PROLOGUE

Prologue

Pinagpipisil ko ang kamay ko upang mabaling doon ang atensyon ko at di sa  kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Di ako makatingin ng deritso sa taong kaharap ko ngayon. Di man ako nakatingin sa kanya pero iyong titig niya na para akong ginagawan ng butas. Ramdam na ramdam ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

Napapalunok ako ng malalim. Nanlamig din ang kamay ko at pinagpapawisan pa ng husto dahil sa nararamdaman kong kaba at takot.

Ilang minuto pa naman ang lumilipas bago kami umupo ni Papa dito pero parang oras na ang lumipas para sa akin. Si Papa lang at ang ama nang lalaking kaharap ko na si Aziel ang nag-uusap. Kapwa kaming dalawa ay di nag-iimikan.

Of course, wala naman sigurong tao sa bansa ang di kilala ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Mr. Fabre na si Aziel Fabre. He is a businessman and a model kaya sikat na sikat.

"So, this is your youngest son, Gideon?" Mayamaya ay tanong ni Mr. Fabre kay Papa. Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Aziel. Ni-hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin sa akin ni Aziel. Yes, he may be don't know my existence pero ako kilala ko siya. Kilalang-kilala ko kasi isa ako sa humahanga sa kanya.

"Ah, yes. We talked a lot that I forgot to introduce my son." ani Papa.

Napaigtad ako nang biglang dumapo ang kamay ni Papa sa balikat ko at pinisil niya iyon.

"Senior Fabre, this is my youngest son Debie." pagpapakilala ni Papa pero ang ulo ko ay nanatiling nakayuko. "Umayos ka Debie. Wag mo akong ipahiya sa harap ni Senior." bulong ni Papa sa akin.

Napalunok ako at tumango kay Papa. Inangat ko ang ulo ko at tumingin doon sa Senior, kay Senior Fabre na matanda na at kitang-kita na ang puti nitong buhok. Sa kabila noon ay nakikita ko pa rin ang kakisigan ni Senior Fabre. Ngumiti ang Senior sa akin kaya matipid akong ngumiti at yumuko.

"M-magandang gabi po, Senior." pagbati ko.

"Such a fine and pretty man. Anyway, don't call me Senior, Debie. Just call me Tito or might call me Daddy." ani nang Senior na kinagulat ko.

"He got his features from his mother, Senior." Parang nagmamalaking saad ni Papa kay Senior. Pero ang utak ko ay nanatili pa rin sa sinabi ni Senior Fabre sa akin. Bakit nagsasabi siya ng ganoon sa akin?

"Don't get me wrong if I say you are a pretty man, hmm, Debie?" ani ng Senior.

Tipid ulit akong ngumiti at tumango.

Hindi ko naman sinasadyang mahagip ng mata ko si Aziel na madilim ang matang nakatingin sa akin. Ayaw kong tumitig sa mata niya pero para hinihila nang mata niyang kulay abo ang mata ko. Malalim ang kanyang mata na may pagkasingkit ng konti, matangos ang ilong at maputi ang kulay ng balat niya. Dahil sa kanyang kulay umaangat ang kulay ng labi niyang mapupula.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaharap ko ng personal si Aziel. Akala ko sa mga magazine o sa mga poster ko lang siya makikita at akala ko ay sa mga pictures lang mapupula ang labi niya dahil sa make-up at photoshop. Ngunit sa personal ay mas guwapo pala siya at nakaka-intimidate siya tingnan. Sa mga magazine na nakikita ko bihira lang siya ngumiti o mabuting sabihin ko na lang na di siya ngumingiti sa camera pero iyon ang asset niya. Dahil doon marami ang nahuhumaling sa kanya at umi-idolo. Kaya nga isa na rin ako doon pero palihim lang.

Bumaba ang mata ko sa leeg niya na tumataas-baba ang kanyang Adam's Apple. Muling bumalik ang mata ko sa kanyang mukha at napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa tingin niya sa akin. Para niya talaga akong pinapatay sa mga titig niya.

