EPILOGUE

Epilogue


Debie Pov

"Hi! Hello po! Hehehe!"

Lumapad ang ngiti sa mga labi namin ni Aziel nang makita namin kung gaano ka-hyper at kakulit ang anak namin ngayon.

Nandidito kami ngayon sa Angel's Restaurare. Finally, after a couple of months ay nakauwi na rin kami dito. Aziel and I already talk about this. Naging mahirap sa amin ni Aziel ang pagbalanse sa aming trabaho dahil pinasa na ni Daddy Azrael ang kompanya kay Aziel at ako naman ay may trabaho rito. At nakapagdesisyon kami ni Aziel na lumipat ako doon sa Manila kung saan ang negosyo nila.

Hindi naman ako titigil sa pagtatrabaho dito. Mag-iiba nalang ang routine ng work days ko. Isang linggo akong magtatrabaho dito tapos isang linggo naman ay lilipat ako sa Manila. Sinabi nga sa akin ni Roswell na ayos lang naman daw na huwag na kong magtrabaho dito as a chef kaso ito kasi ang gusto ko. Ito ang passion ko. Pinayagan nga ko ng asawa ko tapos siya pipigil sa gusto ko.

Si Aziel din ay bumili ng lupa dito para makapagpatayo kami ng bahay dito sa Monti Alegri. At para may vacation house rin kami dito.

"Oh my! Ang cute naman ng anak ninyo, Deb. Mabuti at di nagmana kay Aziel." saad ni Kezi na kinangiwi ni Aziel.

Tumawa ako doon. Oo nga. Mabuti na nga dahil wala pa namang filter ang bibig nitong asawa ko.

Timing na nagbakasyon dito sina Kezi at ang asawa niya na si Kaden. Kaya nagkakilala kami at naipakilala na rin namin sa kanila ang anak namin. At nakuwento pa ni Kezi sa akin na minsan na daw siyang tumawag kay Aziel at ako raw ang nakasagot dito. Iyon daw ang time na ikakasal na siya at iimbitahin niya sana si Aziel. At naalala ko nga iyon. Nakakatuwa. Ang liit nga naman ng mundo para sa amin.

"I'm Denziel Fabre po!" Dahil pinuri masyadong nagpapabilib at nagpapa-cute ang anak namin.

"Oh my! Can I hug you, baby?" ani Kezi at parang gigil na gigil sa bata.

"Opo!"

Nagulat ako nang biglang tumayo ang anak namin sa pagitan namin ni Aziel at binuka pa ang kamay sa kanila ni Kaden at Kezi.

Tumayo naman si Kaden at kinuha ang bata. May mesa kasi sa gitna namin.

"Kailan kaya tayo magkakaganito, hon?" si Kezi at pinugpog ng halik si Denziel.

Denziel loves attention kaya gustong-gusto niya ang ginagawa ngayon ni Kezi sa kanya. Gusto rin ng anak namin ni Aziel na bini-baby siya kaya ganyan. Nagpapalambing din at nagpapa-baby ng husto.

"Soon, hon." ani naman ni Kaden at humalik din sa anak namin.

Matagal nang mag-asawa sina Kaden at Kezi pero di pa rin sila binibiyayaan ng anak. Sabi nila ginagawa na naman daw nila ang lahat. Lahat ng recommend ng doctor at pati sa mga quack-doctor ay nagkonsulta na rin sila kaso wala pa rin. Pero subok pa rin naman sila ng subok para magka-anak.

Si Kaden kasi ay gusto na rin ng anak para na rin daw may ingay sa bahay nila at si Kezi naman ay ganoon din.

"Wala pa po kayong baby?"

Tiningala ni Denziel si Kezi kung saan siya naka-kandong.

"Yes, baby." si Kezi saka napapingot sa ilong ni Denziel.

Humagikhik naman si Denziel.

"Want na want niyo po ng baby?" segundang tanong ng anak namin na sinagot naman ni Kaden.

