EPILOGUE
Beware of switching POVs below.
Epilogue
Laurenz Pov
My knees lose their strength. I can feel my whole body trembling in fear. My brain couldn't function well. I feel like my whole world was shattered piece by piece.
I collapsed on the floor due to the loss of strength in my entire body. I want to speak, but I can't bring myself to. I want to shout, but there's something in my throat that hinders me. Tears fall uncontrollably down my cheeks like a waterfall.
Tinakpan ko ang bibig gamit ang nanginginig kong kamay saka humagulhol doon.
I flinched when Aziel held my shoulders.
Napatingin ako rito.
"Laurenz. L-laurenz please compose yourself." Aziel said frantically.
"H-how?" I choked my words because of my unending tears.
Problemadong napahilamos sa palad niya si Aziel.
"N-nasaan... nasaan si T-theo?"
Napakagat si Aziel sa kanyang labi. Masakit itong napapikit.
"N-nando'n pa siya sa daan."
"What?!"
"I... I panicked. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang makita ko ang pinsan ko, Ren. And I resorted to coming here. At... ibalita ito sa'yo." Aziel puzzled.
"Iniwan mo siya sa daan?"
Mabilis na umiling si Aziel.
"No! Tumawag na ako ng ambulance."
Kahit na walang lakas ang mga binti ko ay pilit akong tumayo. Inalalayan naman ako ni Aziel.
"G-gusto ko siyang puntahan." usal ko.
I wiped my tears. Nanlalabo pa rin ang paningin dahil sa mga luhang papaabang na namang tumulo.
"You don't have to-"
"G-gusto ko! Gusto k-ko siyang makita!" Nagka-crack na iyong boses ko.
Tinikom na lang ni Aziel ang bibig at tumango sa akin. Pumasok muli ako sa bahay para gisingin ang anak. Hindi ko siyang pwedeng iwan dito. Wala siyang kasama.
Nang makapasok ako sa kwarto ng anak ko ay pipi na naman akong umiyak. Papaano ko ito sisimulang sabihin sa kanya? Ano ang sasabihin ko sa kanya ngayon? Ini-expect niya ang Daddy niya ngayon. Ini-expect niya itong umuwi rito sa amin.
Kakaiba na takot ang lumukob sa akin. Ganito ba talaga lagi? Ganito na lang ba lagi? Na kapag masaya ka may kasunod na namang delubyo? Dapat ba kapag may saya, may kapalit kaagad na pighati?
Hindi ko na lang ginising ang anak ko at binuhat ko na lang siya hanggang sa pagbaba. Agad na napatayo si Aziel nang makita akong karga ang malaking anak.
"'Bat mo binuhat?"
'Di pa nga tuyo ang mga pisngi ko pero may luha na namang naglakbay roon.
"Magtataka siya, Aziel. Ang sinabi ko sa kanya kanina ay sasabihin ko sa kanya kapag dito umuwi si Theo... pero-"
My words were cut off as Aziel's big hands squeezed the flesh on my shoulders. Kinuha niya si Tyreese sa akin at siya na ang nagdala sa bata palabas kung saan ang kanyang kotse.
Tinabihan ko ang aking anak sa backseat. Pinaunan ko sa kanya ang hita ko. Tahimik na tumutulo ang luha ko habang sinusuklay ko ang buhok ng anak. As much as I don't want to cry anymore, my tears were unstoppable.
I looked out of the window.
I sighed.
"L-Laurenz, please stop crying."
My eyes drifted to Aziel, who was silently driving at parang pinapakiramdam ako rito sa backseat.
"Hindi ko nga kayang mapigilan na h'wag umiyak. Your words are futile right now, Aziel."
Umigting ang panga nito at saglit akong tiningnan doon sa rear view mirror.
Namaya ang katahimikan sa amin hanggang sa gumalaw ang anak ko. Tiningnan ko ang aking anak na parang gulat kong saan kami ngayon. His eyes, which were a reflection of his father, roamed around until he spotted his uncle Aziel driving.
Bumangon si Tyreese at takang tumingin sa akin. Kinusot niya ang kanyang mga mata.
"Mama? Why are you crying po? And why are we here with uncle Aziel?"
