CHAPTER 32
This chapter is dedicated sa lahat ng bumabasa sa egs2! For your more information my dear, binabasa ko ang mga comments ninyo at natutuwa ako kahit panay ang mga mura! Hehehe! Enjoy reading! 😍☺️
________________________
Chapter 32
Laurenz Pov
"Senyorito huwag n'yo po akong iwan!"sigaw ko sa aking bangungot at paahon mula sa aking kinahihigaan.
Hinihingal kong niyakap ang katawan ko nang magising na naman ako sa isang silid na hindi ko alam kung kanino at kung saan.
Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
Una kong tiningnan ng katawan ko at chineck. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maayos naman ang suot ko kaso... hindi na iyon ang dati kong damit.
I tried to recall my memories kung ano ba ang nangyari sa akin. Kaso bigo ako. Ang tangi ko lang naalala ay ang pagpalayas sa akin ni Senyorito Theo sa akin mula sa mansyon nila.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman iyon. Ginapangan na naman nang panibagong sakit sa puso ko habang pinabalik-balikan ng utak ko ang mga nangyari.
Totoo ba talaga iyon? Hinawalayan na niya ako? Wala na kami? Ang dali ko lang bang bumitaw sa amin? Mahal ba talaga ako ni Senyorito? O baka madali akong natulak ni Senyorito papalayo sa kanya kasi... iniling ko ang ulo ko. Sa bawat balik ng alaala ko sa nangyari ay nadadagdagan ang sakit sa puso ko.
Kung dati hindi ko natatanong ang pagmamahal niya sa akin. Ngayon bumuhos na sa akin ang mga kung ano-anong mga tanong. Ang mga pagkukulang ko. Ang mga bagay na wala ako na meron ang iba. Syempre, sino bang magseseryoso sa akin? Sino ba ang taong kayang manatili sa tabi ko? Wala. Walang tao na may gusto sa akin maliban sa nanay at lola ko.
Akala ko pagdating ni Senyorito sa buhay ko siya na ang sagot sa mga panalangin ko. Akala ko siya na ang bubuo sa pagkatao ko. Akala ko siya na ang magiging sandalan ko sa lahat. Nagtiwala ako. Nagmahal ako. Sumugal ako. Pero talo ako. Nasaktan ako. Bigo ako sa lahat. Ako pa rin ang umiiyak. Ang nasasaktan.
Ngayon hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Ang lakas ng loob kong sabihin kay Theo na hindi na ako magpapakita sa kanya pero ang totoo wala naman akong alam. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang durog kong pagkatao.
A-ang hirap. Magsisimula na naman ako sa una. Magsisimula ako na hindi ko alam kung papaano at saan. Sa panahon na kasama ko si Theo nasanay ako sa kanya. Nasanay akong merong tao na nasa tabi ko. Mali talaga na inubos ko ang lahat sa kanya. Mali na hindi ako nagtira para sa sarili ko. Ngayon para na akong isang bata na naligaw at hindi alam kung saan pupunta. Hindi alam ang patutunguhan.
Sumulyap ako roon sa malaking bintana na may puting kurtina na siyang sumasayaw sa hangin. Ang huling naalala ko umuulan at kumukulog. Papaano't may araw na ngayon at ang ganda na ng panahon?
Binaling ko sa ibang direksyon ang mata ko. May malaking flat screen TV sa harap nitong kama kung saan ako ngayon. May halaman, sofa, at painting ang kwarto. Malaki ito. Mas malaki pa nga kumpara sa bahay ko. Kulay puti at brown ang tema ng kwarto.
Naging alerto ang buong sistema ko nang marinig ko ang pagbukas noong pintuan. Hinanda ko na ang sarili ko kung sinuman ang taong papasok. Handa na ang unan sa kamay ko pero nabitin sa ere ang kamay ko na may hawak na unan nang makita kong si Rielle ang pumasok.
"Rielle?" gulat kong sambit. Binaba ko ang unan.
