CHAPTER 33

Chapter 33


Debie Pov

"It would be a long ride kaya magdadala ako ng pagkain... n-natin." mahinang saad ko habang nagp-pack ng pagkain nang pumasok si Aziel sa kitchen.

Malamig lang niya akong tiningnan saka ako tinalikuran. I gasped for air to fill my suffocating little heart.

Hindi ko pa nasasabi kay Denziel kung sino ba talaga si Mister, si Aziel. Hindi ko pa nasasabi na ito ang ama niya.

"Are you excited?" Ang naabutan kong tanong ni Aziel kay Denziel na nasa backseat.

"Oo po. It's my first time to go for a long ride."

"Mimi!" Ang tawag sa akin ng anak ko at kumaway pa.

"Sit still, baby. Malayo ang byahe. Tell me if you're hungry, okay?"

Masiglang tumango sa akin si Denziel. Napatingin naman ako kay Aziel pero agad ko ring binawi ang tingin ko dahil sa talim noon.

I didn't have a proper goodbye for Roswell. Thru phone ko lang siya tinawagan kanina at nagpaalam na aalis muna ako saglit dito dahil sasama kami kay Aziel sa Manila.

Roswell knows my story—my history, I guess. And he understands why we're suddenly leaving Monti Alegri. Roswell is a very, very good friend of mine. He takes care of Denziel. He loves Denziel, and he treats Denziel as his little princess. 

Nakapagpaalam na rin ako kay Renna at muli ay sa tawag lang. She was surprised that everything happened in just one night. At ngayon ay aalis kami sa Monti Alegri. She was happy that Denziel had finally met her father. Kaso pinaliwanag ko kay Renna na hindi ko pa nasasabi kay Denziel ang totoo, about Aziel.

Sinabi ko kay Aziel na kung pwede ay sa Manila nalang namin ipaliwanag ang lahat kay Denziel. Hindi naman siya umimik sa akin kaya kinuha ko nang go signal iyon.

Throughout our ride, Aziel was just acting cold, no, treating me cold. His treatment of me is even colder than the Antarctic. Si Denziel lang ang kinakausap niya at kinukumusta kung okay lang ba ito.

Kagabi matapos kong lumuhod sa harap niya saglit lang kaming nakapag-usap at natulog. Hindi na ako nakipag-agrumento sa kanya na huwag dalhin si Denziel sa Manila. May karapatan siya. Anak niya rin ito. And I deserve his cold and dark stares. I understand his treatment towards me right now. I deserve this.

Hilaw akong napangiti sa mga naisip at tumingin nalang ako sa tanawin sa labas. Sa apat na taon muli kong tatahakin ang lugar na nilisan. Ang lugar na nilayuan. Ang lugar na ayaw ko na sanang balikan. Ang lugar na nagpasakit sa akin noon at magpahanggang ngayon.

Tinago ako ang nanginginig kong kamay sa suot kong hoodie na jacket at kinagat ko ang labi ko saka ako pumikit ng mariin. I from count one to ten and start a breathing exercise to ease my discomfort about going back to Manila again after four years.

"S-saan pala t-tayo tutuloy? Ahm, ako. Saan ako tutuloy?" wika ko kay Aziel habang nasa byahe pa kami.

"To our old house." plain niyang sagot.

"P-pwede bang... huwag ako doon. Okay lang sa akin na maghotel ak--"

"I have a penthouse doon nalang tayo." Mabilis niyang bawi.

Nakahinga ako doon at tumango.

After an hours...

"Hey, we're here." Naalimpungatan ako sa yugyog ng balikat ko.

Nahihilo pa ako ng konti kaya naman pinikit ko ang mata ko at saka muling binuka. Sa pagkakataong iyon ay nakalabas na si Aziel sa sasakyan at kinukuha na si Denziel sa backseat na natutulog din. Dinala niya ang isang bag na naglalaman ng gamit ni Denziel.

Bumaba ako ng sasakyan at saka naman sumunod sa kanya dala ang bag ko.

Walang imikan kami sa loob ng elevator hanggang sa nakarating kami sa 32nd floor.

I was speechless the moment he opened the big brown sliding door. As I step inside his property, the cool air from the air conditioner welcomes my parched body. The long hallway is highlighted by a massive concrete block of cemented wall.

