CHAPTER 22

Chapter 22

Laurenz Pov

Abot hanggang lalamunan ko ang tahip ng puso ko nang makita ko si Senyorito Theo na parang nababagot na nakasandal doon sa hood ng kanyang makintab na sasakyan at panay ang tingin sa kanyang wrist watch.

Humigop ako ng hangin bago ito marahas na binuga at nilapitan ang nobyo ko.

"Senyorito!" kunyaring gulat kong untag kahit na nakita ko na naman siya kanina pagkababa ko sa tricycle.

Nginitian ko ito at kinulampit ang kamay ko sa braso niya. Tiningala ko ito dahil sa tindig niya at binigyan ng pagkatamis-tamis na ngiti. Muntik ko nang makalimutan na nasa labas pala kami.

"Pasok na p-po tayo." anyaya ko.

Nagtagis ang bagang nito pero wala namang sinabi at nagpati-anod sa akin papasok sa bahay.

"Kanina pa po kayo sa labas?" tanong ko dito at binaba ang aking bag.

"I've been texting and calling you." aniya at inis na binagsak ang malaking katawan sa upuan kong gawa sa kahoy.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko doon sa pagkabahala sa kawawang upuan. May balak ba itong sirain ang gamit ko sa bahay? Alam naman nito na luma na ang sofa'ng iyon tapos ibabagsak niya ng ganoon ang katawan niya. Baka nakakalimutan nitong hindi iyon gawa sa kutson.

Pero kahit na ganoon ang nararamdaman ko ay winaksi ko na lamang iyon dahil alam kong may atraso ako dito.

Ngumuso ako at lumuhod sa harapan niya. Sunod kong kinuha ang dalawa niyang kamay na nakakuyom. Hinaplos ko iyon.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Sorry na. Naka-silent mode kasi iyong phone ko kanina."

Hindi pa rin ito tumitingin sa akin.

"P-pumunta lang naman ako kina Rielle dahil may ginawa kami sa isang subject namin Senyorito."

Matamlay lang itong tumango sa akin at humiga siya doon sa sofa.

Nag-alala naman ako dito kaya nilapitan ko siya. Sinipat ko ang noo nito at leeg at agad kong kinumpara ang init naming dalawa sa pamamagitan ng pagkapa ko rin sa sarili kong noo.

He is hot!

"Senyorito may lagnat po kayo!" 'Di ko inaasahan ang pagtaas ng boses ko.

Tumango lang siya at pumikit bago tinakip ang braso sa mata.

"Senyorito doon po kayo sa kwarto para maayos po kayong makapagpahinga. O 'di kaya'y ihatid ko nalang po kayo sa mansyon para maalagaan po kayo ni Aleng Senya." saad ko dito at medyo nataranta.

"Just let me take a nap, baby."

"Sige po. Pero dun po kayo sa kwarto. Maayos po kayong makakahiga doon kaysa dito sa sofa na pinagkakasya ninyo ang malaki ninyong katawan dito."

Inangat nito ang braso na nakatakip sa kanyang mata at dumilat. Inaantok itong ngumiti sa akin at mahinang bumangon. Parang pagod na pagod talaga siya.

"I really want to kiss you, Laurenz. Yet this fucking fever of mine is preventing me from kissing you." baritong usal nito at humaplos ang daliri niya sa labi ko. Tingnan mo nga ito. Siya na nga itong nilalagnat pero halik pa rin ang gustong gawin.

Isinawalang bahala ko iyon at kinuha ang kamay. "Halika dito sa kwarto."

Pagkarating sa kwarto ay agad ko namang hinanda ang kumot at panapin sa higaan ko. Inamoy ko pa ang unan ko dahil baka kung ano na ang amoy doon. At nang maamoy kong mabango pa naman ay nilagay ko na iyon sa kama.

"Halika na dito." aya ko dito.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko itong malaki na ang ngiti sa labi at lumapit sa akin.

"I want to kiss you, Baby."

Ngumiwi ako dito.

"May lagnat ka."

"Yeah, I know."

Natawa ako nang mahina dahil ngumuso ito. Gustong-gusto na talagang humalik. Para namang inuuhan ko siya doon.

