CHAPTER 8
Chapter 8
Debie Pov
Nang sumunod na gabi ay maagang nauwi si Aziel. Noong nakaraang gabi ay di ako nakapagpaalam sa kanya na gusto kong dalawin ang mama Sarah dahil doon sa konting rebelasyon na nangyari. Nalaman pa tuloy ni Aziel ang nga ginawa nina Tita Mikee at Papa Gideon sa akin na kinabahala ko. Nag-aalala ako dahil baka malaman nila Papa at mawalan ng financial support si Mama. Pero nagtitiwala naman ako kay Aziel na hindi siya magsasabi sa kung sino-sino tungkol doon sa napag-usapan namin noong nakaraang gabi. Saka bakit naman ipagkakalat iyon ni Aziel? Ayaw niya ngang may makaalam na kasal kami.
Ngayon na alam na ni Aziel ang sitwasyon ko ay kampante na akong magsuot ng tshirt at shorts kasi wala na akong tinatago sa kanya. Hindi na ako nagp-pants at laging nakajacket.
Pagkatapos kung magsipilyo ay lumabas ako ng banyo at nakita ko si Aziel na nakatalikod sa gawi ko dahil nakaharap siya doon sa closet niya at mukhang naghuhubad sa polo niya.
"Aziel." Ani ko at umakyat ako sa kama. Umupo ako saka nagkumot sa paa ko.
Hinarap ko ang nakatalikod na si Aziel.
"Hmm." Anito.
"Bukas... wala naman akong gagawin. Kaya... sana pumayag ka na u-umalis ako saglit dito sa bahay."
Humarap si Aziel sa akin at napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang maskulado niyang katawan. Iyong dibdib niyang simpleng sumisilip sa polo'ng nakabukas at iyong six-pack abs niya at iyong V-line niyang umuusli sa ibaba. Uminit ang pisngi ko at tainga.
"Saan ka pupunta?" tanong niya kaya naman tumingin ako sa mukha niya dala-dala ang pamumula ng mukha ko.
"Sa ospital lang sana..."
"Hospital?" tumaas ang kilay niya. Saka nagmartsa tungo sa kama ko at kinuha ang kamay ko.
"A-aziel."
"Are you hurt somewhere? Why are you going to the hospital?" sunod-sunod niyang tanong sa akin at binitawan ang kamay ko.
Akmang itatalikod niya ako pero pinigilan ko na siya at nagsalita.
Yumuko ako upang maiwasan ko ang nanlilisik na mata ni Aziel. Nananakot naman siya.
"Dadalawin ko ang mama ko, Aziel. Matagal na akong di nakakadalaw kay Mama. Namimiss ko na ang mama ko Aziel. Di na kasi ako nakadalaw sa kanya mula noong k-kinasal tayo at kahit pa man noong nasa bahay ako nina Papa Gideon ay minsan lang ako makadalaw sa kanya kasi w-wala naman akong ipapamasahe. Di kasi ako binibigyan nila Tita. Namimiss ko na siya at saka marami akong ik-kwento sa kanya..." ingat ko ang ulo ko upang makita ko siya kaso tumigil ako sa pagsasalita nang makita kong naniningkit na ang mata niya habang taimtim akong pinapakinggan.
"Ga... galit ka?" munting wika ko.
"Yes." matigas niyang sagot at nakita ko ang pamumula ng dibdiban ni Aziel.
Napatingala siya saka nilagay ang kamay sa kanyang baywang. Nakita ko kung papaano tumaas baba ang kanyang Adam's apple.
Napakurap-kurap ako nang tumingin siya ulit sa akin. Kumuyom ang panga niya.
"A-ano... kung d-di ka naman p-papayag Aziel. Ayos l-lang sa akin. Hindi n-naman kita p-pipilitin Aziel. S-saka may susunod n--"
"Sinong nagsabi sayo na di ako papayag?" pagputol niya sa akin.
"Eh, sabi mo galit ka." wika ko sabay nguso.
