CHAPTER 2
Chapter 2
Laurenz Pov
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpasok ako ng ibang tao dito sa bahay ko. Ibig kong sabihin ay ekstrangherong tao. May nakakapasok naman dito na iba maliban sa akin tulad na lamang ng kaibigan ko na si Sony, isang binabae na katulad ko. Tinatawag ko si Sony na Sonya dahil iyon ang naging palayaw na niya. Si Sonya at ang kanyang pamilya lamang ang welcome dito sa bahay ko. Kaya ako nga rin ay nagulat nang bigla kong ayain ang lalaking ito na pumasok na dito sa munti kong bahay na ngayon ay natutulog sa sofa ko dito ko na gawa sa kahoy.
Hindi ko malaman kung bakit di man lang ako natakot sa lalaking ito na patuluyin siya sa bahay ko. Ngayon ko lang siya nakita at ngayon lang din ay pinapasok ko siya sa bahay. Hindi ko man lang iniisip na maaaring masama ito o adik, baliw, at takas sa bilanggo. Hindi ko nakita kung papaano siya makipaglaban kanina pero kung napatumba niya ang apat na iyon ng mag-isa, masasabi kong magaling nga siya. Lalo na iyong nakita ko kung papaano niya pinatulog iyong lalaki kanina sa isang sipa lang.
Bumuntong hininga ako at umupo sa kanyang tabi. Mabuti na nagamutin ko siya na naka-pikit at walang malay.
Habang nililisan ko ang kanyang sugat sa pisngi ay di ko maiwasang di alalahanin ang aking lola na inaalagaan ko dati. Ang lola ko nalang kasi ang nagpalaki sa akin. Ang nanay ko naman ay namatay noong ako ay nasa grade six pa lamang. Kaya simula noon ay ang lola ko na ang nag-alaga sa akin at nagpalaki. Sa bahay na ito namatay ang aking nanay at maging ang lola ko.
Mahirap maging ulila. Mahirap lumaki na walang umaagapay sayo. Mahirap mabuhay ng mag-isa. Mahirap sumikap ng mag-isa. Mahirap na umuwi sa bahay na wala kang aabutan na pamilya mo. Mahirap ira-os ang pang-araw-araw na buhay na mag-isa ngunit ako'y labis na nagpapasalamat sa Dios na hanggang ngayon ay lagi niya akong ginagabayan at laging pino-protektahan.
Ang laki rin ng pasasalamat ko sa pamilya nila Sonya na siyang tumulong sa akin nung ako'y hirap na hirap. At nung namatay ang aking lola. Malungkot, masakit, at nakakamiss din sila nanay at lola pero pilit akong lumalaban ngayon. Pilit akong tumatayo sa sarili kong nga paa para sa sarili ko.
Matapos kong linisin ang sugat ng lalaki ay nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kanyang mukha at i-memory ang bawat anggulo at katangian ng kanyang mukha.
Parang perpekto kung tititigan mo ang kanyang mukha. Maputi siya, tumitingkad ang kanyang mga mapupulang labi dahil sa kanyang kulay, matangos ang kanyang ilong, at parang nagkakasalubong sa gitnang parte ng noo niya ang kanyang makapal at itim na kilay.
Napanguso ako dahil parang mas maganda ang guhit ng kanyang kilay kaysa sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagtaas sa aking kamay upang mahaplos ang kanyang maayos at magaan na buhok. Itim na itim din iyon at malambot sa kamay.
Walang ano-ano'y umabot ang paghaplos ng aking kamay sa kanyang noo na nakakunot kahit na napikit. Parang kahit sa kanyang pagtulog ay may kinakalaban siya doon. Ang sama ng kanyang ekspresyon. Natatakot pa rin siya kahit nakapikit. Nakakatakot siya ngunit hindi man lang ako nabagabag doon. Nakakatakot siya kaso di ko manlang siya magawang gisingin at paalisin sa bahay ko.
Ang kamay ko'y bababa na sana sa kanyang pisngi nang magsalita siya nang pikit mata.
"Baby girl."
"Ay inay!" sambit ko at saka napatalon sa kina-u-upuan.
Agad akong nagbigay ng distansya sa aming dalawa at niyakap ko ang medicine kit sa aking hita.
Kinagat ko ang labi ko dahil parang lumuwa ang puso ko nang bigla siyang magsalita. Nahuli niya ba ako? Nahuli niya pa akong pinagmamasdan siya? Nahuli niya ba akong hinahaplos ang kanyang mukha?