"Pag wala na ang lagnat mo. Iki-kiss kita ng marami kahit ilan pa 'yan." ani ko dito. "Sige na. Magbibihis ako para makapagluto at maka-inom ka ng gamot."

Hindi ko na ito mapigilan nang yumakap ito sa akin.

"Senyorito?"

"Thank you, Baby. Thank you."

Yumakap nalang din ako pabalik dito.

"Bakit po ba kayo nagpapasalamat?"

"Ikaw kasi ang unang tao na gustong mag-alaga sa akin habang may lagnat ako."

Hinaplos ko ang likod nito.

"Boyfriend n'yo po ako. Nag-aalala ako sayo. Natural lang po itong ginagawa ko bilang kasintahan ninyo."

Kumalas siya sa pagkakayakap namin.

"I love you, Laurenz."

"I love you rin po, Senyorito."

Pinahiga ko na ito sa kama at kinumutan. Para naman siyang bata na sumusunod lang sa akin.

Kumuha naman ako ng damit sa aking cabinet upang magbihis.

Tumalikod ako kay Senyorito Theo at hinubad ko ang t-shirt ko. Pero napalingon ako dito nang sumipol ito.

Kinunutan ko ito sa noo ko.

"You're so sexy, baby."

Tumawa lang ako.

"Magpahinga ka d'yan." Suway ko dito at sinuot ang panibagong damit.

"Papaano ako nito makakapagpahinga kung ganyan ka-sexy ang makikita ko? Inaakit mo yata ako Laurenz."

Humarap ako dito at napamaang nalang.

Kumindat pa siya sa akin.

"Itigil mo po 'yang kalibugan ninyo. May lagnat ka pa."

Kaysa makipagsalitan ng laway kay Senyorito Theo, minabuti ko nalamg na lumabas sa silid ko dahil parang wala siyang balak na palabasin ako. Ang daming alam sa buhay! Nakahinga rin ako nang maluwag dahil 'di na ko nito inusisa pa.

Nilutuan ko siya ng sopas at bumili ako ng Paracetamol kina Aleng Lons. Hindi ko naman inaasahan na maabutan ko si Kuya Sandro sa tindahan.

"Renz!"

"Oh, Kuya Sandro, nakauwi na po kayo? Kumusta po si Aleng Salem?" ako naman dito.

Kinuha ko ang isang Paracetamol na binili at hinarap si Kuya Sandro. May bibilhin din.

"Nasa ospital pa si Mama Renz. Ako lang ang umuwi para kumuha ng ilang gamit ni Mama. Nagbabantay doon sa ospital si Sonny ngayon." sagot niya sa akin.

"Aleng Lons, pabili po ng isang kilong bigas." Pagkatapos noon ay binalingan na niya naman ako.

"Bukas po dadalaw ako sa ospital pagtapos ng mga gawain ko. Si Sonya po ba papasok sa Lunes?"

Sinuklay niya ang kamay sa buhok.

"I don't know kung papasok siya pero sana ma-discharge kaagad si Mama. Pero, ano pala ang binili mo?" Tiningnan nito ang kamay ko at nilahad ko naman ang palad ko. "Paracetamol?"

"Masama ang pakiramdam mo?" Hihipu-in na niya sana ang noo ko pero mabilis akong napaatras.

"Wala Kuya para kay Senyorito... Theo po ito."

Binawi niya ang kamay at kinuha ang bigas na binili.

"I heard from Sonny na kayo na raw n'yan."

Kumurap-kurap ang mata ko.

"Sinabi niya po sa inyo?"

"Hindi," umiling siya. "Nadulas lang at nasabi niya sa akin nang minsan kaming nag-usap."

"Uh,"

Ngumiti siya pero parang ang lungkot ng mata niya pero buhat siguro nang nasa ospital si Aleng Salem kaya ganoon.

"Masaya ako para sayo Laurenz. Sana 'di ka saktan n'yan. Sana ingatan niya ang puso mo."

Napayuko ako doon.

"You're way out of his league, Renz..."

"Kuya-"

"Ingatan mo ang puso mo, Laurenz." wika niya at ginulo ang buhok ko.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya naman ako dahil magluluto pa raw siya para kina Aleng Salem na nasa ospital pero nag-iwan ng bagabag sa loob ko. Hindi ko matukoy kung ano ang sanhi noon.

