CHAPTER 14
Chapter 14
Theodore Pov
"Basted na ba talaga ako?" I carefully asked Laurenz, using my calm and gentle voice. I don't want him to feel that I'm disappointed when I actually am. I asked him gently because I don't want him to feel intimidated by my voice. I asked him gently so that I wouldn't come out strong or say whatever it is that might trigger him to turn me down even more. I'm fucking hurt.
I stared at him without blinking my eyes. He cannot keep his hands in one place. He cannot look at me. His breathing pattern is not uneven.
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo sa akin at nakipagtitigan sa akin. Those eyes were able to capture me. I don't remember the exact moment my heart drowned in his eyes, yet I just found myself wanting to be drowned in his beautiful eyes. I just found myself wanting him.
One day, I just woke up, and then, boom! I feel for Laurenz, a gay guy with soft features, not because of his gentleness and girly actions. I fall for him because he is what my heart wants. Laurenz is such a pretty boy; he can be a pretty man and a pretty woman. Nonetheless, those things don't matter to me. What matters to me is that my heart keeps wanting him—only him.
Akala ko nga nababaliw na ako. I go to sleep thinking of him, then I dream of him, and then the next morning, gusto ko na siyang makita. Nakakabaliw. Akala ko nga totoo 'yang gayuma-gayuma na 'yan.
Ang pag-iisip ko tungkol sa kanya ay pinutol niya sa isang sagot na nagpaguho ng lahat ng pag-asa ko na maging kasintahan siya.
"Oo po."
I successfully master the ability to keep my expressions stoic and normal.
I clasped my hands together, veins protruded on my arms. Walang sabi akong tumayo at umalis sa bahay niya. Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko. I have this redflag attitude that when I cannot contain my feelings, when I cannot restrain my anger, nakakapagsalita ako ng di maganda at nakakagawa ng desisyon na pagsisisihan ko after. I can't control myself when I'm at such situation. At ayaw kong mangyari iyan kaya naman mas pinili kong tumahimik at umalis nalang bitbit ang puso kong durog.
I'm really disappointed, not to Laurenz or to his decision, but to myself. Akala ko kasi nagawa ko na ang lahat. Akala ko sa mga araw na magkasama kami at masaya siya sa company ko napalapit na siya sa akin and somewhat I think he might like me or fall to me. Yet, hindi pala. Nagkamali ako.
While driving to the mansion, the scene I left in Laurenz's home kept running around in my head over and over like a broken tape.
The memory of where I first saw him flashed through my mind. Kakarating ko lang nang araw na iyon dito sa San Concepcion. I was thrown by my parents here dahil nagbabakasali sila na baka dito ay mababawasan ang kataranduhan ko doon sa Manila. Ako ang pina-manage nila sa negosyo ng mga yumao kong grandparents.
I was strolling around San Concepsion nang biglang gusto kong magyosi kaya naman tinigil ko ang sasakyan ko at kumuha ng yosi na nasa compartment lang ng kotse. Binuksan ko ang bintana ng kotseng dala ko bago sinindihan ang sigarilyong nakuha.
Sinandal ko ang katawan ko sa kinauupuan at saka sinalampak ang sigarilyo sa bibig. Tumaas ang kilay ko nang may narinig akong ingay mula sa paligid. Hindi ko iyon inintindi at nagpatuloy lang ako sa pagpikit. Habang tangan ng bibig ko ang sigarilyo.
At nang mainis ako sa ingay ay lumabas ako nang kotse. Humithit ako ng isang beses sa sigarilyong nakaipit sa dalawang daliri bago ko iyon tinapon sa sahig at inapakan.
May nakita akong tatlong lalaki na parang may kino-corner na isang babae. Nag-flex ako sa leeg ko bago tinupo ang long sleeve kong suot hanggang sa siko ko at pagod na humakbang tungo sa kanila.
"HINDI NGA AKO BABAE KAYA PAUWIIN NYO NA AKO!"
Napataas ang kilay ko doon. It's not a girl or woman. It's a boy. Lalaki ang kino-corner ng mga lalaki.
Aalis na sana ako sa lugar na iyon nang makita ko ang mukha ng maliit na lalaki. Through his eyes and face, I can sense his fear and nervousness.
Nagsalita ang lalaki na isa sa kumorner ng maliit na lalaki kaso tinumba ko na ang pinakamalapit na basurahan sa akin. Lumikha iyon ng ingay at nabaling sa akin ang atensyon ng mga lalaki.
Habang kinakausap ako ng mga lalaki sa kung ano-ano ay napansin kong pinulot pa ng maliit na lalaki ang nga gulay sa sahig, para siyang bata at mukha ring babae. Sa ganoong sitwasyon ay nagawa ko pa talagang matawa dahil naaliw ako sa ginawa niya. Goddammit!
May lalaking nakapansin na tatakas na sana iyong lalaking maliit kaya naman nagsalita ako at di ko inaasahan ang unang lumabas na salita sa bibig ko.
"Baby girl."
