CHAPTER 6
Chapter 6
Aziel Pov
Dire-diretso akong pumasok sa kompanya ni Theo at di ko pinapansin ang bumabati sa akin. Wala ako sa maayos na mood ngayon na batiin sila. May iba na humarang pa upang magpa-picture pero di ko naman pinapansin at ang ilan ay tinatanggihan ko. Mabuti na lang din at may maraming security si Theo.
Nang makita ako nang sekretarya ni Theo ay tumayo siya at niyukuan ako pero kaya ng iba di ko siya pinsansin. Wala talaga ako sa mood ngayon. At paulit-ulit ko iyang sasabihin. At ang dahilan ay walang iba kung hindi ang... asawa ko. Si Debie.
Walang katok kong binuksan ang double-doors nh office ni Theo at nagmartsa doon sa couch. Marahas kong sinalampak ang katawan ko sa leather couch na nandidito sa loob ng office niya, my asshole of a cousin.
"What the fuck!? Aziel?" Natanggal ni Theo ang suot niyang glasses at galit akong tiningnan.
"Hmm."
May nakita akong alak sa center table kaya naman binuksan ko iyon at nagsalin ako sa baso na nasa gilid lang din n'on. Nang malagok ko ang alak ay napapikit ako sa pait at tapang noon.
Muli kong tiningnan si Theo doon sa mesa niya na kakababa niya lang sa kanyang telepono at humilig doon sa kanyang swivel chair at pinatong ang paa sa table niya.
"Problem?"
"Obviously."
"Your husband?"
"Who else?"
"Ano na naman ba ang nangyari?" Walang ganang saad niya sa akin at pinaikot-ikot ang isnag ballpen sa kanyang darili.
"I... it's just..." napapikit ako at yumuko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko kay Debie. Tingin ko nagawa ko na ang lahat na makakainis sa kanya at makakagalit sa kanya pero di iyon tumatalab.
Gusto ko na makita siyang nahihirapan. Gusto ko na makita siya na nagsisisi siya sa ginawa niyang desisyon na pakasalan ako. Gusto ko siyang makita na siya na mismo ang lumapit kay daddy, ang magmakaawa kay daddy na magfile ng divorce pero wala. At tingin ko pa nga ay tumatapang pa siya lalo. At iyon ang kinagagalit ko lalo.
Sa bawat araw na lumilipas ay parang natuto na si Deb na lumaban sa akin at di pansinin ang mga ginawa ko sa kanya. Tingin ko nagiging wala nang saysay ang mga ginawa kong pagpapahirap sa kanya. May lakas pa nga siya na ngitian ako. At kahit na alam na niya naman na di ako kumakain sa bahay lagi niya pa rin ako nilulutuan. Lagi niya pa rin akong tinitirahan ng mga pagkain na niluluto niya. At sa tingin ko pa nga ay ako na ang naiinis at nagagalit sa mga pinaggagawa ko na di niya naman pinapansin.
"Debie's giving you headache instead of you?" turan ni Theo na igtad ng tainga ko dahil parang natatawa pa siya.
Inis kong binalingan ang pinsan ko na natatawa sa akin. Tumayo siya at naglakad papalapit sa kinauupuan ko. Kitang kita ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Pinagtatawanan ako ng walangya kong pinsan.
Ngumisi siya saka umupo sa isang sofa sa gilid ng couch na kinauupuan ko.
"Iinom natin ang galit at inis mo, Fabre." aniya at nagsalin ng alak sa dalawang baso.
Kinuha ko ang isang baso na nilgyan niya ng alak. Akmang iinom na ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Naibaba ko ang baso ko at lumingon sa pintuan upang tingnan kung sino ang pumasok.
Napaikot ako sa mata ko nang makita ko si Gage na kakapasok lang at nagtanggal sa kanyang itim na mask at puting cap.
Umupo si Gage sa sofa, sa tabi ni Theo. Hinubad din niya ang kanyang jacket at kinuha niya ang baso sana ni Theo at ininom iyon.
"At anong ginawa mo dito? Akala ko busy ka?" tanong ko kay Gage.
Maliit lang ang ininom niya doon sa alak at binaba niya iyon sa center table.
