CHAPTER 5

Chapter 5

Laurenz Pov


Wala na yata akong mukhang ihaharap kay Sir Aziel at Senyorito Theo matapos ang nangyari doon sa pool. Sa mga oras na iyon ay gusto ko nalang magpatangay sa hangin o ang maglaho matapos nang sinabi ni Senyorito o mas magandang sabihin na sinigawan ako ni Senyorito Theo.

Hiyang-hiya ako na gusto ko nang umalis sa lugar na iyon kaso may trabaho ako. Kahit na ganoon ay nagpasalamat pa rin ako na nagawa kong isuot ang tshirt ko at nakapagpatuloy sa aking trabaho kahit na para na akong mababaliw sa lakas ng kabog ng puso ko. Di ko matukoy kung dahil ba iyon sa hiya, sa takot, o sa gulat dahil sa bulgarang sinigaw ni Senyorito sa pagmumukha ko at nandodoon pa ang pinsan niya. Sobrang nakakahiya. Mabuti nga't pagkatapos noon ay may dumating na iba pang maglilinis sa buong pool kaya naman madali lang kaming natapos doon at dahil di ko na magawang tumingin sa kinaroroonan nila Sir Aziel at Senyorito Theo, di ko alam kung kailan sila nakaalis sa lugar na kinahinga ko naman iyon nang maluwag.

Sa pagkakataong iyon ay naging instant ninja yata ako para lang makaiwas sa magpipinsan dahil sa hiya ko. Mabuti nga at nakapagbihis ako ng damit na tuyo dahil may extrang dala si Sonya. Mahilig din si Sonya sa mga loose shirts or oversized kaya itong suot ko ngayon ay parang duster dress nana umaabot hanggang sa gitnang hita ko ang haba, natatabunan ang suot kong shorts na kay Sonya rin.

Ang nakakatuwa pa ay kung kailan ayaw kong makita ang dalawa ay saka naman sila sulpot nang sulpot kung saan-saan. Kagaya ngayon...

"Senyorito, Sir Aziel," bati ng mga kasamahan ko na nag-aayos sa mga mesa at sa mga silya. Hinahanda na ito para sa susunod na raw na kaganapan dito sa mansyon.

Natalikod ako sa gawi nila at naka-half bend ang paa. Bastos man pero di ko talaga binigyan ng kahit na isang tingin ang dalawang bagong dating. Patuloy lang ako sa pagsusuot ng tela doon sa silya at nagkukunyaring busy—busy nga naman talaga ako. May iba namang mga tauhan na naatasang gumawa nito kaso madami kasi kaya tumulong na kami.

Minsan napapa-isip nalang ako kung may diperensya ba itong puso ko dahil sa pagwawala nito. Pero nangyayari lang naman ito kapag nasa malapit si Senyorito Theo, e. Anong tawag sa sakit na ito kung ganoon?

"Busy sa loob si Aleng Senya at kailangan niya ng mga tao na tutulong doon. Laurenz, pwede bang doon ka sa loob?  Tulungan mo lang sila doon." Si Sir Aziel iyon.

Napahinto ako sa ginagawa ko at nakagat ang mga labi. Lumunok ako.

"M-may ginagawa po ako dito." Pagdadahilan ko at di ako lumingon.

"Oo nga sir Aziel may ginagawa po si Ren. Pwede naman po na kami nalang doon." rinig kong pagpresenta ng isang babae na kasama ko dito.

"Oo nga sir, senyorito, at kaya na naman ni Ren dito, diba, Ren?" May nagsegunda pa.

Lumingon ako saglit sa mga babae na kasama ko dito. At binigyan ko sila ng tipid na ngiti bilang pagsang-ayon ko.

Talagang tumuloy pa ang mata ko at napatingin kay Senyorito Theo. Napaigtad ako kasama nang paghampas ng puso ko sa loob nang nagtama ang mga mata namin. Kanina pa ba niya ako tinititigan? Bakit kung makatingin siya sa akin ay ang tapang noon? Galit pa ba siya doon sa kapangahasan ko kanina? Humingi na naman ako ng despensa doon. Mali nga naman ako. Saka hindi ko man lang inisip na oras ng trabaho, at wala ako sa sapa para lumangoy lang ng ganon-ganon kaso nakahingi na ako ng tawad doon.

