CHAPTER 30
Kindly click on or play the media above, my dear.
_____________________
Chapter 30
Laurenz Pov
Habang binabaybay ko ang daan tungo sa mansyon ng mga Granville, panay na ang lunok ko at pigil sa mga luhang nagbabadyang kumawala mula sa mga mata ko. Tumingala ako para hindi ito tuluyang tumulo. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko o tama pa ba itong ginagawa ko.
Napatitig ako sa kalangitan.
Tila nakikisimpatya sa aking nararamdaman ngayon ang panahon. Madilim ang kalangitan kahit na hapon pa lamang. Sa nadadaanan ko ay nakikita ko ang mga tao na nagmamadaling naglalakad sa daan at ang iba naman ay nakita kong natataranta sa pagkuha ng kanilang mga sinampay dahil sa sama ng panahon.
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon. May panghihinayang. May sakit. May puot. At may takot. Naninikip ang dibdib ko at sa anumang oras ay babagsak na rin ang luha ko. Gaya ng ulan sa kalangitan na nagbabadya na ring bumuhos anumang oras. Tila ba'y konting kilabit nalang dito ay bubuhos na ito.
Isang kulog at kidlat ang dumaan bago sinundan ng malalaking pagpatak ng ulan. Ang mahinang pagbagsak ng butil ng ulan ay unti-unting lumakas. Sinabayan ng mga mata ko ang pagpatak ng ulan. Lumuluha ang langit kasabay ng pagluha muli sa aking mga mata. Sa gitna ng malakas na ulan ako'y lumuluha rin sa sakit na aking nararamdaman. Dahil hindi sigurado sa aking patutunguhan ngayon. May maabutan pa ba ako o wala.
Nilalakbay ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. Gustuhin ko mang sumakay ng tricycle kaso wala ng bumabyahe sa sama ng panahon.
Kaya heto ako ngayon. Sa gitna ng napakalakas na ulan ay tinatahak ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. May kalayuan pero lalakarin ko lang layo mula sa bahay ko hanggang doon sa bahay kung saan siya ngayon.
Basang-basang ako sa ulan. Nanginginig ang mga labi ko at pati na yata ang kalamnan. Ang tuhod ko ay kaunting-kaunti nalang at bibigay na rin kaso desidido akong makarating doon sa patutunguhan ko.
Hindi ko matanggap ang mensaheng pinadala sa akin ni Theo. Hindi ko matanggap na makikipaghiwalay siya sa akin sa isang text lamang. Kay dali bang ako'y limutin at ganon-ganon lang niya akong hiwalayan? Isang text lang? Wala lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin? Ang relasyon namin?
Katulad ng naririnig kong rumaragasang baha dulot ng ulan sa tulay na aking tinatawid ay para ring baha na dumaan sa isip ko ang mga alaala naming dalawa. Ang mga masasayang araw na magkasama kami. Ang mga araw na parang wala na talagang makakapaghiwalay sa amin. Ang mga araw na tila ba siya'y akin na at ako ang sa kanya. Ang taong naging kanlungan ko ay di ko inasahang maging kalbaryo ko.
Malabo ang paningin ko dahil sa luha at sa lakas ng ulan. Sobrang nangangatal ang mga labi ko dahil sa ginaw pero nagpapasalamat pa rin ako na may kaunti pa akong lakas na natitira nang makarating sa harap ng mansyon ng mga Granville.
Tinangala ko ang matayog at magarbong tarangkahan ng mansyon. Naka-ulit sa itim na bakal ang apilyedo nilang sumisigaw sa kapangyarihan sa buong probinsya 'Granville' na kulay ginto at naka-kurba.
Huminga ako ng malalim at saka ko pinindut ang doorbell. Nakita kong namumutla at kumukulubot na ang palad ko dahil sa lamig at sa pagbabad ko sa ulan.
"Dios mio! Ineng anong ginagawa mo dito? Bakit na nagpapaulan?" anang ni Aleng Senya. Nakapayong siya at nakahawak ng isang kamay niya ang laylayan ng kanyang mahabang palda.