Ngumiti lang si Rielle at sinara ang pintuan. Lumapit siya sa kama at umupo.
"Ayos ka na?" tanong niya sa akin. Ang hinhin din talaga nitong boses niya.
Napatingin ako sa aking kamay na nakaunan sa hita ko na natatabunan ng makapal na kumot.
"Oo, ayos lang." saad ko pero iba naman ang sinasabi ng mga mata ko. Tumulo ang luha ko kahit na ayaw ko na namang umiyak. Kusa nalang silang lumalabas.
Umusog si Rielle tungo sa akin saka niya ako niyakap. Parang musmos akong napakapit sa t-shirt ni Rielle at umiyak sa dibdib niya.
"Sshh," tahan niya sa akin kaso mas bumuhos lang ang luha ko.
"Ang sakit. A-ang sakit-sakit, Rielle. Mahal na mahal ko siya!" Nguwa ko.
"Nandirito lang kami Ren. Iiyak mo lang 'yan. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa. Hindi ko al kung ano ang nangyari, Ren. Pero nandirito kami Ren. Mahal na mahal ka namin." pag-aalo ni Rielle sa akin.
Nakakapagod na ang lahat ng nangyari sa akin. Mula roon sa party, doon sa mga larawan na may kasama akong ibang mga lalaki, at ang paghihiwalay namin ni Theo. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng nangyari. Masyado silang masakit. Masyado silang mabigat para sa akin. Inisang bagsakan lahat ng pagsubok sa buhay ko.
Ilang minuto matapos kong umiyak sa bisig ni Rielle ay kusa na ring tumila ang luha ko. Humihikbi nalang ako at niyayakap pa rin si Rielle. Tingin ko kapag ilalayo ko ang katawan ko kay Rielle ay babagsak ang katawan ko. Naubos ako. Inubos ng mga problema ko ang lakas ko.
Hinawakan ni Rielle ang balikat ko saka maingat akong tinulak.
"Kumain ka muna para magkalakas ka." aniya.
"I-ilang oras akong tulog, Rielle?" tanong ko.
Humingang malalim si Rielle. Nanatili ang kamay niya sa akin. Siguro nararamdaman niya rin ang panghihina sa katawan ko.
"Hindi oras, Ren. Isang araw kang tulog kaya nag-aalala kami." tugon niya sa akin.
Muling nilibot ng mata ko ang buong silid bago nagtanong ulit kay Rielle.
"K-kami? Nasaang bahay ba ako, Rielle?"
Ngumiti siya sa akin.
"Nasa mansyon ka nila ni Walles, Ren."
"H-huh?" gulat kong garalgal.
Pinasandal niya ako sa headrest ng kama. Umalis siya at saka tinabi ang mga malalaking kurtina ng kwarto.
Nilingon niya ako ng may nakapaskil na ngiti sa labi. "Nung isang araw tinawagan ako ni Sonya na nawala ka raw sa inyo. Hindi ka niya ma-contact. At nag-alala ako kaya s-sinabi ko sa kanila ni Harden at Walles na nawawala ka. Hinananap ka ng magkapatid, Ren. At salamat dahil nakita ka ni Harden. Muntik ka pa nga n'yang masagasaan." kwento niya sa akin.
Napakurap-kurap ako. Muntik na akong masagasaan ni Harden? Biglang pumasok sa isip ko iyong pagkadapa ko sa daan habang papalayo ako sa mansyon ng mga Granville. At kung tama ako ay iyong akala kong mamamatay na ako dahil sa sasakyang paparating sa akin ay pagmamay-ari pala iyon ni Harden. Hindi niya ako nasagasaan bagkos ay tinulungan niya ako at dinala rito sa mansyon nila.
Matamlay akong napangiti. Bakit kapag may hindi mabuting nangyayari sa akin palaging si Harden nalang ang nakakakita sa akin? Una r'on sa resort, tapos sa mga oras na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ay sumusulpot siya.
