CHAPTER 12
Chapter 12
Mark Lawrence Pov
Ngumuso ako habang sinisipat ko ang aking suot sa full body mirror dito sa aking closet. Oo, closet kasi bonggang-bongga ang silid ko rito sa big brother house ni Xavier.
Sa totoo lang hindi pa naka-move on ang utak ko sa sinabi ni Xavier sa akin kagabi. I mean, pinagalitan niya pala ako kagabi. Na-hurt ng very, very slight ang heart ko roon. Hmm, slight lang muna kasi wala pang karapatan. Emz! So, ayon na nga na-hurt ako ro'n sa mga sinabi ni Xavier at hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya na nags-short shorts ako. 'No pakels niya? Kaya naman ngayon ay nagshort shorts na naman ako with matching oversized t-shirt na may printang 'WDYC' abbreviation sa 'why do you care!?' Sasampal ko 'to sa gwapong mukha ni Xavier!
Ngayon kasi ay finally matutuloy na ang meet-up namin ni kuya Carl. Excited na excited na ako dahil matagal ko na rin kasing hindi nakita si Kuya. I miss him so much!
"Pak na pak ang ganda ko ngayon!" Eksaherada ko sa harap ng salamin at tinampal-tampal ang pisngi upang lumitaw ang natural na pagka-pinkish doon. Pak! Hinigitan ko pa ang ganda ni Kathryn Bernardo!
Lumabas ako sa silid at kahit na gulong-gulo pa ang utak ko sa inasta ni Xavier no'ng nakaraang gabi, fresh na fresh pa naman ako now. Kinulang ako sa tulog at lahat-lahat na ngunit gumising pa rin akong pretty at fresh ang aking precious face. Palong-palo ang ganda ko ngayon. Naf-feel ko kasi siya. Ganito talaga siguro kapag pinagpala ka.
Ngunit ang ganda ng aking gising ay napalitan pagkagusot sa aking mukha nang magkasalubong kami ni Xavier papasok sa dining area.
Tamad na tamad ang mukha ng aking ultimate crush. Mukhang nagising sa maling bahagi ng kanyang California King Bed by Rihanna.
Ang aking walang ka-wrinkles-wrinkles na noo ay nagusot nang makita ko itong hindi pa nakahanda sa kanyang trabaho- nakapambahay lang si Xavier. Suot niya ang isang simpleng grey sleeveless shirt, cotton shorts, at nakatsinelas lang. Emz! 'Bat ang gwapo-gwapo ng ultimate crush ko kahit na ganito lang ang suot niya? Tsk! Kahit yata basahan ay babagay sa kanya. Dagdag points din sa akin ang kanyang batak na batak na muscles, huh! Sarap kurutin, ang sarap lumambinit doon.
Ngumiti na lang ako kay Xavier kahit may hinanakit pa ako sa kanya mula kagabi. Bumabawi kasi ang datingan niya ngayon sa akin. Kaya kahit na hindi siya nags-sorry, pinapatawad ko siya.
"Magandang umaga, Xavier, my daddy, my honey, my loviedubs!" Hundred one percent kong bati kay Xavier.
At dahil si Xavier Faleiro siya na aking ultimate crush, tinaasan lang niya ako sa kanyang isang kilay at pinasadahan ng isang matalim na tingin ang aking outfit for todayz video! Hulaan ko, gandang-ganda na naman 'to sa akin, seksing-seksi na ako nito sa kanyang mga mata, ayaw lang niya aminin. Well, baka kasi takot lang 'to umamin. Babysitter lang kasi ako na pang-two months lang.
"What did I tell you last night?" Istrikto niyang tanong sa akin. 'Di man lang aki binati ng 'good morning'.
Napakamot ako sa aking batok. Ano 'to? Surprise quiz sa nirat-rat niya sa akin kagabi?
"Sorry, next question," hilaw kong saad kay Xavier.
Napasinghap ito at napahilamos sa kanyang palad. Tila nakukunsumi na sa akin.
"Saan ang lakad mo at ganyan ang suot mo?" aniya, pointing my very nice outfit.
"Ah, d'yan lang sa labas. Magkikita kami ng kaptid ko. Alam mo na. Nagw-work dito si Kuya Carl pero hindi man lang kami nagkikita. Baka umuwi na akong Cebu at 'di man lang kami nagkita. Kaya naman kukunin ko na ang opportunity na ito na magkita kami ni Kuya. At saka huwag kang humadlang kasi aalis ako kahit ayaw mo." Wika ko kay Xavier, hiningal ako roon, ah. Hindi talaga bagay sa akin ang speech-speech na iyan. Nakaka-stress sa split-ends ng aking buhok.
