CHAPTER 7
Dedicated to: eyepatchcutie
__________________________________
Chapter 7
Debie Pov
Kinabahan ako nang palabas ako ng banyo namin ni Aziel na nakaawang pala iyon. Hindi ko pala iyon maayos na nasara. Siguro ay nasanay din ako na wala sa bahay si Aziel kapag nalilinis ako sa katawan ko kapag gabi. Nasanay siguro ako na wala siya at laging late na umuuwi kaya ganito.
Bumuntonghininga ako saka ko mahinang pinihit ang busol ng banyo namin at lumabas. Paglabas ko ay kumunot naman ang noo ko nang makita ko si Aziel na nakaupo sa paanan ng kama ko. Bahagyang nakayuko ang ulo niya at ang siko ay nakalagay sa kanyang hita.
Tumingin ako sa kanyang kama na nandodoon ang kanyang towel at boxers. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko tungo sa kama ko.
Tumayo ako sa harap niya, mga isang metro lang ang layo. Nang i-angat niya ang ulo sa akin ay napasiklop ako sa kamay ko. Nang pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko ay napatingin din ako sa suot ko at napalunok. Suot ko ang binili niya sa aking damit.
Nang di siya magsalita at nakatitig lang sa akin ay tinawag ko siya.
"Aziel." marahang tawag ko sa kanya at naningkit ang mata niya sa akin.
Hindi ko maintindihan kong ano ang gustong ipahiwatig ng mga titig niya sa akin. May halong galit, inis, pagtataka, at... awa doon.
Napakurap-kurap ako dahil doon sa nababasa kong emosyon sa kanyang mukha. Hindi ulit siya umimik kaya nagsalita ulit ako at di ko naman sinasadyang mautal nang magtanong ako sa kanya.
"Bakit nand'yan ka sa k-kama k--"
Pinutol niya ang pagsasalita ko at halos mahigit ko ang hininga ko doon sa sinabi niya.
"Strip, Deb." Rinig ko ang paggitgit niya sa kanyang ngipin. Di ko alam kung sa galit ba iyon sa akin, sa inis o sa pagtitimpi niya.
My shoulders tighten. A familiar fear started to eat me. Napaatras ako doon. Iyong takot na naramdaman ko doon sa bahay ni Papa Gideon ay muling kumakain sa sistema ko. Nangatal ang baba at labi ko.
Bakit niya ako paghuhubarin? Gusto niya ba na gampanan ko ang pagiging asawa ko sa kanya? G-gusto niya na ba na gampanan ko kung ano ako sa bahay na ito?
"A-aziel." utal kong tawag sa pangalan niya dahil sa pangangatal ng bibig ko.
"I said strip!" Malakas na sigaw ni Aziel at napapikit at saka napatalon sa gulat. Di ko inaasahan ang pagtaas ng kanyang boses mula sa pagtitimpi niya kanina.
"Aziel naman." halos bulong kong wika.
"You'll strip or do you want me to rip your clothes?" seryoso niyang saad sa akin.
Napakagat ako sa labi ko at uminit ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito si Aziel. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong paghubarin sa harap niya. Ayos na nga sa akin ang awayin niya ako at di maayos ang makikitungo niya sa akin pero di ata kaya ang maghubad sa harapan niya.
Ano na lang ang sasabihin niya kapag nakita niya ang katawan ko? Ano na lang ang tingin niya sa akin na asawa niya at ang pangit pa ng katawan? Si Aziel nakikita ko ang katawan niya sa mga pictures dahil modelo siya at masasabi ko na parang hinubog ng Diyos ang katawan niya. Masasabi kong inaalagaan ng mabuti ang katawan niyang walang tatsa ni isa. Tapos ako. Ako na puno ng sugat—piklat ang katawan. Pandidirian niya ako. Pandidirian niya ang katawan ko. Ako nga ay nahihiya sa katawan ko. Maputla at puno ng piklat.
Pinalis ko ang luha na biglang tumulo sa pisngi ko at hinawakan ko ang laylayan noong damit ko. Ayaw kong maghubad! Ayaw ko!
"You heard me, Deb. And I don't like repeating myself over and over." May pagbabantang saad ni Aziel.
Matapang kong sinalubong ang mga titig niya.
"Bakit mo ba g-gusto akong p-paghubarin? H-hindi maganda ang k-katawan Aziel."
Nagtagis ang bagang niya.
"I don't care. Just strip!"
"P-paano kung ayaw ko?"
"So, you want me to tear that clothes?"
Umawang ang bibig ko sa kanya at tinikom ko ulit. Niyuko ko ang ulo ko at napatingin doon sa kamay ko na nasa laylayan ng damit.