Bumalik ako sa bahay na parang wala sa sarili ko at iniisip ang sinabi ni Kuya Sandro. Totoo naman ang sinabi nito. Ang kayo ko nga sa mga kagaya ni Senyorito Theo. Parang langit at lupa ang layo naming dalawa pero 'di naman masamang sumubok diba? 'Di naman masama na piliin mo ang nakakapagpasaya sayo? 'Di naman siguro masama na maghangad ng pagmamahal sa tulad ni Senyorito Theo?

"Baby, are you okay? You're spacing out."

Ngayon ay kapwa kami ni Senyorito Theo na nasa kama ko kahit na maliit. Kapwa kami nakahiga tapos nakayakap naman ang kamay niya sa akin. Tapos ko na siyang pakainin at painomin ng gamot. Pinagpahinga ko nalang para makauwi mamaya.

"May iniisip lang po."

"What is it?" kuryosong tanong niya.

"Wala masyadong personal."

Naningkit ang mata niya sa akin.

"You are tickling my curiosity, baby. Come on, tell me."

"I-iniisip ko lang na medyo nagtagal pala tayo." palusot ko.

"And what's with that? Ano naman kung nagtagal tayo?" Halos magdikit na ang kilay niya sa gitna.

"Akala ko kasi hindi. Akala ko... mawawalan ka rin ng interes sa akin."

"Habang buhay akong magkaka-interes sayo kaya asahan mong magtatagal tayo."

Tinawanan ko lang ito kahit na sa loob-loob ko ay may dinadala ako. Nagkwentuhan nalang kami ni Senyorito Theo imbes na magpahinga siya. Nakwento niya sa akin ang mga kalokohan niya noon sa grade school niya at ni Aziel tapos iyon ding kaibigan niyang si Gage. Artistahin daw iyong Gage kahit noong bata pa sila at ngayon nga raw ay sikat na itong artista.

Kinabukasan naman ay tanghali na ako nang makapunta sa ospital dahil naglinis pa ako sa bahay. Saka nakipag-video call pa si Senyorito Theo sa akin. Parang 'di kami nagkita kagabi.

"Kumusta na raw si Aleng Salem, Sonya?" tanong ko kay Sonya.

Lumabas ng kwarto ni Aleng Salem at umupo sa mga nakaratay na upuan sa labas ng kwarto. Iniwan namin si Aleng Salem para akapagpahinga ito.

"Sabi ni Mama ayos na naman daw siya pero kailangan pang obserbahan ng doktor. At may mga resita na naman ang doktor para sa kanya." aniya.

"Mabuti naman."

Napansin kong wala si Kuya Sandro simula noong dumating ako dito.

"Teka, kumusta naman ang pagpunta mo sa bahay ni Rielle ay sa bahay pala ng amo niya? Natapos kayo sa project natin?" Tinampal pa niya ang braso ko.

Naalala ko na naman ang mukha noong Walter. Kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko ang mukha at katawan niya. Parang madudurog ka talaga kapag hinawakan ka noon. Dios ko!

"Okay naman at natapos namin kahit natagalan." Masama kong tiningnan si Sonya.

"Oh?"

"Nagkausap kami ni Kuya Sandro kahapon doon sa tindihan ni Aleng Lons."

"At?"

Napangiwi ito nang sinampal ko ang hita niya. Aangal na sana ito nang magsalita ulit ako.

"Bakit mo sinabi sa kanya na kami na ni Senyorito?" tanong kay Sonya na kinatigil niya saglit. Ilang sandali pa ay bigla nalang niyang kinuha ang kamay ko.

"Sorry. Sorry talaga, Ren. Sana mapatawad mo ako!"

Bumuntong hininga ako.

"Tinatanong lang kita, Sonya kung bakit mo sinabi iyon kay Kuya Sandro."

Nalugmok ang balikat niya.

"Pinaintindi ko lang sa kanya Ren. Pinaintindi ko lang na hindi na pwede. Nabawal ka na at sa iba nalang."

'Di maipinta ang mukha ko sa pagkalito sa sinabi ni Sonya sa akin.

"Sonya, hindi kita maintindihan."

Tumitig siya sa akin.

"Sinabi ko lang kay Kuya, Ren na bawal ka nang ligawan dahil may boyfriend ka na at si Senyorito Theo iyon. Nadulas lang talaga ako Ren-"

"Sonny!"

