CHAPTER 29
Chapter 29
Aziel Pov
"Hindi n'yo talaga nakita si Deb? I dropped him off earlier, over there." I stated, which sounds like convincing Caroll and Vicente, that I really dropped Deb earlier which is very, very true. I even motioned my hands to where I dropped my husband.
"W-wala talaga Aziel. Nagtataka nga kami... sa text mo na pabantayan si Deb. Tapos wala namang dumating." Caroll nervously said.
When I ruffled my hair and loosened my neck tie, my perfectly coiffed hair became disorganized. Dàmmit!
"A-ano na ang gagawin mo ngayon Aziel? May trabaho ka pang pupuntahan?" matamang tanong ni Vicente sa akin.
I looked at him. He suddenly step back.
"I will look for my husband."
Tatalikuran ko na sana sila nang tawagin ako ni Caroll.
"Tutulong ako," nagkatinginan sila ni Vicente. "Tutulong kaming hanapin si Deb."
Isang iling ang binigay ko sa kanila. "No, go to your class."
"Ngayon lang naman Aziel. Tutulong kami. Nag-aalala rin kasi kami."
"Suit yourself. If may mga lugar kayong pinupuntahan before, please check that place."
Tumango silang dalawa.
I ran into my car and got in. Nakita kong umiilaw ang cell phone ko kaya naman kinuha ko ito.
My dad's secretary was now flooding me with his messages and calls. Nang tumawag siya ulit ay sinagot ko na ang tawag niya.
"Sir, nasaan na po kayo? Hinahanap na po kayo sa conference room." Nahimigan ko ang pagkakataranta sa kabilang linya.
"Hindi ako makakapasok ngayon. Hindi ako makaka-present ngayon" sagot ko sa kanya.
"Kahit via zoom lang sir?"
"I can't either. I cannot make it today. I have important matters that need to be attended to."
"Kaso sir... ikaw nalang po ang kulang sa--"
"Don't call unless I'm the one calling you. Don't disturb me right now. My mind is in haywire."
Pinutol ko ang tawag at saka binaba ang telepono ko. Binuhay ko muli ang makina ng sasakyan at nagsimulang hanapin si Deb sa area malapit sa school. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo. Ilang minuto pa lang ang lumipas kaya nasa malapit lang siguro siya ngayon.
Halos malibot ko ang buong area around his school pero di ko pa rin siya nakita. Labas-pasok sa sasakyan ang ginagawa ko para pumasok o maghanap sa mga maliliit na establishment baka kasi doon lang siya tumatambay. O nagpapahangin.
Hindi ko na mabilang kung nakailang pasok at labas na ako sa sasakyan at sa pagkakataong ito ay tuluyan ko nang hinubad ang coat ko at marahas na tinapon sa katabing upuan. Inis kong tinanggal ang neck tie ko at kinalas ang tatlong magkasunod-sunod na butones ng dress shirt na suot ko.
Nahagip ko sa salamin ang hitsura ko at napapikit nalang ako ng mariin. Disheveled hair, tired and bloodshot eyes, and the area around my chest was red.
Where the hèll are you, mal? Tàngìna! Nag-dial na naman ako sa number niya at sinubukan kong i-track ang location ng phone niya kaso nakita kong ang location noon ay nasa bahay lang.
Fùçk! Baka umuwi siya.
With that in my mind, pinaharurot ko na naman ang sasakyan patungo sa bahay. Pagkarating ko doon ay sinalubong ako ng isang kasambahay na nagdidilig sa bakuran.
"Is Deb inside? Umuwi siya?"
Saglit siyang naguluhan at nabigla kaya di agad siya nakasagot sa akin.
"S-si sir Deb po? Wala po sir, e. Di naman po siya bumalik."
"What?!" Tumaas ang tono ng boses ko.
Pumasok ako sa loob at tingnan ko ang location sa phone ko. Hindi ako nagkakamali na nasa bahay nga. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto.
Sinubukan kong tawagan ang telepono ni Deb at nalugmok ang balikat ko nang marinig ko ang pagring ng telepono sa loob ng drawer malapit sa kama.
Lumapit ako doon at binuksan ko ang unang drawer. Napatid ko ang drawer at napasuntok doon.
