CHAPTER 17

Chapter 17


Laurenz Pov

Maghigpit ang pagkakakapit ko sa braso ni Senyorito. Gusto ko ngang igapos ang kamay ko sa kanyang katawan kung kaya ko lang. Hindi magkamayaw sa paghataw ang puso ko sa loob. At di ko matukoy kung sa kaba ba ito, sa takot, o sa pagkaduwag ko.

Bakit kasi may pa sekret-sekret pa itong si Senyorito? Bakit di nalang niya kasi sabihin sa akin kung sino ang gusto niyang ipakilala sa akin? Pero nasa isip ko na ipapakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Sila lang kasi ang pumapasok sa isip ko na ipapakilala ni Senyorito sa akin. Pero di kaya'y ang bilis naman? Parang kailan lang kasi nang naging kami.

Hanggang ngayon nga ay kapag tinatawag akong 'baby' ni Senyorito o kapag tumatawag (video call)  siya sa gabi o sa umaga ay parang panaginip ko lang ang lahat hanggang ngayon.

Napahinga ako malalim.

Kapag nalaman ng ibang tao na isang Granville ang nobyo ko baka pagtawanan lang ako. Baka kapag nalaman nila sasabihin lang nilang ilusyunada ako, nanaginip ng gising. Pero ang ngayon naman ang importante sa akin. Ang kasalukuyan ang importante, ang oras kung kailan ko ito naramdaman ang mahalaga sa akin ngayon. Saka sapat na sa akin na handa akong ipaglaban ni Senyorito. Sapat na sa akin na may lalaki na handa akong ipaglaban at ipagmalaki kahit ganito lang ako.

"Baby?" Ang mahinang pisil ni Senyorito sa baywang ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Tumigil kami sa paglalakad tungo sa main door ng mansyon. Oo, nandidito na kami sa mansyon at nilagay lang ni Senyorito si Atlas kanina sa kwadra nito.

Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako. Niyakap niya ang kanyang malalakas na kamay sa aking baywang at hinapit ako papalapit sa kanya. Nagdikit ang aming katawan at tiningala ko ang kanyang tangkad. Ang liit ko talaga kompara sa kanya.

Yakap ng isang kamay niya ang baywang ko at humiwalay ang isang kamay niya sa baywang ko upang ayusin ang buhok ko na malapit nang tumabon sa aking mata. Nililipad ng hangin ang buhok ko.

"What's wrong?" malambing niyang tanong at hinalkan ang noo ko. Naging paborito na niya iyon.

"Kinakabahan po ako."

Ngumiti siya.

"Don't worry. Hindi ka naman kakagatin noon."

Ngumuso ko sa kanya.

"Hindi ka kakagatin noon pero ako... ako ang kakagat sayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at natampal ko ang dalawang palad sa dibdib niya kaso tinawanan lang ko nito.

"Seryoso po kasi ako,"

Huminga siya ng malalim.

"Gaya nga ng sabi ko. Hindi ka noon kakagatin. At saka mabait ang taong ipapakilala ko sayo. Also, gusto ka niyang makilala."

Napakurap lang ako sa mata ko habang nakatingalang tinititigan si Senyorito.

"Talaga po? Baka kapag nakita ako n'yan ay di niya ako gusto." Nag-aaalala ko g sabi dito.

"Dapat lang."

"Po?"

Umasim ang mukha niya. "Dapat lang na di ka niya magustuhan. Ako lang. Ako lang dapat ang magkagusto sayo."

"Senyorito."

"Bakit kung ikaw, gusto mo bang may magkagusto sa akin na iba?" panghahamon nito sa akin.

"S-syempre ayaw ko. Ayaw ko ng ganyan. Akin ka lang din dapat."

"See?"

Tingnan mo nga ito. Ang bilis niyang ibahin ang usapin namin. Ang bilis niyang baliktarin ang sitwasyon namin.

Niyakap niya ako kaya naman yumakap din ako dito. Habang ninanam-nam ko ang mainit niyang katawan ay napatingin ako sa aming paligid ngayon.

Nasa gitna pala kami ng malawak nilang lupain dito sa loob ng mansyon. Nasa bandang likod ito ng mansyon. Kung saan ang mga kabayo, baka at kambing. Kaya naman ang paligid ay puro berde at ang lupa nga ay natatabunan ng mga damo. Kahit na may mga hayop dito ay malinis naman at naalagaan ng mabuti ng mga maintenance. Hanggang ngayon ay di ko pa rin talaga alam kung gaano kalaki itong lupain ng mga Granville dito sa San Concepcion.

