CHAPTER 39

Chapter 39

2 years later

Laurenz Pov

The primary fabric used in the LaurenZ clothing line is imported from the Philippines. Noon pa man kasi gustong-gusto ko na ang mga fabric na sariling atin talaga. Gusto kong mas makilala pa talaga ang mga gawang Pinoy kaya noong sinimulan ko ang LaurenZ ang mga telang ginagamit ko ay galing pang Pilipinas.

At sa makalipas ang ilang taon, magkakaroon na ako ng branch ng LaurenZ sa Pilipinas. And it was all thanks to Minerva who's pushing me to realize this thing. Actually, noong sinimulan ko ang LaurenZ, hindi ko aakalain na magiging ganito kaagad ito ka tunog sa industry. Kung iisipin mo kasi marami nang mga brands na tumatak talaga sa mga tao. Pero nakilala pa rin ang mga gawa ko. Some may say that my masterpieces are exceptional, but for me, they are not. May mas magaganda pa sa mga likha ko tanging minahal lang talaga nila ang mga likha ko at lagi itong pinagmamalaki ng mga nagpapagawa sa amin kaya naging maingay. Akala ko nga sa una lang iingay ang LaurenZ pero nakakataba sa puso na up until now, patuloy ang paglaki nito.

Rustin is still a part of LaurenZ. He will always be a part of this success. Despite ending our marriage, our friendship and connection with each other continue. At anak pa rin ang tingin ko kay Rhett. Parang sa akin pa rin galing si Rhett.

"Congratulations, Kail. I wish na sana nad'yan ako sa opening ng LaurenZ Ph." See? Si Rustin pa rin ang laging nauunang bumabati sa akin. I feel so blessed to have in life kahit sa kabila ng nangyari sa amin. Nag-aaral na rin daw siya ng Pilipino kasi iyong maid na nakuha niya for Rhett is Pinay.

"Thank you, Rustin, but I wish to be there as well." I pouted. Birthday kasi ni Rhett, 3 years old na ito at ito ang unang birthday ng bata na wala ako sa tabi niya—kami ni Tyreese.

"Mami?" I heard our little boy's voice on the line.

I saw Rustin nod and lift Rhett up.

"Happy birthday, baby. I'm so sorry, mami isn't there to celebrate with you guys." I blew a flying kiss to Rhett, even though it was only through the screen.

"Mami! Gift, mami. Gift!" Excited na wika ng bata.

Tumawa ako. "Yes, po! May gift si mami kay baby Rhett."

Namaga ang puso ko nang pumalakpak ang bata. Pinugpog ito ng halik ni Rustin kaya napatili. I miss them. Kahit kasi naghiwalay kami ni Rustin palagi ko pa ring dinadalaw ang bata dati no'ng nasa Italy pa ako. Dinadaanan ko pa nga ito sa bahay ni Rustin. I'm still his mami.

Hindi ko nakita ang mukha ng katulong ni Rustin nang kunin nito sa kanya ang bata. Kita ko namang agad na sumama si Rhett dito.

"Sige na, Rustin. Malapit na ang opening."

"Okay, enjoy Kail."

"Hmm! Thank you ulit."

Lumabas ako sa aking kwarto at nakasalubong ko ang aking anak na may kargang bulaklak. Tyreese is being transferred to a school near our village. He's in kindergarten now.

"Mama, Daddy is already waiting outside," he said to me. I kissed Tyreese on the head. It has been two years since Theo and Tyreese met, and it has also been two years since I chose to come back here to the Philippines. Sumunod din si Theo sa amin ni Tyreese rito.

Dalawang taon na rin ang lumipas simula noong napagkasunduan namin ni Theo na magco-parent kay Tyreese. Salitan kami minsan o 'di naman kaya'y paggusto ni Tyreese na rito muna sa akin, dito muna siya sa bahay ko. At kung gusto naman ni Tyreese na ro'n siya sa Daddy Theo niya  ay hinahayaan ko ito.

