CHAPTER 5

Chapter 5

Debie Pov

Gusto kong ibato sa mukha ni Aziel ang bolo na hawak ko. Gusto kong ibato sa kanya ang mga bulaklak na humihitik na sa bulaklak kaso pinahukay na sa akin ni Aziel dahil papalitan niya daw ng iba. Halos mangiyak-iyak na nga ako habang pinagbungkal ko ang lupa dahil naaawa ako sa mga bulaklak at nasasayangan ako. Pero si Aziel komportable lang sa likod ko na pinagmamasdan ako dito. May pa inom-inom na siya ng wine sa likod ko. Masama man pero ipagdasal ko na sana ay masamid siya doon sa ini-inom niya. Ang sama niya. Ang sama-sama niya. Wala namang ginagawang masama ang mga bulaklak pero pinagdidiskitaan niya talaga.

Kaninang umaga nagulat ako nang paggising ko ay wala na si Aziel sa kanyang kinahihigaan. Akala ko. Ako ang late na gumising 'yon pala maaga lang siyang nagising kaysa sa akin dahil may dumating na mga delivery ng bulaklak na gustong ipalit ni Aziel sa mga bulaklak na nasa hardin ng bahay namin.

Nung una ay akala ko bubungad sa umaga ko ang nakasingot na mukha ni Aziel. Pero gwapo pa rin. Ngunit ang bumungad sa akin habang nagluluto ako sa kusina namin ay ang mukha ni Aziel na may ngiti o siguro tama na sabihin kong ngisi iyon. Gumaan pa nga ang pakiramdam ko dahil nasa good mood siya kaso may hidden agenda pa la siya ngayong araw. Kaya naman pala hindi siya pumasok sa kanyang trabaho ay dahil gusto niyang maging supervisor ko ngayon dito sa garden.

"Damn it, Deb. Dalian mo ang kilos mo. Mabilis pa ang kamay ng matanda sayo d'yan  e." Reklamo niya doon sa likod ko.

Marahas kong binagsak ang bolo at naninigkit ang mata kong binalingan si Aziel na nakangisi sa akin.

Ako dito ay nagbibilad sa araw at pinagbubukal niya sa lupa. Tapos siya painom-inom lang noong wine at nakade-kuatro pa sa ilalim noong malaking payong. Feel na feel niya ang pang-aalipin sa akin. Akala siguro niya ay iiyakan ko itong pinapagawa niya sa akin. Akala niya siguro ay hindi ako sanay sa mga ito. Akala niya siguro hindi ako sanay na humawak ng lupa.

Napatingin ako sa mga bulaklak na binunot ko kanina. Unti-unti nang namamatay iyong mga bulaklak na kahapon ay dinidiligan ko pa. Naaawa ako sa mga bulaklak. Halos maiyak ako habang pinagmamadas sila.

"What now, Deb? Are you going to cry?"

Natikom ko ang bibig ko at napakuyom sa kamao ko. Nanginginig na ang kamao ko sa nararamdaman kong galit at inis kay Aziel. Para siyang bata. Isip bata ang isang Aziel-Rigg Fabre ang lalaking pinagkakaguluhan ng nga maraming babae sa bansa.

"Ano ngayon kung naiiyak ako?!"

"Tsk. Ano ayaw mo na? Pagod ka na ba?" aniya sa may pang-aasar na tono.

"Anong pagod pinagsasabi ko d'yan? Naaawa lang ako sa mga bulaklak kasi pinapatay mo!"

Napamaang siya sa akin. "W-what?"

"Wag mo akong wina-what d'yan Aziel!"

Sa inis ko kay Aziel ay mabilis kong pinulot ang puno ng bulaklak na binunot ko kanina na may makapal pang lupa sa mga ugat no'n at binato ko kay Aziel.

Hindi niya inaasahan ang ginawa kong iyon kaya nang tumama sa malapad niyang dibdib ang bulaklak na may maraming lupa ay agad na natapon niya ang wine glass na bitbit at mabilis na napatayo. Agad niyang pinagpag ang mga lupa na kumapit sa kanyang Balenciaga na tshirt at sa shorts niyang Hermes.

"What the fuck is wrong with you, Deb?!" sigaw ni Aziel sa akin na halos mamutok na ang ugat sa leeg niya at halos lumuwa na ang mata niyang namumula.