I took off my shoes and changed them into house slippers on the other side and traced Aziel's foot prints. 

Habang nakasunod ako kay Aziel ay di ko maiwasang di mamangha sa kanyang penthouse. It has a high ceiling and large glass windows where the natural light comes through. It also has a staircase to the second floor, and I took a glimpse of his very organized and well-designed kitchen. Napakalinis lang tingnan ng kitchen niya dahil parang lahat nakatago doon.

"Follow me."

"Ah, oo." Para akong bata na naglalaway sa kanyang penthouse.

Sumunod ako sa kanya sa second floor.

"There are only two rooms. The other room was mine and the other was for my guest. And you can sleep in the guest room." Paliwanag niya sa akin at tinuro iyong guest room niya.

"Ang bata Aziel k-kanina siy--"

"Sa kwarto ko siya matutulog." pagtatapos niya sa akin.

Tango lang ang naibigay ko sa kanya at sinundan ko nalang siya ng tingin nang pumasok siya sa kanyang silid.

Pakiramdam ko hindi ako welcome dito. Ewan ko. Pakiramdam ko di ako tanggap o kailangan dito.

Bago pa ako nilingon ni Aziel ay tumalikod na ako upang harapin ang sariling pintuan ng guest room.

Pumatak ang luha ko at nagmamadali akong pumasok sa guest room. I don't have a time to get amaze by the room dahil sa sakit na nararamdaman ko.

I shook my hands and started to walk around while doing a breathing exercise.

When my nerves calm down. Doon na ako umupo sa kama at di ko na kinuha pa ang mga damit ko sa bag. Diretso ko na iyong nilagay sa closet na nandidito sa room at saka ako humiga sa kama.

Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap ni Aziel pero ito na ang nangyayari sa akin. Tanging ang pag-amin ko lang na anak niya—namin si Denziel lang ang napag-usapan namin.

I know marami pa siyang isusumbat sa akin. Alam kong marami pa siyang hinanakit na ibabato sa akin. I just wish na maging matatag ako by that time.

Nakatulog ako sa pag-iisip ko at nang magising ako ay may humahalik na sa labi ko. At nariinig ko pa ang pagtawa n'on.

Hinagod ko ang nanlalabo kong mata at agad na bumungad sa akin ang mukha ng anak namin na may malaking ngisi.

"Good evening mimi."

Humalik ako sa kanya.

"Evening baby."

"Mimi wake up na. Dinner na tayo."

Nagmumog muna ako at inayos ko muna ang mukha ko bago kami lumabas ni Denziel.

Karga ko siya at papalapit na kami sa dining table kung saan may mga pagkain na nakahanda.

"Mister is so kind mimi. He even let us sleep in his beautiful, huge house." anang naman ng anak ko.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Tamihik kaming kumakain at ako naman ay sinusubuan si Denziel. Alam na niya naman kung paano subuan ang sarili kaso puro ulam lang naman ang pinipili kaya paminsan-minsan ko siyang sinusubuan.

Matapos ang dinner namin. Dinala ko sa kwarto si Denziel at nilinisan ko ang katawan, sinipilyuhan at binihisan ng pantulog na damit.

"Mimi, I was really afraid when I woke up without you on my side. Pero sinabi naman ni Mister na nasa ibang room ka kaya pinuntahan agad kita mimi."

Tumango ako.

Pinaupo ko si Denziel sa kama matapos kong suklayin ang kanyang buhok. Nag-squat ako sa harapan niya.

"Baby diba sinabi ko sayo na kaya tayo sumama kay M-mister kasi kikitain natin ang daddy mo?"

"Yes, mimi." masiglang tugon ng anak ko. Pinaliwanag ko sa kanya kanina na sasama kami kay Aziel upang makita na niya ang daddy niya. Nagtaka kasi siya na bigla-bigla ay aalis kami ng bahay namin.

"Tonight baby. I will... I will introduce you to your daddy, okay?"

Lumiwanag ang mata ng anak ko at agad akong niyakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Thank you so much mimi. You're the best!"

Dinala ko siya sa labas at nagtatalon pa siya. Mabuti at nasa sala si Aziel.