It doesn't mean that Theo and I aren't together, and we cannot provide the best for our son. We can give Tyreese a great love just by being separated. Theo and I are filling in the gap naman kahit na hindi kami magkasama. Binubuhos naman namin ni Theo ang aming pagmamahal sa aming anak at sinigurado namin na may oras kami sa kanya.

Kapag may activities sa school na kailangan ng parents napagkasunduan naman namin iyon ni Theo. Though aminin kong hindi pa talaga maayos ang relasyon namin. I mean, para kaming magkaibigan na ewan. I still hold something within me from him pa rin talaga. I just can't pinpoint what is it.

Ngayon, ano itong pabulaklak niya? Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang yakap na bouquet ng bulaklak ni Tyreese. Halos matabunan nito ang bata sa laki.

"Nand'yan sa labas ang daddy mo, Tyreese?" Ulit ko dahil parang 'di nagsink-in sa utak ko ang unang sinabi ng anak.

"Yes, mama. Matagal na siya nagwait for us sa labas." Napangiti ako sa anak ko na sinusubukang magsalita ng tagalog. Dito na siya nag-aaral at sinabi ko naman sa kanya na huwag niyang pilitin ang sarili na magsalita ng Tagalog kasi nakakaintindi naman siya. Pero pursigido siya. Kaya minsan napaghalo-halo niya ang English at Tagalog.

"Matagal?"

"Yes po. Like an hour?"

Kinuha ko kay Tyreese ang bulaklak. May nakita akong naka-fold na paper doon kaya kinuha ko iyon at binasa ang lamang sulat.

'Congratulations, Laurenz. I'm so proud and happy for you.

-Theo

Binalik ko ang sulat doon at bumuntonghininga. Itinabi ko ang bulaklak.

"You're so pretty, my mama."

Puri ng anak ko. I looked at myself. I wore a backless long blazer paired with short-shorts which is natatabunan no'ng blazer. Ako lang din ang gumawa nito lahat. And it was all made of Jusi fabric, a lovechild of abaca and piña fibers. Jusi made the iconic Hablon fabric, which is now famous locally and internationally for haute couture. I just added some jewels and accessories to my outfit right now para mas kumisap pa ito.   

Nakurot ko ang pisngi ng anak ko. Nambola pa!

"Binobola mo na si mama, ha."

Mabilis itong umiling sa akin.

"No! You're always pretty po, but you're extra pretty today!"

Unlike noong nasa Italy pa kami, ngayon na rito na kami sa Pinas. Napapansin ko ang pagiging masiglahin ni Tyreese. He's more talkative, lively, and expressive ever since we migrated here. Hindi ako nagsisi na muling bumalik dito.

And I get a chance na dalhin si Tyreese sa puntod ni Nanay Alondra at ng Lola ko. And finally nakita na niya rin sa personal ninang Sonya niya. Ang saya lang dahil sa paglipat nila Sonya dito sa Manila ay malapit lang ang mga bahay namin.

Sonya is currently single, but Kuya Sandro is finally married. Mayaman ang napakasalan nito. Sonya also undergoes a sex transfer. Sonya is now a transwoman—a woman. And just last year, Aleng Salem passed away. Mabuti na lang nakita niya pa ang anak ko.

Hindi nakilala ni Tyreese ang ina ni Theo since the same year noong namatay ang ina ni Sonya ay namatay rin ito. May malubhang sakit daw kasi ito at matagal nang bedridden.

Hindi ko naman sana pipigilan si Theo na ipakilala ang anak namin sa ina niya kapag nagkataon pero pumanaw na ito. Hindi rin kami nagkausap ng ina ni Theo. I didn't get a chance to talk to her. Malalim ang galit ko kay Dominique pero gusto ko siyang makausap tungkol sa Nanay Alondra ko. Marami pa rin akong unspoken words sa kanya.

Kaya ngayon ang nakilala lang ni Tyreese ay ang lolo Theodore niya. It was funny how Tyreese got confused at first na pareho raw ang name ng daddy niya at ng kaniyang lolo.