"I'm not busy when it comes to gossips." Ngumisi sa akin si Gage.
I throw a deadful glare at Theo. At ang magaling kong pinsan ay pinagkibit lang ng balikat niya ang mga matatalas kong tingin sa kanya.
"T-n-ext ko lang si Gage na pumunta ka dito. I didn't text him that--"
"Ah! Just shut up, Theo." inis kong saad.
"So, what's with Debie?" singit ni Gage at nabaling naman sa kanya ang mga matatalim kong tingin.
At kailan pa nagkaroon ng concern itong si Gage sa asawa ko? Bakit kung makatanong siya ay parang may pag-aalala siya sa asawa ko.
"Ako ang may problema kay Deb, Gage." saad ko sa kanya.
"Whatever." tamad niyang wika.
"Ano na nga Aziel. Gumagabi na." Ang pinsan ko.
I sneered at Theo and start talking.
"So here's the thing: I tried to make Debie suffer in our own house." Theo was about to open his goddamn mouth, but I was fast enough to raise my hand on him when he was about to meddle with me. "Pinabunot ko sa kanya lahat ng tanim namin sa garden at pinapalitan ko sa kanya ng iba. Umiyak siya at..." Tumigil ulit ako at itinaas ko na naman ang kamay ko nang magsalita sana si Gage. Nakita ko ang pagkuyom niya sa kanyang kamay na nasa hita niya. Tsk!
"Like what I said umiyak siya. Umiyak si Deb pero," nakuyom ko ang panga ko nang maalala ko ang sagutan namin ni Deb. "pero hindi siya umiyak dahil pagod na siya o nahihirapan siya. Umiiyak siya dahil pinabunot ko sa kanya ang mga halaman. Umiiyak siya kasi naaawa pala siya sa mga halaman na binunot niya." wika ko na kinatawa ni Theo at napabuntong hininga naman si Aziel. "And you know what's the worst? He has the guts to hurl me a fucking flower root full of fucking mud." I continued, and Theo guffawed. What a damn cousin.
"Damn, gusto ko tuloy makita ang hitsura mo nang batuin ka ni Debie ng halaman, Aziel." natatawang saad ni Theo.
Hindi ko na pinansin ang tawa ng pinsan ko at nagpatuloy ako. Sumandal ako sa kinauupuan kong couch.
"Nagkasigawan kami ni Deb at di ako umuwi sa amin ng ilang gabi at nang umuwi naman ako sa bahay ay para lang magbihis tapos hindi ko siya pinapansin kasi galit ako sa kanya at sa sarili ko dahil di ko man lamg magawa na inisin si Debie." Tumahimik silang dalawa kaya nagpatuloy ako. "Hindi pa ako tumigil doon. Inutusan ko siya na linisin ang buong bahay namin. Kusa at may ngiti sa labi niya iyong ginawa na kinainis ko lalo. Marami pa ang ginawa sa kanya pero parang wala lang iyon sa kanya. At ang huli kong ginawa ay binilhan siya ng mga damit. Binilhan ko siya ng mga damit mga designer's brand pero di niya alam na fake lahat ng iyon. Akala ko magagalit siya doon but instead..." my mouth automatically halted upon remembering Debie's face. He was so happy. He was so grateful for the clothes that I bought for him.
"Iyan ang problema mo?" si Theo.
"Oo 'yan ang problema ko Theo!"
"Damn. Sinabi ko na naman sayo Aziel tigilan mo ang--"
Naputol si Theo sa pagsasalita nang sumingit si Gage sa kanya.
"Did you know that you look like a child and for a fucking thirty-year-old you act like a damned 10-year-old child, Aziel? You act like a fucking child. Sa mga pinaggagawa mo kay Debie ay para kang bata na naghahanap ng away. Ang liit ng utak mo. Like what I said, Aziel. Debie is a good person. He is not what you think he is. I tell you Aziel. Nakikita ko na totoo talaga sinabi ni Debie na di rin niya gusto ang ikasal sayo. Siguro may rason ang asawa mo." Seryosong saad ni Gage.
Pagak akong napatawa sa sinabi ni Gage.
