CHAPTER 11

Dedicated to: Cloy_Alcuzar

Chapter 11

Laurenz Pov

"Hi!"

Agad na napatayo si Senyorito Theo mula sa kanyang pagkakasandal sa malaking puno ng kahoy. Ilang metro lang din ang layo ni Atlas na kumakain ng damo.

Pinagpag niya ang kanyang pantalon na suot at saka lumapit sa akin. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay nandidito pa rin siya. Kung hindi ko nabanggit ay magka-contact na kami ni Senyorito, sa facebook at sa text. Sabi niya may IG ba raw ako at wala naman ako noon. Tanging facebook lang meron ako. At kagabi nga ay nagchat siya sa akin kung saan kami magkikita.

Flashback

"Baby girl." Ang basa ko sa chat ni Senyorito. Muntik ko nang mabitawan ang telepono ko nang makita ko ang kanyang chat. Nakahiga na ako at ganoon din si Sonya sa ibaba. Dali-dali akong tumalikod sa gawi ni Sonya at nagtipa ng reply kay Senyorito.

"Po?"

"You're too formal, baby girl. Just call me by my name. It's Theo."

Ngumuso ako sa kanyang chat at nagreply.

"Ayaw ko po."

Biglang nagvibrate ang telepono ko, tanda na tumawag siya through facebook messenger. Napaungol ako nang mabitawan ko ang telepono sa gulat at tumama iyon sa balikat ko.

Kinuha ko ang telepono ko at nakita kong patuloy pa ang pagtawag ni Senyorito sa akin.

In-end call ko iyon at magtitipa pa sana ako ng reply nang magchat na siya sa akin.

"Answer the call." Parang nag-uutos na siya.

See photos nga ako lagi.

"Wala ko akong load." Ang reply ko.

Totoo naman. Wala akong load.

Bumuntonghininga ako nang s-in-een lang ni Senyorito ang chat ko. Ilang minuto ang hinintay ko at itatabi ko na sana ang telepono upang matulog nang magvibrate na naman iyon.

May isang text message na dumating sa akin kaya naman s-in-wipe ko pataas ang lockscreen ng telepono ko at binuksan ang mensahe. At halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang load na dumating sa akin.

SMARTLoad: 17/** 04:39: P5000.00 loaded to 0911******* from xxxxxxxx9152 for 1 year. Ref:9JH3KYMKXH. Load EXTRA LOAD P75 & up to get EXTRA FREEBIES!

Napabalikwas ako at umupo. Saglit kong sinilip Sonya dahil baka magising ko siya pero mabuti nalang at tulog mantika ang kaibigan kong ito.

Senyorito Theo: Magregister ka kaagad. Magvideo-call tayo.

Ang text niya sa akin.

Inay! Anong gagawin ko sa ganitong halaga na load? Bakit ang laki naman nito?

Matapos kong magregister ay agad kong binuksan ang data ng telepono ko.

Wala pang minuto ang lumipas ay tumawag na kaagad si Senyorito sa akin. Para bang binabatayan niya lang ang pag-online ko.

"M-magandang gabi." maingat kong usal.

Ang tanging liwanag ko nalang ay ang munting ilaw na nanggagaling sa reflection ng telepono ko. Samantalang si Senyorito ay kitang-kita ko at nakasandal siya sa kanyang kinauupang swivel chair pero nakatopless naman. Kita ko ang hanggang sa lower part ng kanyang maputi at malapad na dibdib.

"Damn."

Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang mura niya.

"Po?"

Umiling ito.

"Nothing, baby girl."

"S-senyorito."

"Hmm?"

'Di maiwasang hindi ako panayuan ng balahibo dahil sa lalim at gaspang ng boses ni Senyorito.

"A-ang laki naman po ng pina-load ninyo sa a-akin."

"Tatawag ako lagi."

"Pero po..."

"Para wala ka ng rason para di sagutin ang tawag ko."

Nagusot ang mukha ko sa sinabi niya. Ano ba'yan? Nanliligaw pa naman siya ah.

"A-ano... bakit po pala gusto ninyong makipag-video call? Pwede naman pong sa chat nalang."

Umayos siya sa kanyang pagkakaupo.

"Let's date tomorrow."

"Po?"

"I said, let's date tomorrow. Susunduin kita d'yan at magd-date--"

"S-sandali lang po." Kumunot ang noo niya. "H'wag... wag na wag niyo po akong kunin o sunduin dito sa bahay."

"Baby..."

"Kung g-gusto niyo po talaga ay magkita na lamang po tayo sa hacienda ninyo."

"I'm courting you, Laurenz." Punto niya.

"Pero po..."

"I don't like this. Ayaw ko ng patago. Baka akalain mo natatakot ako sa ibang tao. At baka akalain mo di kita kayang ligawan sa paraang alam ko at gusto ko."

Natahimik ako. Ayaw ko lang naman na may makakakita sa aming dalawa na taga-rito sa amin. Ayaw ko na pati ang p-panliligaw ni Senyorito sa akin ay lagyan nila malisya. Alam ko naman ang kakayahan ni Senyorito. Alam ko naman ang kaya niyang gawin. Kaso...