Nagkausap kami ni sir Theodore, ang ama ni Theo. He asks for forgiveness. Sa nagawa ng asawa niya sa akin. At sa hindi niya pagprotekta noon kay Theo laban sa asawa. Humingi siya ng tawad dahil kung sana nagawa niyang pigilan ang asawa niya noon ay magkasama raw sana kami ng anak niya ngayon.

Pinasok ko lang sa isang tenga ko ang sinabi ni sir Theodore tapos ay nilabas ko lang iyon sa kabilang tenga ko. I don't want to talk about my past with Theo anymore. I want to look forward na lang sa mangyayari in the future. For now, I want to live in the moment without caring the past.

Hinila ni Tyreese ang kamay ko.

"Let's go na, mama. Daddy is waiting na po sa labas." I was interrupted in my thoughts when Tyreese held my hand.

I gave my sweetest smile to my son and kissed his forehead.

"Sige, tara na."

I'm so glad na mabilis na naka-adopt si Tyreese rito sa Pilipinas. Though noong una ay nahirapan siya dahil nagkahiwalay sila ni Rhett. Pero bumibisita naman kami kina Rustin minsan at si Rustin at Rhett naman ay nakabisita na rin sa amin dito sa Pilipinas.

Everything ran smoothly in my life simula noong nagdivorce kami ni Rustin. Masaya ako na kahit na ganoon ang nangyari sa amin ni Rustin. Nanatili kaming magkaibigan. Siguro dahil alam na namin na sa una palang hindi talaga kami magiging successful ang marriage namin. Siguro hanggang kaibigan lang talaga kami. Masaya akong wala kaming hinanakit sa isa't-isa. Kinikilala pa rin akong mami ni Rhett at kinikilala pa rin siyang Papa ni Tyreese.

"Good morning!" Ang masayang bati ni Theo sa amin ng anak niya.

Magalak na tumakbo si Tyreese kay Theo na parang hindi niya ito nakita kanina.

"Ang aga mo naman. Pwede ko namang idaan si Tyreese sa bahay mo."

Umiling si Theo.

"Opening ng clothing line mo rito, right? Dadalo kami ni Tyreese. Right, son?"

Ngumingising tiningala ni Tyreese ang ama. "Yes po!" Ang anak ko na parang napaghandaan na nila ito.

I had just shaken my head and was about to walk towards my car when Theo called me.

"Did you receive the flowers?"

Nilingon ko siya.

"Yeah, thanks for it, by the way."

Ngumisi naman ito. Tyreese giggled.

Wala akong pagsisidlan sa saya nang present lahat ng mahal ko sa buhay sa opening ng second branch ng LaurenZ. Nandirito sina Tita Freda, my two brothers Harden and Walter, si Sonya na kahit broken hearted ay malaki ang ngisi sa akin, tapos si Minerva na bumyahe pa talaga para lang maka-attend. Syempre, nandito ang anak ko kasama ang daddy na. Akala ko talaga may sariling lakad silang mag-ama ngayon.

Matapos ang speech ko ay umalis na ako sa movable podium. Binati kaagad ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko na naririto.

Until I spotted a familiar face from my past. It was no other than Aziel Fabre, ang pinsan ni Theo na ngayon ay malapad ang ngisi sa labi.

"Congratulations!" He greeted me and gave me a warm hug.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Just wow! Ngayon ko lang siya nakita simula noong lumipat kami rito.

"Aziel, w-what..." Sa sobrang shock ko ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I was so shocked and starstruck!

"I called Theo kung nasaan siya and he said he has an important matter to attend. Ito pala iyon." aniya.

"God! Long time no see." I breathe.

Tumawa siya.

"Ang famous mo na pala. Hindi na ikaw 'yong sinusundan ng pinsan ko sa sapa way back in San Concepcion."

Napatawa ako at tumango rin pagkuwan.

"A fashion designer, huh."