Ako na ang pumutol sa aming titigan at muling binalik ang atensyon ko sa ginagawa dahil mukha namang walang balak putulin ni Senyorito ang titig niya.

"Okay." ani Sir Aziel.

Nagtilian naman ang mga babae doon at nagtutulakan pa papasok sa mansyon. Nang mawala ang mga presenya sa likod ko ay napa-upo ako sa damuhan na kaka-trim lang. Di ko lubos maunawa-an kung bakit ba ganito ang puso ko at katawan. Para akong nanghihina.

Umupo ako sa isang silya at tiningnan ko ang paligid ko na napuno sa mga silya at bilog na mesa. Inay! Ang dami pa palang dadamitan na ang mesa at silya.

Sa araw na iyon ay matagal kaming pinauwi para matapos ang lahat ng gawain. At sa araw ding iyon ay binigay ang aming sweldo. Masaya akong tinanggap ang sweldo ko dahil kahit papaano ay may ipanggagastos na ako. At sa susunod naman na linggo ay magsisimula na akong magtrabaho doon sa hacienda ng mga Granville.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa sobre kung saan nakalagay ang sweldo ko habang hinihintay ko si Sonya at Aleng Salem. Narinig ko ang mga babaeng lumalabas sa mansyon na nag-uusap sa gagawing party dito sa Sabado. Di pa rin talaga sila tapos doon.

Pagkalabas ni Sonya ay nagtatalon ito sa akin at niyakap ako.

"Grabe ang laki talaga magpasweldo ng mga Granville, 'no? Napapa-isip ka nalang talaga na mas mabuting maging alipin ka nalang dito kaysa mag-aral." Eksaherada ni Sonya matapos akong pakawalan sa nakakasakal niyang yakap. Nagtatrabaho nga kami ni Sonya dito sa mansyon ng mga Granville pero parang nagkikita lang kami sa oras ng lunch at snack namin.

Tumango lang ako doon. Malaki talaga pero mas maagi pa ring mag-aral.

"Anong gagawin mo dya-an sa pera mo, Ren? Bibili ka na nang sinabi ko sayong sabon?"

Umiling ako.

"Hindi may utang pa ako sa tindahan na kailangan kong bayarin, e. Saka nagtitipid ako para sa susunod na pasukan."

Tumango siya.

"Haha, di mo na rin naman kailangan ng sabon na iyon, Ren. Maputi ka na, e."

Ngumisi lang ako doon.

"Sandali, sa Sabado pupunta ka dito?"

Napanguso ako doon at napapatid sa paa ko at humarap sa daan. Sa una palang ay wala na naman talaga akong balak na pumunta sa welcome party ni Senyorito Theo. Kung iisipin mo ay ang dami kong naging atraso sa lalaki simula palang sa una. Sa unang pagkikita namin, sa pangalawang pagkikita namin at hanggang ngayon ay nagka-atraso pa ako. Nadagdagan lang noon ang lakas ko na huwag na talagang dumalo. Wala na akong mukhang ihaharap kay Senyorito.

"Hindi Sonya. Sa bahay nalang ako at tatapusin ko ang cross-stitch ko na pinagawa ng isang customer."

Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako pagdating sa cross-stitching at doon din ako nagkakapera. Hobby ko lang ang cross-stitch kaso nang may nagsimula nang magpagawa sa akin ay ginawa ko ng pagkakakita-an iyon.

"Grabe ka talaga kumayod Ren."

Ngumiti ako. Ang tagal naman ni Aleng Salem.

Nag-uusap kami ni Sonya ng kung ano-ano lang nang may grupo ng babae ang lumabs mula sa loob ng mansyon at lumapit sa amin.

"Sino ba si Sonny sa inyo?" tanong nang isang babae.

Nagkrus naman ng braso niya si Sonya.

"Ako, bakit?"

"Hinahanap ka ng mama mo sa loob." maldita namang turan nito, inirapan pa ako at tumalikod sa amin.

Umasta pang susugurin ni Sonya iyong mga babae pero hinawakan ko na ang kamay niya.

"Saglit lang ako Ren, ha."

Isang tango ang binigay ko kay Sonya at umalis din ito.

Ako lang mag-isa dito sa labas pero di naman ako natatakot kasi nasa harap naman ako ng mansyon ng mga Granville. Wala naman sigurong mangangahas na gumawa ng kasamaan dito.