"Tara kain ka muna sa baba, Ren. Sabay na tayo?" Masiglang wika ni Rielle sa akin.
Tumango ako.
Sa totoo lang wala akong ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko hindi ako dinadalaw ng gutom nitong mga nakaraang araw. Parang palagi nalang masama ang pakiramdam ko.
Inalis ako ang kumot sa aking binti at bumaba sa kama. Tatayo na sana ako ng biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa aking ulo at sumumparay.
"Ren!" Mabilis akong nasalo ni Rielle mula sa pagkakabagsak sa sahig. Maliit lang din si Rielle kaya muntik na rin kaming sumimplang sa sahig.
"W-walles, Harden, tulong!" sigaw ni Rielle at ilang saglit pa ay pwersahang bumukas ang pintuan.
Hindi ko magawang tingnan iyong mga dumating dahil napapapikit nalang ako sa mga mata ko dahil sa pagkahilo. Naramdaman ko ang hilab sa sikmura ko at napatakip sa bibig.
"N-nasusuka ako." bulong ko na narinig naman ni Rielle.
"Tulong Walles nasusuka si Ren!" Natatarantang wika ni Rielle.
Sunod ko nalang naramdaman ang pag-angat ng katawan ko sa ere. Doon ko namulat ang mata ko at saka ko napagtanto na buhat-buhat ako ni Walter. Nagtatagis ang bagang nito. Nagtatagpo ang kilay nito at bakas sa mukha ang pagkaseryoso.
Nilapag niya ako pagkarating sa banyo. Agad akong napaluhod sa maputing tiles ng banyo at sumuka roon sa toilet bowl. Habang sumusuka ako ay naririnig ko ang pag-uusap nila sa likuran ko. Binabantayan nila ako rito sa banyo.
"Anong nangyari?" Boses iyon ni Harden.
"Bumaba lang siya sa kama kasi inaya ko siyang kumain. Tapos ayon, pagtayo niya nahilo siya at nasusuka na." sumbong ni Rielle rito.
Hindi ko alam kung sino iyong marahas na napahinga.
"Walter tumawag ka ng doktor." ang rinig kong utos ni Harden.
"Huh? Doktor kaagad? Baka nalipasan lang ng gutom si Ren." Ang singit ni Rielle.
"Para makasiguro, tumawag nalang tayo ng doktor," pinaling saad ni Walles.
Matapos kong sumuka at makapaghilamos ay napatitig ako sa mukha ko sa salamin. Parang kaylan lang naman ako walang ganang kumain pero parang pumayat ako at mas mamutla. Muli nalang akong naghilamos kaysa punain ang pagbabago sa katawan ko.
Inalalayan ako ni Harden tungo sa kama na si Walter ang nakita kong nag-ayos.
"Rielle dalhin mo nalang dito ang breakfast ni Laurenz, please." ani Harden nang malapag ako sa kama.
Muli nila akong pinasandal sa kama. Ang magkapatid na Monzallon ay nasa paanan ko kaya napatitig ako sa kanila. Sinong mag-aakala na ang mga barakong lalaking ito ang tutulong sa akin. Ang mga lalaking iniiwasan ko para kay Theo ay siyang tumulong sa akin dahi sa kagagawan ni Theo. Nakakatawang isipin.
"Bakit..." Napahinto ako sa balak kong pagtanong sa kanila nang sabay silang tumingin sa akin.
"Do you need something?" tanong ni Walter. Sumulyap siya sa kapatid niya.
Umiling ako.
"Wala... p-pero bakit ninyo ako tinutulungan? Dahil ba... ito ang nais ni Senyorita Freda? Para pa rin ba ito sa nanay ninyo?"
Kita ko ang pagtikom ni Walter sa bibig niya. Si Harden naman ay 'di kumukurap gkong tinitigan.
"What if I say that it is more than that?"
