CHAPTER 1

Chapter 1


Laurenz Pov

"H'wag ka nalang kasing pumalag miss. Apat kami," tiningnan niya pa ang mga kasamahan niya na parang naka-hithit ng ipinagbabawal na gamot. "Saka gusto ka lang naming samahan. Gumagabi na. Ihahatid ka lang namin. Ihahatid sa langit." ani pa nito at tumawa na parang sinapi-an ng demonyo! Gumaya naman sa kanya ang mga kasamahan.

Nanindig ang mga balahibo sa kanila. Lagi ko silang nakikita. Mga tambay ito at laging nagla-laklak dya-an lang sa tindahan. Wala yatang araw na di ko ito nakikitang nakainom. Kaso lang sa araw na ito ay ako yata ang napagtripan nila.

Hindi naman ako babae. Binabae, oo. Pero hindi babae. Wala akong p*ke na kanilang habol! Saka kahit meron ako noon ay di ako papatol sa mga lasinggong ito! Mga walang plano sa buhay. Halata pa naman na matatanda na sila.

Mas siniksik ko ang katawan ko sa dingding kung saan nila ako na-corner. Wala akong matatakbuhan pa dahil napapalibutan na nila ako. Sa takot ko at kaba ay di na magkamayaw sa pag-alpas ang puso ko sa loob. Tumatagaktak na rin ang pawis ko dahil hinabol nila ako kanina at dito nila ako na-corner.

Medyo madilim pa ang parte na ito ng kalye at sa di kalayuan naman ay may isang poste ng ilaw na kumikidlap.

Yakap ko ang binili kong sangkap pangluto kanina galing sa palengke. Gusto ko lang naman magkaroon ng maayos na hapunan ngayon. Kaso heto na ako.

"H-huwag kayong lalapit!" Nanginig ang boses ko.

"Hahaha! Tingnan mo nga naman at pati ang boses mo ay pinapatigas ang ahas ko sa ibaba."

Napalunok ako doon. Pati ang tuhod ko ay malapit nang bumigay. Ang kabog ng dibdib ko ay di ko na maintindihan. Para ko na itong naririnig sa tainga ko.

Gustuhin ko mang humingi ng saklolo kaso nanghihina pati ang boses ko. Pumipiyok na ako boses ko sa kaba.

"Tingnan mo pre para na siyang tutang naliligaw dito. Haha!"

"Matagal ka na naming nakikita dito miss. Maraming beses na kaming sumubok sayo kaso lang di kami napagbibigyan ng panahon. At mukhang ngayon ay mapapasa-amin ka na."

"M-mga gagò! Hindi n-nga a-ako babae." pagtanggol ko sa sarili ko.

"Bakla pala ito pre!"

"Babae man o bakla may butas pa ring papasukan."

"Oo nga naman. At tiba-tiba na tayo dito mga pre. Ang ganda ng kutis, oh. Maganda pa sa kutis ng mga babaeng natikman na natin."

Doon na bumigay ang mga luha ko. At kusang bumigay ang tuhod ko sa sahig. Ang mga pinamili kong gulay ay nabitawan ko rin kaya naman gumulong ang mga ito sa semento.

Sana pala ay tinanggap ko nalang ang sana'y bigay na ulam ni Sonya. Nagmamatigas pa ako na bibili ako ng gulay dito sa palengke at magluluto ako. Kung alam ko lang na mamalasin ako ngayon ay sana nanatili nalang ako sa bahay.

"P-please po! Paki-usap po kung ano man ang binabalak ninyo h'wag niyo pong gagawin. G-gusto ko na pong makauwi."

"Patikim lang kami sayo miss." mapaglarong turan isang lalaki.

Nanlalabo ang paningin kong tiningala ang nagsalitang lalaki. Nag-ipon ako nang hininga saka sinigawan siya kahit na sumakit na ang lalamunan ko.

"HINDI NGA AKO BABAE KAYA PAUWIIN NYO NA AKO!"