Hindi ko kayang sumagot sa anak ko. Aziel only bowed his head. Nakahinga ako ng maluwag nang yumakap lang sa akin ang anak ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lugar kung nasaan daw nangyari ang aksidente. Mula rito sa loob ng kotse ni Aziel ay natatanaw ko ang mga taong nakapalibot sa pinangyarihan. May mga pulis, mga ilang reporters, at may naaninag akong nakalagay na caution sa paligid.
"Mama?"
Pagtingin ako kay Tyreese at tumulo na naman ang mga luha ko. Hanggang kailan ako iiyak ng ganito?
"Be strong, Mama. I know everything happens for a reason."
Napalabi ako at tinakpan ang bibig ko upang huwag tumakas ang mga hagulhol ko.
"Tyreese, wanna go out? Or you will stay here?" ang tanong ni Aziel sa anak ko.
"Is my daddy there, uncle Aziel?"
"I- I don't know."
"I wanna go out po."
"Okay, let's go."
Hinawakan ko ang kamay ni Tyreese dahil baka hindi niya kayanin ang makikita niya sa labas kapag sumama siya kay Aziel.
"You don't have to, anak."
Tyreese smiled.
"'Ma, nothing's gonna happen if we just stay here." wika nito na parang ang laki na niyang tao. Na parang naiintindihan na niya ang nangyayari sa paligid niya.
"I can't, anak. It's your dad who was there. I don't think I can take it." umiiyak ko pa ring saad. Nakakahiya na mas matapang pa ang anak ko kaysa sa akin ngayon. Parang nabaliktad ang sitwasyon, na imbes ako ang magpapalakas ng loob sa kanya. Siya na itong nagpapalakas sa akin.
Lumabas si Tyreese kasama si Aziel. Binuhat ito ni Aziel tungo roon sa nagkompulang mga tao.
Pinanasan ko ang luha ko at ilang beses na huminga ng malalim. Umupo ako ng tuwid at kinuyom ang kamay na nasa hita ko. Unti-unti ay tinulak ko ang pintuan ng kotse ni Aziel at lumabas.
When I stepped outside of the car, the indecipherable murmuration of the people welcomed my ears. The coldness of the night snuggled my quivering body. My feet on the ground seemed too heavy for me to take a step into the sea of people hovering around the scene.
I took a small step, and with each step I took, my heart beat amplified. Papalapit ako nang papalapit at parang anumang oras ay mawawalan na ako ng lakas sa katawan ko. Nanghihina na ako kahit hindi ko pa nakikita ang kalagayan ni Theo.
Sumuot ako sa mga taong nagkumpulan at nang makita ko ang scene of an accident ay natigilan ako.
My eyes blinked.
What's happening? What the hell?
"Theo?"
There's a man standing meters away from with his back facing towards my direction. And I cannot be mistaken. Ako ang gumawa ng suit ni Theo. Papaanong nakatayo siya roon? Akala ko na hit-and-run siya?
Everything went in slow motion in my eyes as Theo turned towards me.
Umatras ang paa ko nang makita ko ang mukha ni Theo na may malaking ngiti na nakapaskil doon. Sa kanyang kamay ay may hawak siyang isang bouquet ng mga bulaklak at sa kabilang kamay naman ay hawak niya ang isang mikropono.
"What the hell is this? What's the meaning of this?" I uttered to myself.
Malaki ang ngiti ni Theo na tumungo sa akin. Binigay niya sa akin ang bulaklak at wala sa sarili ko itong tinanggap na ang mga mata ay nakapukos lang sa mukha Theo.
Ano 'to? Walang hit-and-run? Luminga ako sa paligid at halos nahilo ako sa daming camera na nakatutok sa amin ni Theo. Nakita ko pa sa isang tabi si Aziel na karga ang anak ko na may malaking ngiti. Ang anak ko naman ay ngiting-ngiti rin. At mas nagulantang ako nang makita ko ang mga kaibigan ko, ilang workers ko, sina Tita Freda, ang mga kapatid ko, at pati si Tito Theodore ay nandirito. Nakabusungot naman ang mukha ni Kuya Walter. Unti-unti nang sink-in sa utak ko kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Theo,"
"Why the hell are you crying this much, baby?"
Pinunasan niya ang luha ko.
"Theo, ano... ano 'to?"
