CHAPTER 3

Chapter 3


Laurenz Pov

Hindi magkamayaw ang puso ko sa pagkabog nang buksan ko ang sumunod na silid. Nang makapasok ako ay nasandal ko ang katawan ko sa pintuan. Binaba ko ang mga panlinis na nasa kamay ko saka nakapa ang puso ko. Nabibingi ako sa lakas ng kabog noon.

Anong ginagawa ni Theo dito? Bakit siya nandidito sa taas? A-at sino ang babaeng kasama niya? Iyong kahalikan niya? Nobya niya ba ito? Pero ano nga naman ang paki ko doon.

Kinalma ko ang sarili bago pinulot ang baldeng dala na may lamang tubig, iyong walas, at ang pandakot.

Kahit na hindi pa lubos na humuhupa ang kabog sa puso ko ay naglinis na kaagad ako. Pera ang pinunta ko dito. Trabaho. Hindi ko lang talaga lubos maisip na makikita ko si Theo dito. Bisita rin ba siya dito?

Matapos kong ipagpag ang mabigat at makapal na kobre ng kama ay nagpunas na ako sa mga naka-display sa loob ng silid. Kalaunan naman ay nakalimutan ko na rin iyong nakita ko sa kabilang kwarto.


Napapa-alog ako sa ulo habang nagh-hum ako ng kanta. Napapatalon at napapakimbot sa aking baywang habang kumakanta ng mahina. Hindi man tugma at tama ang lyrics ko ay nagpatuloy pa rin ako.

Masaya akong kumakanta at kimi-kimbot habang nililinisan ko ang huling salamin nang bintana dito kwarto. At bago ako lumipat doon sa banyo ay may magsalita sa likod ko na kina talon ko at ng kaluluwa ko.

"It was really you, baby girl."

Napahawak ako sa puso ko.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumalik ang paghataw sa puso ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Theo na naka-sandal sa hamba ng pintuan.

"H-hello po." ani ko at muling tumalikod saka nagpunas ulit sa bintana. Wala sana akong balak na lingunin pa siya. Handa na sana akong linisin ulit iyong mga salamin ng bintina kahit ilang beses pa para di lang siya malingon kaso nagsalita na naman siya.

"What are you doing here?"

Nakuyom ko ang basahan sa kamay ko.

Tumigil ako sa ginagawa pero di ko siya nililingon.

"N-naglilinis po."

"Obviously, what I mean is your intention, baby girl."

Doon ko siya nilingon. Ano bang inaakala niyang intensyon ko sa pagpunta ko dito? Malamang para magkapera.

"Sorry po pero hindi ko po gusto ang pinaparating ninyo sa akin." Maski ang tono ng pananalita niya ay ko rin nagustuhan.

Tumaas ang kilay niya at dumoble ang tambol sa puso nang maglakad siya at umupo doon sa kama na kakalinis ko lang. Gusto ko siyang supilin doon kaso baka bisita niya ng Senyoritong sinasabi ni Aleng Senya.

Pinanliitan niya ako sa mata niya kaya nagsalita na naman ako.

"Trabaho po ang sadya ko dito. Ang intensyon ko sa pagpunta ko po dito ay magkapera."

Nakakadismaya na lagi siyang laman ng isip ko pero ngayon na nakita ko ulit siya ay hindi pala talaga maganda ang tabas ng dila niya. Napanghusga! Anong inaakala niya? Nagpunta ako dito para makita siya? E, hindi ko nga alam na nandidito siya. Sino ba siya sa kanyang pag-aakala? Hay!

Hindi ko siya dapat pag-aksayahan ng panahon. Ang katulad niya ay dapat na hindi binibigyan ng oras at pansin.

Umirap ako at binuksan ko ang banyo para doon maglinis. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang suot na damit.

"You don't know me, do you?" saad ni Theo.