"Kung ganun... wag na lamang tayong magkita bukas..."

"No!" Muntik na niya akong sapawan. Umungol ito. "As much as I don't want this thing to get in your way, baby girl. But I'm still courting you... so yeah... we will have it your way."

End of Flashback

Ang usapan namin kagabi ay ala-una kami magkikita dito. Iyon ang napag-usapan namin pero sinadya kong magtagal at inabot ako ng alas tres. Akala ko wala na akong maabutan dito. Akala ko di ko na siya makikita knowing na ang tagal ko kaso nandidito pa rin siya.

Parang wala lang sa kanya na natagalan ako.

"I thought may nangyaring masama sayo. Malapit na akong mabaliw kakaisip kung bakit ang tagal mo." Kinuha niya ang braso ko ay giniya ako doon sa may nakalatag na mat at may dalawang rattan basket.

Instead of mag-date sa kung saang lugar o mamahaling lugar ay nandidito kami ngayon sa kanilang mango plantation. Mabuti at walang tao, nakahinga ako nang maluwag.

"Senyorito."

"Umupo ka na."

Huhubarin ko na sana ang lace sandal na suot ko nang lumuhod na siya sa aking paanan at kinalas ang pagkakatali noong sandal ko.

"Salamat."

Tumingala siya sa akin at nginitian ako ng matamis.

Dinaluhan niya rin ako dito sa mat at nilabas niya ang lahat ng laman noong mga basket. May mga junkfoods, chocolates, mga lutong bahay na pagkain, drinks, at marami pang iba. Ang dami niyang dala.

"Ang dami naman po nito."

"I... guess naparami."

Kumuha ako noong Diary Milk at nagbukas. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

"Can I ask some question?"

Napapunas ako sa bibig ko at humarap kay Senyorito.

Tumango ako.

"Don't treat this as a bad thing, and it's okay if you cannot answer this baby girl." Tumango na naman ako. "Pumunta... tayo sa puntod ng lola at mom mo. Pero di ko nakita ang..."

"Puntod ng tatay ko?"

Dahan-dahan siyang tumango.

Kumagat ako sa chocolate.

"Di ko siya kilala e. Hindi ko siya nakita. Hindi ko rin alam ang pangalan niya. Hindi siya binanggit ng nanay sa akin. Di ko alam kung wala na ba siya o buhay pa."

Bumagsak ang mata ko sa palad na dumapo sa kamay ko.

"I'm sorry for asking."

"Okay lang po, Senyorito."

Ngumiti siya at akala ko kung ano na ang gagawin niya nang iangat niya ang kanyang kamay. Iyon pala ay ginamit niya ang thumb niya para punasan ang gilid ng labi ko.

May kumalat palang chocolates doon. Sumigaw ang utak ko na pigilan si Senyorito nang makita ko siyang dinilaan ang thumb na siyang pinahid niya sa gilid ng labi ko.

"It's so sweet." komento pa niya.

Kumalat naman agad ang pamumula sa buong mukha.

"Now, it's your turn to ask some questions to me, baby girl. Let's get to know each other this way."

Mahina kong naitango ang at napatingin sa malayo saka napaisip ng maaring itanong ko sa kanya. Tumingin ako kay Senyorito at nakita kong naghihitay siya sa tanong ko.

"Ilang taon na po pala kayo?"

"I'm twenty-five and turning twenty-six two months from now."

Napa-O ako sa sinagot niya.

"Si Sir Aziel po ilang taon na?"

Agad na sumama ang kanyang ekspresyon at napahilot sa kanyang ilong.

"Baby girl, dapat para sa akin lang ang tanong."

"G-gusto ko lang naman pong malaman saka bakit Fabre po ang surname niya?"

Halos magdikit na ang kilay ni Senyorito Theo.

"Why are you so curious about Aziel, baby? May gusto ka ba doon?"

Mabilis akong umiling. Aaminin kong nababaitan ako doon kaso di ko iyon gusto. Gwapo si Sir Aziel, oo, pero wala akong gusto doon.

"Good," anito. "Aziel is twenty-five as well. Hindi naman kami magpinsan by blood, but we're treating each other like one."

"Hindi ko po maintindihan."

Muli siyang tumingin sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Parang naging natural na iyon sa kanya.

"My father's adopted sister was Aziel's mother. So, biologically speaking, they're not real siblings; my dad and Aziel's mother were just siblings in papers."

"Ahh, ganun pala."

"But Aziel's mother was a sick woman. She wants to own every assests that our family have. She wants our businesses, but in the end ang dad ko ang nagmana sa lahat kasi hindi naman maalam ang mom ni Aziel noon sa negosyo. Pero nagrebelde siya, lumayas siya sa bahay nila dati at hanggang sa isang araw narinig nalang ng pamilya nila dad na nabuntis ito ni Senior Azrael Fabre. Pero di naman naging maayos ang relasyon nila. Pero dinala pa rin ni Aziel ang apilyedo namin."

"Kahit pala ang mayayaman ay may ganyan ding problema. Malala pa."

"Hmm."

