CHAPTER 40

Chapter 40


Theodore Pov

When my senses came back, I was greeted by a scorching heat of the sun. It took a few minutes before my eyes adjusted to the strong strike of sunlight. I still wasn't fully awake, but I could hear the sounds of waves crashing from afar. The salty breeze in the air slowly nudged my senses to realize where I was right now.

Natakip ko ang braso ko sa aking mata nang  tumama sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw. Lumingon ako sa kanan at kaliwa. Napaahon ako mula sa pagkakahiga ko sa buhangin nang ma-realize ko kung nasaan ako ngayon. Anong ginagawa ko rito sa tabing dagat? Napatingin ako sa aking sarili pero maayos naman ako. Kung ano ang suot ko kahapon ay iyon pa rin ang suot ko hanggang ngayon.

I tried to collect my memories pero ang huli ko lang na naalala ay ang proposal ni Aziel. Nando'n ako. Kasama ko si Tyreese at si Laurenz.

What the fuck!? Just what the hell happened? How did I ended up here?

Nilibot ko ang aking mata sa paligid at wala akong nakikita ni isang tao o bahay man lang. Puro kulay berdeng mga halaman ang nakikita ko at iilang mga puno ng niyog. The place was so peaceful. The sea in front of me was so bright and clean. The sand from where I was sitting was so fine and white. Maliban sa iilang mga tuyong dahon ay wala ka ng ibang makikita sa mga buhangin.

Tumayo ako at naglakad sa paligid. Dammit! Was I trapped in this secluded place?

"Help! Help! Is someone out there?!" Napahawak ako sa baywang ko at kunot-noong sinuong ang mataas na araw.

At habang naglalakad ako ay may napansin akong isang tao na nakahiga rin sa buhangin.

"Hey! Hey!" subok kong tawag dito kaso parang 'di ako nito naririnig.

Nagjog ako patungo rito at dahan-dahan g humina sa paghakbang ang mga paa ko nang unti-unti kong makilala kung sino iyon.

"Laurenz?" I rushed towards him.

"Laurenz!" tawag ko ulit kaso tulog pa ito.

I tried to squint my eyes around and I spotted a small hut. Sinubukan kong gisingin si Laurenz kaso hindi ito nagigising. That's why I decided to carry him towards the hut. Hindi ko alam kung may nagmamay-ari ba roon o may nakatira pero susubok ako. The hell I will leave him there under the scorching sun.

"Tao po? Hello?" ako nang makarating sa kubo. Luma na ito at mukhang walang tao.

Hindi na ako naghintay pa ng taong magbubukas doon sa isang maliit na pintuan. Pinatid ko na ito at naubo ako pagkapasok ko dahil sa alikabok na sumalubong sa amin. Gumalaw si Laurenz sa kamay ko pero 'di naman nagising. Nilapag ko muna siya sa sahig.

Wala na akong pakialam kung kaninong kubo ito. Hinalungkat ko na ang mga gamit dito na maaaring magamit ko o namin ni Laurenz habang wala pang nakakakita sa amin.

Nakahinga ako ng maluwag nang may makita akong kumot at dormat. Agad kong binuklt iyong banig na nakita at nilapit si Laurenz doon.

Nang mahiga ko si Laurenz ay napaupo ako sa paanan nito at sumandal sa dingding. Tiningnan ko ang mukha ni Laurenz na namumula.

Dalawang taon na ang lumipas simula noong nakita ko ulit si Laurenz at nakilala ko ang anak namin. Lumipas na ang mga taon pero hindi pa rin talaga mabuti ang relasyon namin ni Laurenz. I mean, we're civil to each other for the sake of our son. Ayaw naming makita ng bata na may 'di kami pagkakaunawaan. We're working hand in hand to give the best for our child kahit na hindi kami magkasama. We're trying to be a family kahit na hindi kami magkasama.