Ngumiti siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Bigla itong lumuhod sa harapan ko at binuksan ang maliit na box. Halos masilaw ang mata ko nang makita ko ang laman no'n. Isang singsing na may malaking white diamond!
"Ren, I know I have many incompetencies in life. I have made a lot of mistakes that caused you suffering before, but...."
Habang nagsasalita si Theo sa harapan ko ay unti-unti kong 'di naririnig ang mga sunod niyang sinabi. Ang nakikita ko lang ay ang bibig niya na kumikibot. Hindi na abot sa tenga ko ang mga sinasabi niya hanggang sa unti-unti na akong nawawalan ng lakas at kamalayan sa paligid. Umikot ang paningin at bigla na lang dumilim ang lahat para sa akin.
Third Person POV
Madaling nadala si Laurenz sa pinakamalapit na ospital nang mawalan ito ng malay bago pa man matapos si Theo sa sinasabi nitong speech. Theo was about to propose to Laurenz, but it turned out to be a disaster. Ni-hindi pa man nasabi ni Theo ang mga katagang, 'Will you marry me' kay Laurenz ay nahimatay na ito sa kanyang harapan. Hindi alam ni Theo kung ano ang puno't dulo no'n, sa excitement ba iyon o sa gulat.
"Daddy, will Mama be okay? Why did he pass out?" Nag-aalalang tanong ni Tyreese sa kanyang ama na ngayon ay hawak-hawak nito ang kamay ni Laurenz na wala pa ring malay hanggang sa mga oras na iyon.
"He will, anak. Narinig mo naman kanina ang doctor, right? Your mama is okay. He's just perplexed by what I did, I guess." Theo softly said to his son and ruffles Tyreese's hair.
Nilibot ni Theo ang mata sa loob ng private room kung saan sila ngayon at napangiwi na lang siya nang makita ang galit na mukha ni Walter. Ang mga Monzallon ay nandirito rin. Ang mga kaibigan ni Laurenz ay nando'n din sa room at pati na ang pinsan ni Theo na si Aziel at present din kasama ang asawa at anak nito na natutulog sa isang sofa
Pagkatapos ng failed n'yang proposal kay Laurenz ay sumunod din ang mga ito rito sa ospital.
Tumayo si Theo at nilapitan ang pinsan.
"What really happened, Aziel? Malinaw naman ang usapan na dadalhin mo lang si Laurenz doon. Tsk! Why do I feel like something happened?" kompronta niya sa kanyang pinsan.
"Mal? Ano ba ang ginawa mo?"
Bumuntonghininga si Aziel sa asawa at tumingin sa pinsan na sobrang garbo ang kasuotan.
"I think napa-sobra lang ang acting ko?"
"Mal," there's a warning bell on Debie's tone.
"Sorry, insan. Nasobra yata talaga ang acting ko. S-sinabi ko kasi kay Laurenz na na hit-and-run ka."
Nae-eskandalong napabuga ng hininga si Deb nang marinig ang sinabi ng asawa.
"You really said that to Laurenz?" Gulat pa ring wika ni Debie samantalang si Theo naman ay napa-facepalmed na lang sa sinabi ng pinsan.
"Alam mo naman, mal na artistahin na talaga ako. Nadala lang."
Nabatukan ni Debie ang asawa.
"Kapag may nangyaring masama kay Laurenz. Buong taon kang matutulog sa guest room, Aziel-Rigg."
Nahintatakutan na napabaling si Aziel sa asawa. Tiningnan niya ito kung seryoso ba ito sa sinasabi nito pero nang makita niya ang ekspresyon ng asawa ay mas mamutla siya.
"Mal," angal ni Aziel.
"Pumirmi ka Fabre!"
Aziel hopelessly averted his gaze from his tiger husband and turned to look at his cousin.
"Sorry, Theo. I'm really sorry."
All Theo could do was to sighed and pray na sana magising na ang asawa.
Tinapik niya ang balikat ng pinsan na ngayon ay lugmok na ang mga balikat.
"It's fine. Siguro mali rin ako na hindi kita binigyan ng maayos na instructions."
Lumapit si Theo kina Minerva at Sonya na sumunod din sa kanila.
"Thank you for coming. Ako na ang bahala rito kay Laurenz. Babalitaan ko na lang kayo kapag nagising na siya."