Kaya pala kahit anong tawag at text ang gawin ko ay walang sumasagot kasi nandidito ang telepono niya, nandidito ang telepono ni Deb.
Pagod akong umupo sa kama at hinayaan ko ang katawan ko na bumagsak. Tinakpan ko ang mata ko at hinayaan kong magpatakan ang mga luha ko. What the hèll did I do wrong? What the hèll was wrong?
Did I suffocate him? Did I annoy him? Did I do something wrong? Kulang pa ba? Ano pa ba ang kulang sa mga ginawa ko?
Why did he disappear? Mal, why? Saan ba ako nagkulang?
Mahal na mahal ko naman siya. Inaalagaan ko naman siya. Pinoprotektahan ko naman siya. Binibigay ko naman lahat sa kanya. Ano ba ang nagawa ko para iwan niya ako?
Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakatakip sa mga mata ko pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
Akala ko okay na kami. Akala ko maayos na. Simula noong nag-attemp siyang magpakamatay ay naging maayos na naman kami. Tinatawanan na niya na ako. Nagpapalambing na siya sa akin. Naghihingi pa siya ng mga halik at yakap sa akin. He even wants me to baby him. Ano iyon? Nagpapanggap lang ba si Deb sa mga panahon na iyon? Ano? Ginawa niya ba iyon kasi may plano siyang iwan ako?
Akala ko napa-intindi ko na sa kanya na nandidito lang ako. That he have me. Hindi naman siguro ako pumalya bilang asawa niya. Oo ngakamali ako noong una, masama ako sa kanya pero binawi ko naman iyon, bumawi ako.
Napaiyak ulit ako nang maalala ko ang mga paglalambing niya sa akin the other day. While I was working from home. Ayaw niyang mahiwalay sa akin. Na kahit nga may presentation akong hinahanda I let him sit on lap cause he wanted it. Kapag natutulog kami he wants me to tell him some stories, about my childhood or tungkol sa pagkakaibigan namin nila Gage at Theo. He was attentively listening to me.
Pumayag nga akong bumalik na siya sa school kasi nakikita kong maayos na siya. Nakikisalamuha na rin kasi siya sa mga maids dito sa bahay but I strictly told him na hindi muna siya magtrabaho.
Now, I realized. I have realized na siguro nga ay plano lang lahat iyon ni Deb. Bakit ko ba nakalimutan ko na magaling siyang magpanggap na okay na siya? Bakit ko nga ba nakalimutan na magaling siyang magpanggap na matapang siya? Bakit ko nga ba nakalimutan na magaling siyang magpanggap na parang wala lang ang lahat?
Bakit ko iyon nakalimutan when in fact kaya ko nga siya na misjudge noon dahil sa tapang niya kahit na sobrang vulnerable niya pala sa loob? Na kaya niyang ngumiti kahit na sasaktan na siya. Na kaya ka niyang inisin, asarin kahit na sa loob-loob niya ay marami siyang iniinda.
I think plano lang lahat ni Deb na maglambing sa akin. I think he also fake his smiles to me. I think he manipulated my mind kasi alam niyang kayang-kaya na niya akong manipulahin. Plano lang pala niya iyon lahat para lang makalabas ng bahay. Idagdag pa na puno ang bag niya kanina sa damit. I guess, pinlano na niya ito ahead.
I rose from the bed and dried my tears before deciding to go down. Hahanapin ko siya. Kahit saang lumapalop ka pa Deb. Hahanapin kita.
Nanghingi ako ng tulong kay Theo para hanapin si Deb. Akala niya hindi ako seryoso doon at tinawanan niya lang ako sa una. Alam niya kasing maayos na kaming mag-asawa tapos biglang aalis ang isa, biglang iiwan ang isa. Ang masaklap ako iyong isa, ako iyong iniwan.
"Hello, Aziel."
"Yes."
"Pinatingnan ko sa mga tauhan ni Dad ang mga CCTV malapit sa school ni Deb. Tanging ang nakita lang doon ay ang pagbaba ni Deb sa sasakyan mo at di nga siya pumasok sa school. Lumiko kasi siya sa isang kanto at ang lugar na iyon ay wala namang CCTV camera. Di na siya ma-track mula doon. But we will do our best to look for his trace, Aziel."