"Saan?" tanong ni Xavier at nagtatagpo na ang kilay. Hay! Ang gwapo talaga kahit galit na galit na.
Kaya crush na crush ko, eh.
Ipinakita ko sa kanya ang text ni Kuya Carl sa akin.
"Sa isang restaurant lang, ayan ang text ni Kuya sa akin pati ang address. Magta-taxi na lang ako tungo ro'n since 'di ko alam ang daan-"
At dahil walang hiya rin minsan itong si ultimate crush, pinutol niya ako.
"I will take you there."
"Bongga ka d'yan! Makakatipid ako! Thank you, daddy, honey, loviedubs ko!"
"Shut up! Don't call me that way it gave me chills!" Maarteng wika ni ultimate crush at saka ako iniwan.
Naipadyak ko ang aking paa sa sahig at napasuntok sa ere. Akala ko hahayaan na niya akong tawagin siyang ganoon.
After our breakfast, kinuha ko na ang aking maliit na bag na cellphone lang ang laman.
"Mami, where are you going po? Can Dong tag along po?" Ang kulit sa akin ni Zion nang makita niya akong palabas ng main door.
Ginoo ko! Sana pala sa back door na lang ako dumaan.
"Gagala muna si Mami, Dong," ani ko.
"How about me, Mami?" tanong ni Zion na tila ba iyon ang malaki niyang problema.
Og mabiyaan lagi ko aning Xavier, sala jud ning Zion!
"Diri raka, Dong. Maiiwan ka rito."
"Mami,"
"Sabi ko, dito ka lang. Sandali lang naman si Mami."
Tumalikod ako upang makita si Zion sa aking likuran pero ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita ko itong namumula na ang mga mata at lumalabi. Wari'y pinipigilan niya ang luhang nagbabadyang umagos.
"D-Dong." Lumuhod ako. "Hindi naman aalis si Mami, Dong. Kikitaan lang ni Mami ang kanyang Kuya. Babalik din ako kaagad."
Hindi ito nagsalita at nang tumulo ang kanyang luha ay kaagad niya itong pinalis.
Aish! Nagpapakonsensya pa talaga sa akin!
"Z!"
Ako ay napalingon nang marinig ang baritong boses ni Xavier, my daddy, honey, and loviedubs!
"Daddy," mahinang usal ni Zion.
Para akong timang na nakangiti habang naglalakad si Xavier tungo sa amin ni Zion. Amp! Ka-gwapo jud oi! Halatang 'di magiging akin!
"You want to come along?" saad ni Xavier kay Zion.
Nagpakyut din si Zion sa ama niya at tumango.
"Ay?" Alma ko sana kaso sumingit naman si Xavier.
"Okay," si Xavier at saka binuhat si Zion tungo sa kanyang kotseng nakaparada.
"Oi! Kikitain ko lang naman ang kuya ko, Xavier. Hindi niyo naman kailangang sumama." Wika ko habang hinahabol ang mahahabang hakbang ni Xavier! Ginoo ko!
Pumasok ako sa kotse at sinuot ang seatbelt. Hingal ako, ah!
"Lalabas na lang din kami ni Z." si Xavier at binuhay ang makina ng kotse.
"Ay, doon din sa pupuntahan ko? Naku! Naku! Naku! Makikilala ka ng mga tao ro'n, Xavier!" Awat ko.
Dahan-dahan ay umusad na ang kotse.
"I rented the whole restaurant." aniya.
"Huh!" Gulantang ko.
"I did rent the whole place," walang gana niyang sagot sa akin.
"Huh!?" Ulit ko na naman kahit na gets ko naman.
Bumaling sa akin si Xavier at para bang sa paraan ng pagtitig niya ay sinasabi niyang, 'Tanga ka ba? Bingi ka ba?'
"Ito naman. Jokie, jokie lang." Nagpeace sign pa ako sa kanya, baka sakaling ma-fall sa akin.
Napailing na lang si Xavier dahil sa kalokohan ko at humingang malalim.
"Mami, si kuya Camelot po ang kikitain natin?" tanong ni bibi Zion sa akin nang nasa kalagitnaan kami sa aming joyride.
Tumingin ako sa rear view mirror at inilingan ang aking bibi.
"Dili, dong. Si kuya Carl ang kikitain ko." Ani ko naman.
"I wanna meet him po, Mami." Ngising-ngising untag ni bibi Zion na para bang gustong-gusto kong kasama siya, charot!
"Pwede rin, dong kung papayagan ka ng daddy mo." Parinig ko kay Xavier.
"Why not?" Sabad naman ni Xavier.
