CHAPTER 27

Chapter 27

Aziel Pov


"W-where's my husband?" Habol hiningang tanong ko sa dalawang kaibigan ni Deb na nasa labas ng room.

The two of them stood together. They looked at each other's eyes before turning their watery and sad eyes towards me.

I was in the middle of paying my groceries when Vicente, Deb's friend, called me using Deb's phone. Vicente was crying on the line while telling me that my husband had passed out and was bleeding. Vicente was panicking while telling me the story on the phone. And he said that they already call an ambulance at dito nga kami magkita nalang sa hospital dahil papunta na rin sila.

Iniwan ko nga ang groceries ko doon sa pagmamadali ko dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at pansalamanta akong na-mental block.

On the way here, all I think was Debie and our baby. Halos paliparin ko na nga ang sasakyan patungo dito sa hospital.

"Nasa loob pa Aziel. A-ang doctor ni Deb pumasok kanina pero hanggang ngayon di pa lumalabas."

Napahimalos ako sa palad ko at tumingala. My eyes feels hot.

"Can you at least tell me what really happened in details?" Natatagis ang bagang kong tanong sa kanila.

Caroll, Deb's friend, wiped her tears and swallowed.

"Magkatext po kasi kaming umaga ni Deb. Sabi niya babuburyo raw siya mag-isa sa bahay kaya sinabi ko sa kanya na pupunta kami sa inyo." Tumango ako doon. Binilin iyon ni Debie sa akin kung pwede ba raw na papuntahin niya ang mga kaibigan niya sa bahay at pumayag ako doon.

"Kaming dalawa ni Vicente ang pumunta sa inyo kasi... wala akong sasakyan kasi nasa trabaho naman ang asawa ko. Kinuha ako ni Vicente sa amin bago tumungo sa inyo at nang makarating po kami sa inyo ay may sasakyan na sa labas. Hindi naman namin alam kung kanino iyon kaya di na rin namin pinansin. Doorbell kami ng doorbell kaso walang nagbubukas sa amin. At nang mapansin ni Vicente na nakabukas ang gate ay pumasok na kami. At kakapasok lang po namin sa bakuran ninyo nang marinig na namin ang sigaw ni Deb sa loob. Kaya tumakbo na kami doon ni Vicente. Narinig pa po naming tumawag si Deb na 'Tita' at nang papasok kami sa loob ng bahay ninyo ay may nabangga pa nga po kaming may katandaan nana babae. Pero di na namin iyon pinansin kasi nag-aalala kami sa umiimpit na sigaw ni Deb sa loob ng bahay." she continued.

Nahasa ko ang ngipin ko at mariin na pumikit. There's only one person that Deb's called Tita. And that is Mikee Trazon. Hindi ko na kailangan pang i-review ang CCTV ng bahay para kompirmahin ang kutob ko. That witch! Sinasagad talaga niya ang awa at pasensya ko.

"K-kung sana maaga akong dumating sa bahay ninyo Aziel. Wala sigurong mangyayaring masama kay Debie."

"H'wag ka ngang magsabi ng ganyan, Caroll." Suway ni Vicente kay Caroll.

"Walang mangyayaring masama sa asawa ko, Caroll." ani ko sa kanya but she only cry.

Bumukas ang pintuan ng room kung saan si Debie. Lumabas ang dalawang doctor doon with their scrubs, the other one bid a farewell to Deb's OB doctor.

"Aziel," he called me. Agad akong lumapit sa kanya. "I'm sorry." he continued and exhaled.

Parang piniga ang puso ko sa narinig ko kay Dr. Aljazar. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niyang sorry pero nasasaktan na ako. Wala pa siyang nililinaw sa akin pero para ng dinurog-durog ang puso ko.

"Doc... what do you mean?" maingat kong tanong.

"The baby didn't make it, Mr. Fabre. Malakas ang pagkakabagsak ni Deb."

The tears hatching on my eyes trickled on my cheeks. Dàmn! Dàmmit! Dàmmìt! Lord, please, not our baby.