"Oo, baby Denziel."

Umalis si Denziel sa kandungan ni Kezi saka ito tumayo sa pagitan nina Kaden at Kezi. Pinanood lang namin ni Aziel ang anak namin na nilagay ang mga kamay sa kanyang baywang at taas-noong tumingin sa aming dalawa ni Aziel.

"You should do what my daddy and mimi do, Tita Kezi and Tito Kaden."

Nanlaki ang mata ko doon sa sinabi nang anak. Pinanlakihan ko ng mata ko si Aziel kaso aliw naman na aliw siya kakatingin sa anak. Mukhang proud pa ang lalaki sa ginagawa ng anak namin!

"Anak h-halika na dito kay mim--"

"Ano ba ang ginagawa ng daddy at mimi mo baby Denziel?" putol na tanong sa akin ni Kezi dito. Kinindatan niya pa ako.

"My daddy and mimi always practice making my baby sister and baby brother!"

Gusto ko nalang mag-evaporate sa lugar. Gusto ko nalang bumuka ng kusa ang kina-u-upuan ko para lamunin ako dahil sa sinabi ng anak. Minsan talaga gusto ko nalang na tahimik itong anak ko. Minsan pahamak din talaga ang madaldal na anak.

"B-baby Denziel."

"They're always practicing, baby?" natatawang tanong ni Kaden at tiningnan kami ni Aziel. Ang asawa ko namang magaling ay mukhang proud pa doon. Naka-cross lang ang braso niya sa harap ng dibdib at ngumingiti habang pinagmamassan ang anak.

Bumaling si Denziel kay Kaden. "Yes! That's what my daddy told me, but Tito Kaden wag po ninyong pagurin si Tita Kezi, she's so mapayat po."

Nakiliti ni Kezi doon ang anak ko kaya ang buong restaurant ay napuno ng tawa ni Denziel.

Binigyan ng ice cream ni Kaden si Denziel na nasa tabi nila kaya tumahimik ito. Pagkain lang talaga ang nakakapagpatahimik sa anak naming ito.

"Anyway, Deb, Aziel, birthday ni Kaden sa Linggo kaya iimbitahan sana namin kayo na pumunta." si Kezi habang sinusuklay ang buhok ni Denziel.

Gustong-gusto talaga ni Kezi ang magkaanak. Nakikita ko sa kanyang mukha ang kagustuhang magkaanak kaso wala pang dumadating na para sa kanila.

"Sa bahay ninyo, dude?"

Umiling si Kaden kay Aziel.

"Sa Club Ferrier lang namin, dude."

"Wow! May swimming pool Tito Kaden?" singit ng anak namin ni Aziel.

Ngumiti si Kaden. "Yes, baby."

"Wowww!! That's baby Denziel favorite!"

"Dalhin ninyo ito, ha."

"Hmm, sige." sagot ko kay Kezi.

"Hala! Wala pa pala akong damit pang swimming pati na si Denziel."

Lumaki na kasi si Denziel kaya di na siguro niya kasya ang dating mga swimwear niya.

"Don't worry about Denziel's swimwear and everything Deb. Ako na ang bibili ang para sa kanya. Kung magsh-shopping kayo. Damit mo nalang ang bilhin ninyo." pagboluntaryo ni Kezi.

"Nakakahiya naman 'yan Kezi."

"No, gusto ko ito Deb. Gusto kong magshopping at bumili ng mga kids wear."

Pumayag na kami doon ni Aziel dahil pati si Kaden ay nakiusap na rin na sila na ang bibili ng damit para kay Denziel.

---
Nang makauwi kami ng Manila ni Aziel ay inulan ako nang text ni Renna. Nagalit na hindi man lang daw ako nagsabi na umuwi ako ng Monti Alegri. She stay here in Manila na kasi... sa bahay ng asawa niya na dati'y ayaw na ayaw niya. Inalo ko nalang ang babae na magbo-bonding din kami soon. Kaya ayon nahimas-masan naman.