"Yey! Thanks..." Si bibi Zion pero humina rin ang kanyang boses. "Thank you... daddy."
"Be a good boy, okay?" Ngiting wika ni Xavier kay bibi Zion.
"Yes, po."
Habang nasa byahe kami ni Xavier at Zion, hindi ko maiwasang hindi mag-ilusyon. Para kasing one happy family kami ni Xavier at Zion tapos syempre ako ang magandang ina sa aming pamilya.
Napatili ako sa sariling ilusyon at nagulat naman doon ang mag-ama.
"What the heck!?" Ngiwing anas ni Xavier.
"W-wala, hehehe!"
"Tsk!"
---
Pagkarating namin sa aming destination ay napa-wow na lang ako dahil hindi pala simpleng restaurant itong pinuntahan namin.
"Sure kang ito iyon, Xavier?" Paniniguro ko habang karga si Zion.
Inayos ni Xavier ang suot na itim na cap at sunod ay ang kanyang face mask. Ayiee! Parang serial killer lang sa mga movie, eh!
"Yeah, nabasa ko sa text ng kuya mo." untag niya.
"Huh?"
"Huh?" May iritang gaya niya sa akin. "Pinakita mo sa akin ang message niya kanina, okay?"
"At naalala mo?" Gulat ko pa ring wika.
I saw how his tongue poked the side of his cheeks.
"Yeah. Now let's get inside."
Ngumuso na lang ako at naunang pumasok.
Binaba ko rin si Zion pagpasok namin. Yumuko pa iyong mga serbidor sa loob ng restaurant sa amin. Pakiramdam ko tuloy para akong Disney Princess. Emz!
"Wala namang ibang tao pero bakit ang OA ni ultimate crush? Bakit may pa mask-mask at cap siyang nalalaman." Usal ko sa sarili, hindi namalayang maisatinig ko pala ang mga iyon.
At napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Xavier mula sa aking likuran.
"Dahil hindi tayo nakakasiguro. Baka may paparazzi or media sa labas. Ayaw kong pagpyestahan ang personal kong buhay sa media." si Xavier.
Hindi ko alam kung nilagnat ba ako o kinumbulsyon bigla dahil pakiramdam ko ang init ng aking katawan. Tumatama kasi ang hininga ni Xavier sa aking batok.
Unti-unti akong lumingon kay Xavier, saglit na nawala sa isip ko si Zion na kasama namin. Doon ko nakita na nakababa pala hanggang sa kanyang ilong ang facemask na suot niya. Talagang pinagmamayabang siya sa aking harapan ang kanyang matangos na ilong. Sheyt!
My eyes lock into his; I feel like I am slowly drowning in his blue eyes. Tila nalulunod ako sa mga titig niya sa akin. 'Di ko alam kung may mali ba sa mga mata ko ngayon o ano, pero parang iba ang pinapakitang titig ni Xavier sa akin ngayon. Parang ang smooth (gentle).
"K-kasali ba ako sa personal mong buhay?" Usal ko mayamaya.
Halos malula na ako sa mga titig ni Xavier sa akin, para kasing hinanapan niya ng pores at blackheads ang aking mukha.
"You are," halos bulong na niyang wika.
Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unting bumaba ang mukha ni Xavier. Gusto ko itong tampalin o hawakan kaso hindi ako makagalaw. Mistulang naging yelo na akong kinatatayuan.
Xavier's nose almost touch mine nang biglang may humawak sa aking oversized t-shirt.
"Mami? Daddy?" si Zion.
Isang hakbang na umatras si Xavier at pareho naming niyuko si Zion. Hawak rin ni Zion ang hem ng t-shirt ni Xavier.
"Yes, Z?"
"D-Dong?" ako at lutang pa rin.
Tsk! Nagkasabay pa kami ni Xavier, pero siya parang wala lang samantalang ako ay tila ginisa na sa init ng nararamdaman.
"Mark Lawrence!" Dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Carl ay tuluyan nang nawala ang atensyon ko kina Xavier lalo na nang hilahin na ako ni Kuya tungo sa aming table.
"Kumakain ka ba, Rence?" Ang tanong ni kuya sa akin.
Madrama akong humawak sa aking dibdib.
"Grabe ka naman sa akin, kuya. Kumakain naman ako, 'di ko na kasalanan kung hindi ako lumalaki o tumataba." Tugon mo naman dito.
"Tsk! Anyway, I heard that this place is rented by Mr. Faleiro." saad ni Kuya at sinulyapan ang mag-ama sa 'di kalayuan. Sumulyap si bibi Zion sa akin at todo ngiti naman sa akin ang bibi ko. Aish! Sana ganyan din ang ama mo sa akin, dong!
