CHAPTER 31

Chapter 31

Theodore Pov

I have tried contacting Laurenz since yesterday, and until now, wala akong natatanggap na reply galing sa kanya. I also texted Sonny to see if he was with Laurenz, but he wasn't replying to any of my texts either. Sinubukan kung tumawag sa bahay kung napunta ba roon si Laurenz pero wala rin naman daw sabi ni Aleng Senya sa akin.

Tinapon ko ang towel na pinupunas ko sa aking ulo. Umuwi ako saglit dito sa bahay namin para makapagbihis at maligo pero ang utak ko uwing-uwi na sa San Concepcion. Nag-aalala ako kay Laurenz. I shouldn't have left him there.

Nang makapagbihis ako ay umalis din ako sa bahay at bumalik sa hospital. Daddy also needs to rest. Salitan kami.

And as much as I want to go back to San Concepcion. Gusto ko munang makausap si Mommy tungkol sa desisyon ko at sa relasyon ko kay Laurenz. Ayaw ko nitong mga may bagay akong 'di inaalala rito bago bumalik sa  San Concepcion. Gusto ko kaoag bumalik ako roon naresolba ko na ang problema ko rito.

Pagkarating ko sa ospital ay agad akong pumasok sa sa room ni Mommy.

I'm so glad that she's finally awake!

Tiningnan ko si Daddy na naka upo lang sa tabi habang si Mommy naman ay nakasandal sa kanyang bed.

"How are you, mom?" tanong ko kay mommy. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa kanyang hospital bed.

Mommy looks so well now, and she's now smiling at me from ear to ear. Masayang-masaya siya.

"I'm good already, Theo. Did you have your breakfast?" tanong din naman nito pabalik sa akin.

I nodded. I already had breakfast on my way here. Nagdrive thru lang ako sa isang fast food chain.  
 
Kinuha ko ang kamay ni Mommy. I put her hand in between my palms. I gave Mommy the brightest smile I could pull off. 

"Mom," panimula ko.

Tumikhim si Daddy kaya naman tumingin ako sa kanya.

He shook his head.

"Yes?" ang sagot naman ni Mommy kaya naputol ang tingin ko kay Daddy.

"Mom babalik na ako sa San Concepcion." Maingat kong wika na para bang takot akong may masabing iba.

Agad namang nasira ang ngiti sa labi ni Mommy nang marinig niya ang San Concepcion. Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mommy hanggang sa naging seryoso ito. Ang ngiti ko naman ay napawi rin.

"Theodore," my dad called me out.

He sauntered towards us and clasped his big hand on my shoulder. I took a peek at my father's hand before finding his eyes.

Tumayo ako at pabulong na nagsalita kay Daddy.

"Dad, gusto ko lang magpaalam kay mommy. At gusto ko lang sabihin kanya na ayaw ko sa gusto niyang mangyari sa amin ni Laurenz." Mahina ngunit may diin kong untag kay Daddy.

Tumango-tango si Daddy.

"But not now Theo. Kakagising lang ng mommy mo." suway ni daddy sa plano ko.

I sighed.

"Dad, I'm worried about my partner. Hindi siya tumatawag o nagti-text sa akin simula kahapon." sabi ko naman. "Nag-aalala ako dad."

"Relax Theo maybe Laurenz is just busy so don't-"

Hindi niya ako naiintindihan. Kagabi pa ako hindi mapalagay dito sa kakaisip kay Laurenz sa San Concepcion. Nakauwi na ba siya? Nakatulugan lang ba niya ako at nakalimutang i-text?

"Dad. How can I? How can I calm down here? Bakasyon dad alam kong walang ginagawa si Laurenz ngayon. And if ever meron man. I know my baby, dad. He will make time for me." Paninindigan ko.

"What are you two whispering about? Theo, anong gusto mong sabihin sa akin? At tama ba akong gusto mong... bumalik sa San Concepcion?" Kapwa kami napatingin ni daddy kay Mommy na nangungunot ang noong nakatuon sa amin ni Daddy.