"I'm not going to be able to live with this, Gage.You know how I hate this thing? You know how much I hate being tied to someone. Nagpilitan lang din ako dahil binantaan ako ni daddy."
"At ano ngayon ang gagawin mo?" seryosong tanong ni Theo.
"I have no choice but to resort on my last card." I breathe.
"Last card?" si Gage.
"Yeah." I affirmed.
Debie Pov
Ilang araw ko nang gustong lapitan si Aziel at magpaalam sa kanya na dadalawin ko ang Mama Sarah sa ospital kaso lang di ko naman malapitan ang lalaki. Ewan ko ba. Wala naman akong ginagawang masama kaso laging galit si Aziel sa akin. Siguro ay di pa siya nakakamove-on na kasal na kami at ako pa rin ang ididiin niya dito.
Akala ko ay maayos na kami nang bigyan niya ako ng mga damit tho' hindi ko siya nasusuot kasi baka makita niya ang mga pasa ko. Pero mabuti na lamg at konti na lang at malapit nang maghilom ang mga iyon. Saka ang likod ko naman ay maghihilom na sana kung di lang ako naging tanga kanina. Sa sobrang pawis ko kasi ay napunasan ko kaya ayon namasa na naman iyon.
Ngayon ay nakakasuot na ako ng shorts na umaabot sa ibabaw ng tuhod ko. Gaya ng suot ko ngayon at sa pang-itaas naman ay okay na ang loose t-shirt basta natatabunan hanggang sa may siko ko. Kaya ang konti sa mga binigay ni Aziel na damit ay nagagamit ko. At iyong iba tinago ko dahil di ko pa masusuot.
Nagluluto ako at gaya ng lagi kong ginagawa ay nagluto ako nang marami-rami. Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako ng para sa sarili ko. Umupo na ako sa silya nang may magdoorbell. Sa di ko malaman na dahilan ay napangiti ako ng marinig ko iyong doorbell. Alam ko kasi na si Aziel na iyon.
Tumakbo agad ako palabas ng bahay namin. Mabilis akong tumungo doon sa car gate at binuksan iyon. Nang makapasok na ang sasakyan ay sunod ko iyong sinara. Tama na pagbalik ko ay nakalabas na si Aziel sa kotse niya.
Naunang maglakad si Aziel papasok sa bahay.
"Ma... magandang gabi." May pag-aalinlangan kong saad. Kahit na wala akong natatanggap na response sa kanya lagi ko pa rin siyang binabati. Gaya ng 'magandang umaga' at 'magandang gabi'.
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din si Aziel at humarap sa akin.
Tiningala ko siya na nakakunot ang noo.
Bumuntong hininga ako upang ihanda ang sarili ko sa maaaring sabihin niya sa akin. Naikiling ko ang ulo ko nang makita ko na bumukas-sara ang bibig niya. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin na di niya masatinig.
Saglit na nagtagpo ang mga mata namin at umiwas agad siya at huminga ng malalim.
"You... you shouldn't go out without your slippers on." aniya at mabilis akong tinalikuran.
Rinig ko ang pagbukas at sara ng malaki naming pintuan palatandaan na nakapasok na si Aziel at doon pa lang ako napakurap-kurap saka nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya.
Bumagsak ang mata ko sa paa ko at saka ko nakita na nakapaa nga talaga ako. Doon ko pa lang naramdaman ang lamig ng sementong patyo namin. Nalukot ko na lang ang daliri ko sa paa at napanguso. Dumiretso pala ako dito ng di ko man lang nasuot ang tsinelas ko. Naiwan ko sa dining namin.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Aziel na nakaupo sa hapag at ang braso ay nasa harap ng malapad at malaki niyang dibdib.
"H-hahainan ba kita?" Nauutal kong tanong.
Pairap siyang tumingin sa gawi ko at humiging, "Hmm."
Natataranta akong pumunta doon sa kitchen upang hainan si Aziel ng pagkain. Muntik ko pang makutos ang sarili ng mapagtanto kong napapangiti ako habang naghahain. Dios ko! Ano na ba ang nangyayari sa akin?
"Ito na." wika ko saka nilapag sa harap niya ang pagkain.