Sa mga interview ay halata naman ang kasupladuhan ng mukha pero di ko naman aakalain na ganito siya kalala. Na para na niya akong pinapatay sa titig niya.

"Oh, right. Debie meet my son, Aziel."

Napatingin ako kay Senior bago kay... Aziel. Tipid ang tango na binigay ni Aziel sa akin at di pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya tinanguan ko rin siya.

I've never know na sa ganitong paraan ko makikilala si Aziel, ang taong hinahangaan ko ng lubos.

Nagpasalamat ako nang dumating ang main course namin at lahat ng atensyon namin ay nabaling sa pagkain. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko at sasabihin ko.

Nang matapos namin ang aming main course. Nagpunas ako sa bibig ko gamit ang table napkin at sumipsip sa wine.

"Mr. Trazon, does your son know already why we are here?" tanong ni Senior Fabre kay Papa.

Tumawa si Papa. "Oo naman, Senior."

Napatingin ako kay Papa nang may pagtatanong. Wala naman kasi siyang binanggit sa akin na kahit ano. Ang sabi niya lang sa akin nang umalis kami sa bahay ay may dinner daw siya kasama ang kaibigan niya at isasama niya ako. Hindi ako laging inaaya ni Papa sa mga ganito kaya noong sinabi niya sa akin na isasama niya ako ay lubos akong matuwa.

Gusto kong kilabitin si Papa at tanungin kung ano ba talaga ang sadya namin dito. Pero kung ano man iyong sadya namin dito kinakabahan ako sa di ko malaman na dahilan.

"That's good to hear." si Senior. "So you both know that you are here because you are bound to marry each other. And take this time to get to know to each other." masayang anunsyo ni Senior Fabre na kinalaki ng mata ko. Nagusot ko ang suot kong slacks.

Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Senior Fabre. Tututol na sana ako. Handa na sana akong tumayo at umalma sa kanyang inanunsyo nang hawakan ni Papa ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Tumingin ako kay Papa ng may pagtatanong, pagtataka, at pag-aalma.

"Wag mo akong ipapahiya, Debie. Kahiya-hiya ka na nga sa pangalan ko. Idadagdag mo pa ba ito? Kung ayaw mong masaktan susunod sa gusto ko. Kung sasabihin kong magpapakasal ka. Magpapakasal ka." bulong ni Papa sa akin nang may diin. Ang pagkakahawak niya rin sa kamay ko ay humigpit.

Alam na alam ko kung ano ang tinutukoy na Papa Gideon na kahiya-hiya. Pero bakit niya sa akin binubunton ang pagkakamali niya? Wala akong kasalan. Siya ang may kasalanan pero bakit ako pinaparusahan niya ng ganito?

"Pero Pa... ano pong ikakasal? Bakit niyo po ako ipapakasal sa isang lalaki? Pa, ayaw ko po." Pakiusap ko kay Papa pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa kamay ko hanggang sa napakislot ako sa diin n'on.

"Is everything alright?" sa tanong ni Senior Fabre na nagpabitiw doon sa pagkakahawak ni Papa sa kamay ko.

Bumaling si Papa sa Senior at napatayo naman ako sa gulat ng biglang masagi ng kamay ko ang wine glass at natumba iyon saka natapon ang maliit na laman n'on.

"Damn." rinig kong mura ni Papa.

"Debie, are you okay? Nabasa ka ba?" tanong ng Senior sa akin.

Yumuko ako sa kanina at sumambit, "M-magc-cr lang po ako." paalam ko at tinalikuran sila doon.

Agad akong pumasok sa male restroom at nahabol ko ang hininga ko at pumunta doon sa may handwashing. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin na namumutla at pinagpapawisan.

Binuksan ko ang gripo saka naghilamos. Pagkatapos king maghilamos ay napahawak ako sa sink ng mahigpit.