"Damn it. I'm not angry at you. I'm angry with your family. Galit ako dahil papaano nila nagagawa sayo ang ganyan? Galit ako dahil bakit may taong ganyan? Pamilya ka pa rin ng papa mo. Then why did he treat you like trash?"
"Nakikisimpatya ka ba sa akin, Aziel?" ako.
"I am. I am, Deb."
"Pero Aziel kung hindi ka nga papayag na--"
"Sasamahan kita bukas."
Napangiti ako at muntik pang mapatalon sa kinauupuan ko.
"Talaga?"
"Hmm." siya at nakita ko kung tumaas-baba ang kanyang Adam's apple.
Di ko talaga masisisi kung bakit maraming nagkakandara kay Aziel. Gwapo, e. Tapos ewan ko ba kung bakit marami talagang babae ang nahuhumaling sa mga lalaking tulad ni Aziel. Iyon bang may pagka-misteryoso, maldito tingnan, malamig, at masungit. Ewan ko. Iba ang dating ng mga lalaking ganyan. Minsan ko na nga rin siyang naging crush.
Naasiwa ako sa katawan ni Aziel. Di ako sanay na nakikita siyang hubad sa harap ko. Umiinit ang pisngi ko sa tanawin na nasa harapan ko. Masasabi ko namang immune na ako sa ganito dahil tinitingnan ko rin dati ang katawan ni Aziel sa mga magazine pero iba pala pag nasa harap muna.
"Aziel mag... damit ka muna." mahina kong wika.
"Shit! Yeah. We'll talk when I finish taking a bath, mm."
Tumango ako sa kanya. Napapikit naman ako nang sa harap ko pa talaga siya naghubad noong polo niya bago tumungo doon sa banyo namin.
Nakakairita rin si Aziel! Teka! Bat ba ako naiirita? Bakit ba affected ako masyado sa kanyang katawan? Nagulo ko ang buhok ko at gumapang sa kama ko at doon sumandal sa headboard.
Ilang minuto ang tinagal ni Aziel doon sa banyo bago lumabas na tanging naka-boxer lang at nagpupunas sa kanyang basang buhok. Kampanteng-kampante siyang pinarada ang katawan niya sa harap ko.
Tumunog ang kanyang cellphone na nasa nightstand niya at kinuha niya iyon bago bumalik sa kama ko at doon umupo.
Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang hilig nitong si Aziel na umupo sa kama ko?
Tumigil siya sa kakapunas sa kanyang buhok at nilagay niya ang maliit na towel sa kanyang balikat bago sinagot ang tawag.
"Speak, Theo." aniya.
Ang mata ko ay doon naglalakbay sa basang buhok ni Aziel. At nang may makita akong tumulong butil ng tubig ay wala sa isip kong kinuha ang towel sa balikat niya at pinunasan ko ang kanyang likod ang kanyang leegan.
Natigilan ni Aziel sa ginawa ko kaya tumigil din ako ay babalik na sana sa pwesto ko nang hawakan ni Aziel ang kamay ko gamit ang libre niyang kamay. Ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa phone niya na nasa tainga niya. Habang ang isa ay nakahawak sa palapulsuhan ko para pigilin ang kamay ko sa pag-alis.
"Continue." mahinang usal niya.
"Huh?"
"Continue wiping off the water."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Umayos ako doon sa likuran niya. Lumuhod ako at saka ko pinunasan ang buhok niya. Di ko maiwasang di mapangiti sa ginagawa. Maayos na talaga ang relasyon namin ni Aziel. Mabait na siya sa akin. Ayos na sa akin na magkaibigan kami.
Napangiti ako nang malanghap ko ang aftershave na bango ni Aziel. Nakukuryoso kaya ako doon kaso lang di naman ako gumagamit noon.
"Shut the fuck up, Theo... damn you... it is not what you think it is my asshole of a cousin... Oh! If you're just calling me just to piss me off. Fuck you! Si Gage ang tawagan mo."
