CHAPTER 9

Theodore and Atlas

___________________________________
Chapter 9


Laurenz Pov

"Hoy!"

Napatalon ako nang biglang sinundot ni Sonya ang tagiliran ko.

Nilingon ako ang kaisa-isa kong kaibigan na kasangga ko sa tanang buhay ko. Ngumuso ako sa kanya at saka binalik ko ang mata ko sa harap, kung saan ako nakatanaw kanina.

Kaka-break lang namin para sa aming lunch, kaya naman nandidito ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga na may mayabong na dahon kaya di kami naiinitan ni Sonya dito. Ang kinaroroonan namin ngayon ni Sonya ay medyo mataas kaya naman mahangin dito.

Nakatutok lang ang mata ko sa malawak na niyogan ng mga Granville at kung saan din kami nagtatrabaho ngayon ni Sonya. Marami kaming mga trabahador dito pero ang iba ay mas piniling doon nalang sa baba at ang iba naman ay umuwi sa kanilang bahay. Iyong mga malalapit lang ang bahay dito.

Umihip ang hangin at napapikit naman ako doon. Nilanghap ko ang sariwa at preskong hangin.

Isang linggo na ang lumipas mula noong biglang dumating si Senyorito Theo sa bahay ko-iyong naabutan niya kami ni Kuya Sandro. Gulat na gulat ako noong nakita ko si Senyorito sa pamamahay ko. Alam ko naman na di na iyon ang unang beses na pumunta siya sa bahay pero di ko lang maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil bumabagabag sa akin ang kanyang inamin sa akin. Kahit na ano pang gawin kong baon sa limot no'n ay paulit-ulit lang naman iyong nagre-replay sa utak ko.

"Hulaan ko iniisip mo. Si Senyorito Theo na naman 'yan."

Nagtagpo sa gitna ng noo ko ang aking kilay saka ko binalingan si Sonya na may ngisi at nakatanaw sa napakalawak na lupain ng mga Granville. Iyong lawak ng lupain nila ay ultimo di namin makikita dito ang hangganan noon. May niyogan, may plantasyon ng mangga, saging, at rancho pa sila.

"'Di n-naman." ani ko sa maliit na boses.

"Psh! 'Di pa aminin pero halata naman." Napayuko doon sa sinabi ni Sonya. Noon ay sinabi ko na ayaw kong magpa-apekto sa mga ginagawa ni Senyorito. Saka hindi naman siya ang unang lalaki na nagpapakita ng ganitong mutibo sa akin. Ang kaibahan lang ngayon ay nasasakop niya ang utak ko. Masyado niyang inaakupa ang pagkatao ko. "Pero siguro kahit naman siguro ako o kung sinong babae d'yaan ay magugulat talaga kapag umamin ang isang Theo Granville sayo."

"S-sonya..."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Sonya at bumaling sa akin.

"Ren alam ko naman at ilang ulit mo na itong sinasabi sa akin na wala lang sayo ang inamin ni Senyorito Theo sayo, pero gusto ko lang sabihin sayo na kung anuman ang desisyon mo...susuportahan kita. Pumayag ka man o hindi nandidito lang ako. Saka hello?" May pa-iling pa siya sa kanyang ulo. "Magt-third year na tayo at di ka na naman bata. Alam ko rin na alam mo na kung papaano mag timbang sa mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan mo nang go signal si Senyorito. Go na!"

Bumuntong hininga ako.

Ang totoo niya'n noong dumating si Senyorito sa bahay ko noong nakaraang linggo ay harap-harapan talaga siyang umamin sa akin. Sa harap ni Kuya Sandro at sa harap ni Sonya na kakagising lang noong mga panahon iyon.

Flashback

Kinuha ko ang kamay ni Kuya Sandro na nasa ulo ko at biglang na-conscious sa aking hitsura dahil sa bagong napauhin. Saglit akong napatingin kay Kuya Sandro na nakikipagpaligsahan ng titig kay Senyorito Theo.

"Can I come in?" si Senyorito ang bumasag sa aming katahimikan.

Tumango naman ako. Umupo si Kuya Sandro sa sofa at ganoon din si Senyorito Theo. Naiilang ako sa mga titig ng huli sa akin.

Tumalikod ako sa kanilang dalawa para pumunta sa kusina at ilagay itong sinigang na bigay nila Aleng Salem sa akin. Ipinagdasal ko na sana sa pagbalik ko sa sala ay gising na ang kaibigan ko kaso nakabalik nalang ako ay di pa rin talaga nagigising si Sonya. Iba rin kasi siya matulog. Kahit pa yata lindol-in kami dito ay di iyon magigising.

Nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko ang dami-dami ng nangyayari sa buhay ko. Nasanay na kasi ako na tahimik ang buhay ko at walang nangyayari. Nakapa-uneventful lang kasi ng mga summer break ko. Di kagaya ngayon.

"A-ano pong ginagawa ninyo dito S-Senyorito." Galgal ko at umupo sa nag-iisa nalang na bakanteng upuan sa harapan nilang dalawa.

Si Kuya Sandro ay nanatili pa rin dito. Baka ay hinihintay niya ang kapatid niya na magising, si Sonya.