Kapwa kami napabaling ni Sonya sa likod niya nang sumulpot doon si Kuya Sandro na may dalang coffee.

He briskly walks towards us.

"K-kuya..."

"Iwan mo muna kami ni Laurenz."

Tumayo si Sonya at hinarap si Kuya Sandro.

"Kuya, sorry."

Isang bayolenteng hininga ang kumawala sa bibig ni Kuya Sandro.

"Dalhin mo na ito sa loob." ani Kuya Sandro, binigay niya kay Sonya ang dalang kape.

Tumingin si Sonya sa akin at tipid na ngumiti bago bumalik sa loob ng silid ni Aleng Salem. Si Kuya Sandro naman ay inakupa anag upuang ngayon lang iniwan ni Sonya.

"Ren..."

"Narinig n'yo po ang sinabi ni Sonya kanina?" sinapawan ko ito.

Hindi siya makatingin sa akin at yumuko.

"Oo. Oo narinig ko, Ren."

Bumaling siya sa akin.

Lumunok ako. Kahit na may kutob na ako kung ano ang ibig sabihin ni Sonya kanina ay tinanong ko pa rin si Kuya Sandro.

"Ano ang ibig sabihin noon, Kuya?"

Umiwas siya ng tingin at tumingin sa kanyang sapatos na parang nanduduon ang kausap niya.

"Gusto kita, Ren."

Nakuyom ko ang kamay ko.

"Matagal na kitang gusto Ren kaso natatakot lang ako sa magiging reaksyon mo kapag umamin ako sayo. At sa pagkaduwag ko... naunahan ako ng iba. At kung minamalas pa sa isang lalaki pa na 'di ko kayang pantayan sa kahit na anong aspeto."

"Kuya..."

Dito na ito napatingin sa akin.

"Hindi na kita gusto Ren, e." Kumunot ang noo ko, naguguluhan sa sinabi niya. "Mahal na kita pero nung nasabi ni Sonya na boyfriend mo si Senyorito Theo. Nilugar ko na ang sarili ko at saka... kita ko naman na mahal mo siya at masaya ka kanya. At pasensya na sa nasabi ko kanina, Ren. Hindi ko sinasadya iyon dala lang siguro iyon ng bugso ng damdamin ko."

Wala akong ibang naisagot doon kung hindi ang tumango-tango lang.

"Sorry, Kuya. Mahal din naman po kita pero hanggang kapatid lang iyon. Sana... sana maintindihan n'yo po."

Ngumiti ito kaso 'di umabot ang sigla noon sa mata niya. At alam ko kung bakit.

"Naiintindihan ko, Ren. At huwag mo akong isipin. I will get over it."

Now, I understand his actions towards me for the past years. Napagtagpi-tagpi ko na ang mga bagay-bagay na nagawa niya sa akin. Mula sa mga simpleng bigay niya sa akin at maging ang mga pasiring na biro ni Sonya dati. Akala ko talaga purong biro lang ang mga iyon. 

Hindi ko intensyong saktan ang damdamin ni Kuya Sandro. Pero ganito nga siguro. Kahit na wala kang intensyong manakit ng ibang tao sa pisikal man iyan o sa emosyonal na aspeto. May masasaktan at masasaktan talaga siguro tayong damdamin kahit na 'di natin iyon nais o intensyon.

Nasasaktan din naman ako kasi itinuring kong tunay na Kuya ko si Kuya Sandro, e. Tapos ako lang pala ang makakasakit sa damdamin niya.

Umuwi ako pagkatapos naming mag-usap ni Kuya Sandro at nakapagpaalam na rin ako kay Sonya. Todo siya hingi ng tawad sa amin dahil sa nagawa niya kaso wala na naman iyon sa akin. Mas mabuti nga siguro na nasabi niya iyon para alam ko na kung papaano ko pakikitunguhan si Kuya Sandro na 'di nagbibigay ng mga misinterpretations dito.

Bandang alas tres nang hapon ay nais na makipagkita ni Senyorito Theo sa akin kaso sinabahan ko ito na maglalaba ako sa ga kurtinang tinanggal ko kanina.

