CHAPTER 6

Chapter 6


Laurenz Pov

Sa sinabi ni Senyorito na nasa turmoil ang isip niya pagkatapos nang sinabi niya ang utak ko na naman ang nasa turmoil. Gulat ako, parang wala akong naririnig na daloy ng tubig at gangis sa paligid, ang naririnig ko lang ay ang palo ng puso ko sa dibdib. Nakakabinging palo sa dibdib ang naririnig ko at para akong kinunan ng kakayahan sa pagsasalita sa mga sandaling iyon.

Naririnig ko rin ang mararahas na hininga ni Senyorito Theo sa tainga ko. Para siyang hayop na hinihingal sa harapan ko ngayon.

Napatingin ako sa paligid at wala na si Sonya. Nakita ko naman si Sir Aziel na wala na sa sapa at papunta na sa kabayo niya at inaayos ang tali noon o baka kinakalas na upang umalis.

Aatras sana ako upang lumayo na kay Senyorito Theo kaso bumigay ang binti ko at muntik na ako malunod sa tubig kaso mabilis ang kamay ni Senyorito at agad na naagap ang baywang ko.

"A-aahon na po ako." saad ko at tiningala ang tayog ni Senyorito.

Bumaba ang mata niya sa akin at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang gulung-gulungan.

"Hmm." tanging ugong niya. "Kaya mong maglakad?"

Tumango ako kaya naman pinakawalan niya ang baywang ko.

Nauna na akong lumangoy tungo sa pampang. Nang makarating ako ay mabilis akong umahon sa tubig at tinungo ko kaagad ang palanggana ko na naglalaman sa mga nilabhan kong mga damit. Kinuha ko ang towel na dala at niyakap ko iyong sa aking katawan.

"Theo! Let's go!" tawag ni Sir Aziel na nakabihis na.

"Wait for me, baby girl."

"Po?" Litong wika ko pero hangin na ang nakarinig noon nang maka-alis na si Senyorito at tinungo ang pinsan.

Nakita kong sinuot niya ang damit na kanyang hinubad kanina at mukhang may pinag-uusapan sila ni Sir Aziel. Sa di ko malaman na dahilan ay di rin ako umalis sa kinatatayuan ko at naghintay ako. Kinuha ko ang palanggana ko.

Nagtaka ako nang umalis si Sir Aziel at dinala ang kabayo na dala ni Senyorito Theo.

Bumalikan ako ni Senyorito Theo. Walang sabi niyang kinuha ang palanggana na nasa ulo ko na.

"Senyorito."

"Ako na magdadala."

"Pero po..."

"Let's go." anito kaso di ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Senyorito akin na po ang palanggana. Ako na po magdadala n'yan."

"No."

"Senyorito naman."

"Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Po?"

Dinalaan niya ang kanyang labi.

"Uuwi. Sa bahay mo."

"P-pero di naman po doon ang bahay ninyo. Saka bakit po di kayo sumama kay Sir Aziel. Dinala pa ang kabayo ninyo."

"Sinabi ko na kanina. Ihahatid kita sa bahay mo."

"Ayaw ko po."

"And why is that?"

"Senyorito isipin niyo naman po ang mga taong makakakita sa inyo na may dalang palanggana at kasama ako."

Mula sa papalubog na araw na naghahalo na kulay pula at kahel sa ulap ay nakikita ko ang hitsura ni Senyorito na para bang kasalanan na pangarapin iyon. Teka. Bakit ko nga ba iyon iniisip?

Kumunot ang makapal at pantay nitong kilay.  Palatandaan na mukhang naiinis ko siya o baka ay galit na ito. Ang iniisip ko lang naman ay ang mga iisipin ng mga tao na makakakita sa kanya. Di naman ako nag-iisip ng kung ano-ano, ang akin lang ay masyadong malisyoso at malisyosa ang mga tao dito sa amin. Kasi ultimo nga iyong mga kapit-bahay namin na may mga kaibigan lang na dinadala sa bahay ginagawan na ng isyu. Ano pa kung si Senyorito? Ayaw kong idawit ang pangalan niya sa akin. At mas lalong ayaw kong masabit ang pangalan ko sa kanya. Hindi maganda ang reputansyon niya, e.

