PROLOGUE

Prologue




Tila nakikisimpatya sa aking nararamdaman ngayon ang panahon. Madilim ang kalangitan kahit na hapon pa lamang. Sa nadadaanan ko ay nakikita ko ang mga tao na nagmamadaling naglalakad sa daan at ang iba naman ay nakita kong natataranta sa pagkuha ng kanilang mga sinampay dahil sa sama ng panahon.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon. May panghihinayang. May sakit. May puot. At may takot. Naninikip ang dibdib ko at sa anumang oras ay babagsak na rin ang luha ko. Gaya ng ulan sa kalangitan na nagbabadya na ring bumuhos anumang oras. Tila ba'y konting kilabit nalang dito ay bubuhos na ito.

Isang kulog at kidlat ang dumaan bago sinundan ng malalaking pagpatak ng ulan. Ang mahinang pagbagsak ng butil ng ulan ay unti-unting lumakas. Sinabayan ng mga mata ko ang pagpatak ng ulan. Lumuluha ang langit kasabay ng pagluha muli sa aking mga mata. Sa gitna ng malakas na ulan ako'y lumuluha rin sa sakit na aking nararamdaman. Dahil hindi sigurado sa aking patutunguhan ngayon. May maabutan pa ba ako o wala.

Nilalakbay ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. Gustuhin ko mang sumakay ng tricycle kaso wala ng bumabyahe sa sama ng panahon.

Kaya heto ako ngayon. Sa gitna ng napakalakas na ulan ay tinatahak ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. May kalayuan pero lalakarin ko lang layo mula sa bahay ko hanggang doon sa bahay kung saan siya ngayon.

Basang-basang ako sa ulan. Nanginginig ang mga labi ko at pati na yata ang kalamnan. Ang tuhod ko ay kaunting-kaunti nalang at bibigay na rin kaso desidido akong makarating doon sa patutunguhan ko.

Hindi ko matanggap ang mensaheng pinadala sa akin ni Theo. Hindi ko matanggap na makikipaghiwalay siya sa akin sa isang text lamang. Kay dali bang ako'y limutin at ganon-ganon lang niya akong hiwalayan? Isang text lang? Wala lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin? Ang relasyon namin?

Katulad ng naririnig kong rumaragasang baha dulot ng ulan sa tulay na aking tinatawid ay para ring baha na dumaan sa isip ko ang mga alaala naming dalawa. Ang mga masasayang araw na magkasama kami. Ang mga araw na parang wala na talagang makakapaghiwalay sa amin. Ang mga araw na tila ba siya'y akin na at ako ang sa kanya. Ang taong naging kanlungan ko ay di ko inasahang maging kalbaryo ko.

Malabo ang paningin ko dahil sa luha at sa lakas ng ulan. Sobrang nangangatal ang mga labi ko dahil sa ginaw pero nagpapasalamat pa rin ako na may kaunti pa akong lakas na natitira nang makarating sa harap ng mansyon ng mga Granville.

Tinangala ko ang matayog at magarbong tarangkahan ng mansyon. Naka-ulit sa itim na bakal ang apilyedo nilang sumisigaw sa kapangyarihan sa buong probinsya 'Granville' na kulay ginto at naka-kurba.

Huminga ako ng malalim at saka ko pinindut ang doorbell. Nakita kong namumutla at kumukulubot na ang palad ko dahil sa lamig at sa pagbabad ko sa ulan.

"Dios mio! Ineng anong ginagawa mo dito? Bakit na nagpapaulan?" anang ni Aleng Senya. Nakapayong siya at nakahawak ng isang kamay niya ang laylayan ng kanyang mahabang palda.

"N-nandyan po ba si Theo?" Imbes na sagutin ay tinanong ko si Aleng Senya.

"H-hindi maganda ang mood ni senyorito Theo ngayon, ineng." Pati si Aleng Senya ay parang nalulungkot para sa akin.

"P-pwede ko po ba siyang m-makausap? Kahit saglit lang po."

Nag-uusap kami ngayon ni Aleng Senya sa pagitan ng tarangkahan.

"I-ineng naman. M-mabuti siguro kung bumalik ka nalang bukas."

"H-hindi po. K-kailangan ko pong makausap si Theo. M-may lilinawin lang po ako." Pakiusap ko pa dito.

"Naku halika ka nga muna dito. Namumutla ka na dya-an."

Pinapasok ako ni Aleng Senya sa loob ng mansyon at binigyan niya ako ng makapal na tuwalya at nakita ko ang burda sa puting towel, Granville.

Iniwanan ako ni Aleng Senya dito sa sala at napakayakap ako sa towel sa katawan ko. Literal na nanginginig ngayon ang buong katawan ko sa ginaw. Sumasakit na rin ang talampakan ko at mga hita sa haba ng nilakad. Sabi ni Aleng Senya ay gagawan niya ako ng tsokolate na maiinom ko upang maibsan ang aking panlalamig at panginginig kaso nang mapatingin ako sa hagdanan tungo sa ikalawang palapag ng mansyon ay parang may nagtutulak sa akin na tahakin iyon.