Napalabi na lang ako habang minumura ni Aziel ang pinsa niyang si Theo sa telepono. Iba rin sila magpinsan. Nagmumurahan.
"Tapos na Aziel." pahayag ko.
"Hmm, thank you, Deb. And by the way, can we go to the hospital early tomorrow?" aniya.
Umupo ako sa kama at humarap siya sa akin. Halos mapadaing ako nang makita ko ang hubad niyang katawan. Di man lang nag-tshirt! Kitang-kita ko ang pink niyang nipples.
"Sige. Anong oras ba?" usal ko na lang at inangat ang tingin sa kanya.
"Seven? If it is okay with you. May photoshoot kasi ako ng 8:30."
Nanlaki ang mata ko. "Aziel wag ka nang sumama sa akin sa hospital kung ganoon. Ako na lang pupunta doon. Mamamasahe na lang ako."
Awtomatik na umatras ang katawan ko siguro dahil iyon ang reflex ng katawan ko nang igapang ni Aziel ang kamay niya sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko nang hinila niya lang pala ang shorts ko pababa. Umuk-ok na sa may singit ko.
"Hindi na. Sinabi ko na sayo sasamahan kita." parang wala niya lang na saad.
Why do I find it gentle?
"Oh, e, sige. Ayos na sa akin ang seven."
---
"Saint Lucy Mental Hospital? Tama ba, Deb?" si Aziel habang sinusuot ko ang seatbelt dito sa tabi niya.
"Oo, Aziel." ang sagot ko sa kanya.
Tahimik lang kami ni Aziel patungo doon sa hospital at nang tumigil siya ay napalingon ako sa kanya bago tumingin sa labas. Wala pa naman kami sa hospital, ah. Kinalas niya ang seatbelt niya.
"Aziel saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
Binuksan niya ang pintuan sa tabi niya.
"I'll buy some flowers." aniya saka lumabas bago pa ako makapagsalita.
Nakita ko siyang tumawid sa daan para makabili ng bulaklak doon sa isang flower shop. Nag-jog si Aziel pabalik sa kotse nakita ko siyang dala-dala dalawa ang bouquet nang rosas.
Pinaandar muli ni Aziel ang kotse.
"Para kanino iyan?" Nakangiting tanong ko sa kanya pero ang mata ko ay nakasunod doon sa bulaklak na nilagay niya sa backseat.
"Oh, yeah." wika niya saka gamit ang isang kamay ay inabot ang isang bouquet ng rosas na kulay pula. "That's for you." aniya sabay bigay sa akin noong bouquet ng bulaklak.
Ilang sandali ang lumipas bago ko pa tinanggap ang bouquet rosas sa gulat. Agad kong inamoy ang bulaklak na bigay niya. Malaking ngiti ang nakapaskil sa labi ko bago binalingan si Aziel na nakakunot ang noo habang nagd-drive.
"Akin talaga 'to Aziel? Di mo babawiin? Di ito sa girlfriend mo?" paniniguro ko.
Rinig ko ang daing ni Aziel.
"Tsk! Of course that yours. I won't take that back. And to tell you Deb. I don't have a girlfriend."
Lumabi ako at tumango na lang.
"Bakit mo ako binibigyan nito, Aziel?"
Saglit siyang napatingin sa akin.
"I just remembered you when I saw it. Red roses remind me of you, so I bought one for you. And you also loved flowers so much."
Di ko mabilang kung ilang beses na akong napakurap habang sinasabi iyon ni Aziel sa akin. Ganito na ba ang magkakaibigan? Nagbibigayan ng bulaklak. Akala ko ba hanggang kaibigan lang kami? E, bakit ako pinapahulog ni Aziel sa kanya? Siguro ay ganito lang si Aziel pero... bat ako nakaramdam ng kakaiba? Bakit kinikilig ako? Bakit umaasa ako? Saka akala ko ba di ko na siya gusto?
Ngumuso ako at tiningnan ang isa pang bouquet sa likod.