Muli kaming natahimik dalawa. Hanggang sa magsalita ulit siya.

"Laurenz," nagkatinginan kami nang bumaling ako sa kanya. "Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na patago kitang kinikita. Para akong duwag nito. Hindi naman mali ang ginagawa natin at wala tayong masamang ginagawa pero bakit patago."

Kumuha ako ng bottled water at uminom. Parang naubusan ng tubig ang lalamunan ko.

"Pero ito ang gusto ko Senyorito."

"But--"

"Ayaw ko lang pong may ma-chismis ang mga kapitbahay namin dito tungkol sa akin-sayo."

Umigting ang panga niya.

"You don't deserve to be treated like this baby."

Napanguso ako. Baby, baby girl. Iyan ang tawag niya sa akin kaso di pa naman kami. Masyado na yata siyang namimihasa doon.

"Pasensya na po. Ang dami kong isyu sa buhay pero kung ayaw niyo po sa ganito ay itigil niyo na po ang panliligaw nin--"

"No, no, that's not gonna happen."

Nasemento ako sa aking kinauupuan nang lumapit sa akin si Senyorito Theo. Ang malaking palad niya ay sumapo sa aking pisngi at malamyos akong hinimas-himas doon. Halos manginig ang buong pagkatao ko doon.

Muntik ko nang makalimutan ang huminga nang unti-unting nilapit ni Senyorito Theo ang kanyang mukha sa akin. Naamoy ko na ang mabangong hininga niya at tuluyan na akong napapikit nang lumapat ang kanyang labi sa noo ko.

"If this is what you want, then we will have it your way, baby."

"Salamat po."

Dumistansya siya ng konti pero ang kamay ay nanatili sa pisngi ko. Ang init noon sa balat ko. O baka ang pisngi ko lang ang mainit?

"Dammit!" Mura niya habang nakatitig sa akin.

"H-huh?"

"You are so fucking beautiful, baby girl. Your small face, your small and shiny lips, your eyes are like talking to me, your pointed nose, your mouth is like inviting me. Fùck! Everything about you is just so beautiful."

"Senyorito..."

"Should I be thankful na wala ka pang naging boyfriend?"

Hindi ko alam kung naubusan ba ako ng sasabihin dahil sa mga sinabi niya o di ko lang mahanap ang eksaktong salita na sasabihin. Masyado nang binabaliw ni Senyorito ang puso ko. Naluluwa na ako sa lakas ng kabog nang puso ko loob. Tuwang-tuwa.

Ang ganoong set-up sa mga pagkikita namin ni Senyorito Theo ay nagpatuloy. Hindi na siya umangal doon. Minsan ay pinapasyal niya ako sa kanilang hancienda sakay kay Atlas tapos naliligo kami sa sapa dalawa. Paminsan-minsan ay niyayaya niya akong lumabas sa bayan at doon kami nagd-date.

Nakakatuwa na naging normal na sa akin ang mga pagtawag ni Senyorito sa akin gabi-gabi. Ang mga text niya sa umaga. Ang kumusta niya sa tanghalian. Ang mga goodnights niya sa gabi. Sa halos dalawang buwan niyang panliligaw sa akin ay di siya pumalya doon.

Minsan nga ay pumupunta siya sa bahay sa gabi at may dalang bulaklak. Hindi siya nagbibigay ng bulaklak sa akin kapag nagkikita kami kasi ayaw ko ngang ma-isyu. Kaya ayon, sa gabi niya dinadala ang bulaklak sa bahay.

Hanggang sa magpasukan na ay patuloy ang panliligaw ni Senyorito Theo sa akin.

"Gusto ko ngang ihatid ka sa school mo."

Napabuntong hininga ako. Ilang beses na kaming nag-usap tungkol dito.

"Ayaw ko nga po. Magkita nalang po tayo sa hapon kapag wala akong gagawin."

"I just want to be gentle... gentle with you, baby. I want you to experience things. I want you to know that I want the whole San Concepcion to know that I'm courting you. That I'm courting the most beautiful man in San Concepcion."

Lumapit ako kay Senyorito na nakaupo sa sofa dito sa salas ng aking bahay.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Alam ko po. Alam ko, Senyorito. Pero alam n'yo naman po ang rason ko diba?"

Masakit siyang tumango. Kinabig niya ako at niyakap.

"I don't know what to do with you, baby girl. Dapat di mo inaalala ang mga sinasabi ng ibang tao. Masyado ka ng naapektuhan sa mga sinasabi nila sayo."

Ako na ang kumalas sa yakap niya.

Tumayo siya at naghanda para makauwi na sa kanila.

"Goodnigt." Hinayaan ko siyang halkan ako sa noo na lagi na niya namang ginagawa. "I love you."

Tanging ngiti lamang ang naisasagot ko doon sa mga 'I love you' niya sa akin. Aaminin kong gusto ko na rin si Senyorito. Aaminin kong nahulog na ako sa kanya nitong mga nakaraang linggo pero di ko pa rin siya magawang sagutin. Di ko siya masagot na gusto ko na siyang maging boyfriend at di ko rin siya masagot sa'I love you' niya.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top