Ngayon ay nandidito kami ni Aziel sa mall. Kasama namin sina Daddy Azrael at Mama Sarah pero nasa ice cream parlor yata sila kasama ang apo.

Kami naman ni Aziel ay namimili ng mga damit na maaaring dalhin namin sa three days and two nights na birthday celebration ni Kaden. Namiss ko rin ito. Namiss ko rin ang dagat!

Si Aziel ay namimili rin ng sa kanya kaya naman lumayo ako sa lalaki at lihim akong pumunta sa section kung nasaan ang mga two piece swimsuits at one piece. Nakapili na ako ng ilang shorts at mga damit pang-itaas. Gusto ko lang itong subukan. Mga limang swimsuits ang napili ko.

Sinilid ko na iyon sa dala-dala kong cart nang may humarang doon. Magrereklamo na sana ako nang makita kong ang asawa ko pala iyon at... nakatitig siya doon sa mga napili kong mga swimwear.

"M-mal may napili ka na bang mga damit mo?"

Tumaas ang kilay niya.

"What are these mal?"

Mabilis kong inagaw sa lalaki ang isang swimsuit na kulay blue nang itaas niya ito.

"Ano ba 'yan mal!"

"Ano ito Debie Fabre?"

Umirap ako sa kanya.

"Dios ko naman mal. Ano pa ba? Huwag ka ngang pa-inosente sa akin Aziel-Rigg. Alam kong alam mo kung ano ang mga ito." argumento ko sa asawa ko.

Marahas siyang huminga.

"Ito ang susuotin mo doon sa resort?"

"Aba'y ano pa ba mal? Dios ko! Alangan nama'g isuot ko ito pang-gala dito sa mall?"

"Tàngìna, mal. Walang magsusuot ng ganito."

"Ako ang magsusuot Aziel-Rigg. Hindi ikaw."

"Exactly my point my dear husband."

"Aysus! Huwag ako mal. Baka nga noon kapag may nakikita kang nagsusuot ng mga bikini ay lumuluwa din 'yang mga mata mo!"

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at napahilamos sa kanyang palad.

"Bakit umabot dito ang usapan natin mal?"

"Ikaw kasi. Bakit hindi mo ako hinahayaang magsuot ng two piece swimsuit, minsan lang naman." katarungan ko.

"Ayaw kong may ibang nakakakita sa kung ano ang akin, Debie Fabre. Ako lang dapat nakakakita ng balat mo. Fùck! Makakatusok ako ng mata kapag may tumiti--"

"Tumigil ka Aziel-Rigg. Akala mo talaga sobrang ganda ko na dahil may tititig sa akin."

Umismid siya.

"Tsk! Di mo lang alam, mahal. May gusto nga iyong kaibigan mo sayo." labas sa ilong niyang wika.

Dios ko naman! Hanggang ngayon ay pinagseselosan niya pa rin talaga si Roswell.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Ito naman. Payagan mo na ako, mal. Nagsusuot naman ako ng ganito para sayo." pag-uuto ko dito.

"Talaga?"

"Oo, po." aniko at tumingkayad para maabot ang labi niya. Haha! Itong lalaki na ito. Nagpauto na naman!

Pagkatapos naming magbayad doon ay agad naman naming hinanahap ni Aziel ang aming mga magulang. Kung saan-saan na naman nagsusuot ang mga iyon. Tapos kapag may makikita ang apo ay bibigay din kaagad. Masyado talagang spoiled si Denziel sa kanyang lolo at lola. Maging sa kanyang mga ninang at ninong.

"I-text mo nga mal kung nasaan na sila ngayon." utos ko sa asawa ko na nakahawak ang kamay sa akin habang hinahanap namin ang aming mga magulang.

"Wait," binitawan niya ang kamay ko at tumigil kami para i-text niya sina Daddy Azrael.