Umupo ako sa isang love seat na nasa tabi ng kina-uupuan ni Aziel na couch.

Palipat-lipat ang tingin ni Denziel sa akin at kay Aziel na nakatitig sa kanya.

Kinuha ko ang dalawang kamay ng anak ko at hinarap siya sa akin.

"Baby, I'm so sorry, okay? Mimi is so sorry for not being a good parent to you and for not being a good mimi to you. I'm sorry if Mimi has to keep you away from your daddy. Mimi was so sorry because I could not immediately introduce you to your daddy."

Bumuhos naman ang malalaking patak na luha ni Denziel.

"No, mimi. You are the best. You are the best mimi. Love-love baby Denziel, mimi." aniya matapos punasan ang luha ko gamit ang maliit niyang kamay.

Tumango ako sa kanya at di ko siya niyakap kahit sinabi niyang love-love. I need to tell her right now. Bago pa umurong itong dila ko.

"Baby, diba you like mister?" Sinulyapan ko si Aziel na nakatitig lang sa amin na walang kurap-kurap. Tiningnan din ni Denziel si Aziel at bumaling ulit sa akin ang mata niya.

"Baby, he is your daddy. Mister fried chicken and ice cream guy is your daddy."

Nabigla ako sa pagyakap ni Denziel sa akin. Mahigpit niyang niyakap ang kamay sa akin at umiyak.

Hinagod ko ang likuran niya at marahan siyang tinulak.

"Go to your daddy, baby. Daddy misses you so much." Umiiyak kong saad.

Nilingon ni Denziel si Aziel na nag-aabang sa kanya. Namumula at nanunubig sa luha ang mga mata ni Aziel.

Tumakbo si Denziel patungo kay Aziel at yumakap siya dito. Tinakpan ko ang bibig ko upang ibsan ang ingay ng pag-iyak ko.

Si Denziel naman ay napanguwa at yumakap kay Aziel.

"D-daddyyyy!!!" iyak ng anak namin.

"Baby, I miss you so much. I love you. I love you anak." bulong naman ni Aziel sa anak at pinugpog ito ng halik.

Kumalas si Denziel sa yakapan nila ni Aziel at dumistansya siya dito. Pinunasan ni Denziel ang sariling luha.

Humihikbi siya pero pilit pa rin siyang nagsalita.

"Hello! D-addy! I'm Denziel F-fabre! I'm 3 years old. I m-miss you so much, Daddy. Mimi has s-something to deal with a-and is afraid. That is why we c-cannot visit you. But I always p-pray to Jesus and my guardian angels to t-take care of you, Daddy, because we still n-need to see each other. I l-love you so much, Daddy! Love-love b-baby Denziel, Daddy!" Utal-utal na wika ni Denziel dahil sa kanyang pag-iyak.

Hindi nakuha ni Aziel ang sinabing love-love baby Denziel ng anak kaya naman binuka ni Denziel ang kanyang mga maliliit na braso at doon siya niyakap ni Aziel.

Habang nakatanaw ako sa kanilang dalawa ay puro lang iyak ang ginawa ko. Ito iyong pinagkait ko sa mag-ama ko.

Hindi ko rin naman ito gusto. Gusto ko naman umuwi kay Aziel. Gustong-gusto ko. Dios ko!

Naninikip ng husto ko ang dibdib ko habang nakatanaw sa kanila. It was a selfish act. It was a foolish move to keep Denziel, our daughter, from him (Aziel) but you can't blame me for my decision. I went through all that time in between my postpartum time.

I was diagnosed with PTSD while carrying Denziel. There were drugs recommended, but I didn't take them because I was pregnant. I can't take those powerful antidepressants because I'm pregnant with our child. I tried another method to treat my condition, but it was futile. Hindi ko gustong maapektuhan and anak namin at mas lalong ayaw kong makunan ulit ng anak.

Natalikod ako sa kanila, handa ng umalis nang na sana ako upang bigyan ng oras sina Aziel at ang anak namin ng oras nang tawagin ako ni Denziel.

Umikot ako.

"Mimi love-love."

Tumingin naman ako sa ama niya na nakayakap sa kanya.

His eyes were throwing daggers at me.

