CHAPTER 34
Chapter 34
Debie Pov
Sa kabila ng di pagkakaunawaan namin ni Aziel ay nasabi niya sa akin na matagal na palang nakalabas ang mama Sarah ko sa mental hospital.
"M-mama!" Napahagulhol ako nang magyakapan kami ni Mama.
"Ang laki mo na anak. Patawarin mo sana ako Deb, anak. Patawarin mo ako nang dahil sa akin sinapit mo ang mga pangmamaltrato sayo ng ama mo."
Inilingan ko si Mama Sarah.
Hindi ako humiwalay kay Mama at sumandal ako sa dibdib niya. May sariling bahay na si Mama Sarah, bunga ng pagtatrabaho niya sa kompanya nila Aziel. Ngayon nga ay nandidito ako sa bahay ni Mama, dinaan ako ni Aziel dito bago sila pumunta sa mall kasama ang anak namin.
I was so happy for mama Sarah. Finally, nagagawa na niya ang mga gusto niya.
Sinabi ni Mama Sarah na magkaibigan sila ni Daddy Azrael. Ito daw ang tumulong sa kanya upang makabangon—ang mga Fabre ang tumulong sa kanya.
"No, mama. Hindi mo naman iyon ginusto. Walang may gusto sa nangyari sayo, ma. Kaya wala po kayong dapat ikahingi ng tawad."
Sinuklay ni Mama ang buhok ko. I miss this. Yumakap ako sa baywang ni Mama Sarah.
Kinuwento ni Mama Sarah kung bakit siya nabaliw. Mama Sarah was under too much stress and was also fighting her anxiety at the same time. Sunod-sunod iyon kaya at di nakayanan ng mental health ni Mama. Pero hindi siya gumaling doon sa ospital kung saan siya pinagamot ni Papa Gideon dati dahil iba pala ang gamot na tinuturok sa kanya doon. Nalaman din ni Mama ang lahat ng ito mula sa mga Fabre dahil inimbestigahan nila ang kaso ni Mama.
Sa totoo lang ay natatakot ako. Natatakot ako na baka... magaya ako kay Mama Sarah. Baka mabaliw din ako. Dios ko huwag naman sana...
"Mama... n-natatakot pa rin po ako kay Tita Mikee, ma." pag-amin ko kay Mama.
"Sshh," mama Sarah hushed. "Di ka na masasaktan ni Mikee anak. Dahil nakakulong na siya. Ang papa mo naman... namatay na years ago. Kaya wala nang mananakit sayo."
Doon ako napa-ahon.
"T-talaga ma. Wala na si Papa at nakakulong na si Tita Mikee?"
Ngumiti si Mama Sarah sa akin. "Oo anak. Pinagbabayaran na ni Mikee ang mga kasalanan niya sayo sa kulungan. At habang-buhay iyon."
Naluluha ako pero nakangiti ang mga labi ko sa sinabi ni Mama Sarah sa akin. Masama bang sabihin kong masaya ako na namatay ang papa ko? Masama na ba ako na masaya ako dahil hindi na makakalabas ng kulungan si Tita Mikee? Masama ba na sobrang saya ng puso ko dahil iyong nga taong nagmaltrato sa akin pinagbabayad na ng Diyos sa mga kasalanan nila? May parte sa puso ko na parang nakahinga ng maluwag doon. Parang may bigat sa dibdib ko na naalis sa balitang sinabi ni Mama sa akin.
Niyakap ako ni Mama at hinalkan ang sintedo ko. Umunan ako sa hita ni Mama.
Matanda na ako pero nagpalambing ako kay Mama. Ang sarap-sarap dito sa tabi ni Mama Sarah.
"Anak maayos na ba kayo ni Aziel?"
My body stiffened at Mama Sarah's out of the topic question.
Alam ni Mama Sarah na kasal ako kay Aziel noon at hanggang ngayon. Masaya nga siya na sa mga Fabre ako bumagsak.
Bumangon ako sa pagkaka-uunan ko sa hita ni Mama. Inangat ko ang paa ko sa sofa at niyakap ang binti atsaka pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko.
Mapait akong napangiti kay Mama Sarah.
