CHAPTER 37

Chapter 37

Theodore Pov

Matapos kong mabasa iyong isang article tungkol sa LaurenZ clothing line. Hindi na ako mapakali roon. Hinanap ko kung sino si Laurenz Kail Zahl, ang may-ari no'ng clothing line kaso wala naman akong mahanap na larawan ng owner. It was said that the owner kept his identity private. May iba ngang nakakakuha ng larawan kaso hindi naman iyon malinaw.

My plan to unwind and relax was forfeited when i decided to stop in Singapore after how many days on the ship—Singapore was the first stop of the ship, kaya doon na ako tumigil. I decided to go back to the Philippines and find out more about LaurenZ and its owner.  
 

Pero bago ako bumalik sa Pilipinas ay dumaan ang tour bus na sinasakyan ko sa One Fullerton. Ayaw ko sanang lumabas ng bus at magpahinga na lang kaso ako lang ang naiwan sa loob ng bus.

Napilitan akong lumabas at maglakad-lakad sa lugar. Wala akong dalang map kay naman naglakad-lakad lang ako kung saan ako dalhin ng paa ko. Matagal pa rin naman kasi bago umalis ang bus. I could rent a car or ride in a private taxi. Pero mas pinili kong magbus pakiramdam ko kasi ang lungkot kapag mag-isa ka lang.

Isa sa mga napagtanto ko sa paglalakbay kong ito na ang lungkot pala talaga ng buhay ko sa mga nakalipas na taon. Napuno ako ng pagsisisi. Nalunod ko ang sarili ko sa kalungkutan. I have err...family, friends, and cousins, but I feel alone. There are people around me to keep me company, but no one really understands me. No one knows what my struggles were. No one has known my pain all these years. 
 
I was able to kid around, act like a fool, and make someone laugh; however, I cannot make myself happy. I was striving to live all those years full of regret. If only... if only I was mature enough. If only I were brave enough. If only I had been a man to Laurenz before. I won't feel this kind of misery and regret. Kung may nagawa lang sana ako noon.

Sa paglalakad ko sa lugar ay napadpad ako sa Merlion Park. Maraming mga turista, maraming kumukuha ng larawan, at ang iba pa nga ay nakikita kong nagb-bidyo.

Malimit akong napangiti at napailing na lang ako. Tumalikod ako nang may makita akong mga... couples na masaya. How I wish I was able to take Laurenz before in different countries. How I wish we could make more memories and pictures together.

Parang may kung anong sumipa sa puso ko nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. My feet glued in the ground. Parang nawala ang mga ingay at mga tao sa palagid. Tanging naririnig ko na lang ngayon ay ang puso ko na nagwawala. At parang umaabot na ang pintig ng puso ko sa lalamunan ko. Tila naririnig ko na ang bawat hampas ng puso sa aking tainga.

"L-laurenz?"

Kung gulat akong nakita siya, ganoon din siya. Umawang ang labi niya na parang may sasabihin kaso walang lumabas na tunog do'n.

I badly want to hug him and make him feel how much I long for him. And how much I miss having him with me.  
 
I took the first step toward him. I almost lifted my hands to confirm if he was really true or if this was just one of my dreams. I've dreamed of him thousands of times, and I'm afraid that this is just one of them. Naiiyak at natutuwa ako at the same time. Goddammit! After how many years, ngayon pa talaga kami nagkita. Sa panahong gusto ko na siyang sukuan ay saka pa kami magkikita. Fate really fuck me up! Ayaw ata akong maka-move on.

Hindi rin siya magalaw at tanging pagkuyom lang sa kamao niya ang nagawa. Just like the first time I saw him in San Concepcion, I am always mesmerized by his angelic and stunning face. He has matured over time and his beauty has only intensified. I can clearly see from the way he stands before me that he is thriving and living a fulfilled life.

Dahil sa pagkatulala ko habang nakatitig sa kanya, hindi ko siya namalayang tumalikod sa akin. Ang ilang hakbang niya papalayo sa akin ay hinabol ko.

I grabbed his right wrist; however, he recoiled in disgust and surprise, hastily snatching his hand away from my touch.

My eyes widened in surprise, but I quickly withdrew my hand.

He turned to face me.

"Can we talk?" I asked, earnestly making my request to him.

Tumitig lang ulit siya sa akin. His eyes bore a sense of doubt, and I could detect a tinge of hostility lurking behind his troubled stare.

"May sasabihin lang ang sayo... Laurenz."

