CHAPTER 26
Chapter 26
Debie Pov
Malapad ang ngiti ko habang nakatutok sa screen ng telepono ni Aziel. Nagv-video call kami ngayon ni Daddy Azrael. Na-aaliw ako dahil nag-a-ice iyong lugar na kinaroroonan niya ngayon. At mukhang nagugustuhan na ni Daddy doon.
"Debie, okay na ba ang pagbubuntis mo? Hindi ka ba nahihirapan?" ang tanong ni Daddy.
Nasabi na namin ni Aziel kay daddy Azrael ang pagbubuntis ko at sobrang saya niya nang malaman na magkaka-anak na kami ni Aziel. Daddy Azrael even teared up nang ibalita namin sa kanya ang pagbubuntis ko. Akala niya raw kasi hindi na siya magkakaroon ng apo sa kaisa-isa niyang anak.
Buong akala ko noong una ay magiging mas mahirap o malala pa ang dadanasin ko noong pumayag akong magpakasal kay Aziel. Ikaw ba naman ay pagbantaan.
It's very unusual naman kasi na ang isang lalaki ay ipagkakasundo sa isang lalaki. Oo may mga arrange marraige siguro pero hindi kagaya nitong sa amin ni Aziel. Kaya sobra ang kaba ko at takot noon. Pero pilit akong nagpatatag kasi wala akong makakapitan noon, e. Wala akong malalapitan. Wala akong uuwian. Walang tao sa tabi ko na hihingan ko ng tulong. Ako lang. Mag-isa lang ako.
At hindi ko inaasahan na sa napaka-unexpected na kasalan namin ni Aziel ay matatagpuan ko ang taong tutulong sa akin. Na matatagpuan ko ang taong handa akong damayan. Na makakatagpo ako ng taong handa akong ipaglaban. At handa akong protektahan.
Sa kasalan namin ni Aziel natagpuan ko ang pagmamahal na di ko naranasan noon. Sa kasalan namin na 'to, naranasan ko ang magkaroon ng pamilya at magkaroon ng tunay na ama. Natagpuan ko sa kasalan na ito ang tunay na pagmamahal.
My wounds are physically and emotionally healed. It may have left scars within me and physically, but I am so grateful to the Fabres, to Aziel, and to Daddy Azrael.
"Okay naman ako, Daddy. Iyong paglilihi ko lang naman po ang nagpapahirap sa akin at... kay Aziel." saad ko kay Daddy Azrael. Totoong pahirap talaga ang paglilihi ko. At si Aziel nga ay naa-awa ako kasi may trabaho p tapos pag-uwi wala siyang maayos na pahinga.
Sumulyap ako kay Aziel na nasa paanan ko at hinihilot ang binti ko. Nagkakaroon kasi ako ng leg cramps.
"Inaalagan ka ba ng anak ko dyan, Debie?"
Narinig ni Aziel si Daddy kaya naman siya na ang sumagot dito.
"Yes, dad. I'm taking care of my husband well. I'm doing the duty of a good and responsible husband."
Natawa doon si Daddy Azrael.
"Anyway, Deb, di na ba sumugod d'yan si Mikee? O ang ibang anak ni Gideon?"
Napanguso ako at saka napayuko. Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko na naman iyong pagsugod nila ni Kuya Damin at Tita Mikee dito sa bahay namin.
FLASHBACK
"Long time no see, Deb." Nakangising turan ni Tita sa akin.
Parang niyanig ang mundo ko at napahawak ako doon sa edge ng mesa. Iyong takot ko noon ay parang ulan na bumuhos sa akin.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nanlalabo ang paningin ko sa mga luha.
"A-anong g-ginagawa ninyo dito? Papaano ninyo nalaman ang add--"
"Salamat dito kay Damian dahil nalaman niya kung saan ka-kayo nakatira, Debie."
Di ako makapaniwalang binalingan si Kuya Damian. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at nanatili sa likod ni Tita Mikee.
"Hindi mo binigyan ng pera ang anak ko. Pero mabuti nalang at naisipan ka niyang sundan." Pagpatuloy ni Tita Mikee.