Isang linggo ko palang n-nililigawan si Aziel at ang hirap. Parang hindi ligaw ang ginagawa ko. Suyo ang dapat itawag doon. Mahirap pa pakisamahan si Aziel sa babaeng mag regla. But I understand him, even if it is hard and difficult. I won't give up. I am thankful that our baby was around because whenever Denziel's around, Aziel treats me neutrally.
"Hindi pa ma, e. I'm still pursuing him."
"Lambingin mo lang at suyuin. I know bibigay din si Aziel anak. Mabait iyon at alam kong mahal ka at mas lalong di ka noon matitiis."
Ngumiti ako kay Mama Sarah. Suyo lang ang magagawa ko sa ngayon. Walang lambing na nangyayari dahil nga nanliligaw pa ako. Nasa iisang bubong kami pero nililigawan ko pa ang lalaki.
"Pero ang apo ko anak. Gusto ko rin siya makita at makabonding." pag-iiba ni Mama sa usapin dahil napansin niyang wala akong maiimik doon sa nauna.
"Oo ma. Sa susunod dadalhin ko na siya. Saka may plano rin naman si Aziel na ipakilala na si Denziel kay Daddy Azrael. Siguro dadalhin namin ang bata sa kompanya nila o mags-set up si Aziel ng date kung kailan at saan."
"Mabuti naman at napag-uusapan ninyo ni Aziel ang tungkol dyaan."
Ngumuso ako kay Mama. Basta tungkol sa anak namin nakakapag-usap naman kami ng maayos ni Aziel. Nakakaka-usap niya naman ako ng walang pait sa kanya kapag tungkol sa anak namin. Like what I have said before. Si Denziel nalang ang nag-uugnay sa amin.
That's what I felt.
"Gusto lang namin ang nakakabuti sa anak namin ma at kung ano ang dapat."
May takot sa akin na harapin si Daddy Azrael dahil sa nagawa ko dati pero dapat ko talaga silang harapin, e. Dapat kong tanggapin ang galit nila.
"Basta nandidito lang si mama, anak. Kung kailangan mo ako. Nandidito lang ako."
Gusto sana ni Mama na doon muna ako sa bahay pero hahanapin din ako ng anak ko. Kaya nang gumabi ay umuwi rin ako sa penthouse ni Aziel.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Aziel at si Denziel na nakahiga sa sofa at kapwa natutulog. Nakayakap si Aziel sa anak namin at si Denziel naman ay nakaunan sa isang braso ng ama. Nakita kong bukas ang TV. Nakatulugan yata nila. Kaya naman kinuha ko ang remote sa center table at pinatay ang TV.
Kaya pinayagan ko si Aziel na huwag muna ipakilala si Denziel sa mga magulang namin dahil gusto niya pa itong masolo. At naintindihan ko siya doon.
Lumapit ako sa mag-ama ko at hinalikan ko si Denziel. Nang i-angat ko ang mukha ko ay napatitig ako sa mukha ni Aziel. Pulgada nalang ang agwat ng mukha namin at mahahalikan ko na siya. Dumapo ang mata ko sa mapula niyang labi.
Napapikit ako nang may kung ano na nagtulak sa akin na tikman iyon. Dios ko, Debie! Umayos ka! Di pa kayo bati! Pagkutos ko sa sarili.
Umatras ako doon at tumungo nalang sa guestroom at nagbihis para malutuan ko ang nililigawan ko at ang anak.
---
Dumating ang araw na ipinakilala namin ni Aziel si Denziel sa aming mga magulang. Pinapunta lang namin ni Aziel sina Mama Sarah at Daddy Azrael dito sa penthouse niya. Hindi na kami lumabas pa.
Naluluha si Daddy Azrael nang makita ang apo niya samantalang si Mama Sarah naman ay naiyak. Salamat nalang talaga na ang daldal nitong anak namin at napa-friendly dahil mabilis lang siyang nalapit sa kanyang lolo at lola.
"You know what, mamala and papalo. My mimi was verrryyy popular in our home. He is the best of the best chefs in our home! That is why Papa Roswell was always thanking my mimi for having him in their restaurant." Daldal ng anak namin.
