CHAPTER 36

Chapter 36

Debie Pov

Walang imikan kami ni Aziel ngayon dito sa kitchen. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil parang bumait siya sa akin ngayon. Ako ang nagpresentang magluto ulit dahil di kami—ako nakapaglunch dahil iniwan ko ang pagkain na ginawa ko kanina doon sa kanyang opisina.

Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon dahil nandidito si Aziel sa penthouse kahit na oras pa naman ng kanyang trabaho. Alas tres pa naman kaya di pa ito ang nakasanayan ko nang oras na uwi niya galing sa trabaho.

Binaba ko ang tingin ko sa oatmeal na kanyang binigay sa akin. Hinihintay ko pa kasing maluto sa kanyang niluluto.

Sumubo ako noon at naluha ako nang maalala ko ang dati—ang dating kami. Ganito kami, e. Ganito kami noon.

Inaalagaan niya ako. Nilulutuan niya ako. Tina-tuck niya kapag matutulog.

Tiningnan ko naman ang damit ko. Iba na ang suot ko sa natatandaan kong suot ko kanina na umalis sa kompanya nila Aziel.

Ngumuso ako at muling sumubo. Nakiling ko ang ulo ko nang maalala ko ang sinabi kanina ni Aziel. I can't be mistaken. He called me... mal. He called me the way he called me before. He called me by our pet name. And he also said sorry.  

Tumingin ako sa malaking katawan ni Aziel na nakatalikod sa akin. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito simula noong nagkita ulit kami. Ngayon ko lang ulit siya natitigan na walang bumabagabag sa akin at walang takot na baka ay didilatan na niya naman ako sa mga mata niyang nanlilisik. Ngayon malaya ko ulit siyang mapagmamasdan.

Lumaki ang katawan ni Aziel kaysa dati. Saka noong nahawakan ko siya kagabi ay mas naging toned pa ang katawan niya. He looks like he didn't age. Instead, he becomes more cruelly handsome. 

Nagkalayo kami ni Aziel. Hindi. Lumayo ako kay Aziel para hanapin ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi noon di ako makahinga sa mga nangyayari sa paligid ko. Napuno ako. Hindi ko na alam ang gagawin at nakikita kong naapektuhan na si Aziel sa akin. Hindi kasi ako sanay doon. Na may ibang tao na nagdudusa para sa akin. My mind may not be working properly at the time, but my eyes can see how tired and exhausted he is. I feel like a burden to him. I feel like I'm the one who's making his life so hard. He was acting tough in front of me, but I also knew that, that time he was struggling with the loss of our child and my state that time was making it worse.  

And that time my only solution was to move away from the place. I want to breathe. I want to be alone. I want to find myself. I want to find what was wrong with me kung bakit ako ang pinapahirapan ng ganoon. Wala na nga ang ina ko noon sa tabi tapos naghirap pa ako sa puder ng ama ko. I was abused everyday. I was maltreated. Then, I found Aziel. Akala ko iyon na. Akala ko doon na matatapos ang hirap ko. Akala ko sasaya na ako lalo na sa pagdating ng baby namin kaso... nakuha naman din ito sa akin. Kaya naisip ko na ako ang mali. Ako ang bunga ng pagtataksil ni Papa Gideon kay Tita Mikee kaya tingin ko noon ako ang pinaparusahan sa lahat.

Lumayo ako. Akala ko noon lalayo lang ako ng isang lingo o isang buwan dahil mahahanap ko na ang sarili ko by that time. But no, I was wrong. Sa paglayo ko nalaman kong buntis pa rin ako. I was carrying Denziel in between my postspartum. I was also diagnosed with PTSD. And yeah, my condition worsens. Kaya nga sobrang pasasalamat ko kay Renna kasi isa siya sa umalalay sa akin. Isa siya sa umagabay sa akin sa paghihirap ko noon.

