CHAPTER 20

Chapter 20


Laurenz Pov

"Senyorito, iwan n'yo na po ako. Kaya ko na naman po." Pagtulak ko sa kanya pauwi dahil gabing-gabi na. Hinatid niya kasi ako dito sa bahay nang magdilim na at nag-insist na alagaan muna ako saglit. Pero ang saglit niya ay nauwi sa ilang oras na pagbabantay sa tabi ko.

"Just rest, baby." aniya na pinagsiksikan ang katawan dito sa higaan ko. Maliit nga lang ito pero pinagsiksikan niya pa rin ang malaki katawan dito.

"May trabaho ka pa po bukas. Saka wala naman po akong klase bukas."

"Hmm," ugong niya lang at niyakap ako. "kapag nakatulog ka na saka ako aalis."

Wala akong nagawa kundi ang sundin ito kaysa naman di ito umuwi sa mansyon. Natulog nga ako na yakap siya at nakaunan ako sa kanyang braso.

Nagising ako kinabukasan na wala na si Senyorito sa tabi ko pero nag-iwan naman ito ng sulat gamit ang papel ko.

'Good morning, baby! I hope you feel better now, and if not, please call me right away so that I can bring you to the hospital. I love you.'

Napangiti lang ako doon at dahan-dahan na umalis sa kama. Masakit pa rin talaga ang katawan ko at pinilit ko lang na makagalaw at pumuntang banyo dahil naiihi ako.

Pagkatapos kong magbanyo ay babalik na sana ako sa kwarto para mahiga ulit nang makita ko si Sonya sa salas ng bahay ko na naka-de kuatro.

Napahawak ako sa hamba ng pintuan dahil sa gulat ko.

"Magandang umaga, Sonya!" Pangiti-ngiti kong sambit at lumapit dito nang makabawi.

Hawak ng isa kong kamay ang baywang ko at ang isa naman ay sa upuan bago ako umupo. Para na akong matanda nito.

"Umabsent kasi nilagnat. Matagal nagising kasi masama pa rin ang pakiramdam. Now, tell me Laurenz Kail. Anong nangyari sa iyo? At..." Umirap siya sa akin. "Naglihim ka pa talaga sa akin bakla ka."

I stifled a sigh. Lumapit ako sa kanya kahit nahihirapan ako ng konti at inabot ang kamay niya.

"Sorry. Sorry, Sonya."

"Hmp!" Mabigat niyang pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.

"Sasabihin ko naman dapat sayo. Kaso lagi akong pinang-uunahan ng takot. N-nilihim pa kasi namin ni Senyorito ang meron kami--"

Umeksaherada ito ng hininga.

"Tinatago ka? Nililihim ka ng Theo na iyon?!"

Agad akong umiling dito.

"Ayaw niyang ilihim namin. Kaso ito muna kasi ang gusto ko ngayon. Ako ang nagdesisyon na ilihim muna namin kasi natatakot ako kapag nalaman ng marami. Maraming makikisawsaw at marami ang pupuna kung ano ang meron kami ni Senyorito. Marami ang sisira sa amin dahil si Laurenz ako, ang anak ng isang bayaran at putang babae." paliwanag ko kay Sonya at mabilis naman na nanlambot ang ekspresyon nito at niyakap ako.

"Piste kasing mga pakielamerang mga tao, e. Bakit nalang kasi di sila mabuhay ng di nagsasalita ng masama sa kapwa nila?!" Paghihimutok nito at niyakap ako.

Inunan ko ang mukha ko sa balikat niya. Mula pa man noon si Sonya na talaga ang tagapagligtas ko sa mga umaaway sa akin. Dati kasi ay suki rin ako ng tukso at mga bully sa school. Sinasabihan ako na anak ng púta, anak sa maligno dahil sa puti ko, payatot kasi mapayat ako, at bakla.

Hindi ako lumalaban noon at nilalabas ko lang sa kabilang tenga ko ang naririnig ko mula sa mga taong nanunukso sa akin. Pero kahit na natuto na ako sa ganoon. Masakit pa rin. Masakit na masakit at hanggang ngayon nandidito pa rin.

At si Sonya, siya lang iyong nagtatanggol sa akin. Inaaway niya kapag may umaaway sa akin. Minsan na nga rin kaming umabot sa guidance office dahil nakipagsabutan itong si Sonya sa nanukso sa akin.