Hinarap ko ang ina ko.

"Mom, uuwi ako roon kasi-"

"Leave your lolo and lola's haciendas alone in San Concepcion, Theo. Focus your mind on our other businesses here instead." puyo ni Mommy sa akin.

Now, gusto na nila ako rito. Dati halos itulak nila ako sa San Concepcion.

Napapikit ako. Muli kong hinila ang silyang iniwan ko kanina at umupo roon.

"Mom mas gusto ko sa San Concepcion-"

"And why is that? I'm already giving you the freedom of living here, Theo. You can do whatever you want, just don't go back to that province." Matibay na wika ni Mommy.  

Huminga siya nang malalim.

"I can't mom. I cannot leave San Concepcion." I sincerely told her.

Her mouth opened, and she was about to say something, but she laughed it off humorlessly.  
 
"Because of what, Theo? Because of that boy? Because of that flirtatious boy?" Mommy hissed, shaking her head. 

Pumanting ang tenga ko roon pero pinipigilan ko ang sarili ko. She's still my mother.

"Mom," nagpipigil kong huwag magtaas ng boses.

Sinapawan ako ni Mommy.

"Dati tandang-tanda ko pa Theo kung gaano mo kaayaw ang San Concepcion. But that boy makes you love that place? Ang lugar na muntik nang sumira sa atin." Mommy reprimanded me.

Galit itong tumingin kay daddy. Si Daddy ang pinaparinggan niya noon.

"Mom you're wrong!" I cannot help but disagree with her statements. Yes, I used to hate coming back to San Concepcion back then. I love my life here. I love being with my cousin, friends, and parties, of course. However, when I came back to San Concepcion and met amazing people there, I fell in love with the province. Life in San Concepcion was simple, yet I was able to love the place. Maybe it's because I was once in love with the place that it's not hard for me to fall again. And then, of course, my baby is there—Laurenz.  

"Are you yelling at me, Theodore!?" she hollered. Parang hindi makapaniwalang sumigaw ako sa kanya. I used to be so understanding to her. At kahit na matigas ang ulo ko dati hindi ko siya sinisigawan.

Mariin akong napapikit.

"Mom-"

"That boy isn't good for you. Nasisigawan mo na ako dahil d'yan!" Kung kaya lang sigurong ibaon ni Mommy ang mga salita niya sa kukuti ko ay ginawa na niya para maintindihan ko siya. 

Ang hirap magpaliwanag sa taong galit at ayaw makinig sayo.

"Mom," I tried my best to keep my voice calm, even if my insides were shaking.  "Uuwi ako ng San Concepcion pero babalik namn ako rito. Uuwi lang ako kasi si Laurenz-"

My mother sneered.

"Oh that boy's name again!" she exaggerated.

"Dominique just let Theo go for now." Napalingon ako sa Daddy ko na nagsalita sa tabi ni Mommy. Hindi ko man lang ito namalayang lumapit doon. I cannot imagine how my dad is still so calm right now. Mommy was already boiling in anger because of us pero si Daddy parang wala lang. Nasanay na siya.

Mommy clicked her tongue and watched at dad.

"Kinokonsenti mo ang anak mo kasi anak ng kabit mo ang karelasyon niya! Ganun ba Theodore? Gusto mo rin siguro kasi naaalala mo ang ina ng lalaking iyon-"

Mommy was halted when Daddy grabbed her hands and squeezed them lightly. Tumaas ang kilay ni Mommy roon sa kamay ni Daddy na humawak sa kanya.

"It's not like that, Dominique. How many times do I have to tell you that Alondra isn't my woman? I love you. How can I cheat when you already complete me?" saad ni Daddy kay Mommy.  
 
I saw a ghost of tears hiding in my mom's eyes. 

"You love me? Pero bakit nagkikita kayo ng palihim? Bakit mo siya tinulungan? Bakit mo tinulungan ang pamilya niya?"