"Debie was still unconscious but he is safe now. I'm sorry, Aziel. We really did our best, but the baby lost his heartbeat inside Deb's womb." Tinapik niya ang balikat ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Debie will need you the most. He needs your presence above all. And I advise you to be more patient with him even more. This is not easy for him."

Na-transfer si Deb sa isang private room. Pumasok ako at sumunod sa akin sina Caroll at Vicente. Di pa rin sila umuuwi. Sinabi ko na sa kanila na okay nana umalis sila. And I already thank them for taking my husband in the hospital kaso ayaw pa nilang umuwi. Hihintayin daw nila ang paggising ni Deb.

I was sitting beside Deb's bed. I was holding his hand, carressing them, and I even took a small peck on them from time to time.

Mga dalawang oras ang lumipas pero wala ni-isa sa aming tatlo ang nagsasalita simula n'ong pumasok kami dito sa room ni Deb. Iyong aircon lang ang naririnig kong ingay dito sa loob at ang hikbi ni Caroll. She was blaming herself even if it wasn't her fault. It was Mikee's fault. Kung hindi siya sumugod sa bahay walang mangyayaring masama kay Deb at sa baby namin. Kung hindi sa kasakim niya sa pera ay walang mangyayari sa pamilya ko.

"A-Aziel?" Mabilis akong nakatayo dito sa tabi ni Deb.

"Mal." tugon ko kaagad sa kanya.

He tried to get up. "No, just lay down first mal. You're exhausted. You need to rest."

Ngumiti siya sa akin kaso nasasaktan ako doon. I know, like me earlier, I was also hoping. Hoping that our baby would be safe and alive.

"M-mal, ang baby natin? Okay lang ba? Safe na ba ang baby natin?"

I cannot look into Deb's hopeful eyes. Tumayo ako at pinagbalatan siya ng mansanas. Nanginginig ang kamay ko habang nagbabalat doon.

"I... I think you still need to eat, mal. Let's talk about that some other t-time."

"Aziel..."

"Deb wala na bang masakit sa katawan mo? Tatawag kami ng doctor if--"

"Vicente, Caroll," sumigla ang boses niya. "ayos na ang baby namin? Anong sabi ng doctor, ni Dr. Aljazar? For sure, okay si baby kasi healthy naman ako at strong s-siya, diba?" tanong niya naman sa kanila ni Vicente.

I took a glimpse of Deb on his bed. Para akong sinasakal nang makita kong hinahaplos niya ang tiyan niya.

"Ano ba naman kayo. Hindi niyo naman ako sinasagot dito. Parang wala naman akong kasama. Mabuti na lang ang baby k--"

"Kumain ka muna, mal."

Nasasaktan ako kapag patuloy ko siyang maririnig na nagsasalita ng ganoon. Kaya binigyan ko siya ng mga hiniwa kong mansanas.

Naningkit ang mata niya sa akin.

"Ayaw ko kumain n'yan, mal kapag di mo ako sinagot. Sina Caroll at Vicente ayaw rin akong sagutin. Kung ayaw niyo naman ako kausap umalis na kayo dito! Di ko kayo kailangan! Napakasimple lang naman ng tanong ko. Pero iniiba ninyo ang usapan! Umalis kayo!!" he yelled and pushed me.

Parang wala akong lakas dahil nang itulak niya ako nagpatianod lang din ako.

"Deb." | "Debie."

Sabay na tawag ni Caroll at Vicente pero nagkukunwari siyang walang narinig.

"Debie, Aziel... aalis muna kami ni Caroll. Mag-usap k-kayo. Tumawag lang kayo kapag kailangan n'yo kami. Nandidito lang kami." Paalam ni Vicente at inalalayan si Caroll.

Tinanguan ko silang dalawa bago lumabas ng room.

Tinabi ko ang mansanas at umupo ako sa tabi niya, sa hospital bed. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon.

"Mal."

Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Please, be strong, mal. I love you the most, mal. You know that. No matter what happen, I will always stay by your side. Through ups and downs hindi kita iiwan, mal. Sa kahit na anong hirap at sakit nandidito ako. You know my promise, right? Na hindi kita iiwan?" My tears fell from the corners on my eyes.

"Mal, our baby... wala na siya. We lost him mal." Dahan-dahan kong saad habang di nilalayo ang kamay niya sa bibig ko.

I don't care if he saw me in my weakness state.

"Ano?" Marahas niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Mal."

"Bawiin mo ang sinabi mo Aziel! Bawiin mo iyon!" Sabay tulak sa akin.

"Mal, it's true--" I tried to hold his hands.

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling ka Aziel! Okay lang ang baby natin! Okay lang! Hindi 'yan totoo! Bawiin mo ang sinabi mo, mal." Halos nakikiusap nang iyak ni Deb.

Parang nawala ang sakit na nararamdaman niya nang waksihin niya ang kamay ko. He suddenly abruptly rose from the bed and threw the plates of sliced apples on the floor. The plates broke into pieces. Then he started punching my chest. I let him. I let him hit me kung iyon ang makakapagpapakalma sa kanya. Kung iyon ang makakapagpapagaan sa pakiramdam niya.

Dalawang kamay niya ang ginagamit sa pagsuntok sa dibdib ko at wala akong ginawa. He can vent on me. I can take all the pain. I know it's not also easy for him. Kahit na maliit lang na panahon na nasa sinapupunan niya ang anak namin. Alam ko kung gaano niya ito kamahal at ka-importe. Ganoon din kasi ako.

Bakit ganito? Bakit ang daling kunin sa amin ang anak namin? Ni hindi man lang namin nakita. Ni hindi man lang naman nahawakan. Ni hindi pa nilabas ng asawa ko.

Alam ko ang pinagdadaanan ni Deb. Masakit. Sobrang sakit. Gusto ko ngang magwala. Gusto kong sugurin ang babaeng puno't dulo nito pero ayaw kong iwan ang asawa ko. Kailangan niya ako. Ngayon niya ako kailangan ng lubos.

Kaya itong pagwawala niya ngayon. Ayos lang. Kailangan niya ito. Kailangan niyang ilabas ang mga hinanaing niya at galit.

"Hindi, mal. Hindi. Buhay pa ang baby natin. Bawiin mo 'yong sinabi mo, mal. Please!"

Humagulgol na siya at paunti-unti nang humina ang mga suntok niya sa dibdib ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Nandito lang ako, mal. Hindi kita iiwan."

Kumapit siya sa suot ko at umiiyak ng todo. He keep on shouting na hindi totoo, na buhay pa ang baby namin.

It was so painful for me to watch him hurting like this. It was so painful for me to witness and experience this kind of challenge. Seeing Deb like this kind of hurts so much. I want to take all his pain away. I want to take all his grief. I want to take it all. I don't want to see him suffering like this. It's too much for me.

Okay lang sana kung ako... dahil kakayanin ko. Kakayanin ko para sa amin.

Hanggang sa maubusan na siya ng lakas at nakatulog siya sa pag-iyak habang yakap-yakap ko.

Muli ko siyang inihiga sa kama at nagpunas ako sa pisngi ko. Pinunasan ko rin si Deb sa mga tuyong luha niya.

Tumayo ako at pinulot ko ang mga basag sa sahig.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Nakita kong pumasok si Theo at kusunod si Gage na nagtatanggal ng mask at cap niya.

"Kami na dito Aziel." pagbubuluntaryo agad ni Theo nang makita ako sa ginagawa.

"Maupo muna ako. Kaya ko na 'to." wika ko sa kanya.

"Tumigil ka. Dumudugo na ang kamay mo, uh."

Napatingin ako sa kamay ko at dumudugo nga ang kamay ko. Nasugatan pala ang daliri ko sa mga basag na plato.

Bumuntong hininga ako at iniwan ko kay Theo iyon.