Noong sumunod ako sa kanila noon ni Tyreese sa Italy. Ang laman lang talaga ng isip ko noon ay ang makilala ang anak ko at makasama ito. Dinistansya ko rin naman kasi ang sarili ko sa kanya kasi... kasal na siya at may pamilya. Masakit. Tangina. Sobrang sakit na may pamilya na siya. Na may kasama na siyang iba pero tinanggap ko na sa sarili ko na siguro nahuli na ako. That maybe we're only meant to know each other, but weren't meant to be together. Mahal na mahal ko siya pero hindi ako sisira ng pamilya. Kaya nakontento ako na lang ako.

Hindi ko nga mapaliwanag ang sakit na naramdaman ko noon. Ang hirap gumising sa katotohanan. Ang hirap na lagi ko siyang nakikita pero hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Ang hirap na wala akong magawa na mabago ang takbo ng buhay namin. Kasi... hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi kaya ng puso ko na kalimutan siya sa kabila ng lahat.

Sa loob ng ilang buwan kong pagtira noon sa Italy. Nalaman ko na half-brothers niya pala ang mga Monzallon. Which is I find it funny na noon pinagseselosan ko ang mga ito without knowing na mga kapatid niya ito. Yeah, noong nasa Italy ako, nakilala ko sila Harden, Walter, at ang ina nila na si Senyorita Freda. Kilala na sila noon sa San Concepcion pero hindi ko kasi sila nakilala ng pormal until sa Italy. Well, except for Walter pala na nakaaway ko rati sa Manila.

Nakatanggap ako ng suntok kay Walter noong una naming encounter sa Italy. At deserve ko naman siguro iyon. Sinaktan ko ang kapatid nila, e.

Napangiti ako habang nakatitig kay Laurenz. Masaya ako na noong wala ako sa tabi niya. May mga taong nagmahal sa kanya, nagpahalaga sa kanya, at binuo siyang muli. I'm happy to see how he became and how successful he is right now.

To be honest, ngayon... gusto ko ulit subukan. Gusto ko ulit siyang maging akin. Gusto ko ulit siyang ligawan. Hindi dahil may anak kami. Kundi dahil hindi ko naman siyang tinigilang mahalin. And honestly, noong nalaman kong nagdivorce sila ni Rustin at nalaman kong hindi pala talaga sila nakaanak nito. Para akong nabunutan ng tinik noon. Alam kong hindi dapat pero nakahinga ako ng maluwag doon. Alam kong hindi rin iyon madali kay Laurenz kaya nga hindi ko magawa ang matagal ko na sanang gusto. Ayaw kong dumagdag pa sa inaalala nito. Saka, hindi pa rin talaga kami nagkakamabutihan talaga.

"Mmm," I was snatched from my thoughts when I heard him groan.

"Laurenz?"

Nang mapatingin ito sa gawi ko ay naningkit ang mata nito. At siguro nang mapagtanto nito kung sino ang kasama niya ay mabilis itong napabangon.

Aligaga itong tumingin sa paligid niya. Nanlaki ang mata nito at masama akong tiningnan. Hindi ko siya naagap nang bigla itong sumakay sa hita ko at pinagsasampal ang dibdib ko.

Goddammit! Napapapikit ako sa malalakas nitong sampal. Tumama pa ang kamay nito sa mukha ko. Tangina!

"L-laurenz!"

"Bwesit ka! Bwesit ka! Saan mo ako dinala? Anong lugar ito? Gago ka! You kidnap me!" akusa nito sa akin.

Nahirapan ako sa paghuli sa kamay nito dahil sa pagkabigla. At nang mahawakan ko na siya ay pinirmi ko ito. Hinihingal din siya sa kakasampal sa akin. Hindi ko na inintindi ang posisyon namin. Fuck! He is sitting on my crotch.

"Hey! Pareho tayong napunta sa lugar na ito na hindi natin alam kung saan, Laurenz. I don't know who the fuck did this to us." Paliwanag ko sa kanya.

Unti-unti na itong kumakalma.

"Promise. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung saang lumapalop ito ng Pilipinas. Pareho tayong nagising na nandirito na tayo." Pahabol ko.

