CHAPTER 12
Chapter 12
Laurenz Pov
"Grabe di na kini-keri ng utak ko ang pagblooming mo, Ren! Iba rin talaga ang dulot ng isang Theodore Granville, ano?" Pag-ieksaherada ni Sonya habang nag-aabang kami ng tricycle na masasakyan patungo sa aming school.
Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang sinampal ang balikat. Kay Sonya ko lang talaga nasasabi ang lahat. Ang panliligaw ni Senyorito Theo, ang mga pagbisita ni Senyorito Theo sa gabi na pati ni Sonya ay naging witness doon.
Si Sonya lang ang nakakakita sa kilig at saya ko sa panliligaw ni Senyorito sa akin.
"Tumigil ka nga Sonya. Baka may makarinig sayo." suway ko dito.
Humawak siya sa baywang niya at hinarap ako. "Edi wow! Para malaman nila na ang maganda kong friend ay nililigawan ng nag-iisang Theodore Granville III!"
"Oh tapos pagchismis-an na naman ako. 'Yong sumakay nga lang ako sa kotse niya binig-deal nga iyon ng mga tao. Ito pa kaya."
Umasim ang mukha ni Sonya at saka pinulupot ang braso sa akin.
"Tsk! Ang nega mo pero mas bet ko yatang makipag-away sa mga kapitbahay natin pag ikaw ginawan nila ng issue. Hayst! Di naman ito issue kasi totoo ito."
Napatawa nalang ako kay Sonya.
Nang may paparating na tricycle ay agad siyang pumara at sumakay kaming dalawa doon.
Ang unang linggo naman ng school ay wala masyadong ganap. Iyong ibang prof namin todo bigay na sa mga school works while ang iba naman naming subjects ay wala pang prof na pumapasok. Nagpasalamat naman ako doon dahil sa dami ng aming gagawin.
Same naman kami ng course, section at year level ni Sonya kaya naman nagtutulungan kami sa mga assignments namin at project sa isang subject namin. Kaya naman madali naming nagagawa ang dapat naming gawin para sa school.
At nang dumating ang biernes ng gabi ay dumating si Senyorito Theo sa bahay na may dalang box ng pizza at softdrinks. Nag video call kasi kami kanina nang masabi ko dito na wala akong ginagawa dito sa bahay at gumagawa lang ako ng cross-stitch. Ito kasi ang pinagkaka-abalahan ko kapag wala akong ginagawa.
"Magandang gabi." bati ko kay Senyorito Theo at niluwagan ko ang pintuan para siya papasukin. Nang makapasok siya ay agad ko naman iyong sinara.
"Good evening." Nilagay niya sa lamiseta iyong dala niyang pizza at softdrinks bago umupo sa sofa. Napakalas siya sa tatlong butones ng suot niyang long sleeves na kulay itim. Sumilim naman doon ang maputi at malaman niyang dibdib. Siguro ay naiinitan siya dahil walang aircon dito. Inayos niya ang suot na relos at saka binuksan ang pizza na dala.
Tinungo ko naman ang luma nang stand fan dito sa bahay at saka ko iyon in-on. Pinukpok ko pa ang likod noon para umayos ang ikot noong fans at hinarap kay Senyorito. Bumalik ako sa pwesto ko kung saan ko iniwan ang ginagawa kong cross-stitch kanina. Magkaharap kami ngayon ni Senyorito.
"Let's have a dinner together, baby girl." Anyaya nito.
"Di pa po kayo kumakain ng hapunan?"
Tipid itong ngumisi sa akin at nagbukas sa softdrinks na dala niya.
"Hmm."
"E, bakit nakikipag-video call po kayo sa akin kung wala pa po kayong hapunan." puna ko dito.
"I was just really waiting for you to come online, baby girl."
"Wala po ba kayong ginagawa sa hacienda?"
"Meron, of course. Pero madali lang naman ang ginagawa ko. Unlike when I was in Manila."
Napatango ako sa kanya.
"Gusto niyo po lutuan ko kayo?"
Mabilis niyang winiwasiwas ang kamay.
"There's no need to, baby. This is enough for me. Halika sabayan mo ako."
Ngumiti ako sa lalaki.
"Sige lang po. Tatapusin ko lang po itong ginagawa ko."