Lumapit ako sa kanila sa kabila ng sama ng tingin ni Aziel sa akin. Yumakap ako sa likod ni Denziel. Ininda ko ang sama ng tingin sa akin ni Aziel.

---
Dinala ko hanggang dito iyong camera at mga albums. At iyon ang napagtuunan ng pansin nina Aziel at Denziel. Panay ang tawa ng anak namin habang naka kandong kay Aziel.

"This is me!"

"This is me too!"

"Me! Also me!"

May humaplos sa puso ko habang nakatanaw sa kanilang dalawa mula dito sa hamba ng pintuan sa kitchen. Ginawan ko sila ng popcorn at napatigil nalang ako. I want to take pictures of them together. Sayang lang wala ang camera ko dahil nandun iyon sa kanila.

Panay ang halik ni Aziel at tingin sa anak namin. Parang di pa siyang makapaniwala na may anak kami.

Denziel was trying to involve me to their conversation earlier with Aziel pero tanging tango at ngiti lang ang nabibigay ko dahil di talaga ako welcome kay Aziel.

Alam ko na naman. Inaasahan ko na naman ito. Pero napakasakit pa rin at i-indain ko ang lahat ng sakit para sa anak namin. Ito nalang ang nag-uugnay sa aming dalawa, e.

Iniwan ko sila Aziel doon at walang imik akong pumasok sa guestroom. At doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinapigilan.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa puso ko sa paninikip noon.

After I cried, umakyat ako sa kama at humiga.

Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwartong kinaroroonan ko kaya mariin kong pinikit ang mata ko.

"Mimi?"

"Mimi?" Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagkilabit ng anak ko sa likod ko.

Nagpanggap akong kakagising ko lang at agad na binigyan ng matamis na ngiti ang anak.

"Happy..." nabitin ako nang makita ko si Aziel na naka-cross arms at nasandal sa hamba ng pintuan. "... ba ang baby namin?" pagtuloy ko.

"Oo mimi! Super! Baby Denziel was soooo happy with daddy!" nilingon niya pa ang ama niya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Sige na sleep ka na sa room ni Daddy." ani ko at hinalkan siya.

"Mimi shouldn't we sleep together? Together with daddy?"

Ngumiti ako sa kanya. "A-anak k-kasi..."

"Let's sleep together." sapaw ni Aziel sa akin at tumuloy na sa loob ng kwarto.

"Yehey!" Nagtatalon si Denziel at saka umakyat sa kama.

Hindi pa siya humiga hanggang sa di rin ako humihiga sa kama.

Pinapagitnaan namin ni Aziel ang anak namin at nakayakap ang isang kamay ko sa anak namin at ganoon din si Aziel.

When our arms touch one another. I still feel the same electrified feeling.

Ilang minuto o oras ang lumipas at nakatulog na si Denziel at pati na rin si Aziel kaso di ako makatulog.

Napagdesisyon akong bumangon at bumaba sa kama. With my bare foot lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para gawan ang sarili ng gatas para makatulog ako.

Baka di ako nakatulog dahil nakapagpahinga ako kanina.

Nakatalikod ako sa pasukan ng kitchen at nakaharap ako sa malaking ref ni Aziel na punong-puno.

I took a sip of my milk nang may magsalita sa likod ko. Sa sobrang gulat ko noon ay nabitawan ko ang baso at nabasag iyon sa sahig.

Binagsak ko ang tingin sa paanan ko na nagkalat ang gatas.

Yuyuko na sana ako doon para pulutin ang basag na baso nang may humapit sa baywang ko at buhatin ako.

"You're being careless." malamig na untag ni Aziel sa akin at nilapag ako sa counter top.

Baba na sana ako ng talikuran niya ako kaso pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit.

Kumunot ang noo ko kung saan niya iyon gagamitin. Kumuha siya ng upuan saka nilagay iyon sa harap ko at saka siya umupo doon at kinuha ang isang paa ko... na may dugo. Nasugatan pala ako sa gilid ng paa ko.

Hindi ko mapigilang di mapatitig kay Aziel habang ginagamot ang paa ko.

I miss him so much.

I miss his voice.

I miss his pet name for me.

I miss his touch.

I miss his embrace.

I miss his 'I love yous'.

I miss everything about him.