Minerva took a deep breath and glanced at Sonya beside her before shifting her gaze to Theo.
"Walang anuman, Theo. Gusto ko na sanang i-congratulate ka pero sa susunod na siguro 'no?"
Bahagyang natawa si Theo sa sinabi ni Minerva.
"Nagulat lang siguro talaga si Laurenz. Anyways, better luck next time, Senyorito Theo." pabirong saad ni Sonya.
Theo shook his head.
"Just Theo, Sonya."
Napalabi naman si Sonya.
"Sige, aalis na kami Theo." ani Minerva.
"Mauuna na kami, huh. Balitaan mo na lang kami tungkol kay Ren."
Nang umalis sina Minerva at Sonya ay sunod naman na nilapitan ni Theo ang mga Monzallon. Nakikita ni Theo na bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala sa kanyang nobyo.
"Ahm, Senyorita Freda, Harden, W-Walter pasensya na sa pag-abala ko sa inyo. And I'm so sorry about what happened." Hinging paumanhin niya sa mga Monzallon. He personally called them and informed them about his proposal to Laurenz; however, unexpected things happened.
"Hmm, we hope na sana magising na si Laurez." wika ni Senyorita Freda.
Harden simply nodded his head in agreement with his mother's statement. Umasik naman si Walter.
"Pulling off such a stunt without a proper plan. Tsk! Hindi ka na lang sana gumawa ng gano'n kalabong proposal. O mas magandang 'wag ka na lang magpropose sa kapatid ko." May inis sa tinig ni Walter.
Theo only bowed his head. Sa pagkakataong iyon ay alam na ni Theo na ang mga kapatid pala ni Laurenz ang mga nagb-blocked sa kanya noon para mahanap ito. Wala man siyang kapatid pero naiintindihan niya ang pagpo-protekta ng mga 'to kay Laurenz. It only means one thing, mahal na mahal ng mga 'to ang kanyang nobyo. Thankful siya na natagpuan ni Laurenz ang ganitong klaseng pamilya.
"I'm so sorry," tanging sambit na lang ni Theo. As much as possible ayaw na ni Theo na magkaroon ng anumang alitan sa kahit na sino at lalo na sa mga kapatid ng nobyo. Ito ang gumabay kay Laurenz noong wala siya. Ito ang pumuno sa mga pagkukulang niya kay Laurenz noon. Kaya labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga 'to.
"Mom, let's just go home. You need to rest." baling ni Harden sa ina.
Freda smiled to his son.
"Mauuna na rin kami, Theo. Please look after our brother."
Tumango si Theo kay Harden.
"Let's go, Walter." Tawag ni Harden sa kapatid nang makitang 'di ito gumalaw sa kinauupuan.
Labag sa loob na umalis ng ospital si Walter kasama ang ina at kapatid nito. Kaya naiwan sa loob ng room ay ang mga Fabre na lang maliban kina Theo at ang anak nitong si Tyreese.
Bumalik si Theo sa tabi ng kanyang nobyo at anak. Pinayuhan ni Theo na matulog ang anak kaso nagmatigas ito na hindi inaatok. Hinayaan n'ya na lang ito at binantayan na lang din.
Ilang minuto matapos umalis ang mga Monzallon ay pumasok sa room ang doktor na tumingin kay Laurenz.
"Doc, ano pong nangyari sa boyfriend ko? Bakit po siya biglang nahimatay?"
Matamis na ngumiti ang doktor kay Theo na kina lito naman ng utak niya.
"According to our findings, Mr. Granville, we have determined that your husband is currently pregnant. He is at a stage of fourteen days into the pregnancy. Congratulations ro you and to your husband!"
The doctor said and excused himself. Nakaalis na ang doktor pero si Theo ay parang sinamento naman sa kinatatayuan nito. Tulala lang ito at parang 'di pa nagprocess sa utak nito ang binalita ng doktor.
"Congratulations-"
Aziel was about to congratulate his cousin when Theo's body dropped to the floor! Nawalan ito ng malay!