Yumuko ako at napahilot sa sintedo ko.
"Pwede mo bang tingnan kung pumunta ba si Deb sa bahay ng mga Trazon, Theo?"
"I always monitor the house and the actions of Trazons, Aziel. May tao akong nakabantay sa bahay nila pero wala. Wala si Deb doon."
"O... okay, thank you." saad ko at pinatay ang tawag.
Napakahirap. Napakahirap na gusto ko siyang hanapin kaso hindi ko alam kung saan ko siya hahapin. Di ko alam kung saan ko siya unang hahapin o magsisimula. Sa bahay at sa school lang umiikot ang buhay ni Deb kaya di ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Kahit na wala akong kaide-ideya kung saan ko hahanapin si Deb ay umalis pa rin ako sa bahay. Staying in the house and crying would not help me.
I was driving when my phone rang.
"Yes? I told you to not to call me--"
"Aziel."
Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Daddy. Saglit kong tiningnan ang telepono ko para makumpirma kung si daddy ba talaga iyon.
Itinabi ko ang sasakyan.
"D-dad."
"Aziel pumunta ka ngayon dito sa opi--"
"Daddy, a-ang asawa k-ko..."
I didn't expect to cry while telling this to my dad.
"I know. That is why come here."
"Hahanapin ko pa si Deb, dad."
"Just come here." Matigas na saad ni Daddy.
Pagkatapos patayin ni Daddy ang tawag ay pagod kong sinandal ang katawan ko at hinayaan kong tumulo ang luha ko. Tangina! Tàngina, Deb! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka umalis Deb?!
Pinagtitinginan ako nang dumating ako sa kompanya. Lahat ng nakakasalubong ko nililingon ako.
Pagdating ko sa opisina ni Daddy ay nakita ko siyang naka de-kuatro, nakahilig sa sofa, at nanonood ng action movie.
"Hindi ka dumalo sa meeting. You wasted the only opportunity to meet with the Empire States Asia executives. It's the only opportunity for our company to expand its connections in the whole Asia, but you wasted it."
"My h-husband was gone, dad." My voice crack and my tears followed.
Nilingon ako ni Daddy.
"My husband was way more important than closing a deals with them, Dad." Napaluhod ako. Hinang-hina na ako. "Please, dad. Dad please help me find my husband. Kahit kunin mo sa akin ang mana ko dad basta makita ko lang si Deb, dad."
"Here."
Nagulat ako nang may ibigay si Dad sa akin na envelope.
Tinanggap ko iyon at pinunit ko iyong envelope. Binasa ko ang laman na letter kahit na nakaluhod ako.
Daddy Azrael, hindi ko po alam kung saan ako magsisimula sa sulat ko na ito. Hindi ko po alam kung uunahin ko po ba ang pasalamat sa inyo o ang paghingi ko ng patawad sa inyo. Nakakahiya po na sa sulat ko na ito ako magpapaalam sa inyo. Alam n'yo naman po siguro na wala na po ang anak namin ni Aziel. Sobrang sakit po dad. Hindi po madali sa amin ang pagkawala po ng anak namin. Sobra na po akong naging pabigat kay Aziel.
Hindi na po nakakapasok sa trabaho ang asawa ko kakabantay sa akin. Nakikita ko po na pagod na rin po si Aziel. Hindi man po niya iyon sabihin sa akin pero nararamdaman ko po. Pilit naman po akong lumalaban dad pero dito po ako humantong. Sa desisyon po na ito ako humantong. Nakapagdesisyon na po ako dad umalis po muna. Hahanapin ko po muna ang sarili ko na mag-isa.
Daddy h'wag niyo po sanang pagalitan ang asawa ko sa pag-alis ko. Huwag n'yo po siyang sisihin sa pag-alis ko dahil ako lang po ang desisyon nito. Wala pong alam ang asawa ko sa desisyon ko na ito.
Dad, huwag niyo po sanang kunin kay Aziel ang mana niya. Mahal na mahal po ako ng anak ninyo. At mahal na mahal din po ako ni Aziel. Nararamdaman ko po iyon at nakikita ko po pero kailangan ko lang pong magpakalayo-layo muna.