Nasasaktan ako para sa Mommy ko. She was insecure. Her voice says it all. May mali ang daddy ko kasi naglihim siya kay Mommy. Pero si Mommy naman ay sarado ang utak sa mga paliwanag ni Daddy. Nakabaon pa rin ang isip ni Mommy sa mga nakaraan.

"Because I feel indebted. That's all. Dominique. Oo, lihim akong nakikipagkita kasi kung magpapaalam naman ako. Alam kong hindi ka papayag."

Pinalis ni Mommy ang luha niya. Ako naman ay maayos na tumayo nang kumalma na siya. Si Daddy ay tumingin sa akin.

"Go now, Theo."

"No!" Ang mariing pigil ni Mommy.

"Dominique."

"Hindi na babalik sa San Concepcion ang anak natin Theodore. Hindi porket sinabi mo sa akin na hindi mo kabit si Alondra ay papayagan ko nang umalis si Theo."

I tilted my head. Kaya ko naman sanang umalis kaso baka kung susuwayin ko siya ay lumala ang kalagayan ngayon ni Mommy. Hindi ko siya masuway dahil sa nangyari sa kanya ngayon.

"Mom, nag-aalala ako sa boyfriend ko. He hasn't contacted me since yesterday." Nakikiusap ko nang wika kay Mommy. Hoping that she would somehow understand me.

"Tss! Hindi ka na n'on kino-contact kasi may iba na iyong kasama. Ang lalaking kagaya n'on ay hindi mabubuhay ng walang lalaki sa tabi niya!"

I feel insulted because of what she said. Insulted and angry feelings slowly crawled into my system.  
 
"Mom how can you say that to my boyfriend? Do you really think I would settle for someone like that? Mom, I know my boyfriend. I know Laurenz more than anyone else. That is why I know my boyfriend can't do that." I firmly disagree with her. 

May hinanap si Mommy at nang makita niya ang telepono niya ay may kinalikot siya roon. Pagkatapos ay tinapon niya sa harap ko ang kanyang telepono.

"Tingnan mo 'yan!" Galit na namang turo nito sa telepono niya na nasa harapan ko. "Bago mo sabihin na kilala mo ang nobyo mo, Theo. Tingnan mo muna ang mga karawang iyan! He inherited his mother's genes. A flirt and impudent!"

My eyes dropped on the telephone. I took my hand out and reached for it. My hands were shaking when I saw what was in the photo. Halos mabasag ko ang telepono sa kamay ko nang makita ko ang mga larawan. It was Laurenz with other boys in the bed. Tumulo ang luha ko sa galit nang makita ko ang isang larawan na hawak nito boyfriend ko sa tiyan tapos ang isa naman ay nakahalik sa balikat ni Laurenz.

"Thankfully, Anna sent me those photos-"

Naputol si Mommy nang ihagis ko sa dingding ang telepono niya. Dahil sa matinding puot na nararamdaman ko ay nabato ko ang telepono ni Mommy sa dingding at nagkapira-piraso iyong bumagsak sa sahig. Gusto kong magwala sa mga sandaling iyon pero tanging ang dingding lang din ang nakita ko kaya roon ko binuhos ang lahat ng galit ko.

Pinagsusuntok ko ang dingding at sumisigaw na parang baliw. Mapapatay ko ang mga lalaking iyon. Kung sino man ang mga lalaking iyon ay pagbabayaran nila iyon. I know my baby. Goddammit! Hindi iyon magagawa ni Laurenz. My baby.

"Tama na!" Si Daddy ay yumakap sa katawan ko. Nilayo niya ako roon sa dingding at napaupo nalang ko sa sahig. Nanginginig ako sa sobrang galit.

Tumaas-baba ang dibdib ko dahil kinakapos ako ng hangin matapos kong pinagsusuntok ang sementadong dingding.