"Laurenz,"

Tugdog! Tugdog!

Nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Senyorito Theo ay parang wala akong ibang narinig kundi ang boses niya lang.

Tumaas-baba ang balikat ko dahil sa kabig ng puso ko.

"S-senyorito..."

Nakita kong naka-pantalon siya at naka-tshirt na kulay abo na may tatak check sa may dibdiban nito, Nike. Sakto lang ang tshirt niya na yumayakap sa kanyang katawan at nai-inat ang manggas noon sa laki ng biceps at triceps niya. Nakatsinelas lang naman siya at magulo ang buhok niya na madampi pero ang lakas ng dating niya, nakakapanliit masyado sa tulad ko na naka-oversized shirt at shorts lang at luma pa.

"Hindi ka pupunta dito sa Saturday?" Diretso nitong tanong sa akin, di alintana ang pagkabalisa ko dito sa unahan niya.

"A-ano po... oo po."

Yumuko ako.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Tumingin muli ako sa kanya at tinago ko ang kamay ko sa likod ko.

"H-hindi naman po." pagsisinungaling ko.

Nauutal ako sa lakas ng alpas ng puso ko.

"Okay," anito at tinalukuran ako.

Naikiling ko nalang ang ulo ko dahil sa inakto niya. 'Yon na 'yon? Tinanong niya lang kong pupunta ba ako o hindi dito sa Sabado?

Ngumuso naman ako at nagtatakang bumaling sa daan na muntik ko nang makalimutan na may dumaan palang mga tricycle doon.

Ilang minuto lang bago nawala si Senyorito Theo ay nakabalik naman si Sonya na nakabusungot ang mukha at kasunod si Aleng Salem. Ako na ang pumara ng traysikel namin dahil mukhang wala sa mood ang kaibigan ko.

"Anong problema?" tanong ko kay Sonya habang nasa byahe kami.

"Nakakainis! Hindi naman pala ako hinahanap ni mama doon sa loob." Panghihimutok nito at nalukot ang mukha.

"Huh?"

"Tsk! Inu-uto yata ako ng mga babaeng iyon na hinahanap ako ni Mama sa loob. Kasi pagkarating ko doon ay papaalis na si Mama, e."

Natawa nalang ako dahil na badtrip talaga si Sonya doon sa ginawa ng mga babae sa kanya. Hanggang sa pagkatulog namin ni Sonya ay dinadala niya ang inis sa mga babae.

Kinabukasan ay wala naman kaming trabaho doon sa mga Granville kaya naman nakapaglinis ako sa bahay at nakapagpagtuloy sa stitching ko. Tumambay si Sonya sa bahay kaya hindi ako naboryo. Nagpi-facebook siya kasama ako na nagsti-stitch. Bumalik na kasi kahapon si Kuya Sandro sa trabaho niya kaya wala nang mang-aasar at mang-uutos kay Sonya.

May cellphone naman ako at may facebook din ako kaso wala naman akong masyadong interes doon. May cellphone ako pero di ko naman masyadong nagagamit dahil wala naman akong paggagamitan n'on ngayon.

Nang sumapit ang hapon ay napagdesisyonan namin ni Sonya na maligo sa sapa dala ang aming maliit na labahan. Ang ganda lang din ng ilog at sapa namin dito kasi sobrang linis at linaw. Matapos naming maglaba ni Sonya ay nag-uunahan na kami sa medyo malalim na parte para makapaglangoy. Malakas kaming nagtatawanan ni Sonya at nagsasabuyan ng tubig hanggang sa napagod kami kaya naman pumunta muna kami sa mababaw na parte at umupo sa bato. Nakalublob ang paa ko sa tubig na patuloy sa pagdaloy.

"Ang galing mo nang lumangoy Ren parang dati lang umiiyak ka kapag hinihila kita sa malalim na parte."

Tumawa ako doon. Oo nga. Takot talaga ako noon.

"Salamat sayo at kay Kuya Sandro natuto akong lumangoy kahit konti." wika ko habang binubuhusan ng tubig ang hita ko gamit ang kamay ko.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Sonya tungkol sa karanasan ko sa sapa nang may marinig kaming mga tunog, tunog ng mga yabag ng isang hayop!