Nandidito pa rin kami sa dining table. Tapos na kaming kumain pero di pa kami umaalis. Dito kami nag-usap-usap at nagkatuwaan.
Namula ang mukha ko doon sa sinabi ng anak.
Pinatulan naman iyon nila Daddy Azrael at mama Sarah.
"You like your Papa Roswell apo?" tanong naman ni Daddy Azrael dito.
"Yes! He takes care of my mimi and loves my mimi. That is why I like papa Roswell."
Muntik na akong mahulog sa silya dahil sa sinabi ng anak. Napatingin ako kina mama Sarah at Daddy Azrael na nakangisi. At mas nawindang ako nang magtagpo ang mata namin ni Aziel. Parang may humukay sa tiyan ko nang natagpuan ang nandidilim niyang mata na nakatutok pala sa akin.
Kinuskos ko ang palad ko sa shorts na suot dahil pinanlamigan ako sa palad at pinagpapawisan.
Hindi ko tukoy kung ano ang ipinapahiwatig nang mga titig na iyon ni Aziel. Ewan ko kung galit ba siya o... nagseselos? Dios ko! Ayaw kong paasahin ang sarili ko.
Matapos doon sa dining table ay nagbonding ang mag-lola.
Ako naman ang nagpresenta na maglinis sa table kaya naiwan ako. Mama Sarah wants to help me, but I decline, tinulak ko siya na magbonding kay Denziel.
Habang nagpupunas ako sa mga plato ay pumasok si Daddy Azrael sa kitchen. Palihim kong pinagmasdan ang galaw niya. Kumuha ito ng baso at saka nagsalin ng tubig doon.
Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa nang tumungo si Daddy Azrael sa direksyon ko.
Tumigil siya sa gilid ko.
"Kumusta ka na Deb?"
Doon ako nag-angat ng tingin kay Daddy Azrael. He slide the glass on the counter top at looked at me.
Tumigil ako sa pagpupunas at hinarap ko si daddy Azrael.
"D-daddy..."
"Don't be nervous." salang ni Daddy sa akin.
He looked down and he saw how my hands shaking.
Itinago ako ang kamay ko sa likod.
"I'm fine dad."
"But not really well." pagdagdag ni Daddy sa aking sinagot sa kanya.
I gave daddy contorted smile.
"Hmm. Why not asking help professionally Deb?"
Umiling ako kay Daddy.
"I can't dad."
"Why?"
"I've already tried different therapies before, dad. Renna helped me find the best doctors to treat me, but it was useless. They didn't give positive feedback. The result will always be the same. I was left with taking antidepressants..."
"And?"
My shoulders drop.
"The doctor warns me that if I take those drugs, I might lose my memory. It wasn't sure if it was temporary or permanent. That is why I chose to not take any drugs. I was fighting, battling this alone inside me, Dad. My doctor said that if I cannot take those drugs, then I'm the only one who can help myself."
Daddy Azrael didn't say anything and just hugged.
Umiyak ako sa bisig ni Daddy Azrael at nagpasalamat ako na hinayaan niya ako doon.
"Daddy, I'm so sorry for keeping Denziel to you and to Aziel. You don't deserve it. None of you deserve it but I-I-I..."
"Sshhh. It's okay. I understand you Deb."
Tinitigan ako ni Daddy Azrael na parang pinaparating niya na alam na niya ang pinagdaanan ko at di ko na kailangang magpaliwanag pa sa kanya.
"You're just a parent that only thinks the best—the safer way for your child, Deb. I understand you. And don't be sorry, okay? You acted that way before because your mind wasn't well and you were at sea."
"Thank you, dad."
Daddy smiled and tapped my shoulders.
"Hindi mo ba ito sasabihin sa anak ko, Deb? Ang sitwasyon mo ngayon?"
Matigas akong umiling kay daddy.
"Sasabihin ko lang dad kapag nagka-ayos na kami. I'm still pursuing him."
Tumawa si Daddy Azrael doon. Uminit naman ang mukha ko. Talagang nasabi ko pa iyon.
"Good luck Deb. Di ka rin matitis n'on."
Sana nga dad.
---
The following day, patuloy pa rin ako sa pagsusuyo kay Aziel. Ewan ko kung ligaw ba itong ginagawa ko. Para kasing suyo na. Bahala na basta magkaayos kaming dalawa. Mahal ko e, at nagkamali ako.