"N-nandyan po ba si Theo?" Imbes na sagutin ay tinanong ko si Aleng Senya.
"H-hindi maganda ang mood ni senyorito Theo ngayon, ineng." Pati si Aleng Senya ay parang nalulungkot para sa akin.
"P-pwede ko po ba siyang m-makausap? Kahit saglit lang po."
Nag-uusap kami ngayon ni Aleng Senya sa pagitan ng tarangkahan.
"I-ineng naman. M-mabuti siguro kung bumalik ka nalang bukas."
"H-hindi po. K-kailangan ko pong makausap si Theo. M-may lilinawin lang po ako." Pakiusap ko pa dito.
"Naku halika ka nga muna dito. Namumutla ka na dya-an."
Pinapasok ako ni Aleng Senya sa loob ng mansyon at binigyan niya ako ng makapal na tuwalya at nakita ko ang burda sa puting towel, Granville.
Iniwanan ako ni Aleng Senya dito sa sala at napakayakap ako sa towel sa katawan ko. Literal na nanginginig ngayon ang buong katawan ko sa ginaw. Sumasakit na rin ang talampakan ko at mga hita sa haba ng nilakad. Sabi ni Aleng Senya ay gagawan niya ako ng tsokolate na maiinom ko upang maibsan ang aking panlalamig at panginginig kaso nang mapatingin ako sa hagdanan tungo sa ikalawang palapag ng mansyon ay parang may nagtutulak sa akin na tahakin iyon.
Ilang beses na naman akong nakapunta dito sa mansyon nila Theo kaya hindi na ako mawawala pa. Kilala na nga ako ng mga katulong dito dahil madalas akong dalhin dito ni Theo.
Alam ko kung saan ang silid ni Theo kaya naman ay nakapagpasya ako na umakyat sa taas. Hindi ko mabilang sa mga daliri ko ang mga kwarto dito sa mansyon pero hindi ako magkakamali sa pagtunton sa silid ni Theo.
Napakagat labi ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat hakbang na aking ginagawa ay papalakas nang papalakas ang pintig ng puso ko. Parang sa bawat hakbang na ginagawa ko ay nanghihina ako at ang bigat ng pakiramdam ko.
Nang makarating ako sa harap ng pintuan ni Theo ay pumikit ako ng mariin. Siguro ay magugulat siya na nandidito ako ngayon. Alam kong may galit siya sa akin. Alam kong siguro ay may pagkakamali ako na di ako sumunod sa kanyang gusto. Alam kong siguro ay mali ko na sumuway ako sa kanya pero alam ng Dios ang ginawa ko.
Kaya siguro ganito ang aking nararamdaman kasi haharapin ko ngayon ang galit niya. Ang mga salita niya.
Pinihit ko ang busol ng pintuan na kulay ginto at saka ko dahang-dahang tinulak ang pintuan.
Napatigil ako sa aking nakita.
Isang pagkakamali nga siguro na sinuong ko ang malakas na ulan. Isang pagkakamali nga na pumunta ako dito. Isang pagkakamali nga na umakyat ako dito. Isang pagkakamali na binuksan ko ang pintuan na ito.
Sana'y sinunod ko nalang si Aleng Senya. Sana ay marunong nalang akong sumunod sa kung anuman ang sasabihin sa akin. Hindi sana ako masasaktan ng ganito kung sana ay marunong akong sumunod.
Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Para may kamay na gumagapos sa paa ko dahilan para di ako makagalaw. Nanginginig ako sa ginaw. Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko ngayon. Nanginginig ako ngayon sa galit at sa paninikip ng dibdib ko. Nanlalabo ang mga mata ko sa mga luhang walang humpay sa kaka-agos.
Para akong sinaksak ng daang-daang kutsilyo sa nasaksihan ko ngayon. Sana nga'y sinaksak nalang ako ng kutsilyo kaysa masaksihan ko ang kawalang-hiya-ang ito ni Theo.