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Nakita kong naglikot ang mga mata niya sa buong kubo. Bigla itong napakapit sa damit ko. Hindi ko naman matanggal ang mata ko sa kanya. It's fantastic how I have been smitten with him until now. It's amazing how I find him beautiful despite the fact that I see him almost every day. It's unbelievable how my heart still beats for him after so many years. Parang kagaya pa rin ng dati. My heart still convulses every time I see him and whenever I am near him. I don't know how all of this is possible, but it's what I feel for him. That's what he unconsciously does to me. And I have conformed.

Bumalik ang mata niya sa akin at nang makita niya ang posisyon namin. Para itong napapasong lumayo sa akin. Kumibot ang bibig niya pero wala namang lumabas doon.

Bumuntonghininga na lang ako.

Lumabas siya at sinundan ko naman.

"Tulong! Tulong po! Tulong!" sigaw niya at hindi ko na lang siya pinigilan doon. I wanna see him try. Tumigil lang siya kakasigaw nang mamaos na siya.

Problemado niyang nasapo ang noo nang mapagtantong wala kaming kasama rito. At walang makita maliban sa dagat at mga puno ng halaman.

Lumapit siya sa akin which is hindi ko iyon inaasahan. Umiiyak siyang tumingala sa akin.

"W-what should I do? W-what should we do now? Ang anak natin, Theo? Papaano tayo aalis dito ngayon? I don't have my phone with me?" Natataranta niyang  garalgal. Nanginginig ang buong katawan niya.

I didn't have a choice but to hug him.

"Shh! Makakaalis tayo rito. Makikita pa natin ang anak natin. Let's just hope that Tyreese is safe right now, okay?" Hinagod ko ang likod nito.

Nang kumalma siya ay siya pa itong nanulak sa akin. Pinunasan niya ang basang mga pisngi.

"For now, maghahanap muna tayo ng makakain natin o maaaring mga gamit. Malapit ng mag gabi. Let's work together... okay?"

Sumisinghot itong tumango.

"Maghahanap ako roon sa gubat. Ikaw rito ka na lang." Tiningnan ko ang suot nito na naka-short shorts lang at bra na pinatungan ng see through. Masyado itong mainit sa paningin ko. "Maghanap ka lang malapit dito. Huwag kang lalayo. Baka rin kasi hinahanap na tayo ngayon at may dumating na rescuers."

Kita ko sa mukha niya na gusto niyang magprotesta sa akin pero wala siyang magagawa. Pairap siyang tumango sa akin.

"M-mag-ingat ka." Halos hindi ko iyon marinig pero ngumiti ako sa kanya.

Pumunta ako sa gubat at naghanap ng maaaring panggatong at makakain na rin sana na prutas. Binitbit ko ang mga panggatong na nadaraanan ko. At nakahinga ako ng maluwag nang makakita ako ng isang puno ng saging. Maliit lang ito pero pwede na namin itong pagtyagaan. Papauwi rin ako nang may madaanan akong mababang puno ng niyog kaya inakyat ko na iyon at kumuha niyog.

Dala ko ang panggatong, niyog, at saging na bumalik sa kubo. Dumidilim na rin kasi.

Nagtaka ako nang makita kong nagsasaing na si Laurenz pagkabalik ko.

"Laurenz,"

Awtomatik itong nakatayo.

"Saan galing..." Tiningnan ko ang isang maliit na kaldero at ang mga nakalatag na mga instant noodles, can goods, biscuits, mineral water, at iba pang basic needs. Tapos may gasera pa.

"May nakita akong dalawang bag at iyan ang mga laman," anito sa akin.

Binaba ko ang dala ko.

"Nagluto ako ng noodles."

Umupo kaming dalawa malapit sa apoy nang maluto na ang noodles. May isang bowl at dalawang kutsara na nakita si Laurenz sa loob ng kubo kaya naman iyon na ang ginamit namin.

"Mauna ka ng kumain," inalok niya sa akin ang bowl.

Umiling ako. "Ikaw na. Kung ano ang natira sa'yo ay 'yon na lang ang akin."

Pinalobo niya ang bibig saka kumain. Nakita kong nahihirapan siya dahil nahuhulog sa pisngi niya ang mga takas niyang buhok. Medyo mahaba na rin kasi ito. Umusog ako sa kanya ng konti at sinapo ang buhok niya.