Hindi ko alam kung saan nakakuha ng medicine kit si Gage pero nakita ko nalang na bini-bendahan niya ang sugat sa dalawa kong daliri, ang thumb at index finger ko.

Itinabi ni Gage ang kit at ginaya ang pagkakasandal ko sa sofa na nandidito sa loob ng kwarto. Ilang sandali pa ay nakabalik na si Theo galing sa pagtapon noong basag na plato.

"We heard what happened." Simula ni Theo.

"Debie had a miscarriage?" si Gage.

Yumuko at binagsak ko ang siko sa tuhod ko. Tinakip ko naman ang palad ko sa mata kong naluluha. I've never been this emotional. Akala ko wala nang sasakit pa sa paglinlang ni Mommy sa akin noon. Akala ko wala nang isasakit pa noong nalaman kong ginagamit lang ako ni Mommy. But losing a baby was ten folds painful than those. Nasasaktan ako para sa asawa ko at sa baby namin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Nabasa ko ang text mo. Pinuntahan ko ang bahay mo at tiningnan ko na rin ang CCTV. It was Mikee Trazon who pushed Deb. It was like they're having a heated conversation until Mikee pushed Deb. Debie was trying to ask for help from Mikee, but that woman only ran away." Theo said.

Hinilamos ko ang isang lapad ko.

"What will you do now, Aziel?"

"Of course, make them pay." Maikli ngunit madiin kong tugon.

"What kind of payment?"

"A life for a life, Aziel? Please, don't." Mataman na wika ni Gage.

"'Yon ang kinuha nila. Buhay ng anak namin ang kinuha--"

"Man, don't stain your hands with their blood. They don't deserve it."

Binalingan ko si Theo. "And do you want me to do?"

"Be my audience. I will make them pay for you. Do allow me to make them suffer first before throwing that woman in jail."

Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Theo but this ain't his problem. Ayaw ko siya o silang idamay.

"Ako na ang bahala Theo. It will be too much if ikaw gagawa ng hustisya para sa anak namin."

"But how about Debie? He will need you, Aziel. Sa ganitong pagkakataon dapat di mo siya iiwan. God knows kung ano ang mangyayari kapag iniwan mo siya." pag-aalalang saad ni Gage.

"I know you want to avenge, Aziel. Nung si Debie nga na sinaktan nila dati gumanti ka at iyong mga taong nang-api kay Debie ay ginantihan mo nga. Ito pa kaya. Kaya alam ko kung gaano mo kagustong gantihan sila pero si Deb? Siguro unahin mo muna ang asawa mo. Ako na ang bahala sa pamilya ng dad niya. Di ko sila hahayaang makaalis ng bansa kung tatakas sila. You can have your revenge after Debie healed. Fix yourself, fix Debie, before your revenge."

"We're here Aziel. You can count on us." Dagdag ni Gage kay Theo.

"Thank you."

---
After three days of staying in the hospital we can finally go home. Nakakauwi lang ako sa bahay namin noong nakaraang araw kapag dumalaw si Caroll at Vicente kay Deb. Araw-araw nilang dinadalaw si Deb at sinusubukang kausapin pero hindi sila iniimik ni Deb. Kahit na ako ay di nga rin niya kinakausap. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

He just lay on the bed and silently crying. Sa tatlong araw ay mas pumayat nga siya dahil ang liit lang ng kinakain niya.

Hindi ko nililingat kahit saglit ang paningin ko sa kanya dahil isang beses nang di ko siya nabantayan bigla nalang siyang nawala. Akala ko kung saan na siya pumunta iyon pala doon lang siya sa room ng mga new born babies dito sa hospital. He was peeking through the hospital nursery window and crying on the corner.

Iyon lagi. Iyak lang siya ng iyak. He can't even properly do his hygiene. Kung hindi ko siya dinadala sa CR para linisan siya okay lang sa kanya ang magmukmok sa kama at umiyak.