Umurong ang mga binti ko at nang makita kong parang papatay na ng tao si Aziel. Malakas niyang pinatid ang silyang kinauupuan kanina at tumabling naman ang kawawang silya.

Napalunok ako at napa-atras.

Nang hinakbang ni Aziel ang kanyang mahahabang binti ay parang may sariling utak ang paa ko na umatras. Nanliliit na ang mata ni Aziel at natatakot na ako sa maaaring gawin niya. May napatid ako sa likuran ko at nang nilingon ko iyon ay iyong bolo pala na ginamit ko kanina.

Isang mabilis na tingin ang ginagawa ko kay Aziel na ngayon ay humahakbang na papalapit sa akin saka ko naman nilingon ang itak sa paanan ko. Mabilis kong pinulot ang itak at saka ko hinarap si Aziel.

Gamit ang dalawang nanginginig na kamay ay itinuon ko sa kanya ang bolo na walang alam-alam sa mga nangyayari.

Kumuyom ang panga ni Aziel dahil sa ginawa ko at tumigil siya sa paghakbang ng makitang ituon ko sa kanya ang itak.

Nanlalaki na ang mga matang namumula ni Aziel at saka tinuro ako.

"You! What the hell is wrong with you, Deb?! You threw a damn plant at me and now you have the guts to point me with that kind of thing?!" sigaw ni Aziel sa akin habang dinuduro ako. Masama ang tingin niya sa akin at sa itak na hawak ko.

"I-ikaw naman kasi--"

"And now you have the audacity to talk back! Did you know where the hell are you standing, boy?!" Inis na inalis ni Aziel ang pagkakaturo sa akin pero nanatiling nakatutok sa kanya ang itak na hawak ko.

Nanginginig na ang kaloob-looban ko. Pero kung ganito ang laging nangyayari. Kung laging maghari-harian itong si Aziel sa pamamahay namin ay walang mangyayari. Ang sama niya lang kasi! Kung gusto niyang palitan ng mga pananim ang hardin namin sana naman ay tumulong siya pero hindi hinayaan niya lang ako na magbilad sa ilalim ng gintong araw at hindi pa ako pinagpapahinga. Sobrang pawis ko na. Basa na ang suot kong jacket. Parang sinusunog na ako sa ilalim ng jacket at pantalon ko. Tapos idagdag pa ang mga satsat niya na nagpapuno sa init ng ulo ko.

"Alam ko kung saan ako ngayon Aziel!"

"Huh!"

"Nasa labas tayo ng bahay natin!"

"The nerve of you boy!" Umuusli na ang ugat niya sa leeg.

Iling-iling niyang nilagay ang kanyang kamay sa kanyang baywang saka pinukol ako ng matatalim na tingin. Naniningkit ang kanyang mata at bumabakat na ang panga niya.

Napalunok ako. "M-mainit na Aziel. Pwede naman kasi na sa hapon ko na lang ito t-tapusin."

"Tsk! After throwing a damn plant in front of me 'yan ang sasabihin mo? Sa tingin mo papayagan kita?"

"Aziel naman!"

"At may gana ka nang pagtaasan ako ng boses!?"

"Bakit ikaw laging sinisigawan ako at pag ako bawal kang sigawan?" inis kong saad saka humigpit ang pagkakahawak ko doon sa itak.

Naalarma si Aziel doon at napatakip sa kanyang inaalagaang pagmumukha. Pero nang mapansin niyang di ko iyong binato sa kanya ay inalis niya rin naman ang kanyang kamay.

"Damn you boy! Alam mo ba kung sino ang nagpapakain sayo dito, huh?"

"Ikaw!" sigaw ko rin sa kanya. Para na kaming mga bata dito ni Aziel sa bakuran namin. Ewan ko kung may mga kapitbahay ba kami na nakiki-chismis na ngayon sa away namin.

"Then, you have the nerve to yell at me?!" Halos marinig ko na ang pag-gitgit ng ngipin niya sa kanyang ngipin.

"Asawa mo ako kaya natural na buhayin mo ako!"

Kumurap-kurap ang mga mata ko nang biglang tumawa si Aziel. Kumunot ang noo ko at saka ko naibaba ang itak na kanina pa nakatuon sa kanya. Tumagilid ang ulo ko habang pinagmamasdan ko si Aziel na parang baliw na tumatawa mag-isa. Kanina namumula siya sa galit tapos ngayon tawang-tawa na naman siya habang hawak-hawak ang tiyan niya.