Laurenz Pov
Naalimpungatan ako dahil sa maliliit na hagikhikan at pagtatalo. Sinubukan kong ibuka ang aking mga mata ngunit nasisilaw pa ako sa ilaw. I covered my eyes before opening them again. Nang makapag-adjust na ang mata ko ay nilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita kong nag-uusap sina Tyreese, Denziel at sina Aziel. Nakita ko rin si Theo na nakayuko sa tabi ni Tyreese. Hindi nila ako napansing gumising kasi nakatalikod sila sa gawi ko.
"It's so unfair!" rinig kong panghihimutok ng anak ni Debie at Aziel.
"That's fine, Denziel." alo naman ng anak ko sa kanyang pinsan na ngumunguso at masama ang timpla ng mukha.
Anong nangyayari?
"No! It's not fine Kuya Tyreese! It's not fine!" Galit nitong wika at kita ko ang marahas nitong pagkrus sa maliit niyang braso sa harap ng kanyang dibdib. So cute!
"Denziel lower your voice. Baka magising si tita pretty mo." pagsuway naman ni Debie sa kanyang anak.
"I thought you were practicing, mimi? I thought you and daddy will make my baby sisters and brothers?"
Kita kong napahinga ng malalim si Debie sa sinabi ng anak.
"Denziel, it's not that easy." Ngayon ay si Aziel na naman ang nagpapaamo sa anak na nag-aalburuto.
"You're weak, daddy! Uncle Theo and Tita Laurenz already have one."
Have one?
"Denziel, I'll let you play with my sibling naman." ani ng anak kong si Tyreese sa pinsan na wala na talaga sa mood.
"Yeah, you can stay in our house if you want to, Denziel." gatong naman ni Theo.
Pero sumama mas sumama lang ang timpla sa mukha ni Denziel.
"It's so unfair. You didn't practice but you already made one, uncle Theo. Kuya Tyreese will soon to have his baby sister or brother. While I don't!"
Nanlalaki ang mata ko nang ma-realize ko ang mga pinag-uusapan nila. I-I am pregnant?
Nagawi ang mata ni Theo sa akin at nang makita niya akong gising ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.
"Baby," usal nito at saka ako niyakap at binigyan ng halik sa noo.
"Mama!"
"Oh my god! Tita Laurenz!?"
"Thank God! Nagising na rin." rinig kong wika ni Aziel.
"You made me worried, baby." untag ni Theo habang ang mukha ay nasa leeg ko pa nakabaon.
I hugged him.
"Gago ka rin. Sobra mo akong pinag-alala. Akala ko totoo na talaga na na hit-and-run ka!" Naiyak ako habang sinasabi ko iyon.
Ang babaw-babaw na ng mga luha ko.
"I'm so sorry."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I looked at his eyes.
"T-totoo ba ang narinig ko?"
Tumaas ang dalawang kilay niya.
"Na buntis ulit ako?"
Theo smiled sweetly and caress my face.
Masuyo siyang tumango.
"Yes, baby. Yes, you're pregnant again. Thank you so much!"
Naiyak ako sa tuwa.
"Mama, magkakaroon na ako ng sister and brother soon." Pagsingit ng anak namin.
Mas lumapit pa sa akin si Tyreese. Ginulo ko ang buhok niya at tumango.
"Okay lang sa'yo na hindi na ikaw ang baby namin?"
Magana itong tumango.
"Yes po! I would love to have many siblings na po, mama, daddy!"
Kapwa kami natawa ni Theo roon.
"Tita Laurenz!" Napabaling ako sa ibang side nang magsalita si Denziel.
"Hi, Denziel!"
"Tita, can I have one po of your babies? Mimi and Daddy can't have one po kasi."
Mabilis na dinaluhan ni Debie ang anak. Mapag-paumanhin ngumiti sa akin si Debie.
"Sorry." Debie mouthed.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Sumagot ako kay Denziel, "You can always visit in our house, Denziel. You can't have my baby but you can definitely play with them soon."
Ngumuso lang si Denziel.
"Congratulations sa inyo, Ren." wika ni Debie.
"Thank you, Deb."
Si Aziel ay tumabi sa kanyang pamilya.
"Laurenz, I'm so sorry. Sorry doon sa nagawa ko at sa nasabi kong hindi maganda tungkol sa kalagayan ni Theo." ani Aziel and he apologetically smiled.
"Okay na, Aziel. Ang importante ay hindi talaga na-aksidente si Theo."