Ewan ko ba't nagawa ko ang kala- pastanganang iyon. Nakakamangha lang din kasi ang kanyang angking ka-gwapuhan. Aminin ko man sa hindi. Talagang gwapo siya. Iyong mukha niya ay hindi mo talaga mahahanap sa aming probinsya. Ano nga ba sa ingles ang ganoon? Exotic? Mukhang ganoon, exotic kumbaga ang kanyang hitsura. Siguro ay dayo lamang siya dito sa amin.
Nang lingunin ko siya ay napaigtad ulit ako dahil nakita ko ang nanunusok niyang titig sa akin.
"Sorry po." usal ko.
Napalunok naman ako ng bumangon siya doon.
Lihim akong bumuga ng hangin mula sa aking ilong dahil parang nakakasilaw ang kanyang kahubaran para sa akin. May mga nakikita naman akong lalaki na nakahubad din ang pang-itaas lalo na kapag may liga pero hindi ko alam kung bakit di ko matitigan ang kanya.
"Your hands were so soft, baby girl."
Saglit ko siyang tinapunan ng tingin.
"Lalaki nga po ako."
"I know."
"Edi, tigilan niyo po ang kaka-baby girl ninyo sa akin."
"Did I somehow offend you by calling you baby girl?"
Lumingon ako sa kanya at lumaki ang mata ko nang ilang pulgada nalang ang distansya sa aming mukha.
Nagkukumahog ako sa pag-atras.
"H-hindi naman po."
"Then, I'll call you baby girl."
"Ay, oo nga po pala. Magluluto po ako ng hapunan ko..." kusang humina ang boses ko nang walang kurap siyang tumitig sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang meron doon sa kanyang mga mata na naghahatak sa akin na tumitig doon. Para siyang nakakapanghina.
"B-bakit po?"
"Do you know that for a guy, you're so attractive?"
Para akong na-pipi. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya habang dinadama ko ang pagwala ng puso sa loob ng dibdib ko.
"P-po?"
"Even when you talk, you are effortlessly charming."
Gumapang ang pag-init mula sa aking mukha tungo sa aking batok.
"P-po?"
Umiling siya. "Nothing, baby girl. What did you say again?"
Nakakuyom ako sa aking namamawis na palad.
"Kako ay magluluto p-po sana ako ng hapunan ko. K-kung hindi na po masyadong nakaka-abala sa inyo ay iimbitahan ko po k-kayong maghapunan dito."
"I won't say no to your offer, baby girl."
"T-teka lang po... a-ano po pala ang pangalan ninyo?"
Sumingkit ang mata niya.
"Ay, kung ayaw niyo po sabihin. Ayos lang po." wika ko at tumayo.
"Theo... remember my name baby girl."
Kahit po ang mukha niya ay markado na sa akin.
"O-okay... Theo."
"Sounds better. So, what's your name baby girl?"
"Pwede niyo po akong tawaging Laurenz o kundi naman ay Ren."
"I'll be fine calling you baby girl, then."
Humaba ang nguso ko doon. Nilapag ko ang medicine kit sa lamesita at kinuha ko ang gulay na binili ko kanina. Mahuhugasan pa naman ito. Hindi naman siguro mai-impatsu nito si Theo kapag ito ang gagamitin kong sangkap sa lulutuin ko ngayon.
"Magluluto lang po ako. Pahinga ka lang muna d'yan Theo." paalam ko sa kanya at dumeritso na sa aking munting kusina.
Agad ko namang sinimulan ang aking pagluto. Hindi naman talaga akong magaling magluto. Ewan ko rin kung masarap ba akong magluto. Hindi pa kasi ako nakakapagluto para sa ibang tao maliban kina nanay at lola.
Gulay lang ang niluto ko at saka nagprito ako ng galunggong. Walang kalaman-laman ang ref ko dito na maliit. Wala kahit na isda kaya ito lang ang naluto ko. Nakakahiya dahil inimbita ko pa talaga dito si Theo. Mukha pa naman siyang mayaman.
Habang pinagmamasdan ko ang pagkain na nakahain sa mesa ay nagdadalawang isip tuloy ako kung tatawagin ko ba si Theo para sa hapunan. Bigla akong nangsisi kung bakit ko siya inimbita. Napapatanong tuloy ako kung tamang desisyon ba na inimbita ko ang isang tulad niya sa aking bahay.