Pagkatapos ko ipanganak si Denziel. I undergo diffirent therapies pero hindi ako gumaling. At humindi rin ako sa pag-take ng antidepressants dahil may negatibo itong side effects sa akin. I may have lost my memory. Ayaw ko noon dahil baka makalimutan ko si Denziel at si Aziel. And my baby, our baby Denziel, was the one helping me. The one who's making my mind stable. Pero minsan umaatake pa rin ang mga panic attacks ko without me knowing afterward.

"Deb?"

I was snapped from my reverie when Aziel speak in front of me.

Napatingin naman ako sa harap ko. Inusog ni Aziel tungo sa akin ang steak na kanyang niluluto. Umuusok pa ito at nakakatam na ang amoy.

Wala namang ispesyal sa steak na iyon. Kung tutuosin nga ay makakagawa ako noon na siguro ay mas masarap pa kaso naiiyak ako habang tinitingnan ko iyon.

Mabilis kong naagap ang luha na tumulo sa pisngi ko.

"S-salamat dito." garalgal ko at kumuha agad ng kobyertos at saka ako nagsimulang kumain.

Hindi ko na talaga mapigilang di umiyak.

Naalala ko na naman noong unang beses akong nilutuan ni Aziel ng fried chicken sa bahay namin.

"Deb... mahal."

Kumabog ang puso ko doon. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa loob ng dibdib ko sa lakas noon. Patuloy sa pag-agos ang luha ko sa aking pisngi.

Kay tagal kong gusto iyong marinig ulit. Parang ngayon ko lang ulit narinig ang boses ni Aziel. Ang boses ng mahal ko. Ang boses ng Aziel ko.

"M-mal." untag ko.

"Mal." tugon naman sa akin ni Aziel.

Magkatapat ang pwesto namin ngayon. Ako nakaupo sa kabilang bar stool ng island counter at ganoon din siya. Pero bumaba siya doon at hindi niya pinutol ang titig sa akin saka umikot ng dahan-dahan sa counter tungo sa direksyon ko.

"Mal," muli kong wika.

"Mal." si Aziel nang makalapit sa akin at sunod akong niyapos.

Nabitawan ko ang hinahawakang kobyertos saka ko niyakap ang kamay ko sa kanyang katawan.

Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa leeg ko. Umiiyak siya.

Ako naman ay umiiyak sa kanyang dibdib ay mahigpit siyang niyayakap.

"I'm so sorry, mal. I'm so sorry. I'm so sorry for being an asshòlè. I'm sorry for hurting you, mal. I'm sorry for making you feel unwanted. I'm very sorry, mal." Litanya ni Aziel sa pagitan ng pagyayakapan namin at halos madurog na ako sa kanyang yakap.

"Aziel!" Iyak ko. "Kasalan ko rin naman iyon mahal. Dapat lang iyon sa akin. Iniwan kita. Lumayo ako. Hindi ko man sinadya ang paglayo ng maraming taon pero may kasalanan pa rin ako. Patawarin mo ako, mal."

Kumalas si Aziel sa aming yakapan kaso di ko na binitawan ang damit niya. Hinigpitan ko ang pagkakapit ko doon.  Bahala na siya. Ayaw ko siyang bitawan.

"Sshh!" Pagtahan niya sa akin.

Kahit na umiiyak rin ako ay pinunasan ko rin ang mga luha niya.

Ang dating Aziel na una kong nakilala sa buhay naming mag-asawa na masungit, hambog, at malamig ay wala na. Ito na iyong Aziel ko.

"Mal, naintindihan na kita. Naiintindihan na kita, mal. Alam ko na ang lahat. Alam ko na, mal."

Umawang ang labi ko doon.

"H-how?"

"Renna... Renna came here and she told me everything about you, about your life in Monti Alegri, your struggles alone, and your battles alone."

"Mal..." pinutol ako ni Aziel sa paghalik niya sa labi ko.

"I'm so proud of you, mal. I'm so proud of your bravery and courage to face all those things, all those battles by yourself."

Nalukot ko nang husto ang damit niyang suot.

"Hindi... ka galit sa akin?"

He smiled and kissed me again.