Nang iniwan ako lahat ng mahal ko sa buhay, nina Lola at ng Mama ko, si Sonya ang dumating sa buhay ko. At pagkakamali ko na di ko sinabi kay Sonya ang relasyon namin ni Senyorito. Pagkakamali ko na inisip kong kagaya si Sonya sa mga taong tumatapak sa pagkatao.

Pinakawalan ako ni Sonya ilang saglit.

Pinunasan niya ang basa kong pisngi at ngumiti ako dito.

"Sorry talaga Sonya."

Tumango lang siya sa akin at patuloy sa pagpunas ng luha ko.

"Naiintindihan kita, Ren. Alam ko. Alam ko na ang rason mo."

Napalabi ulit ako at bumuhos ang luha ko.

Mahina nitong tinampal ang hita ko.

"Ano ba 'yan nandidito ako para alagaan ka hindi paiyakin! Malilintikan pa ako nito kay Senyorito, e." Natatawa niyang wika.

"Pero Sonya sorry talaga. Hindi ko naman talaga intensyon na ilihim pati sayo ang relasyon namin ni Senyorito. Medyo nag-alilangan lang kasi ako... dahil... d-dahil sa ginawa ko noong una." mahina kong untag.

Umiling sa akin si Sonya at humawak sa magkabila kong kamay.

"Ano ka ba Ren, okay lang. Saka naiintindihan nga kita, naiintindihan kita doon sa naging desisyon mo dati." Matamis itong bumitaw ng ngiti sa akin. "Well, kung dati palikero 'yang si Senyorito sa Manila, pupwede namang magbago iyon, e."

Nanliit ang mata ko. "Tingin mo rin?"

Sinampal na naman ni Sonya ang hita ko.

"Gaga, oo naman. Kita mo nga kung papaano ka pinaamo at inalagaan, e. Hahaha! Mukhang si Senyorito pa nga ang napaamo mo, Ren."

Natawa naman ako doon.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Sonya hanggang sa kumain kami. Kinuwento ko sa kanya kung papaano ko sinagot si Senyorito pati iyong pag-crash ko bigla doon sa kaarawan nito at syempre iyong mga lihim na pagtatagpo namin ni Senyorito sa barnhouse nito at mga dates namin.

"Mukhang ako ang nagbukas sa isipan mo kaya napasugod ka sa mansyon ni Senyorito sa kaarawan nito, ah."

Tumawa ako at tumango.

"At masaya ako Ren. Masayang-masaya ako para sayo. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata mo sa tuwing nagkukwento ka tungkol sa relasyon ninyo ni Senyorito."

"Salamat, Sonya. Salamat at nandyan ka lagi."

Sunod-sunod na tango ang binigay niya sa akin.

"Kawawa nga lang ang Kuya Sandro ko." bulong nito.

Napatigil ako sa pag-inom dahil sa sinabi ni Sonya. Binaba ko ang baso.

"Huh?"

Winiwasiwas nito ang kamay sa akin.

"Wala, kako, ako na ang nagliligpit dito. Magpahinga ka na."

Ngayon ay ako na naman ng umiling sa kanya.

"Hindi, dito na muna ako. Sasamahan kita dito."

"Sus! Magpahinga ka na. Halata naman inubos talaga ni Senyorito ang lakas mo, 'no?"

Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi ni Sonya at nag-iwas ng tingin.

"Si Senyorito ang naka-deflower sa kaibigan ko?" Panunukso niya.

Ngumuso ako dito at mas uminit pa ang buong pagmumukha ko.

"Hay! Bakit ba ako nagtatanong, e obvious naman?"

Tumalikod si Sonya sa akin na tuwang-tuwa sa ekspresyon ko. Hinuhugasan niya ang pinagkainan naming dalawa.

"Ikaw Sonya. Naranasan mo na iyon?" intriga ko.

Kita ko ang pagtigil nito sa ginagawa.

Lumingon siya sa akin. "Di pa dumating ang kukuha sa flower ko, Ren. Saka naghihintay ako ng wawasak talaga sa akin! Iyong wasak na lalagnatin ako at di ako makakalakad kinabukasan--"

"Sonya!" bulyaw ko!

Humagalpak ito ng tawa.

Nakakainis! Tinutukso niya ako dahil nilagnat ako pagkatapos naming gawin iyon ni Senyorito!

