CHAPTER 30

Chapter 30


Debie Pov

It wasn't an easy decision for me. Leaving your true love will never be an easy thing to do or decision to make. I have thought of it countless times already, weighing my decision to leave or not. Pero lagi pa rin akong uuwi sa desisyong umalis muna.

Losing our unborn child was like cutting off my other half of my body. Nang una ay ayaw kong maniwala. Ayaw kong maniwala na ang anak namin ni Aziel. Kahit na ilang weeks lang siya sa akin ay wala na. Nakapagplano na kami ni Aziel at unti-unti na rin kaming bumibili ng mga gamit ni baby kahit na di pa naman namin alam kung ano ang gender nito. Hindi man namin pinlano ni Aziel ang pagkakaroon ng bata kaso ito ang mas lalong nagpalapit sa aming dalawa. Dahil sa pagbubuntis ko mas nakilala ko ang asawa ko. Dahil sa pagbubuntis ko mas minahal ko ang asawa ko. Kaya noong nawala ang anak namin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko matanggap na nawala ang anak namin ng ganun-ganun. Dahil kay Tita Mikee nawala ang anak namin.

Mas madali siguro naming matatanggap ang pagkawala ng baby namin kung mahina na talaga ang baby o ano. Pero kung dahil sa isang tao... hindi. Hinding-hindi mo talaga matatanggap. Pero ang mawalan ng anak ay kailanma'y di talaga madali.

Minsan nga nanaginip ako na umiiyak ang baby namin ni Aziel. Sa iyak ng baby namin para niya talaga akong tinatawag. Parang giniginaw ang baby namin at tinatawag niya kami.

Hindi ko nakayanan ang ganoong bagay kaya isang beses habang nagbabanyo ako ay may parang bumulong sa akin na kunin nalang ang buhay ko. Parang may nagtulak sa akin na kunin ang razor ni Aziel at kunin nalang ang buhay ko. Sa mga pahanong iyon wala akong ibang maisip kung hindi ang magpakamatay. Iyon lang ang tanging solusyon na nakita ng isip ko para wakasan ang paghihirap ko. Iniisip ko rin na kung mamamatay ako ay masasamahan ko ang baby namin.

Kaso noong makita kong pumapatak na ang dugo ni Aziel sa sahig doon unti-unting bumalik ang tamang takbo ng isip ko.

Sa ginagawa ko palang iyon nasasaktan ko na ang asawa ko. Sa ginagawa ko sa sarili ko nasasaktan ko na si Aziel. Kung napagod ako, maski rin ang asawa ko ay pagod na rin pala. Kung nahihirapan ako, ang asawa ko rin pala at doble ang hirap niya dahil sa akin at sa anak namin.

Sinampal iyon ni Aziel sa akin at tingin ko naging makasarili ako sa mga panahon na iyon. Imbes na magdamayan kami ni Aziel sinarili ko ang sakit. Sinarili ko ang pagdadalamhati ko. Sinarili ko ang hirap.

Nakita kong apektadong-apektado na si Aziel dahil sa akin. Nakita kong dahil sa akin wala na siyang magawa. Nakita kong dahil sa akin unti-unti nang nawawala si Aziel sa kanyang sarili. Naapektuhan ko si Aziel sa kanyang career at sa kanyang trabaho.

Kaya sumulat ako kay Daddy Azrael. Sa kanya ako sumulat at nagpaalam dahil di ko iyon kayang gawin sa asawa ko. Alam kong magagalit si Aziel kaso nakapagdesisyon na ako kahit na mahirap at masakit. Makasariling desisyon ang ginawa ko pero para rin naman ito sa aming dalawa ni Aziel.

Sinadya ko iyong mga panahon na naglalambing ako sa asawa ko. Sinamantala ko na ang panahon na kasama ko ang asawa ko. Nilubos ko na iyon. Plano ko na iyong lahat iyong paglalambing ko at iyong pagdala ko ng maraming damit.

"Mimi! Braid my hair." Kinilabit ako ng anak ko sa gitna ng paglilinis ko sa mesa.

Maaga pa naman at wala pa kaming opening hour kaso nakikita ko sa labas na marami ng naghihintay makapasok.

Tinigil ko muna ang pagpupunas ko sa table at umupo sa isang silya saka ko binuhat ang magtatatlong taong gulang ko na anak.

"Huwag gagala ng malayo anak."

"Opo mimi." sagot naman nito sa akin.

"Akin na ang isang rubber band." saad ko matapos ko i-braid ang isang kumpol niyang buhok na naka pigtail.

Maitim at bagsak na bagsak ang buhok ng anak ko. Katulad sa kanyang ama.

"Mimi, I want ice creams and fried chickensss for my birthday po."

