CHAPTER 23
Dedicated to: AngelaOcasla
Enjoy reading, my loves!
Chapter 23
Laurenz Pov
"Akala ko po ba Senyorito ngayon kayo luluwas sa Manila?" ang tanong ko kay Senyorito nang kunin niya ako sa bahay sa araw mismo ng alis niya. Nabanggit niya naman sa akin na pupuntahan niya ako rito sa bahay ngayon pero 'di ko aakalain na sa hapon siya pupunta rito.
Pinagsiklop niya ang mga kamay namin.
Nagdadalawang-isip ako kung babawiin ko ba ang kamay ko kay Senyorito Theo o hindi, nang lumabas kami ng bahay na magkahawak ang kamay. Matagal ko na naman itong gustong gawin sa kanya. Itong lumabas na walang iniisip na ibang tao. Iyong lumabas kami na para kaming normal na magkasintahan. Kaso sa bawat subok ko ay kinakainin naman ako ng mga pangunguna ko. Iyong takot na mahusgahan, takot na baka pati si Senyorito Theo ay mabahiran sa mga masasamang sinasabi ng mga tao rito sa amin.
Simula noong nagkaroon ako ng muwang sa mundong ito, parang pasan ko na ang kasalanan ng nanay Alondra ko. Dahil may mga maling nagawa ang mama ko dati ganoon na rin ang tingin nila sa akin. Mas nadadagdagan pa iyon dahil bakla ako. Akala nila porket bakla ako ay pukpok na. Hay!
Nakakalungkot na wala pa nga akong nagagawa—napapatuyan ay hinuhusgahan kaagad nila ang pagkatao ko. And I learned to live na ganyan ang mga tingin sa akin ng mga tao pero 'di ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan minsan.
"Baby?" Ang pagpisil ni Senyorito sa kamay ko ang nagpabalik sa akin sa aking katinuan.
"Po?"
Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. Yumuko ito upang mapantayan ang tangkad ko. Sunod niyang sinuklay ang ilang hibla ng buhok ko sa may noo gamit ang libre niyang kamay.
"Is there something that my baby is thinking about? Or bothering you perhaps?" tanong niya sa akin sa malumanay na boses.
Umiling ako dito at binagsak ang tingin sa kamay naming magkahawak. Nandidito kami sa balkonahe ng bahay at kaharap nito ang daan.
"You don't want this?" aniya at inangat ang kamay naming magkahawak.
Tumango ako pero agad iyong binawi sa isang iling.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos.
"Baby, look at me." mando niya sa akin.
Ngumunguso akong tumingala sa kanya. His stoic—emotionless face soften as our eyes locked.
"Like what I said to you, Laurenz ipapaalam ko na ito sa family ko. Ipapaalam ko na sa kanila na may nobyo ako dito at ikaw 'yon. Kaya ngayon, okay na naman siguro na unti-unti nating ipakita sa kanila na tayo na? Na akin ka." Nanaantya niyang saad.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Sorry po. Sorry Senyorito dahil nahihirapan ka po sa sitwasyon natin. Ako lang naman ang may gustong ilihim ito pero ngayon pati ikaw nahihirapan na-"
Mabilis niyang sinapawan ang sasabihin ko.
"No don't be sorry, baby. Yes mahirap kang dalawin dito na may mga matatalas na mata ang mga kapitbahay mo dito pero nagagawan ko naman ng paraan. Oo mahirap, pero ito ang gusto mo, e. At gusto ko dito sayo."
Nakagat ko ang ibabang labi ko bago niyakap ang braso ko sa kanyang malaking katawan. Tinago ko ang mukha ko sa kanyang malalapad na dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang akong naging emosyonal. Siguro dahil hindi ko inaasahan ni minsan sa buhay ko na may isang tao na ginusto ako, minahal ako, at gusto akong ipagmalaki kahit na isa lamang akong simple at dukhang tao.
Naiiyak ako dahil may isang tao na handa akong samahan at nakiki-ayon sa gusto ko dahil gusto niya rito sa piling ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Senyorito Theo at tiningala ko siya.
Kumalat ang kasiyahan sa buong mukha niya. Itinaas nito ang isang kamay saka sinuklay ulit ang buhok ko.