"Baby girl?"
Umangat ang ulo ko doon kay Theo na tumuloy dito sa kusina. Yumuko pa siya dahil masyado siyang matangkad kumpara doon sa sinabitan ko nang kurtina.
"P-pasensya ka na Theo..."
"Why?"
"Ito lang ang pagkain na--"
"Don't apologize for what you can offer and cannot, baby girl."
Napatango ako doon. "Kumakain po ba kayo nito?"
Tiningnan niya ang pagkain sa mesa.
"I... I don't really know what kind of food are these, but I can try."
Walang alinlangan na umupo si Theo sa kabilang silya. Kabila ng pagka-mangha ko sa ginawa ni Theo ay tumayo at kumuha ng plato para sa kanya.
Masaya akong kumain kasama ang taong ngayon ko palang nakilala. Matagal na ang panahon ng huli akong kumain dito sa bahay ng may kasama. Ngayon lang ulit naulit.
"Pasensya na po. Iyon lang ang napakain ko sa inyo." wika ko kay Theo na ngayon ay tapos nang kumain.
Umangat ang gilid ng labi niya.
"It was actually not that bad, baby girl. I like exploring things, and I guess eating those foods was one of them. And please, don't be sorry for the food you heartily offer."
Matapos iyon ay tumayo na siya.
"I need to go, baby girl. Thank you for tending my wounds and for the dinner."
"Salamat at walang anuman po. I-ihahatid ko na po kayo sa labas."
Isang tango ang binigay niya sa akin. Hinatid ko si Theo sa labas at hinintay kong maka-alis ang kanyang sasakyan bago pumasok sa aking bahay.
Nang makapasok ako ay doon ko pa naalala ang damit ni Theo. Naiwan niya ang kanyang long sleeves. Mabilis ko iyong kinuha at muling lumabas sa bahay at nagbabakasaling makita ko pa siya kaso lang ay wala na akong maabutan kahit na ilaw man lang ng kanyang kotse sa malayong daan.
Muli nalang akong pumasok sa bahay dala ang damit ni Theo.
---
"Alam mo ba ang tsismis ngayon, Ren?" pag-intriga sa akin ni Sonya habang nandidito kami ngayon sa sapa at naglalaba.
Ilang piraso lang na damit ang lalabhan ko pero natatagalan talaga ako dito kasi nandidito si Sonya tapos talak nang talak.
"Ano?"
"Wala ka talagang naririnig na mainit na balita dito sa ating bayan ngayon?"
Napatalon ako nang ihagis ni Sonya ang kanyang pamalo.
"W-wala. Ano ba kasi iyang tsismis-tsismis na iyan?
Naku mas mabuti pa siguro kung bibilisan ko nalang itong paglalaba ko at nang makaligo na.
"Dumating na raw ang nag-iisang apo ng mga Granville!"
Tagpo ang kilay kong binalingan si Sonya.
"At?"
Hindi ko talaga alam kung bakit iyan naging usapan-usapan. Ano naman ngayon kung dumating na?
"May nakakita raw! At ang tsismis, tsika dito Ren ay sobrang kisig at gwapo raw nito! Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Granville ay ubod daw sa gwapo. Iyong tipong mapapahawak ka sa iyong panty dahil nakaka-laglag daw!"
Ngumuso ako doon sa pag-i-eksaherada ni Sonya. Dahil sa kanyang sinabi ay naalala ko si Theo. Dalawang araw na mula nang iligtas niya ako at mula noong kumain kami sa bahay pero laman pa rin siya ng isip ko. Kahit na ang panaginip ko ay dinadalaw ng maganda niyang mukha.
Umakyat ang init ang aking mukha nang pumasok sa isip ko ang pagtawag niya sa akin na 'baby girl'.
Duda ako dito sa sinabi ni Sonya. Wala na yatang mas kikisig at mas ga-gwapo pa kay Theo!
Ang tampal ng basa at mabulang kamay ni Sonya sa akin ang nagbalik sa aking isipan sa kasalukuyan.
"Bakla! Nakikinig ka pa ba sa akin?"
"A-ah, oo naman."
"Ngumingisi ka ng mag-isa dyan, Ren. Kinakabahan tuloy ako sayo. Akala ko may nakikita ka ng di ko nakikita."
"D-di naman may naalala lang."
Umismid siya sa akin.