Denziel bent her head and pouted her lips at me. Ang lagi niyang ginagawa kapag may favor siyang hihingin sa akin.

Saglit akong napatigil sa pagb-braid ng buhok niya at kinurot ko ang pisngi niyang malambot. Namula naman agad ang pisngi niya. Humagikhik lang siya.

"Oo naman. May mga friends ka bang darating?" tanong ko.

"Ayaw ko sila papuntahin, mimi!" pagmamaktol niya.

"Bakit naman?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Sila ang uubos sa chicken ko at ice cream!"

Mas lumakas ang tawa ko doon sa sinagot ng anak ko. Oo nung second birthday niya ay inimbita ko ang mga kabit-bahay namin dito at ang mga anak nito dahil birthday ni Denziel kaso ang anak ko, sinigawan ba naman ang mga bata na huwag kumain ng fried chicken at ice cream dahil sa kanya lang daw iyon.

Ako nga ang nahiya doon sa mga bisita dahil sa anak ko kaso naintindihan naman nila iyon kasi bata si Denziel.

Napaka friendly naman nitong si Denziel at nakapa daldal kaso h'wag lang talaga makihati sa chicken niya at ice cream.

"Kung maglalaro ka sa playground dapat mag-iingat ka Denziel. Huwag malikot ng sobra."

"Yes, mimi!"

Napasinghap naman ako nang patalon siyang umalis sa kandungan ko pagkatapos ko siyang i-braid. Iyon kasi ang favorite niyang hair style kasi pagkatapos n'on kumukulot ang buhok niya at gustong-gusto niya iyon. Tumatalbog kasi kapag nagtatalon siya sa kama.

"Kakasabi ko lang. Be careful." ani ko at inayos ko ang dress niya.

Bago siya umalis ay di niya talaga makakalimutan na humalik sa dalawang pisngi ko at mag-bless.

"Love you, mimi! Uuwi din ako mamaya!"

"Love you. Mag-ingat ka, okay?" pahabol kong sigaw at kinawayan niya lang ako.

Kampanti naman ako sa playground kung saan naglalaro si Denziel kasi may bantay doon. May security na laging nakabantay sa lugar at may CCTV rin. Maalam na rin si Denziel doon kasi sobrang lapit lang n'on mula dito.

Nang magbukas na ang restuarant ay naging busy din ako sa pags-serve. Actually dalawa kaming may-ari ng restaurant na ito. Ako talaga ang chef dito pero tumutulong ako sa pags-serve lalo na sa umaga kasi dagsa ang mga tao. Dalawa kaming chef pero para ko lang siyang assistant dito.

Marami na talagang tao o mga taong dumadayo dito sa aming restaurant. Mapa-dayuhan man 'yan o local ay nagugustuhan ang aming siniserve. Special kasi ang bawat dish na aming sini-serve. Hindi karaniwang na matitikman sa isang kainan. May sarili kaming specialty na sa amin lang talaga.

Wala pang ibang branch itong restaurant namin ni Roswell kasi mga isang taon pa lang ito nang buksan namin. Saka ayaw din naming magkaroon ito ng sangay pa para dayuhin talaga ang luto namin dito.

"Uminom ka muna at magpahinga." Napatalon ako nang may biglang malamig na bagay na tumapat sa pisngi ko.

Nilingon ko ang direksyon n'on at nakita kong naka-ngisi sa akin si Roswell dala ang isang bottled water na parang kinuha palang sa ref.

Tinapos ko ang pagkuha sa mga plato sa mesa at nilagay ko iyon sa isang tray saka tinulak kay Roswell. Kinuha ko ang bottled water sa kamay niya.

"Oh, 'yan ang gusto mo. Ikaw maglagay n'yan sa sa sink." pagtulak ko sa kanya at binagsak ko ang katawan ko sa isang silya sabay bukas sa bottled water.

Nangalahati ako doon sa tubig bago ko iyon sinara ulit at nilagay sa mesa.

Kumukunti na ang tao dahil mga alas diez na rin ng umaga.

Tatayo na sana ako upang kumuha ng makakain dahil wala pa pala akong breakfast nang may nagtulak na nang isang tray ng pagkain.

Isa lang naman ang gagawa n'on kaya napailing nalang ako at kinuha ko ang soup at kanin doon.

Napaglaro akong ngumisi kay Roswell. "Salamat po sir." Pagbiro kong untag sa kanya.

Natawa ako ng i-akma niyang ihampas sa akin ang metal tray ng pagkain.

"You should have eat on time, Deb. May-ari ka ng restuarant hindi ka trabahante dito. Kaya h'wag mong pagurin masyado ang katawan mo." pangangaral niya sa akin.

It's not the first time na sinabi niya iyan sa akin. Almost everyday ko na yata iyang naririnig mula kay Roswell. Kaya nga saulo ko na iyan.

