CHAPTER 36

Gusto ko lang pong sabihin na sa mga bumasa ng EGS2 na nakaabot dito, maraming-maraming salamat po. Salamat sa tiwala ninyo kay Theo. At oo nga pala, para po hindi kayo ma-confuse sa mga nangyayari. Please, do read the details po para hindi na kayo magtanong bakit ganto-ganyan ang nangyayari. Ayon lang salamat ulit! Road to 160K reads na tayo rito. Enjoy reading!☺️
______________________

Chapter 36

Laurenz Pov

When I left the Philippines years ago, I had harbored thoughts of seeking revenge. I had planned to return to the country with greater strength, boldness, and readiness to confront those who mistreated me, called me names, and degraded me. It was a promise I made to myself. However, everything changed when Tyreese was born—my perspective, my aspirations, and my decisions all underwent a transformation because of him.

I came to realize that I didn't want Tyreese to witness the cruel world I once endured. I yearned for a world that would be filled with wonder and beauty for him. I wanted to surround him with people who genuinely loved him, wanted him, and genuinely cared for him. That's why I made the choice to live in Italy and build a life there alongside Tita Freda, my brothers, and friends.

Iniisip ko kasi, na bakit ko pa ba babalikan ang mga taong 'yon? Bakit ko pa sila paglalaanan ng panahon? Bakit ko sila pag-aaksayahan ng panahon at pera, e wala naman silang naging mabuting dulot sa buhay ko dati? As I raised Tyreese on my own, though not entirely alone because I have my family by my side, I have come to realize that my desire for silence, peace, and success is my way of seeking revenge against those who belittle me. Ito na ang Laurenz na tinatapak-tapakan nila noon.

At saka kung uuwi man ako ng San Concepcion, ang pamilya ni Sonya, at ang puntod na lang ni nanay Alondra ang babalikan ko roon. Ang plano kong paglinis sa pangalan ng nanay ko ay may gumawa na namang iba. Yeah, no'ng sinabi ko kasi ang bagay na ito sa mga kapatid ko. Nasabi nila sa akin na malinis na raw ang pangalan ng nanay ko sa San Concepcion. Kinumpirma rin naman ito ni Sonya sa akin. Kaya naman nakontento na ako sa Italya.

At ang nakakalungkot ay nalaman kong si Dominique Granville pala ang nagpakalat nang ganoong mga isyu sa nanay ko. Disappointment is an understatement n'ong nalaman ko iyon. Kung sana alam ko lang noon.

Gustuhin ko mang kumpruntahin si Dominique kaso ayaw ko namang isaalang-alang na malaman nito na may apo siya sa akin. Because there's a big possibility na hindi niya matanggap ang anak ko. Nagawa niya nga akong i-setup para lang hiwalayan ng anak niya, kasi ayaw niya sa akin. That woman. Tsk! Ang anak niya naman ay madali ring sumunod sa kanya.

Matagal na n'ong huli kong nakita at nakausap si Theo kaso magpahanggang ngayon nga ay tumatak pa rin sa utak ko iyong mga huling katagang iniwan ko sa kanya.

And, among all the places and incidents, dito ko pa talaga siya makikita sa Singapore. I've never heard about him for years already. Hindi ko na alam kung ano na ang mga ginagawa niya kasi ano naman ang paki ko sa taong 'to? Oo ama siya ni Tyreese, pero grabe rin kasi ang dinulot niya sa akin noon.

After all these years, I never imagined finding myself sitting across from him. I feel as though my tongue has been tied, making it difficult for me to speak. I was completely caught off guard when he asked if he could talk to me. My feet instinctively followed his foot step. Maybe, somehow, I expect an apology from him dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa akin. Kaya sumunod ako sa kanya.

By now, I'm sure alam na niya ang buong nangyari. Alam na niya ang katotohanan kaya ini-expect ko ang apology niya. By now, alam na niya siguro na ang ina niya at si Ana ang may pakana sa mga malaswang larawan ko kasama ang ibang lalaki dati.

I had previously claimed that I had already led a tranquil and joyful life alongside my family. However, deep down, I am aware that my inner being still carries the scars of my past. It is distressing to realize that despite the passage of many years, the trauma continues to linger.