"Oo po at wala akong balak na alamin kung sino po kayo. Sapat na sa akin na malaman ko ang pangalan ninyo at nakapagpasalamat po ako sa pagligtas ninyo sa akin noong nagdaang araw. Iyon ay kung naaalala n'yo pa." wika ko dito.

Nabaling ang ulo ko sa kay Theo nang bigla itong tumawa.

Tungkod ang dalawang kamay sa kanyang likuran. Nakatango ang ulo niya habang humahalakhak siya. 'Yan tuloy kitang-kita ko ang kanyang Adam's apple na tumataas-baba.

Hindi ko batid kung ano itong nangyayari ngayon sa puso ko. Para kasi itong kinikiliti ng halakhak ni Theo. Dinidisturbo niya talaga ako.

"Baby girl." 'Yan na naman sa kanyang baby girl. Isa pa iyan sa sumasakop sa sistema ko nitong nagdaang araw. Hindi ko iyan makalimutan at paulit-ulit iyang nagre-replay sa aking utak.

Tumigil siya sa kanyang pagtawa pero nakikita ko pa rin ang paggalaw ng kanyang balikat sa pagpipigil nito sa kanyang tawa. Wala namang nakakatawa.

"You are funny, baby girl, 'no?"

Nagtagpo ang kilay ko doon.

"Po?"

Umurong ang dila ko nang tumayo siya  dahan-dahan doon sa kama at mabagal na humakbang tungo dito sa akin.

"T-theo..."

Tumigil siya sa may hamba ng pintuan at yumuko.

"P-pumirmi ka dya-an T-theo. Bi... bisita ka lang dito."

Napapikit siya doon at umangat ang gilid ng labi niya. Bakit niya ba ako tinatawanan? Sa tingin niya ba ay nagbibiro ako dito? Nagpapatawa?

"Kanina mo pa a-ako tinatawanan T-theo."

Naantala na talaga ako nito sa aking gawain.

"I can't help it, baby girl. You are effortlessly adorable and funny."

Umakyat yata ang dugo ko sa aking mga pisngi at naramdaman ko ang panginginit doon. Gusto ko tuloy takpan ang mukha ko dahil alam kung pulang-pula na ito ngayon dahil sa kanyang simpleng sinabi.

Hahakbang na naman sana siya nang magsalita ko.

"O-oo nga p-pala. I-iyong damit m-mo naiwan sa bahay ko." untag ko kahit na wala sa linya ng aming pinag-uusapan ngayon.

Tumayo siya ng maayos at nilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa at sumandal sa hamba ng pintuan. Sinundan ng aking mata ang kanyang galaw. Kung sinabi niya sa akin na effortlessly a-adorable ako at funny. Siya naman ay effortlessly handsome kahit na sa pagsandal niya lang doon. Hindi na niya kailangan pang ngumiti o ano dahil sa mukha niya palang ay panalong-panalo na.

Nais ko mang ipagpatuloy ang ginagawa ko ngayon kaso d-dinidisturbo talaga ako nitong si Theo. Bisita siya dito kaya walang problema sa kanya itong ginagawa niya ngayon. Kaso ako. Trabahante ako dito. Trabaho ang pinunta ko dito.

Kanina noong nakita ko siya doon sa kwartong pinasukan ko ay gulong-gulo ang kanyang buhok sa kakasabunot noong babaeng kasama niya. Pero ngayon ay maayos na maayos na ito tapos ang kanyang damit na kulay abo at yumayakap sa kanyang katawan ay parang bago rin dahil wala itong gusot kahit na konti.

Kumurap-kurap ang mata ko nang bumaba ito at tumuon doon sa bahagi ng kanyang hita. Inay! Natural lang ba na mabukol iyon? Natural lang ba na malaki ang bukol doon? Pambira! Bakit ko ba iniisip kung malaki ang bukol doon at bumabakat?

Napaisip tuloy ako sa akin. H-hindi naman ganoon ang akin.

Iniling ko ang ulo ko at binalik ang atensyon sa aking ginagawang pagkuskos tiles nang magsalita si Theo.