Kapwa kami napalingon ni Sonya sa direksyon kung saan nagmumula iyong mga yabag na iyon at nakita namin ni Sonya na may paparating na dalawang kabayo at may sakay ito.

"Sino ang mga iyan?" Nanlilit ang matang tanong ni Sonya.

Hindi ko na nasagot doon si Sonya at nakatutok lang ako sa paparating sa amin. Nang makita na namin iyon ng maayos ay saka pa namin napagtanto na sina Senyorito iyon.

"Senyorito Theo! Sir Aziel!" Walang hiyang sigaw ni Sonya at kumaway pa sa mga paparating na lalaki.

Ako naman dito ay di malaman ang gagawin. Gusto kong maligo ulit na gusto ko na ring kumaripas ng takbo at umuwi sa di ko malaman na dahilan.

Sabay na kinabig nina Senyorito Theo at Sir Aziel ang lubid ng kabayo nila at huminto ito.

Inalis ko ang tingin ko sa mga bagong dating at nag-isip kung hihilahin ko ba si Sonya pauwi o hindi. 

"Anong ginagawa ninyo dito?" si Sir Aziel ang unang nagsalita.

"Naligo lang sir." sagot ni Sonya dito.

"Hmm, tamang-tama naghahanap kami ng maliliguan ni Theo."

"Mind if we join the two of you?" sunod na untag ni Sir Aziel.

Aabutin ko sana ang kamay ni Sonya para pigilan ito kaso nakasagot na.

"Oo naman!"

Paglingon ko sa mga lalaking bagong dating ay bumaba na sa kani-kanilang mga kabayo at tinali ito. Sabay pa silang dalawa na naghubad ng kanilang damit at walang pag-aalinlangan na hinubad ang pantalon. Naiwan nalang ang kanilamg boxers.

Gumapang ang init sa mukha ko dahil doon at tumalikod.

"S-sonya uwi na tayo." saad ko kay Sonya.

"Hala! Huwag muna Ren."

"Sonya..."

Hinila ako ni Sonya patayo at muli kaming bumalik sa parte ng sapa na malalim. Kaya imbes na intindihin ko ang kabog ng puso ko ay lumangoy nalang din ako.

Bakit ba laging nagku-krus ang landas namin ni Senyorito? Kinalimutan ko na ang hiya ko sa kanya, e.

Langoy lang ako ng langoy at nang pag-ahon ko ay bumungad sa akin ang malaking katawan ni Senyorito Theo. Nakalimutan ko yatang huminga ng ilang saglit, nanlaki ang mata ko.

Agad akong napahilamos sa mukha ko at tatalikod na sana nang makuha niya ang kamay ko at pigilan ako sa aking gagawin.

Lumakbay ang mata niya sa mukha ko at pababa. Yayakapin ko na sana ang dibdiban ko dahil baka masigawan niya ako kaso natatabunan naman iyon ng tubig. Umaabot kasi ang tubig hanggang sa balikat ko.

Binawi ko ang kamay ko mula kay Senyorito.

Umigting ang panga niya. Hindi pa basa ang buhok niya at ang parte ng kanyang katawan na hindi naabot ng tubig.

"You're obviously avoiding me, baby girl."

Hindi ako umimik doon at umiwas lang ng tingin upang hanapin si Sonya. Nakita ko siyang nagtatampisaw tapos si Sir Aziel din na nagpapalutang sa kanyang katawan. Sa mukha ni Sir Aziel, hindi talaga sila mag-uusap ni Sonya. Masyado kasing masungit ang dating ng gwapong mukha ni Sir Aziel, nakaka-intimidate rin.

Nanginig ang katawan ko nang itinaas ni Senyorito ang kamay niya at humawak sa baba ko.

"I'm talking to you." malamyos niya iyong wika pero nagdi-demand iyon ng atensyon. "Why are you avoiding me?" Binaba niya ang kamay na nakahawak sa baba ko.

Hindi ko sinasadyang naipit ang labi ko.

"H-hindi naman po kita... iniiwasan Senyorito."

"And you want me to believe that, baby girl, mmm?"

"Senyorito,"

"Answer me, baby girl."

"Senyorito naman,"

Tumikom ang bibig niya at napasuklay siya sa kanyang buhok.

"I'm waiting baby girl."

"K-kasi... dahil po doon sa nangyari sa p-pool..."

"Nasaktan ka sa sinabi ko?"