Ngumiti ako.

"Yeah," I humbly mumbled.

"I have a proposal for you, Laurenz." Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng slacks niya.

Nakuha nito ang atensyon ko.

"Proposal?" may taka kong saad.

Ngumisi siya.

"I want you to make our wedding suits."

"W-wedding suit?" garalgal ko.

"Actually, magpo-propose palang ako sa... asawa ko. I mean, magpo-propose ulit."

Medyo nalito ako sa sinabi niyang asawa tapos magpo-propose siya ulit. Anyways, it's none of my business.

Natawa ako.

"Magpo-propose ka palang pero kukuha ka na ng designer sa wedding suits ninyo?"

Hambog itong tumingin sa akin.

"Sinigurado ko na ito. Wala ng kawala sa akin itong asawa ko."

Natatawa akong inilingan si Aziel.

"Binuntis mo na?"

"Inanakan ko na nga, e. At bubuntisan pa!"

Hindi ko alam kung biro lang iyon ni Aziel pero kinakabahan ako para sa asawa niya. Sa kabila no'n ay napapayag niya ako.

"Aziel." Biglang dumating si Theo.

"Important matter pala, huh." Panunukso ni Aziel kay Theo.

"Bakit ba napadpad ka rito?" Tumabi si Theo sa akin. Masyado itong malapit sa akin kaya dinistansya ko ang sarili ko.

"Pahirapan ka ng hagilapin ngayon kaya pinuntahan na kita."

Umirap si Theo.

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Well, magpo-propose ako kay Deb. I want you to come since... you've been with us."

Ngumiti si Theo at binigyan ng yakap ang pinsan.

"Congratulations sa inyo ni Deb. By the way, saan ka magpo-propose?"

"Doon sa Club Ferrier, sa  birthday ni Kaden sa susunod na Linggo."

Theo tsked. "Eeksena ka talaga sa taong may birthday?"

"Huwag kang panira insan! Ang dami mong dada!"

"Mama, daddy!" Biglang sumulpot si Tyreese kaya naman binuhat ito ni Theo.

"Woah! A-anak ninyo?"

"Yes," sabay pa naming tugon ni Theo.

Tumingin ako kay Tyreese. "Baby, he is daddy's cousin, you can call him tito Aziel, okay?"

Aziel took Tyreese from Theo. Mangha pa rin itong tumitingin sa amin ni Theo.

"You should meet my daughter Denziel, Tyreese. She will love you."

"Wow! My cousin?" bibong saad ni Tyreese.

"Hmm. How old are you baby boy?" tanong ni Aziel kay Tyreese.

"I'm six years old po."

"Kaka-six niya palang Aziel," si Theo.

Bumaling si Aziel kay Theo. "You have a lot of things to explain."

"I know. Pumunta ka sa bahay ko. We'll have some booze and talk."

The long day has passed, and I went home feeling drained but super thankful and blessed for everything that happened during the day. Malaya kong binagsak ang katawan ko sa couch dito sa sala at tiningala ang ceiling ng bahay ko. Tumitig ako sa chandelier. Ang tahimik ng bahay. And I bet at this hour my housemaids have already gone to their quarters.

Kung pagsasamahin ko halos anim na taon na rin pala ang lumipas simula noong umalis ako rito sa Pilipinas at sumama kina tita Freda at kuya sa Italy. Noong araw na iyon. Umalis ako ng bansa dala ang halo-halong emosyon. Binitbit ko ang galit, sakit, panghihinayang, at pagsisi nang umalis ako.

I wasn't in good shape at that time. My mind was clouded with mixed emotions. I left the country without firm plans and decisions for my life. I was broken. I was lost. I was scared. But my newfound family, the Monzallons, helped me gather myself. I didn't need to lick my own wounds because they were with me. And when I was scared, they sheltered me with their warm love. The Monzallons make me feel complete when I don't know where to start with my life.