Of course, this is the first thing that I would do before everything go in vain. Ayaw kung mawala o 'di na kami magkita na hindi ko ito nasasabi sa kanya.

I know, I hurt him before. I know how much it hurt him more than it hurt me at that time. I just want him to know that everything I said that night was a lie. I need to tell him the truth because I don't want him to carry that burden for the rest of his life, if ever.

I was ecstatic when he agreed to my request. However, as much as I wanted to talk to him about his life in the past years, I held myself back since I sensed his hesitance.

I imagined a smooth conversation with him, but I didn't expect our talk to escalate to that extent. Right then and there, I became convinced that he really despised me. I managed to tell him some of the truth, confessing my sins, cowardice, and foolishness to him. However, he was still angry with me, and I cannot blame him.

Nasaktan ako pero anong magagawa ko? I understand where his anger came from. I understand why he is like this. His feelings are valid, and once again, I cannot blame him.

When he stands from his own chair and started to walk away. Parang bumalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko noon. Parang naulit at dumoble ang sakit ngayon.

Tumalikod na siya at tumulo ang luha ko. I've never been this weak. Hindi ako madaling umiyak pero bakit kapag siya ang dali kong maiyak at masaktan?

Napagtanto ko na... sa aming dalawa ngayon. Ako na lang pala ang hirap pang pakawalan ang nakaraan. Ako na na lang pala ang hirap pang makabangon.

I was still waiting and hoping for him, but he had already moved on. He had already built a good life while I was still a mess.

"Laurenz," I called out to him.

He paused, but he didn't spare a single look at me Nagsalita ulit ako.

"I have one question." Kinuyom ko ang kamao ko na nasa ibabaw ng mesa.

Lumingon lang siya ng konti.

"K-kinasal ka na? May asawa ka na... ba?" Halos hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa nagwawala kong damdamin.

He stood upright, his gaze fixed ahead as he speak.

"Oo, may asawa na ako at pamilya." ang matibay nitong sagot sa akin.

That day para akong nawalan ng gana sa lahat. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo lang doon sa cafe at binalik-balikan ng utak ko ang mga naging pag-uusap namin ni Laurenz. I'm so hopeless.

Naiwan ako ng bus kaya naman nanatili ako sa Singapore. Nagcheck-in ako sa isang hotel. Hindi ako lumalabas ng room ko at nagpapakalasing lang akong mag-isa hanggang sa maubos ko ang lahat ng alak na nasa room ko.

Tiningnan ko ang mga walang laman na bote sa island counter. Nahihilo na ako at parang hindi ko na nararamdaman ang katawan ko dahil sa kalasingan kaso ang naalala ko lang ay ang mga pinag-uusapan namin ni Laurenz. Sinadya kong magpakalasing para pansamantalang makalimot pero traydor din itong utak at puso ko. Siya pa rin ang hinahanap at iniisip.

Para akong baliw na ngumingiti sa kabila ng walang tigil na pagpatak ng luha ko.

"Dammit, baby! It's still you. It is still you, Laurenz." Litanya ko habang pagod na nakatingin sa mga boteng nasa harap ko, parang iyon na ang kausap ko.

"Alam mo bang... sinubukan ko ulit... sinubukan ko ulit na ibalik ang sarili ko sa dati, Laurenz. Gusto kong maging gago ulit na walang paki sa mga taong nasa paligid ko. Gusto ko maging tarantadong Theo ulit. Kaso hindi ko na kaya. Putangina kasi dahil kapag sinusubukan kong mambabae ulit. Ang inosente at maganda mong mukha ang naaalala ko." Para akong tangang kinakausap ang mga bote sa harap.

Pinalis ko ang luha ko. I was always wear a bright smile. I always had a bright smile. I always act like I am a strong and happy-go-lucky person. But behind those facades was a broken and weak person. 
 

Simula noon nakasanayan ko na iyon, na kapag may ibang tao sa paligid ko. Nagkukunwari ako. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako at wasak.

Umalis ako sa kinauupuang high chair kaso dahil sa kalasingan ko ay nahulog ako at bumagsak sa sahig.

Natawa na lang ako at tumulo na naman ang mga luha ko. Pinukpok ko ang dibdib ko dahil sa paninikip nito. Tangina!

Kinabukasan no'n ay plano ko na sanang umalis ng Singapore at umuwi na lang sa Pilipinas. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari ngayon kay Aziel mula noong pinahanap niya ang asawa niya sa akin. Tingin ko ay kailangan ako ng pinsan ko. Kaso nga lang ang balak kong pag-uwi ng Pilipinas ay naudlot nang pagkagising ko ay para nang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko.

