CHAPTER 33

Enjoy reading, everyone! Thank you palagi sa comments and votes. I appreciate each and every one of you!
_________________

Chapter 33

Laurenz Pov

"Why are you laughing?" puna ni kuya Harden sa akin habang humahagikhik ako rito sa kanyang tabi. We're walking side by side.

Even though I wasn't looking at him. I can already sense his annoyed face and it's cute for me. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa bawat hakbang ko sa baitang pababa.

"You're overreacting, kuya. Hindi naman ako madadapa." ani ko sa kanya.

"Oh, we won't know that until you fall. And before that happens aalalayan na kita." Hawak niya kasi ang kamay ko habang ang isa naman ay nakayakap sa baywang ko. He is so caring—both of them are so caring with me.

Tinatawanan ko lang siya ngayon pero sa totoo lang ang sarap pala mahalin at maalagaan ng isang kapatid. The four months of living here in Como, Italy, weren't good for me. Sa mga nagdaang buwan sa paglilihi ko, silang dalawa ang laging nasa tabi ko. Si Rielle at tita Freda ay nand'yan din naman sa tabi ko kaso silang dalawa ni Walter ang mas... puyat. Ewan ko rin ba, kasi gabi ako kung makahingi sa kanila ng kung ano-ano. Naaawa nga ako sa kanila at nahihiya noong una. Mga walang asawa at single kasi sila, e. Ayaw ko silang utusan at pinipigilan ko ang sarili ko sa mga cravings ko. Kaso kapag hindi ko naman nakukuha o nakakain ang gusto ko ay umiiyak ako. In which naba-bother sila at nag-aalala lalo.

I still remember nung unang gabi namin dito sa Como. Gusto kong kumain ng pinya kaso sa lahat ng mga groceries and foods sa villa ay walang pinya roon. Kaya ayon nagkagulo ang dalawang kapatid sa paghahanap ng pinya. Nakakatuwa at nakakaiyak iyong mga experienced ko last months with them. Syempre, naaawa rin ako kasi kung kailan nga gabi ay saka pa ako susumpungin. Mabuti at nasasanay na rin sila.

At magpahanggang ngayon nga ay salitan si kuya Harden at Walter sa pagtabi sa akin matulog. Kahit na sinabi ko sa kanila na ayos na akong mag-isa sa kwarto, sinasamahan pa rin nila ako. And I find it sweet. Ewan, baka OA lang din ako kasi first time kung maalagaan ng ganito.

Sa sobrang occupied ng utak ko ay natisod ako sa aming paglalakad pero si Kuya Harden ang napadaing.

"Tsk! Tingnan mo na." sermon nito. "Kung wala ako baka nadapa ka na. You are pregnant, Ren."

Tumigil ako sa paglalakad at sumama kaagad ang timpla ng mukha ko. Bakit parang pinaparating ni kuya sa akin na kasalanan ko kung bakit ako natisod? Hindi naman iyon sinasadya ng paa ko!

"Sinisisi mo ako kuya?!" Pagalit kong untag sa kanya.

May dumaang turista sa tabi namin kaya naman saglit na natahimik si Kuya Harden. Hinapit nito ang baywang ko papalapit sa kanya para makaraan ang ilang mga turista sa likod.

"Of course not!" bawi niya rin naman kaagad. In an instant, he puts a bright smile on his face. Even though we only get to know each other for months ay talagang nagkaclose na kami. 

"Kidding!" Masiglang untag ko sa kay Kuya at tumalon ng konti.

Natawa ako nang paunti-unti ay nawala ang ngiti ni kuya Harden. Piningot niya ang ilong ko. Impit akong napasigaw doon sa ginawa niya. Isa ito sa mahilig nilang gawin ni kuya Walter sa akin. Pinipingot nila ilong ko! Porket ang tangkad nila at nahihirapan akong gantihan sila ay kinaganito nila ako.

"You know how to use your cards on us now, huh!" patuya niya sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya.

Ngayon lang ako nakapaglakad-lakad dito. Last months nga kasi ay hindi mabuti ang pagbubuntis ko. Saka nag-aadjust pa rin ako sa new environment ko.

Medyo dumudugo pa nga ang tenga ko sa mga ibang tao rito ngayon. Hindi lang naman mga Italian ang napapadpad dito. Maraming turista mula sa iba't ibang bansa kaya maraming lengguwahe ang naririnig ko. Nalulula ako.

Si tita Freda at sila Kuya ay maalam magsalita ng italian samantalang ako ay pinag-aaralan pa.