Nang makalapit siya sa akin. Di ko mapigilang di puriin ang kanyang mukha. Ang lambot niya tingnan. Ang hinhin. Ang puti. Hindi naman siya ang unang lalaki na nakita kong ganito ang datingan kaso... may kakaiba sa kanya. His eyes were like talking to my soul. There's something in him that I cannot decipher. It's hard to decipher. His eyes bewitched me.
At akala after that incedent ay di na kami magkikita. Ang di ko inaasahan ay isa pa siya sa trabahante ng mansyon at di niya pa ako kilala. Inaasahan ko na naman iyon kaso natatawa ako sa kanya. Hanggang sa mga araw na lumipas na lagi ko siyang pinagmamasdan ay nahuhulog na pala ako. Sa mga lihim kong pagtingin sa kanya ay dahan-dahan na niya palang sinakop ang pagkatao ko.
My cousin, Aziel, even tease me that Laurenz was my karma. Karma for being an asshole back then. Hindi naman ako naniwala doon pero nang binasted ako ni Laurenz ay siguro siya nga.
Nang ligawan ko si Laurenz alam kong may chance na i-basted niya ako at may chance ring sagutin niya ako. Ang di ko lang inaasahan ang sakit na dulot ng pagbasted niya sa akin, throughout my courtship with him. I did my best. I did all the things that I could. I did all the things that I thought were right and were good for both of us. I showed him... I showed him what I felt. I say what I feel for him.
At kahit na nabasted na ako ay lihim ko pa rin siyang sinusundan kahit sa school nila. Nakita ko naman na bahay at eskuwela lang ang inaatupag niya kaso nang makita ko siyang may kasamang lalaki at nakita kong masaya siya doon sa lalaki ay iniwas ko na ang sarili ko sa kanya kahit na mahirap.
Mahirap. Masakit. At nakakagago. Mahirap kasi first time kong nag-effort para sa isang tao. First time kong manligaw at first time kong tamaan ng husto para sa isang tao at sawi pa. Masakit dahil mahal ko siya kaso... di niya ako mahal. Nakakagago kasi kahit na basted na ako gusto ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya.
Nang sumapit ang kaarawan ko ay di ko naman inaasahan na may mangyayaring engagement. Wala akong kaide-ideya doon. Hindi ako sinabihan ng mga magulang ko doon. I was caught up in the situation. And when I saw Laurenz in the crowd below us, when I saw his eyes in the midst of hundreds of pairs of eyes, my heart pounded in an instant. My heart tore apart when I saw the tears forming in front of his eyes.
May nagtulak sa akin na sundan siya. Hindi ko alam kong ang utak ko ba iyon o ang puso ko pero hindi ko na tinapos pa ang party. Kinausap ko lang saglit si Minerva bago umalis.
Hindi ko alam kung saan ko hahanapin o susundan si Laurenz kaya naman ginamit ko ang kotse ko para madali ko siyang makita. At nang makita ko siyang lumalakad takbo sa tabi ng daan na nakapaa ay agad akong bumaba ng sasakyan at tinungo siya.
My heart was pumping my chest so hard. My heart beat was going crazy. Madilim dito sa kinaroroonan namin at ang tanging liwanag lang ay ang ilaw na nanggagaling mula sa sasakyan sa likod ko.
When I finally gathered myself together, I called him out. "Baby,"
Laurenz Pov
Hindi ko maipaliwanag kong ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung alin ba ang masakit. Ang paa ko ba na walang sapin o ang nararamdaman kong hapdi ng sugat doon sa paa ko o ang puso ko na kanina pa durog.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay patuloy lang ako sa lakad at takbo na ginawa ko. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng sugatan kong paa pero di ako tumigil.
Bakit kasi binasted ko siya? Bakit kasi nagpadala ako? Bakit kasi ang tanga ko? Bakit kasi ang dali kong magpadala? Bakit kasi ang dali kong maniwala? Ito ba ang dinulot ng mga tao sa akin? Ito ba ang dulot ng mga pangungutya at pangmamaliit nila sa akin? I'm losing myself.
Hindi tulad ng nasa palabas o nasa mga nobela na binabasa ko na kapag sawi at nasasaktan ang bida ay uulan agad at kasabay ng ulan ay iiyak ang bida. Sa istorya ng buhay ko, wala. Walang ulan. Di nakisabay sa akin ang panahon. Siguro ay ganito nga siguro ang kapalaran ko. Ang masaktan ng mag-isa. Ang magdusa ng mag-isa. Ang umiyak ng mag-isa.
Tumingala ako sa langit na walang bituin at puro lang kadiliman. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingala ako doon. 'Nay nakatingin ka ba sa akin? 'Nay nakita mo ba ang paghihirap ko dito? Bakit 'nay? Bakit iniwan ninyo ako? Bakit ninyo ako iniwan ni Lola ng ganito? Tingnan n'yo tuloy. Wala akong matatakbuhan.
Gamit ang braso ko ay pinalis ko ang luha sa mata ko kaso tumutulo naman ito. Mga taksil!
Nagpatuloy ako sa pag-iyak at paglakad-takbo ko nang may marinig akong tumawag sa akin.
"Baby,"
Napako kaagad ang paa ko sa rough road. Kumuyom ang daliri ko paa. Nababaliw na ba ako o may tumawag talaga sa akin? Boses ba ni Senyorito Theo iyong tumawag sa akin?