Tinuon ko ang atensyon kay Harden. Tinitigan ko ang mata nito. Mga mata na sobrang pamilyar sa akin. Katulad lang nung nakita ko ang family picture nila.
Harden's eyes held gentleness as he scrutinized me. Kung titingnan lang sa pisikal na pangangatawan. Matatakot ka talaga sa magkakapatid na ito. Malalaki ang katawan—malalaking lalaki sila tapos iyong mga ekspresyon nilang hindi mo maiintindihan. Kaso ngayon nakikita ko ang pagkabanayad ng tingin nila sa akin.
I sighed inwardly. Naaawa lang siguro sila sa kalagayan ko ngayon.
"We helped you not because we pitied you, Laurenz. And it's not about our mother either. We help you because that's what a brother would do to his little brother." Pagbunyag ni Harden na kinabilog ng mga mata ko. Umawang ang labi ko.
Walang naging reaksyon doon si Walter pero ang namimilog kong mata ay nagpalipat-palit sa kanilang dalawa.
Gumapang ang kakaibang emosyon sa puso ko. Kumabog ito sa kakaibang pakiramdam. Kumabog ito hindi sa sakit tulad ng nararanasan ko kani-kanina lang. Kumakabog ang puso ko ng husto sa sabik at galak!
"L-little brother?"
Sa unang pagkakataon simula n'ong nakilala ko si Walter ay nakita ko siyang ngumiti. Iyong ngiti na kita ang mapuputi at pantay niyang ngipin.
"Yes, Laurenz. You are our little brother." kumpirma ni Walter sa sinabi ni Harden kanina.
Sumugat ang isang ngiti sa labi ko. Sa kabila ng mga pagsubok na binagsak sa akin. After all the pain, challenges, and fears I found myself tearing up with joy.
"We're so sorry, Laurenz. We came so late in your life. Hindi mo sana naranasan ang mga 'to." Sunod na wika ni Harden.
Napatakip ako sa bibig ko at humagulhol sa saya. Pinuno ng iyak ko ang buong silid. Saka sunod kong naramdaman ang mga katawan na yumakap sa akin.
"Tahan na. Baka maabutan tayo rito ni Mommy. Kami ang malalagot ni Walter." natatawang saad ni Harden at hinahod ang likod ko.
Dumaing si Walter sa kabilang side ko.
Pinakawalan nila ako nang magpunas ako sa aking luha. Dumistansya sila.
"Kapatid ko talaga kayo? K-kuya ko talaga kayo?" tanong ko pa talaga.
Tumango silang dalawa. At nang magsasalita pa sana si Walter nang bumukas ang pintuan at niluwa noon si Senyorita Freda na humahangos. Kaso ang ganda niya pa rin.
"What happened?" anito sa dalawang lalaki niyang anak.
"He knows na, mom."
Tanging takip lang sa bibig ang nagawa ni Senyorita Freda dahil sa inulat ni Harden.
"W-who..."
"Harden told him, mom," tunog sumbong iyon ni Walter.
"Oh," tanging sambit lang ni Senyorita Freda.
Dinaluhan kami nito sa kama at niyakap ako. Muli na naman akong umiyak dahil sa ginawa niya. Marami ang gumugulo sa isipan ko dahil papaano nila ako naging kapatid. Pero ninamnam ko muna ang mga yakap nila sa akin. Tingin ko kasi kailangan ko rin ito ngayon. Kailangan ko ang lakas nila.
Panay ang litanya ni Senyorita Freda ng patawad habang niyayakap niya ako. Hindi ko man alam kung saan siya humihingi ng tawad pero tango lang ako nang tango sa kanya.
Kumalas si Senyorita sa aming yakapan at kahit na hindi pa siya nakakapagpunas sa sarili niyang mukha ay inuna niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"You're not alone, okay? Pamilya mo kami," sabi niya sa akin. Tinanguan ko si Senyorita Freda.
Isa-isa ko silang tiningnan bago sinubukang magtanong.