Mayamaya ay nagsalita ulit si Aziel.

"Nasa toy store sila mal."

Tumango ako sa kanya. Ano pa bang bago dito?

---
Dumating ang linggo at sa iisang van lang kami. Pati sina Daddy Azrael at Mama Sarah ay kasama pala namin. Linggo ngayon at sa martes pa kami uuwi.

Pagkarating namin doon ay agad naman kaming sinalubong nina Kaden at Kezi na ang sweet sa isa't isa. Anak nalang talaga ang kulang sa kanila.

Naghiwa-hiwalay na kami nina Mama Sarah. Bali tatlong rooms ang ma-a-akupa namin, kay Mama Sarah, Daddy Azrael tapos sa amin ni Aziel.

"Hiramin namin si Denziel, ha. Ako na rin magbibihis dito." paalam ni Kezi.

Ang wala namang hiya naming anak ni Aziel ay agad ding nagpabuhat kay Kaden. Tingnan mong pwedeng-pwede lang na kidnap-in ang anak namin.

"Sige."

Hinalikan ko ang anak. "H'wag malikot kasama sina Tita Kezi, baby, ha."

"Yes, mimi!"

Kinuha na ni Aziel ang kamay ko saka ako hinila patungo sa elevator. Pagkapasok namin sa elevator ay natampal ko ang dibdib ng asawa ko ang sunggaban ba naman niya ang labi ko.

"Tumigil ka nga, mal." supil ko dito.

"Why?" hinapit niya ang baywang ko.

"Nasa loob tayo ng elevator Aziel-Rigg. Baka ina-akala mo na natin kwarto itong napasukan natin."

Tumawa lang siya at kumagat sa leeg ko.

Pagkarating namin sa aming kwarto ay napangiti ako nang buksan ni Aziel ang makapal na kurtina dahil bintana noon ay naharap sa dagat at makikita rin mula sa aming kwarto ang malaking pool sa baba. Malaki ang room at may sarili pang living area na may flatscreen TV.

Nagkuha ako ng masusuot ko sa isa sa mga bagahe na dala namin.

"Mal, magbibihis lang ako." paalam ko sa asawa ko na siya nang nag-arrange sa aming mga gamit.

"Hmm."

Pagkapasok ko sa banyo ay agad naman akong nagbuhad saka kinuha ang dinala kong pangbihis na damit pang-dagat.

Ngumiti ako nang itaas ko ang panty at bra na kulay baby blue, may laces ang mga iyon. Sa totoo lang ay first time kong magsusuot ng ganito at kinakabahan ako. Ngayon lang din naman ako nagkaroon ng lakas ng loob saka para rin ito sa asawa ko 'no. Ayaw ko naman na tumitingin siya sa iba dito na nagt-two piece lang. Kapag nagkataon ako pa talaga ang tutusok sa mata ng lalaking iyon kapag tumingin iyon sa iba tapos nandidito naman ako.

Una ko nang sinuot ang panty at tinali ko ang laces noon sa magkabilang gilid. Tumingin ako sa salamin at na-satisfy naman ako doon. Nahaplos ko ang parte ng tiyan ko kung saan lumabas ang anak namin. Hindi na naman iyon masyadong halata dahil parang naging natural na ang kulay noon kaso kapag tititigan mo talaga ay makikita mo ang piklat doon.

Tumalikod ako at nakita ko ang mga piklat ko doon. I smiled. I'm not ashamed of having scars. Actually, I'm proud of them. My scars symbolize my bravery, boldness, and battles in life, mga laban na naipanalo ko.

Marami na akong pera ngayon at kahit noon man ay ipapatanggal sana ni Aziel ang mga piklat ko kaso ayaw ko. Parte na ito sa pagkatao ko. At gaya ng sabi ko sumisimbolo ito sa aking mga laban noon.