"What about that shirt, baby girl?"

Saglit ko nalang siyang binigyan ng tingin.

"I-ibabalik ko na sana iyon sa'yo." Pagsabay ko na dito.

"Hmm."

"Nandidito ka pa rin ba bukas?" Patuloy kong saad habang nagtatrabaho.

"Yeah."

Sumugat ang isang ngiti sa labi ko at bumaling sa kanya.

Ewan ko kung namamalik-mata ba ako o ano pero parang nakita ko ang saglit na pagbilog ng mga mata ni Theo sa akin.

"Dadalhin ko iyon dito at ibabalik ko sayo."

Nalabhan ko na iyon at talagang bumili pa ako ng fabric conditioner para lang doon. Nakakahiya naman kasi na ibabalik ko iyon sa kanya tapos hindi mabango.

"Magtatrabaho ka ulit dito bukas?"

Tumango ako at p-in-lash ko ang inidoro.

"Oo ang laki kasi nitong bahay. Hindi siguro kami matatapos dito. Saka kung matapos man kami ay sa may pool na naman daw at magdadamo rin kami sa bakuran." Lumingon ako kay Theo. "Iyon ang sinabi ni Aleng Senya sa amin."

"Hmm." Tumango siya.

"Teka, di ka ba hinahanap ni Senyorito? B-bakit nagtatagal ka dito?"

Ngumisi naman ito. Ano bang mayroon sa ngisi nito at parang may naglalaro sa tiyan ko sa tuwing nakikita ko ito?

"You don't know that Señorito?"

Tumango ako.

"Hindi mo nakita kahit sa news or TV?"

"Hindi. Hindi naman ako nanoood ng balita. Mga teleserye ang pinapanood ko."

"You don't even know his name?"

"Hindi rin. Saka hindi kasi ako interesado doon."

"Really?"

"Oo po."

Naitikom ko ang bibig ko nang makita kong nawala ang mapaglarong ngiti doon sa kanyang mukha at napalitan ng kaseryosohan. Humigpit ang pagkakuyom ko sa aking palad. B-bakit parang nagalit ko siya? Maayos n-naman kami kanina, ah. May saltik ba ang lalaking ito?

"Continue your chores." anito at iniwan akong nagtataka.

Bumuntong hininga nalang ako at tinanaw ko ang pintuan na kanyang nilabasan.

Nakakagulat pa rin na ang taong tumulong sa akin noong nakaraang araw ay nakita ko ulit. Gulat pa rin ako na ang taong pinatuloy ko sa bahay at inimbita kong kumain ay nakita at naka-usap ko ngayon. Noong unang pagkakilala ko sa kanya ay talagang humanga ako at aaminin ko na rin na kinilig ako kaso ngayon na naka-usap ko siya at para niya pa akong hinusgahan sa pagpunta ko dito ay bumaba ang paghanga ko rito. Aanhin ko naman ang maganda niyang mukha kong pangit naman ang ugali nito? Saka napaka-moody niya. Kanina pangisi-ngisi tapos bigla nalang si-seryoso saka parang galit. Hay!

Bumalik na ako sa aking pagtatrabaho at baka malagutan ako nito ni Aleng Senya kapag nakita akong tumunganga lang dito.

Nakatapos ako ng apat na kwarto sa paglilinis bago kami pinag-break para maka paglunch. Hindi naman kasi iyon madumi may konting alilabok lang kaya naging madali lang. Siguro dahil di ito natitirhan.

Libre ang kain naming mga trabahante kaya masarap ang lunch namin. Hindi kami sa loob pinakain. Masyadi kasi kaming marami at siguro ay bawal kami doon. May malaki silang bakuran sa likod nitong mansyon at dito kami kumain. Parang may pista lang sa dami namin.

"Grabe ang yaman talaga ng mga Granville,'no?" wika ni Sonya sa akin habang kumakain kami.