I was hesistant pero lumingon pa rin ako. At napahagulhol ako nang nakita ko si Senyorito Theo na suot pa ang three piece suit niyang kulay pula sa party.
Napapikit ako at ngumuwa. Nandidito siya. Sinundan niya ako. Nakita niya ako.
Ang init ng katawan ni Senyorito Theo ang bumalot sa akin. Nanginig ako sa yakap niya at umiyak sa dibdib niya. Kumapit ako sa suot niya at ngumuwa. Ang panlalamig at pag-iisa na naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng init sa yakap niya sa akin.
"Shh," malamyos niya akong tinahan at hinaplos ang likod ko. Pinatakan niya rin ang ulo ng halik.
"S-senyorito," iyak ko.
Marahan niya akong tinulak at pinantayan ang mata ko. Pinunasan niya ang basa kong mukha.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang ma-realized ko ang hitsura ko ngayon. Pero hinawakan ni Senyorito ang mukha ko at pinirmi iyon.
Tiningnan niya ako mula sa ulo hanggang sa paa kong walang sapin. Napatingin ako doon sa paa ko. Namumula iyon at may konting mga galos, ngayon ko lang nakita. May konting liwanag na kasi mula sa ilaw ng sasakyan niya.
Pagbalik ko sa mata ko kay Senyorito ay umatras ito ng konti para maglagay ng distansya sa amin. Nagtagpo ang kilay ko nang makita ko siyang kinakalas niya ang butones ng coat na suot. Hinubad niya iyon saka muling lumapit sa akin at kinapa sa akin ang kulay pula niyang coat. Umaabot iyon sa bandang hita ko. Natatabunan na tuloy ang manipis kong kamisa.
"S-senyorito..." nautal ako nang makita ko siyang walang pag-aatubiling lumuhod sa harap at saka hinubad ang suot niyang sapatos at medyas.
Napanguso ako nang makita ko ang paa niyang walang bahid ng kung anong dumi. Parang ang laking pagkakamali tingnan ng paa niyang nakaapak sa semento.
Kinuha niya ang paa ko at pinatong iyon sa kanyang tuhod kaso tinanggal ko iyon dahil nadudumihan ko ang pants niya.
"Laurenz."
"M-madumi ang p-paa ko."
"Wala akong paki kung madumihan mo ako o ano, Laurenz." seryosong wika nito at muling kinuha ang paa ko at pinasuot sa akin ang medyas niya.
Nang matapos siya sa pagsuot noong medyas sa akin ay tumayo siya at sinuot ang sapatos at wala ng medyas.
Napababa ako nang tingin. Nakamedyas ako na kulay puti at nakapajama na may desinyong Mickey Mouse tapos nakakamisang puti at may patong na pulang coat.
Humigpit ang pagkakawak ko doon sa paper bag na bitbit ko.
"Is that for me?"
Mabilis kong tinago sa likod ko ang paper bag na dala. Huli na kasi nakita na niya, kaso tinago ko pa rin. Walang kahirap-hirap niya iyong inabot sa likod ko.
"Ano... h-happy birthday."
Binusisi niya ang laman ng paper bag at kinuha ang laman n'on.
"W-wala akong ibang maisip na regalo para sayo. Wala akong pera. Hindi ako makabili ng kahit na ano mang mamahaling regalo para sayo..." napatigil ako. Kanina nang nakita ko ang ga-bundok na mga regalo niya doon sa mansyon ay nakakahiya kung ilalagay ko doon itong paper bag na dala ko. Mamumukhang basura ang regalo ko sa kanya kumpara doon. Tapos sa kanya pa ang dress shirt na binurdahan ko.
Kanina bumuhos sa akin ang katotohanan na halos perpekto si Senyorito sa lahat ng aspeto. Sa pamilya, sa pera, sa hitsura, at iba pa. Walang-wala ako kumpara sa kanya. Isang hamak na trabahador lamang ako sa hacienda nila.
"D-damit mo 'yan. Iyong dress shirt na di ko nasauli sayo. Binurdahan ko lang ng pangalan mo."
Mayamaya nang matapos niyang tingnan ang pangalan niyang nakaburda doon ay tumingin siya sa akin.
"I like it. I love it."
Napangiti ako doon. Magsasalita pa sana ako nang hinila na niya ako tungo sa sasakyan niya.
"May... sasabihin pa sana... ako sayo."
Lumingon siya sa akin.
"We'll talk later."
"Saan n'yo po ako dadalhin?"
Tumingin ito sa paa ko.
"Sa barn, gamutin muna natin ang sugat mo bago tayo mag-usap." anito sa akin.
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Good evening/good morning/good afternoon mga beh! Sa mga di pa alam, ang libro ko po dito na The Mafia Lord's Pet ay magkakaroon na po ng physical copy. Sana po ay makabili po kayo ng physical copy ninyo ng book. I would really appreciate it po if makaka-avail kayo. Shopee link and goggle form link are on my bio. Kindly check it out! And for more details and informations kindly visit my profile on Facebook: Amorevolous Encres
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top