Pinaliban ko muna ang pag-alis at naisipang manatili sa Singapore. Kaso nang sumunod na gabi ay biglang may nagmessage sa akin—si Laurenz na gusto niyang makipagkita sa akin. Ang sumunod sa text na iyon ay ang tawag ng isang unknown number na siyang sinagot ko rin naman.

"Hello?" ang walang kabuhay-buhay kong katawan ay bigla sumigla nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Napabalikwas ako at agad din namang nagsisi nang biglaang pumitik ang sakit ng ulo ko.

"Laurenz?"

Napatingin ako sa cellphone nang may marinig akong mga bulong sa kabilang linya. Parang may kinakausap si Laurenz sa kabila.

"T-Theo... pwede ba tayong magkita... b-bukas?"

"Bukas?" 'Di makapaniwalang bulaslas ko.

"Oo."

May pagdadalawang isip sa akin na pumayag sa gusto nito matapos nang malaman ko noong nakaraan. Pero dahil iniisip ko na may sasabihin din ito sa akin at bilang ganti ko na rin nang pumayag itong makipag-usap sa akin ay umu-o na rin ako.

Napaaga ako sa pagpunta sa cafe shop kung saan kami huling nagkita at nag-usap ni Laurenz. Nag-order na rin ako para sa aming dalawa. At nang dumating ay si Laurenz ay medyo nagulat pa ito. Siguro dahil napaaga ako ng konti.

I try to act cool at calm unlike noong una. I apologize to him sa inakto ko noong nakaraang araw but he dismissed the topic. Naguguluhan ako. Ayaw niya pa lang pag-uusapan namin ang dati. So, nong ginagawa namin dito ngayon? Unti-unti nawalan na ako ng gana. Pinaasa ko naman kasi ang sarili ko, e may asawa na pala siya.

"It's not about it, Theo. Hindi ako nandidito para d'yan. Nandito ako kasi..."

Tinitigan ko nalang siya na napainom ng tubig.

"Kasi?"

Naging impatient ako. Gusto ko nang lumayo rito. The more na nakikita ko siya, the more na naiisip ko na may asawa na siya. At nasasaktan ako. That should be me... his husband. Kami dapat ang kinasal.

Napailing ako at tumingin sa labas.

"Theo... b-buntis ako no'ng umalis ako ng San Concepcion at ngayon ay kasama ko siya."

Naibalik ko ang mata ko kay Laurenz. Akala ko pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko kaso nang nakita ko siyang seryoso at naiiyak ay natulala na ako sa kanya. Napako lang ang mata ko kay Laurenz. Marami akong gustong itanong kaso para akong naparalisa. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Ito ang bagay na kinakatakutan ko kasi alam ko na kapag nangyari ito ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. At sa sinabi ni Laurenz, para akong kinunan ng kakayahang huminga.

Bearer siya. Buntis siya nang tinulak ko siya papalayo sa akin. Nasakatan ako pero ano na lang kaya ang sakit niya sa mga panahong iyon? Dala-dala niya ang anak namin kaso... nagpakaduwag ako. Labis ko siyang nasaktan noon. 

"Theo-"

Hindi nakatapos si Laurenz nang tumayo at agad akong lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa tabi ng silya niya. Nakita ko ang pagpanic sa mga mata niya.

"Theo tumayo ka!"

Umiling ako at humawak sa kamay.

"I'm so sorry, Laurenz. I'm so sorry. I didn't know what you'd been through. I'm sorry for being an asshole."

"Theo... tumayo ka, pakiusap. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Tumingala ako at nakita ko ang naghahalong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Pakiusap, Theo. Tumayo ka."

Binitawan ko ang kamay niya. Bumalik ako sa silya ko at nagpunas ng luha.

"It must have been hard for you. Nasa tabi mo sana ako-"

Sinapawan niya ako.

"It was difficult." He smiled. "But to thanks my brothers... they made everything easy for me."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Brothers? Nais ko siyang usisahin doon kaso may kung ano siyang ginawa roon sa telepono niya. Ilang sandali pa ay may dumating nang bata kasama ang isang matangkad na lalaki.

Ang lalaki at bata ay lumapit kay Laurenz. Ang lalaki ay humalik sa ulo ni Laurenz at sa bata. May binulong pa ito bago umalis.

