CHAPTER 31

Q & A;

1. Kumusta na po si Mommys Sarah?
: Ang sagot ay nasa chapter na ito beh.

2. Sino po ang next na mapi-feafure sa El Grande Series (if ever)?
: Theo

3. Ilang inches ang ano ni Aziel
:Usually di ako naglalagay ng inches² sa ano mga characters ko. Pero swak na para tumirik  ang mata kapag pinasok at mawasak ang perlas ng silanganan.
Charotism only ^—^

4. If Denziel's twin didn't die, what would be its gender and name?
: Boy, Dashnielle

5. Bakit po ang ganda natin author?
: because we are born this way~~~ bwhaahhaa

6. Bakit niyo po kami sinasaktan?
: Para masanay na kayo sa sakit

; Since may nagtanong sa akin nito kung happy ending ba ito or not. Well, para mapanatag kayo mga beh. To answer your question, kapag masaya ako habang nagsusulat happy ending siya, kapag naman hindi, edi mauuwi tayong sawi dito.

---------------------------------------------------
Enjoy reading!!!

Chapter 31

Aziel Pov

The company has an annual outing usually hindi naman kami pumupunta sa mga malalayo kapag annual outing ng kompanya pero sa pagkakataong ito ay sa Monti Alegri Province kami babyahe. It would be a seven hours of long ride. Sa totoo lang ay first time ko pa yatang pupunta sa lugar na iyan.

Ang annual outing ng kompanya ay mangyayari pagkatapos ng annual na event din sa kompanya kung kailan ito itinayo. Lahat ng employee ay kasama sa outing at ang expenses ay sagot na ng kompanya.

"Hindi ka sasama dad?" tanong ko kay Daddy na nasa kabilang linya habang hinahanda ko ang bag ko.

"Hindi na. May sarili kaming outing ni Sarah."

Napailing ako sa sinabi ni Daddy kahit na di ko siya makita.

Ang Sarah na tinutukoy ni Daddy ay ang nanay ni Deb. Yes, gumaling na si Mama Sarah. One year after Debie gone gumaling na rin ang mama niya ng tuluyan. At sa kasalukuyan nga ay nagtatrabaho si Mama Sarah under our company.

Magkaibigan na sila Daddy at Mama Sarah, alam na rin ni Mama Sarah na may asawa na si Deb at ako iyon. Nanghihinayang lang si Mama Sarah na nang gumaling siya ay wala si Deb. Pero masaya siyang ako ang asawa dito.

Nagb-bonding sina Mama Sarah at Daddy Azrael, usually, ang gusto nila ay gun shooting at polo. Para hindi masyadong iniisip ni Mama Sarah si Debie, ini-entertain ito ni Daddy.

Actually, Mama Sarah was smart. Ang dali niyang matuto sa mga bagay-bagay. Only that sa maling tao lang talaga siya nahulog dati at mauwi siya ganoong sitwasyon.

Ayaw ko naman sanang pumunta sa outing na ito. Iniisip ko palang ay napapagod na ako sa byahe kaso kung sa bahay lang ay puro lang tulog at pag-iisip sa kanya ang gagawin ko.

Simula nang iwan ako ni Deb wala na naman kong ibang ginawa kung hindi ang bahay at trabaho. Saka naging normal na ang mga araw ko kapag lalabas ako. Di na iyong kagaya sa dati na may biglang lalapit at magpapa-picture. Di na kagaya noon na pinagkakaguluhan. I quit showbiz. For my peace of mind at para na rin sa privacy ko. Kasi sa mundo ng showbiz kahit gaano mo pa man gustong i-sarili ang isang bagay, kahit anong sabi mo na privacy. Aalingasaw at aalingasaw pa rin iyan sa publiko at iyon ang ayaw ko.

Kahit na ganoon ay naging maayos naman ang takbo ng buhay ko. Sa bawat araw na dumadaan ay nakakayanan ko naman kahit papaano. Ang mga alak ang naging karamay ko noon. Wala rin kasi si Theo sa mga panahong iyon dahil nawala ng ilang buwan si Theo. Si Gage naman ay hinaharap ang kanyang sariling problema.