"You're so beautiful, baby." Puri niya sa akin na para bang ako ang pinakamaganda sa mundo niya. 'Di ito ang unang beses na sabihin iyon ni Senyorito sa akin. Sa katunayan nga ay lagi niya akong sinasabihan n'on kahit na bagong gising ako o kahit na alam kung dugyot na ang mukha ko galing sa school. Pero tinatawag niya pa rin akong 'beautiful', 'pretty. Mga simpleng papuri lang pero ginugulo noon ang pagkatao ko.
Nagmimistulang bituin ang mga mata ni Senyorito habang tumatagal ang titig niya sa akin. Sa pamamagitan noong mga titig niya ay parang pinaparating noon kung gaano ito kamangha sa akin. Nakakatawa kung papaano ko iyon naiintindihan. Siguro tulad lang sa mga puso natin. Hindi man nito sinasabi ang pangalan ng taong gusto natin. Pero alam nito—kilala nito ang taong minamahal at gusto nito.
Tumingkayad ako upang maabot ko ang labi ko sa kanya. Binigyan ko ito ng mababaw at mabilis na halik.
"You are becoming more bold now, Laurenz." Nanunuksong wika nito. Agad ding kumalat ang init sa buong mukha ko dahil sa sinabi nito.
"Senyorito naman."
Humalakhak lang ito.
"Anyways, d'on sa tanong mo kanina. Mamayang gabi pa ang byahe ko dahil gusto ko munang makasama ka bago ako umalis. Magdi-dinner tayo together bago ako umalis." Wika nito at tumango lang ako sa kanya.
Napabuga nalang ako nang malalim na hininga nang akayin na ako ni Senyorito tungo roon sa sasakyan niyang naka-park sa harap mismo ng bahay.
Nasanay na akong pinagbubuksan ni Senyorito Theo ng pintuan sa kanyang kotse at nang papasok na sana ako sa loob ay nakita ko si kuya Sandro na patawid sa daan, tungo sa bahay nila. May dala itong isang bulseta.
Nagkatitigan kami ni kuya Sandro. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatitig sa gawi namin ni Senyorito Theo. Unti-unti akong ngumiti rito at isang tango lang ang sinagot nito sa akin bago tumuloy sa paglalakad.
"Get inside." Ang malalim na boses ni Senyorito Theo ang nagpukaw sa akin.
"Is that guy bothering you?" tanong ni Senyorito Theo saka dahan-dahan na pinatakbo ang kotse.
"Po?"
Tumingin ako rito at nakita ko ang pagtigas ng bagang nito at nanliit ang mata na nakatutok sa raan.
"Sonny's brother."
"Ah, si kuya Sandro. Hindi naman po."
"Hmm." ang maikli nitong tugon.
Akala ko kung saan kami pupunta ni Senyorito pero nang makita ko ang tinatahak naming daan na tungo sa mansyon ng nila ay napangiti nalang ako. Kilala ko na naman ang ilang katulong dito at mababait naman sila sa akin. 'Yon ay kung wala silang sinasabing masasama kapag wala ako sa paligid nila.
Hawak ako ni Senyorito Theo sa baywang ko nang pumasok kami sa entrada ng mansyon.
"LAURENZ!" Napaatras ako dahil sa sigaw ni Minerva na nagmamadaling bumaba sa hagdanan.
Naka-sleeves shirt na manipis si Minerva tapos naka shorts naman. Sa paa niya naman ay naka converse shoes. Magulo ang buhok nitong naka-bun sa tuktok ng ulo niya. Medyo pinagpapawisan pa siya.
"Minerva." usal ko.
"Tapos na?" Istriktong wika ni Senyorito sa tabi ko.
Umirap si Minerva dito at lumipad ang kamay nito sa baywang niya.
"Of course! Everything is set accordingly!"
Nagsalubong ang kilay ko sa mga pinag-uusapan nilang dalawa.
Inagaw ako ni Minerva kay Senyorito.
"Magbihis ka na. Ako na ang bahala kay Laurenz." Kinilig pang saad ni Minerva.
"Oh." Tanging sambit ko.
"Minerva," aalma na sana si Senyorito kaso sumapaw naman sa kanya si Minerva.
"I'll make Laurenz the most beautiful man in the whole province of San Concepcion."
