CHAPTER 15

Chapter 15

Laurenz Pov

Wala akong naging imik sa buong byahe namin ni Senyorito Theo. Pinagsiklop ko lang ang palad ko at paminsan-minsan ay pinaglalaruan ko ang daliri ko upang mawala ang kaba at takot na nararamdaman ko. Idagdag pa ang kahihiyan.

Pasulyap-sulyap ako kay Senyorito Theo na nakatutok lang ang mata sa daan na patungo na papasok sa lupain nila. Naging shaky na rin ang sasakyan dahil bato-bato ang daanan.

Hanggang sa makarating kami sa barn house niya ay walang nagsasalita sa amin. Pinatay niya ang makina ng sasakyan pero nanatiling bukas naman ang ilaw noon. Sinadya niya siguro iyon dahil sobrang dilim. Sa aking pag-iisip ay di namalayan na nakababa na pala siya sa kotse. Kaya naman bubuksan ko na rin sana ang pintuan sa banda ko nang umikot ito at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

Bigla akong napayakap sa sarili ko nang humapas ang malamig na hangin sa mga kahoy na nakapalibot. Mga ugoy ng hangin  at huni ng mga insekto lamang ang naririnig ko sa buong paligid.

Ibababa ko na sana ang paa ko nang walang paalam akong binuhat ni Senyorito Theo sa paraang parang bagong kasal.

"A-ahm." Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko at kumapit naman ako sa kanyang balikat.

Dumaan kami sa kanyang balkonahe na may tatlong hagdanan at saka walang hirap niya namang nahagilap ang susi ng barn.

Pagkapasok namin ay sunod niya namang sinara ang pintuan at binuksan ang ilaw. Nilapag niya ako sa kama.

"Ano..."

Sinubukan ko itong kausapin kaso tumalikod naman ito sa akin at tumungo sa kanyang closet. Pagbalik niya ay may dala na itong itim na t-shirt at isang puting boxer shorts.

"Change your clothes, and if you want to take a bath, just go to the bathroom." sabi niya at nilapag ang damit sa tabi ko.

"Senyorito."

"Lalabas lang ako. Papatayin ko ang ilaw ng kotse. Baka kasi maka-attract ng wild boars ang ilaw n'on."

Mas tumindi ang kaba at takot ko dahil sa sinabi niya sa akin. W-wild boars?

Natawa ito kaya napatingala ako dito. Ginulo niya ang buhok ko.

"Kidding, baby."

Niyuko ko nalang ang ulo ko para itago ang mukhang namumula at pinakiramdaman itong umalis sa harapan at lumabas.

Nang wala na ito ay saka pa ako tumayo at kinuha ang binigay niyang pwede kong maisuot. Tumungo ako ng banyo saka ako naghubad sa suot at naglinis sa paa ko na marumi. Napapadaing pa ako dahil humahapdi na ang sugat ko doon. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit. Siguro sa kalutangan ko kanina ay pati sakit nito ay di ko na naramdaman.

Tinupi ko ang aking nahubad na damit at sinilid iyon sa laundry basket na nandidito sa banyo. Sinampay ko naman ang coat ni Senyorito Theo. Naghugas ako ng kamay bago lumabas ng banyo.

At nagpupunas ako ng kamay ko sa likod ng suot kong t-shirt nang maabutan ko si Senyorito Theo na nakatalikod sa akin at naka-breathable pajama na kulay itim saka walang suot na pang-itaas. Siguro ay naghahanap ito ng masusuot na damit sa kanyang closet at sa bawat galaw niya ay gumagalaw din ang masels niya sa likod at pati na ng braso niya. Nagsi-igtingan ang mga masels nito.

Napatalon naman ako nang humarap ito sa akin at nagsuot ng itim na t-shirt. Puro itim ang suot nito kaya naman litaw na litaw ang kaputian ng balat niya. He licked his lips using his tongue and messed his hair.

Kinamay niya ako na palapitin sa kanya kaya naman gumalaw na ako mula sa pagkaka-estatwa ako.

I cleared my throat and subversed my whole weight on the bean bag.

Pinakiramdaman ko ang puso ko na nagsisimulang magwala sa loob ng dibdib ko. Parang umaabot na sa lalamunan ko ang lakas ng tibok nito. At kahit na may AC ang barn ay pinagpapawisan ako. Di naman ako pasmado.

Umupo si Senyorito Theo sa kama, malapit sa akin at walang ano-anu'y kinuha niya ang isang paa ko at pinatong sa kanyang hita.

"Senyorito..." ako at hihilahin ko na sana ang paa ko nang hawakan niya ito ng mahigpit. Nagsilitawan ang ugat ng kamay niya sa pwersa noon.

"Let me tend your wound." anito at kinuha ang first aid kit box saka sinimulang linisin ang mga sugat ko doon.