Lumingon siya sa akin.

"Just eat."

Hanggang sa matapos siya ay hawak ko ang buhok niya.

Natirhan niya ako ng kalahati sa noodles at iyon na ang ginawa kong hapunan. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami rito kaya nagtitipid kami.

Malapit nang matupok iyong apoy pero nandirito pa rin kami sa labas ni Laurenz. Yakap niya ang tuhod at pinatong ang baba roon. Napatingala ako sa kalangitan na napuno ng mga bituin. Hindi rin masyadong madilim dahil sa malaking buwan.

"Nakakain na kaya si Tyreese ngayon?" usal ni Laurenz kaya naptingin ako sa kanya.

Umiiyak na naman siya.

"Was this... was this the first time na nagkahiwalay kayo ng anak natin?"

Umiling siya.

"Hindi naman kaso iba kasi ngayon. Hindi natin alam kung nasaan siya. Sinong kasama niya? O baka pareho natin ay-" he choke his words.

"Don't worry. Bukas gagawa tayo ng paraan. I'm sure kapag nalaman nilang nawawala tayo. Pinaghahanap na rin nila tayo ngayon." I assured him.

He only gave me a faint smile. Namayani muli sa amin ang katahimikan.

I'm not sure, but what happened to us right now feels like a blessing to me. It's been a long time since I somewhat reconnected with Laurenz again. Ito na yata ang araw na pinakamatagal kaming nagsama sa iisang lugar. Ito rin ang una na nagkakausap kami na ng... maayos.

"Laurenz," Lumingon siya sa akin. "What are your struggles when you're carrying Tyreese for nine months?" Ito talaga ang tanong na hindi ko pa natatanong sa kanya ever since.

Napatitig lang siya sa akin ng ilang segundo. Inayos niya ang kanyang buhok.

"It... it wasn't easy. I was still adopting in my new environment that time tapos buntis pa ako. My cravings were crazy. My hormones got me bad."  Natulala ako habang nagkukwento siya sa akin. Hanggang sa matapos siya. "But all of those bad times were gone when I held Tyreese in my arms. He was so cute and soft."

"Instead of your brother, I was supposed to be the one fulfilling your needs at that time. Every night when I go to bed, I always think of your struggles. Lagi kong iniisip ang mga masasamang dinulot ko sa'yo." My tears trickled on my cheeks. I'm not ashamed of showing my weaknesses to him. "I'm so sorry, Laurenz. I know that it's too late to say sorry, but I still want you to know how much I regret everything. I should be a man to you that time. I should be your hero that time. Pero naging duwag ako. Iniisip ko na protektahan ka laban sa mother ko kaso mas nasaktan pala kita. Because of my poor decision making, I've hurt you even more."

After how many years, ngayon para kaming nagkaroon ng heart to heart talk.

Tahimik siyang umiyak. Pilit niyang pinapalis ang luha niya kaso patuloy lang sa paglabas ang luha niya.

"I'm so happy, Laurenz. I'm so happy watching you reach your dreams. I'm so damn happy that... I'm still able to witness your wins. Hindi man ako naroon sa mga panahon na tinalo ng mga pagkakataon. Pero ngayon hinding-hindi ako magsasawa na pumalakpak sa mga panalo." Umiiyak akong wika. Kapwa kami nag-iiyakan ngayon.

"I'm so sorry too, Theo. I'm so sorry that it took me so long to listen you. I'm so sorry for snatching your chance to redeem yourself. Mahal natin ang isa't-isa noon pero nagkasakitan tayo. Akala ko rin kasi talaga noon... ayaw mo sa akin. At tumatak iyon sa puso at isip ko. I didn't know na pinoprotektahan mo lang pala ako."

Tinawid ko ang distansya namin dahil sinisinok na siya dahil sa kanyang mga luha. Umiiyak din naman ako pero mas siniguro ko siya. Niyakap ko siya and I didn't expect him to hug me back.