Dad, kung hahanapin man po ako ng asawa ko, pakisabi naman po na sa kanya na huwag nalang po. Huwag na sana siyang mag-alala sa akin kasi ipapangako ko na magiging maayos din ako. Pakisabi na rin po dad na humihingi po ako ng tawad sa kanya sa nagawa kong desisyon. Mahal na mahal ko po siya pero kailangan ko pong mag-isa ngayon. Maiintindihan ko po na magagalit kayo o si Aziel pero buo na po ang desisyon ko.
At dad salamat po kasi dahil sa inyo nakilala ko po si Aziel. Dahil po sa inyo nakawala po ako sa bahay nila Papa Gideon. Dahil po sa inyo naranasan ko ulit po ang mabuhay sa labas. At dahil po sa inyo dad nakilala ko po ang taong bumuo sa akin, ang tumanggap sa akin, ang nagmahal sa akin, at ang gumamot sa mga sugat ko. Masaya po ako na si Aziel po ang naging asawa ko. Iyong mga panahon po na kasama ko si Aziel iyon po ang panahon na naging totoo ako at at tunay na naging masaya. At saka pala dad... babalik din po ako pero hindi ko po alam kailan ako makakabalik. Hindi po ako aasa na sa pagbabalik ko matatanggap niyo po ako o matatanggap pa po ako ng asawa ko pero babalik din po ako. Pero kung sa gitna ng paghihintay ni Aziel ay makahanap siya ng iba... ayos lang po. Willing po akong pumirma sa divorce paper namin.
Iyon lang po dad. Salamat po ulit.
Debie
Matapos kong basahin ang sulat ni Deb ay halos mabasa na ng luha ko ang papel. Bakit ganito mal?
"I love you, mal. I love you so much. Maghihintay ako. Hihintayin kita." Iyak ko at niyakap ang basang papel.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Daddy sa akin.
"Babalik siya. Kaya habang naghihintay ka sa kanya. Asikasuhin mo ang pamilya ng ama ni Deb. Kung ako ang patatrabahuin mo doon sa mga walang hiyang pamilya na iyon ay ipapa-massacre ko sila."
---
While waiting for Debie, I take my revenge. Pero hindi na pala kailangan dahil mukhang ang diyos na ang gumawa ng paghihiganti para sa amin ni Deb.
Gideon Trazon was on the hospital dahil meron itong malubhang sakit at malapit ng mamatay sa hospital. Kailangan nito ng operation pero wala na silang pera. Kaya pala desperada na ang asawa niya dahil bilang na rin ang araw ni Gideon. Samantalang si Mikee naman ay nasa mental hospital na dahil nabaliw ito matapos sumugod doon sa bahay namin. Pero hindi porket nasa mental hospital na siya ay papalampasin ko siya. Kailangan niya pa rin pagbayaran ang nagawa niya sa anak namin ni Deb.
Ang kapatid naman ni Deb na si Rowan ay naging employee sa isang convenience store. Samantalang ang isa na si Damian ay nagtatrabo bilang bartender sa isang bar. They beg in front of me. Humingi sila ng tulong sa akin para mapagamot ang ama nila pero bakit ko sila tutulungan? Hindi ko makakalimutan ang mga hirap na dinanas ng asawa ko sa kamay nila kaya kahit na sentimo ay wala silang maaasahang tulong sa akin. Mabuti nang maramdman nila ang dinanas na hirap ng asawa ko noon.
My hours of waiting for my husband turned into days. At iyong araw na lumipas sa paghihintay ko ay naging linggo. Ang mga linggo na lumipas ay naging buwan at ang mga buwan iyon ay naging taon. Pero walang Debie na dumating. Walang Debie na bumalik.
Nagsimula na akong mapagod. Nagsimula na akong mawalan ng pag-asa na babalik pa siya. At kung sa ganito kami magtatapos... I guess I will have to accept it. As long as he is okay kung saan man siya ngayon.
***
Thank you for reading mga beh!❤🥰
I really appreciate and love your comments mga beh hindi man ako nagrereply pero binabasa ko po ang mga comments ninyo. Nakakaaliw at nakakatawa po, super!! At bago ko makalimutan HAPPY 76K READS pala kina Aziel at Deb. Mahal ko kayo sagad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top