Humigpit ang pagkaka kapit ko sa mesa upang supurtahan ang nanghihina kong mga binti.
"Ti-tita... wala po a-akong p-pera. Kayo po ang merong pera. Binigyan n-naman po kayo ng mga Fabr--"
"You shut up! Oo binigyan kami ng mga Fabre pero naubos na."
Napailing-iling ako. Papaano ba nila ginagastos ang pera nila?
"Minalas kami sa mga negosyong pinapasukan namin. Tapos iyong mama mong baliw, nagbabayad din kami sa ospital para sa gamot niya." dagdag ni Tita.
"Tita h-huwag niyo naman pong sabiha--"
Nang humakbang si Tita Mikee paabante ay tuluyan nang bumangga ang paa ko sa isang silya at napaupo ako doon.
"I can see that you're living your life so well, Deb. Dolce and Gabbana, ha." May panunuyang turan ni Tita.
"Tita pakiusap p-po pero w-wala po akong pera. Ni-piso po ay wala pong laman ang bulsa ko--"
"Ikaw wala pero ang asawa mo? Ang pamilya ng asawa mo?
Ako ang nahihiya kina Tita Mikee sa ginagawa nila. Napaka disperada niya-nila. Mga gutom sa pera.
Napabuga ako ng malalim na hininga at pilit kong kinakalma ang dibdib ko. I'm thinking of my baby. Kung sana ay wala akong dinadalang bata ngayon ay mahaharap ko si Tita Mikee kahit na masasaktan ko. Kaya ko siyang harapin kahit na pagbuhatan niya ako ng kamay kung sana lang ay di ako buntis. Kaso... may baby sa sinapupunan. Ayaw kong i-risk ang buhay naming dalawa.
"D-doon po kayo manghingi kina Daddy Azra--"
"Tsk! That old man! Tinakasan yata kami. Ayaw kaming harapin."
"Kasi po manghihingi na naman kayo ng pera! Ano ba pong ginagawa ninyo sa pera ninyo? Kung sana ay maayos ninyong ginagastos ang pera ninyo ay di kayo manghihingi ngayo--"
Naputol ako nang nanlilisik ang mata ni Tita Mikee na sumugod sa akin. Natakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawang kong kamay at saka hinintay ang kamay niya kaso narinig ko ang malakas na boses ni Aziel.
"Fùcking shìt!"
Napamulat ako doon at nakahinga ako ng maluwag na dumating siya pero tumutulo naman ang luha ko.
Nang balingan ko si Tita Mikee ay naupo na siya sa sahig at tinutulungan ni Kuya Damian para makatayo. Binalibag na naman ba ito ni Aziel?
Nilapitan ako ng Aziel at nilagay sa mesa ang dalang malaking paper bag.
"Are you okay? Sinaktan ka nila? Saan ang masakit?"
Umiling ako kay Aziel saka yumakap sa kanya.
"Sshh, I'm here, mal. I'm here."
"Paalisin mo sila, mal." Nanginginig kong saad.
Kinalas ni Aziel ang kamay ko na nakapulupot sa kanyang baywang at nilingon sina Tita Mikee.
He covered me with his huge body.
"How dare you barge into my house? And who are you people to stormed into our house? Who are you to harrass my husband?!!"
Nakita kong napalunok si Kuya Damian at sinubukang hilahin si Tita Mikee. Pero matigas si Tita at winaksi lang ang kamay ng anak at nagtapang-tapangan na tumingin kay Aziel.
"We're just visiting Deb since we haven't seen him for ages now." Nanginginig ang boses ni Tita at pumaskil ng ngiti.
"Visiting? Do we invite you to come here? Do we allow you to come here? You're not my husband's relative or what. Walang ni-isang patak ng dugo na nanalaytay sa dugo ng asawa ko na nagmula sa inyo." Nanggigil na tinuro ni Aziel sina Tita Mikee at Kuya Damian. "Get your goddâmn asses out of my house, trespassers!"
Napakurap-kurap si Tita Mikee pero nanatiling siyang matigas.
"5 million, Aziel. Aalis kami ng matiwasay dito."
Sarkastiko lang silang tinawanan ni Aziel.