"Kaya ka hindi tumataba, e. Naturingang may restaurant pero ang may-ari tingnan mo naman ang katawan." parising nitong untag. "Drinks mo." Naglagay siya sa gilid ng plato ko nang soft drink ay baso na may lamang ice cubes.

"Salamat sir." Pang-aasar ko pa talaga sa kanya.

Natawa ako nang tingalain ko siya. Nakabusungot ang mukha niya at asar na asar na sa akin. Malapit na niya talaga akong kutusan!

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya.

"Biro lang, sir—Roswell pala." saad ko.

"Bitawan mo ang kamay ko. Akala mo madadala ako  dyan sa pagpapa-cute mo sa akin."

Ngumiti ako sa kanya at tinampal ko ang kamay niya.

"Sira! Hindi ako nagpapa-cute sayo."

"Kumain ka na dyan babalik lang ako sa counter." anito, tumango naman ako sa kanya at muling bumalik sa pagkain ko.

Kaso nakailang subo lang ako nang may umupo sa harap ko. Hindi ko man siya tingnan ay kilala ko na iyon. Kilala ko na kahit na ang pabango niya palang.

Mas lalong lumala ang pakiramdam ko nang ilagay n'on ang sunglasses niya sa table.

Pairap akong nag-angat ng tingin kay Renna.

"Mambubulabog ka na naman dito?" salubong ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako sa mata niya at nag-cross arms.

"H-hindi 'no." aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahapon kasi ay nandidito siya. Akala ko normal lang iyon na pagbisita niya dito sa restaurant namin ng kuya Roswell niya kaso nang pumasok ang asawa niya dito na may kasamang ibang babae ay bigla nalang niyang sinunggaban iyon ng sampal.

I met Renna nang mapadpad ako dito sa lugar na ito. Dito ako dinala ng maliit na perang meron ako. Sa isang lugar na malayo sa syudad at pero ang ganda ng economics dito. Napaka-underrrated ng lugar na ito. May magaganda silang tourist spots dito. Like springs, mga talon, mga dagat, at old places na na-preserved nila. Ang lugar na kinaroroonan ko ngayon at ang lugar na tinutukoy ko ang Monti Alegri Province.

Si Renna ang tumulong sa akin noon ng dalhin ako sa hospital dahil nawalan ako ng malay sa daan. That's also the time na nalaman ko na buntis pa pala ako. Sinabi ko na sa doctor na nag-asikaso sa akin na nakunan ako. At oo, kinonfirm niya iyon sa akin. Nakunan ako pero dalawa pala ang dinadala ko noon. I was pregnant with two, twins, at iyong isa lang ang nakuha sa akin. The other one remained. At iyon ay si Denziel.

I was malnurished and over fatigue. Nang ma-hospital ako ay si Renna ang nag-asikaso sa akin. Siya ang gumastos sa hospitalization ko until makalabas ako. At nang makalabas ako ng hospital. Si Renna rin ang nagbigay sa akin ng bahay na matitirhan. And by that time, she was married already and was having a vacation here in Monti Alegri at nakita niya ako. Nagustuhan nila ang lugar kaya dito na sila tumira.

"Bakit mo ito ginagawa Renna?" tanong ko kay Renna nang makapasok kami sa isang bahay na binili niya para sa akin.

Knowing na hindi maganda ang huling pagtatagpo namin ni Renna. Nakakapagtaka na bigla niya itong ginagawa sa akin.

Biglang lumuhod sa harap ko si Renna at hawak-hawak ang kamay ko.

"R-renna."

"I'm so sorry, Deb. Sorry sa nagawa ko noon. I cannot justify myself enough kung bakit ko iyon nagawa sa inyo ni Aziel pero nagsisi ako Deb sa nagawa ko. Too much idolization brought me into that situation. And that was unforgivable, I know. But I'm bending my knees right now in front of you Deb. Kasi gusto kong humingi ng tawad sayo at sa asawa mo." Umiiyak niya wika.

"R-renna tumayo ka."

She shook her head.

"Wala namang nangyari Renna. My husband was able to hold himself. At dahil sa pangyayaring iyon Renna... naging daan iyon para maamin namin ni Aziel ang nararamdaman namin sa isa't isa. Kaya tumayo ka dyan. Hindi ikaw ang taong aasahan kong luluhod sa harap ko. Hindi dapat ikaw ang luluhod sa harap ko."

Dahil ang pamilya nila papa Gideon ang dapat na lumuhod sa akin dahil sa nagawa nila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Masama man pero dadalhin ko na hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga ang galit ko sa kanila.

Napatawad ko si Renna at dahil doon naging magkaibigan ulit kami. Minsan pa nga ay sinasamahan niya akong matulog sa bahay at siya ang naging kaagapay ko sa pagbubuntis ko.