"I know you have no feelings for me now, Laurenz." Kumalas ako sa yakap namin at ngumiti sa kanya sa kabila ng lumuluha kong mata. "Pero gusto ko pa ring kunin ang pagkakataon na ito para... para sabihin sa'yo na ikaw pa rin. Mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. I'm sorry that I can't unloved you, Laurenz. I don't know what's wrong, but my heart can't let you go. Alam ko na naman wala na akong pag-asa sa'yo kaso baliw na ang puso ko, e. And..." Tumingin ako sa mga mata niya na parang kumikinang sa ilalim ng mga bituin. "I miss you. I miss you so much, Laurenz."

I know it's long overdue pero gusto ko pa rin iyong sabihin sa kanya. Hindi ko ito nasabi sa kanya noong una naming pagkikita sa Singapore. Pero gusto ko pa rin itong iparating sa kanya kasi kahit na nakita ko na siya, araw-araw ko pa rin siyang nami-miss.

Laurenz Pov

Mas bumuhos ang luha ko nang sabihin ni Theo ang mga katagang 'I miss you'. Hindi ko alam pero parang hinaplos noon ang puso ko. Siguro dahil nangulila rin ako. Nanguli rin ako sa mga katagang iyon mula sa kanya.

My heart throbs so much upon hearing those words. It feels like I don't need his apology anymore. Instead, I feel like I need his presence. Siguro matagal ko na itong naramdaman pero takot lang akong aminin sa sarili ko. Siguro takot pa rin akong masaktan niya. Kaso pagkatapos ng lahat ng mga kinompisal niya sa akin. Nakaramdam ako ng seguridad na hindi ko mahanap at nakita sa iba. It feels like I found my true self again.

"I miss you." He whispered again na parang alam niya na iyon ang kailangan ko.

Our face was just milliliters away from each other, but unlike before I wasn't bother anymore by our distance. Theo closed our distance. Pinagdikit niya ang noo namin at nagtagpo ang tungki ng mga ilong namin.

"I miss you," muli niyang bulong at umiiyak din siya.

"I... I miss you too, Theo. I miss you too." Nang bitawan ko ang mga katagang iyon ay para akong nakawala sa lubid na matagal ng nakagapos sa akin.

Theo smiled and his lips sealed my lips. Ilang minuto ang tinagal ng labi niya sa akin. Napapikit ako dahil sa halik niya. Parang nagflashback lahat ng mga masasayang araw namin noon sa San Concepcion. His lips still the same. It's still soft and bring comfort to me.

Nilayo ni Theo ang labi sa akin pero nanatiling nakadikit ang noo namin. Maingat niyang hinaplos ang pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.

Tumingin ako sa labi niya. I want him to kiss me more. I need him more. I need those lips on mine.

"I still wanna kiss you." sambit niya.

I smiled when we feel the same way.

"Me too."

Natawa kami at muli niyang inangkin ang mga labi ko. Sa una ay dahan-dahan lang ang mga halik ni Theo. Para bang sinasaulo niya ang bawat sulok ng bibig ko. Hanggang sa sipsipin na niya ang dila ko at pinailaliman pa ang halik namin. Naikawit ko ang braso ko sa kanyang leeg. Binuhat niya ako at pinaupo sa kanyang hita.

Theo's sandy hand massages my thighs until he reached on my shorts. Ang init ng kamay niya. Magaspang ito at parang nakikiliti ang balat ko roon.

Unti-unti niya akong hiniga sa buhangin at pumaibabaw. Nasa labas kami ng kubo pero kampante ako dahil kaming dalawa rito ngayon sa isla. Ngayon tanging mga bituin at buwan lang ang saksi sa aming mga ginagawa.

Mas umalab ang nararamdaman kong pagnanasa nang tingnan ako ni Theo na parang ako ang pinakamagandang tao sa mata niya.

Nilakbay niya ang kamay sa ibabaw ang see through cover up ko hanggang sa tumigil ito sa bandang dibdib ko.

"I couldn't get enough of you, Laurenz. I'm going crazy if I don't touch you right now."

"Then touch me," I taunted him.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top