Ang pagsimut ni Senyorito Theo sa akin balunbunan ang dahilan ng pagpikit ko sa mga mata at yumakap sa kanya.

"Tara na po sa loob." sabi sa kanya nang wala yata siyang balak na pakawalan ako dito ngayon. Nandidito pa naman kami sa labas.

"No, I changed my mind. Balik nalang tayo sa barn house at doon magpalipas ng araw."

Naitulak ko siya doon sa ideyang pumasok sa isip niya. Ngayon na unti-unti nnag humuhupa ang kaba ko ay saka niya ito sasabihin?

"Tara na po sa loob. Naghihintay na po ang bisita ninyo sa loob."

Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at tumuloy sa mansyon.

Binuksan ni Senyorito ang malaking double door ng main door bago niyakap ang isang kamay sa aking baywang.

Napapasulyap ako sa ikalawang palapag ng bahay habang tinatangay ako ni Senyorito kung saan.

At nang lumiko kami mula sa salas ay nagkita kami ni Aleng Senya, ang parang mayordoma ng mansyon!

Nanlaki ang mata nito nang makita ako at laglag ang panga nang makita ang kamay ni Senyorito Theo na mahigpit akong hawak sa baywang, para bang takot itong tumakbo ako o kumawala. Naniniguro!

Hindi makapagsalita si Aleng Senya at pabalik-balik lang ang mata sa akin at kay Senyorito Theo.

"A-aleng Senya." ako nang walang imik si Aleng Senya.

"I-ineng, diba... ikaw 'yong sinama ni Salem dito?"

"Oo po."

"K-kung gayu'y--"

"Aleng Senya, Laurenz is my baby. I mean, my boyfriend."

Awang ang bibig ni Aleng Senya na nakatingin sa akin at di makapagsalita.

Yumuko nalang ako.

Ilang saglit ay nagsalita ulit si Senyorito.

"Don't tell mom about this Senya. Ako ang magsasabi kay Mommy tungkol sa amin ni Laurenz. Maaasahan ba kita?"

Kumuyom ang kamay ko na naka hawak sa damit ni Senyorito.

"Oo... oo naman Senyorito. Hindi po ako manghihimasok sa personal ninyong buhay."

"Salamat." ani Senyorito at tumuloy kami.

Kahit na hawak ni Senyorito ang baywang ko ay nilingon ko pa rin si Aleng Senya at nakita kong sinundan niya rin kami ng titig.

Ngumiti ako dito at sinuklian niya rin naman ang ngiti ko.

Akay pa rin ni Senyorito Theo ang baywang ko habang naglalakad kami at napaisip ako. Kung hindi niya ako ipapakilala sa magulang niya ngayon. Sino ang ipapakilala niya sa akin?

At nang dumating kami ni Senyorito sa malaking kitchen ng mansion na may mahabang mesa at napapalamutian ng ginto at babasaging mga gamit. Nakita ko sa isang silya na nakaupo ang isang babae na nakasuot ng maxi dress na kulay rosas. Parang may hinihintay siya.

Nang lumingon ito sa amin ni Senyorito Theo ay nakilala ko kaagad ang babae. S-siya iyong babaeng nakatakdang ipakasal kay Senyorito, si Minerva.

Tumayo ito at ako naman ay mabilis na nagtago sa likod ni Senyorito.

A-anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? Bakit nandidito siya sa mansyon?

"Theo!"

Napanguso ako ang marinig ko ang boses nito. Agad na umakyat sa buong katawan ko ng pait. Kahit boses lang nito tunog mayaman, kahit na nagtatago ako dito sa likod ni Senyorito ang ganda pati na ng boses niya.

"Minerva, pinaghintay ka ba namin ng matagal?" Parang may sumakal sa puso ko nang kaswal na kaswal lang si Senyorito na nakikipag-usap kay Minerva.

"What if I told that I am?"

"Tsk!"

Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa damit ni Senyorito at nawala na ang gana ko. Tatalikod na sana ako upang lumabas sa kusina nang hulihin ni Senyorito ang kamay ko.

"Where are you going?"

Kumibot ang bibig ko upang magsalita pero nanaig ang pagseselos at tampo ko.

"Baby,"

Yumuko siya upang makita ako pero iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"What's wrong, hmm? Is my baby not feeling well?"

"Uuwi na po ako." saad ko nang hindi tumitingin dito.

Bumuntong hininga siya. Sinikop niya ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya at seryosong ininspeksyon ang mukha ko.

"Why is my baby sulking?"

Umirap ako dito.

"You don't know how sexy you are when you're rolling your eyes, baby. You're extra sexy when you roll that eyes of yours." paos niyang turan.