And now, here I am. Laurenz Kail Villencia, a successful fashion designer, the owner of the LaurenZ clothing line, and a parent. Hindi man ako perpekto. Hindi man ako naging magaling na magulang sa anak ko. Hindi man ako naging magandang ihemplo sa iba. But still I thrive. I thrived to be a good person and a better version of myself every day.

Nang dumating ang araw nang proposal ni Aziel sa kanyang asawa na si Deb. Pumunta rin ako. Hindi dahil sumama ako kay Theo. It's because I was invited by Aziel too. Magkahiwalay kaming dumating ni Theo sa Club Ferrier at kasama ko ang anak namin. Matagal na rin kasi simula noong huling pasyal namin sa dagat. So I took this opportunity para ipasyal ang anak. It would be great as well since his cousin, Denziel is here too.

We don't know what's taking Deb and Aziel so long pero naghihintay lang kami sa kanila rito malapit sa isang stage kung saan ang isang banda ay naghahanda sa kanilang tugtog. Kasama ito sa kinunstaba ni Aziel para sa kanyang proposal.

May distansya kong sinusundan si Tyreese at Denziel na namumulot ng sea shells. Si Tyreese ang taga-dala sa basket tapos si Denziel naman ang namumulot. Napangiti ako sa kanila. It's not so long bago sila nagkakilala pero close na close na sila. Ang daldal din kasi nitong anak ni Aziel. Hindi ko alam kung saan nagmana. Mukha naman kasing tahimik sina Aziel at Deb.

Niyakap ko ang katawan ko nang umihip ang hangin at pinadpad ang suot kong see through, sa ilalim no'n ang itim kong bra at maliit na maong shorts.

"Kuya Tyreese, it's a secret lang po, ha. But my daddy will propose to my mimi today!" daldal ni Denziel sa anak ko.

"Really?" ang anak ko naman.

"Yes, daddy will sing a song for my mimi, hehe!" Kinikilig pang untag ni Denziel.

"How about you, kuya? You're big na po so nakita mo na nagpropose si tito Theo sa mama mo?"

Hindi man ako ang tinanong no'n ni Denziel pero napako ang paa ko sa bahangin. That question didn't really come to my mind until now, ever since my divorce with Rustin. I've never thought of getting married or that proposal thing.

I noticed how Tyreese paused, but he managed to answer.

"My mama and daddy had a special case, Denziel." sagot ng anak ko kay Denziel.

"Huh? Aren't they like my mimi and daddy Aziel?"

Tyreese ruffled Denziel's hair.

"No."

Denziel's nose wrinkled. "But they love each other, right? We are born because our parents love each other, Kuya Tyreese."

My eyes watered. Gusto ko ng awatin si Denziel. Humakbang na ako para lapitan sila nang magsalita si Tyreese.

"Sure. My mom and dad made me out of their love. But always remember, Denziel, that not everything your parents had is the same as mine. Life doesn't always work out that way, cousin. However, I truly love what I have right now. I love that I have the opportunity to know my dad. I love that Mom spoils me with so much love. They may not be together, but I have them both, and that's what matters."

Mabuti't naputol silang dalawa nang marinig na naming kumanta si Aziel. So pumunta kami roon. We witnessed Aziel's proposal and I can say that they're really so good to each other.

Papalubog na ang araw nang maisipan kong maglakad-lakad sa dalampsigan. Naisip ko kasi iyong mga pinag-usapan ng mga bata. Binagabag ako roon.

"Mama!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Awtomatik na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ang anak na malapad ang ngiti sa labi. Tumakbo ito patungo sa akin at kasunod niya ang kanyang ama, si Theo.

Pero nawala ang malaking ngiti ko nang may biglang sumugod kay Theo galing sa likod niya. Binatukan nito si Theo at unti-unting nawalan ng malay. Humakbang ako sabay sigaw sa pangalan ni Theo pero huli na rin nang may humampas din sa akin. Ang sigaw lang ng anak namin ang huli kong narinig bago ako sinakop ng kadiliman.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top