Sa ilang minuto naming paglalakad ni kuya Harden ay inaya niya akong maupo sa isang bakal na bench na siyang nakaharap sa malaking lawa ng Como. Mainit na pero rito sa aming pwesto ay hindi naarawan dahil sa puno ng kahoy. Como lake is famous tourist spot kaya naman may nakikita akong mga turista sa harapan namin na kumukuha ng mga larawan. Como lake is just situated in the foothills of Alpine. At dahil dito lang din kami nakatira nasasanay na ako sa ganda ng lugar. Kitang-kita ito sa taas, e.

From Milan if I am not mistaken, mga one hour lang ang byahe if train amg sasakyan for only 5 euros. And if you want to view the Como lake from the top, you can ride a funiculars naman. Sabi ni tita Freda sa akin marami naman daw'ng pwede sakyan papunta rito. Tulad nalang ng public transport boats.

Maganda rin dito kasi abunda sa mga magagandang cafes, pizzeria, at McD. Kaya lang usually crowded ang McD dito. May mga pumunta rin dito para makita ang magagandang small towns and villas. Whether the tourist will stay here or not. The place was so very good. May mga hotels nga kasi tapos maraming ka ring pagpipilian when it comes to transportation. Travel possibilities such as private taxi, boat, ferries, and train.

If only lang natapos ko ang kurso ko sa San Concepcion makakapagtrabaho lang ako rito since may mga 5 star hotel din dito na gusto kung pasukan.

"Wanna drink?" alok sa akin ni kuya Harden sa tubig na nasa water jug. Oo, nagdala talaga siya ng bag for my essentials.

Tumango ako sa kanya at binigay niya naman sa akin ang water jug na nakabukas na. Baby na baby ako sa kanila. Maybe they also long for little brother.

Pagkatapos kong uminom ay binigay ko rin kay kuya ang water jug.

"Kuya, saan po pala ang lakad ni Rielle at kuya Walter?" tanong ko kay kuya. Kanina kasi ay maagang umalis si Rielle at kuya Walter.

"They're going to Rome. Coz, primarily some of our businesses were there kaya pupunta roon si Walter for some clarification and verification that can't be done through online." tugon naman ni kuya sa akin.

"Ikaw... wala kang trabaho ngayon kuya?"

Part of me is feeling guilty because sometimes they abandon and set aside their work for me.

"I handle the business meetings and  conferences or handle potential investors. Pwede naman iyon online, so don't worry that much if 'yan ang iniisip mo. It's not good for the baby."

Ngumuso ako kay kuya. He ruffles my hair.

"Eh, bakit si kuya Walter..."

"I want him to be acquainted in our business here. Kaya siya muna ang pinapalakad ko. Remember, I grew up here. And watch our dad and my mom work, so it wasn't hard for me. While Walter chose to study in the Philippines."

Tumango ako r'on. Nabanggit na ito ni Rielle sa akin dati.

"Mga ilang oras naman ang byahe mula rito hanggang sa Rome, Kuya?"

"Hmm, it takes 5 to 6 hours, but Walter is a racer, so it'll only take 2 to 3 hours for him."

Medyo nanlaki ang mata ko sa sagot ni kuya.

"Only if Rielle is fine with it." agap niya naman agad. Huminga ako nang malalim. Mag-aaway na naman ang mga 'yon.

Nakakamangha sila kasi sa edad nilang ito ay ang laki na nangggawa nila sa buhay. I mean, iyong mga narating nila. Mga naipundar. Maybe they are privileged enough and have the freedom to pursue what they want kaya ganito na sila ka-successful ngayon. Whilst on the other side, meron din namang may pribilehiyo at may kaya sa buhay na hindi rin successful. Meron namang mahihirap na nagsusumikap at naging successful. It really depends on the person. It really depends on how we ride the peaks—the twists and turns of our lives. If you're goal-driven, courageous, kind, and have faith, everything will fall into place.  
 
I left San Concepcion, the Philippines, to start anew in my life. A new beginning together with my family, yeah, may matatawag na akong pamilya ulit.

Before I left the country, I promise to myself na magiging matapang na ako at hindi na ako magpapa-apekto pa sa kahit na anuman ang sabihin ng ibang tao. At kasama na sa plano ko ang umasenso rin. Mag-aaral ulit ako rito. At sa katunayan nga ay inalok ako ni kuya Harden minsan kung gusto ko bang mag-aral. At 'di ako tumanggi roon. Gusto ko ulit mag-aral after kong manganak, hopefully. And I'll pursue fashion design.