Ginagawa ko ang ginagawa ko dati nung mag-asawa pa kami at maayos pa ang relasyon naming dalawa. Maaga akong gumigising. Pinagtitimpla ko siya ng kape, nilulutuan, nagpaplantsa sa damit niya, hinahanda ang gamit niya sa trabaho. Kulang nalang paliguan ko siya sa araw-araw.
Nakakatuwa nga dahil minsan di na talaga napigilan ng anak namin na magkomento sa ginagawa ko.
"You're so sweet to daddy, mimi." Kinikilig na sambit ng anak ko sa akin isang araw.
Kung alam niya lang talaga at naiintindihan niya ang istado namin ng ama niya ngayon. Mag-asawa kami pero sinusuyo ko pa siya. Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya di ako napapagod. Dalawang linggo ko pa namang sinusuyo si Aziel. Kaso lang nami-miss ko rin ang Monti Alegri. Namiss ko ang pagluluto sa restaurant at ang mga tao doon. Mas lalo na ang paligid doon.
Isang gabi. Wala ang anak namin dito sa penthouse ni Aziel dahil hiniram nila Daddy Azrael at Mama Sarah, first time na malayo ng anak ko sa akin. Pero masaya naman siyang sumama sa mga granny niya.
Pinayuhan ako ni daddy Azrael na lambingin ko raw si Aziel. Pareho sila ng sinabi ni Mama Sarah sa akin. Kung pwede nga raw akitin ko. Kaya rin nila hiniram ang bata para daw magka-oras kami ni Aziel. K-kaso nahihiya ako.
Nahihiya ako pero heto ako ngayon. Nakasuot ng manipis na damit naka-shorts shorts at sinadya ko talagang ipakita ang collars ko. Halos mamuro na iyon nipples ko sa nipis noong damit. Pinatungan ko iyon ng bathrub at kunyari ay kagagaling ko lang sa banyo. Talaga namang naligo rin ako.
Pumaso ako sa patungong kitchen pero kunyari lang na may kukunin ako doon. Kaso ang leeg ko ay nakatanaw talaga sa salas. At halos mapatalon ako ng makita ko doon si Aziel na nagbabasa. Ang gwapo niya habang hawak-hawak iyong libro.
Ipinagtimpla ko ang lalaki ng kape at kunyari ay ibibigay ko iyon sa kanya.
Kinakabahan man ngunit desperada na rin ako. Miss na miss ko na talaga siya. Dios ko! Parang magkakasakit na ako sa pagkamiss ko sa kanya.
"K-kape ka muna." pagkuha ko sa atensyon niya.
Inangat niya ang tingin niya sa akin at napalukot ako sa daliri ng paa ko nang naglakbay ang mga mata niya sa suot ko. Kinuha ang pagkakataong iyon na ilagay ang kape sa table at sinadya kong lumaylay ang leegan ng damit ko para makita ang kayamanan ko sa loob. Bahala na. Asawa ko naman siya. Nakita na niya ito. Nahawakan niya, natikman na niya, at paborito niya pa nga noon.
Lihim akong napangiti nang umubo ang lalaki.
Pinalobo ko ang bibig ko.
Yuko pa rin ako at tumingin kay Aziel. Nahuli siyang nakatitig sa dibdib kong lantad sa harapan niya pero agad na umiwas ng tingin.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-akit ko kay Aziel nang may biglang dumating na panauhin.
"Azi!" anang ng isang boses babae sa likod ko.
"Kezi!" untag naman ni Aziel at agad na sinara ang libro saka tumayo.
Tumayo ako ng maayos at inayos ko ang damit ko. Sinundan ko ng tingin si Aziel at nanikip ang dibdib ko nang makita ko siyang sinalubong ang isang babae at hinalkan pa sa pisngi. The bitterness ran from my mouth to my heart and to every fiber of my veins.
The girl, who had a big booty, big boobs, and an angelic beautiful face, wrapped her hands around Aziel's waist.
"Who is he Azi?" anito na nang mapansin ako.
"O-oh, he is..."