Nagkakamay ako kasi feel ko talaga ang kain ko kapag nagkakamay ako.

"Hmmm." tango ko at sumubo. Nagutom ako sa paglilinis.

"Tapos narinig ko dito sa mga ibang nagtatrabaho na isa lang pala ang mamana sa lahat ng kayamanan nila."

Nilunok ko nag nginunguyang pagkain.

"Isa lang? Wala ba silang ibang kamag-anak?"

Nagkibit ng balikat niya si Sonya. Maarte itong sumubo gamit ang kutsara.

"Ang sabi-sabi kasi isa lang ang tunay na anak ng mga yumaong Granville."

Napatango ako. Wala rin naman kasi akong nakita na mga larawan dito sa kanilang pamilya kaya di ko talaga alam at mas lalong di ko sila kilala.

May pumitik sa alaala ko na napag-usapan namin ni Theo kanina. Hindi ko nga pala kilala ang Senyoritong kanilang tinutukoy.

Tatanungin ko na sana si Sonya nang may marinig akong usapan sa kabilang lamesa—sa may likuran ko.

"Alam n'yo ba nakita ko kanina si Senyorito na pababa ng hagdanan. Dios ko! Ang gwapo niya. Para siyang lalaki na bumaba mula sa Mount Olympus! Ala-Diyos ang datingan niya!"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga kilala ang kanilang tinutukoy na Senyorito!

"Saan ka ba naglinis kanina? Bakit di namin nakita?"

"Doon ako nag-mop sa kanilang bulwagan! Kaya kitang-kita ko!"

Akala mo talaga ay sila lang ang tao kung mag-usap. Tapos ang pinag-uusapan pa nila ay ang may-ari nitong mansyong kinainan namin ngayon.

Winaglit ko sa isipan ko ang kanilang pinag-usapan. Nang maintriga na naman ako.

"Pero balita ko'y playboy pala si Senyorito." pabulong iyong saad ng isang babae kaso narinig ko pa rin.

"T-talaga?"

"Oo! Ang sabi ni Nanay sa akin. Kaya raw napunta iyang si Senyorito dito ay dahil hindi na ito ma-disiplina ng mga magulang doon sa Maynila."

"E, bakit dito nila pinapunta?"

"Sus! Alam mo na iyan. Syempre may amor pa ba sa isang lalaki na tulad ni Senyorito na galing Maynila at halos makatikim na sa lahat ng klase na babae ang isang taga-probinsiya? Tinuturuan lamang ng leksyon ng kanyang magulang si Senyorito kaya napadpad dito. Saka basagulero rin daw doon kahit na matanda na."

"Ahh, e, may magaganda rin naman dito sa ating probinsiya, ah. Tulad ko, tulad mo. Magaganda naman tayo sa tingin mo papatulan tayo ni Sen--"

"Tsk! Tsk! Mga mukhang parang nginudnod sa putik!" sabad ni Sonya kaya napabaling ako dito. Hindi lang pala ako ang nakikinig sa usapan ng mga babae sa kabilang mesa kundi pati si Sonya ay nakikinig din.

"Manahimik ka." saway ko dito.

Tumawa si Sonya.

"Nakakatawa lang kasi sila. Akala talaga nila papatulan sila ni Senyorito dahil sa kanilang mga mukha! Susss! Mas maganda ka pa nga doon sa kanila Ren, e."

Pabiro ko itong tinampal sa kamay. "Nagagandahan ka kasi kaibigan mo ako."

"No!" Napa-ingles ito bigla-bigla. "Mas maganda ka talaga Ren. Kung hahaba lang ang buhok mo. Jusko! Dadagsain ka ng mga talent scout o modelling agency sa ganda mo. Hindi ko naman sinasabi na porque bakla ka ay wala na tayong lugar dya-an. Ang akin lang ay mukha ka talagang babae Ren, ang ganda mo. Maputi, makinis, maliit ang mukha, mahaba at makapal ang pilik-mata, at ang ganda ng labi mong kulay rosas. Jusko! Kung bet ko lang talaga ang tulad mo beh ay liligawan na kita!"