"Kuya, bakit po pala sumama si Rielle kay kuya Walter sa Rome?" kuryosong tanong ko. Ewan ko ba kasi. Noong umalis kami sa Pilipinas wala naman talagang balak si Rielle na sumama sa amin dito. Gusto kasing tapusin nito ang pag-aaral doon. Kaso bigla nalang kinabukasan naka-impake na si Rielle dahil sasama sa amin.

"I don't know those two. Hindi naghihiwalay." Kunot-noong sagot ni Kuya.

"D-di kaya ay... may relasyon sila, Kuya?!" hula ko.

Napairap doon si Kuya Harden.

"Impossible. Lagi silang nag-aaway."

Napalubo ako sa bibig ko.

"Oo nga pala," pag-sang ayon ko kay kuya.

Lagi ko nga namang nakikita na nag-aaway ang dalawang 'yon. Pero minsan naman para silang may sariling mundo.

Bumuntong hininga nalang ako at sinandal ang katawan sa kinauupuang bench.

"Gusto mo nang umuwi?" ani kuya nang napansin nito ang pagbuntong hininga ko.

Saglit kong nilingon si kuya at umiling.

"Okay, sabihin mo lang kung nagugutom o gusto mo nang umuwi." aniya saka kinuha nito ang telepono mula sa bulsa ng pantaloon niya.

Ngayon ko lang napagtanto na sa ilang buwan namin dito sa Como ay nakahawak lang ako ng telepono noong kinontact ko si Sonya. It was epic! Nag-iiyakan kaming dalawa. Pinagmumura ako ni Sonya dahil hindi man lang daw ako nagpakita sa kanya pero kalaunan ay naiintindihan din naman niya ako. I told him about my breakup with Theo pero wala siyang sinabi roon. Nagpasalamat nalang din ako na hindi siya nagtanong tungkol doon. After n'on hindi na rin ako gumamit ng telepono. May sarili akong cellphone but I don't see the need for it. Hindi ko rin pala nasabi kay Sonya ang pagbubuntis ko. Ayaw kasi iyong ipasabi nila kuya kahit kanino na taga San Concepcion.

Nakahinga ako nang maluwag dito sa Italy. Para akong ibon na nakawala sa lawha nang nandito na ako. Ibang-iba ang buhay ko rito kumpara sa Pilipinas. Tapos ngayon kampante na akong ipagbuntis ang anak ko kasi sabi ng private investigator ng mga Monzallon. Iyong mga lalaking kasama ko roon sa larawan na ipinadala sa akin ay nakulong na raw. Nalaman naman nila na naset-up lang ako at ang pasimuno ng lahat ay si Anna. Tapos si Anna naman ay nabaliw raw at ngayon ay nasa mental facility.

I filled my chest with air. The calm and quiet place puts my heart at ease. It wasn't hard for me to move on because of this place. Akala ko sa busy town ng Italy nakatira sila tita Freda rito. Kaso may villa pala sila dito sa Como. Nung nagtrain nga kami tungo rito from Milan sobrang nagagandahan na ako sa lugar. It was a breath-taking and picturesque place. And I easily fell in love with this charming city. 

After how many minutes had past, inaya ko si kuya na maglakad-lakad sa tabi ng dagat. Sumang-ayon naman kaagad si kuya sa gusto ko at saka binulsa ang telepono niya.

Kumakapit ako sa malalaki niyang braso habang naglalakad. Hay! Ang tigas din naman talaga nitong braso niya. Hindi nga mag-abot ang mga daliri ko rito.

Nang mapagod na ako ay umuwi na rin kami ni kuya sa villa.

Tapos na kaming mag-dinner nang makauwi sina Rielle at kuya Walter. Naka one-sie akong suot at naka-indian sit nang pumasok silang dalawa sa lounge area. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang kamay ni kuya Walter sa balikat ni Rielle. Si Rielle naman ay maypa tawa-tawa pa.

Nang mapansin nila ang matalim kong titig ay saka pa sila lumayo sa isa't-isa. Kita ko ang pagpula sa pisngi ni Rielle samantalang ang kapatid ko ay parang wala lang na naglakad tungo sa akin.

Humalik siya sa ulo ko.

"How's your day? Sabi ni Harden lumabas daw kayo." anito.

"Hmm, d'yan lang naman." Nguso ko sa labas.

Tumango siya.

"Next time tayo na naman ang lalabas." bilin niya bago tumalima.

Ngayon ay si Rielle na naman ang lumapit s akin. Masigla nitong pinakita sa akin ang mga paper bags. Akala niya madadaan niya ako roon. Tsk!

"Namili kami ni Walles ng mga gamit mo, Ren. Sinabi ko kasi kay Walles na gusto mo ang mga one-sie kapag gabi kaya pinag-shopping ka namin!" balita niya pero hindi naman doon ang atensyon mo o ang nais ko.