Wala nang damit pang-itaas si Theo at gayundin ang babae sa ilalim niya. Naghahalikan silang dalawa ngayon sa ibabaw ng kama niya at parang wala sa kanila na may taong nakapasok na dito.
"Uhm, ahh," Gusto kong takpan ang mga tainga ko nang kumawala ang ungol sa bibig ng babae.
Napabaling ang mata ng babae sa akin at doon lang yata niya napansin na may nakatanaw na sa kababuyan nila.
"Ah, w-wait Theo there's s-someone..."
Napatigil doon si Theo sa saka umahon doon sa ibabaw ng babae. Hindi siya umaalis doon sa ibabaw ng babae.
Nang lumingon sa akin si Theo ay mas lalong gumuho ang mundo nang makita kong walang gulat doon. Walang ni-isang emosyon doon sa mata niya na nakatanaw sa akin.
Pinalis ko ang mga luha sa mata ko pero ang traydor na mga luha ay ayaw papa-awat.
Nakita kong bukas ang zipper ng khaki jeans niya at nakikita ko na ang panloob niya. Namumula ang parte ng dibdib niya at leeg. Tapos nanlilisik pa ang mga mata niya na nakatanaw sa akin. Para bang ako ang may ginawang mali sa aming dalawa.
Tiningnan ko ang babae na di man lang nag-abalang takpan ang katawan.
Magsasalita na sana ako nang muli kong ibalik ang mata ko kay Theo pero naunahan na niya ako.
"Wanna join us?" sarkastikong tanong niya sa akin.
Para akong nabikig sa narinig ko mula kay Theo. Parang pinapatay niya ako ng may malay sa kanyang tanong. Parang dahan-dahan niya akong nilalagutan ng hininga.
"G-gagò ka!" nagpipigil na huwag sumugod kong turan sa kanya at pumiyok ang boses ko.
"Kung ayaw mo umalis ka na dito at pakisara ang pintuan." aniya na parang wala lang, na parang di niya nobyo ang kanyang kausap at ang kanyang tinataboy.
"P-pagsisi-sihan mo ito, Theo. Pagsisisihan mo ito, g-gago ka!" bilin ko bago tumalikod doon sa kanyang silid dala ang matinding paghihinagpis.
"Pagsisisihan mo ito, g-gago ka!" sigaw ko at sabay na napadilat sa mga mata. Napabalikwas ako mula sa kinahihigaan kong malamig na sahig.
Naghahabol ako sa hininga. Nilibot ko ang mata ko at saka ko napagtanto na nandirito pa ako sa sala ng bahay kung saan ako bumagsak kanina.
Parang literal na ang sakit sa puso ko. Bakit parang totoo iyong panaginip ko? Bakita parang totoo iyong eksena sa panaginip ko? Si Senyorito at si Anna iyon. Iyong sakit, galit at matinding pighati ay parang totoong nangyari. But I know hindi iyon magagawa ni Senyorito at ni Anna sa akin.
Kinapa ko ang mukha ko at basang-basa ito sa mga luha ko. Nang muli kong makita ang mga larawan sa tabi ko na nagkalat ay nanlabo na naman ang paningin ko. Panibagong luha na naman ang muling tumulo mula sa mga mata ko.
Niligpit ko ang mga larawang iyon at tumungo sa kusina para sunugin. Tumutulo ang luha ko habang pinapanood ang mga larawan na unti-unting tinutupok ng apoy. Nandidiri ako roon.
Aligaga akong tumingin sa paligid ko. W-wala naman sigurong ibang nakita roon sa larawan, diba? Hindi naman siguro iyon kumalat dito sa amin, iba?
Hapon na pero hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Inaalala ko lang ang mga larawan at sinusubukang alalahanin ang nangyari kagabi. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang magkulong sa bahay. Ayaw kong magpakita sa kahit na sinumang tao.
"Ren! Ren! Nand'yan ka ba? Ren si Sonya ito!"
Awtomatik akong napatayo ko sa kalampag ng pintuan. Sinundan iyon ng matinding kabog ng damdamin ko.
Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang pintuan. Tawag nang tawag sa akin si Sonya na sinasabayan niya ng tampal sa pintuan ko kaso hindi ko siya magawang pagbuksan. Ayaw kong makipagkita sa kahit na sino ngayon. Gusto ko lang mapag-isa.
Tinakpan ko ang bibig ko para pinigilan ang paghagulhol ko. Napaluhod ako sa panginginig ng tuhod.
"Ren? Ren buksan mo naman ang pintuan. Nag-aalala kami Ren. Please!"
"U-umalis ka muna Sonya."
Narinig ko ang pagsinghot ni Sonya sa kabila.
"Ren, sorry. Promise hinanap ka namin ni Rielle, Ren. Hindi kami tumigil sa paghahanap sayo kaso hindi ka namin mahanap. P-pumunta kami sa mga Monzallon, Ren para humingi ng tulong pero hindi ka rin mahanap ng magkapatid. Ren... m-may nangyari ba? Sorry, Ren. Sorry kung nagkahiwalay tayo sa party. Bwesit na Crista at Mari kasi, e kinaladkad kami ni Rielle." salaysay ni Sonya.
Wala akong naging imik doon.
"Aalis muna ako, Ren. Pero babalikan kita, huh!" paalam nito at narinig ko ang paglayo ng yabag sa mga paa ni Sonya.
Somehow, nakahinga ako nang konti dahil walang alam sila Sonya sa nangyari at malamang hindi nila nakita ang mga larawan ko. That means hindi pa iyon kumalat.
Masakit na ang mga mata ko. Mahapdi na ito at halos wala nang luha ang tumulo kaso patuloy ako sa paghikbi.
Muli na naman ako pumasok sa banyo para maligo. Pumapasok kasi sa isip ko ang mga larawan at nandidiri ako sa mga kamay na dumapo sa akin. Habang kinukuskos ko ang braso ko ay nakaramdam ako paghukay sa loob ng tiyan ko. Lumipad ang kamay ko roon.
Napakapa ako sa dingding nang bigla akong nahilo. Napaluhod ako sa loob nang banyo at sumuka nang puro laway roon sa inidoro. Parang gusto nang lumabas ang lahat nang nasa loob ko. Suka ako roon nang suka kahit na mga laway lang iyon.
Anong nangyayari sa akin? Dahil ba ito wala akong kain? Pero hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Pinakiramdaman ko ang katawan ko na may hilo pa at nasusuka pa.
Tumingin ako sa salamin. Namumugto na ang mata ko. Namumula ito at bakas sa mukha ko ang pagod at pagkawalang buhay.
Tumalikod ako at saka ko pa naalala na naka-charge pa pala ang telepono ko.
Si Senyorito Theo. Kumusta kaya siya doon? Si tita Dominique, ayos na kaya ito?
Kinuha ko ang telepono ko at binuksan iyon. Pagka-open ko sa aking telepono ay nakita ko ang mga texts nila Sonya, Rielle at Senyorito Theo. May fifty plus missed calls din.
Binuksan ko ang message ni Senyorito Theo at nangatal ang kamay ko sa nabasa kong huling mensahe niya sa akin.
Akala ko wala na akong luhang ilalabas kaso meron pa pala. Bumuhos ang luha ko sa mensaheng binasa na galing kay Senyorito Theo.
"Let's break, Laurenz. I don't think I can continue being in a relationship with you anymore." Basa ko roon sa mensahe niya.
Napatayo ko at mabilis na lumabas sa kwarto ko. Kanina ay ayaw kong lumabas pero dahil sa text na iyon ay napalabas ako n'on sa bahay.
Lumuluha kong sinuot ang tsinelas at natigilan ako nang mapatingala ako sa madilim na kalangitan.
I-iyong panaginip ko kanina. Ganitong-ganito iyon.
Papaano kung magkatotoo ang panaginip ko? Papaano kung maabutan ko nga si Senyorito Theo at Anna roon sa mansyon na may ginagawang kalapastanganan?