"Hayaan mo silang mag-isip. Hindi naman ikaw ang hindi makakatulog sa pag-iisip n'yan."

"Hindi n'yo po ako naiintindihan Senyorito."

"Talagang hindi kita maiintindihan sa pag-iisip mo, baby...baby girl."

Kumibot ang labi ko. At niyakap ko ang towel sa aking katawan na nilalamig. Siguro sa hangin.

"Hindi ka ba nilalamig? Let's go."

"Ang p-palanggana ko po, akin na."

"You're really stubborn, baby." bulong nito sa ilalim ng hininga niya.

"Po?"

"Just lead the way para makaalis na tayo. If you're thinking of what the people might say kapag nakita nila tayo. Dun tayo dadaan sa daan na wala masyadong tao na dumadaan."

"Ang kulit at ang tigas po ng ulo ninyo Senyorito."

"I am born this way, kaya nga nandidito ako sa San Concepcion."

Bumuntong hininga nalang ako at lumakad. Wala talaga sigurong patutunguhan ang pagtatalo namin, e. Hindi kasi papatalo si Senyorito. Gustuhin ko mang abutin ng palanggana ko kaso ang tangkad niya naman.

Habang nilalakbay namin ang short-cut patungo sa bahay namin ay naisip ko si Sonya. Ano kaya ang iisipin noong si Sonya matapos siyang sigawan ni Senyorito? Ano nalang kaya ang iisipin niya sa akin?

Ito naman kasing si Senyorito di naman nag-iisip, kung ano ang gusto niyang sabihin iyon talaga ang sasabihin niya. Di niya alintana ang mga taong nasa paligid niya. Iyon ang isa samga napansin ko sa kanya. Ang carefree niya.

Pagkarating sa bahay ay sa likod kami dumaan, mahirap na dahil ang harap ng bahay ay daan. Baka may mga taong dumadaan.

"Akin na po."

Binigay ni Senyorito ang palanggana sa akin. Di ko muna iyon isasampay dahil nandidito siya.

"Hintayin n'yo po ang damit ninyo. Kukunin ko lang po."

Ngumisi siya pero iyong ngisi na di man lang umabot sa kanyang mata.

"Bukas mo na ibigay 'yan. Pumunta ka sa bahay ko."

"Ayaw ko nga po."

"At bakit?"

"Hindi naman po importante ang ganapan sa bahay ninyo bukas para puntahan ko. At di po tayo magka-ano ano, kaya ano naman ang gagawin ko doon? May mga importante po akong gawain."

"I really can't change your mind." Panghahamon nitong wika at humakbang pa-abante sa akin, hindi ako nagpatinag doon sa kabila ng pagwawala ng puso ko. Kahit na maliit na pag-atras ay di ako umatras. Nais kong ipabatid sa kanya na seryoso ako at di na magbabago ang isip ko.

Hanggang sa ilang pulgada nalang ang distansya namin sa isa't isa at ang amoy na nalalanghap ko ay ang amoy na niya. Mainit ang katawan ni Senyorito na kahit na di nagdidikit ang katawan namin ay nararamdaman ko iyon.

"O-oo po."

"I... I want you to come... baby girl."

"M-may mga ibang baby g-girl mo naman yata ang dadalo doon Senyorito."

Rinig ko ang pagtagis niya sa kanyang ngipin.

"You're just my baby girl."

Matapang kong inangat ang tingin ko sa kanya. Akala niya ba ay naniniwala ako sa kanya, sa sinabi niya doon sa sapa? Ginugulo niya lang ang utak ko. Alam kong niloloko lang ako nito at pinaglalaruan. Porket taga-probinsiya ako at bakla. Ayaw kong patunayan sa mga kapit-bahay namin ang kanilang mga parata sa akin, na bakla ako at kumakagat daw ako sa kung sino-sinong lalaki. Dahil di naman ako ganoon. Masasakit at tanga lang talaga mag-isip ang ibang tao dito. Masyadong minamaliit ang tulad ko. Masyadong mababa ang tingin nila sa tulad ko.