Natawa ako doon. "At di naman kita sasagutin!"

Ngumiwi ito.

"Pero Sonya... kilala mo ba kung sino ang Senyorito na kanilang tinutukoy?"

"Ang tagapagmana ng mga Granville at iyong pinag-uusapan ng mga babaeng iyon?" nginuso nito ang mga babae sa likod ko.

Tumango ako.

"Oo naman. Wala naman yatang di nakakakilala doon."

Nagusot nag mukha mukha ko doon. Ako lang yata ang di nakakakilala, e. Kaya siguro ganoon nalang ang reaksyon ni Theo kanina dahil di ko kilala ang kaibigan niyang senyorito.

"Kilala mo ang mukha?"

"Oo!"

"Pati pangalan?"

"Hay naku! Oo naman, Ren. Teka... di mo kilala si Senyorito?"

Ngumuso ako doon at di sumagot.

"Hahaha!"

Tinawanan lang ako nito.

"A-anong pangalan niya?"

"Theodore!"

"T-theodore?"

Nagkataon lang ba o iisa lang ang Theo na kilala ko at ang Senyoritong tinutukoy nila.

"Oo. Theodore Granville III."

Tatanungin ko na sana si Sonya sa hitsura noong Senyorito Theodore nang may pumasok bigla dito sa aming pinagkainan na kinatahimik ng lahat.

Napatingin ako doon at nakita ko si Theo na may kasamang isang lalaki na tulad niya ay maputi rin at parang magkasing-tangkad lang sila. Ang kulay at ang dating lang ang magkapareho sila.

"Senyorito Theo!" Si Aleng Senya na siyang sumalubong dito.

Hindi ko na yata kailangan pang magtanong kung iisa lang ba si Theo at iyong Senyorito. Sinagot na iyon ni Aleng Senya para sa akin.

Nanlumo dito sa aking kina-u-upuan. Gusto ko nang bumukas itong lupang inaapakan ko dahil sa kapangahasan ko kanina. Talagang binabara at sinagot-sagot ko pa talaga si Theo, ay si Senyorito Theo.

Inay! Ano ba itong nagawa ko? Mawawalan na ba ako nito ng trabaho? Paano na iyong trabaho ko sa hacienda ng mga Granville? Siguro naman di pa nito alam na isa ako sa trabahante nila doon, diba?

Nakita kong nag-usap sila Aleng Senya at Senyorito Theo. Mayamaya pa ay bumaling si Aleng Senya sa amin.

"Bago kayo bumalik sa inyong mga trabaho ay gusto lang ipa-sabi ni Senyorito na imbitado ang lahat na nandidito at ang pamilya ninyo sa kanyang welcome party sa Sabado."

Agad namang nagpasalamat ang iba at ang iba naman ay nag-usap-usap na sa kanilang mga isu-suot sa Sabado. Ako dito'y gusto nalang umalis at bumalik sa trabaho.

"Sige na. Balik na sa trabaho." puno ni Aleng Senya.

Tumayo naman kaagad ako doon para maka-alis na sa lugar habang di pa ako nakikita ni Senyorito Theo.

Kahit na ang daan papasok ay nasa direksyon nila Senyorito Theo ay umiba ako ng direksyon. Bahala na't umikot ako h'wag niya lang akong makita pa. Nakakahiya kasi iyong ginawa ko sa kanya kanina.

Nakadalawang hakbang ako nang biglang umalingawngaw ang boses ni Senyorito sa buong bakuran.

"Baby girl!"

Hindi lang ako ang napatigil doon. Pati ang mga taong naiwan sa lugar ay napatigil din at napatingin kay Senyorito.

Nagmatigas ako at di lumingon. Inay! Bakit ngayon pa?

"Hey! Laurenz, baby girl!"

***
Thank you for reading, Engels!🥰❤️

A | E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top