Aakyat na sana ako muli sa bahay kaso umatras ako at muli pa ring sinunod ang damdamin ko. Pupuntahan ko pa rin si Senyorito. Hindi ako papayag na sa ganito lang kami magtapos. Sa isang text niya lang. Ang bilis niya naman akong iwan.
Nababaliw na ako sa lakas ng kabog ng damdamin ko. Dahil tulad doon sa panaginip ko. Nilalakbay ko rin ang daan tungo sa mansyon ng mga Granville dahil walang bumabyaheng tricycle.
Ilang saglit pa ay bumuhos na ang ulan. Patak ng ulan at ang luha ko ang sabay kong pinapalis para lang makita nang maayos ang daan. Kumukulog at may kidlat, takot ako r'on kaso dahil sa nag-uumapaw na emosyon sa loob ko. Hindi ko na iyon maisip pa. Ang tanging laman ng utak ko ngayon ay ang makaabot sa mansyon.
Nanginginig ako nang makarating sa mansyon ng mga Granville.
Lumunok ako.
"Laurenz?!" Lumabas si aleng Senya roon sa mansyon na naka payong. Everything. Everything seems so similar to my dream.
"N-nakauwi na po ba si Senyorito Theo?"
Napalingon sa mansyon si aleng Senya.
Tumingin siya sa akin at sumagot. "Bago palang ineng. Pero mukhang wala sa mood si Senyorito. B-bumalik ka nalang siguro bukas."
Mariin akong umiling kay aleng Senya. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating noong panaginip ko kanina pero... p-pero kung magkatotoo man iyon... wala na akong magagawa. Pero kung 'di ako tutuloy hihiwalayan niya ako.
Another tear falls on my cheeks.
Suminghot ako at huminga nang malalim. Naninikip ang dibdib ko nang husto. Durog na durog na ako sa mga nangyari sa akin tapos dumagdag pa ito. Sasagarin ko na ba ang sakit na 'to?
Napatingala ako. Bakit ganito? Bakit inasang bagsakan itong mga pagsubok ko ngayon? Bakit ako pa? Bawal ba talaga akong sumaya? Bawal ba talaga akong mabuhay normal tulad ng iba? Bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng ganito? Tingin ko lahat ng pasakit sa mundo ay sinalo ko na sa pagkakataong ito. Nasalo ko ang lahat ng pighati na walang panangga kaya ganito ako kadurog!
"Halika ka nga muna. Ang putla at nanginginig ka na riyan!"
Ngayon nais ko na namang umatras. Tinablahan na naman ako ng takot dahil doon sa panaginip ko.
But as much as I want to go home. Pakiramdam ko mawawalan na ako ngayon ng malay. Anumang oras ay nababatid ko na na unti-unti na akong nawawalan ng nararamdaman sa paligid ko.
Kinuha ni aleng Senya ang kamay ko at inakay ako sa loob. Dumeretso kami sa kusina ng mansyon. Pinaupo niya ako sa silya ng dining table. Nagmamadaling tumalima si aleng Senya para kunan ako nang towel at saka ako pinagtimplahan ng kape.
"Gusto mong kumain?" tanong nito sa akin habang sumisipsip ako sa kape.
Saglit ko lang na tiningnan ni aleng Senya at inilingan.
"'Neng anong nangyari sayo? Bakit ang lalim na ng mga mata mo? Ang putla-putla mo at ang lamig-lamig." Puno sa pag-aalalang wika ni aleng Senya.
Kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala... at awa.
"Gusto k-ko po sanang kausapin si Theo, aleng Senya." nauutal kong saad rito.
"'Neng hindi maayos ang lagay mo magpahinga ka muna sa silid-"
"Aleng Senya kailangan ko pong makausap si Theo." Tumulo ang luha ko.
Humingang malalim sa akin si aleng Senya.
"Nasa kwarto niya si Senyorito, Ren. Mukha namang hindi na talaga kita mapigilan pa."
Nagpasalamat ako kay aleng Senya sa kape at sa pagpapasok niya sa akin dito sa mansyon bago tumalima upang umakyat sa taas.
