ko kasi sarili ko.

"Sige, pero mga ilang days tayo doon?"

Tumaas ang ilang kilay ni Xavier.

"Five days only."

***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂

~Merry Christmas, Engels! Sana nagustuhan ninyo ang update. Hehe, tumatanggap po ako ng xmas gift thru gcash.
— 0910 454 1976

- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top