"I went here cause I think I need to clear myself to you, bab-Laurenz."

Tumikom ang bibig ko at napakapit ako sa laylayan noong suot kong shorts.

"A-ahh."

"I know, I'm too fast. But I want you to know that my intention was clear and real."

Naipinid ko ang ulo ko sa isang direksyon.

"Hindi k-ko po kayo maintindihan Senyorito."

"Kaya nga nandidito ako para linawin sayo ang lahat Laurenz."

"Linawin? A-ang alin po?"

Pasulong niyang nilagay ang kanyang siko sa kanyang magkabilang tuhod na magkahiwalay at mainit na tumitig sa akin. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Kuya Sandro bago bumaling ulit sa akin.

"Are you sure you want me to say it with him around?"

"Kung may sasabihin man po kayo..d-diretsuhin niyo na po ako." Saad ko at lumabas naman mula sa silid ko si Sonya na nagkakamot sa kanyang mata pero nang makita niya ang dalawang lalaki ay napatalon siya ng konti pero di nagsalita.

Si Senyorito Theo naman ay parang walang nakitang iba at di binalingan ang kaibigan ko.

"I like you and I want to court you, ba-Laurenz."

Tila tumigil ang pag-ikot ng oras. Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung saan ako kakapit. Parang nawala ang lahat ng tao sa aming paligid at naiwan lang kaming dalawa. Humampas ang puso ko sa loob at halos maramdaman ko na ang kabog ng puso ko sa akin lalamunan.

Gusto kong tumawa. Gusto kong suwayin si Senyorito Theo kaso di ko nakikita ang pagbibiro sa mukha niya.

"Like what I said to you, baby girl. I like you and I want you to be mine. And I will court you if I need to."

End of flashback

Pumunta siya sa bahay para daw linawin sa akin ang lahat kaso kabaliktaran naman noon ang nararamdaman ko. Pero bakit ko nga iyon iniisip ng husto? Bakit ko nga ba masyadong iniisip ang inamin ni Senyorito sa akin? Hindi naman siya ang unang lalaki na umamin sa akin. Aaminin kung may ilan na rin kaso di rin naman nila napapanindigan ang kanilang mga sinasabi sa akin. At masasabi kong si Senyorito Theo ay kagaya lang din nila. Na matapos umamin sa akin ay mawawala nalang bigla dahil masyado raw akong OA, masyado raw akong nagpapa-bebe. E, anong magagawa nila kung di ko sila masagot. Pipilitin ko ba? E, hindi nga nila mapanindigan ang nararamdaman kuno nila sa akin.

Ngumuso ako. Alam kong may posibilidad na kapareho lang din si Senyorito sa mga lalaking umamin sa akin. At parang nasugatan ang puso ko sa kaisipang iyon. Matapos rin kasi iyon aminin ni Senyorito Theo ay di ko na siya nakita. O baka mas magandang sabihin ko na hindi na siya nagpakita sa akin.
Sinabi niya sa akin na maghihintay siya sa sagot ko. Sabi niya hihintayin niya na payagan ko siyang ligawan ako. Pero di ko na naman siya makita.

"Sonya."

"Hmm?"

"K-kapag ba pumayag ako sa sinabi ni Senyorito. Hindi ako magiging easy to get noon?"

Umirap si Sonya. "Ito ba ang epekto ng mga sinasabi ng mga tao sayo, Ren? Nawawalan ka na ng kompyansa dahil sa mga sinasabi nila."

"Hindi naman sa..."

"Ren, hindi naman porque papayagan mong ligawan ka ni Senyorito ay easy to get ka na. Wala namang masama sa pag-entertain ng manliligaw." sabad niya sa akin.

"Pero kasi--"

"Pero kasi iniisip mo ang sasabihin sayo ng mga litseng kapitbahay natin? Nang mga inggiterang babae sa lugar natin? Bakit porque ba bakla di na pwedeng ligawan ng isang lalaki, ng isang straight, gwapo, at mayamang lalaki?" Napayuko nalang ako doon at walang masabi. "Mula noong may mga lalaking nagpapakita ng mutibo sayo Ren. Napapansin kong di mo sila pinapansin. Alam ko naman na priority mo ang school ngunit mas napansin ko na masyado kang nagpapa-apekto sa mga babaeng nagpaparinig sayo. Maganda ka kasi kaya di na kataka-taka na may marami talagang nagkakagusto sayo. I mean, kahit nga mga chaka ang face may nagkakagusto. Ikaw pa kaya na mabait, maganda, at mahinhin. Kaya nga sabi ko sayo. Kung naging lalaki lang ako baka tirahin din kita."

Napatawa ako sa sinabi ni Sonya sa akin. Grabe rin talaga ang bakla na ito. Tirahin talaga kaagad.

"Ganyan. Tumawa ka. Ngumiti ka. Hindi ako sanay na nakikita kang di ngumingiti, Ren."

"Salamat. Salamat, Sonya."

"Aysus! Ano pa't naging kaibigan mo ang isang dyosang tulad ko? Syempre tayong magaganda lang din ang nagtutulungan."