Gustong-gusto ko ang gabi kasi lagi akong nagbabaka sakali na sa pagdating ng umaga umuwi na si Deb.

Hanggang sa unti-unti ko nang natatanggap na baka... baka ayaw na niyang bumalik. Baka hindi na siya babalik. Mag-aapat na taon na pero wala pa ring Deb.

"I gotta go, dad. Enjoy your time with Mama Sarah." I said before cutting off the line. I still call Deb's mother as Mama Sarah.

Wala na ako sa bahay namin ni Daddy. Bumalik ako dito sa bahay namin ni Deb. Dahil isa kasi ito sa mga what ifs ko. What if dito siya umuwi? What if dito niya ako balikan? Diba? Tsk!

The trip to Monti Alegri was tiring. Seven hours of driving was not a joke.

Ang outing namin sa Monti Alegri ay napakasulit. Ito iyong lugar na di ko aakalain ay nag-iexist pala. It was a very peaceful place, and the people in the community were very friendly and very accommodating. Nakapasimple ng pamumuhay ng mga tao at may nakikita akong mga malalaking old mansions, mga tubuhan, at palayan.

I was enjoying the Monti Alegri kaya noong natapos ang three days namin dito sa lugar ay nagpa-iwan muna ako. Parang hindi ko pa kayang i-let go ang lugar.

"Hijo, may magandang kainan dito. Sikat na sikat iyon dito ngayon at napakasarap ng mga pagkain nila doon." anang ng landlord sa akin.

Ang tinirhan ko dito sa Monti Alegri ay para lang siyang kubo. Ang maliit na bahay ay gawa sa kahoy, kawayan, at nipa lang. Kaya napakaganda at sariwa talaga ang hangin. May mga hotels naman kaso mas gusto ko ito saka babalik rin naman ako sa Manila.

"Saan po 'yan Nana." I called her Nana because that's what people here called her.

"D'yan lang hijo. Malapit siya sa sentro at mapapansin mo talaga iyon kasi iyon ang pinakamagandang restuarant dito. Magarbo at makabago ang desinyo."

"Anong pangalan Nana?" tanong ko habang sinisintas ko ang sapatos ko.

"Angel's Restaurare yata hijo."

Tumango ako kay Nana.

Sumakay na ako sa kotse at nagsimulang bumyahe. Ito ang gusto ko sa lugar. Di ko na kailangan na isara ang bintana ng kotse ko dahil sa ganda at presko ng hangin. Nakakatuwa na kapag may tao kang nararaanan sa gilid ay nginingitian ka nila at ang iba naman ay sumasaludo pa.

Hanggang sa nakarating ako sa lugar na parang ito ang sentro ng kalakalan ng buong Monti Alegri. Medyo malayo na sa bukid.

Hindi pa ako nagb-breakfast at gusto kong i-try iyong restaurant na sinabi sa akin ni Nana kaso nang may maraanan akong playground ay naaliw ako.

May bata kasing parang nagp-perform doon. Kaya naman tinabi ko ang sasakyan at nakangiti kong pinagmasdan iyong batang babae.

Bumaba ako sa sasakyan para marinig ko kung ano ang sinasabi ng batang babae na nakatayo sa isang box.

"No! No! I don't like you!" said the Princess to the ugly beast.

"But I do like you my princess." The ugly beast said with convection and held the princess' arms.

"Ahhh, ahh, nooo!" The Princess yelled and ask for help.

"Boggssh!" The huge door sprung open and the handsome prince came in to rescue the beautiful princess. The handsome prince punched the ugly beast, and the beast died.  

"The end! Vow!"

Parang nawala sa utak ko ang sadya dito. Napapa palakpak nalang din ako. Napansin kong maraming bata ang nakikinig sa kanya at aliw na aliw dahil nag-a-act kasi siya. Nakakatuwa rin na ang liit pa niya kaso ang galing nang magkwento at magsalita.

"Hi!"

Kumaway siya sa akin at malapad na ngumiti.

I waved back.