Napapakagat ako sa ibabang labi ko at mahigpit na napakapit sa gilid ng bean bag dahil sa hapdi ng alcohol. Nanguso ako nang maharan na hinipan ni Senyorito Theo ang sugat ko doon.

Napatitig ako sa mukha nito na focus na focus doon sa kanyang paggamot sa paa ko.

My heart leaped. Na-miss ko si Senyorito. Sa ilang linggo na hindi kami nagkita ay miss na miss ko siya. Walang araw na hindi ko siya inisip. Walang araw na hindi ako tumatanaw sa labas ng bahay at umaasang dadating siya. Kaso sinong niloloko ko? Sinong binibilog ko? Ako ang nangbasted. Ako ang nagtulak sa kanya. Sinaktan ko siya. Kaya papaano siya pupunta sa bahay ko?

"Senyorito, sorry po." bulong ko pero alam ko namang sapat na iyon upang marinig niya.

Hindi ito nagsalita.

Lumunok ako.

"N-nasira ko po yata ang birthday ninyo." sunod kong saad.

Binaba niya ang isang paa ko at sunod naman kinuha ang isa ko pang paa.

"Hindi ko po intensyong masira ang gabi ninyo. Hindi k-ko po intensyong masira ang birthday ninyo at gumawa ng eksena doon." Kinagat ko ang loob ng bibig ko nang di ito nagsalita hanggang sa matapos niyang gamutin ang paa ko. Binaba niya sa sahig ang paa ko matapos gamutin.

Niligpit niya ang ginamit at itinabi ang first aid kit.

Namumungay ang mata nitong tumingin sa akin.

"You're saying sorry for ruining my birthday?" anito at kagat labi akong tumango. "Anong pinunta mo sa birthday ko? Nasabi ni Sonny na hindi ka raw pupunta."

Mabilis na kumalat ang init sa bawat sulok ng mata ko. Hindi ko siya matingnan ng maayos kaya naman pinaglaruan ko ang kamay ko sa ibabaw ng hita ko.

"Pumunta ka ba para ibalik lang sa akin ang dress shirt ko?"

Inangat ko ang tingin ko dito. Walang pikit mata siyang nakatitig sa akin.

"H-hindi po."

"Don't you go there to tend my wound as well? Aren't you here because you want to tend my wound?"

"Senyorito."

Napailing ito at pagak na ngumiti.

"It's so unfair." Kumunot ang noo ko dito. "When you pushed me, when you turned me down. I feel my whole world collapsing. My heart broke for the first time. Tapos... nakita lang kita. Niyakap lang kita. Nakasama lang kita parang nawala ang lahat nang naramdaman ko. It's so unfair; how does my heart beat again like fucking mad just seeing you in front of me, baby girl. I like you so fucking much. I love you like a fucking madman."

Tumulo ang luha ko sa sinabi niya at saka ko tinapon ang sarili ko sa kanya. Buong lakas naman ako nitong sinalo at niyakap ng mahigpit. Mahigpit na yumakap ang braso niya sa baywang ko saka binaon ang mukha sa leeg ko. I felt his tears stream down my neck.

"Mahal din kita Senyorito. Sorry po. Sorry po at hindi kita kayang panindigan noong una. Sorry po dahil nagpadala ako sa mga sinasabi ng iba."

Marahan niya ako tinulak at sinuklay ang buhok ko. Sunod kong naramdaman ang kamay niyang kinuha ang binti ko saka niya iyon ginaya upang ipulot sa baywang niya. Naramdaman ng mga pang-upo ko ang matigas na bagay na kinauupuan ko. Tumutusok ito sa bakuna ko. Kaso wala doon ang atensyon ko.

Nakapukos lang ang mata ko sa mukha ni Senyorito na punong-puno ng samot-saring emosyon ang mukha. May galak, may pagkasabik, at purong pagmamahal. Tiningnan niya ako sa mukha na para bang ako ang pinakamagandang bagay na napasakamay niya. Tiningnan niya ako na parang ako ang bituin na nasungkit niya mula sa langit.

"You're so gorgeous, baby. And you are mine, now, am I right?"

Tumango ako dito at dumukwang upang hagkan ang labi niya. Napakatamis at lambot ng labi niyang namumula at mamasa-masa.

"Oo po, sayo na po ako."

"At sayo naman ako. I am now your possession, baby."

Naluluha akong tumango dito. "Akin ka na talaga?"

"Sayo lang. Sayong-sayo."

Inamoy niya ako sa leeg ko at sa dibdib-an ko.

"What do you want me to call you?" tanong nito at parang aso ako nitong inaamoy.

Napanguso ako. "I-ikaw po."

Nilayo nito ang mukha sa akin at nagsuklay na naman sa buhok ko.