Nang tumagal ako sa Monti Alegri. Di ko na inaasahan pa na magiging maayos ang trato sa akin ni Aziel. Alam kong di biro ang halos apat na taon kung paglayo sa kanya.

Alam kong galit siya. Alam kong kinakamuhian na niya ako. Alam kong pinipilit niya lang na pakisamahan ako dahil sa anak namin. Pero ang pagmamahal ko sa kanya hindi iyon nabawasan.

Simula nung nagkita kami. Walang kumustahan sa isa't isa. Sino ba naman ang makakapagkumusta kong sumalubong sa kanya ang katotohanang may anak pa pala siya.

"I miss you, mal." Napatakip ako sa bibig ko nang kumawala iyon sa bibig ko.

Nabitawan ni Aziel ang paa ko.

Nanlilisik ang mata niya sa akin.

"You miss me? Akala ko nakalimutan mo na ako Deb?"

"A-azi..."

"Tangina! Deb! Mamiss mo ako pero taon kang lumayo sa akin! Sa tingin mo walang nagbago? Sa tingin mo walang nagbago sa iniwan mo dito? Putangina! Asawa mo ako! Asawa mo ako pero di ka nagtiwala sa akin! Ilang beses kong sinabi sayo na poprotektahan kita, mamahalin kita, aalagaan kita. Through thick and thin Deb pero... anong ginawa mo? Sinolo mo ang problema! Sinolo ang nararamdaman mo!  I already told you to share your feelings with me, share your burdens with me, share your sufferings with me. Because I can, Deb. I can carry your sufferings and burdens. Tangina! Napapatanong nalang ako. Mahal mo ba talaga ako Deb? Tinuring mo ba talaga akong asawa mo?"

"Mahal na mahal din kita Aziel. Mahal na mahal pa rin kita mal--"

"Tangìnang! Pagmamahal meron ka Deb! Nakaka-trauma!"

Padarag siyang tumayo at sinipa ang silyang kina-uupuan kaya naman ang kawawang silya ay tumambling sa sahig.

Hindi abot ng paa ko ang sahig dahil nasa island counter ako pero bumaba pa rin ako at paika-ikang sumunod kay Aziel.

Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang kamay niya at yumuko ako saka niluhod ang tuhod.

"Please, mal. Maniwala ka naman. Pagdudahan mo na ang lahat huwag lang ang nararamdaman ko sayo. Oo lumayo ako pero hindi naman ibig sabihin noon ay di kita mahal o wala akong tiwala sayo. Mahal na mahal kita mal. Mahal na mahal kita Aziel. Ako pa rin naman ito... a-ang a-a-asawa mo." Umiiyak kong wika habang nakaluhod.

"Paano kung ayaw ko nang maniwala sayo? Paano kung ayaw kong paniwalaan na mahal mo ako?" panghahamong tanong niya sa akin.

Tiningala ko siya.

"G... g-gagawin ko ang lahat mal maniwala ka lang na mahal kita. Handa akong gawin lahat para mapatunayan sayo na mahal pa rin kita mula noon hanggang ngayon."

Umigting ang panga niya.

"Gagawin mo ang lahat?"

Sunod-sunod akong tumango.

"Court me then."

My mouth fell open.

"Huh?"

"Ligawan mo ako."

Hindi ako makapagsalita doon. Nakatulala lang ako sa harap niya.

"Liligawan... kita?" Finally I found my voice.

Umirap siya. "Kung ayaw mo naman ay hindi kita pipilitin na ligaw--"

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. "W-wala akong sinabi na ayaw ko. S-sige kung dyan ko mapapatunayan na mahal kita... gagawin ko. Liligawan kita."

***
Thank you for reading mga beh!❤🥰


🚨Sneak-Peek (Chapter 34)🚨

"You like your Papa Roswell apo?" tanong naman ni Daddy Azrael dito.

"Yes! He takes care of my mimi and loves my mimi. That is why I like papa Roswell."

Muntik na akong mahulog sa silya dahil sa sinabi ng anak. Napatingin ako kina mama Sarah at Daddy Azrael na nakangisi. At mas nawindang ako nang magtagpo ang mata namin ni Aziel. Parang may humukay sa tiyan ko nang natagpuan ang nandidilim niyang mata na nakatutok pala sa akin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top