Ilang beses na naman akong nakapunta dito sa mansyon nila Theo kaya hindi na ako mawawala pa. Kilala na nga ako ng mga katulong dito dahil madalas akong dalhin dito ni Theo.

Alam ko kung saan ang silid ni Theo kaya naman ay nakapagpasya ako na umakyat sa taas. Hindi ko mabilang sa mga daliri ko ang mga kwarto dito sa mansyon pero hindi ako magkakamali sa pagtunton sa silid ni Theo.

Napakagat labi ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat hakbang na aking ginagawa ay papalakas nang papalakas ang pintig ng puso ko. Parang sa bawat hakbang na ginagawa ko ay nanghihina ako at ang bigat ng pakiramdam ko.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ni Theo ay pumikit ako ng mariin. Siguro ay magugulat siya na nandidito ako ngayon. Alam kong may galit siya sa akin. Alam kong siguro ay may pagkakamali ako na di ako sumunod sa kanyang gusto. Alam kong siguro ay mali ko na sumuway ako sa kanya pero alam ng Dios ang ginawa ko.

Kaya siguro ganito ang aking nararamdaman kasi haharapin ko ngayon ang galit niya. Ang mga salita niya.

Pinihit ko ang busol ng pintuan na kulay ginto at saka ko dahang-dahang tinulak ang pintuan.

Napatigil ako sa aking nakita.

Isang pagkakamali nga siguro na sinuong ko ang malakas na ulan. Isang pagkakamali nga na pumunta ako dito. Isang pagkakamali nga na umakyat ako dito. Isang pagkakamali na binuksan ko ang pintuan na ito.

Sana'y sinunod ko nalang si Aleng Senya. Sana ay marunong nalang akong sumunod sa kung anuman ang sasabihin sa akin. Hindi sana ako masasaktan ng ganito kung sana ay marunong akong sumunod.

Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Para may kamay na gumagapos sa paa ko dahilan para di ako makagalaw. Nanginginig ako sa ginaw. Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko ngayon. Nanginginig ako ngayon sa galit at sa paninikip ng dibdib ko. Nanlalabo ang mga mata ko sa mga luhang walang humpay sa kaka-agos.

Para akong sinaksak ng daang-daang kutsilyo sa nasaksihan ko ngayon. Sana nga'y sinaksak nalang ako ng kutsilyo kaysa masaksihan ko ang kawalang-hiya-ang ito ni Theo.

Wala nang damit pang-itaas si Theo at gayundin ang babae sa ilalim niya. Naghahalikan silang dalawa ngayon sa ibabaw ng kama niya at parang wala sa kanila na may taong nakapasok na dito.

"Uhm, ahh," Gusto kong takpan ang mga tainga ko nang kumawala ang ungol sa bibig ng babae.

Napabaling ang mata ng babae sa akin at doon lang yata niya napansin na may nakatanaw na sa kababuyan nila.

"Ah, w-wait Theo there's s-someone..."

Napatigil doon si Theo sa saka umahon doon sa ibabaw ng babae. Hindi siya umaalis doon sa ibabaw ng babae.

Nang lumingon sa akin si Theo ay mas lalong gumuho ang mundo nang makita kong walang gulat doon. Walang ni-isang emosyon doon sa mata niya na nakatanaw sa akin.

Pinalis ko ang mga luha sa mata ko pero ang traydor na mga luha ay ayaw papa-awat.

Nakita kong bukas ang zipper ng khaki jeans niya at nakikita ko na ang panloob niya. Namumula ang parte ng dibdib niya at leeg. Tapos nanlilisik pa ang mga mata niya na nakatanaw sa akin. Para bang ako ang may ginawang mali sa aming dalawa.

Tiningnan ko ang babae na di man lang nag-abalang takpan ang katawan.

Magsasalita na sana ako nang muli kong ibalik ang mata ko kay Theo pero naunahan na niya ako.

"Wanna join us?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Para akong nabikig sa narinig ko mula kay Theo. Parang pinapatay niya ako ng may malay sa kanyang tanong. Parang dahan-dahan niya akong nilalagutan ng hininga.

"G-gagò ka!" nagpipigil na huwag sumugod kong turan sa kanya at pumiyok ang boses ko.

"Kung ayaw mo umalis ka na dito at pakisara ang pintuan." aniya na parang wala lang, na parang di niya nobyo ang kanyang kausap at ang kanyang tinataboy.

"P-pagsisi-sihan mo ito, Theo. Pagsisisihan mo ito, g-gago ka!" bilin ko bago tumalikod doon sa kanyang silid dala ang matinding paghihinagpis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top