"Sinungaling,"

"It's true." Matigas nitong untag sa akin. Parang inis na inis na sa tono ng pananalita nito.

"Di mo ba baby girl ang babae kasiping mo noong nakita kita sa kwarto mo?"

Nanlaki ang mata niya doon. Hindi ko alam kung bakit umabot na ang usapan namin sa ganito. Ayaw kong sabihin iyon sa kanya kaso lumabas na sa bibig ko. Di ko na mababawi iyon.

"She's nothing, to correct you, baby girl. Di kami nagsiping. It's making out only."

Palikero talaga. Inamin din.

"Hindi k-ko alam kung bakit natin napag-uusapan iyon Senyorito pero mas mabiti kong umalis ka na kung di mo naman tatanggapin ang damit mo." Pagpuputol sa usapan namin.

Napamura nalang siya at tumalikod sa akin bago ginulo ang buhok.

Hindi ako nakumbinsi ni Senyorito na pumunta sa kanyang welcome party bukas. Imbes ay mas nakumbinsi niya ako na ang tulad niyang lalaki ay di dapat na pagkatiwalaan. Masyadong mapaglaro, mapaglaro sa tao, sa damdamin ng mga tao.

Umuwi siya sa bahay niya na di dala ang damit niya. Wala akong paki-alam kung di ko na ma-isasali iyon. Binigyan ko na siya ng pagkakataon kanina na ibalik iyon pero nag-iinarte siya.

Pinapagpag ko ang higaan ko samantalang si Sonya naman ay naka-frog sit sa sahig, sa harapan ko. Di niya alintana ang alikabok. Nakakrus ang braso niya at nag-iisang linya ang kanyang mga labi.

Humiga ako.

"G-goodnight, Sonya."

Nagulat ako nang umupo si Sonya si higaan ko at binangon ako.

"Anong ginagawa sayo ni Senyorito, Ren? Sinaktan ka? Pinilit ka? Ipapa-blatter na ba natin?"  Tingin ko'y naalog yata ang utak ko sa pagkayugyog ni Sonya sa balikat ko.

"Ano?" suna nito.

Lumaylay ang balikat ko nang pakawalan ako ni Sonya. Binuka ko na ang bibig ko upang sagutin siya nang bigla itong tumayo at nagmartsa sa harapan ko habang tuptop ang kuko sa hinlalaki niya.

"Kung ipapa-blatter natin si Senyorito, sigurado ako Ren na wala tayong laban. Hindi man pag-aari ng mga Granville ang San Concepcion kaso makapangyarihan pa rin sila sa buong probinsiya. At alam nating di nila hahayaang madungisan ang kanilang pangalan. Ren ano na ang--"

Inabot ko ang kamay ng kaibigan kong nagma-martsa sa harap ko at hinila ko ito paupo.

"Tumigil ka nga. Walang nangyaring sakitan--"

"Kasi nagustuhan mo!?" sigaw niya, nakalimutan yata na gabi ngayon.

Sinampal ko ang balikat niya.

"Ano ba ang iniisip mo Sonya! Anong nagustuhan? Saka, oo pinilit ako ni Senyorito na..."

Napatigil ako ng lumipad ang kamay ni Sonya kanyang bibig at kapwa nanlaki ang mata sa akin.

"Pinilit ka n-ni Senyorito?"

Muntik ko nang kulamusin ang mukha ni Sonya. Ano ba itong pinag-iisip niya?

"Pinilit niya akong pumunta bukas sa mansyon!"

Nauwi sa pagngiwi ang pagmumukha niya.

"Ay 'yan lang pala. Akala ko kung ano na."

Umirap ako. Siya lang naman itong nag-o-overreact, e.