He licked his lips, "Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal, mal. Nagalit ako. Oo. Pero hindi iyon tumagal. Kusang nalusaw ang galit ko noong nakita kita. Imbes na galit ang maramdaman ko  sabik at pagkamiss ko sayo ang naramdaman ko. Ganoon ka kahalaga sa akin, mal."

Lumipat ang kamay ko sa mukha niya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Ako pa rin ba, mal?"

"Yes, mal."

"Mahal mo pa rin ako? Ako pa rin ang laman ng puso mo?"

"Yes, mal. It's always been you in my heart."

"Mahal mo pa rin ako, mal?"

"I wouldn't call you mahal if not, mal. I love you, Deb."

Yumakap ako sa kanya. "Mahal na mahal din kita Aziel-Rigg."

Kinalas niya ang kamay kong nakagapos sa kanyang baywang. Kinulong niya ang mukha ko gamit ang kanyang palad.

"I love you," halik sa noo.

"I love you," halik sa mga mata ko.

"I love you," halik sa dalawang pisngi ko.

"I love you," halik sa ilong ko

"I love you," at pang huling halik sa labi ko.

Sa huling halik ni Aziel ay napahawak na ako sa kanyang damit nang bigyan ko siya ng permiso na ipasok ang kanyang dila sa akin bibig. Hinalughog ng dila ni Aziel ang bibig ko at ang tangi ko nalang nagagawa ay ang iyakap ko ang braso sa kanyang leeg at hinayaan siya sa kanyang plano.

Mayamaya pa ay bumaba na ang kamay niya sa katawan ko saka para iyong may sariling mata at pag-iisip nang pumasok ito sa loob ng oversized t-shirt ko atsaka paulit-ulit na hinahaplos ang tiyan ko, pinipisil ang belly button ko, and waist ko, at para akong u-od na binuburan ng asin nang lumandas ang mga daliri ng asawa ko sa likod ko.

"M-mal..." halinghing ako at gumanti sa kanyang mga gutom na halik.

"I miss you, mal. I fùcking miss this." bulong niya sa pagitan ng halik namin.

Ungol lang ang tanging nagawa ko nang buhatin niya ako at ilapag sa counter top. Ngayon ay parang magkasingtangkad na kami. Pantay na ang mga mukha namin.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinatong ko ang noo ko sa kanya at hinahaplos ang kanyang mukha.

"Mal." sabay pa naming untag at kapwa kumukuha ng hangin.

Naitungkod ko ang kamay ko sa likod nang itaas ni Aziel ang aking suot na damit at ipasok ang kanyang ulo loob ng damit ko.

Humalik siya doon sa tiyan ko pataas at mahabang ungol ang kumawala sa labi nang matagpuan na niya naman ang kanyang paboritong parte sa aking katawan.

"M-mal... masakit pa iyan." paalala ko sa kanya.

Nanginig ang tanang kalamnan ko nang dumila siya doon sa ut*ng ko.

"I will just lick them, mal. Fùck! They're inviting me—begging me to lick them, mal." anito at dumila na naman doon sa para-ang parang kumakain ng ice cream.

Nakalimutan ko na ang pagkain ko sa tabi namin. Naamoy ko pa ang bango noon pero heto kami ngayon dito sa ibabaw. Iba ang kumakain. Iba ang gutom. Iba ang putahing nilalantakan.

Papahiga na ako sa counter top dahil bumaba ang labi ni Aziel sa pusunan ko at binababa na niya rin ang salawal ko kaso may biglang tumawag sa akin.

"Mimi!!!"

Halos matumba si Aziel nang maitulak ko siya bigla dahil sa matalis na boses ng anak namin. Naayos ko kaagad ang damit ko at napatingin kay Aziel na namumula.

Nahirapan ako sa pagbaba sa counter top kasi mataas ito pero inagap naman kaagad ni Aziel ang baywang ko at saka ako binaba.

"Sorry." bulong ko sa nabiting asawa.

Umigting ang panga niya. "We'll continue later."

Nanlaki ang mata ko nang biglang tampalin ni Denziel ang kamay ni Aziel na nakapulupot sa aking baywang.