Binigyan niya ako ng ngiti bago kumain sa dala niya. Kung nandidito lang si Sonya sigurado akong siya ang unang magdidiwang kapag may nakikita siyang dala ni Senyorito. Mapa-chocolates, take-out foods, flowers, o stuff toys man si Sonya talaga ang unang tumitili kapag may pinapadala o binibigay si Senyorito sa akin.
Saglit akong napatigil sa ginagawa ko nang maramdaman ko si Senyorito Theo sa tabi ko. Umupo siya sa armrest ng kinauupuan kong single na sofa sa bandang kanan ko.
"You really have a great skills when it comes to this thing, baby girl."
Di ko siya tiningala o tiningnan at tumango lang ako at nagpatuloy. Ramdam ko ang mga titig niya sa ginagawa ko at medyo na conscious ako dahil sa mga mata niya. Ayon tuloy nanginig ang kamay ko.
"Eat," napatingin ako sa isang slice ng pizza na nilapit ni Senyorito sa bibig ko. Doon ako napatingala sa kanya.
Nakatutok siya sa mukha ko.
Lumabi ako bago kumagat doon sa pizza at niyuko muli ang ulo saka nginuya ang kinain. After a while ay ang softdrinks na naman ang nilapit niya sa akin.
Nilapag ko sa hita ko ang tela at ang karayom na may sinulid.
"Kaya ko naman pong kumain n'yan mag-isa. May kamay po ako."
Umangat ang sulok ng labi niya.
"I know, but you're not paying attention to the food, baby girl. That's why you're so thin."
Hindi nalang ako nakipag-rebut doon dahil totoo naman na payat ako. Kinuha ko ang softdrinks sa kamay niya at uminom doon. Siya naman ay nanatiling naka-upo sa armrest, sa tabi ko.
Binaba ko ang iniinom at tumingala sa kanya. Sakto naman na nagsalita siya.
"Baby girl, let's date tomorrow."
"Sa hacienda ulit?"
Sa totoo n'yan mas preferred ko na na magdate kami sa hacienda nila. Doon kasi malinaw, walang ingay, maaliwalas, at ang ganda ng hangin. Mas komprotable ako sa ganoon kaysa dumayo pa kami sa ibang lugar.
Tumango naman siya. "Yes, sa hacienda pa rin, but I'll bring to my fortress."
"F-fortress?"
Kinurot niya ang pisngi ko.
"It's not what you think it is. It's more on like my paradise. I promise you'll like it there."
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala naman akong iniisip na kung ano, ah. Siya lang itong kung ano-ano ang iniisip.
Kumuha ako noong pizza sa lamesa at kumain nalang. At habang ngumunguya ako ay humawak si Senyorito Theo sa baba ko at hinarap ako sa kanyang direksyon. Napatanga ako.
Hindi ako nakagalaw nang pinadaan niya ang hinlalaki niya sa labi ko. Bumaba ang mata ko sa hinlalaki niya at nakita kong may sauce doon ng pizza. At ang di ko inaasahan niyang gawin ay ang pagsubo doon sa hinalalaki niya na siyang pinahid niya sa labi ko.
Umusok yata ang pisngi ko dahil sa tanawing iyon.
Mga alas diez ng gabi ay umuwi na naman si Senyorito. Hindi ko na naman siya hinatid dahil alam ko naman na sa malayo niya pina-park ang sasakyan niya. Binalaan ko na kasi siya doon.
Kinabukasan maaga akong nagising at naglinis ng bahay at sa aking bakuran. Usapan namin ni Senyorito na sa hapon na kami magkikita doon sa manggahan nila, iyon 'yung hacienda na malapit dito at nalalakad ko lang.
Kaya naman nang sumapit ang alas onse ay naligo na ako. Binilin ni Senyorito sa akin na h'wag na akong magdala ng kahit na ano. Isang beses nagdala ako ng makakain at sinuway niya lang ako doon. Di ko dapat raw iyon ginagawa dahil siya na ang bahala sa mga paglabas namin dahil nanliligaw daw siya.
Pagkarating ko sa tagpuan namin ni Senyorito ay nandudun na siya kasama si Atlas. Hinahaplos ni Senyorito Theo ang katawan ni Atlas.
'Di pa rin talaga ako sanay na laging nakikita si Senyorito Theo. Pakiramdam ko sa bawat pagkikita namin ay mas gumagwapo siya sa paningin ko. Kahit na sa simpleng puting t-shirt, itim na jeans, at itim na boots lang niya napakaganda na niyang tingnan doon.