Dahil nagta-tantrums si Denziel mas pinili na lang nila ni Debie at Aziel na umuwi. Hinatid sila ni Theo hanggang sa labas ng room ko.
Pagkabalik ni Theo ay malapad na ang kanyang ngiti. Si Tyreese ay pinaakyat ko sa aking kama upaang magkatabi kami. Inaantok na siya.
"How about me?" Nakangusong wika ni Theo.
Umusog ako.
"Come here," aya ko rin sa kanya.
Napahagikhik si Tyreese nang maipit namin siya ni Theo. Nagsiksikan kami sa isang katamtaman lang na hospital bed. Nakwento pa ng anak ko na nawalan daw ng malay ang daddy niya nang malaman nito na buntis ako. Ayon tuloy, naasar namin ni Tyreese ang kawawang ama niya. Ang hina naman nito.
Nang mahimasmasan kami sa kaka-asar kay Theo ay inunan ni Theo ang braso at naka-side view siyang tumingin sa direksyon ko. Gamit ang isang kamay niya ay inabot niya ang pisngi ko. Naalarma naman ako nang makitang tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Theo,"
"I'm so happy, Laurenz." Patuloy na na umagos ang mga luha niya. Naiiyak na rin ako. "Ganito pala ang pakiramdam. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay itong kasiyahan ko ngayon, Ren. Naiiyak ako na natutuwa dahil magkaka-baby ulit tayo. Thank you so much, baby. Thank you. Thank you so much! I love you." madamdamin niyang sabi.
Hinayaan ko itong punasan ng mga luha ko.
"I love you too, Theo."
"Tyreese also loves his mama and daddy!" singit ng anak namin kaya natawa kami ni Theo at pinugpog ang anak ng halik. Napuno sa tawa ang buong silid.
"Gustong-gusto ko ulit na magpropose sa'yo, Laurenz. I'm sorry if hindi naging successful ang una."
Tinanguan ko siya.
"Okay lang naman kahit walang surprises, Theo. Okay lang na walang magarbong proposal. Kahit saan naman, okay lang sa akin."
Malimit lang na ngumiti si Theo.
Kinabukasan, akala ko ko ay uuwi na kami pero need ko pa palang magstay ng ilang oras sa ospital para maobserbahan ako ng doktor ko. Kaya naman gabi na nang makauwi kami ni Theo at Tyreese sa sumunod na araw. Theo insisted na sa bahay niya kami umuwi kahit pansamantala lang kaya pinagbigyan ko na siya.
Naunang bumaba sa kotse si Theo at pinagbuksan ako ng pintuan.
Nilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan ako sa pagbaba. Hinubad nito kaagad ang jacket na suot at pinatong sa balikat ko.
"Thank you!" I murmured some gratitude.
"Tyreese don't run!" suway ko sa anak nang tumakbo ito papasok sa bahay ni Theo. Alam na alam na niya talaga ang bahay ng ama.
With our hands linked together and my head resting on Theo's forearms, Theo and I walk towards the main door of his house.
Si Theo ang nagbukas ng pintuan para sa amin at nabigla ako nang makitang madilim ang buong bahay. Inalalayan ako papasok ni Theo and when I stepped inside the house. Unti-unting bukas ang mga ilaw ng bahay.
Naitakip ko ang kamay sa naka-awang na bibig ko nang makita ko ang buong sala. Giniya ako ni Theo at naiiyak ako sa bawat hakbang ko. May mga naka-hang na mga maliliit larawan namin ni Theo. Mga larawan na kuha noong nasa San Concepcion pa kami at may mga recent pictures din namin. Umiyak ako. Akala ko wala na kaming pictures noon ni Theo. But watching hundreds of it inside his house makes me tears in so much joy. May mga kuha pa roon na nando'n kami ni Theo sa barnhouse niya noon, doon sa sapa kapag nagd-date kami, mga larawan na nakasakay ako kay Atlas, at may larawan pa ako roon na natutulog sa kama niya roon sa barnhouse. Hindi ko alam na kinukunan niya pala ako ng mga larawan noon.
"Theo-" My words were cut off when I turned and saw Theo kneeling on one knee, his hand holding a small box with a ring inside. Ito ang ring noong magpo-propose sana siya sa akin.