Tiningala ko ang daddy. Awa ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Dad, my b-baby cannot do that. I know. I know him very well, dad." My tears just fall like a river, and I let them flow on my cheeks. My poor baby.  

Tumango lang si Daddy.

"I... I need to go to San Concepcion, dad. My baby needs me." Desidido ko nang wika na parang wala nang makakapigil sa gusto ko.

Tatango na naman sana si Daddy nang sumigaw si Mommy sa likuran namin.

"You can't Theodore!!!"

Hindi na ako nakinig kay Mommy at tumayo ako mula roon sa sahig. Tinuyo ko ang pisngi ko saka tinungo ang pintuan. Nakahawak na ako sa busol ng pintuan at bubuksan ko na sana iyon nang magsalita na naman si Mommy.

"Aalis ka. Pupuntahan mo ang lalaki mo? Sige. Gawin mo ang gusto mo Theo at gagawin ko rin ang gusto ko. Remember what I told you? Sisirain ko ang buhay ni Laurenz kagaya ng pagsira ko sa buhay ng ina niya." sabi ni Mommy na kinatigil ko. Parang huminto ang lahat sa paligid ko.

Nanlalaki ang mata kong nilingon si Mommy. Her eyes were full of so much hatred and despair. Kahit na si Daddy ay 'di makapaniwalang tumingin kay Mommy.

"Oo, ako ang sumira sa pangalan ni Alondra sa buong San Concepcion." she declared.

"Mom."

"Dominique."

Dahil doon nasira na rin ang buhay ni Laurenz. That means aleng Alondra is innocent. Her image was just tainted because of my mother.

"Kung aalis ka Theo at hindi ka makikipaghiwalay roon kay Laurenz. Sisirain ko siya kagaya ng pagsira ko sa nanay niya." wika na naman ni Mommy.

Malalaki ang hakbang  kong lumapit kay Mommy. Hinawakan ko kaagad ang kamay nito.

"Mom, no. Please!" Pagmamakaawa ko. Not my baby's life.

"Hiwalayan mo siya at umalis ka sa San Concepcion." she dictated.

Umiling ako at kusang lumabas ang mga luha ko.

"No, mom. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang inuutos ninyo." mariin kong tanggi rito.

"Then I have no choice but to do what I want to then."

Lumuhod ako sa harap ni mommy at yumuko. Hawak ko pa rin ang kamay niya habang niyuyuko ang ulo ko.

"No, mom. No. Please, no. My baby already had enough. He already suffered so much, mom." Parang bata kong pagmamakaawa kay mommy.

Iniisip ko palang kung gaano ka-takot at kaingat si Laurenz para lang huwag siyang ikumpara kay Aleng Alondra ay nasasaktan na ako. Nakikita ko kung gaano nalilimitahan ni Laurenz ang kilos niya tapos sisirain lang ito ng Mommy ko. I cannot imagine my baby's life.

"Mom." I pleaded.

"I can spread these pictures to San Concepcion, Theo." Mommy threatened.

Hindi pa rin ako tumayo mula sa pagkakaluhod. Tumutulo ang luha kong tumingin kay Mommy.

"Why do I have to choose, Mom? I love you. And I love Laurenz too. Please, don't make me choose, mom. I finally found my love mom. A love that I want to fight till the end, mom. Please! Please, don't do this me, mom." Pagmamakaawa ko.

Iniwas ni mommy ang tingin niya sa akin.

"I'm sorry, Theo. I just want to protect my family."

Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap intindihin ni Mommy!

"How is this protecting us, mom?" Nanginginig ang labi ko.

"You can't understand me, Theo because you weren't in my position before."

Para akong pinapatay ng sarili kong magulang. Bakit? Bakit ganito? Iniisip kong labas na naman kami ni Laurenz sa mga nangyari noon pero nakatali naman kami sa mga magulang namin.

"Kapag... kapag iniwan ko si Laurenz at ang San Concepcion. Hindi mo na papakialaman ang buhay niya mom."