"Papaano po? Papaano ko po kayo naging pamilya? Papaano ko po naging kapatid sila Harden at Walter?" Mga tanong ko sa kanila.
Inabot ni Senyorita Freda ang kamay ko. Huminga siya nang malalim at ngumiti sa akin. Umikot ang mata ko sa magkakapatid na tanging nakatuon na ang mata sa kanilang ina.
"Laurenz, kung anuman ang malalaman mo ngayon. Sana hindi magbago ang tingin mo sa amin o sa sarili mo. Tandaan mo napamahalal ka na rin sa amin."
Tumambol ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni Senyorita Freda.
"Senyorita,"
"Hindi kita anak Laurenz," panimula ni Senyorita Freda. Nagusot ang noo ko r'on. "Pero anak ka ng asawa ko."
Lumabi ito para pigilan ang luhang umaambang bumagsak.
Nabawi ko ang kamay ko na naka'y Senyorita Freda. Hinanap ko kaagad ang mga mukha ng magkapatid pero napapikit lang sila. Anong ibig sabihin nito? Anak ako ng asawa ni Senyorita Freda. I-ibig sabihin... naging babae ng asawa niya ang nanay ko? At ako ang naging bunga n'on? Pero bakit ganito sila sa akin?
Yumuko si Senyorita Freda.
"P-pagkakamali ako, Senyorita Freda. Bunga ako ng kataksilan ng asawa ninyo." Iyak ko.
Tumutulo ang luha ni Senyorita na tumingin sa akin.
"Nagkamali ang asawa ko, Ren. Nagkamali sila ng n-nanay mo. Pero ibig sabihin n'on ay pagkakamali ka rin. Sila ang nagkamali. Hindi ikaw." sulsol nito sa akin.
Umiling ako kay Senyorita Freda. Papaano niya ako natitingnan ng ganito. Nila ni Harden at Walter. Anak ako sa kabit ng ama nila. Hindi ba sila galit?
"Senyorita, hindi po ba kayo g-galit?"
Tumango siya. "Nagalit ako, Ren. Nagalit ako sa asawa ko at sa nanay mo pero hindi ako galit sayo. Saka... hindi ako nagtanim ng galit sa ina mo kasi wala na naman siya. Bakit ko ibabaon ang sarili ko r'on sa nakaraan kung wala na naman ito. At ngayon tinatanggap ka namin dahil kahit ano pa ang gawin ko—namin ng mga anak ko. Nananalaytay sayo ang dugo ng asawa ko. Huli na nang malaman namin na nagtaksil ang asawa ko Laurenz, na ama mo rin. Kaya huli na rin nang mahanap ka namin. Dati alam kong may babae na ang asawa ko pero hindi ko alam na nagkaanak pala sila."
Kinuyom ko ang kamay ko.
"Sorry po sa nagawa ng nanay ko. Ako dapat po ang humingi ng tawad sa inyo-"
"Sshh," putol ni Senyorita. "Huwag kang humingi ng tawad. Kagaya ng sinabi ko wala kang kasalanan dito, Ren. Ang pagkakamali nila ay hindi mo kasalanan kaya huwag kang humingi ng tawad."
Ngumiti ito.
"N-nasaan na po ang p-papa ko? Ang asawa ninyo, Senyorita?"
"Wala na siya, Laurenz. Namatay na rin ang daddy." sagot ni Harden.
"Pinahanap ka ni Daddy sa amin, Ren. Bago siya namatay ay binilin niya sa amin na hanapin ang isa niya pang anak. At ikaw iyon. Kaya nga nahuli kami ng dating sa buhay mo kasi huli na rin nang inamin ni Daddy sa amin ito." saysay ni Walter.
Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang doktor.
The new year came na hindi ako mag-isa. Akala ko wala nang pag-asa. Pero kagaya nga nang sinasabi nila na kapag may umalis, may darating. At oo, may dumating na tao sa buhay ko na nagpuno ulit sa pagkatao ko. Ang mga taong bumuo at nagpatibay sa akin ulit sa akin.