Following a minute of silence, he finally found the words to bridge the gap between us.

"How are you?" he asked, his voice tinged with a hint of breathlessness. Kung makatanong siya ay parang magbarkada lang kami na hindi nagkita ng ilang taon. Tsk! What should I expect?

"I'm doing well," I replied to him.

"I've been looking for you, Laurenz," he said.

I couldn't help but notice the way he looked at me. Well, maybe I'm mistaken, but I could sense longing and sadness in his eyes. Perhaps I'm just hallucinating.

However, his statement caught my attention. Why is he searching for me? Could it be that he has been looking for me all these years? That's impossible!

"Oh," was the only word that escaped my lips.

Realizing that he wasn't going to apologize for what he had done years ago, I began to say, "I think I need to go-"

"Please, just a minute."

Bumalik ang p'wet ko sa upuan. Saan na kaya ngayon sina Rustin at ang mga bata? Baka hinahanap na nila ako.

"May gagawin pa ako."

Tumango siya. "I... i just want to apologize."

Kumuyom ang mga kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa. Tiningnan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. Mahigpit na niyayakap ng kamay niya ang tasa ng umuusok na kape. Hindi ko tuloy mawari kung namumula ba iyon dahil sa init. O baka dahil sa pagkakahigpit noong pagkakahawak niya.

"Marami akong nasabi sayo noon." Napatango ako roon. "May mga nasabi akong masama at masasakit sa'yo. Alam kong sobrang tagal na at siguro huli na itong paghingi ko ng tawad sa'yo, Laurenz. Pero gusto ko lang malaman mo na... hindi totoo ang lahat ng sinabi ko sa'yo noon. Nagsinungaling lang ako sa'yo noon para-"

Pumanting ang tenga ko at hindi ko mapigilang hindi siya punain. Ayos na sana ako sa paghingi niya ng tawad pero ano itong pinagsasabi niya?

"Nagsinungaling? Talaga ba Theo?" I sneered.

Umikot ang mata ko sa ere.

"Yes. Alam kong mahirap paniwalaan pero hindi totoo ang mga sinabi ko sa'yo noon, Laurenz. Napilitan lang ako." Nakikiusap niyang wika.

"What?!"

"Napilitan lang akong saktan ka. Nasabi ko ang mga bagay na iyon sa'yo para lumayo ka sa akin kasi iyon ang utos ng mommy ko..."

Napatigil siya sa pagsasalita nang tumawa ako. With a resolute gesture, I firmly crossed my arms in front of my chest, directing an unwavering gaze towards his eyes filled with solitude.

"Hindi nga ako nagkamali na ang bilis mo lang maniwala sa mommy mo Theo. Don't tell me hindi mo pa alam ang lahat-"

"I know!" He shut me up! He leans on the table. "I know Laurenz. I already know everything. Sinaktan kita noon kasi tinakot ako ni Mommy. Tinakot niya ako na ipapakalat niya ang mga larawan mo sa buong San Concepcion. Just like what she did to your mother, sisirain ka niya at iyon ang bagay na sinusubukan kong pigilan noon."

Naubos na talaga ang respeto ko sa ina ni Theo. God! Is she even a human?

"And you choose to hurt me because of it?"

"Yes," he answered.

Lumunok ako. We just saw each other tapos ganito kaagad ang pinag-uusapan namin. Nahahalungkat kaagad namin ang nakaraan. Ang alam ko lang ay ang ina niya ang may pakana roon sa pagsetup sa akin noon pero hindi ko alam na gagamitin niya iyon para hiwalayan ako ng anak niya. Na magiging armas ang kasinungalingang  iyon ng ina ni Theo. I thought si Theo ang kusang naka-diskubre no'n.

Tita Freda once told me about my mother's history with Theo's father. Alam ko na nagkarelasyon ang dalawa n'ong kabataan nila pero hindi marurok ng utak ko kung gaano kalalim ang galit ni Dominique sa nanay ko. Just because her husband, Theodore II, had a past with my mother ay idadamay niya ako o ang anak niya. Pero baka ganoon na nga. Siguro bitter pa rin siya. Tsk!