She turned her eyes to me. Humawak ako sa hospital bed para doon kumuha ang lakas para makatayo.

"Hihiwalayan ko si Laurenz kagaya ng gusto ninyo. Pero huwag ninyong iisipin na mako-kontrol n'yo pa ang buhay ko. Tama na, mom. Tama na 'to."

Hindi ko inaasahan na darating si Laurenz sa bahay ko. Umuulan at kumukulog sa labas pero ngayon ay nakatayo siya sa harapan ko at basa siya. Jesus! My baby. He must be cold.

"Senyorito n-naman dahil ba ito n-naglihim ako sayo? Dahil b-ba ito sa p-pagpunta ko sa mansyon ng mga Monzallon? Senyorito hindi ko naman po intensyong maglihim sa inyo. At kung t-tungkol po ito sa n-nangyari kahapon h-hindi po ako nakatawag kasi-"

I cut him off. Habang tumatagal siya sa harapan ko. Mas tumitindi ang nararamdaman kong yakapin siya at itakas siya sa magulong buhay na ito.

"Keep your explanation to yourself, Laurenz. I don't need it anymore. Get out of here and let's not see each other again." Walang awa kong saad. Pero ang totoo ay para ko na ring sinasaksak ang sarili ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Humagulhol siya sa harapan ko at nakuyom ko nalang ang kamao ko. Goddammit! Nais ko na siyang takbuhin at patahanin. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa mga sinabi ko.

Akmang hahawak siya sa akin nang matampal ko ang kamay niya. I know I hit hard at nagsisi rin naman ako roon. 

Muntik na akong mapatayo nang napaluhod siya sa harapan ko. Gusto ko na siyang yakapin doon at sabihin ang totoo.

Tumulo ang luha ko pero pilit kong ipakita rito na seryoso ako.

I'm so sorry, baby.

"Senyorito mahal na mahal po kita. Sorry po. Sorry. Sorry. H-hindi ko kaya Theo. Hindi ko kaya na wala ka. Sinanay mo na ako. Sinanay mo na ako sa piling mo. Senyorito h'wag naman ganito."

Mas napaluha ako. Tang ina! Para ko namang sinasakal ang sarili ko nito. Parang ako ang naghuhukay sa sarili kong libingan.

"Get up, Laurenz. I don't want to see you anymore-"

His teary eyes locked into mine. Napatigil ako ng kusa.

Baby, I'm sorry. I need to do this. This is for your own good.

"A-akala ko po papakasalan ninyo ako? Papayag na a-ako Senyorito. P-papayag na ako kahit hindi pa ako graduate. Diba gusto mo iyon-"

Ang sigaw ko ang nagpatigil sa kanya.

"GODDAMMIT LAURENZ! Stop it already! Get out!!!"

The more he pleads, the more I want to keep him. But I'm also afraid of what my mother can do to my baby's life.  

"B-bakit?" pumiyok ang boses niya. "Bakit ganito ka Senyorito? Maayos naman tayong nagpaalam sa isa't-isa nung nakaraan. Hindi ko m-maintindihan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin ng biglaan, Senyorito."

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. It's all a lie, baby. And please forgive me.

"Because. I'm. Disgusted. Very. Disgusted. With. you."

And that's it! Dinurog ko lang ng todo ang damdamin ko.

I'm so sorry baby! Hindi totoo ang lahat nang sinabi ko. I love you! I love you so much! I know you didn't do it. I know someone really set you up on that photo. Hindi ako magpapakabulag para lang sa larawan na iyon. But I need to do this, baby. I hope you can understand me when time comes for us.

I watch how Laurenz, disappear in front of my eyes. Nang mawala na siya ay saka ko sinabunutan ang buhok ko at sumigaw. Why? Why do I have to hurt him? Gusto kong protektahan si Laurenz laban sa Mommy ko pero bakit sa ganitong paraan pa? Mas sinaktan ko lang si Laurenz.