Bakit? Di ba normal iyon? Ako lang ba ang nilagnat pagkatapos gawin ang bagay na iyon? Ako lang ba ang di makalakad at di makaupo ng maayos pagkatapos gawinang bagay na iyon? I'm sure meron naman dyang pareho sa na-experience ko. Di lang nagsasabi.

Sa mga sumunod na araw ay naging mas magaan na naman ang pakiramdam ko at nang magpasukan na sa lunes ay maayos na ang katawan ko at nakakahabol naman ako sa lesson na na-missed ko.

Ang pagkikita namin ni Senyorito ay naging mas madali nalang kumapara noong kami lang dalawa ang nakakaalam sa relasyon namin. Ngayon na alam na ni Sonya at Aleng Senya ang relasyon namin mas napapadali ang pagkikita namin at mas napapadalas ako sa mansyon.

"Rielle!" tawag ko sa bago kong naging kaibigan na si Rielle. Gaya ng sabi ko si Rielle ay kagaya ko rin na bakla. Kaso ito ay tinatago niya, tinatago niya ang kasarian niya at ako pa nga ang nakadiskubre dito. I mean, nakikita ko kasi minsan sa galaw niya at pananalita. Kaya natanong ko siya at doon ko rin nalaman na tinatago niya pala iyong totoo niyang kasarian dahil sa mga kasama niya sa bahay. Puro daw kasi lalaki ang kasama niya sa bahay, sa bahay kung saan siya nagtatrabaho.

Ito rin iyong pinagseselosan ni Senyorito. Inay! Walang pinipili ang pagseselos nito sa ng taong nakapaligid sa akin. Kung naiintindihan lang ni Senyorito na lalaki rin ang hanap ni Rielle. Hay!

"Ano, doon nalang sa bahay ng amo ko gawin natin ang project." aniya nang makaabot sa lamesa namin. "Hi, Sonya!" bati naman nito kay Sonya. Oo magkakilala na rin si Sonya at si Rielle dahil pinakilala ko sa isa't-isa nang minsan kaming nagkasabay sa aming lunch.

"Hello, dear Rielle. Gumaganda yata tayo lalo ngayon, 'no?"

Namula ang mukha ni Rielle at dinisma ang panunuksong ngisi sa labi ni Sonya.

"Ano? Okay ba ang amo mo na doon tayo sa kitchen nila magkalat?" singit ko naman.

Tumango si Rielle.

"Oo pumayag. Tinawagan ko na ang babae kong amo at wala naman iyong problema sa kanya."

"Sige mabuti namin. So final na nasa bahay ng amo mo tayo gagawa ng project natin. At sa sabado na natin iyon gagawin, diba?"

Nagsitanguan naman sila Sonya at Rielle atsaka binigay ni Rielle sa amin ang lokasyon ng bahay ng amo niya.

Sabay kaming sumakay ng tricycle ni Sonya pauwi at bumaba rin naman ito sa pamilihan dahil may inuutos daw si Aleng Salem sa kanya. Kaya naman mag-isa nalang ako nang ihatid ng tricycle sa amin.

"Salamat po." ani ko rin sa tricycle driver matapos kong ibigay dito ang pamasahe ko at bumaba ng tricycle.

"Oi ineng," tawag ng driver sa akin nang makababa ako.

Sumilip ako dito. "Po?"

Ngumuso ito sa unahan namin, "Kilala mo ang may-ari ng magarbong sasakyan na iyan?"

Napatingin naman ako doon at kumunot ang noo ko nang makita ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Sinipat ko ito ng mabuti dahil baka kay Senyorito ito kaso hindi naman ito sa kanya. O baka bumili lang ng bago? Trip pa naman noon ang pabago-bago ng sasakyan.

Hindi ko naman kasi ito napansin dahil tutok ako sa cellphone ko kanina sa tricycle.

"Hindi po, e." tugon ko dito.

Tumango lang ang driver at umusad na rin. At dahil nakuryuso ako doon sa sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay ay lumapit ako doon. Luminga ako sa paligid at kita ko ang iilan na dumadaan na napapatingin sa agaw pansing makintab at kulay itim na kotse.

Sisilip na sana ako doon loob nang makita ko ang isang lalaki na naka-krus ang braso sa harap ng matitipo nitong dibdib at nakasandal sa hood ng kotse at nakaharap sa bahay ko.