"Whether it was your mother's order to hurt me or not, you could have found another way to push me away, Theo. It's either you or your mother's will.  Nasaktan na ako ng sobra dahil sa mga sinabi mo. May mga paraan pa naman pero mas pinili mong durugin ako sa ganoong paraan. I accepted your apology just now, but that didn't change the fact that you hurt me." wika ko at tumayo iniwan itong bigo.

Nakatatlong hakbang na ako papalayo sa kanya nang tawagin siya ako.

"Laurenz,"

I stop on my track.

"I have one question."

I looked over my shoulder, waiting for his question.

"K-kinasal ka na? May asawa ka na... ba?"

Tumingin ako sa dadaan sa harap ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono ko.

"Oo, may asawa na ako at pamilya."

Lumayo ako sa lugar na iyon at nang buksan ko ang telepono ko ay nakita ko ang message ni Rustin sa akin.

From Rustin:

We had already headed to our hotel room first. Rhett had a tantrum. Just text me back if you read my message.  
 
To Rustin:

Uuwi na rin ako d'yan. I'm sorry.

Pagkasent ko sa message ko kay Rustin ay pumara na ako ng masasakyan tungo sa aming hotel. Malalakad naman sana ang hotel kung saan kami nagcheck-in kaso lang nanginginig ang mga binti. And I don't know why. Presumably because of what I learned today from Theo.

Pagkabukas ko sa pintuan ng room namin ay nakita ko si Rustin na nasa living area. Mag-isa siyang nanonood ng telebesyon.

Saglit akong napatigil sa paglalakad.

Nakaramdam ako ng guilty. May asawa na ako pero basta't basta lang ako sumunod kay Theo kanina. Hindi ko man lang natimbang ang desisyon ko ng maayos. I acted on impulse, and I acknowledge that my hunger for an apology doesn't justify my earlier actions.

Sa pagkalutang ko ay nakarating na pala si Rustin sa harapan ko.

"Kail, I'm sorry we need to head back without you. Thankfully, I was able to put Rhett-"

Hindi siya natapos nang dakmain ko siya ng yakap. Natahimik siya at ilang segundong na-estatwa sanhi ng biglaan kong pagyakap sa kanya. Sa huli ay ginantihan niya naman ako ng yakap.

Niyakap ko siya ng mahigpit at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Matapos ng yakapan namin ay hinila niya ako tungo sa sofa na nasa living area. Pinahinaan niya sa volume iyong TV.

Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay ko.

"What happened?" tanong niya.

Siguro dahil nagsimula kami ni Rustin na magkaibigan kaya ganito siya ka-observant at understanding sa akin. Alam na alam niya kapag may bumabagabag sa akin. Alam niya kapag kailangan ko ng kausap at makikinig sa akin.

"Nakita ko siya," sabi ko sa kanya. Ayaw kong maglihim sa kanya. Wala rin naman akong dahilan para hindi ito sabihin sa kanya.

"Who?"

"Tyreese's father,"

Napatikop siya sa bibig niya at bumuntong hininga. Alam ni Rustin kung sino ang totoong ama ni Tyreese. At alam din niya ang naging history namin ni Theo since nakwento ko ito sa kanya way back when we were still in the university.

"Did he do something to you?"

I shook my head slightly.

"No, and honestly kanina habang hinahanap ko kayo sa park... doon kami nagkita. Inaya niya akong mag-usap at sumama naman ako. I'm so sorry, Rustin. I'm so sorry-"

Umusog siya sa akin at niyakap ako. I felt his lips on my hair.

"Why are you sorry? You did not do something wrong."

Yumakap ako pabalik sa kanya. I inhaled his scent.

"Even if magpaalam sana ako sayo bago... p-pumayag na makipag-usap sa kanya."

Kinuwento ko kay Rustin ang naging usapan namin ni Theo kanina. He was all ears while I was narrating the small talk that Theo and I shared earlier at the cafe.  
 
"You didn't mention Tyreese to him?" Rustin asked me, after a few minutes of talking,

Sa pag-uusap namin kanina ni Theo hindi ko man lang naisip na ipakilala sa kanya si Tyreese. Unang kita pa nga lang namin at ganoon na kainit ang naging usapan namin. It feels like the years of being apart was futile dahil parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko. My initial plans were clouded by my emotions.