Hindi niya ako madadala sa mga mabulaklak niyang salita.

"Uuwi nalang po ako tutal may kasama ka naman palang babae dito."

Ang nagtatagpo niyang kilay kanina at seryosong mukha ay napalitan ng tuwa.

"Oh baby. I'm glad that you're feeling jealous because that means you really love me. But please not to Minerva, Minerva is just my friend. We are just friends." Pagilinaw nito at walang pag-aatubiling inangkin ang labi ko. "Do you understand, baby?"

Natunaw kaagad ako. Kinagat ko lang ang labi ko at tumango.

"Hi!"

Sabay kaming napaharap ni Senyorito kay Minerva. Malapad ang ngiti nito at parang naaliw pa.

"Ah! You're so cute, Laurenz! No wonder why Theo is really head over heels for you." wika nito.

Tumingin ako kay Senyorito at ngumiti lang ito.

"Minerva pala."

Napahid ko ang palad ko sa suot kong shorts bago tinanggap ang kamay ni Minerva. Ang lambot ng kamay nito. Nakakahiya sa palad kong ang tigas.

"L-laure--"

"I already know. Lagi ka ngang kinukwento ni Theo sa akin."

Muli akong tumingin kay Theo. "Siya po... siya po ang gusto ninyong ipakilala sa akin?"

Tumango si Senyorito.

"Yes."

"Pero s-siya po ang babaeng nakatakdang ikasal sa inyo."

Bumuga siya ng isang malalim na hininga.

"Oo siya. At nakapag-usap na kami," saglit na tinapunan ng tingin ni Senyorito Theo si Minerva. "Nakapag-usap na kaming dalawa at sinabi ko kay Minerva na ayaw kong magpakasal sa kanya kasi meron na akong ikaw. At kung ikakasal man ako. Gusto ko ikaw 'yon."

Si Minerva naman ay nagsalita. "At kaya gusto rin kitang makilala Laurenz, dahil gusto kong personal mong malaman na ayaw ko ring magpakasal at ayaw din ng mga Kuya ko na sa ganito ako ikasal. Nagkasundo kami ni Theo na sabihin ito sa mga magulang namin. At ako na ang a-ako sa lahat."

"Po?"

"Ako na ang magsasabi sa mga magulang ko na ayaw kong ikasal kay Theo. And for the mean time," ngumiti ito sa aming dalawa ni Theo. "Pwede ninyo akong gamitin dalawa as your alibi para makalabas kayo kahit saan."

"Ayaw ko po ng ganun."

Lumaki ang mata ko nang kurutin nito ang pisngi ko.

"You're such a pretty boy, Laurenz. Kung makita ka lang ng Kuya ko, I'm sure mahuhulog din 'yon say--"

"Stop that Minerva!"

Tumawa ito. "So possessive!"

Kumain kami pero parang di ko nalalasahan ang nginunguyang pagkain dahil nawindang pa rin talaga ako sa sinabi ni Minerva.

Handa siyang maging alibi para sa aming dalawa ni Senyorito. Handa niyang akuhin ang lahat para sa amin ni Senyorito.

Si Minerva lang ang nagtatanong sa akin at sumasagot naman ako pero hanggang doon lang. Di ako sumusubok na tanungin siya kasi di pa rin ko komportable sa kanya.

"Senyorito, talaga ba pong ayos lang po kay Minerva ang lahat?" ang tanong ko kay Senyorito nang makaupo ako sa paanan ng kama niya.

Ni-lock niya ang pintuan bago ako nilapitan at tinabihan.

"Yes, narinig mo naman siya kanina."

"Talaga po? Baka napipilitan lang siya o baka tinakot ninyo?"

"I would never do that, baby. Besides siya ang unang nagsabi sa akin na ayaw niya sa akin."

"Kayo po. Ayaw niyo kay Minerva? Maganda po siya, sexy, mayaman, maganda, may pangalan na kagaya sa inyo--"

Naputol ako nang itapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"I would never want any beautiful ladies or boys if it's not you, Laurenz. Ikaw na 'yong boyfriend ko. Kontento na ako."

"Salamat po, Senyorito."

Dumaing siya doon. Alam kong ayaw na niya akong naririnig na magpasalamat sa kanya kaso di ko mapigilan, e. Sobrang thankful ko lang na dumating siya sa buhay ko.

We spent the rest of the day sa kanilang mansyon, partikular sa kanyang kwarto lang at nanood ng movies tapos cuddles at kisses.