Sinapawan ko na ang lalaki. "Hi! Good evening! I'm a house k-keeper." pagpapakilala ko sa kanya. At kahit na nanlalabo ang mga mata ko ay pilit pa akong ngumiti sa babae.
Hindi ko talaga matanggal ang mata ko doon sa kamay nilang nakahawak sa isa't isa. Girlfriend ba ito ni Aziel? Ito ba ang sinasabi niyang nagbago?
Bago pa man tumulo ang luha ko ay lakad-takbo na ang ginawa ko patungo sa guestroom. Di pa man ako nakakapasok sa kwarto ay bumuhos na ang mga luha ko. Muntik ko pa ngang di mabuksan ang kwarto dahil sa panginginig ng kamay ko.
Nang makapasok ako ay umiyak ako at naawa sa sarili ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin na nasa paanan ng kama. Inaakit ko si Aziel without knowing na baka may iba na pala siya. Pero bakit siya magpapaligaw kung meron? Ano pinaglalaruan niya ako? Natutuwa ba siya na makita akong parang aso na habol nang habol sa kanya?
Nahagip ng mata ko ang cellphone na bigay ni Mama Sarah sa tabi kaya naman ay sumubok akong tumawag kay Renna. Kaso di ko siya ma-contact. Sunod naman ay si Roswell at agad na nakasagot sa tawag ko.
"Deb? God! How are you? I'm in Manila right now. Hinatid ko ang friend ko. Magkita naman tayo ni Denziel. I miss he--"
"R-roswell." Parang bata akong napaiyak.
"H-hey! Deb, what's wrong?"
I told him what happened here.
"Would you be fine if magkita tayo ngayon?"
"S-sige." pagpayag ko kaagad.
Hindi na ako nagbihis at nagpatong lang ang sa damit ko ng isang cardigan bago lumabas sa guestroom. Naabutan ko si Aziel at iyong babae na si Kezi na nag-uusap sa sala.
Dadaan lang sana ako ng tawagin ako ni Aziel.
"Where are you going?" tanong niya na may pagkastrikto.
Kinuyom ko ang kamay ko.
Nagpractice ako ng ngiti at lumingon sa kanila.
"S-sa labas lang s-sir. May bibilhin." Pagdadahilan ko.
"Wala ba niyan dito at lalabas ng ganitong oras? At ganyan ang suot?"
Niyakap ako ang cardigan sa katawan ko.
"Wala sir at mabilis lang ako." turan ko saka tumalikod sa kanila at nagmamadaling lumabas.
Bumaba kaagad ako at naghintay kay Roswell sa harap ng tower kung saan ang penthouse ni Aziel.
Ilang minuto ay dumating ang kotse ni Roswell. Lumabas kaagad siya kotse. Naglakad siya papalapit sa akin habang hinhubad ang kanyang jacket. Niyakap niya kaagad iyon sa akin.
"Gabi na Deb. Bakit ganito ang sinuot mo? Tsk! Nagshort-shorts ka pa." pagalit niyang wika at giniya ako sa sasakyan niya.
Mayaman si Roswell at may sarili siyang bahay dito sa Manila. Sinabi ko sa kanya na pwede ba akong tumuloy doon at pumayag naman siya. Bukas pa naman daw ang byahe niya pabalik sa Monti Alegri.
Humingi ako ng paumanhin sa kanya dahil gabing-gabi at pinabyahe ko siya dahil sa nangyari doon sa penthouse ni Aziel.
Tinanggap naman niya ang sorry ko kaso pinagalitan ako sa suot ko. Ang nipis daw.
"Kululuwa mo nalang ang tinatakpan mo n'yan Deb." untag ni Roswell.
"Tsk! Tumahimik ka na. Di ko na rin ito uulitin 'no."
"Inakit mo ang asawa mo pero sa huli ikaw naman itong--"
"H'wag mo nang dagdagan ang sama ng loob ko."
"Mmm, fine."
Pagkarating namin sa bahay niya sumalubong ang kanyang care taker sa bahay. Hinatid ako ni Roswell sa isang kwarto at doon muna ako natutulog ngayon. Ayaw kong umuwi doon sa penthouse ni Aziel na nandodoon iyong babae. Nagseselos ako. Sobra.