Certainly, he didn't intend to push me away before, but his words that night pierced my heart. I was deeply wounded by it, both emotionally and mentally. Kahit na sabihin niya pang inutusan lang siya ng mommy niya. Sana man lang hindi sa ganoong paraan niya ako sinaktan. Hindi man lang niya iniisip ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya.

Kapag naiisip ko ang gabing nagmakaawa ako sa kanya. Naiiyak ako. Awang-awa ako sa sarili ko. I pleaded desperately for someone to remain by my side. I found myself on my knees, begging earnestly for love. I was filled with immense fear of being abandoned and left alone once more.

Nevertheless, kahit pa sabihin ni Theo sa akin ang lahat ng dahilan niya noon, wala na namang magbabago. Hindi na magbabago na sinaktan niya ako, naghiwalay kami, at ngayon may asawa na ako. Undoubtedly, he was also in pain those times because of his mother but he is partly at fault too. 
 
The best thing for us now is to move on from everything that happened in the past. Hindi kasi maganda ang dulot kapag mas nilulunod mo ang sarili mo sa nakaraan. At ang isang magandang halimbawa n'on ay ang ina ni Theo.

"Hindi."

"But... you have a plan on introducing Tyreese to him." Rustin skeptically asked.
 
It was ironic how Tyreese grew up and didn't talk or ask that much about his father's existence. Nagtatanong siya at hindi naman ako nagsisinungaling sa bata. Siguro isa sa factor kung bakit hindi siya naghahanap ng ama because he had a lot of father figures around him. 
 
"If Tyreese wants to meet him, then I will."
 
"And what if Theo is married?"

Tumawa ako sa tanong ni Rustin.

"Ano naman ngayon? Whether he is married or not... if gusto ni Tyreese na makilala si Theo. Hindi ko ipagkakait iyon kay Tyreese or kay Theo. Hindi man kami magkasundo ni Theo at least sa anak man lang namin maging civil kami, right?" sagot ko sa kanya.

Kinabukasan habang binibihisan ko si Tyreese ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. Si Rustin naman ay abala kay Rhett na kakatapos ko lang din paliguan.

"Anak," tawag ko sa pansin ni Tyreese na naaliw sa buttons ng suot niya. He was playing them.

Umangat ang tingin ng anak ko sa akin. The way he looks at me reminds me of his father's gaze.

Napailing ako sa ulo ko. God! What the hell am I thinking?!

"Mama?"

"Anak, diba before you ask me about your father—your other biological father." Nanatiling nakatitig saakin si Tyreese. "We met yesterday, anak." I confessed.

"He looks for me, mama?"

I wet my lips with my tongue before shaking my head.

"Diba, I told you anak na hindi alam ng isang father mo na... buntis ako sayo n'ong nagkalayo kami. Kaya hindi ka niya hinanap."

Kumurap-kurap lang siya.

"What do you want me to do, mama?"
 
Huminga ako nang malalim. Sinuklay ko ang buhok niya. 
 
"No, anak, it's what you want to do. Gusto mo bang makilala ang isang father mo?"
 
He tilted his head to the other side.
 
"Will you be okay if... I want to know and meet him, mama?"
 
Ngumiti ako at niyakap ang anak. 
 
"Of course, of course. It's very okay with mama, baby."

Pinakawalan ko ang anak ko matapos ng yakapan namin.

"But what if he doesn't want to meet me, mama? What if he doesn't like me?"

"No, who wouldn't like you? Your papa Rustin, uncles, lola Freda, and Mama's friends love you, nga, diba? So... i-it's impossible na hindi ka niya magugustuhan."

Yumuko siya.

"Then how should I call him when we see each other, mama?"

Namula ang mga mata niya. Ewan ko ba dahil naiiyak na rin ako.

"You can him... daddy. He is your daddy, Tyreese, and his name is Theodore Granville III."

Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ni Theo o hindi. Hindi ko rin alam kung nasa Singapore pa ba siya o wala na. Kaya naman sa huling gabi namin sa Singapore ay tumawag ako kina kuya Harden para humingi ng tulong. Malawak at maraming koneksyon ang mga kapatid kong iyon kaya alam kong matutulungan nila akong mahanap at ma-contact si Theo.