"Narinig mo ba ang sinabi ko na naghahanap ng mga kasama si Mama para magtrabaho doon sa mansyon ng mga Granville?"
Doon niya ako nakuha. Basta tungkol sa trabaho ay papatol talaga ako.
"Sige sama ako dyan."
Umasim ang mukha ni Sonya.
"Basta trabaho talaga 'no? Laurenz?"
Ngumuso ako.
"Alam mo naman ang pangangailangan ko."
"Mmm, basta mamayang alas diez ay maghanda ka na. Isasama tayo ni Mama sa mansyon ng mga Granville. Malaki daw kasi ang lilinisin doon dahil may welcome party daw."
Basta sa panahon ng mga bakasyon ay todo kayod talaga ako dahil ako lang ang gumagastos para sa sarili ko. Scholar naman ako sa aming school at may monthly allowance pa iyon kaso hindi naman ako pwedeng aasa lang doon dahil marami naman akong ibang paggagastusan. Tapos matagal din bago makuha ang allowance ko, e. Kaya kumakayod din talaga ako.
Pinanganak akong mahirap, ayaw ko naman na mamamatay akong mahirap.
Nang mag-alas diez ay bumyahe na kami patungo doon sa mansyon ng mga Granville. May kalayuan iyon sa aming bahay kaya naman nagtricycle kami nila Sonya.
Pagkababa namin sa tricycle ay di ko maiwasang di puriin nang paulit-ulit ang ganda ng mansyon. Nasa labas pa lang kami ng matayog na bakod nito ngunit ang ganda ng mansyon ay makikita mo na sa labas palang. Mula sa naglalakihang mga haligi nito, ang disenyo na makaluma na, at ang malawak nitong bakod.
Matanda na ang mansyon na ito ng mga Granville. Balita ko'y hindi na ito masyadong nabibisita dito dahil nasa Maynila ang totoong anak ng mga Granville. Pero naalagaan naman ito ng mga taga-linis at nagbabantay dito. Isa lang daw kasi ang anak ng mga matatandang Granville.
"Salem! Naku pasok kayo." May isang matanda na lumapit sa amin at pinapasok kami.
"Salamat Senya!"
"Itong mga bata ba na ito ay magtatrabaho rin?" tanong ng ale na si Senya.
"Oo, ito anak ko, si Sony tapos si Ren naman. Masisipag ang mga ito."
"Mabuti naman." anito at pinasunod kami sa kanya.
Pumasok kami sa loob ng bahay ay napahawak ako kay Sonya. Mukhang mawawala ako dito. Mula sa aming kinatatayuan ay di ko na matanaw ang dulo ng mansyon! Tapos may isa pang palapag sa taas.
Saan kami magsisimula sa paglinis nito?
"Dito muna sa loob ng bahay ang lilinisan bago ang bakuran."
Halos mahimatay ako doon. Bakuran? Bakuran o lupain? Mukhang sakahan na ang laki noong bakuran na sinasabi ni Aleng Senya sa amin.
Binigyan niya kami ng mga gamit sa panlinis.
"Sony--"
"Sonya po." sapaw ng kaibigan ko.
"Ay, haha. Sonya at Ren doon kayo maglinis sa taas. Iyong mga silid ang una ninyong linisan dahil baka anumang oras ay dumating na ang mga bisita ni Senyorito."
Hinatid lang kami ni Aleng Senya sa taas at halos malula ako sa dami ng mga silid! Inay!
Si Sonya ay sa kaliwa na bahagi at ako naman sa kanan. Dala ang mga gamit panlinis ay maingat kong tinungo ang pinakadulo na kwarto para doon mag-umpisa.
Hindi na ako kumatok pa at binuksan ko na ang pintuan sa pinakadulong kwarto para makapaglinis. Kaso nang makita kong may tao sa loob ay naistatwa ako.
S-si Theo! Dalawang araw mula nang huli kaming nagkita dalawa kaso hindi ko naman madaling makalimutan ang mukha niya. Lalo na't lagi siyang laman ng isip ko.
Umawang ang labi ko habang tinatanaw siya na may kahalikan at kinukulamos niya ang dibdib noong babae.
Hindi ko mawari ang pagtambol ng puso ko.
Umatras ako doon at isasara ko na sana ang pintuan nang mahuli ako ng mga mata ni Theo!
***
Thank you for reading, Engels!🥰❤️
A | E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top