Nakita kong pababa siya sa isang box at halos di niya maabot ang lupa kaya naman agad akong lumapit doon at binuhat ko siya pababa.

"Salamat po."

Parang may humaplos sa puso ko nang sinabi niya iyon. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya. She's very cute, very white, and has a very straight dark hair.

"Nakikinig ka po sa story ko?" tanong niya sa akin.

Umupo ako sa harap niya. Nakita kong may munti siyang pawis sa noo kaya kinapa ko ang towel ko sa bulsa at pinunasan ko ang pawis niya.

I saw how her cheeks turned pink.

"Yes, I was. Ang galing mo."

"Talaga po?"

"Yes, you have a great acting skills too."

"My mimi was a great teacher po kasi kaya natuto agad ako." saad niya naman sa akin.

"How old are you baby girl?" Di ko maiwasang di hawakan ang buhok niyang naka pigtail. Ang bagsak kasi noon, kagaya sa akin. Naglalagay lang naman ako ng gel para pumirmi itong buhok ko.

"Two," masigla niyang pinakita sa akin ang dalawang daliri niya. "Ay, no. I'm turning three the day after tomorrow."

"Wow! Advance happy birthday!" bati ko sa kanya.

She pouted and bowed her head. She clasped her hands together before turning her sparkling eyes on me.  

"C-can I hug you?" aniya sa maliit na boses.

Muntik na akong napahawak sa puso ko nang bigla itong kumabog nang mabilis. Siguro ay naaalala ko ang anak ko sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko.

I open my arms. "Of course."

Her eyes shines... fùck! They look so familiar to me. Why does this kid remind me of Debie? Dàmmit!

Niyakap niya ako at nagpasalamat ako nang yakap ko na siya bago tumulo ang luha ko. Baka kasi kapag nakita niya akong umiyak ay magtaka siya.

Ilang minuto rin kaming nagyakap.

"Diba, malapit na ang birthday mo?"

Tumango siya.

"I wanna treat you as my birthday gift for you. Kaya gusto kong malaman kung ano ang gusto mo."

Napa palakpak siya doon.

"Can i have ice cream? And chicken too?"

Deb, only if Debie was able to see this kid. Baka kidnapin niya ito.

I treat her to Jollibee. Iyon lang kasi ang fastfood chain na nasa malapit lang. Iyong guard na nakabantay naman ay hiningi ang ID ko para ma-secure niya na hindi ko ilalayo ang bata. Matapos kumain sa Jollibee ay lumabas kami kasi hindi pa daw sapat sa kanya ang sundae doon. Natawa ako. She really reminds me of Deb.

Gusto niya naman na karga-karga ko siya kaya nilubos ko na. I even took a picture with her kasi nak-kyutan ako sa kanya. I wanna show it to Deb kung... kung magkikita pa kami.

Doon kami tumambay sa playground kung saan ko siya nakita. Naaliw akong tingnan siyang kumakain at pinupunasan ko rin ang mga ice cream na kumakalat sa pisngi niya.

Kaso biglang may tumawag sa akin na kailangan ako sa Manila.

"Okay, uuwi na ako dyan."

Binaba ko ang tawag.

"Baby, aalis na ako."

Nalungkot naman siya. "Hindi na tayo magkikita?"

Shìt! Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may pumipigil sa akin na iwan itong bata?

"Don't worry. Babalik ako." I said without even thinking kung ano iyong sinabi ko sa kanya.

"Promise? Pinky promise?" She said, and showed me her small pinky finger.

"Hindi ka ba makakapunta sa birthday ko?"

"I don't know." sagot ko. Ayaw kong paasahin iyong bata. I don't know. Ngayon ko lang siya nakilala pero oarang may connection agad kaming dalawa.

She pouted at nanubig ang mata.

"G-ganito nalang. Hindi ako sure. Hindi siguro si Mister na makadalo ako sa birthday mo pero... gagawin ko ang best ko na makakarating ako. Okay ba iyon?"

I wiped the small tears that trickled down her pink cheeks.  

"Okay, mister."