"Baby!"

"Bad ka daddy! Bad ka. Why did you pin mimi over there?!" anito at sa saka tinuro ang counter top.

Napapikit ako ng mariin sa mata ko at napaiwas ng tingin.

"You're bullying mimi, daddy!"

Nilapitan ko ang anak namin na medyo magulo pa ang buhok at tagilid na ang pegtail niya.

"Baby, d-daddy wasn't bullying me." pagpapaintindi ko dito.

The small nose of our baby wrinkled and crossed her arms.

"Hmp! But daddy was pinning you over there mimi. Daddy even peered inside your t-shirt. I... I also hear you groaning mimi."

Napatingin ako kay Aziel sa tabi ko na namumula sa pagpipigil ng tawa.

Sasagutin ko na sana ang anak sa muli kong pagtingin dito nang si Aziel na ang sumagot dito.

"Mimi and daddy was just playing, baby. I wasn't bullying mimi."

Lumapit si Denziel sa ama at hinawakan nito ang mukha ni Aziel. Parang sinusuri ng anak kung talaga bang nagsasabi ng totoo ang ama.

"Really?"

"Really."

Napatango-tango naman ang anak namin at parang nabingwit doon ni Aziel. Nakahinga ako ng maluwag doon.

"Can I also play with you and mimi, daddy?"

"No, you're still a baby. A baby can't play with mimi and daddy. This play is only for adults."

"For adults only?" tumaas ang boses ng anak. Dismayado na di siya pwede doon.

Dios ko naman. Pinapahaba lang ni Aziel ang kanilang diskusyon.

"Hmm."

"Why, daddy?"

"Only daddy and mimi can play, baby, because we're practicing on how to make your baby brothers and sisters."

Natampal ko doon ang balikat ng lalaki. Kung ano-ano na ang sinasabi sa anak!

Lumaylay ang balikat ko nang mapapa-palakpak ang anak namin.

"Wow! Mimi," baling sa akin ng anak. "mimi keep practicing with daddy, okay? I want many many little brother and sister!"

We spent the entire afternoon together as a family, watching Denziel's favorite cartoon and cuddling. Ako nakasandal kay Aziel. Ang anak naman namin ay sa akin nakakandong. Di papakabog itong anak naming ito.

Humaba ang panonood namin sa telebesyon hanggang sa napagod yata ang anak namin at nakatulog na naman. Mamayang gabi nito ay gising na gising na naman ito at magtatalon sa kama. Hyper na ito kapag gabi. Tulog nang tulog sa umaga, e.

Hinatid ni Aziel ang anak namin sa kanyang kwarto. Nagliligpit ako sa bowl na aming kinainan sa fries kanina at mga baso nang may biglang yumakap sa likuran ko. Wala namang ibang gagawa noon sa akin dito maliban kay Aziel.  Kaya naman ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pagliligpit kaso lang ay bigla nalang akong lumutang sa ere nang buhatin niya ako.

"Aziel, nagliligpit ako ng kalat."

"Miss na miss kita, mal. Cuddle muna tayo."

Di ako umimik doon at hinayaan ko na siya.

Hiniga niya ako sa mahabang sofa dito sa living area at pumaibabaw sa akin. Yumakap kaagad siya sa tiyan ko at umunan doon.

"I fùcking miss this."

Sinuklay ko ang buhok niya at hinayaan na siya doon. Kaso lang ay may bigla akong naalala.

Naitulak ko si Aziel na humahalik na pala sa tiyan ko.

"Mal?" gulong sambit niya.

"Umalis ka dyan." utos ko sa kanya na kinakunot lang ng noo niya.

"What? Why would I?"

Umirap ako sa kanya.

"Nilalandi mo ako ngayon Azi--"

"Kasi asawa kita." pagtapos niya.

"Asawa pero may nilalandi kang iba."

"What?" Tingnan mo na di na makaamin sa kanyang sariling kalokohan. Alam niya pala na asawa niya ako, na may asawa na siya, pero bakit may babae siya?