Kanina habang umiiyak siya sa harapan ko ay gusto ko na siyang yakapin at aluin. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing ayos lang ang laht at hindi ko ito intensyon. Na gusto ko lang siyang protektahan kaso inaalala ko ang banta ni Mommy. Kung siya nga nasira si aleng Alondra noon at magpahanggang ngayon. Hindi ko na alam kapag ang buhay ni Laurenz ay magiging katulad sa ina niya.

Tumayo ako at pinatid ko ang isang side table. Nahulog sa sahig ang lamp shade at nabasag. Sunod namam ay sinuntok ko ang dingding.

Why? Why do I have to be Theodore Granville III? The son of Dominique and Theodore II. Siguro kung hindi lang ako isang Granville. Hindi ko sana masaskatan ng ganito si Laurenz. Also, I feel so sorry for aleng Alondra.

Gusto kong tumakbo sa labas at sundan si Laurenz. Gusto ko lang siyang makitang makauwing maayos. Hindi ako mapalagay lalo na't may ulan.

"Senyorito tama na po!"

Galit akong napatingin sa kamay na yumakap sa baywang ko. Agad akong humarap ako tinulak kung sino man ang yumakap sa akin. It was Anna. 

Papaalisin ko na sana siya sa silid ko nang maalala ko ang sinabi ni Mommy. How dare this woman!?

Nilapitan ko siya at pwersahang hinawakan ang panga.

"Tell me." May diin kong utos dito. "Tell me kung sino ang mga lalaking nasa pictures?"

Agad itong namutla. Umiling ito at humawak sa kamay ko na mahigpit na nakahawak sa panga niya.

"W-wala po akong alam Senyorito."

Tumagis ang bagang ko.

"Wala kang alam? Huwag mo akong pinipiste Anna. Unang kita ko palang sayo rito sa mansyon ay masama na ang kutob ko sayo pero bunigyan kita ng pagkakataon na manatili rito kasi akala ko mali ako. Kaso ang laking pagkakamali palang pinatagal kita rito." Napuno ng takot ang mga mata niya.  "Kaya huwag mong hintayin na ako mismo ang makahanap sa mga lalaking iyon!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Napapikit siya at umiyak.

I don't really want to hurt her pero inunahan niya ako. Ang lakas ng loob niyang padalhan ng mga ganoong larawan si Mommy.

"W-wala nga akong alam Senyorito. Maawa po kayo."

Sarkastiko ko siyang tinawanan.

"Maawa? May awa ka ba nung sinend mo sa Mommy ko ang mga larawan ni Laurenz? Putang ina, Anna! Kilala mo si Laurenz at lagi ko siyang dinadala rito sa mansyon! Alam mo naman siguro na hindi ganoong klaseng lalaki ang mahal ko!"

Nabigla ako ng tumawa ito.

"Pwes, hindi ninyo kilala ng husto ang lalaking iyon Senyorito! Pareho iyon sa ina niyang makati at pumapatol lang sa kung sino-sino ng lalaki-"

Hindi natapos ni Anna ang sinasabi niya nang humagapak ang palad ko sa kanyang pisngi. Napaupo siya sa sampal ko.

"How dare you!"

"Senyorito bakit po kayo pumatol sa baklang iyon? Anong nakita ninyo sa baklang iyon?! May iba pa pong babae d'yan. Isang babae na nababagay sa inyo!"

Gusto ko nang gusutin ang bibig niya. Pinapataas niya lalo ang dugo ko sa ulo ko.

"Nakaapak ka lang dito sa kwarto ko at ganyan ka na makapagsalita sa akin? Tangina! Lumayas ka sa mansyong ito Anna bago kita masapak at kaladkarin sa labas!"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinulak ko siya dahil ayaw ko siyang nalalapit sa akin. Pinapainit niya talaga ang ulo ko!