Kaagad na umiling ang ulo ko.

"Hindi naman po. Nakakahiya lang po sa inyo na naligo ako doon. Trabahante lang naman po ako... k-kaso nagawa ko iyon. Naligo ako doon na walang pahintulot at kahit ano man po ang dahilan, wala po akong karapatang maligo doon. Pasensya na po kung na-enganyo akong maligo do--"

"You can swim there anytime you want."

"Po?"

"Just don't wear tight, thin, and short-shorts."

"Senyorito--"

"I'm giving you the privilege to swim there anytime you want."

Yumuko ako at pinagkaroon ko ang kamay ko sa ilalim ng tubig. Nang-iinit ako sa mga titig ni Senyorito Theo. Para niya akong sinusunog.

"Hindi na rin naman po ako babalik doon. Hindi na p-po ako maliligo doon." usal ko.

"Hindi ka talaga dadalo bukas?"

"O-oo p--"

"Ren halika na! Uwi na tayo!!"

Umungol doon si Senyorito, kumuyom, ang panga. "I will take him to his home! You go away, Sonny!"

Napalinga-linga ako kay Sonya at kay Senyorito. Hindi ko makita kung ano ang naging reaksyon doon ni Sonny.

Tumalikod ako kay Senyorito Theo at kakampay na sana papalayo sa kanya nang may kamay na humili sa baywang ko.

"Uuwi na po ak--"

"We're not yet done talking."

Isang kabig lang ay nagdikit na ang katawan namin ni Senyorito Theo. Ang isang kamay niya ay nakagapos sa baywang ko. Wala iyong kahirap-hirap na igapos ni Senyorito sapagkat maliit lang ang baywang ko.

Para akong napaso nang itungkod ko ang dalawang palad ko sa malalapad at matigas na dibdib ni Senyorito Theo. Ang tigas, ang init.

Sa ganoong posisyon ay mas nadepina ang pagkakalayo ng tindig naming dalawa. Hanggang sa ibaba ng kili-kili lamang niya ako. Halos magyakapan na kaming dalawa dito.

"S-senyorito." ungot ko.

Napapikit ako sa tono ng boses ko. Hindi ko iyon sadya.

"Pumunta ka sa mansyon bukas."

"Ayaw ko po."

"Pumunta ka." Pangungulit niya pa.

"Ayaw ko nga po."

"How about my shirt, diba di mo pa iyon naibabalik sa akin?"

Umuwang ang labi ko. Oo nga pala. Hindi ko nga iyon nasasauli sa kanya.

"N-ngayon ko ibibigay sayo."

"Hindi ko 'yan tatanggapin, bukas, doon mo 'yon ibigay sa akin. Pumunta ka."

"Ang kulit n'yo po." untag ko.

Ang kamay ko na nasa dibdib niya ay sumabay sa pagtaas-baba noon. Hindi ko batid kung malakas ang kabog ng puso ni Senyorito o nagpipigil na siya sa galit niya ngayon.

"Hindi ko p-po alam Senyorito kung bakit n'yo po ito ginagawa sa akin. Baka hindi n'yo po nalalaman Senyorito na alam kong isa kayong lalaki na hindi makontento sa isang babae. At para kayong langaw na pagkatapos dumapo sa isa, dadapo na naman sa iba, maghahanap na naman ng iba. At siguro po ay pinaglalaruan ninyo ako ngayon porket alam ninyong bakla ako. Pero para po sabihin ko sa inyo. Hindi po ako nagpapadala sa mga ginagawa ninyong i-ito at sa pagtawag n-ninyo sa akin n-na b-baby girl. Baka ay marami ka ring tinawag na baby g-girl bukod sa a-akin." Ewan ko pero may pait doon sa boses ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko ang kamay ko at di ko naman sinasadyang mapadaan ang palad ko sa kanyang nanunurong ut*ng.

"Goddàmmit!"

Kinagat ko ang labi ko. Sana di pa dumudugo ang labi ko ngayon kaka-kagat

"Baby girl--"

"Tigilan n'yo na po iyan Senyo--"

"...I also don't know what's happening to me, baby girl. Eversince I... fùckin' saw you, my mind was in constant turmoil, baby." wika ni Senyorito at paunti-unting humina ang boses.

***
Thank you for reading, Engels!🥰❤️

A | E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top