Hanggang ngayon parang panaginip pa rin sa akin na nililigawan niya ako. Parang kailan lang noong niligtas niya ako sa mga tambay na may balak akong pagsamantalahan. Savior ko siya noon, ngayon... m-manliligaw ko na siya.
"Baby girl!"
Awtomatik na sumugat ang ngiti sa labi ko at lumapit dito. Ilang beses ko na namang sinuway si Senyorito na huwag na niya akong tawaging baby girl o baby pero doon na raw siya nasanay. Saka sinusumbat niya rin sa akin ang pagtawag ko sa kanya na Senyorito.
"Magandang hapon," ang bati ko sa kanya.
Walang anu-ano'y yumakap ang braso niya sa baywang ko at parang papel lang niya akong binuhat.
"S-senyorito..."
"Stay still, baby. Isasampa lang kita kay Atlas."
Sumipa agad ang puso sa gulat at kanyang ginawa. Di na naman ako umangal doon at sumakay na kay Atlas. Habang nakasuporta ang isang kamay ni Senyorito sa likod, walang hirap naman siyang sumakay kay Atlas sa likod ko.
Humawak ako sa lubid ni Atlas at napayuko nang maramdaman ko ang matigas niyang katawan sa likuran. Gumapang ang init sa pisngi ko nang umusog si Senyorito hanggang sa magdikit ang katawan namin. Dahan-dahan na akong sinasakop ng panlalaki niyang amoy dito sa harap niya. Parang nakayakap na kasi siya sa akin ngayon habang kinakabig (minamaneho) si Atlas.
"Malayo ba pa tayo, Senyorito?" wika ko sa mahinang boses. Ilang minuto na kasi kaming nakasakay kay Atlas pero parang wala pa rin kaming balak na tumigil.
"Medyo malapit na."
Naikiling ko ang ulo ko sa isang direksyon nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Senyorito sa batok ko.
Hindi ko batid kung nararamdaman ba ni Senyorito ang na nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko nga rin ang pag-init ng pisngi ko at ng batok dahil sa tensyong namumuo sa pagitan namin. Sa bawat takbo ni Atlas ay sumasagi ang pwetan ko sa hinaharap ni Senyorito. Hindi ko alam kung dahil ba naka-jeans siya kaya matigas ang parte na iyon o ano.
Ilang beses na akong napapalunok dahil kumikiskis talaga ang pwetan ko doon.
"Goddammit!"
Nagulat ako nang hinila ni Senyorito ang lubid ni Atlas at tumigil ito. Ilang saglit lang matapos iyon ay naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ni Senyorito Theo sa balikat ko at saka ito nagpakawala ng malalalim na hininga. Para siyang hayop na hinihingal.
Napaigik ako nang lumakbay ang kamay ni Senyorito Theo sa harap ko. Kinuskus niya ang palad sa pigitan ng hita ko at napahawak ako sa braso niyang naninigas.
"S-senyorito..." impit akong napatawag sa kanya.
Wala sa utak ko ang pigilan siya. Wala sa utak ko ang pigilan siya sa kanyang gagawin.
"Baby,"
"Uhmm, Senyorito."
Di ko batid kung kailan pa ako tinigasan sa ginagawa ni Senyorito o baka kanina lang ito, di ko lang napansin.
Hindi pa ako hinahawan doon ni Senyorito kaso ramdam na ramdam ko na ang pangangailangan ko sa kamay niya doon. Napasandal ako sa kanya at yumakap ang kamay ko sa leeg habang hinihimas niya ang pagkalalaki ko. Kahit na may telang nakaharang ay parang tumatagos pa rin ang init ng palad ni Senyorito sa loob ko.
"Shit!" mura ni Senyorito.
Napapikit ako.
Nasa gitna kami ng kagubatan at batid ko na ang lamig ng hangin kaso ang kamalayan ko ay nasa palad ni Senyorito magana akong hinahaplos. Lumipad na yata ang lohika ko kasama sa hangin at wala na akong paki kahit na nakasakay pa kami ngayon kay Atlas at gumagawa ng kababalaghan.
Naramdaman ko ang munting init na namumuo sa puson ko na gustong kumawala kaso napamukat ako nang may nagsipatakang mga butil ng ulan.
Humiwalay ako mula sa pagkakasandal kay Senyorito at ito naman ay napamura.
"U-uulan yata Senyorito."
"Yeah," paos nitong turan bago kinuha ang lubid ni Atlas at sabay sipa nito kay Atlas para kumaripas ng takbo.