"P-pwede ba na patayin ang i-ilaw?" mahina kong tanong.
"No. How can I see you when the lights are off?"
Bumagsak ang balikat ko sa kanyang sinabi. Gusto niya talagang makita ang katawan ko.
"Faster Deb. Take that clothes off! Or I will tear it. I'm not fooling around, Deb." sunod niyang banta.
Pinono ko ng hangin ang dibdib ko saka dahan-dahan kong itinaas ang damit ko. Pumikit ako ng mariin at nanginginig ang kamay ko.
Narinig ko ang pagdaing ni Aziel pero pinikit ko pa rin ang mata ko.
Nang matapos kong hubarin ang pang-itaas ko ay sunod ko namang hinawakan ang waistline ng shorts ko at binaba ko iyon. At habang ginagawa ko 'yon ay nakapikit ang mata ko. Natatakot ako sa maaaring makita ko sa mga mata ni Aziel. Natatakot ako sa kug anuman ang mabasa kong emosyon doon. Sunod ko na sanang huhubarin ang underwear ko nang may maramdaman akong malambot, mainit-init at malaking kamay na humawak sa braso ko.
Napadilat ako at tumingala kay Aziel na nakatayo na sa harapan ko. Nag-uunahan sa pag-agos ang luha ko sa mga pisngi ko. Pero mas nagulat ako nang pinunasan iyon ni Aziel gamit ang hinlalaki niya.
"Sshhssh!"
"A-azi--"
Natigil ako nang kabigin niya ang katawan ko. Pinulupot niya ang kamay ko sa katawan niya at ang isang bisig niya naman ay maingat na yumakap sa katawan ko. Maingat na parang alam niya na may sugat ako sa likod ko at upang di masagi ang sugat ko doon.
"Dammit! I'm sorry Deb." bulong niya sa tainga ko.
Pumikit ako saka ko binaon ang mukha ko sa dibdib niya at doon humagulgol sa iyak. Niyakap ko ang kamay ko sa kanya ng mahigpit. Napakapit ako sa suot niya at parang bata na ngumuwa sa kanyang dibdib.
"Fuck this!" si Aziel saka kumalas sa pagkakayakap.
He bend lower and brushed my tears away using the pad of his thumb. Nanatili ang kapit ko doon sa sleeves niya.
Nang pinasadahan niya na naman ang hubad kong katawan ay naitakip ko ang kamay ko doon sa mga piklat kong kakahilom lang kaso na dismaya rin ako nang di ko pala kayang takpan ang lahat ng iyon.
Kinuha ni Aziel ang kamay ko at dinala niya iyon sa bibig niya at hinalikan ang palad ko. Nanlaki ang mata ko.
"Tell me. Who the fuck did this to you?" mariin niyang tanong na kinahampas ng malakas sa dibdib ko.
"Aziel."
Binaba niya ang kamay ko pero nanatili ang hawak niya. "Don't just say my name, Deb. Answer me."
Yumuko ako. Ayaw kong sabihin sa kanya.
"Answer me or I will find it myself."
Tumindig ang balahibo ko sa tono ng boses ni Aziel.
"Aziel naman."
"Answer me." mataman niyang wika.
"H-hindi p-pwede Aziel. H-hindi ko p-pwedeng sab--"
"I will assume that it was your family who did this."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kinabahan ako ng walang emosyon akong mababasa sa kanyang mukha.
"A-a-aziel."
"I was right? Tama ako na ang pamilya mo ang gumawa nito sayo?"
Muli akong umiyak at tumango sa kanya.
"Your father wasn't treating you right? Does your mother too?"
"A-ang asawa ng papa ko Aziel. Siya at si papa lang--"
"PATI papa mo sinasaktan ka?!" Hindi ko alam kung naririnig na ba kami ng mga kapit bahay namin ngayon. Ang lakas ng boses ni Aziel. Halos maputop na ang litid sa leeg niya. "What kind of parent is your goddamn father, Deb? And what do you mean by asawa ng papa mo?"
"Anak... anak ako sa labas Aziel. Oo Trazon ako pero kabit lang ang mama ko. Isa akong pagkakamali Aziel." Iyak ko at muli niya aking kinabig sa bisig niya.
"Sshh, I will make your father suffer."
Naitulak ko si Aziel.
"H-huwag Aziel." Umiling ako. "H-huwag, please."
"Why? Why Deb? You are my husband. You are mine."
"P-p-pero Aziel. S-si papa Gideon ang gumagastos sa mama ko sa mental hospital."
"What?" Kumunot ang noo niya.