"Wait, what's your name? Just in case makapunta ako dadalhan kita ng cake."

"My name is Denziel. I am two years old and am turning three."

I kissed her forehead.

"Okay... Denziel."



Debie Pov

"Saan ka na naman nanggaling, ha, Denziel!? Pinag-alala mo ako." Hindi ko maiwasang di siya taasan ng boses.

Nandidito kami ngayon sa opisina namin ni Roswell. Nag-aalala ako kay Denziel kasi ang tagal niyang umuwi dito sa restaurant. Usually kapag naglalaro lang siya dyaan sa labas ay uuwi naman ito ng maaga. Around 10 or 11 nakauwi na ito kasi magl-lunch na kaso ngayon lagpas ala una na. Kung hindi ko siya pinuntahan doon sa playground ay di pa yata uuwi.

Wala naman siyang kalaro doon. Nakaupo lang siya at mukhang may iniisip. Ki-bata bata pa.

Binalingan ko siya na nakatitig lang sa akin at naka-pout. Alam na alam niya talaga na di ko siya kayang pagalitan kaya nagkakaganito. Alam na alam niyang nadadala ako dyaan sa nguso-nguso niya sa akin at pagpapakyut.

Si Roswell naman na naka-upo sa kanyang silya ay tumayo saka nilapitan ang anak ko.

"Bakit ka kasi nagtagal doon, Denziel? Nag-alala ang mimi mo."

Seryoso kong pinukol ng tingin ang anak ko na buhat ni Roswell.

Ngumuso ito sa akin at pinakitaan na naman ako sa mata niyang nanunubig. Dios ko.

Agad akong lumapit sa kanila at kinuha siya sa kamay ni Roswell.

"Nag-alala si Mimi."

Hinalikan niya ang labi ko.

"Sorry mimi. Baby Denziel is so sorry. Please, love-love baby Denziel, mimi." Aniya sa maliit na boses.

Ganito siya magpalambing. Kapag sinabi niyang love-love gusto niya ng yakap. Gusto niya yakapin mo siya.

Niyakap ko siya.

"Huwag mo iyong uulitin Denziel. Next time hindi ka na makakalabas nang walang kasama."

Kumalas ako sa pagkakayakap namin nang di siya sumagot sa akin. Uulitin niya talaga kasi di siya sumagot.

"Denziel."

May pagkatigas din talaga ang ulo nito.

"K-kapag di ko nakita si Mister di ko uulitin, mimi. Pero kapag nagkita kami... uulitin ko."

Taka akong bumaling kay Roswell. Roswell just shrugged his shoulders.

"Denziel, sinong mister?"

"Mister Chicken and Ice Cream guy."

"Ano?"

"The kind mister I got to know earlier, mimi. He was listening to me while I was story-telling with my friends. Nag-clap pa siya mimi kasi magaling daw ako. And he treated me to Jollibee and buy me ice cream."

Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung blessing ba na napakafriendly nitong anak ko. I mean, she can talk to strangers like they were her friends for a long time. Saka itong anak ko ay madali lang talagang makidnap dahil sa kanyang attitudes.

"No, Denziel. Baka kung sino na iyang taong kinakausap mo."

Sumimangot siya. "No! Mister was kind mimi. He is!"

"Kilala mo ba siya? Anong name niya?"

Kumibot ang labi niya na parang may gusto siyang sabihin kaso di niya ma-isatinig.

Yumakap nalang siya sa akin, binaon niya ang mukha sa leeg ko. Kumirot naman ang puso ko nang naramdaman ko ang mainit niyang luha na dumaloy sa leeg ko.

"Baby."

"Mister is really kind, mimi. He is." pag-iyak niya. Ilalaban niya talaga kung ano ang sa tingin niya ay tama.

"Denziel di mo naman kilala ang tao..."

"But I like him, mimi. I like mister."

I know how she also long for a fatherly love kahit na nandidito naman si Papa Roswell niya at ang kaibigan nito.

Baka nakita niya sa taong tinutukoy niya na mister ang ama niya.

"Ipakilala mo ako sa mister na 'yan." saad ko habang hinahaplos ang likod niya.