Kinuyom ko ang kamao ko habang tinatahak ko ang hallway tungo sa kwarto ni Senyorito Theo. Pipi rin akong nagdasal na sana mali ang kutob ko at hindi magkakatotoo ang panaginip ko.
Nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Senyorito nang makarating ako. At hindi tulad sa panaginip ako. Wala akong narinig na anumang ungol sa kwarto o ingay.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago kumatok sa pintuan at patulak iyong binuksan.
Nakailang hakbang lang ako at agad ring napahinto nang makita ko si Senyorito Theo sa paanan ng kama niya na sapo ang ulo nito. Nakaputing t-shirt lang siya at itim na jeans.
"Senyorito," ang tawag ko sa kanya.
Labis ang tuwa ko nang makita kong iba ang nangyari. Hindi nagkatotoo ang panaginip ko! Halos makalimutan ko nga iyong tungkol sa mga larawan ko na aking sinunog. Walang kasama si Senyorito Theo. Walang Anna.
Tatakbo na sana ako papalapit sa nobyo ko upang yakapin ito nang bigla itong magsalita na kinaguho ng mundo ko.
"Who told you to come in?"
My toes curled on their own accord. Napako ako sa kintatayuan.
"S-senyorito..."
Umawang ang labi ko nang pag-angat nito sa ulo niya ay nakita ko ang namumula niyang mata. Nanlilisik ang mga mata nito at nanginginig ang kamay na nakapatong sa hita niya.
Maputi siya kaya naman kita ko ang pamumula roon sa kamao niya. Para bang galing ito sa suntukan.
"Haven't you read my texts?" Deretsong tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Theo couldn't stand seeing me shed tears pero ngayon pagod lang ang nakikita ko sa mga mata niya na may puot. At parang nagpipigil.
Wala na rin namang silbi kung pupunasan ko ang mga luha ko kaya naman hinayaan ko na iyon. Wala na akong paki kung anuman ang hitsura ko ngayon sa harap niya.
Nasasaktan ako ng sobra dahil parang hindi na ito ang Theo na mahal ko.
"Senyorito n-naman dahil ba ito n-naglihim ako sayo? Dahil b-ba ito sa p-pagpunta ko sa mansyon ng mga Monzallon? Senyorito hindi ko naman po intensyong maglihim sa inyo. At kung t-tungkol po ito sa n-nangyari kahapon h-hindi po ako nakatawag kasi-"
"Keep your explanation to yourself, Laurenz. I don't need it anymore. Get out of here and let's not see each other again." Walang kagatol-gatul niyang ani.
Pahagulhol ako sa harapan niya. Lumapit ako sa kanya upang hawakan siya kaso hindi pa nga nakadapo ang kamay ko sa kanya ay lumagapak na ang kamay niya sa akin. Hindi ko naramdaman ang sakit n'on. Siguro dahil sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko kaya namanhid na ang katawan ko sa pisikal na sakit.
Kusang lumuhod ang binti ko sa harap niya. Nakita ko ang pagtulo sa luha ni Senyorito Theo.
"Senyorito mahal na mahal po kita. Sorry po. Sorry. Sorry. H-hindi ko kaya Theo. Hindi ko kaya na wala ka. Sinanay mo na ako. Sinanay mo na ako sa piling mo. Senyorito h'wag naman ganito." Pagmamakaawa ko sa kanya. I even rubbed my hands together in front of him.
I bawled in tears.
"Get up, Laurenz. I don't want to see you anymore-"
Hinanap ko ang mga mata niya at tinitigan ito.
"A-akala ko po papakasalan ninyo ako? Papayag na a-ako Senyorito. P-papayag na ako kahit hindi pa ako graduate. Diba gusto mo iyon-"
Naputol ako nang binulyawan niya ako.
"GODDAMMIT LAURENZ! Stop it already! Get out!!!"
Muntik na akong matumba mula sa pagkakaluhod ko.
Natulala ako. Hindi niya pa ako nasigawan ng ganito katindi. Hindi pa siya nagalit sa akin ng ganito.