"A-aziel..."

"Asawa?" natatawang wika niya saka binalik ang tuon sa akin. "Talagang ca-n-reer mo na ang pagiging Mr. Fabre, hmm, Deb?"

"T-talaga namang asawa mo na ako at asawa na ri--"

"Oh boy, you shut up. You sound like you really like these things. You sound as if you are really into these things, De--"

Pinutol ko siya sa kanyang pagsasalita. "Mali ka Aziel. Hindi ko ginusto ang bagay na ito. Wala akong gusto sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Wala ni isa sa mga ito ang nagustuhan ko. Kahit pa ang pagtira sa iisang bahay kasama ka ay hindi ko gusto. Hindi ko gusto ang makasal sa isang katulad mo. Sa isang masamang ugali na tulad mo. Pero anong magagawa ko kung--"

"Then why can't you apply for divorce?"

Dahil sa mama Sarah ko. Ginagawa ko ito para sa mama Sarah ko. Nagtitiis ako para sa mama Sarah ko! Gusto kong sabihin iyan kay Aziel kaso hindi ko naman masabi sa kanya. Baka sabihin niya nagrarason lang ako. Baka sabihin niya alibi ko lang iyon. Dahil hanggang ngayon pinagpipilitan niya pa rin talaga sa akin na gusto kong matali sa kanya.

"Apply for a divorce when you don't want this thing too, Deb."

"Bakit hindi na lang ikaw?" hamon ko.

Dumaing siya at bumuntong-hininga.

"I cannot do it since because my inheritance depend on this damn thing. If I would apply for a divorce goodbye inheritance. That is why you apply for it instead of m--"

"Sorry. I cannot do it either." wika ko. I cannot lose my Mama, Aziel. I will not put my mama's life on stake. I'm sorry but both of us was trapped in this marriage.

Sa araw na iyon umalis si Aziel sa bahay namin at hindi rin siya umuwi. Hindi ko naman alam kung saan siya tumuloy pero siguro sa bahay nila. Wala rin naman akong cellphone let alone ang kontakin siya.

Pero di rin naman ako nakatulog ng maayos sa gabing iyon. Maya't maya ang gising ko saka tini-check ko kung nakauwi na ba siya pero wala talaga.

Sa sumunod na araw ay nakauwi si Aziel nagbihis lang siya sa bahay saka binilin sa akin na dapat kong linisin ang buong bahay. Hindi ako umangal doon at sinunod ko siya. Masaya kong ginawa ang utos niya. At ayaw ko na rin na masundan iyong sagutan namin noong nakaraang araw.

Ewan ko rin sa sarili ko. Parang hinahanap ko ang presensya niya sa bahay kapag wala siya. Hindi ako napapakali sa gabi kapag hindi siya umuuwi. Hindi ko na nga rin namamalayan na may gabi na pala na hinihintay ko siyang makauwi at saka lang ako nakakatulog ng mahimbing pag alam ko na nakauwi na siya. Tapos gumagaan ang pakiramdam ko kapag umuuwi na siya sa bahay. Nakaugalian ko na rin na nilulutuan siya kahit na di naman siya tumitikim sa luto ko.

Kung ikukumpara ko ang buhay ko sa bahay ni Papa Gideon at ang buhay ko dito sa bahay namin ni Aziel. Mas pipiliin ko pa rin ito. Mas pipiliin ko pa ang magaspang at malamig na trato sa akin ni Aziel. Mas pipiliin ko pa itong inuutosan ako ni Aziel kaysa naman doon sa bahay ni Papa Gideon na puro utos at may pambubugbog pang kasama. Kaya mabuti na ito. Mas ayos na ako dito. Ang iniisip ko na lang ay ang mama Sarah ko sa ospital. Namimiss ko na si Mama. Sa halos dalawang linggo ay dito lang sa bahay at gusto ko nang dalawin ang mama ko.

Kaya naman naiisip ko na magpapaalam ako kay Aziel na aalis ako sa bahay.

Hapon na at habang nagt-trim ako sa mga money maker na halaman dito sa bukuran namin ay may dumating na sasakyan. Ang kotse si Aziel. Imbes na bumaba pa si Aziel at pagbuksan ang kanyang sarili sa car gate ako na ang tumakbo doon at pinagbuksan siya.