"Tsk! My baby is already beautiful, Minerva." Argumento naman ni Senyorito kay Minerva at kumindat sa akin. Bigla tuloy akong ginapangan ng hiya dahil sinasabi iyon ni Senyorito sa harap Minerva na alam kong sobrang ganda naman na babae.
"Then, I make him more and extra pretty."
Napailing nalang si Senyorito at lumapit sa akin saka walang alinlangang humalik sa noo ko.
Dinala ako ni Minerva sa isang bakanteng kwarto dito sa second floor ng mansyon at gusto pa nitong maligo ako bago raw niya ako ayusan kaso sinabi ko rito na kakaligo ko lang kanina, bago ako sinundo ni Senyorito. Kaya naman ngayon ay inaayusan na niya ako rito sa harap ng malaking salamin. Nakaratay naman sa harap ang iba't ibang gamit pang make-up.
"Theo is right. You're already beautiful, Laurenz. Your face is so soft and naturally pinkish!" Puri nito.
"Salamat, Minerva." ani ko dito.
Hindi ko matandaan kung kailan kami nagkasundo nitong si Minerva. Bigla nalang isang araw ay naging magkaibigan kami.
Hindi naman kasi kami nagkikita. Nagka-close lang naman kami dahil nag-friend request siya sa akin. Tapos nang i-accept ko siya at doon na siya nagsimulang magchat sa akin at hanggang sa ito na.
"Pero bakit mo ito ginagawa, Minerva? Alam ko at mas alam mong nakatakda sana kayong ikasal ni-"
"Shh! Parents namin ni Theodore ang may gusto roon, Laurenz. In the first place, ayaw ko naman talaga roon. Naipit lang kami ni Theo sa araw noong inanunsyo ng parents ni Theo ang bagay na iyon."
Tumigil si Minerva sa pagpapahid ng kung anong bagay sa mukha ko at tumitig sa akin.
"But don't worry Laurenz. I already made myself clear to my parents about that. At iyon ngang sinabi ko na ayaw ng mga kuya sa arrange-arrange marriage. Kaya ayon sumang-ayon ang mga magulang ko. Let's just hope na magiging okay ang pag-uusap ni Theo sa kanyang mga magulang soon." Nakangiting wika niya.
Bigla akong nalungkot doon. Oo nga't wala nang problema dito kay Minerva pero papaano naman ang mga magulang ni Senyorito? Matatanggap kaya nila ako bilang karelasyon sa anak nila? Matatanggap kaya nila na bakla ang gusto ng anak nila? The real fight of my relationship with Senyorito Theo is just barely starting. At nagsimula na akong matakot kumpara dati na hindi ko masyadong iniisip ang bagay na ito. Hindi ko alam kung saan ako—kami ni Senyorito Theo dadalhin nitong relasyon na meron kami.
"Hey, beautiful! Cheer up! Nagpakahirap ako dito sa dinner date ninyo ni Theo. Ayaw kong masira itong gabi na 'to!"
Ngumuso ako. "Ang sipag mo naman sa ganito Minerva. Lagi kang nandirito sa amin ni Senyorito Theo."
Tumawa siya.
"Ito kasi ang gusto ko dati pa. Iyong makikisali ako sa mga surprises sa mga girls ng mga kuya ko. Kaso nasa 30s na ang mga kuya ko pero parang walang balak na magkarelasyon ang mga iyon. Kaya dito muna ako." Kwela nitong sabi sa akin.
Matapos akong ayusan ng konti ni Minerva ay pinakita niya sa akin ang isang puting suit sa kumikinang sa mga diamonds.
"Totoong diamonds ito?" Nanlalaki ang mga mata kong sambit.
"Yes." sagot naman agad ni Minerva sa akin na para bang natural lang na tunay iyon.
"Inay! Ayaw kong suotin 'to!" Itulak ko pabalik kay Minerva ang suit. Jusko! Sa hitsura palang ay alam ko ng napakamahal noon.
"What? I designed this, Laurenz! You must wear this!" Eksaherada ni Minerva.
Mas lalo tuloy na ayaw ko itong isuot. Siya pala ang nagdesign nito. Parang ginawa lang naman ito para pang-display eh.