"Aba," humakbang ito papalapit sa akin at napapikit nalang ako. At nagdasal. "May tapang ka pa pala mi--"

Naputol ang lalaki nang may bumagsak na isang bagay at lumikha ng isang malakas na tunog.

Minulat ko ang mga mata ko at pinunasan ko iyon. Ang lalaki na malapit sa akin ay napatingin din sa likod—silang lahat ay nakalingon sa kanilang likuran. May gumulong doon na basurahan.

Sumilip ako doon at may nakita akong matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng dress shirt na puti at nakatupi ang sleeves nito hanggang sa kanyang siko.

Para siyang inaantok—hindi. Wala siyang ganang nakatayo doon at nakasilid sa isang bulsa ng pantalon niya ang kanyang kaliwang kamay.

Mula doon ay naglakbay ang tingin ko sa kanyang mukha. Bigla akong ginapangan ng kung anong enerhiya nang makita ko ang mukha niya. Ang kanyang tuwid na buhok ay parang tumatabon sa kanyang mga mata. Matangos ang ilong niya at ang bibig niya naman ay may naka salampak doon na sigarilyo. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito dito sa aming probinsiya.

Nakita ko ang paghithit niya doon sa sigarilyo. At saka bumuga siya ng usok mula sa kanyang ilong at bibig.

"Sino ka? H'wag kang makikialam dito, hijo."

"Tsk!" napailing pa ang lalaking bagong dating.

"Mukhang baguhan ka pa naman dito."

"Me? A baguhan? My face might be a baguhan in this place, but my name? It's old, archaic."

Halata nga na bagong salta siya dito kasi maypa-ingles-ingles pa.

"Hoi! H'wag kang magmagaling sa di mo teritoryo, hijo."

Swabe niyang kinuha ang sigarilyo na nasa bibig at tinapon niya iyon sa sahig saka tinapakan.

Tumingin siya sa mga lalaki sa kanyang unahan.

"You might faint if I tell you that I own the land on where you're standing right now, old man." Walang bahid na pagbibiro na saad niya. Parang hambog na iyon kung pakikinggan sa iba ngunit kapag siya ang nagsalita noon ay parang wala ka na talagang magagawa kundi ang maniwala.

"Hahaha! Baliw pala ang batang ito."

Hindi naman superhero ang lalaking ito na darating sa oras ng pangangailangan pero nagpapasalamat ako na dumating siya kasi nabaling sa kanya ang atensyon ng apat na lalaki. Kaya naman dahan-dahan kong pinulot ang mga gulay na nagkalat sa semento at sinilid ko iyon sa plastic na dala.

Nang matapos ako sa pagpulot nang mga gulay ay tumayo ako. Akala ko ay makakatakas na ako nang may isang lalaki na nakapansin sa akin.

"Ha! Tatakas ka pa ha?!"

"H-hind--"

Napatalon ako nang may bumagsak na naman na bagay. Nakita kong gumulong na ang isa pang container ng basurahan malapit sa mga lalaki.

Nabalik ang tingin ng mga lalaki doon sa ekstrangherong lalaki.

"May problema ka ba sa amin, hijo!?"

Tumingin ako doon sa lalaki na nagtapon ng mga basurahan. Napatalon ulit ako kasabay ng paninindig ang mga balahibo ko sa katawan nang natagpuan ko siyang nakatingin sa akin. 

Ang dalawang kamay ko na nakayakap sa plastic na may lamang mga gulay ay naipit ko sa dibdib ko.

Hindi ko mawari ang mga pinaparating na mga titig niya sa akin. Gusto kong bawiin ang tingin ko sa kanya kaso parang may kung anong enerhiya na naghahatak sa mata ko na tumingin sa kanya. Nahihipmotismo ako doon.

Umigting ang panga niya.

"Hey, baby girl." garalgal niya sa namamaos na boses. Ewan ko kung natural ba iyon o sadya niya. Parang nanghuhukay ang boses niya sa loob ng tiyan ko.

Ano iyon?

Kumurap-kurap lang ako sa kanya.