"Laurenz?"

"Kuya!"

"Hey, how's your vacation going? Are you enjoying it? How about my nephews?"

Tumingin ako sa mga bata na naglalaro sa living area kasama si Rustin.

"So far, it's so good, Kuya."

"Hmm, so why do you call?"

Kinagat ko ang hinlalaki ko. Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan. Si kuya Harden wala naman akong naririnig na resentment niya towards Theo for the last few years. Kaso si kuya Walter ay mainit pa rin talaga ang ulo. Siguro magkapatid talaga kami. Tahimik lang kasi itong si kuya Harden. Hindi ko pa nga ito nakitang nagalit ng todo. Parang kontrolado niya ang lahat sa kanya. Kagaya ni Tita Freda.

"Kuya sa totoo n'yan ay... nagkita kami ni T-Theo rito sa Singapore."

Nag-pause ako para pakinggan kong ano man ang sasabihin ni kuya Harden kaso naging tahimik lang sa kabilang linya.

"Lalayo muna ako kay Walter," ang naging saad ni kuya Harden. Ilang saglit pa ay nagsalita ulit siya. "Continue."

"Nagkita kami... ayon lang nagkausap saglit."

"Nasabi mo sa kanya ang tungkol kay Tyreese?"

Tumalikod ako ng pamilya ko.

"Hindi... pero kinausap ko si Tyreese kanina, kuya. He wants to meet his father."

"So you called me to what?"

"Ahm, gusto ko lang humingi ng tulong if... kaya ng resources mo na makuha ang number ni Theo?"

"Okay, I will text it to you later."

"Kuya."

"Yes?"

"Won't you ask why am I doing this? Hindi mo ba ako pipigilan sa gagawin kong ito?"

"Laurenz, you are Tyreese parents; who am I to stop you? And besides, it has been years, and I trust you. Saka no'ng pinigilan ka naming magpakasal. Nagpapigil ka ba?"

Napabuntong hininga nalang ako.

Matapos nang tawagan namin ni Kuya Harden ay pumunta ako sa living area. Kinuha ko si Rhett kay Rustin nang makita ako nito at nagpupumiglas sa hawak ng ama.

Pinaulanan ko nang halik si Rhett sa mukha hanggang sa nakulamos na nito ang mukha ko gamit ang maliit nitong kamay. Nainis na sa halik ko.

"M-mama."

Ngumiti at bahagyang sinayaw si Rhett.

"Yes, it's mama."ako at saka ko pinagdikit ng ilong namin ni Rhett.

Sa ilang minuto kong pagsayaw kay Rhett ay unti-unti na itong umunan sa balikat ko at 'di nagtagal ay napatulog na ito.

"Let me put him on his bed." alok ni Rustin sa akin.

Maingat niyang kinuha sa bisig ko si Rhett.

He kissed my forehead.

"Mag-usap tayo mamaya bago matulog, please. Naghihintay pa kasi ako nang reply ni kuya Harden." sabi ko sa kanya.

"Okay,"

Nang mawala si Rustin ay nilapitan ko si Tyreese na nakatutok lang sa pinapanood nitong Marvel.

"Bambino," I called him.

Tinabihan ko siya sa sofa kung saan siya nakahiga. I hugged him from the back and kissed his cheeks.

"Let's finish this mama."

"Hmm."

"Tyreese, tomorrow you'll meet your father."

Naiwan nito ang pinapanood at umikot para makita ako.

"I'm so sorry anak. I'm sorry for keeping you away from your daddy Theo." Hindi naman ito ang unang pagkakataon na humingi ako ng tawad kay Tyreese kahit na hindi niya pa siguro ako naiintindihan ay humihingi na ako ng tawad sa kanya.

Nagbalak akong huwag na siyang ipakilala kay Theo. Nagbalak akong sarilihin na siya kasi kaya ko naman siyang buhayin at bigyan ng magandang buhay. Kaso ayaw ko namang ipagkait sa kanya na makilala ang isa niya pang magulang.

Kung tutuusin din naman kasi kahit pa gaano ko ka gustong itago si Tyreese kay Theo. Kung ipagtatagpo sila ng tadhana. Talagang mangyayari iyon.