Sinabi na sa akin ni Renna noon na umuwi ako kay Aziel. Pero may nagpipigil sa akin. Papaano kapag umuwi ako at makunan na naman ako? Papaano kung umuwi ako at mawala na naman sa akin ang anak ko? Kaya kahit na makasarili ay mas pinili kong manatili sa Monti Alegri. Mas pinili kong manahimik nalang dito at ipanganak ang anak ko.

Nakwento ni Renna sa akin na pinadala siya ng pamilya niya sa ibang bansa matapos ang pangyayari doon sa bahay namin. Pero umuwi rin siya ng Pilipinas kaso sa pag-uwi niyang iyon ay sumalubong sa kanya ang balitang ikakasal siya. Renna was also a victim of an arranged marriage.

Nakilala ko ang asawa niya at wala talaga silang maayos na relasyon ni Renna kagaya namin noon ni Aziel. Wala silang maayos na relasyon kaso nabuntis si Renna sa sumunod na taon. Tsk!

Dahil din kay Renna ay nakilala ko ang Kuya Roswell niya. Ang kasosyo ko na sa negosyo ngayon. Natikman niya kasi ang luto ko dati nang minsan na niyang dinalaw si Renna.

Bumili ng lupa dito sa Monti Alegri si Roswell at pinatayuan niya iyon ng restaurant. Sa kanya ang lahat ng gastos kasi wala naman akong pera. Basta ako raw ang chef. Isa rin nga si Roswell sa godfather ni Denziel, tapos si Renna at iyong asawa niya.

"Asikasong-asikaso ka ni Kuya, ah. Baka mahulog ka na niyan." biro niya.

Inismiran ko siya at humigop sa soup ko.

"Tigilan mo ako. May anak na ako."

Ngumisi ang babae sa akin.

"Kung wala... pwede ba?"

"Tsk!"

Tumaas ang kilay ko nang hawakan ni Renna ang kamay ko.

"Pero seryoso, Deb... hindi mo ba ipapakilala si Denziel sa daddy niya?"

Kinuha ko ang kamay ko saka sumandal sa kinauupuan ko.

Tumanaw ako sa labas ng restaurant namin. Bago binalingan si Renna na may pagtatanong pa rin sa kanyang mukha.

"Ipapakilala ko naman siya."

"Kailan 'yan Deb? Ano? Mag-aapat na taon na simula nang lumayo ka. Hindi pa ba sapat ang panahon na 'yan?"

Bumuntong hininga ako at pinaglaruan ko ang daliri ko sa mesa.

"Ewan ko, Renna."

Napaungol siya.

Parang nakalimutan ko na kung papaano ko siyang haharapin. Hindi ko alam kung papaano ko sila pakikiharapan. Papaaano ako uuwi kay Aziel na dala si Denziel? Saka simula noong umalis ako ay wala na rin akong balita kay Aziel maliban sa pag-anunsyo niya na iiwan niya ang mundo ng showbiz.

"Advise lang Deb, ha. Pero dapat ay ipakilala mo na rin si Denziel sa kanila. May karapatan sila, e, Fabre 'yan."



---
Kinagabihan matapos kong linisan sa katawan si Denziel ay sinuklay ko na ang buhok niya. Nakaupo ako sa kama namin at siya naman ay naka kandong sa akin. Kagaya ng ama niya mahilig din siyang pumatong sa akin. Gabi-gabi ko iyong ginagawa, parang nakagawian na.

"Mimi, next, next day na ang birthday ko diba po?"

"Hmm."

"Mimi, di mo ba tatanungin ang wish ko?"

Tumigil ako sa pagsuklay sa kanya nang humarap siya sa akin.

"Akala ko iyong chicken at ice cream na." Biro ko. May mga munting hiling talaga siya every birthday niya.

Sumimangot siya at nalukot ang maliit ngunit matangos niyang ilong.

"Mimi!"

Naindak niya ang paa sa kama.

"Sige-sige," pagsuko ko. "Ano ang wish ng baby namin?" tanong ko sa paglalambing sa tono.

"Gusto ko po makita si Daddy, Mimi."

Napatigil ako doon. At agad na uminit ang bawat sulok ng mga mata ko.

"Diba sabi mo Mimi nagw-work lang si daddy sa malayong-malayo, diba? Pwede ba po natin siya puntahan? Let's surprise Daddy at his work, Mimi."

Niyakap ko nalang siya.

"Papayag ka na, Mimi?"

Tumango ako habang yakap siya. Maybe it's the right time.

***
Thank you for reading mga beh!!!🥰❤😘
Kindly send or drop your questions beh if meron man. I'll be answering them on my next update! ❤ Atsaka pala 79K reads na tayo😭. Omg mga beh nakakaiyak!🥺🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top