"Baby girl." muli niyang wika at kinumpas ang kamay na palapitin ako sa kanya.

"H-hindi po ako babae." naisatinig ko.

Pero parang di niya ako narinig at kiniling niya lang ang ulo sa akin.

Lumunok ako bago humakbang kaso dalawang hakbang lang ang nagagawa ko nang may humarang sa harap ko.

"Don't touch that baby doll."

Palikero siguro ang lalaking ito. Kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig niya.

Binigyan ako ng daan ng mga lalaki kaya naman sa natitirang lakas ng mga binti ko ay tumakbo ako doon sa lalaki.

Napapikit ako nang pagdating ko sa harap niya ay hinubad niya ang suot na dress shirt.

"I still have my undershirt on, baby girl."

Pumanting ang tainga ko nang bumulong siya doon sa tainga ko. Napasinghap ako doon dahilan para malanghap ko ang kanyang matapang at panlalaking amoy.

Nang imulat ko ang mata ko. Nakita kong sinampay niya ang dress shirt niya sa balikat ko.

"Don't turn around unless I say so, baby girl." aniya saka narinig ko na ang pagkakagulo sa likuran ko.

Mga sipa, suntok, tunog ng mga boteng nababasag at kung ano-ano pa ang naririnig kong mga kaganapan sa likuran ko.

Napapatalon nalang ako nang may nairinig akong katawan na bumabagsak sa sahig at parang may mga nababali pang mga buto.

Ilang minuto ang nakalipas ay wala na akong naririnig na mga sipa at suntok kaya naman umikot ako.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong ang ekstrangherong lalaki nalang ang natitirang nakatayo. Ngingiti na sana ako doon dahil mukhang panalo na siya kaso may lalaki pang nakatayo sa likod niya. Bumilog ang mata ko nang makita ko siyang may bitbit na boteng basag!

"S-sa likuran mo!" turo ko sa likod niya.

Naubos ang bilib ko sa ekstrangherong lalaki nang umikot sa ere ang katawan niya at saka sinipa ang lalaki sa leeg nito at tuluyan nang natumba at... nakatulog.

"Baby girl?"

Mula sa aking pagkatulala ay nagising ako doon sa tawag sa akin ng ekstrangherong lalaki.

Tiningala ko ang kanyang matayog na tindig. Mula sa kumurap-kurap na ilaw ng poste ay naa-aninag ko ang kanyang mukhang walang kapintasan. Kaso lang ay nasugatan pala ang kanyang kaliwang pisngi at may maliit na dugong tumulo doon. Saka ang gilid ng kanyang bibig ay may pasa rin.

"May... sugat ka po."

Muntik ko nang itaas ang kamay ko para haplusin ang kanyang pisngi. Mabuti at napigilan ko pa ang aking sarili sa walang kahiyaang iyon.

Naalala ko na nasa akin pala ang dress shirt niya kaya binigay ko iyon sa kanya.

"Ang damit niyo po." Pag-abot ko sa kanya. "Salamat po pala sa pagligtas ninyo sa akin."

"It's nothing baby girl." wika niya at humakbang tungo sa akin.

Napa-atras ako doon. Pero dahil mahahaba ang kanyang biyas naabot niya pa rin ako at niyakap niya sa katawan ko ang dress shirt niya na parang naging whole dress sa akin.

Napatingin ako sa kanyang suot na sando. Marumi na ito at may bakas ng dugo.

"You shouldn't wear short shorts and sleeveless shirt, baby girl."

Muli ko siyang tiningala. "H-h-hindi po ako babae."

"I know."

"E, bakit baby girl kayo ng baby girl sa akin." nakagat ko ang labi ko nang lumiit ang boses ko.

H'wag niya naman sanang aakalain na nagpapa-pabebe ako sa kanya.

"Because you looked like a girl, a baby girl."

Napalunok ako sa bikig na namumuo sa aking lalamunan. Hindi ko talaga alam kung bakit para akong kinikiliti kapag tinatawag niya akong baby girl.