Ngayon, I just wish na sana matanggap siya ni Theo kahit h'wag na sa mga magulang nito. Sapat na sa akin na matanggap siya ng isa niyang ama.

"Don't cry, mama. I don't know why you are sorry. But please don't cry. Uncle Walter and Harden hate it when you cry, and I hate it too, 'ma. Te amo, mama."

Hinalkan ko si Tyreese sa kanyang noo.

"I love you too, Tyreese."

Magkatabi kaming apat na natulog. Pinapagitnaan namin ni Rustin ang mga bata na natulog nang matapos naming mag-usap para bukas. Nang matanggap ko kasi ang information ni Theo na galing kay Kuya Harden ay agad kong kinontact si Theo. Syempre kasama ko si Rustin. Mabuti nga at hindi pa umaalis ng Singapore si Theo at mabilis na pumayag na magkita kami.

"I'll just text you kapag ipapasok mo na si Tyreese sa loob, okay?" Bilin ko kay Rustin nang makarating kami sa cafe shop kung saan din kami nag-usap ni Theo last time.

Pagtingin ko ro'n sa loob ng cafe ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita kong nando'n na si Theo. It's twenty minutes pa naman before ang call time namin kaso nandirito na siya.

"Mama, will just talk to your father first, okay?" Bilin ko naman kay Tyreese at saka ito binigyan ng halik pati na rin si Rhett ay hinalkan.  Tumango lang ito.

Lumabas ako ng sasakyan at inayos ko ang suot ko bago tumungo sa loob ng cafe. Nang makita ako ni Theo ay agad nitong itinaas ang kamay niya. Lihim akong napairap. Sa labas palang alam ko na kung saan ang pwesto niya.

Tumayo siya at ipaghihila na sana niya ako ng upuan nang pigilan ko siya. I can pull my own chair. 

"Ako na," pigil ko rito.

"Ahm, nag-order na ako ng coffee for us. Sorry." medyo nahihiya nitong untag. I don't know what changed kung bakit ganito na siya makitungo sa akin. Well, wala na namam akong paki ro'n. And as for coffee 'di naman ako mahilig doon.

"Theo, salamat sa pagpaunlak mo sa mensahe ko sayo kagabi." ani ko.

Bumaling ako sa labas at nakikita ko ang sasakyan na gamit namin. Tinted iyon kaya naman 'di ko nakikita ang pamilya ko sa loob no'n.

"It's nothing. Wala naman akong ginagawa ngayon." Tumigil siya nang dumating ang orders niya. "I'm sorry sa inakto ko noong... una nating pag-uusap."

Tipid ko lang siyang binigyan ng ngiti.

"Let's not talk about that."

Para bang nasaktan ko siya sa sinabi ko dahil yumuko siya at tinango-tango ang ulo.

"Theo." Napatingin ulit siya sa akin. Huminga ako nang malalim. "M-may sasabihin ako sayo. May itatapat lang ako."

Napakurap-kurap naman ako nang biglang sumigla nalang ang mga mata nito.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka ba o hindi sa akin..."

"Maniniwala ako sayo Laurenz." sapaw niya sa akin.

"Theo-"

"Alam ko ang mga pagkakamali at kaduwagan ko noon, Laurenz. Alam ko ang mga naging kahinaan ko at mga maling desisyon ko. Pero sana alam mo na noon pa man lagi na akong naniniwala sayo."

Huminga ako nang malalim. Nagsisimula na namn siya sa pagbubukas ng mga nakaraan na dapat na sanang binabaon na niya sa limot.

"It's not about it, Theo. Hindi ako nandidito para d'yan. Nandito ako kasi..."

Napainom ako sa service water na nasa mesa.

"Kasi?"

Huminga ako nang malalim.

"Theo... b-buntis ako no'ng umalis ako ng San Concepcion at ngayon ay kasama ko siya."

Naghintay ako ng kanyang tugon, subalit walang anumang reaksiyon mula sa kanya maliban sa matimyas na pagtingin niya sa akin. Pagkatapos ay napansin kong agad na sumunod ang mga luhang nagmamadali na bumagsak sa kanyang mga pisngi.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top