Our relationship ran smoothly. Sa mga araw na dumaan ay dinadala na ako ni Senyorito sa mansyon at naging close ko si Aleng Senya. Si Minerva naman ay di ko nakikita sa mansyon dahil di naman iyon nakatira sa mansyon ni Senyorito Theo.

Si Senyorito ay naging abala sa hacienda nila at ako naman ay naging tutok sa pag-aaral ko. Kahit na di kami nagkikita ni Senyorito dahil sa mga personal naming ginagawa ay tumatawag pa rin siya gabi-gabi. Kahit na ano mang busy ko at busy niya nagkakaroon talaga kami ng oras sa gabi na mag-usap at nagkukumustahan sa mga nangyayari sa araw namin. Pero sa isang linggo ay nagkakasama naman talaga kami ni Senyorito sa mansyon o kundi naman ay sa barnhouse. He wants to take me outside of the province but I decline his offer. At pinangako na after ng semester nalang kami gumala.

At katulad ngayon ay nandidito ako sa barnhouse ni Senyorito Theo. Dala ko ang bag ko na dinadala ko sa school kasi may tinatapos akong assessment saka magpapatulong din ako sa kanya sa isang assignment ko.

Hapon na nang matapos kami, mga bandang alas tres saka pa ako natapos sa assessment tasks ko. At dahil natapos na ako, libre na akong manood ng TV.

Binuksan ko ang television at namili ng mapapanood. Humiga ako sa kama at inunan ko ang dalawang unan para maayos kong makita ang TV. Ilang sandali pa ay tinabihan na ako ni Senyorito Theo.

Yumakap siya sa akin at tinago ang mukha sa may kili-kili ko banda. Napaigik ako dahil nakikiliti ako sa hininga niya. 

Masaya naman at nakakakilig ang pinapanood namin ni Senyorito na palabas hanggang sa naging mainit na ang tagpo ng palabas.

I felt the heat forming on my belly as I continued watching the movie. It was uncomfortable for me when I felt something inside me that wanted to burst. Pinagsiklop ko ang binti ko at aalis na sana nang kunin ni Senyorito ang kamay ko at ibalik ako sa pagkakahiga ko sa kama.

"Baby,"

Maybe because I feel heat kaya parang nang-aakit na para sa akin ang boses ni Senyorito.

Lumingon ako dito at saktong sumentro ang labi ko sa kanya. Hindi na ako umangal pa nang halikan ako ni Senyorito.

Ang mga kamay ko ay steady lang at di alam kung saan kakapit. Pero ang kay Senyorito Theo ay naglilikot na ito sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Nag-iinit na ako masyado at nalalamon na ako nang kamunduhan kong nilalasap sa mga matatamis na labi ni Senyorito Theo pero tumigil siya bigla at umalis ng kama.

Para bang natauhan siya.

"S-senyorito..."

"I'm sorry. I'm sorry, baby. I went too far."

Too far? E, hinawakan lang niya naman ako sa sensitibo at pribado kong parte.

"I know I shouldn't--"

Bastos man pero pinutol ko siya. Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Parang ayaw niya sa akin. Parang tinatanggihan niya ako.

"Sabihin n'yo po, ayaw niyo po ba sa akin?"

Bumilog ang mata niya. "What?!"

Lagi nalang kasing ganito. Hanggang halikan lang kami. Ilang months na kami pero hanggang halikan at konting haplos at hawak lang ang nagagawa niya sa akin.

"Ayaw niyo po ba sa akin?" ulit ko dito.

Lumuhod siya sa harap ko para pantayan ako na nakaupo sa kama.

"It's not like that baby." Hirap niyang untag.

"Sinungaling!"

"Baby--"

"Bakit Senyorito? Bakit hindi n'yo kaya iyong gawin sa akin."

Kumuyom ang panga niya at nagtagis sa kanyang bagang.

"Baby you know it's not like that..."

Umiling ako dito. "Bakit Senyorito? Dahil ba hindi ako kasing sexy ng mga naging flings ninyo? Dahil ba hindi ako magaling humalik kaya nagtitiis ka lang sa akin? O baka kaya di ninyo kayang gawin iyon sa akin kasi hindi ako kasing fúckable ng mga naging babae ninyo? Hindi ba ako fúckable, Senyorito?" Frustrated kong untag!

"Goddammit!" mura niya. Parang napugto ang huling pasensya na hinahawakan niya dahil sa sinabi ko.


***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Merry Christmas, Engels! Sana kahit mag-avail lang kayo sa book ko ay sapat na iyon sa akin. Mag-avail na kayo ng 'The Mafia Lord's Pet' book, nasa bio ko ang shopee link at ang google form. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top