"Rielle." Napatigil siya sa paghahalungkat doon sa mga paper bags.

Sa logo palang noong mga paper bags alam ko nang mamahalin ang mga iyon. Well, hanggang ngayon 'di ko pa rin talaga alam kung gaano ba kayaman ang mga Monzallon.

"Ano iyong nakita ko kanina?" May pagdududa kong untag.

Namilog ang mata niya kaso binawi niya naman iyon kaagad. Huli na dahil nakita ko na iyon!

"Huh? Anong n-nakita?" Pagmaang-maangan pa ng kaibigan ko.

Inalis ko ang pagkakatulakbong ng hoodie sa onesie ko. Tiningnan ko siya mata sa mata. Ang kaibigan ko ay 'di ako matingnan ng daretso! Hah! May tinatago talaga ito!

"Aish! Ano ka ba Ren! Syempre, amo ko si Walles at inutusan akong s-sumama sa kanya kaya ayon! Atsaka wala iyong akbay, okay?"

Pinanliitan ko siya sa aking mata.

"Pero may napapansin pa ako Rielle, ha."

Nanlaki ang butas ng ilong niya at ang kanyang mata.

"N-napansin?"

"Oo," tumango ako. "Bakit tawag mo kay kuya Walter ay Walles. Napansin kong ikaw lang tumatawag sa kanya n'on." saad ko sa kanya.

Napakrus siya sa kanyang braso.

"Aba'y malay ko sa lalaking iyon! Iyon kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Tsk!"

Kumuha ako ng green grapes saka iyong sinawsaw sa mayo na nasa tabi ko. Ngumiwi sa akin si Rielle.

"Hindi pa ba tapos ang paglilihi mo?" Ngiwi nitong tanong sa akin.

"Hmm."

"Masarap ba talaga ang mayo saka grapes?"

Hindi ko siya sinagot dahil nililihis niya ako sa aming topic!

"Teka nga Rielle, 'di pa ako tapos sayo."

Bumuntong hininga siya.

"May gusto ka sa kuya Walter ko, 'no?" pabulong kong ani dito. Takot na may makarinig sa amin.

Natampal niya ang braso ko pero agad niya namang hinimas ang parte kung saan niya ako nahampas.

Pinanlakihan niya ako sa mga mata niya.

"Ano ka ba!" bulong din nito sa akin.

"Bakit? Ang gagwapo kaya ng mga kapatid ko. Single pa at mayayaman. Wala ka talagang- "

"Hindi sa ganoon."

"So, may gusto ka nga?" Naiintriga kong wika.

"Oo,"

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa inamin ni Rielle! Tingnan mo na konting piga lang pala ang kailangan, e! Mabilis kong nginuya ang grapes sa bibig ko.

"Ehhh!!! Alam ni kuya Walter-"

"Hindi kay Walles," putol niya sa akin.

"H-huh? Ibig... sabihin kay kuya..."

Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil sa rebelasyong ito. Nakakagulat siya masyado para sa akin! All this time akala ko kay kuya Walter siya may gusto. Tapos ibubunyag niya ngayon sa akin na kay kuya Harden siya may feelings?!

"Kung si kuya Harden ang gusto mo. Bakit kay kuya Walter ka laging sumasama?"

Inis nitong ginulo ang buhok!

"Ah, basta kay Harden ako." Namumula niyang untag. "Ayaw ko sa barumbado mong kuya, 'no. Halos ihatid pa ako sa langit dahil sa sobrang bilis magpatakbo ng kotse!" Tukoy nito kay kuya Walter.

Iniwan ako ni Rielle rito sa lounge area na marami ang tanong sa isip. Winaksi ko nalang ang mga iyon sa isip ko at kumain nalang ng grapes. Two large bowls of grapes na ang naubos ko at ito nga ngayon ay pangatlo na. After kong kumain ay tiningnan ko ang mga pinamiling damit nila Rielle at kuta Walter.

Sa totoo lang marami na naman akong mga gamit at damit dito sa baby ko. Ewan ko, malayo pa ang kabuwanan ko pero handa na ang lahat! Ni hindi pa nila alam ang gender ng baby pero nakapamili na. Ganyan sila ka excited!

Napangiti ako habang hinahaplos ang bilog kong tiyan. Inaamin ko na nung nalaman kong nabuntis ako ay hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Hiniwalayan ako ng lalaking nakabuntis sa akin. At bata pa ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung kaya ko bang bumuhay ng bata. Magiging sapat ba ako sa anak ko? Hindi ba siya magagaya sa akin? Marami akong tanong at pag-aalinlangan. Mabuti nalang at nasa tabi ko si tita Freda. She guided me.