Lumabas ako sa banyo at nakita ko ang asawa ko na nakahiga sa kama at nakatanaw sa ceiling. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Nakabihis na rin siya.

"Mal," kuha ko sa atensyon niya.

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga niya at nanlilisik ang mata sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya at lumapit sa kama. Umupo ako sa gilid no'n at tumalikod sa kanya.

"Paki tali naman, mal." utos ko dito.

Hindi ko kasi matali ang laces ng bra sa likod. Mahirap.

Umungot ang asawa ko pero naramdaman ko naman ang pag-usog niya sa direksyon ko.

"Ang galing mong patigasin ako, mal. Gusto mo yatang di makalabas sa kwarto ngayon."

Ngumiti ako.

"Mamaya na 'yan. Kahit punitin mo pa." biro ko dito.

Umungol siya.

Nang matapos siya sa pagtali doon ay tatayo na sana ako upang humanap ng short sleeves na shirt niya para ipatong ko dito sa suot ko para makalabas na rin kami nang hilahin niya ako at pinid sa kama.

Kumababaw siya sa akin at matatalim akong tinitigan sa ilalim niya.

Hinaplos ko ang tiyan niyang matigas at umiigting na ang mga masels.

"Pupuntahan pa natin ang anak natin, mal."

"Pupuntahan natin pero inaakit mo ako, mal."

Nagpatay malisya ako doon. "Hala wala akong ginagawa dito mal."

Inirapan niya lang ako saka sinugod ng halik ang leeg ko. Syempre si Aziel pa ba ang hindi makakaisa sa akin? Kaya ayon umabot kami ng ilang oras sa kwarto bago nakalabas. Umi-score pa, e.

Suot ko ang two-piece kanina na pinatungan ko ng short sleeves shirt ng asawa ko samantalang siya naman ay naka-board short at short sleeves shirt na naka-bukas ang tatlong butones saka sabay kaming lumabas sa aming silid. Magkapareho ang suot naming shirts na kulay puti at may maliit na bulsa sa kanang bahagi ng dibdib-an nito.

Nang makalabas kami ni Aziel sa kwarto ay medyo madilim na. Hinanap na namin ni Aziel kung saan na ang anak namin. Una namin itong hinanap sa pool kaso wala naman doon. Hanggang sa lumabas na kami at napumunta kami sa dalampasigan.

May nakita akong isang banda nang mga mang-aawit sa kalayuan na naghanda. Nasa isang stage sila na nakaharap sa dagat at nag-aayos sila sa kanilang mga instruments.

Nang magpatugtog sila sa isang kanta na familiar sa akin ay napa-hum ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng asawa ko.

"Do you know how to sing that song, mal." tanong ni Aziel na napatingin na rin sa aking tinitingnan.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo."

"Nice." saad niya lang at saka ako hinila patungo doon.

"Mal,"

Hindi binibitawan ni Aziel ang kamay ko hanggang sa maka-akyat kaming dalawa doon sa stage kung saan iyong mga lalaking nag-aayos sa kanilang instrumento.

Napatingin ako sa harap ng stage na may iilan na palang mga tao at bukas na rin ang mga maliliit na ilaw sa paligid.

"Can you play this song again?" untag ni Aziel sa lalaking may hawak na electric guitar. Tinutukoy niya ang music na siyang kasalukuyang nakatugtog.

"Yes, sir."

Ngumiti si Aziel sa akin bago bumaling ulit sa lalaki.

"Can I also borrow two microphones?"

May lalaking lumapit kay Aziel at binigyan siya nito ng dalawang microphone.

Nagpati-anod ako kay Aziel nang hilahin niya ako sa gitna ng stage. Napatingin tuloy ako sa aming harapan na unti-unti nang dumadami ang mga tao.

"M-mal."

Hindi ko maiintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon.

"Can we sing this song together, mal?" aniya at binigay sa akin ang isang microphone.

"Mal."

"Please?"

