CHAPTER 10

Chapter 10

Laurenz Pov

Tinanggap ko ang kamay ni Senyorito Theo na nilahad niya sa akin matapos niyang unang bumaba. Alas sais na pero meron pa namang araw at nandidito ulit kami sa bandang likod ng bahay dumaan dahil ayaw kong makita ng mga kapitbahay namin o sino mang taga-rito na kasama ko si Senyorito Theo. Iniisip ko lang kasi ang kanilang mga sasabihin kung saka-sakaling makita nila kami.

Tinablahan ako ng kahiya-an nang makita ko ang labis na kaibahan ng kamay namin ni Senyorito Theo. Maputi naman ako pero madumi ang kamay ko dahil sa pamumulot ng niyog, mabaho pa. Hindi na rin naman kasi ako nag-abala pang maghugas nang hilahin na ako ni Senyorito Theo kanina tungo sa kabayo niya, kay Atlas.

Ang kamay ni Senyorito ay di rin naman ganoon ka lambot pero alam mo 'yong kamay ng mga mayayaman? Na kahit na gamit na gamit ang kamay ay di pa rin nagkakaroon ng kalyo.

Nang humigpit ang pagkaka-kapit niya sa kamay ko ay kitang-kita ko kung papaano umusli ang kanyang ugat doon. Sinupurtahan niya pa ang baywang ko sa pagbaba ko.

"Salamat po."

"Don't use po with me, baby girl. I'm your suitor."

Ngumuso lang ako dito bago bumaling kay Atlas na kumain ng damo doon sa lupa. Ang bango ni Atlas, mana sa may-ari. Malaki at sobrang itim nitong si Atlas. Walang halong kahit na anong kulay, puro itim lang itong si Atlas at sa totoo nga n'yan ay natakot ako dito kanina kasi parang alagad ni Grim Reaper si Atlas. Ang kintab pa ng balahibo niya.

Hinaplos ko ito.

"Thank you rin, Atlas."

Tinago ko ang kamay ko sa likod at napakagat sa labi ko bago bumaling kay Senyorito Theo. Parang dumikit na sa akin ang kanyang panlalaking amoy. Aba'y papaanong hindi kakapit sa akin ang kanyang amoy kung maka-maneho siya kay Atlas kanina ay halos maipit na ako sa unahan niya.

Kanina ay naglakas loob naman akong sa likod nalang niya sasakay kaso di ako marunong. Ito ang unang pagkakataon na makakasakay ako ng kabayo at labis-labi ang kaba ko kanina. Idagdag pa na halos di ko abot ang kabayo. Kaya nga nag-insist nalang si Senyorito na sa unahan nalang ako at siya ang sa likod.

Nakakahiya tuloy sa kanya na di kaaya-aya ang amoy ko.

"Let's meet tomorrow."

"Po?"

"I said, let's meet tomorrow."

"Pero Senyorito may trabaho po ako." rason ko dito.

Huminga siya ng malalim.

"Magkano ang oras mo?"

"Ano pong klaseng tanong 'yan?"

"Bibilhin ko ang oras mo kung kinakailangan para lang makasama ka."

"S-senyorito."

"I'm serious here, Laurenz." Gumalaw ang panga niya. "Fuck ni-hindi ako kailanman nagmakalimos sa oras ng ibang tao dati."

"Pasensya na po pero importante rin po sa akin ang trabaho ko."

"That is why I'll buy you--"

"Hindi po maganda tingnan 'yan."

"This is why I really like you, baby girl. Okay, after your work then, pupuntahan kita sa hacienda. I meant every word I said earlier, baby girl. I want to do this thing on the right way. I don't know what does the suitors do, but I will do my best to get your yes."

Ngumuso ako.

"Di ba po parang nag-aaksaya lang kayo n'yan ng panahon sa akin. Hindi po ako worth it ng panaho--"

"You will always worth it. Don't invalidate yourself, baby girl. Basta pupuntahan ulit kita sa hacienda ng niyog namin bukas."

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Senyorito... papaano kung ba-basted-in kita sa huli?"

Ngumisi siya. "That's only your papaano, baby girl. But if that's happens, I can accept defeat at least I tried."

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko o kung anuman ang meron sa akin at bakit ako...n-naggustuhan ni Senyorito Theo. Kung tutuusin ay marami talagang magaganda dito sa San Concepcion. Ang iba kahit na kagaya kong mahirap ay natural nang magaganda lalo na kapag anak ng mga haciendera at haciendero dito ay talagang magaganda rin.

Tingin ko nga ay kung gusto lang ni Senyorito ng may pagka-abalahan siya habang tinapon siya ng mga magulang niya dito ay may marami namang iba na pwede niyang maging pagka-abalahan.