"Which do you prefer? Baby? Baby girl? Cub? Love? Babe?" Anito na parang pinapapili pa ako sa isang paninda.

"K-kayo nalang po kung saan n'yo po gusto."

"I'd prefer calling you baby, baby. My baby." sabi nito na may malaking ngisi sa labi. Parang sarap na sarap siya doon.

"Baby." bulong ko naman at napangiti ako. Gusto ko rin na ganoon ang tawag niya sa akin.

Naramdaman ko ang hininga ni Senyorito sa tainga ko. "And you'll call me... daddy."

"D-daddy? Ayaw ko po ng ganoon Senyorito Theo. Ayaw ko po."

Huminga siya. "What do you prefer then?"

"Kuntento na po ako sa Senyorito. Ayaw ko na ng iba."

Wala itong naging argumento sa sinabi ko at siniil lang ako nito ng isang mabagal at napakatamis na halik. Humaba ang halikan namin dalawa hanggang namalayan ko nalang na pinahiga na niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin.

"You don't know how much I dream of this, baby." Hinaplos ng likod ng palad niya mukha ko. Halos di ko na maipaliwanag ang naghahalong emosyon na naglalaro sa buong mukha ni Senyorito. Papaanong ang isang tulad niya ay nahulog sa isang tulad kong lalaki—bakla? Papaano niya ako nagawang tingnan na parang ako lamang ang mahalaga sa kanya?

"You made my birthday so special, Laurenz. Having you in between my arms and so fucking mine was my wildest dream. And, right now, it feels surreal to be living in my dreams."

Niyakap ko ang braso ko sa kanyang leeg. Pinagdaop ni Senyorito ang noo naming dalawa at tamang lang na nagkalapit ang tungki ng aming ilong. Nang pumikit siya ay napapikit din ako at sabay naming dinamdam ang ligaya ng isa't isa. Kapwa namin pinapakinggan ang tibok ng aming puso.

"I love you, baby."

"I love you too, Senyorito."

Hindi na naman naging mahirap sa akin ang matulog sa tabi ni Senyorito. Di rin naman kasi ito ang unang beses na magkatabi kami sa iisang kama. Kaso ngayon ay may nagbago na. Hindi ko nalang siya kaibigan o manliligaw. Sa pagkakataong ito na nakaunan ako sa malaking braso niya at nakayakap siya sa akin ay magboyfriend na kami.

Pinayakap niya ang kamay ko sa kanya na sobrang naninigas sa pagitan namin. Nang maiyakap ko ang kamay ko sa kanya ay di ko mapigilang di mapapikit at yumakap ng mahigpit dito. Boyfriend ko na talaga siya. Kami na.

Maliit na dilaw na ilaw nalang ang nagpapaliwanag sa buong silid. Ang nag-iisang lampshade lang dito sa gilid ng hinihigaan namin ang nagsisilbi naming liwanag ngayon.

"Baby?"

"Po?"

"Di ka ba makatulog? You want me open the lights? Or do you feel uncomfortable having us this close?"

Napalabi ako. "Hindi naman po sa ganon Senyorito. Nakakapanibago lang ang lahat at parang kailan lang nung binasted kita... at ngayon... t-tayo na."

"Do you think everything seems so fast for us?" Malalim nitong saad.

"Oo po. Syempre para sa akin mabilis at parang nanaginip lang ako. Tapos parang langit at lupa pa ang agwat nating dalawa. At saksi ako noon kanina. Sobrang yaman niyo po tapos ako mahira--"

"Shh," may daliring pumigil sa bibig ko. "My wealth—our wealth doesn't have to do with our love or with our relationship, baby. So please, stop comparing us. Stop comparing things. We will never be the same in many things, baby, but you are enough for us to make things work for us."

Ngumuso lang ako at yumakap sa kanya. Ang bango-bango niya at nakaka-adik ang amoy.

"Senyorito?"

"Hmm?"

"Pa... papaano po pala iyong fiance ninyo? Si Minerva?"

Ramdam ko ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga.

"Ngayon ko lang nakilala si Minerva. I don't know much about her or even care about her. Ngayon ko lang din nalaman ang plano  ng mga magulang ko pero h'wag kang mag-alala, baby. Ako na ang bahala dito."

"Ang mga magulang n'yo po?"

Pinatakan niya ng isang halik ang noo ko.

"We'll tell them soon. Dadahan-dahan natin sila."

Ngumiti ako dito at yumakap. Humawak naman siya sa baba ko at siniil ako muli ng isang halik.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂


Let's be mutuals!
2nd Wattpad account: showerofserotonin
Facebook: Amorevolous Encres
Tiktok: amorevolousencres
IG: amorevolous.encres
Twitter: AEncres

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top