"Hahaha!"

"Pero, ano? Papayagan mo nang manligaw si Senyorito Theo sayo?"

"Hindi ko na siya nakita mula no'ng nakaraang linggo, e."

Marahas siyang bumuga ng hangin. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa mga umaamin sayo, Ren. Pagkatapos umamin igo-ghost ka."

"Edi mas okay iyon binibigyan nila ako ng rason para hindi sila paglaanan ng panahon." wika ko.

"Hmm, mabuti pa siguro si Kuya, sigurado akong di ka no'n igo-ghost."

"Huh?"

"Wala, sabi ko, tara na. Malapit na ang oras."

Kinuha ko ang sako na ginagigamit ko dito. Namumulot kasi kami ng niyog dito at nilalagay namin ito sa iisang lugar. Sa lawak at dami ng puno ng niyog dito ay kahit pa marami kami natatapos sa ginagawa namin. Kahit sabihin pa nating sa isang araw isa lang ang nahuhulog na niyog sa kada-puno. Napakadami pa rin.

Naghiwalay na kami ni Sonya sa pamumulot ng niyog at ako naman ay masaya lang ba sinusukbit sa balikat ko ang sako at naghahanap niyog. May kabigatan na ang dala-dala kong sako sa mga napupulot kong niyog. Nagha-hum ako nang kanta habang naglalakad. Hapon na rin naman at hinihintay ko nalang talaga tumawag ang iba namin kasamahan para sa aming uwian. Kaya nga hindi ko na binibilisan itong kilos ko saka wala rin sa paligid ang nagbabantay sa amin.

Natigil ako sa paglalakad ko nang biglang nawala ang bigat ng dinadala ko. Lumingon ako at doon ko nakita si Senyorito Theo na nag-iisang linya ang labi at pinanliliitan ako sa kanyang mata.

"Senyorito."

"It's already time."

"Po?" Bulaslas ko. Bakit di pa kami tinatawag?

"Akin na 'to," saad niya at di na ako pinasagot bago kinuha ang sako sa akin.

"Senyorito trabaho ko p-po ito." Natataranta kong ani sa lalaki at sinubukan kong agawin ang sako sa kanya kaso hinawakan niya lang ang kamay ko at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

"Your hand feels warm." Komento niya at tinapunan ng tingin ang magkasiklop naming kamay. Di ko iyon mabawi sa kanya sa higpit ng hawak niya.

Nagsimula na siyang humakbang kaya naman napilitan akong nahulin ang mahahaba niyang biyas.

"Marumi po ang kamay ko."

"I know."

"Hindi po kaaya-aya ang amoy ko."

"I know and I don't care." Walang gana niyang wika.

"Madudumihan po kita."

"Yeah, and,"

"Bitawan niyo na po ako." punto ko sa kanya.

Nilingon niya ako sa pamamagitan ng balikat niya. Napatingin ako doon sa isa niyang kamay na mahigpit na nakakapit sa sako. Lumilitaw ang ugat ng kamay niya doon.

Pinasadahan ko ang isang tingin ang kanyang hitsura ngayon. Naka-boots siya, nakaputing t-shirt na tama lang ang kapit sa kanyang maskuladong katawan, ang t-shirt niya naman ay naka-tuck-in sa kanyang rugged jeans...

Uminit ang pagmumukha ko nang makita ko ang bahagi ng kanyang gitnang hita. Inay! Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Ayaw ko." sagot niya.

"Madudumihan nga po kita." Medyo nainis na ako doon dahil paulit-ulit na ako dito.

"I'll take you home, dala ko si Atlas," turan niya. Nakita ko naman sa unahan ang isang kabayo na kulay itim ay kumakain ng damo.

Mahina kong hinila ang kamay ko sa kanya at napatigil ulit siya.

"Hmm?"

"Bakit n'yo po ako ihahatid?"

Itinaas niya ang kanyang isang kilay at ngumiti sa akin na di kita ang nga ngipin niya.

"I'm courting you, baby girl."

Napalabi ako bago nagsalita, "Pero sa pagkakatanda ko po ay di pa naman po ako pumapayag doon."

Naibaba niya ang sakong dala at nilapitan ako. Dumipena ang pagkamaliit ko sa tangkad niya.

"I have already realized things, baby girl. I know what I said last time. I said, I will wait for your go signal. But why would I wait for your go signal when I want you like crazy? I will make you mine, baby girl, by hook or crook. You'll be mine."

"Kaso Senyorito."

"Yes, baby?"

Ang init sa mukha ko ay kumalat sa tainga ko at pati na sa bahagi ng leeg ko.

"K-kasi po..."

"Ayaw ng magulang mo?"

"Hindi naman po sa ganoon."

"Take me to them. I will formally ask their permission to court their beautiful son."

Yumuko ako. "W-wala na po ang mga magulang ko."

Natahimik siya at ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang kamay niya sa baba ko ay inangat niya iyon.

Napatitig ako sa kanyang mga mata. Lumambot ang matitigas niyang titig at kumuyom ang panga.

"Take me to where their mausoleum is. I will still ask them formally."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂


Senyorito Thedore Granville III with Atlas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top