"Diba gusto mong malaman kung sino ang mga lalaking iyon, Senyorito?" Malandi nitong wika at akmang hahawak na sa dibdib ko nang tampalin ko ang kamay niya.

"Get the hell out Anna! You're fired!!!"

"Sasabihin ko sayo kung sino ang mga lalaking iyon kapag sinusunod mo ang gusto ko!" Parang baliw niyang wika. Tumatawa na natataranta.

I smirked.

"I'm sorry. I will do it on my own, Anna. At kapag nalaman kong may kinalaman sa mga nangyari sa boyfriend ko. Tangina mo, Anna. Ikaw ang una kong babalikan."

Kumuha ako ng isang t-shirt sa closet ko at lumabas. Naabutan ko si aleng Senya sa sala. Tinanong ko siya kung nakita niya bang lumabas si Laurenz pero waka raw siyang nakitang Laurenz na bumaba galing sa taas.

Nagmamadali akong lumabas at sinuong ang malakas na ulan kaso wala akong makita na Laurenz. Bumalik ako sa loob ng bahay ko para kunin ang kotse ko para sana masundan kung saan man si Laurenz pero nakarating nalang ako sa bahay niya ay hindi ko siya nakita. Tanging si Sonny lang ang nakita ko sa balkonahe ng bahay ni Laurenz.

"Sonny,"

Umangat ang ulo ni Sonny sa akin. Nakita kong umiiyak siya.

Hindi siya nagsalita kaya naman nagsalita ulit ako.

"N-nandirito na ba si Laurenz?"

Marahas itong tumayo. Sinampal niya ang dibdib ko at hindi ko naman siya pinigilan doon.

"Pinuntahan ka niya! May nakakita sa kanya na nagpaulan tungo sa mansyon ninyo! Kaya bakit ako ang tinanong mo n'yan Senyorito Theo?! Nasaan ang kaibigan ko! Nasaan si Laurenz!!!"

Napapaatras ako sa bawat sampal ni Sonny sa dibdib ko hanggang sa sumandal na ang likod ko sa hamba ng pintuan.

"U-umalis siya sa mansyon." mahina kong wika.

"Ano?! Umalis? Bakit naman iyon aalis?!"

Tumulo ang luha ko. "Because I told him so Sonny."

"Tangina naman Senyorito! Bakit niyo naman pinaalis si Ren?" Galit nitong wika at pinadyak ang paa.

"I... I broke up with h-him." Muntik ko nang hindi matapos ang sinasabi ko dahil sa bumarang kung ano sa lalamunan ko.

"A-ang kapal ng mukha ninyo! Ikaw ang nakipaghiwalay sa kaibigan ko? Tapos pumunta ka rito? Para ano?" Pagak itong tumawa at tinulak ako palabas ng balkonahe ng bahay. "K-kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko dahil sa kagaguhan mo Senyorito Theo. Hindi-hinding kita mapapatawad."

Inis nitong pinalis ang luha.

"Akala ko hindi mo sasaktan ang kaibigan ko, e. Nagtiwala ako sayo Senyorito. Tangina n'yo naman po! Hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa kaibigan ko pero batid kong may masamang nangyari. Tapos dinagdagan n'yo pa. Napakawalang hiya niyo naman po."

Kahit na napapaulanan na ako ay nagsalita pa rin ako. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Sonny kaso gusto ko lang itong sabihin ngayon.

"Mahal na mahal ko si Laurenz, Sonny. Mahal ko siya at gusto ko lang siyang protektahan. Oo, gago ako dahil sa ganitong paraan ko lang siya kayang protektahan ngayon."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

-thank you po pala sa load kuya Jason Mabanag naka-update ako at may pang online class na. u saved meee🤭❤️

-pardon me sa mga errors ko. always remember na kung ano man ang mga paniniwala ng mga characters sa kwento ay kapwa likhang isip lamang ang mga iyan. hindi porket ganto-ganyan ang paniniwala nila ay ganun na rin ang sumulat nito. thanksss☺️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top