Napatalon ako nang tumingin ito sa akin. Kumapit ang kamay ko sa sling ng bag ko at napaatras nang tumayo ito. Ang tangkad niya at ang laki ng katawan! Aminado akong malaki man ang katawan ni Senyorito pero mas malaki ito at mukhang mas matanda din kumpara kay Senyorito. O baka mas matured lang ito.

Lumakbay ang mata ko sa kanya at napalunok ako nang makita ko ang isang braso nito at puno iyon ng tattoo. Nagtago naman ng ibang parte noon sa long sleeves niyang nakatiklop hanggang sa siko niya.

Yumayakap ang kulay asul niyang long sleeves sa kanyang braso at katawan. Hinuhulma nito ang laki at tigas ng kanyang pangangatawan. Parang masisira pa nga ang tahi noong long sleeves niya at ang lapad ng dibdib nito. Sumisilip pa doon ang tattoo nito. At nang dumapo ang mata ko sa leegan niya ay mas nawindang pa ako ng puno rin ng tattoo ang leeg niya.

Ngumiti siya sa akin at sumilip doon ang makinang ba bagay sa dila niya.

"A-ano pong ginagawa ninyo dito?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Para siyang lider ng kung anumang grupo.

"I just wanna ask if you know who lived there." anito at nakita ko nang mabuti ng nasa dila niya. May tusok ang dila niya!

Sinundan ko kung saan ang tinuro niya bago muling binalik ang mata ko sa kanya.

"D-dyan po?" tinuro ko ang bahay ko.

Tumaas ang kilay niya at tumango. Nag-isang linya ang labi niyang mapula.

"A-ako... ako po."

"Just by yourself?" paniniguro niya.

"Ano po ba ang kailangan ninyo? At kung ako lang mag-isa ang nakatira d'yan, ano naman po iyon sa inyo?"

Sa kabila ng nakakaninging kabog ng puso ko ay nilakas ko ang loob ko. Sino ang lalaking ito? Anong ginagawa niya dito sa labas ng bahay ko?

Tumingin ako sa kanyang kotse at napaghahalataan naman na mayaman ito.

Nilahad niya ang malaki niyang kamay, iyong kamay niya na may tattoo at doon ko rin nakita na ang mga daliri niya doon ay may tattoo rin. Parang singsing ang mga tattoo sa mga daliri niya. Inay! Sino ba ang taong ito?

"Wal--"

Naputol ang pagpapakilala ng lalaki sa harapan ko na parang naligo sa tattoo nang dumating si Senyorito Theo.

"Laurenz!"

Lumingon agad ako. Lumapit si Senyorito sa akin at parang sawang pumulupot ang kamay sa baywang ko.

Pagbaling ko sa ekstrangherong lalaki sa harap ko ay binaba na niya ang kamay niya saka iyon sinilid sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Stay away from my boyfriend!" madiing wika ni Senyorito at kahit na hindi ko ang pinagsabihan niya noon ay nanayo ang balahibo ko.

"Easy, Granville." Natatawa nitong tugon kay Senyorito at nagtaas noo.

Nawala ang ngisi sa labi nito at sumeryoso. Nagtitigan sila ni Senyorito na para bang nag-aaway sila sa pamamagitan ng kanilang mga titig.

"Go away, Monzallon." nagtitimping saad ni Senyorito.

"Tsk. Why are you afraid, hmn? Granville? Afraid that I might take away something..." pagbitin nito at tumingin sa akin. "or someone dear to you?"

Susugurin na sana ito ni Senyorito nang yakapin ko ang braso nito at inilingan. Ayaw ko nang gulo.

"Take care of what you have right now, Granville. Don't you dare close your eyes or take your eyes away from your love when you don't want that love of yours to be in my hands."

Hindi ko batid kung bakit pero mas kinabahan ako doon sa sinabi niya kay Senyorito. Parang iyong di lang si Senyorito ang binabalaan niya.

Humigpit ang pagkakahawak ni Senyorito sa akin, nanaginginig na sa galit.

Tiningnan ako ng lalaking tinawag na Monzallon ni Senyorito at di ko batid kung ano ang pinaparating niya sa akin. Mukha siyang may sasabihin pero di niya iyon masabi sa akin.

Kumuyom ang panga nito bago umalis at pinaharurot ang kotse paalis.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top