"E... kanino ang isang bouquet?"
"It's for your mother. It is my present for her." si Aziel at binigyan ako ng ngiting di kita ang ngipin.
Tugdog! Ang kabog ng puso ko sa sinabi ni Aziel.
Di ko na alam kung ilang minuto kong tinitigan si Aziel na nagmamaneho patungong St. Lucy Mental Hospital. I cannot take off my eyes on him. Maybe, ganito talaga si Aziel but my poor heart. It starts to beat again.
Binagsak ko ang tingin ko sa bouquet rosas na nasa hita ko. It is my first time receiving one at napakasaya ko. Tapos ang isang Aziel-Rigg Fabre pa ang nagbigay sa akin.
A smile stretched on my lips. Aziel may be grumpy pero may tinatago rin palang ka-sweetan.
"Aziel h'wag ka na lang kayang sumama sa loob. Baka makilala ka ng mga nurse doon at magtatanong kung ano ang ginagawa mo." may pag-aalalang tanong ko sa kanya.
Inayos niya ang kulay itim na mask at nagsuot ng cap.
"Sasama ako sayo. Ako ang magbibigay ng flowers sa mother mo." aniya.
Di ko man makita ang buong mukha niya dahil sa face mask. Kita ko naman sa mata niya ang pag ngiti.
May isang nurse na naghatid sa amin ni Aziel sa room ni Mama Sarah. At panay pa ang tingin noong nurse kay Aziel. Siguro nahihiwagan dahil naka-mask kahit at cap kahit na mainit naman ang panahon.
Ewan ko pero nainis ako sa simpleng pasulyap-sulyap ng nurse kay Aziel kaya naman nilapit ko ang katawan ko kay Aziel. At di ko naman inaasahan na hahapitin ni Aziel ang baywang ko at inilapit ako ng husto sa kanya.
My heart skipped a beat at the simple gesture.
The nurse's eyes almost went out at the sight of Aziel's big hand on my waist. She then looked at me, and I almost stuck my tongue out at her.
Pagkapasok namin sa room ni Mama. Aziel unwrapped his hand on my waist.
"Pwede mo na kaming iwan." anang ko sa nurse na nakatingin kay Aziel na naglalakad tungo sa Mama ko na nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa isang bintana.
Nakikilala niya ba ito?
"O-okay." ang nurse saka lumabas at sinara ang pintuan.
"Mama," ako at lumapit kay Mama.
Bumaling lang sa akin si Mama at tinagilid niya ang ulo sa akin na parang di niya ako nakikilala.
Kinuha ko ang kamay ni Mama na nasa hita niya at dinala ko iyon sa pisngi ko. "Mama ako 'to. Ako 'to ma ang baby Deb mo."
Napalunok ako at mabilis na uminit ang mata ko sa mga luhang bumabadya.
"Anak... ko?" mahina na usal ni Mama.
Tumulo ang luha ko at tumango ako kay Mama.
"Oo, ma. Ako 'to. Mama magpagaling ka. Magpagaling ka dito mama dahil hinihintay kita. Hinihintay kitang gumaling ma. At miss na miss na po kita ma."
Naramdaman ko ang mahinang pisil sa balikat ko at nakita ko ang kamay ni Aziel doon.
"Sa labas lang ako. Papalitan ko ang flower sa flower vase."
Tumango ako sa kanya. Sinundan nang mata ko si Aziel na lumabas at nang binalingan ko si Mama ay nakatingin din siya sa pintuang nilabasan ni Aziel.
"Magandang lalaki." si Mama.
Napangiti ako kahit na tumutulo naman ang luha sa mga mata ko.
"Oo ma." natatawang pagsang-ayon ko kay Mama.
"Bagay iyon sa anak ko." anang ni Mama.
Alam ko naman na wala si Mama sa kanyang tamang pag-iisip pero kinilig ako doon.
"Talaga ma. Bagay siya sa anak mo?"
Bumaling sa akin si mama na may ngiti sa labi.
"Oo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top