I had so many realization after my first heartbreak. Isa sa natutunan ko na hindi porket nagtapos ang isang relasyon ay nagtapos na rin ang buhay mo. Parte ng pagkatao natin ang magmahal at masaktan. Tsk! Magkasama naman yata talaga sila. Masakit lang siguro iyong nangyari sa akin dahil hindi ko naman talaga iyon ginawa at hindi ako pinakinggan ng taong akala ko makakaintindi sa akin. Pangalawa, na-realized ko na sa relasyon namin ni Theo, hinanap ko sa kanya ang pagmamahal ng isang pamilya. Binuhos ko ang lahat sa kanya dahil akala ko siya na. Dapat pala nagtira ako sa sarili ko. At saka, natutunan ko na hindi porket siya ang una mong minahal ay siya na ang huli.
"Ren, let's go!" tawag ni kuya Walter sa akin na hila-hila ang mga gamit ko.
Isang sulyap ang iniwan ko sa mansyon ng mga Monzallon bago sumunod kay kuya Walter.
After nang new year ay lilipad din kami patungong Italy. Tita Freda and my brothers were so considerate with me. They let me decide kung sasama ba ako sa kanila o hindi roon. Nag-isip-isip din ako sa desisyon ko at ang maging pinal ko ngang desisyon ay ang umalis at sumama sa kanila.
Pagkatapos kong malaman ang lahat sa pagkatao ko ay hindi na ako pinauwi ng mga kapatid ko at ni Senyorita sa bahay ko. Sinalaysay ko sa kanila ang mga nangyari sa akin—ang lahat-lahat. Wala akong tinira kahit na isa. Sobra ang naging galit sila sa gumawa noon sa akin at nagalit din sila kay Theo. Kaya hindi na nila ako pinaalis sa bahay. Hindi man kailangan pero nilalayo ng mga kapatid ko kay Theo. Iyon din naman ang gusto ko. Naging daan iyon para matupad ko ang huling bilin ko kay Theo.
And as of Sonya, pinayuan ako ng mga kapatid ko na kapag nasa Italy na ako tumawag kay Sonya. Sinigurado naman ni Rielle na hindi na mag-aalala sa akin si Sonya. Ang pamilya lang ni Sonya ang meron ako noon. Alam kong hindi niya magugustuhan itong desisyon ko at magagalit siya dahil hindi ako nagpaalam sa kanila pero sana maintindihan nila ako.
Tungkol naman doon sa mga lalaking kasama ko roon sa mga larawan. Pinaghahanap iyon nila ni kuya Walter at Harden kaso wala na silang mahanap doon. Pero sabi naman nila hindi sila titigil hangga't hindi n'on napagbabayaran ang mga ginawa nila sa akin at hangga't 'di namin nalalaman ang may pakana.
Humingi ako ng pabor sa mga kapatid ko na sa bahay kami dumaan. Gusto ko lang tingnan ang bahay na naging tahanan sa lahat ng saya, sakit, at pighati sa buhay ko. At napaluha ako nang dumaan kami roon. Hindi ako bumaba. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan.
"Tara na po." usal ko matapos ng ilang minutong nakatitig sa bahay.
Babalik ako rito. Babalik ako rito na hindi na mahina. Babalik ako bilang isang Laurenz Kail na matapang at hindi na magpapa-apak pa kahit na kanino.
"You should wear something thick." suway ni kuya Harden sa akin. "You're pregnant."
Ngumiti lang ako kay kuya Harden nang bigyan ako nito ng isang makapal na jacket.
"Thank you, kuya!" ani ko rito. Hinalkan niya ang noo ko.
"Matulog ka. Malayo ang byahe natin."
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
- drop naman kayo ng thoughts ninyo so far sa story. dapat honest mga beh! pagod na akong utuin 🤧🥹
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top