"Oo 'yan lang, ikaw lang naman itong kung saan-saan na lumilipad ang utak."

Tumawa ito at kinuha ang kamay ko.

"Kaya niya ako sinigawan kanina dahil lang doon?"

Napanguso ako. Ayaw kong sabihin sa kanya iyong inamin ni Senyorito. Niloloko lang ako n'on, e.

"Oo."

Binagsak niya ang kamay ko.

"Ay! Grabe naman 'yang si Senyorito. Alam kong pogi siya pero grabe naman na sinigawan niya ako. Di matanggap ng fiys (face) ko, ah na sinigawan."

Wala akong naging komento doon. Oo nga naman grabe si Senyorito doon.

"Pero Ren bakit ka ba niya pinipilit na pumunta doon bukas?"

Nagkibit ako ng balikat ko.

"Sabihin mo Ren. May gusto pa sayo si Senyorito?"

Muntik ko nang matulak si Sonya dahil doon sa sinabi niya.

"Hoy! Grabe ka naman d'yan Sonya. Anong gusto?"

Maarte niyang pinagkrus ang braso.

"Syempre, bakit ka niya gustong pumunta doon? Bakit ikaw lang ang pinilit niyang pumunta doon?"

"Hindi Sonya. Tingin ko pinaglalaruan ako ni Senyorito porket bakla ako. Narinig mo naman siguro ang bali-balita dito diba, na palikero 'yang si Senyorito? Akala n'ya siguro madadala ako sa mga matatamis niyang salita."

Unti-unti sumilay ang ngiti sa labi ni Sonya, humawak ito sa balikat ko.

"Ganyan nga," yugyog nito sa akin. "Ganyan nga Ren. H'wag kang padadala doon. Dahil tubong Manila iyon di natin alam ang galawan n'on. Saka alam na natin ang reputasyon niya, baka ikaw ang uuwing luha-an kapag nagpadala ka doon."

Tumango ako.

"I reley (really) raised you well, Ren."

Napailing nalang ako kay Sonya at nakapagdesisyon kaming matulog.

Kinabukasan, hapon nang pumunta ako sa pinakamalapit na tindahan dito sa amin ay rinig ko kaagad ang mga tsismis sa welcome party ni Senyorito Theo. Narinig ko ang usap-usapan na umuwi raw ang mga magulang ni Senyorito dito at may mga bisita pa raw na galing sa Manila.

"Tao po? Aleng Lons?"

"Oh, Ren anong iyo?"

"Babayaran ko po 'yong utang ko."

"Ah, sige, saglit lang."

Tumango ako.

"350 ang total ng utang mo dito."

Kumuha ako ng limang daan sa pitaka ko at binigay ko iyon kay Aleng Lons. Bumili nalang din ako ng dalawang kilong bigas at corn beef.

Yakap ko ang bigas na dalawang kilo at corn beef pagkauwi ko nang madaanan ko sina Sonya at Aleng Salem na kapwa bihis na bihis.

"Oh, Ren, di ka ba pupunta sa mansyon?"

Umiling ako kay Aleng Salem.

"Hindi na po. Tatapusin ko po ang cross-stitch ko, e. Bukas ko po kasi iyon ibibigay sa customer ko."

"Ah, ganun ba sayang naman." Si Aleng Salem at nang may makita itong kumare niya ay iniwan kami ni Sonya.

"Di ka talaga mapipilit?"

Natatawa akong tumango kay Sonya.

"Saglit Sonya may ipapabigay ako sayo kay Senyorito."

Kumunot ang noo niya pero sumunod naman ito sa akin sa bahay ko.

"'Ma! Sa bahay muna ako ni Ren, ha!"

Pagkarating sa bahay ay kinuha ko naman kaagad ang damit ni Senyorito na di niya tinanggap kagabi. Binigay ko kay Sonya ang paper bag kung saan nakasilid ang damit ni Senyorito.

"Paki bigay naman ito kay Senyorito. Sabihin mo pinapabigay ko sa kanya."