"Call me if you need me or anything. Nasa kabilang room lang ako." Bilin ng kaibigan ko at sinara ang pintuan.
Humiga na ako sa kama at pumikit. Wala naman akong ginawa maliban sa pag-akit sana kay Aziel kaso parang napagod ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-idlip pero nagising ang diwa ko na parang may nagkakagulo sa labas.
"Pùtangìna! Saan si Deb? Ilabas mo si Deb!!"
"Aziel calm down will yo--"
"Debie!!!"
Napabalikwas ako sa pagbangon nang mabosesan ko ang parang kulog na tono sa ni Aziel. Bumaba agad ako sa kama at inayos ang suot kong cardigan at iyong jacket ni Roswell. Lumabas ako sa silid at hinanap ko kung saan sila.
Naabutan ko sa living area sina Roswell at Aziel na nagtatalo. Para na silang manok na malapit nang magsabong.
"Aziel." mahina at di makapaniwalang untag ko.
Papaanong nakarating siya dito?
"Deb!" aniya at agad akong nilapitan.
"Man." si Roswell naman na lalapit sana kaso hinarangan na ni Aziel.
"I will take him home. Sa bahay ko siya matutulog!" anito kay Roswell at kinuha ang kamay ko saka hinila.
Kaso nang mapansin ni Aziel ang suot ko ay dali-dali niyang hinubad sa akin ang jacket ni Roswell at tinapon sa sahig.
"Fùcking rug!" Pagtukoy niya sa jacket ni Roswell.
Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat.
Windang na windang ako sa pagyayari at di ako makapagsalita. Nasa may pintuan kami ni Aziel nang lingunin ko si Roswell. Bumuntong hininga lang ang kaibigan ko at tinanguan ako.
Hanggang sa makarating kami sa kotse at nasa gitna na ng daan nang mahanap ko ang boses ko para magsalita.
"Papaano ka nakarating sa bahay ni Roswell?" tanong ko dito.
Tiningnan ko si Aziel na kumuyom na ang panga.
"I followed you." simple nitong sagot.
"Ano?"
Iniwasan niya ang tanong ko. "Talagang doon ka pa matutulog, ha. Tapos nakaganyan na damit? Really, Deb? Akala ko ba ako ang nililigawan mo?" may pait nitong sabi.
Napairap ako.
"Papaano naman, e may babae ka namang ini-entertain doon sa bahay mo! Saka masama bang matulog sa bahay ng kaibigan ko?"
"That fùcking guy like you!"
Napapikit ako. Sasakit ang ulo ko dito sa lalaking ito!
"Wala ka nang paki doon!"
Napahawak ako sa seatbelt nang bigla siyang pumreno at itinabi ang sasakyan.
"Tsk! Walang paki? E, nanliligaw ka nga sa akin! Pero may iba ka naman palang inaakit."
Nang makabawi ako sa gulat ay hinarap ko siya.
"Inaakit? May iba akong inaakit? Dios ko! Wala sa bukabolaryo ko ang mang-akit ng kaibigan, Aziel. Saka para malaman mo, ikaw ang gusto kong akitin! Para sayo sana ito kaso may babae ka na naman pala--"
"In the backseat now!"
Napatalon ako sa lakas ng boses niya.
"A-ano!?"
"In. the. backseat. now!" may diin na iyon sa pagkakataong iyon at umiigting na ang panga niya.
Nanginig ang kalamnan ko.
"A-anong backseat? Bakit ako lilipat doon--"
"So you want me to rip that dàmn fabric in your body in your position right now?" aniya at nanghahamong tinitigan ang mata ko. Umigting pa ang panga niya nang bumaba ang tingin niya sa lower part ng katawan ko.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang mata at nanlaki ang mata ko nang makita kita na pala ang isang dibdib ko.
Narinig ko ang pakalas niya sa kanyang seatbelt at saktong pag-angat ko naman ng tingin ay sumalubong sa akin ang nag-aapoy na mga mata ni Aziel at walang sere-seremonyang sinunggaban ang labi ko.
***
Thank you so much for reading!!!🥰❤
🚨Sneak-Peek (Chapter 35)🚨
"That's your punishment."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top