"Huwag na huwag mo akong wina-what Aziel-Rigg. E, sino iyong babaeng pumunta dito? Sino iyong babaeng pumunta sa office mo? Talagang ang sweet n-ninyo." nautal ako kasi pumait ang lalamunan ko doon.

Selos na selos ako doon sa babae. Nakakapanliit masyado. Ang ganda pa ng babaeng iyon.

Umusog pataas ang lalaki at tinungkod ang dalawang kamay sa gilid ng ulo ko at tinitigan ako.

"Tell me, ma--"

"Sino iyong Kezi? Sino iyong babae na dinala mo dito at doon sa opisina mo?"

Nakurot ko ang tagiliran niya nang ngumisi siya sa akin. Hindi niya siniseryoso ang sinasabi ko.

"You don't have to feel jealous and insecure, mal. Kaibigan ko lang si Kezi at may asawa na rin iyon. Isa ang negosyo nila sa hinahawakan namin kaya magkaibigan kami." Paliwanag niya pero nagnakaw naman ng nakaw ng halik sa labi ko.

Hinarang ko ang kamay ko sa kanyang dibdib. Para na siyang nagp-push up, e, tapos  kada-push niya may halik sa labi ko.

"Kaibigan lang talaga?" Mas mabuti nang sigurado.

Lumunok siya. "S-she's my ex-girlfriend before."

Sa sagot niyang iyon ay naitulak ko na siya at nagmamadaling isuot iyong sapin sa paa kaso di ako nakahakbang ay hinawakan na niya ang baywang ko saka inikot at hinala pa upo sa kanyang kandungan.

His big hands rested on the face of my butt, supporting my weight.

"Bitawan mo ako lalaki ka!"

"Huwag ka na ngang magselos. We're just friends and busines--"

"Wala akong paki. Pumunta pa rin siya dito sa bahay mo at--"

Siniil niya ang labi ko nang mapusok na halik. Pinisil niya pa ang pisngi ng dalawang pwet ko.

"Tàngìnang bibig 'yan, mal. Pinapatigas ako."

Ginapangan ng init ang pagmumukha ko dahil sa sinabi niya. Ang bibig niya di pa rin nagbabago.

"Iniiba mo ang usapan lalaki ka."

"Okay," pagsuko niya pero ang kamay pinasok na loob ng shorts ko. Dios ko! "Iyong pagpunta dito ni Kezi at iyong sa opisina ay plano lang mal. Nais kitang pagselosin. Nagtatampo kasi ako sayo. Pero iyong pagpunta ni Kezi dito ay kasama talaga ang asawa niya pati na doon sa opisina ko."

Tumaas ang kilay ko. "T-talaga?"

Kinuha niya ang kamay ko na nasa gilid ko lang at isinampay niya sa kanyang balikat.

"Oo. Kahit tawagan pa natin ang mag-asawa ngayon." paghamon niya sa akin.

"Tsk! Naiinis pa rin ako. Selos na selos ako... at natakot din. Akala ko di mo na ako mahal. Akala ko may iba ka na. Akala ko nakalimutan mo na ako."

Walang salita na yinakap ako ni Aziel. "Sorry. Sorry, mal if I make you feel that way. Sorry, hmm?"

"Hmm. Basta h'wag mo nang uulitin. Kundi puputulin ko kaligayahan mo Aziel-Rigg."

---
The following day kahit na huwebes ay nagulat ako kasi hindi pumasok si Aziel sa trabaho. Naabutan ako siyang nagluluto sa kitchen na naka jersey shorts lang at apron. Iyong apron na sinusuot ko dito kapag nagluluto.

Napangiti ako habang malaya kong tinatanaw ang seksing likod ng asawa na nagf-flex kapag siya ay gumagalaw. Tulog pa ang aming prinsesa sa kanyang kwarto. Napagod kagabi. Saka iyong plano ni Aziel na itutuloy namin na naudlot noong isang araw ay di na nasundan dahil magkatabi kaming tatlo na natutulog at inaakupa halos lahat ng bahagi ng kama ni Denziel. Ewan ko kung sinasadya ba ng anak namin na maglikot. Kaya ayon. Tigang muna ang asawa.