"Be careful." wika ko at inalalayan ang baywang niya pababa ng kama.

Dala ko ang gamit namin sa isang kamay ko at ang isa ko namang kamay ay nakasuporta sa likod niya. Mahigpit ang pagkakapit niya sa damit ko.

"Saan tayo ngayon?" tanong niya sa akin nang makalabas kami sa room.

"Sa bahay, uuwi na tayo, mal."

Nang tumigil siya sa paghakbang ay natigil din ako. Tiningala niya ako. Nasasaktan ako kapag tinitingnan ko ang mga mata niya na naniningkit kakaiyak at parang wala nang gana.

"A-ayaw ko umuwi... doon."

"Okay," pagsang-ayon ko. "Uuwi tayo sa bahay namin."

Hindi siya umimik at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nadaanan namin ang hospital's nursery room at napatigil na naman kami. Sumulyap siya doon at nakita kong gusto niyang lumapit.

"You want to see them?"

"Pwede?" mahina niyang usal.

"Yes." ako at giniya siya doon.

Nang makalapit kami doon ay inilagay niya ang kamay niya sa salamin.

"Ang gaganda naman nila." May pagkainggit doon sa boses niya.

Nanikip ng husto ang puso ko sa mga katagang iyon. My eyes heated.

"K-kung sana okay ang baby natin. After ng ilang months may ganito na sana tayo."

"Mal..."

"Ang sakit, mal. Ang sakit-sakit mal na wala na ang baby natin. Ang tanga ko kasi... di kasi ako nag-iingat. Kasalanan ko 'to."

Binitawan ko ang dalang bag at saka ko siya niyakap. After three days, he was able to speak about his feelings. After three days, he spoke about our baby.

"Sshh! It's not your fault, mal. It's not your fault. Please, don't blame yourself, mal. Hindi mo kasalanan ang nangyari. It will never ever be your fault."

Napayakap siya sa akin ng mahigpit.

Ilang minuto kaming nag-stay doon at hinahayaan ko lang siya na tumingin sa mga babies. He even begged to the nurse na makahawak lang sa babies doon. Kahit na hawak lang. After dun ay umuwi na kami sa bahay, sa kung saan ako tumira dati.

Pagkarating sa bahay ay walang sumalubong sa amin kasi iyong mga maids namin ay pansamantala ring pinauwi ni Daddy sa kani-kanilang pamilya but still may sweldo pa rin kahit na ganoon.

Maybe, I should ask daddy na magpabalik ng maids kahit dalawa lang dahil ang laki pa naman ng bahay namin.

Dinala ko si Deb sa dating kwarto ko. Pinaupo ko siya sa sofa na nasa paanan ng kama ko at binuksan ko ang floor-to-ceiling na bintana ng kwarto. The glass window allow the natural light to came in the room. Sa isang banda ng kwarto ay ang floor-to-ceiling din na bintana na siyang magdidirekta sa veranda ng room ko at ang ibaba noon ay ang swimming pool. Pwedeng-pwede na tumalon mula dito at babagsak pa sa pool.

"Photo album mo, mal?"

Napalingon ako kay Deb ng magsalita siya.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Tinabihan ko siya.

"Yes,"

Nagsimula siyang kumalkal doon.

Tumigil siya doon sa isang larawan ko na kuha noong bata pa ako.

"Ikaw 'to?" tanong niya at hinaplos ang larawan.

"Hmm."

"Ganito siguro ang mukha ng baby natin, mal. Sigurado ako na magmamana talaga ang baby natin sayo."

"Mal."

Sinara niya ang photo album at itinabi. Tumayo siya kaya naman ay inalalayan ko siya.

"Matutulog lang muna ako."

Wala akong magawa kong hindi sundin ang gusto niya.

Nakakamiss din. Nakakamiss din iyong mga sagutan namin ni Deb noon. Nakakamiss din ang ingay niya at ang pagsusungit niya minsan. Nakakamiss ang ngiti niya.

***
Thank you for reading mga beh!🥰❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top