"Again, Who the hell are you to ask for money from me or from my husband? You're not even blood related. You're just the hypõcrite legal wife of that àsshõle Gideon Trazon. You have nothing to do with my husband. He isn't your business or will ever be your business to begin with."
Matapang din talaga itong si Tita Mikee at nagawa pang sagutin si Aziel kahit na gusto na siyang hilahin ni Kuya Damian palabas.
"But he is my husband's son--"
"Precisely!!! Your husband's son, but did he ever treat Deb as one? Does he see my husband as his son? Does he love Debie? Does he take care of Debie? For what I fùcking know, your âsshöle of a husband pushed Mama Sarah away because he was pregnant with Debie. And now that you needed Debie, Lalapit kayo na parang ang bait ninyo sa asawa ko? Tangina lang!"
Inabot ko ang kamay ni Aziel na nakayukom na sa galit. Iyong mga ugat sa kamay niya ay halos magputukan na iyon sa pagpipigil niya.
My eyes watered. This man in front of me was standing firmly and bravely, defending me with no fear. He was defending me like I was connected to his life. He protected me like a treasure. The way he calls me his husband soothes my trembling flesh. The way he stands in front of me makes me feel calm and protected.
"Maybe that is why you grew up without your mother on your side because you don't have any respect in your bon--"
"Don't you dare me! Don't even bring up the subject of respect when you lack it in the first place! I respect people and those who deserve it. Respect was given for not asking for one. Don't ask me for respect when you don't even have it. Let me ask you. Where was your respect when you suddenly stormed here and asked for money? Tsk! Where the hèll did you put your brain, woman?!"
Halos sugurin na ni Tita Mikee si Aziel sa galit niya dito.
Binalingan ni Aziel si Kuya Damian at madiing tinuro. "You, boy. Get your mother out of my sight before I call the authorities. And also... hindi ko nakakalimutan ang pagsugod mo sa asawa ko sa school niya. The next time you do it. I will cut your limbs."
"I-I'm sorry." tanging usal ni Kuya Damian at hila-hila si Tita Mikee palabas.
Nang mawala na sila Tita Mikee ay lumuhod si Aziel sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
Umigting ang panga niya at namumula ang parte ng dibdib niya. "Do I need to take you to hospital, mal? I'm worried." he calmly asked me and bring my hands inyo his lips.
"Thank you, mal."
Inabot niya ang buhok ko at sinuklay iyon.
"It's my duty, mal. I'm sorry if I needed to yell and say something awful. It's just that I'm really really mad."
Niyakap ko siya at walang kahirap-hirap niya naman akong binuhat. Tumayo siya at nilapag ako sa mesa.
Inabot niya ang dalang paper bag kanina.
"Here's your chocolates. But you still need to eat your meal." ani Aziel na parang walang nangyari kanina-kanina lang.
He shifted his mood easily.
I opened the paper bag.
My eyes shone when I opened the paper bag full of almonds.
"Thank you." I said, taking a peck on his lips.
"Anything for for you, mal." he said and hugged me.
END OF FLASHBACK
Inilingan ko si Daddy Azrael bilang sagot ko. Hindi na naman sila sumugod dito. Baka ay natakot sa galit ni Aziel.
Pagkatapos iyon tanungin ni Daddt ay iniba niya naman ang usapan namin. Ayaw ko rin kasi talagang naiisip pa iyon. Tingin ko kapag kaharap ko si Tita Mikee ay sasaktan niya talaga ako. Siguro ay ang isipan ko nalang ang nagdidikta n'on.
Natawa naman ako nang biruin ni Daddy si Aziel na bagay daw nitong maging masahista nalang.
"I'll only touch my husband, dad." si Aziel habang pinipisil ang binti ko.
"Sige na. Matulog na rin kayo d'yan. Lalong lalo ka na Deb."
"Bye po, Dad. Ingat po kayo d'yan sa Minnesota."
Nakangiti kong pinagmamasdan si Aziel na di pa nakakaligo at nakakapagbihis ng pantulog. Nang dumating kasi siya, siya na ang tumapos sa pagluluto ng hapunan namin. Naabutan niya kasi akong gumagalaw sa kitchen. Inagawan ako ng gawain dito sa bahay.