Napalunok ako. Nababahala ako dahil nakaka-ani na kami ng mga audience. Dios ko naman! First ko yatang kakanta na may maraming live audience at may banda pa. Pero nandidito naman ang asawa ko.

"S-sige."

Ngumiti si Aziel at sumenyas sa lalaki na naka-usap kanina.

Para akong tanga dahil habang nagsisimula na ang tugtog ay naluluha ako sa di ko malaman na dahilan. Kakanta kang naman kami ni Aziel pero bakit ako naiiyak. Siguro dahil panaginip ko lang ito noon? O baka dahil dati ay hinahangaan ko lang si Aziel pero ngayon hawak ko na ang kamay niya.

Aziel: I remember when I met you, I didn't want to fall
I thought my hands were shaking 'cause you looked so beautiful

Habang kinakanta iyon ni Aziel ay parang sinasabi niya iyon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bawat linya. Tumatagos sa akin ang bawat salitang binibitawan ni Aziel

Ako: I remember when you kissed me, I knew you were the one
And oh my hands were shaking when you played my favorite song

Parang nagpa-flashback ang lahat sa akin nung unang gabi na magkasama kami ni Aziel pati na iyong unang halik naming dalawa. It was only for a brieft kiss, but I was over the moon. Crush ko lang kasi siya dati, e.

Aziel at Ako: I don't know why
But every time I look into your eyes
I see a thousand falling shooting stars and yes I love you

Aziel: I can't believe that every night you're by my side

Aziel at Ako: Promise I'll stay here 'till the morning
And pick you up when you're falling
When the rain gets rough, when you've had enough
I'll just sweep you off your feet and fix you with my love
My only one
My only one

Aziel: Tell me how you do it
I can barely breathe with the smile you get
You get the best of me and all I reall want is to give you all, of me

Ako: Tell me how you do it, how you bring me back
You bring me back to life then make my heartbeat stop
I can't take it

Aziel at Ako: I don't know why
But every time I look into your eyes
I see a thousand falling shooting stars and yes I love you
I can't believe that every night you're by my side

Hinila ni Aziel ang kamay ko tungo na hawak niya tungo sa kanya at agad iyong yumakap sa katawan ko.

Habang kumakanta kami ay di niya binabaling sa iba ang kanyang mata. Nakatitig lang siya sa mukha ko at nagnining-ning ang kanyang mga mata.

I really love how those gray orbs shine for me. I really love how Aziel looks at me like I am the most beautiful person he has ever seen.  

Parang kami nalang dalawa ang nanadidito ngayon sa lugar. Parang solo na namin ang oras at ang lugar. Parang nakatingin sa amin ngayon ang nga bituin sa langit, parang ang kalawakan ay nakikisabay sa saya ng aming nararamdaman ngayon.

Aziel at Ako: Voy a cuidarte por las noches
Voy a amarte sin reproches
Te voy a extrañar en la tempestad
Y aunque existan mil razones para renunciar

Aziel at Ako: Promise I'll stay here 'till the morning
And pick you up when you're falling
When the rain gets rough, when you've had enough
I'll just sweep you off your feet and fix you with my love
My only one, there's no one else
My only one, there's no one else
You are my only one
It's just there's no one else, ouh, uoh

Napatigil na ako sa pagkanta nang dahan-dahang niluhod ni Aziel ang isa niyang tuhod. Dumausdos ang kamay niya na nakayakap sa akin kanina at humawak iyon ulit sa kamay ko.

Ang kamay ko na may hawak sa microphone ay naitakip ko sa bibig ko ang likod n'on habang tinitingnan ko si Aziel na nakaluhod na sa harapan ko. Patuloy na sa pag-agos ang luha ko.

My only one
My only

"Mal,"

Nagpatuloy ang mahinang tugtog ng musika.