At habang naglalaba ako sa sapa ay nagtaka nalang ako nang may marinig na akong yabag ng isang kabayo na papalit sa aking pwesto. Na-surpresa akong si Senyorito Theo iyon at si Atlas!

"Senyorito!?"

Ngumiti lang siya sa akin at tinali ang tali ni Atlas sa isang puno sa tabi ng ilog at lumapit sa akin. Itinaas niya ang suot na pantalon para 'di iyon maabot sa tubig.

"Ano pong ginagawa ninyo dito?" salubong ko dito na kinawala ng ngiti niya. Mabuti at nagbabanlaw nalang ako.

Umupo siya doon sa isang patag na bato na di naabot ng tubig na malapit sa akin at tinulungan ako sa pagbabanlaw. Minsan na rin niya naman akong natulungan sa paglalaba ko kaya 'di na ito ang unang beses na magbabanlaw siya.

"Of course, I miss you that is why I am here." aniya, nakabusungot ang mukha. Parang wala itong trabaho. Lagi nalang akong pinupuntahan kung saan.

"Teka, maayos na ba ang makiramdam mo? Tumabi ka nalang dahil baka mapaano-"

Napaigtad ako sa gulat nang sapuhin niya ang mukha mo gamit ang basa niyang mga palad!

"Relax, baby. Yes, maayos na ako ngayon. I was taken care of by the best nurse, e." siya at kumindat sa akin.

Sinimangutan ko ito.

"Really, Baby. I'm fine already. Naligo na nga ako kanina. And thanks to you I was able to get better."

Tumango ako dito at ipinagpatuloy ang pagbabanlaw. Hanggang sa naalala ko ang nangyari sa ospital.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko iyon sa kanya.

"Senyorito."

"Yes?" Binuhat niya ang palanggana ko sa tabi nang matapos kami. Hindi ko siya sinundan kasi maliligo naman ako.

"May sasabihin ka?"

"Kasi Senyorito... nalaman na po nang kapatid ni Sonya, si Kuya Sandro po na tayo na. Na boyfriend kita."

Tumaas lang ang kilay niya.

"Oh, yeah, I remember that guy. It's good na alam niyang tayo na. Dahil unang kita ko palang doon alam kong may gusto na iyon sayo. Mas mabuti na alam niya para alam niya kung saan siya lulugar sa buhay mo. Nakakapagod na rin itong nililihim kita." Prangkang untag niya.

Ngumuso ako.

"I-iyan na nga rin po...  kanina dumalaw ako sa kay Aleng Salem sa ospital at... doon naamin niya sa akin na gusto niya raw po ako. M-mahal niya nga raw ako."

Bigla akong niyakap ni Senyorito kaya naman muntik na akong matumba sa tubig. Ilang minuto niya akong niyakap nang wala siyang sinasabi. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang tubig sa ilog, ang ugoy ng hangin sa gubat at ang nagwawalang puso ni Senyorito.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Natatakot na tuloy akong umalis."

Tinulak ko siya.

"Aalis ka po?"

Huminga siya nang malalim.

"Wedding anniversary ng mga magulang ko. Kaya pinapauwi nila ako doon. At may sasabihin din daw sila sa akin. I bet ito na iyong tungkol sa pagkalas ni Minerva sa kasal namin."

Napalunok ako doon.

"E-edi mas mabuti pong umuwi kayo doon."

"But I don't want to leave you here."

"Senyorito naman."

"Baka may umaaligid-aligid sayo dito habang wala ako."

Tumawa ako. Hinawakan ko ang mukha niya.

"H'wag ka pong mag-alala, alam ko naman po kung sino ang nagmamay-ari sa akin. Saka wala ka bang tiwala sa akin?"

Umikot ang mata niya.

"May tiwala ako sayo. Sa mga lalaki at sa taong nandidito ako walang tiwala." rason niya.

"Basta umuwi po kayo dahil importante naman ang uuwiin ninyo doon."

"Yeah and I think it's time also na ipaalam ko na sa mga magulang ko na may nobyo na ako dito sa San Concepcion para tigilan na nila ako sa arrange-arrange marriage na iyan. At para 'di na tayo nagtatago kapag nagkikita tayo at para 'di na ako mahirapang magdahilan sa mga tao kung bakit ako pumupunta sa bahay mo."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top