"Oo, na-tsika ko kasi sa kanya kanina na magkikita tayo, Kuya. Ayon lang." Baliwalang saad ko.
"Rence," sa biglaang pagseryoso ni Kuya Carl ay napatingin ako sa kanya.
"Hmm?"
Sumulyap ulit siya kay Xavier at Zion.
"Be careful, okay? Hindi ko gusto ang mga titig ng lalaking 'yan sa'yo. I don't like him." Babala ni kuya na kinatawa ko.
"Grabe ka naman, Kuya! Para namang may gagawing masama sa akin si Xavier kung maka-warning ka d'yan sa akin." Natatawa kong wika pero nawala rin ang aking ngiti dahil nanatiling seryoso ang mga tingin ni kuya sa akin.
"Ay, 'no ba 'yan! H'wag na nga lang 'yan ang pag-usapan natin, Kuya. Mag-usap tayo tungkol sa buhay mo rito at sa work mo. Ang gara pa naman ng datingan mo ngayon, parang CEO lang ang peg mo today." Pag-iiba ko sa usapan namin ni Kuya pero totoo naman kasi na ang gara ngayon ni Kuya, pormal na pormal siya.
"Hmm, but before anything else, gusto ko lang tanungin kung... wala ka na bang mga bad dreams like before? Or nakakatulog ka ba ng maayos ngayon?"
Magana akong tumango kay Kuya Carl.
"Oo, kuya... mabuti na naman ako. Hehe!"
Nagtsika-tsika lang kami ni Kuya tungkol sa kanyang trabaho. At nalaman kong panay pala ang travel niya dahil sa kanyang trabaho ngayon. Hanggang sa dumating ang aming pagkain.
Ang saya, kanina nang umalis kami sa big brother house ni Xavier kumain kami, ngayon kain na naman. Kain is life talaga!
"Dong," kinamay ko si Zion nang matapos kaming kumain ni Kuya. Bumaba siya sa silya at ngiting-ngiti lumapit sa akin.
"Mami!" Magiliw nitong wika.
Natawa ako nang may naiwan na smudge ng ice cream sa kanyang baba. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ito.
Kahit mahirap dahil may kabigatan na rin si Zion, binuhat ko ito at kinandong. Kita ko naman ang paglitaw ng pag-aalma sa mukha ni Kuya.
"Kuya Carl, ito ang binabantayan ko, si Zion Faleiro, dong, siya naman ang kuya ko, si kuya Carl." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hello, kuya Carl!" Pakyut ni bibi Zion.
"Hello too, Zion." Ganti naman ni Kuya.
"Kuya Carl hindi mo naman po kukunin ang Mami ko sa akin po, 'di ba?" saad ni Zion.
"Oi, dong!" Awat ko pero sumabat si Kuya.
"No, I won't."
"Thank you, Kuya Carl! Don't worry, po because I love my Mami at good boy po ako always!"
Kapwa kami natawa ni Kuya Carl.
"Z, c'mere nag-uusap paxang Mami mo at kuya niya." Biglang sumulpot si Xavier. "Xavier Faleiro, dude."
Tumaas ang kilay ko sa biglaang pagpapakilala ni ultimate crush kay Kuya.
Oh my gosh! Mamamanhikan na ba ito?
"Carl," tipid na wika ni Kuya at matagal pa talagang tinanggap ang kamay ni Xavier!
Ginoo ko! Si Kuya pakipot din!
"Nirentahan mo pala ang buong restaurant. Salamat." Pahabol ni Kuya.
"It's nothing." Hambog namang wika ni Xavier, jusko! Galawan mo Xavier! Halatang pa-fall! Emz!
Half-day rin kaming nagstay sa restaurant bago umuwi. Nakatulog nga si Zion kaya naman kinandong ko na ito pauwi sa big brother house ni Xavier.
"Salamat ngayon, ultimate crush. Nagka-quality time rin tayong magpamilya." Arte ko.
"What?" Xavier stressed out!
"Hehe! Jokie lang! Pero seryoso ako sa pasasalamat ko sa'yo. I swear ma-fall ka man sa akin."
Malaya kong nalalandi si Xavier, tulog kasi ang bibi Zion.
Ngising-ngising ako kay Xavier nang bigla itong lumingon sa akin na may nakapaskil na nakakaakit na ngiti sa mga labi.
Muntik ko nang mahubad ang suot kong underwear doon.
"Fall, huh?"
"Oo naman!"
"Don't kid like that, Lawrence. You can't handle me when that happens."
***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂
- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top