Wala sa lalaki ang atensyon ko kung hindi roon sa bata na nakatitig lang sa akin. Despite his apparent shyness as he stared at me, I couldn't help but notice a glimmer of glee in his familiar eyes.

"Theo..."

Nakikinig ako kay Laurenz pero ang mata ko ay nasa bata lang.

"This is Tyreese... Tyreese siya ang sinasabi ko sayong daddy mo."

Laurenz Pov

"Jesus!" ang sambit ni Theo bago tumayo at niyakap si Tyreese nang makabawi ito sa gulat. Saglit namang naestatwa ang anak namin dahil aa ginawa nito.

Bumaling si Tyreese sa akin. Parang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Hug him," I mouthed.

Kumurap-kurap ang mata ni Tyreese at saka yumakap ang kamay niya sa leegan ni Theo. Tinago nito ang mukha sa malapad na balikat ng ama niya.

"Dad," nanginginig ang boses ni Tyreese.

"Yes, yes, Tyreese. I'm your dad." usal ni Theo at hinaplos ang buhok ni Tyreese.

Tumulo ang luha ko habang nagyayakapan silang mag-ama. Ikang minuto silang nagyakapan hanggang sa binuhat ni Theo si Tyreese.

"I'm sorry, my boy. I wasn't able to be your father for how many years." Ngayon ay kinandong na ni Theo si Tyreese. Medyo stiff pa si Tyreese kay Theo pero nakikita ko naman na bukas na bukas siya sa kanyang ama. Hindi lang niya siguro alam kung papaano umakto sa harap nito.

"It's okay po."

"You know how speak Tagalog? Nakakaintindi ka?"

Lumabi ang anak namin. Kada tingin ni Tyreese sa akin ay nginitian ko siya. As if I were saying to him that he was doing well. I want him to be comfortable with Theo.  

"Yes po. Mama taught me and everyone in our house speak Tagalog."

Bilib na bilib si Theo kay Tyreese.

"Theo, iiwan ko muna sa'yo saglit si Tyreese, huh. Pupuntahan ko lang si Rustin."

Napalinga si Theo. Nang makita nito si Rustin sa labas kasama si Rhett ay bahagya itong natigilan. Bumaling siya sa akin saka naman tumingin kina Rustin sa labas. Sa huli ay tumungo siya.

"Bambino, dito ka muna sa daddy Theo mo, huh. Kakausapin ko lang ang papa Rustin mo."

Hinalkan ko si Tyreese sa noo bago pinuntahan si Rustin.

"Kail,"

Kinuha ko ang maliit na kamay ni Rhett at pinaglaruan. Tawang-tawa naman ang baby Rhett namin! Ang gwapo rin talaga!

"You left them?"

Tiningala ko siya habang hawak ko pa rin ang kamay ni Rhett.

"I want them to spend time together and get to know each other." Luminga ako sa banda kung saan si Theo at Tyreese.

Tyreese is know smiling while watchigg something on Theo's phone. Nakakandong pa rin siya kay Theo. Usually, umaangal si Tyreese kapag binubuhat siya o kinakandong kasi inaalala niya na mabigat siya. Kahit kina kuya ay ganoon siya pero siguro dahil hindi niya nakasama si Theo kaya nagpapakandong siya dito.

"They look absolutely lovely together," Rustin exclaimed, and I couldn't agree more. "Tyreese may not be an exact replica of Theo, however, observing them side by side is undeniably heartwarming." he added.

Napangiti na lang ako habang nakikinig kay Rustin.

Theo and Tyreese bond is truly special kahit na ngayon lang sila nagkakilala. I'm happy that Tyreese is so brave. And seeing them spending quality time together for the first time is a beautiful sight. They exude happiness and radiate a sense of fulfillment that is truly captivating to witness.

Ilang saglit ay bumalik na rin ako sa loob. Nang bumalik ako sa loob ay nag-usap kami ni Theo tungkol sa magiging set-up namin kay Tyreese. He wants to be with Tyreese and I will let him. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang makasama ang anak namin. Gusto niyang bumawi sa anak namin, hahayaan ko siya. Tatay siya, may karapatan siya kay Tyreese. Kung anuman ang hang ups namin sa isa't-isa sa amin na iyon. Labas ang anak namin doon.

I told him that we're going back to Italy at... susunod siya sa amin do'n. He is going to live near our house in Italy. I don't really trust his hasty decision, but whatever he wants, mapera naman siya. I'm sure kaya niyang gawan iyon ng paraan—ang tumira kaagad doon. Hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa niya pero hinayaan ko siya roon. It's his life.