At pagkatapos naman ng hapunan namin at matapos niyang hugasan ang kinainan namin ay umakyat na kami para makapagpahinga. Kaso pinupulikat kasi ako. Kaya menasahi niya ang binti ko.
I saw how his big hands gently pressed my legs.
"Mal, maligo ka muna." ani ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Yeah, after this."
"Sorry, mal."
"Why?"
Nginusuhan ko siya.
"Pagod ka sa trabaho kasi wala si Daddy Azrael dito sa bansa tapos kapag uuwi ka naman dito, trabaho pa rin ang aabutan mo."
He wiped his hands using the wet wipes and put some alcohol on his palms before rubbing them.
Lumapit siya sa akin na nakasandal sa sandalan ng kama namin kung saan niya ako tinatali!
Inabot niya ang ulo ko saka ako hinagkan.
"I'm your husband, mal. Of course, may trabaho ako pero trabaho ko rin ang alagaan ang asawa ko."
Yumakap ako sa kanya. Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte kay Aziel, na siya ang na-asawa ko. Oo't dati ay ayaw ko talaga dito pero isa palang blessing na pinagtagpo kaming dalawa.
"Aren't you exhausted, mal? Sabi ko naman sayo two months palang ang tiyan ko at kaya ko pa namang gumalaw dito sa bahay. Kaya hayaan mo na akong gumalaw-galaw dito." sabi ko sa kanya.
He ran his fingertips on my arms. Dahilan para tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.
"You really want to work around the house?" Tumango ako sa kanya. Bumuntong hininga siya. "Fine, basta huwag kang bubuhat ng mga mabibigat. At huwag mong pagurin ang sarili mo, mal."
Natuwa naman ako sa tugon niyang iyon. "Tapos, ikaw ang magluluto sa umaga tapos ako na sa gabi, ha?"
Hinagkan niya ang labi ko at tumango. "Hmm. Sige na matulog ka na. Maaga tayo bukas dahil dadalawin natin si Mama Sarah."
Nakangiti akong tumango kay Aziel. Sumandal ako sa dibdib niya at saka ako pumikit. Usually he tacked me to bed.
Nag-alala ako kay Mama Sarah noong sumugod dito si Tita Mikee dahil baka itigil nila ang pampa-ospital dito dahil mukhang naghihirap na sila. Sinabi ko kay Aziel ang pag-aalala kong iyon kay Mama Sarah at doon niya naman sinabi sa akin na pinalipat niya raw ng ibang mental hospital si Mama Sarah dahil doon sa dating ospital kung saan pinapagamot ni Papa Gideon si Mama ay wala raw siyang nakitang improvements sa mental health ni Mama.
Ani Aziel, di nalang daw niya iyon sinabi sa akin dahil baka mag-alala raw ako ng husto. Kaya inilihim niya muna.
Masaya ako sa naging desisyon ni Aziel. At nagsisinungaling pala sila Kuya Damian at Tita Mikee na nagsusustento pa sila sa hospitalization ni Mama Sarah. Ang sabi kasi ni Aziel pinalabas niya sa hospital na iyon na nakatakas daw si Mama Sarah para di magduda ang pamilya nila Papa Gideon. At tingnan mo nga naman at wala talaga silang paki. Hihingan pa ako ng pera ngayon, e wala na nga ako. Wala akong trabaho. Ang kakapal ng mukha nila. Talagang gagawin nila akong mangmang dahil sa pera.
Pagka-kinabukasan ay maaga kaming naggayak dalawa ni Aziel para dalawin si Mama Sarah.
At nang makarating kami sa bagong hospital kung saan si Mama Sarah ay naiyak ako nang makita ko si Mama sa labas na nakiki-pag-usap na sa ibang tao. Unlike before na gusto lang nitong mapag-isa at laging tulala sa habang nakatanaw sa bintana.
Naka-usap ko si Mama Sarah at doon ko napansin na ang laki nga ng improvements niya dito. Nakikinig na kasi siya sa akin at nakikisabay na sa kwentuhan ko. Okay lang kahit na di niya pa ako kilala. At least ngayon nakakasunod na siya kapag kinaka-usap. Talagang di niya nakakalimutan si Aziel. Pogi pa rin ang tawag niya dito.