"Ba... nabaliw ang mama ko Aziel at nasa mental hospital siya ngayon. K-kung malalaman ni papa na sinabi ko sayo ang totoo Aziel. Ititigil niya ang pagpapagamot sa mama Sarah ko. Kung malalaman niya na sinabi ko sayo ang totoo hindi na magagamot ang mama ko sa mental. Aziel ang mama ko na lang ang meron ako. Ang mama ko na lang ang dahilan kung bakit ako lumalaban. Ang mama ko na lang ang dahilan Aziel kung bakit ako pilit na bumabangon kahit na pauli-ulit ako nadadapa at tinapak-tapakan. Lahat ng mga masasakit na salita kinaya ko dahil sa mama Sarah ko. Kinaya ko lahat ng mga pambubugbog ni papa at ang mga pagmamaltrato ni Tita Mikee kasi nakasalakay sa kanila ang pampaospital ni Mama. Kaya kahit na pagod ako; kaya kahit na masakit na patuloy ako babangon at lalaban kasi papaano na lang ang mama ko? Sino ang mag-aalaga sa mama ko kung pati ako di lalaban? Saan na lang kami pupulutin ng mama ko kung di ako matitiis? Okay lang na magdusa ako Aziel basta gumaling ang mama ko."
"So... you agree to marry me because of your mother?"
Tumango ako.
"You endure all the things that I have done to you because of your mother?"
Tumango na naman ako.
"When you said that you cannot divorce with me... was it because your mother's hospitalization depend on it?"
"Oo Aziel. Sorry." Tumango pa ako.
Pinagbihis ako ni Aziel matapos naming mag-usap at siya naman ay pumunta sa CR dahil maliligo daw siya. Pero hanggang sa lumabas si Aziel sa banyo ay di ako makatulog at nanatiling nakasandal sa headboard noong kama ko at iniisip lahat ng nangyari ngayong gabi.
Umupo si Aziel sa kama ko habang pinupunasan ang basa niyang buhok.
"A-aziel... b-bakit mo pala ako pinapahubad kanin..." tumigil ako nang binagsak ni Aziel ang kamay sa kama at tumingin sa akin.
"I saw you. I saw you back there," aniya at tumingin doon sa banyo. "hindi nakasara ang pinto. Maliligo na sana ako nang makita kita na ginagamot ang likod mo. Ang sugat mo. Nagtataka ako. Nagkata ako kung saan mo nakuha ang ganoong sugat. Oo galit ako sayo Deb. Sinisi kita na naikasal tayo kasi di mo pinigil ang ama mo. Pero di ko naman magagawa ang ganoon. Di kita sinaktan physically kaya bakit ganoon? Bakit ka nagkaroon ng ganoong sugat? Saan galing iyon? At ilan pa ang sugat mo sa katawan? Kaya kita pinaghubad para makita ko lahat—lahat ng sugat mo sa katawan." Paliwanag ni Aziel.
Biglang uminit ang tainga ko sa kadahilanang inisip ko kanina na gusto na ni Aziel na gampanan ko na ang pagiging asawa ko sa kanya. Tapos ito pala ang tunay niyang dahilan. Nakakahiya naman iyon.
"Aziel g-gusto ko na ilihim lang mo lang l-lahat ng nalaman m-mo ngayon. A-ayaw ko na may nakakalam pang iba Aziel k-kahit na ang papa mo s-sana wag mong sabihin sa kanya."
Sumingkit ang mata niya pero napabumuntong-hininga.
"Fine."
"Saka Aziel sorry... kasi di ko taga magagawa ang sinasabi mong magfile ako ng divorce. Kasi kahit na ayaw ko nito ay--"
"I get it now, Deb. I already get it all. Even if we despise it, there is nothing we can do about it. We're both trapped. You have your reasons, and I have mine too."
Napatango-tango ako sa kanya.
"But don't worry. When I reach thirty-one, I can get my inheritance at that time. And when it happens, I will file the divorce myself. You'll be free, just like me. Just one year, Deb. Just one year and we can have our life back."
Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahan na tumango sa kanya.
"We can be friends while we're still married, Deb. I can at least treat you as my friend. I hope that's okay with you. That's the only thing I can offer."
Napangiti ako doon sa sinabi niya.
"Talaga? Totoo 'yang sinasabi mo?"
"Hmm."
"Di mo na ako pagsusungitan?"
"Tsk! Masungit na ako noon pa."
"Hehehe, oo nga."
"You are beautiful when you smile Deb." sambit ni Aziel na kinabaliw ng hataw ng puso ko.
Laglag ang panga ko.
"Huh?"
"I mean, smiling suits you better." bawi niya pero huli na nagwala na ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top