Nang makapasok si Aziel ay sinara ko na rin ang car gate at binalikan ang mga gardening tools na ginamit ko saka ko iyon niligpit. Matapos ko iyong iligpit ay pumasok na ako sa loob. Dumiretso ako sa kitchen para maghugas ng kamay saka aakyat na sana ako sa taas upang sundan si Aziel doon pero napatigil ako dahil nakita ko si Aziel na nakaupo doon sa living area namin at sa harap niya ay ang mga paper bags.

"Come here." aniya at minuwestra na lumapit ako sa kinauupuan niya.

Pinunas ko ang basa kong kamay sa likod ng jacket ko. Pinunu ko ng hangin ang dibdib ko saka ako lumapit kay Aziel. Umupo ako sa pinakamalapit na sofa sa kanya. Pinagsiklop ko ang kamay ko at tina-tap ko ng mahina ang paa ko sa sahig.

"Ano ang--"

"Take all of this with you." wika niya.

"H-huh?"

"Don't make me repeat myself, Deb." Aziel groaned.

"Hindi kita maintindihan Aziel." Pinaningkitan ko siya sa mata.

Tinulak ng kanang paa niya ang mga paper bags patungo sa akin.

"That's all yours."

Ang nanliit kong mata kanina ay halos umusli at binaba ko ang mata ko sa mga paper bags na di ko mabilang sa dami.

"A-akin? L-lahat ng 't-to?" nautal ako sa gulat.

"Hmm," he hummed, nodding his head and raised his thick and black eyebrows.

Bumaba ang pwet ko na nakaupo sa sofa saka ko binusisi ang mga paper bags. Kuminang ang mata ko nang makita ko ang mga iyon. T-shirts, shorts, pants, pyjamas, hoodies, underwears, at iba pa.

Nanubig ang mga mata ko habang ini-isa ko ang mga laman noong paper bags.

Malaki ang ngiti sa labi ko at pinalis ko ang luha na lumabas sa mata ko bago tingnan si Aziel na nanlaki ang mata sa akin.

"S-salamat." Pasasalamat ko sa kanya saka ko siya niyakap.

Sa biglaang ginawa ko ay bumagsak ang katawan ni Aziel sa sandalan ng sofa kasama ako. Nasa gitna ako ng nakabuka ng hita at kinulampit ko ang braso ko sa kanyang leeg. Dikit ang dibdib sa isa't isa.

"Salamat sa mga damit, Aziel." saad ko at yakap pa rin siya.

Di gumalaw si Aziel kaya hinigpitan ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko matukoy kung kaninong tibok ng puso ang nararamdaman at naririnig ko. Kaya Aziel ba iyon o sa akin. Masama nga ang ugali ni Aziel pero mapagbigay naman pala. Di nga kami nagkakaintindihan at walang maayos na komunikasyon sa isa't isa pero sa kabila no'n iniisip din pala namin ang isa't isa.

Alam kong mababaw na umiyak ako dahil sa binigyan lang ako ni Aziel ng mga damit pero kasi mula noon wala pang nagbigay sa akin at ganito pa ka dami. Mismo nga si Papa Gideon ay di ako binigyan ng damit. Ang mga luma at di na masusuot nina Kuya Damian at Kuya Rowan ang mga damit ko at ayos lang sa akin iyon. Bakit ako aangal? Wala nga akong pambili no'n.

"L-let go, Deb." Doon ko lang napakawalan si Aziel.

Tumayo ako at nang tingnan ko ang mukha niya ay kumabog ang puso ko. Namumula ang buong mukha ni Aziel lalo na ang tainga niya na parang sing-kulay na noong kamatis.

Yumuko ako at nilapit ko ang mukha ko sa namumulang pagmumukha niya. Sa pag-aalala ko ay dinala ko ang palad ko sa mukha niya na kinalaki mata niya.

"Ayos ka lang ba? May lagnat ka?"

"Fuck! Don't touch me." si Aziel saka tinampal ang kamay ko at mabilis na tumayo saka umakyat sa taas na hawak-hawak ang kanyang namumulang tainga. 

May lagnat siguro si Aziel kaya mabait siya ngayon at binigyan pa ako ng mga damit. Sana gumaling na siya kung may roon man siyang lagnat.



***
May bago po akong story na p-in-ublish dito sa wattpad 'Crossing Boundaries' po ang title sana po ay mabasa rin ninyo. May prologue at chapter 1 na po iyon. Ayon lang!
Thank you for reading! I hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top