Kita ko ang panginginig sa kamay ni Theo at ng tuhod nito. His eyes were also red.
"Theo,"
He beamed.
"I've always thought of you as my partner in my life, Laurenz. I have always thought and dream of proposing to you. I don't know. I'm so fucking nervous right now." Nagpunas siya sa luhang tumulo sa kanyang mga pisngi roon sa tela ng suot niya. "Marami na tayong pinagdaanan, Ren. Maraming beses nang sinubok ang pagmamahalan natin. Ilang beses na tayong natalo. Pero alam kong maraming beses na rin nating pinanalo ang pagmamahalan natin. Laurenz Kail, ikaw ang taong gusto kong makasama sa habang buhay. Ikaw ang taong gusto kong makasama hanggang sa tumanda tayo. Kaya ngayon, nandito ako sa harapan mo. Nandito ako para tanungin ka sa mga katagang noon ko sana ginawa at tinanong sa'yo. Laurenz Kail Villencia, will you marry me?"
Because of too many tears hindi na ako makapagsalita pa. Iyak na lang ako nang iyak sa harapan ni Theo. Tumango ako sa kanya pero parang hindi iyon naging sapat na sagot para sa lalaki.
"Oo, oo naman, Theo. I want to marry you too. It's a yes!"
Umiyak din siya at kinuha ang singsing sa lalagyan nito at sinuot sa akin. It fits my ring finger really well. Tumayo si Theo at hinalkan ako bago niyakap.
Napatalon ako sa gulat nang pumalatak ang confetti galing sa second floor ng bahay. And that's when I saw my Monzallon family, Theo's father and cousin, our friends, and our son Timmy Reese, all with big smiles plastered on their lips.
"It's a double celebration, guys! Congratulations! Woah!" sigaw ni Aziel.
Bumaba silang lahat at isa-isa kaming binati ni Theo. Rustin and Rhett also greeted us via FaceTime. Halos hindi na mahiwalay si Theo sa akin habang binabati kami ng aming pamilya at mga kaibigan.
"Theo, bakit ka ba umiiyak!" puna ko sa kanya habang sinusubuan niya ako.
May konting hinanda pala sila sa amin kaya kumain muna kami. Pero itong si Theo ay naluluha habang kumakain kami. Kita ko namang natatawanan at nagtutuksuhan ang lahat ng nasa bahay kaya nagtaka ako kung bakit siya ganito.
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig ko.
"Ito kasi ang pangarap ko noon pa man simula noong naging tayo. Akala ko rin kasi... h-hindi na ito mangyayari kaya naiiyak ako ngayon kasi fiance na kita. Kasal na lang ang kulang sa atin. Akin ka na rin sa wakas. Sa wakas magiging pamilya na tayo gaya ng lagi kong pinapangarap. I'm just too overwhelmed to the point where I can't help but cry. Having a family with you has always been my dream, baby. Thank you so much for coming back and accepting me again. I love you so much."
Bumuntonghininga ako. Akala ko kung ano na.
Pinunasan ko ang luha niya.
"I love you, Theo. And yes, we will be a family soon."
He grinned.
"And more babies to come?"
Sinampal ko ang balikat niya.
"Sira, buntis na nga ako."
"Edi, dagdagan pa natin, mga sampu pa?"
"Wow! Ten babies? I want that too!"
Sabay kaming napabaling ni Theo sa anak namin.
Lumapit si Tyreese kay Theo. Nilapag naman ni Theo ang pinagkainan namin at kinandong ang anak.
"You want that too, anak?" Maganang tumango si Tyreese. "Then help me convince your mama, okay?"
Isang thumbs up ang binigay ni Tyreese sa ama at sabay silang bumaling sa akin at saka nag-puppy eyes.
Kinurot ko lang ang ilong ni Tyreese. Nagkampihan pa.
Napahiyaw ako nang hilahin ni Theo ang upuan ko papalapit sa kanya at niyakap kaming dalawa ni Tyreese. Ang kamay naman ni Tyreese ay humawak sa magkabilang pisngi namin ni Theo. Nilapit ni Theo ang mukha sa akin.
"Damn, this has always been my dream: a family with you, baby," Theo confessed as he kissed my forehead. In between us, I heard our son laugh in happiness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top