---
Nang mga sumunod na araw, sabado, walang pasok kaya sa bahay lang ako. Nagtext ako kay Caroll na dalawin naman ako dito sa bahay dahil nabuburyo na ako. Nakapagpaalam na ako kay Aziel at pumayag naman siya.
Nag-grocery si Aziel at di ako nakasama kasi sumasakit ang binti ko saka hinihintay ko rin si Caroll.
I was resting in our living area. Inantok kasi ako kakabasa ng libro tungkol sa mga babies. Nahawa ako doon kay Aziel, e.
It was already two months and half at mahahalata na talaga ang tiyan ko pero kapag malalaking t-shirt, kagaya ng suot ko ngayon. Di pa naman masyadong mahahalata ang tiyan ko.
Malapit na akong kainin ng ka-antukan ng may biglang padarag na bumukas sa pintuan ng bahay namin.
Dahil doon napamulat ako at napa-ahon sa pagkakahilig sa sofa.
I stand para sana tingnan kong sino ang pumasok ng walang pahintulot. Di naman ganito ka walang-mudo ang mga kaibigan ko.
Pero ang nakita ko ay si Tita Mikee na nandidilim ang mga mata. My feet nailed my spot. My knees wobbled, that kind of expression. 'Yang mukha na binabangungot pa rin ako hanggang ngayon. I felt my blood drained. I badly wanted to run, but my feet weren't cooperating with me.
"T-tita Mikee."
"Ha! Akala mo ba Debie ay nakalimutan ko na ang ginawa ng asawa mo sa akin? Haha! Nagpalipas lang ako ng ilang linggo!"
"Tita, please umuwi na po kayo. Kung si Aziel p-po ang habol ninyo wala po d-dito ang asawa k-ko."
My eyes felt hot with my tears.
"Ikaw talaga ang sinadya ko dito, Debie. Wala akong paki sa lalaking iyon!"
"T-tita--"
"Siguro nagpapaawa ka doon, 'no? Siguro nagpapaawa ka sa mga Fabre. Ano sinabi mo sa kanila na inaalila ka sa bahay? Kaya ba ayaw na kaming bigyan ng pera ng mga Fabre kasi nagpapaawa ka pamilyang iyan?" Parang nababaliw na si Tita Mikee. At ngayon kahit sa distansya naming dalawa ay naamoy ko ang masangsang na amoy niya. Mukhang naka-inom siya bago pumunta dito.
Umiling ako kay Tita Mikee. "Hindi p-po Tita M-mikee--"
Nabitin ako nang bigla akong sugurin ni Tita Mikee at buong lakas niya akong tinulak. Nangangapa ako ng makakapitan upang di ako matumba kaso di ko naagapan ang sarili ko sa lakas ng pwersa at malakas na bumagsak ang katawan ko sa sahig kasunod ng pagsakit ng puson at tiyan ko.
Napapikit ako. "AH-Ahhhh!!!" sigaw ko sa sobrang sakit na naramdaman ng tiyan ko. Naminilipit ako sa sakit.
Pikit mata akong sumigaw sa sakit habang sapo-sapo ang tiyan ko. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa akin.
Nahilo ako nang makita ko ang maputing parte ng sahig ng bahay na unti-unting kinain ng pulang likido.
Tiningala si ko si Tita Mikee na nakatulala sa sa harap ko at awang ang mga labi habang pinagmamasdan ang pulang likido na patuloy sa paglabas mula sa akin.
"Tita tulong po. T-tumawag po kayo ng ambulansya. A-ang asawa k-ko po, Tita. Please tawaga--TITA!!!"
Napasigaw nalang ako dala ng sakit na nararamdaman at nang tumakbo palabas si Tita Mikee.
Nanlalabo ang paningin ko at umikot na ang paligid ko. I felt my body drop on the cold floor. Before I lost my consciousness. Narinig ko ang sigaw nina Caroll at Vicente.
***
Thank you for reading mga beh!!!❣😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top