Di ko lubos maisip na ako. Ikakasal sa isang lalaki? Pwede ba iyon? Saka bakit ako ipapakasal ni Papa doon? Saka iyong lalaki, si Aziel pumayag siya dito? Bakit kanina di siya nagreklamo? O umalma man lang sa sinabi ng ama niya? Ibig ba sabihin n'on alam na niya ito?

Hinahangaan ko si Aziel pero di naman iyon umabot sa punto na gusto ko siyang pakasalan. At anong kahibangan ito? Lalaki ikakasal sa kapwa lalaki? Anong mapapala nila dito? Saka, meron bang ganito? Pwede ba ito? O kami lang ang ganito?

Bumuntonghininga ako at kumuha ng tissue saka nagpunas sa mukha ko at kamay. Lalabas na sana ako ng banyo ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Aziel doon. Pabagsak niyang sinara ang pintuan ng CR at narinig ko ang pag-lock niya doon.

Di ko namalayan na napaatras ako nang maglakad patungo sa akin si Aziel na nandidilim ang paningin.

"Why didn't you complain about the damn marriage, huh." sulubong niya sa akin.

Ang ugat sa leeg ni Aziel ay halos sumabog na sa pagpipigil niya. Sa nanlilisik niyang mata ay parang gusto na niya akong tisirin at ibaon dito sa kinatatayuan ko.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "A-anong... A... ziel. Kung ayaw mo dapat ay nagreklamo ka rin-"

"If only you did. I will too. Only if you complain, I will got your back but didn't! You just fucking stare at them and do nothing!"

Napamaang ako. Di ako makapaniwala na ang sama-sama ng ugali ng taong hinahangaan ko. Di ako makapaniwala na humanga ako sa isang tao na ang kitid ng utak. Di ba niya ako nakita kanina? Di ba niya naramdaman ang pagkagulat, bigla, at pagkalito ko? Alam ko na naman na malamig na talaga tingnan ang mukha niya sa TV pero di ko aakalain na ang babaw niyang mag-isip. Parang sarili lang niya ang iniisip niya!

"Aziel, kung ayaw mo bakit di ka nga magreklamo at pinigilan ang ama mo. Siguro gusto mo rin ito!" sigaw ko sa kanya.

Napapikit ako ng inangat niya ang kamay niya. Akala ko ay sasampalin na niya ako sa pagsigaw ko sa kanya pero walang kamay na dumating sa mukha ko.

Binuka ko ang mata ko at nakita kong kinuyom ni Aziel ang kamay niya. Humakbang siya papalapit sa akin at ako naman ay napapaatras hanggang sa ma-corner niya ako sa sink.

Doon sa sink dumapo ang kamao niya.

"Huh? Do you really think I like this fucking thing?! I'm not ready to settle down. I'm not ready to settle down with a woman. What more if a man? Dammit!" He mocked me.

"Azie-"

"Go back there and tell them that you don't want this." utos niya sa akin. Bawat salita niya niya ay may halong diin.

Magsasalita na sana ako sa kanya nang bigla kong maalala ang sinabi ni Papa sa akin. Nahila ko ang dila ko sa sasabihin ko sana.

"What now?" aniya.

"D-di ko kaya."

"Ridiculous! So you want to marry me?!" sarkastiko niyang sigaw sa akin.

"K-kung iyon ang gusto nila Papa... wala akong magagawa dyaan, Aziel."

"Bullshit!" napahilamos na lang si Aziel sa kanyang mukha at napasuntok sa sink sa likod ko. "Fuck. Fuck. Fuck." Mura niya habang sumusuntok doon sa sink.

Ilang saglit pa ay biglang hinawakan ni Aziel ang magkabilang balikat ko ng sobrang higpit. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya saka napangiwi. Halos madurog ang balikat ko sa pagkakahawak niya.

"A-aziel..."


"You. You will fucking regret this."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top