Walang imik akong tumango sa kanya bilang pagsang-ayon ko sa gusto niya. Tinalikuran ko siya at pumasok sa bahay ko.

Nang masara ko ang pintuan ng kusina kong saan ako dumaan ay napasandal ako at napakapa sa dibdib ko. Ang lakas nang tibok ng puso ko. Hindi ko matukoy kung ano o alin dahilan kung bakit ganito ito ngayon. Dahil ba iyon galing sa pagsakay ko sa kabayo. O baka dahil kay Senyorito at sa pursigido niyang ligawan ako.

Hindi dapat ganito ang tibok ng puso ko ngayon at di dapat ako kiligin sa ganito kasi di naman ito ang first time na may gumanito sa akin kaso...iba. Iba si Senyorito. Iba ang dulot niya sa akin. Ewan ko kung ika-tuwa ko ba ito o dapat ba akong kabahan dahil dito.

Kung sana lang nandidito si Nanay Alondra o kahit na si Lola Juana ay may masasabihan ako. Sana may masabihan din ako sa ganitong mga karanasan ko. Alam ko naman na nand'yan si Sonya sa akin. Kaso iba pa rin kapag pamilya mo. Kadugo mo.

Ang hirap ng ganito. Iyon bang parang wala kang masasandalan. Mauuwian. Makakapitan. Walang-wala. Nandidito naman sa dibdib ko ang mga kupas na alaala namin ni Nanay noon at pati ni Lola kaso sa oras na gusto ko silang kausapin ay wala sila. Sa oras na gusto kong magkwento at may masasandalan wala sila. Bakit ba kasi ang aga naman nila kinuha ng Dios sa akin? Bakit ako pa? Wala na nga akong Tatay. Di ko nga nakilala ang Tatay ko. Tapos ganito pa. Saka, sino ba naman si Nanay Alondra para ipaglaban ng ama ko?

Si Nanay Alondra kasi ay di nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay nila noon. Kaya naman si Nanay na may angkin ding ganda ay nakipagsapalaran sa Maynila. At doon sa Maynila ay may nakilala siyang isang tao na siyang tumulong sa kanya na makapag-Japan. Pero di naman alam ng Nanay ko na ang napasukan niyang trabaho ay iyon palang ibebenta niya ang sarili niya.

Hindi man gusto ng Nanay ko ang naging trabaho niya sa Japan ay wala siyang ibang pagpipilian dahil sa mga panahong iyon ay nagkasakit din ang Lolo ko at walang-wala sila. At nang maka-uwi dito si Nanay Alondra ay di na niya ipinagpatuloy ang bagay na iyon hanggang sa makilala niya ang ama ko at nabuo ako. Kaso duwag din siguro ang ama ko kasi di niya pinanindigan si Nanay. Hanggang sa isang araw nalang biglang umingay ang naging trabaho ni Nanay sa Japan at hanggang sa pinanganak ako ay parang nasalo ko ang nagawa ni Nanay noon.

As much as I want to defend my mother, wala na akong magagawa kung ang mga tao ay sarado ang utak sa katotohanan. Saka, iniisip ko nalang rin na noon iyon at iba ako kay Nanay. Oo anak niya ako pero di naman porket may ganoong history ang Nanay ko ay magiging ganoon din ako. At sa kabila ng mga usap-usapan kay Nanay ay mahal ko pa rin siya. Kaya nga ako nagsusumikap mag-aral kahit na wala akong makain o mabaon sa school.

Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo ng maayos saka pumunta sa silid ko para makakuha ng towel at makapaglinis sa katawan ko. Lilipas din ang araw na 'to.

Kinagabihan noon ay di sa bahay natulog si Sonya kasi kailangan niya ring samahan ang Aleng Salem niya sa bahay nila. At isa pa sanay na naman akong mag-isa.

Walang masyadong naging ganap ang trabaho namin kinabusan. Hanggang sa dumating ang hapon. Hindi ko namamalayan na binabantayan ko na pala ang oras ng out namin. Ewan ko kung dahil ba iyon sa usapan namin ni Senyorito Theo o baka pagod lang akong at gusto nang magpahinga.

Nang marinig ko ang isang tunog na hudyat nana tapos ng work hours namin sa hapon ay malaki ang ngiti kong binuhat ang sakong may lamang niyog. Kaso tatlong hakbang lang ang nagagawa ko nang kusang tumigil ang mga paa ko.

Kumapit nang mahigpit ang kamay ko sa sakong dala at nilakbay ng mata ko si Senyorito sa aking harapan.

Naka-suot siya nang isang kulay abong t-shirt na yumayakap sa hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang pantalon naman na kulay itim ay saktong-sakto sa kanyang mahahaba at makakalas na biyas, at naka-lace up boots din siya na kulay brown.