Ngumiti lang siya sa akin at may dinukot sa bulsa ng kanyang board shorts. Isa iyong maliit na box at kulay pula. Nang buksan niya iyon nakita ko ang isang singsing doon na kumikinang ang malaking kristal sa gitna.

"Mal, I didn't mean to fall for you. I didn't mean to love you. But falling in love with you and loving you was the most beautiful and wonderful thing that ever happened in my life. I will always be thankful to Daddy for bringing you into my life, mal. I'll promise to pick you up when you're falling; when the rain gets rough and everything gets rough, I'll promise to be on your side and always be on your side to fix you up, just like the song says, mal. I'm more than willing to sweep you off your feet if only you'll allow me to, Deb. And now, I'm bending my knees in front of you, in front of all the many people. Mal, I am surrendering myself, my soul, my everything to you right now. I cannot offer anything to you, mal, aside from my love and myself, but here I am bending my knees and asking you if you will allow me to marry you again for the second time around. Deb, mahal, will you marry me?"

Humahagulhol ako at tumango sa kanya. Binaba ko ang microphone saka pinantayan ko ang pagkakaluhod niya.

Tumango ako sa kanya.

"Oo, mal. Oo magpapakasal ulit ako sayo kahit ilang beses pa."

Tumulo ang luha niya at binaba rin ang kanyang microphone. Kinuha niya ang singsing doon sa lalagyan nito at nanginginig pa ang kamay sa pagsuot ng singsing sa ring finger ko.

Mahabang halik ang binigay niya sa aking kamay kung saan niya sinuot ang singsing.

"Thank you, mal. Thank you so much. I love you so much."

"I love you, mal. I love you too."

Pinakawalan niya ako at humalik sa labi ko.

"I love you more, Debie Fabre."

Tango ako ng tango sa kanya.

Nabaling ang atensyon naman ni Aziel nang marinig namin ang sigaw ng aming anak mula sa mga audience. Nakita ko doon sina Mama Sarah, Daddy Azrael, si Renna kasama ang asawa nito, si Roswell, sina Vicente at Caroll na kasama din ang asawa.

"Yehey!"

Tumakbo ang anak namin patungo sa stage at agad namang inalalayan ni Kezi paakyat.

"Congratulations, daddy." humalik ito sa pisngi ni Aziel.

"Congratulations, mimi!" at humalik din sa akin.

"Thank you baby namin." sabay kami noong ni Aziel at inipit ng yakap ang anak.

"It was a successful mission, Daddy! Baby Denziel was so proudddd of you!" ani nang anak namin matapos ang yakapan.

Kumunot ang noo ko doon.

"Pinlano mo ang lahat ng ito?" Tumango si Aziel. Tumingin ako sa mga taga-tugtog. "Pati sila?"

"Yes, mal. Kaya nga inantala kita doon sa kwarto kanina."

Umakyat ang init sa mukha ko.

"Sira!" tinampal ko ang balikat niya.

"Papaano mo nalaman na alam ko iyong kanta?"

Tumingin si Aziel sa aming anak.

"I asked our baby."

"I told daddy, mimi na lagi kang nakikinig sa song na 'yon way back in our old home." Tinutukoy ng anak ko ang tahanan namin sa Monti Alegri.

"Mabuti at alam mo rin iyon, mal." saad ko kay Aziel.

"No. Hindi ko alam mal. Pero kapag wala ka sa bahay doon ako nagpapractice. Ang hirap pa dahil hindi talaga ako mahilig sa music."

Ngumuso ako. "But you sang it well."

Inabot nag mukha ko at hinaplos.

"I just want the best for you, mal. Only the best for you."

Nagkayakapan ulit kaming tatlo dito sa stage at ilang saglit pa ay umulan na ng fireworks sa kalangitan.

Tumingin ako kay Aziel na buhat ang anak namin at nakayakap ang isang kamay sa baywang ko.

"I love you, mal."

Humalik siya sa noo ko.

"I love you more, mal."

***
The End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top