"Okay,"

Nang umalis sina Sonya ay nagsaing na ako para naman makakain na ako at matapos ko ang ginagawa kong cross-stitch. Pagkatapos kong magsaing ay niluto ko na rin iyong corn beef. Matapos ang hapunan ko ay nag-facebook muna ako. Nabusog kasi ako masyado.

Lumabas ako sa balkonahe ng bahay at doon ko napiling mag facebook. Binuksan ko kaagad ang data ko at nag-facebook. Ngumuso ako nang wala pala akong load kaya di ko makita ang mga photos at videos.

May nakita akong mga post na ang caption ay tungkol doon sa welcome party ni Senyorito Theo. Di ko naman makita ang pictures kasi see photos ako ngayon. Sayang din kasi ang ipanglo-load ko.

Awtomatik na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita kong may nagpop-up na isang message sa akin.

Si Kuya Sandro pala.

Sandro: hi, ren. Kumusta?

Nagtipa kaagad ako ng reply.

Ako: magandang gabi po kuya. ayos lang naman po. Kayo po dyaan, kumusta na po?

Sandro: Ayos lang din Ren. Di ka pala sumama kina Sonny sa welcome party ng apo ng mga Granville?

Ngumuso ako at nagreply.

Ako: Hindi po. May ginagawa po kasi ako.

Sandro: Mabuti na rin.

Kumunot ang noo ko dahil sa reply ni kuya Sandro sa akin.

Sandro: Pwede ba akong tunawag sayo Ren?

Ako: Wala po akong load, kuya.

Sandro: Sige, sa susunod nalang.

Ilang minuto lang ay nagpaalam din ako kay Kuya Sandro para matapos ko ang ginawa ko. Bumalik ako sa loob ng bahay para tapusin ang cross-stitch ko. Halos dalawang oras na kong natapos ang cross-stitch na ginagawa.

Nag-inat ako sa buto, nilinis ko ang naiwan kong kalat at maghahanda na sana akong matulog nang may marinig akong katok.

"Sino 'yan?"

"Ren."

Nang marinig kong si Sonya iyon ay binuksan ko iyon.

Nagdugtong ang kilay ko nang makita kong bagsak ang balikat ni Sonya. Pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan ko at nakita kong bitbit niya ang paper bag na pinadala ko sa kanya.

"Sonya."

Inabot niya sa akin ang paper bag.

"Hindi niya tinanggap, Ren."

Kinuha ko iyon.

"Ha?"

"At sinigawan na naman ako."

"E, bakit naman."

Umasim ang mukha niya. "Bakit daw hindi ikaw ang nag-abot sa kanya."

Ngumuso ako. "Sorry, Sonya. Halika, dito ka ba matutulog?"

"Hindi muna Ren. Nagtampo si mama, e." Natatawa nitong wika.

Wala akong magawa doon at niyakap lang ako ni Sonya at nagpaalam para umuwi.

Bumuntong hininga ako. Bahala na nga ang lalaking iyon kung di niya ito tatanggapin. Basta sinauli ko na sana ito sa kanya pero siya ang nag-iinarte!

Hindi ko na iyon iniisip pa at natulog dahil masyado akong pagod at masakit ang mata ko at kamay sa ginawa kanina.

Naging mahimbing at maganda ang tulog ko. Kaya naman nang dumating ang bagong umaga, malaki ang ngiti kong binuksan ang bintana dito sa kwarto ko at malapad ang ngiti kong sinalubong ang panibagong magandang araw. Napapikit ako sabay inat sa kamay nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Tumaas ang laylayan ng sleeveless ko hanggang sa pusod dahil sa ginawa.

"Magandang uma--"

"Sexy,"

Mabilis kong natiklop ang kamay ko at napa hawak sa hamba ng bintana sa gulat nang may magsalita sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Senyorito Theo sa may balkonahe ng bahay ko. Nakasandal siya sa isang haligi doon at nakasilid pa sa kanyang jeans ang kamay.

"S-s-senyorito?"

"You're more beautiful than the morning, baby girl."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top