"Aalis na po ako."

Tumalikod sa kanya.

"Let me drop you off at your house, baby girl." wika niya at sinabayan ako sa aking lakad.

Ngumuso ako at yumuko. Nakita ko ang kanyang sapatos na napaka-kintab. Siguro ay dayo ang lalaking ito. Hindi ko kasi siya namumukhaan.

Napatalon ako at naisiksik ko ang sarili ko sa kanya nang biglang tumunog at umilaw ang kotseng nasa harapan namin.

"Ay inay!" sambit ko sa gulat.

"Get in." iyong lalaki at pinagbuksan ako sa pintuan.

"Sa... sayo po ito?"

"Obviously, baby girl."

Kahit na may pagdadalawang isip at kaba sa akin ay sumakay pa rin ako doon sa kotse niya. Hindi ko pa pala alam ang pangalan nito pero sasakay na ako sa kotse niya.

Nang makasakay ako ay sumalubong kaagad sa akin ang amoy nang ekstrangherong lalaki at sa amoy palang ay parang mayaman na. Hindi naman siguro ako nito kikidnap-in, 'no?

Nakahinga ako ng maluwag nang nagpaturo siya sa akin sa daan tungo sa bahay ko.

Gusto kong magpalamun sa aking kinau-upuan nang subukan kong buksan ang pintuan ng kotse niya pagkarating sa amin kaso hindi ko iyon mabuksan.

"That's not the right one, baby girl."

Tumindig ang balahibo ko sa batok nang magsalita siya doon sa likod ko at sabay niyang binuksan iyon.

Muntik pa akong madapa pagkalabas ko dahil sa panghihina ng tuhod ko. Ano na ba ang nangyayari sa katawan ko ngayon? Masyado na yata akong naging malambot.

Nasa harap na ako nang mababa kong bakud at nilingon ko ang lalaki.

Napanguso ako nang makita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse at nakatanaw sa akin.

"K-kung... ayos lang po sa inyo. Pumasok m-muna po kayo para magamot ko po ang sugat ninyo bilang pasasalamat ko sa pagligtas ninyo sa akin... at sa paghatid sa akin."

Umangat ang gilid nang labi niya.

"Okay."

Kinuha ko sa bulsa ko ang susi sa aking bahay para mabuksan ang pintuang naka-lock.

Pagkapasok ko ay nilingon ko ang lalaki kung sumunod ba ito sa akin. Nakita ko siyang nakatanaw dito sa loob ng bahay. At napatingin sa pintuan. Mababa pala ang pintuan ng bahay ko kumpara sa kanyang tangkad. Pero tumuloy pa rin siya.

Hinubad ko ang dress shirt na kanyang pinasuot sa akin kanina.

"U-umupo ka muna. Kukunin ko lang ang medicine kit ko." saad ko sa kanya nang makapasok sa bahay.

Humaba naman ang nguso ko nang makita ko ang mata niyang lumibot sa buong bahay. Tapos ay nakita kong dumapo ang mata niya sa upuan na gawa sa kuwayan.

"Pasensya na."

"It's okay baby girl. Your house was so cute just like you."

Uminit ang mukha ko doon. Binaba ko nalang ang plastic na dala.

Tinalikuran ko na siya at hinanap ko ang medicine kit sa loob ng kwarto ko. Nakapag-project kasi kami nito last year.

Pagkabalik ko ay nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang naka-hubad na ang kanyang sando'ng puti. Nakasandal na siya doon sa kinau-upuan at nakatingali saka nakapikit ang mga mata. Binabalandra niya ang kanyang maputi at mala-pandesal na katawan. At kitang kita ko tuloy ang bukol sa kanyang lalamunan sa tuwing siya ay napapalunok. Nakutos ko ang sarili ko nang dumapo ang mata ko sa ibabang parte niya. Inay! Ang laki ng bukol doon!





***
Thank you so much for reading, Engels!🥰❤
Don't forget to vote, comment your thoughts, and share this story to your friends.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top