Walang hirap siyang bumaba sa kanyang kabayo na si Atlas.

Napapikit naman ako nang humiyaw si Atlas. Binuka ko lang ang mata ko nang marinig ko ang tawa ni Senyorito.

Nilapitan niya si Atlas at hinimas ang ulo nito.

"She's my baby, Atlas."

"Senyorito." May inid kong alma dito.

Tumingin lang siya sa akin at kumindat. Nagwala naman kaagad ang puso ko sa loob at pinang-initan sa pisngi kahit na di naman nagpapakita ang araw.

"Sorry. I mean, soon to be my baby."

Binaba ko ang dala kong sako.

"Seryoso po kayo na pupunta tayong sementaryo?"

"Yup."

"Pero hapon na po."

"Magpapaalam lang ako sa mga magulang mo, baby girl. Magpapaalam lang ako na manligaw ako sa anak nila."

Hindi na naman talaga mapipigilan si Senyorito sa kanyang balak kaya naman nang matapos akong maghugas sa aking kamay at mga braso ay nagbihis na ako. Mabuti nga at may gripo ng tubig at maliit na kubo dito sa gitna ng niyogan para makapagbihis ako o kaming mga trabahante dito.

Nakasakay na si Senyorito kay Atlas nang lumabas ako sa maliit na kubo. Pinlansta ko ang shorts ko gamit ang kamay ko bago lumapit kay Senyorito. Binigay niya sa akin ang isa niyang kamay upang tulungan ako sa pagsampa kay Atlas.

'Di kagaya noong unang sakay ko kay Atlas, ngayon ay nasa likuran na ako ni Senyorito Theo. Hindi ako kumapit sa kanya dahil di ko alam kung saan ako kakapit. Maliban doon ay ayaw kong hawakan si Senyorito. Kaso nang biglang bumilis ang takbo ni Atlas ay kusang yumakap ang dalawang braso ko sa baywang ni Senyorito. Tuloy, ramdam na ramdam ko ang matigas niyang masels sa tiyan at dahil nakayakap ako sa kanya mula sa likod. Dahil doon libre kong nalalanghap ang panlalaking amoy niya.

Hindi naman mahirap ituro ang daan para kay Senyorito dahil parang alam niya ang pasikot-sikot dito sa San Concepcion.

Nang makarating kami ay ayaw ko na sanang magpatulong sa kanya sa pagbaba ko, nang kusa na niyang kinuha ang kamay ko at sinupurtahan pababa.

Binaba ni Senyorito Theo ang bulaklak na dala para kay Nanay at Lola. Magkatabi lang kasi ito. Hindi ko ito napansin na dala niya. Iyon pala, nakasabit lang ito kay Atlas. Ako naman ay umupo upang linisin ang lapida ni Nanay at Lola.

"Good afternoon, Tita, Lola." napatingala ako kay Senyorito Theo. Matamis siyang ngumiti sa akin bago binaling ang mata sa magkatabing lapida ng tumayong magulang at magulang sa buhay ko. Umupo siya sa tabi ko. "Tita, Lola, nandidito po ako para ipagpa-alam—ipalam sa inyo na liligawan ko po ang anak, apo ninyo. Gusto ko pong malaman ninyo na seryoso ako, na malinaw ako sa intensyon ko sa anak ninyo. Liligawan ko po siya na may intensyong gawin siyang kasintahan ko. Liligawan ko po siya na may intensyong gawin siyang parte ng buhay ko."

Hindi ko maalas ang tingin ko kay Senyorito Theo habang sinasaysay niya iyon. Oo nga't may gustong manligaw sa akin. Oo nga't may mga lalaking unamin sa akin pero wala ni isa sa kanila ang ginagawa ito. Wala ni isa sa kanila ang ganito ka seryoso.

Lumundag ang puso ko na kahit na wala na ang Lola at Nanay ko ay handa pa rin siyang gawin ito.

"Baby..."

Bahagya akong napaigtad nang pumahid ang hinlalaki ni Senyorito sa pisngi ko kung saan dumaan ang butil ng luha ko.

"Senyorito, salamat."

"Hmm?" ugong niya at di binitawan ang pisngi ko.

"Salamat po kasi ginawa ninyo ito. Salamat po dahil pinahalagahan niyo rin po ang taong mahalaga sa akin. Salamat po sa pagrespeto ninyo sa kanila."

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko. Tiningnan niya ako mata sa mata at hinalkan ang likod ng palad ko.

"Dahil seryoso ako Laurenz. At kapag seryoso ako sa isang bagay, gagawin ko ang lahat mapasa-akin lang ito. At gusto kita. Hindi ko ito ginagawa para lang magpakitang tao. Ginagawa ko ito dahil gusto ako at seryoso ako sayo."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top