Kahit pa sobrang bilis na nang takbo ni Atlas ay naabutan pa rin kami ng malakas na ulan bago kami nakarating sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Ang bahay ay parang namumugad sa gitna ng gubat na napapalibutan ng matatayog na kahoy.
Gawa ito sa kahoy at ang kulay nito ay pinaghalong puti at kulay-kape. May maliit itong tanggapan at ang mga bintana ay sliding window na kulay itim.
Naunang bumaba si Senyorito Theo bago ako binaba.
"You go ahead, baby girl. On the front door, you will see a small pot there and the key was there. Clean yourself, take a shower." anito habang nagbabagsakan ang butil ng tubig mula sa ulo niya. Yumakap na sa katawan niya ang tela ng tshirt na suot.
"K-kayo po?"
"I will take a bath at the backyard."
Sinunod ko siya at mabilis akong pumasok sa loob. Di ko na pinagmasdan pa ang loob ng modern barn house ni Senyorito dahil dumiretso na ako sa banyo at naligo.
At habang naliligo ako, di ko maiwasang di alalahanin ang nangyari kanina doon sa gubat.
Inay! Ano ba ang nangyari sa akin at parang handa na akong isuko ang sarili ko doon? Kung di pa yata umulan ay wala akong balak na patigilin si Senyorito Theo sa kanyang ginagawa sa akin.
Napahilamos ako sa mukha ko. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko sa loob ng banyo ang damit ko at lumabas sa banyo na naka bathrobe lang.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Senyorito Theo na may ginagawa sa kitchenette, mukhang nagluluto. Ngayon na nasa wastong pag-iisip na ako ay napagmasdan ko na ang buong barn. Wala itong kwarto o anumang divider. Parang bahay lang ito kung saan pagkapasok mo makikita mo kaagad ang isang malaking kama sa isang sulok, may flatscreen TV, may beanbag chair, tapos sa isang banda ay nandun ang kitchenette na kompleto yata sa gamit. At may mesa rin na pang-apat na tao sa harap ng kitchenette.
"Oh," sambit ni Senyorito nang makita ako. "May damit akong hinanda para sayo, baby girl. Nasa kama."
Tinanguan ko siya saka kinuha ang tshirt na kulay dirty white at isang boxer shorts. Bumalik ako sa banyo at nagbihis.
Sa paglabas ko ay inaya ako ni Senyorito na kumain. Tahimik kaming dalawa na kumakain at ako naman ay di makatingin sa kanya ng diretso. Naaalala ko kasi ang nangyari sa gubat sa tuwing nagtatagpo ang mata namin. Kaya naman tinutok ko nalang ang mata ko sa bintana kung saan nakikita ko ang malakas na buhos ng ulan doon.
Kaso di ko inaakala na iyon na pala ang maging huling paglabas namin ni Senyorito Theo. Pagkatapos kasi doon ay tinapos ko na ang panliligaw niya sa akin.
"Senyorito," ani ko dito, isang gabi nang pumunta siya sa bahay nang di ko na sinasagot ang video call niya.
"May nagawa ba akong di mo gusto?" Nanantya niyang tanong.
Nakatungkod ang siko niya sa kanyang tuhod at nakatitig sa akin kaso di ko siya magawang tingnan sa kanyang mata.
"Wala naman po."
"Kung ganun bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Busy ka sa school? Nakakaintindi naman ako. You should hav--"
"Tumigil ka na po." sinapawan ko siya.
"Tumigil... sa?"
Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib ko.
"H'wag ka na pong pumunta dito sa bahay. Huwag na po kayong tumawag sa akin. H'wag na po tayong magkita o mag-usap."
"Baby--"
"Wag n'yo na rin po akong tawaging baby o baby girl."
"Baby girl, dahil ba ito sa nangyari noong pumunta tayo sa barn house? I'm sorry. I'm sorry if nagawa ko iyon--"
"Di po ito tungkol doon. Basta tumigil nalang po kayo."
Rinig ko ang pag-tsked niya.
"Wala ba talagang chance? Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin, Laurenz? Sa mga panahon na magkasama tayo. Wala ba talaga?"
Di ako nagsalita pero tumango ako.
"Basted na ba talaga ako?"
Doon ko inangat ang ulo ko upang tingnan siya sa mata.
"Oo po."
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Follow and read my stories in my second wp account: showerofserotonin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top