Umahon siya kaagad at nagpunas sa luha gamit ang kanyang maliit na braso.

"I invited him on my birthday mimi."

My eyes blinked.

"Pupunta siya?"

"He can't promise, but he will do his best to come here."

Muntik na akong mapatampal sa noo ko. Baka namilit itong bata na ito sa kung sino man ang taong tinutukoy niya.


---
Pagkatapos ko doon sa restaurant ay di muna ako dumiretso sa bahay namin ni Denziel. Ayos lang naman sana kung sa Angel's Restaurare kami tumuloy kasi may kwarto naman iyon sa second floor na pinagawa ni Roswell in case na gusto naming matulog. Kaso gusto ko pa rin umuwi sa bahay namin. Di naman siya kalayuan dito.

Dumaan ako sa playground kung saan laging naglalaro si Denziel. I wanna ask sa guard kung sino iyong kasama ni Denziel kanina but unfortunately gumagabi na at close na ang lugar. So I wasn't able to know kung sino iyong kasama ni Denziel.

"Mimi," kinilabit pa talaga ng anak ko ang mukha ko.

Mahilig din talaga nitong haplusin ang mukha ko kung hindi naman ay laging nanghahalik. Hindi nasanay si Denziel na humalik sa pisngi ko. Mas nasanay siyang humalik sa labi ko at leeg.

"Yes, baby?"

"Mimi alam mo ba ang handsome ng lalaki kanina doon sa playground. Parang siya iyong laging kiniwento mo sa akin. Super handsome niya mimi."

Bumangon ako at sinandal ang likod sa higaan namin.

Humagikhik naman si Denziel at dali-daling pumatong sa tiyan ko at yumakap.

"Totoo ba?"

"Yes, mimi. Super." Napa-closed eyes pa siya sa singkit niyang mata.

"Bakit di mo tinanong ang name ni mister?"

Humaba ang nguso niya at sinandal ang mukha sa dibdib ko. Tumingala siya sa akin at pinisil-pisil ang mukha ko.

"I forgot, mimi. I was too overwhelmed. But he will come to my birthday naman mimi. I will introduce you to him." Ang daldal talaga nito.

"Hmm."

"You're so pretty, mimi, like Snow White."

Tinawanan ko siya.

"Ikaw ang parang si Snow White."

"No! You are, mimi. I'm sure mister will like you mimi. Hihihihi! But of course! It's a no, no, no, because I already have a DADDYYYY!"

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko.

"Denziel, what will you do if you see your daddy?"

Pansalamata siyang tumigil sa kakalaro sa mukha ko at umalis sa pagkakadapa sa ibabaw ko.

Tumayo siya sa harap ko.

She put her hands on her chest.

"Hello! Daddy! I'm Denziel Fabre! I'm 3 years old," itinaas niya ang tatlong maliliit kiyang daliri. "I miss you so much, Daddy. Mimi has something to deal with and is afraid. That is why we cannot visit you. But I always pray to Jesus and my guardian angels to take care of you, Daddy, because we still need to see each other. I love you so much, Daddy! Love-love baby Denziel, Daddy!"

Ang kamay maliit na kamay ng anak ko ang nagpunas sa luhang tumulo sa mga mata ko. The only thing that keeping my mind intact and well was my baby.

"Don't cry, mimi. Baby Denziel, love you. I Iove you so much, mimi." Tapos niyakap niya ako.

"I love you so much, baby namin."

"Does my speech good, mimi?"

"Ang taas naman n'on."

"No, mimi. I practice it a lot of times that is why hindi ko na iyon makakalimutan kapag nagkita na kami ni Daddy."

"Let's sleep na mimi para birthday ko na."

Ngumiti ako at tumango.

"Hmm. Goodnight our baby. Advance happy birthday!"

"Hihihihi! Goodnight my pretty mimi and to my daddy too."

***
Thank you for reading mga beh!
Sana wala na kayong sama ng loob sa akin! Omg! Ang bait ko kaya sa mga updates ko.🥰🥺❣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top