Kumain kami ni Aziel ng tahimik pero sa tingin ko ay ayos na iyon kasi ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumain si Aziel sa luto ko. Di ko alam kong nasasarapan ba siya o hindi. Ang hina kasi ng subo niya at walang imik. Parang di niya gusto ang lasa at napipilitan lang. Masarap naman iyon sa bibig ko siguro ay iba lang ang panlasa namin.
"Ano... Aziel mauuna na ako sa taas. Ilagay mo na lang sa sink ang mga pinagkainan mo. A-ako na maghuhugas n'yan bukas."
Di siya sumagot pero tumango naman. Bumuntong hininga ako at iniwan siya doon.
Aziel Pov
Nang mawala si Deb ay naibagsak ko ang kobyertos at napatitig sa niluto ni Deb. Actually, kumain na ako bago pa man ako umuwi dito. Naisipan ko nga na di na muna umuwi kaso lang parang may nagtulak sa akin na pauwiin ako dito. Gage and Theo were really telling the truth that Deb is such a good cook. I wonder if he went to culinary school or what. But all I can say is that it was delicious. My taste buds may not be good, but Deb's food was really something. Is it true that I squandered such foods for so long?
Kahit na busog ako ay inubos ko pa rin iyon. Siguro di ko lang nakita dati ito pero kanina napansin ko ang pagka-atat ni Deb na matigman ko ang luto niya. Napapikit ako sa mata ko at niligpit ang pinagkainan.
Ni-lock ko lahat ng pintuan sa bahay at ang mga bintana naman ay sara na kaya umakyat na ako sa taas. Pero nang makapasok ako sa loob ay nagtaka ako kung bakit wala si Deb sa kanyang kama. Siguro nasanay ako na kapag nakauwi ako ay nakajiga na siya sa kama niya.
Where is he?
May kunot sa noo akong umupo doon paanan ng kama ko at hinubad ko ang sapatos at medyas. Kahit na may pagtataka ay muli akong tumayo at kumuha ng towel saka boxer sa closet ko para maligo.
Ang nakaawang na pintuan ng CR namin dito sa kwarto ay itutulak ko na sana nang makita ko si Deb na nandodoon sa loob. Nakita ko si Deb na nakashorts lang at bahagyang nakatalikod doon sa malaking salamin ng CR namin at parang may kung anong inaabot siya doon sa likod niya. Sa pagkakuryoso ko tumigin ako doon sa salamin. Sa maliit na awang ay tama lang na makita ko ang likod ni Deb sa salamin na may malaking paso doon.
Nanlaki ang mata ko doon at umatras doon sa pintuan. The fuck?! Where the hell did he get those big burns on his back? Galit ako kay Deb. Ayaw ko man sa kanya. Ayaw ko man sa nangyayari sa amin ngayon pero ang makita ang ganoong klaseng sugat? Sunog sa katawan. Who the fucking hell did those? Ni hindi ko nga siya magawang pagbuhatan siya ng kamay. Masama ako sa kanya pero di siya sinaktan ng physically.
Umupo ako sa kama niya at napahilamos ako sa palad ko. Inihagis ko ang towel at boxer ko sa kama ko. Fuck it!
"Aziel." marahang wika niya sa pangalan ko at naiangat ko ang tingin ko sa kanya.
Nakatayo siya sa harap ko saka nakasiklop ang dalawang kamay sa harap at nasa dalawang hakbang ang layo namin. Suot niya ang shorts na binili ko at ang loose t-shirt na binili ko rin. The fake clothes gave him. Damn!
Kumurap-kurap ang mata niyang nakatuon sa akin.
"Bakit nand'yan ka sa k-kama k--"
"Strip, Deb." naggitgit ang ngiping saad ko.
Napaatras siya.
"A-aziel."
"I said strip!" sigaw ko at napapikit siya at napatalon.
Dammit!
"Aziel naman."
"You'll strip or do you want me to rip your clothes?" seryoso kong saad sa kanya.
***
Thank you for reading po! 🥰
Anyways, naka-update pala ako ng chapter 1 doon sa story ko na Burned in his Fingertips sana po ay mabasa ninyo at iyong isa ko din pong story na Crossing Boundaries hanggang chapter 4 na siya. Ayon lang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top