On our travel way back to Italy. Tyreese keeps talking about Theo and I understand he must be love him kagaad. Nagkita pa sila bago kami bumyahe pauwi.

Sinundo kami ng aming van sa airport at nang malapit na kami sa aming bahay ay biglang tumawag sa akin si Kuya Harden. Sinagot ko kaagad iyon kahit na natutulog sa harap ko si Rhett. Si Tyreese naman ay nakaunan sa hita ni Rustin at tulog din.

"Kuya?"

"Dumating na kayo? Nasa bahay n'yo na ba kayo?" Napatingin ako kay Rustin nang mahimigan ko ang pagkakataranta ni Kuya Harden.

Tumaas ang kilay ni Rustin sa akin pero inilingan ko naman siya.

"Malapit na kami, Kuya. Papasok na sa village."

"Dammit! Renz, nandyan si Walter sa inyo. Nalaman niyang pinakilala mo si Tyreese kay Theo no'ng nasa Singapore kayo."

Kumabog ang puso ko.

"Huh?"

"Yes, nakita niya ang mga papeles sa mesa ko. Galit siya."

At nang makarating nga kami sa harap ng aming bahay ay nakita ko kaagad ang kapatid kong nakasandal sa kanyang kotse at nakatingin sa bahay. Tumayo ito ng maayos nang makita ang aming van.

Nang tumigil ang sasakyan ay may yaya kaagad na bumukas sa pintuan at kinuha sa akin si Rhett. Si Tyreese naman na tulog ay binuhat na rin ni Rustin.

Pagkababa ko ay sinalubong kaagad ako ni kuya Walter.

"Dude," si Rustin.

Masamang tiningnan ni kuya si Rustin. Ayaw talaga ni kuya Walter kay Rustin.

"Sige na. Ipasok mo na si Tyreese, Rustin. Mag-uusap lang kami ni kuya."

Tumikom ang bibig ni Rustin bago huminga ng malalim.

"Okay, just call me when you need me."

Napa-asik doon ang kapatid ko. Sinundan ng masamang tingin ni Kuya si Rustin na papasok sa aming bahay.

"Kuy-"

He didn't let me finish my word.

"Nagkita kayo ng Granville na 'yon? Nag-usap kayo? At... lintek! Pinakilala mo si Tyreese sa kanya? Sa gagong 'yon!" Nanggigil at malakas nitong wika.

Napapikit ako sa lakas ng boses ni kuya.

"Ama siya ni Tyreese, kuya. Ayaw ko namang ipagkait iyon sa anak ko." Katwiran ko.

Nagulo nito ang buhok niya.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa no'n sayo?" galit at naka kunot noong untag ni Kuya.

"Kuya, nakatatak na iyon sa akin at hindi ko na iyon makalimutan-"

"'Yon naman pala! Bakit mo pa pinakilala ang pamangkin ko?!"

Napahasa ako sa ngipin ko.

"Kasi nga may karapatan pa rin siya kuya! Ama siya! Ama siya ni Tyreese!"

"Tangina! Hindi ka namin tinago para lang sa wala, Renz. Muntik-muntikan ka na noong makita noon pero nagagawan namin ng sulosyon ni Kuya Harden kasi ayaw namin na bumalik ka sa gagong iyon. Pero ngayon ikaw pa talaga..."

Marahas siyang bumuga ng hangin mula sa bibig.

Tumalikod ito at sinipa ang gulong ng sasakyan namin.

"Kuya,"

"Papaano ngayon 'yan? Nakilala na niya ang anak ninyo. Baka sa susunod ikaw na naman ang habulin n'yan dito?" sarkastikong wika nito nang tumingin sa akin.

"Kuya alam niyang may asawa at pamilya na ako." argumento ko kay kuya.

Pagak itong ngumiti sa akin.

"Alam natin kung bakit ka nagpakasal kay Rustin, Laurenz. Hindi mo siya mahal pero pinakasalan mo kasi-"

"KUYA, TAMA NA!" sigaw kong putol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit binubuksan niya ang topic na iyon.

Kumuyom ang mga panga ni kuya. Ngayon napagtanto kong hindi naman pala sa ayaw ni Kuya Walter kay Rustin. Siguro dahil pa rin ito sa naging desisyon ko noon nang pakasalan ko si Rustin.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top