Lumapit ako kay Aziel na abala sa pagluluto at yumakap ako sa likod niya. Napakabango noong niluluto niya kaso mas mabango pa yata itong yakap-yakap ko ngayon kaysa doon.

"Good morning, mal." si Aziel na ang unang nakabati at umikot upang hagkan ang pisngi ko at labi.

Nanatili ako sa pagyakap sa kanyang katawan at tumingala upang tugunin ang kanyang halik.

Nang kinapos kami sa hininga ay doon na humiwalay ang labi namin.

"Morning."

"Sundan na natin si Denziel, mal." anito na kinakurot ko sa kanyang matigas na likuran. "Kung ganito ka ka-sweet araw-araw, mal. Baka masundan na kaagad natin si Denziel."

"Tse! Magluto ka nga dyan."

"Mas gusto ko nang bustisin ka mal kaysa magluto." aniya na at lumagapak ang kamay ko sa maumbok niyang pwetan. Bwesit talaga ang lalaking ito!

Matapos ang pagluluto ni Aziel ay di pa kami kumain kasi hinihintay namin magising ang prinsesa namin na tulog pa.

Kaya heto kami ngayon dito sa living area. Umagang-umaga pero kinakandong na niya ako at pinakita ko ulit sa kanya ang mga photo albums at iyong mga videos na kuha ko noong baby palang ang aming prinsesa.

Pinakita ko sa kanya ang first smile ng anak namin, ang first crawl, ang first nitong step, ang first nitong sabi na daddy at mimi.

Kandung ako ni Aziel tapos ang dalawang kamay niya nasa loob ng tshirt ko at pinaglalaruan ang paborito niyang parte doon. Inaakupa ang dalawang kamay niya ang flat kong dibdib. Minamasahe at pinipisil. Panay pa ang halik sa leeg ko. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa ba ito sa akin.

At nasa ganoong posisyon kaming dalawa nang dumating ang prinsesa namin na mukhang di manganda ang gising.

Gusto kong matawa sa hitsura ng anak namin. Ang kyut kasi nito sa magulo niyang buhok at nakabusungot ang mukha. Bitbit niya pa ang binili na teddy bear ng ama sa isang kamay niya.

"Mimi!" nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.

Tinampal ko ang kamay ni Aziel na nasa loob ng damit ko.

Binaba ko ang photo album sa center table.

"Good morning, baby." bati ko dito kahit nakabusungot ang mukha.

"Mimi, why are you sitting in daddy's lap? You are heavy!" pagmamaktol nito at lumapit sa amin.

"No. Hindi mabigat si mimi, baby. Kayang kaya ni daddy na buhatin si mimi." sagot naman ni Aziel.

"Baby Denziel lang dapat ang kini-carry at umuupo sa lap mo daddy." anito at umakyat sa kabilang hita ng ama.

Nakurot ko tuloy ang pisngi nito. Dios ko!

"Okay na aalis na si mimi. Halika na magbath na tayo para makakain na."

Aalis na sana ako sa hita ni Aziel ng pigilan niya ako.

"Carry baby Denziel, daddy." anito sa ama.

"Of course."

Napatili ako nang sabay kaming buhatin ni Aziel sa magkabilang braso niya at walang kahirap-hirap na tumayo saka bumakbang tungo sa kwarto niya. Dios ko!

"Mal! Ano ba ibaba mo ako! Dios ko." natataranta kong wika.

"Relax mal. Yumakap ka nalang sa akin."

Ako ang sinabihan noon ni Aziel pero nauna nang yumakap ang maliit na kamay ng anak namin sa kanyang leeg. Napatawa nalang ako doon sa inasta ng anak namin. Akala niya talaga ay aagawan ko siya sa atensyon ng ama niya.

***

Thank you for reading, Engels!!!😍❣

🚨Sneak-Peek (Chapter 37)🚨

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top