At kung tungkol naman kung may plano ba akong ipakilala ang baby ko kay Theo... hindi ko alam. Tingin ko hindi niya deserve na malaman ito after niya akong itulak ng ganoon. At ano nalang ang iisipin niya? Baka isipin n'on na hindi sa kanya ang ipinagbubuntis ko.

Malaki ang pangarap ko. Wala sa plano ko ang magkaroon ng anak sa murang edad. Dahil mentally at financially, I'm not ready! Pero 'di naman pumasok sa isip ko ang kunin itong bata. Ngayon, ang iniisip ko nalang ay kung papaano ko siya papalakihin na hindi naghahanap ng pagkukulang sa pagkatao niya o ng kanyang ama.

Pero gaya ng sabi ni tita Freda, papalakihin namin ang baby ko na puno ng pagmamahal. At sana magawa ko iyon with the help of them.

We celebrate daddy Eram's death anniversary at kabuwanan ko na rin. Nahihirapan na akong tumayo at maglakad dahil hinihingal ako.

Galing kami sa cemetery kung saan nilibing si Daddy. Inalalayan ako ni kuya Walter sa pagbaba ng sasakyan. Actually, iiwanan sana nila ako rito sa villa kanina with Rielle kasi pupunta sila sa puntod ni Daddy. Kaso gusto kong sumama at napilit ko naman sila kahit labag sa kalooban. Masama daw kasing bumbyahe lalo na't kabuwanan ko na. Anytime, baka raw manganak ako.

Maayos naman ang pakiramdam ko kanina nang umalis sa bahay pero ngayon ay nararamdaman ko ang sakit sa tiyan. Hindi ito ordinaryong sakit lang. At saka ko naramdaman ang pag-agos ng likido sa binti ko. Isang maluwag na shorts, t-shirt, at isang malakapal na trench coat lang ang suot ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang hindi ko na kayang indain ang sakit!

"K-kuya..."

"Hmm," baling niya sa akin.

"Kuya... a-ang sakit ng-"

"What happened?" Taranta nitong wika saka ako tiningnan. Tinabing niya ang coat ko at saka ito napasigaw!

"Shit! Mom, Harden! Ren's water just broke! Manganganak na siya!!"

Sa mga buwang kasama ko sila kuya ay ngayon ko lang nakita si kuya Walter na ganito kataranta.

Kumapit ako sa leeg niya nang buhatin niya kaagad ako at binalik sa labas kung nasaan ang kotse! Ang mga natatarantang sina kuya Harden at Rielle ay sumunod sa amin sa sasakyan.

"Ang mga gamit ni Laurenz, ihabol n'yo nalang Rielle, Harden. Mauna na kami nila mommy sa hospital!" si kuya nang mailapag ako sa backseat. Tinabihan ako ni tita Freda.

"Okay," rinig kong sagot ni kuya Harden.

"It's okay, Laurenz." Hinawakan ni tita ang palad ko at pinasandal sa kanyang katawan.

"Kuya, okay lang ako." wika ko nang makita ko si Kuya Walter na pinapawisan ng todo at malalalim ang hiningang pinapakawalan.

"You're in pain, lil bro."

Ngumiti ako sa kabila ng nakakamatay na sakit. Napapikit nalang ako. Inay! Gusto ko nang sumigaw sa sakit!

Nakapagpa-ultrasound ako kaso hindi pinalaam nila ni tita Freda sa akin ang gender ng baby ko. Kaya naman after ng cesarean operation ko at nakita ko na ang baby ay naiyak ako sa saya. Nanginginig at naluluha ako sa tuwa nang ibigay ng doktor sa akin ang isang lalaking sanggol!

My tears can't stop falling from the corners of my eyes. My heart pounded so hard when I finally held my healthy baby boy in my arms. God! He is so small, red and soft.  

"What is his name? May hinanda kang pangalan?" tanong ni tita Freda na siyang umiiyak din pala.

"Oo po."

Tumingin ako sa anak ko. This feels surreal. May anak na talaga ako.

"I would like to name him. Tyreese... my baby Timmy Reese."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

-sorry kaagad if may mga terms or mga informations akong binanggit sa itaas na mga mali. (aside sa mga grammatical errors ko, always yan, e.🤣) if you're more well verse about it kindly ping me nalang. btw, thankyouu kay mommy angela at kuya tj sa pagsponsor noong mga books. ahhh, di ako makaget over! nakaka inspired so much po! ☺️🤧

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top