"B-bakit?" pumiyok ang boses po. "Bakit ganito ka Senyorito? Maayos naman tayong nagpaalam sa isa't-isa nung nakaraan. Hindi ko m-maintindihan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin ng biglaan, Senyorito."
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Halos maduling ako.
"Because. I'm. Disgusted. Very. Disgusted. With. you."
Unti-unti akong ginapangan ng panibagong kaba. Hindi kaya ay nakita na niya ang mga larawan?
"S-senyorito..."
"I cannot stand being with someone who sleeps with another man. It disgusts me." Tila may pandidiri niyang turan sa akin. Nakita niya nga ang mga larawan ko kasama ang ibang mga lalaki.
Masakit na. Sa lahat ng nangyari ngayon, ito ang pinakamasakit sa lahat. Ang taong akala ko'y magiging karamay ko sa lahat ay tinutulak na ako palayo.
Halos hindi na ako makahinga rito sa harapan niya ngayon. Dahil sa rumaragasang luha at dahil sa paninikip ng puso ko.
"S-senyorito magpapaliwanag po a-ako. Magpapaliwanag p-po ako." Sinubukan kong siglahan ang boses ko. Sinusubukan kong bigyan siya ng isang ngiti pero nauwi lang ang lahat sa wala nang itulak niya ang balikat ko. Nadapa ako sa sahig.
"Umalis ka na!!!" Matigas niyang sabi sa akin ang tinuro ang nakabukas na pintuan sa likod ko. Halos pumutok na ang ugat niya sa leeg nang bulyawan ako. "Umalis ka na bago... bago pa kita kaladkarin sa labas."
Can't he see that he is hurting me right now?
"Nasasaktan ako Senyorito." Nakayuko kong bulong.
"At masasaktan ka lalo kung hindi ka aalis. Umalis ka. Ayaw na kitang makita pa." Para akong sinaksak sa mga sinasabi niya.
Suminghot ako at kahit na para na akong niyayanig dahil sa tindi ng panginginig ko. Tumayo ako at muntik pang sumubsob ulit sa sahig dahil sa kawalan ng lakas.
Nang tuluyan na akong makatayo ay tiningnan ko siya na mahigpit ang pagkakakuyom sa kamao at namumula.
"M-mahal na mahal po kita, Senyorito. Kung anuman ang bagay na nakita ninyo o narinig ninyo para magalit kayo ng ganito sa akin. Hindi ko po iyon magagawa sa inyo. Alam n'yo po iyan. Kung dito man po ang huli nating pagkikita gusto ko lang sabihin sa inyo na... salamat. Salamat sa lahat ng saya. Salamat sa lahat ng pagmamahal na natanggap ko mula sa inyo. Kasi ni minsan sa buhay ko... may taong nagmahal sa akin at tumanggap sa akin. At... salamat din po sa sakit na binigay ninyo sa akin. Huwag po kayong mag-alala dahil tulad ng gusto ninyo... aalis po ako. Hindi n'yo na po ako makikita ulit. M-maging masaya po sana kayo. Paalam, Senyorito."
Tinalikuran ko siya at walang lingon na umalis sa mansyon. Hindi ko alam kung kailan ako nakalabas. Ngunit naramdaman ko nalang ulit ang mga patak ng ulan sa balat ko.
Tumingala ako sa lumuluhang langit. Nasasaktan din ba sila? Nakikiramay ba sila sa akin?
Habang naglalakad ako sa daan na parang basang sisiw ay nadapa ako sa gitna ng daan. Humagulhol ulit ako. Gusto kong maubos na itong sakit. Gusto ko nang mawala itong sakit sa puso ko.
Akmang tatayo na sana ako nang masilawan ako sa ilaw na paparating sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong isang sasakyan ang paparating sa akin ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Bumusena ang sasakyan.
Tanging takip lang sa kamay ko ang nagawa at hinintay na masagasaan ako ng sasakyan.
I smiled in the midst of pouring rain and fierce pain in my chest.
Baka ito na ang tatapos sa lahat ng nararamdaman ko ngayon. Baka ito ang solusyon sa lahat ng nararamdaman ko ngayon!
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top