"Come on. I designed a couple suits for you and Theo, Laurenz. Ito nalang ang advance gift ko sa inyo. Saka baka ito na ang huling beses na magkikita tayo dahil aalis na ko ng San Concepcion." Malungkot na wika ni Minerva.
"A-aalis ka?" Nahabag ako roon.
Tumango siya.
"Hmm. I don't belong here. I mean, I feel like I don't belong in this land. Kaya aalis ako and pursue my dream abroad. Kaya sige na. Isuot mo na ito."
"Hindi ka na ba uuwi rito sa San Concepcion?" tanong ko rito at wala sa isip na tinanggap ang suit.
"Babalik ako kapag ikakasal na kayo ni Theo tapos ako na naman ang magde-design para sa wedding venue ninyo at sa wedding suits."
Natampal ko ang balikat nito.
"Sira ka!"
"But I'm telling you the truth here. Sige na magbihis ka na." Pagdisma nito sa akin.
"Hmm." Tumango nalang ako sa kanya at pumasok sa cr para magbihis.
Napatalon sa tuwa si Minerva nang makita akong suot ang suit na gawa niya. Todo ang papuri niya sa akin. At nang bumaba, ay sinamahan ako ni Minerva hanggang sa may backyard kung saan iyong pool ng mansyon.
Napansin kong napakatahimik nang buong mansyon at nasabi ni Minerva sa akin na pina-day off ni Senyorito Theo ang lahat ng tauhan dito sa mansyon. Aniya, solo raw namin ni Senyorito ang mansyon mamaya.
Si Minerva ang nagbukas ng double doors tungo sa pool at napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang hitsura sa sa labas.
Sa pwesto kung saan nakatayo si Senyorito ay nandodo'n naka-set up ang table. Ang table ay napapalibutan ng white christmas lights. May mga palamuti rin na mga bulaklak sa paligid noong square table. Ang dalawang puno na malapit doon ay kumikinang din dahil sa mga christmas lights na nakapalibot doon.
May bibit pang bouquet ng bulaklak si Senyorito Theo. Puti rin ang kulay ng suit ni Senyorito kaso ang sa kanya ay may konting itim.
"Go na, Laurenz para makaalis na ako." Si Minerva sa gilid ko.
Nilingon ko siya at niyakap. Saglit itong naestatwa.
"Salamat, Minerva. Maraming salamat."
Tumawa ito at tinapik ang likod ko.
"How I wish I had known you earlier, Laurenz. I'm so grateful that I got to know you." Sensiro nitong wika.
"Ako rin, Minerva." Ganti ko rito.
Hindi naman ganon kalalim ang friendship namin ni Minerva. Pero natutuwa akong tinuring niya akong isang kaibigan. At kahit na through chats lang kami nagkukuwentuhan ay naging maganda naman ang friendship namin.
Umalis na si Minerva at ako naman ay nilapitan si Senyorito. Ang gwapo niya lalo dahil suot niya at dahil naka-ayos ang buhok niya.
"Ang gwapo n'yo po."
"And you're so beautiful too, baby."
Uminit ang pisngi ko.
Nilibot ang ko ang mata ko sa paligid.
"Bakit may paganito ka Senyorito? Akala ko simpleng dinner lang?"
Tinanggap ko ang bouquet nang iabot niya ito sa akin. Iginiya niya ako sa isang silya.
Umupo naman agad ako sa silya na kanyang hinila para sa akin.
"Aalis ako and we might not be able to celebrate our monthsary together kaya pina-aga ko lang ang celebration natin. "
Binilang ko sa isip ko kung kailan ang aming monthsary at tatlong araw pa naman bago iyon. Matatagalan nga talaga siya roon sa Manila.
"Lagi ka nalang pong may surpresa sa akin, Senyorito." usal ko. Binaling ko ang mata ko sa bouquet ng bulaklak na yakap ko.
Kapag iniisip ko parang wala yata akong naibigay kay Senyorito na mga gifts. Oo nga't may pa birthday gift ako sa kanya noong birthday niya kaso burda lang naman ang naiambag ko roon.
Inabot niya ang kamay ko saka iyon pinisil.
"Of course, for you, my love. And there's no need to give gifts to me. You being with me is already enough, Laurenz Kail. I love you, baby."
"I love you too, Theo."
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top