CHAPTER 21

Chapter 21

Debie Pov

Hindi ko aakalain na pagdating ng lunes ay sasalubungin ako ng mga kaklase ko tungkol sa pag-drop ni Renna sa klase namin. Ako lang daw kasi ang close ni Renna at kasama nung friday kaya nagbaba-kasakali sila na may alam ako.

Sabi nila nag message raw sila sa akin sa Facebook ko kaso di naman ako nakahawak ng telepono ko simula nung Friday. Pagod ako sa buong weekend dahil kay Aziel.

Hindi ko man alam ang buong kwento sa pag-drop ni Renna pero mukhang dahil iyon sa nangyari sa bahay namin. Well, hindi naman ayos sa akin ang ginawa ng babae pero para magdrop out dahil doon. Mabuti! Dahil ayaw ko rin sa kaibigan na ganoon. Nalinlang ako ni Renna sa kagustuhang magkaroon ng kaibigan. Akala ko talaga totoo na siya. Akala ko totoong kaibigan ko siya pero iyon pala... ang asawa ko lang ang hinahabol niya. Nagpapanggap lang pala siya sa akin.

Nakakasama sa loob. Nakakapang hinayang sana pero baka ako lang ang nakakaramdam nito dahil plastic lang pala ang pakikitungo niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ko ang kaklase ko sa harap ng upuan ko na naghihintay ng sagot ko.

"Wala akong alam dyan. Di naman natuloy ang paggawa namin ni Renna sa group project at saka... di rin siya nagsasabi sa akin sa mga bagay-bagay kaya wala talaga akong dyan." palusot ko nalang upang tantanan na nila ako.

Ayoko ko nang pag-usapan pa si Renna. Nakakadagdag lang siya sa bigat ng dibdib ko. Nakakasama sa loob.

"Ganoon ba."

"Oo."

"Mabuti na rin iyon na nawala siya. Masyado kasing mataas sa sarili ang babaeng iyon. Akala mo talaga kinagaganda niya ang pagsusungit niya." Rinig kong wika ng isa kong kaklase.

"True! Kung makatingin sa atin parang ang baba natin compare to her. Porque kilala ang pamilya niya." Gatong pa sa isa kong kaklase.

"Uhm, Debie kung may kailangan ka or need mo ng help nandidito lang kaming mga classmates mo, huh." Nakuha ng lalaki sa harap ko ang atensyon ko nang magsalita siya.

"Alam mo kasi gusto talaga kitang maging kaibigan kaso... nahihiya kasi ako—kami ng mga classmates natin. Ang tahimik mo kasi at mukhang ang seryoso mo sa buhay." Puno niya pa.

Nag-iwan siya ng ngiti sa akin bago umalis at bago siya makarating sa kinauupuan niya ay nagsalita ako.

"Thank you. Tatandaan ko ang sinabi mo."

Lumapad ang ngiti niya sa labi.

At sa mga sumunod na araw ay naging magaan at maganda ang paglipas ng araw para sa akin dahil mostly sa mga kaklase ko ay nakaka-usap ko na at ang dalawa na sina  Vicente at Caroll ang naging mas ka-close ko.

Si Vicente ay... isang bakla. Hindi halata sa hitsura at pananamit niya pero bakla siya. Aniya, Vicente raw ang pangalan niya sa umaga at Ace naman daw ang pangalan niya kapag sasapit ang gabi. Si Caroll naman ay may asawa na tulad ko. Laking probinsiya si Caroll pero nakapag-asawa ng taga-syudad.

"Aminin mo nga Debie. Sino iyang sumusundo at naghahahtid sayo araw-araw?" usisa sa akin ni Caroll habang naghuhugas kami ng kamay.

"Oo nga Debie. Ang gara ng sasakyan ah, rolls-royce."

Inismiran ko silang dalawa. Sa pagkakaalam ko base sa mga kwento nila ay mayayaman sila. Si Vicente mayaman dahil hatid-sundo rin siya ng isang sasakyan at may negosyo ang pamilya. Ito namang si Caroll ay mayaman din dahil sa asawa niya. Hindi ko nga lang alam kung bakit sa tuwing napag-uusapan ang asawa o mga bagay sa buhay niya ay laging may lungkot sa mga mata niya.

"Mahirap lang ako." panimula ko at nagpunas sa kamay ko.

"Pero may sasakyan." dugtong ni Vicente sa akin.

"Hindi wala rin akong sasakyan."

Lumabas kami ng wash room at papunta na kami sa locker namin. At patuloy pa rin ang pagtatanong nila sa akin.

"K-kapag ba sasabihin ko sa inyo na k-kasal na ako maniniwala kayo?"

"Well, nasa legal age ka na naman kaya given na 'yan." Parang wala lang na saad ni Vicente na kaagad naman sinang-ayunan ni Caroll ng dalawang tango.

"Pa... papaano kung s-sasabihin ko na kasal ako kay..."

"Kay?" sabay na usal ni Vicente at Caroll.

"K-kay Aziel."

"Aziel?" Napatigil si Vicente sa paglalakad kaya naman napatigil din kami ni Caroll. Pinagkrus ni Vicente ang kamay sa harap ng dibdib niya.

"Aziel-Rigg Fabre."

Halos lumuwa ang mata ni Vicente sa sinabi ko. Ang dating kamay niya na nakakrus ay lumipad sa bibig niya. Sinulyapan ko si Caroll at bagsak din ang panga niya.

Napairap ako sa kanila at inunahan silang maglakad. Hapon na at baka naghihintay na iyong si Aziel sa labas.

"Aaahhhh!!!" rinig kong tili ni Vicente sa likod saka ko narinig ang maiingay na lakbang nila sa likod ko.

"Kaya pala Fabre ang surname mo! Akala ko relatives ka lang nila o di kaya'y kapareho lang ng apilyedo."

Umabante si Caroll sa amin ni Vicente at naglakad patalikod. Nakita ko ang nanunuksong titig sa akin ni Caroll.

"Kaya pala kapag nagk-kuwento ako tungkol sa mga asawa-asawa ay namumula ka, Debie? Sabihin mo naka-puntos na sayo?"

Ngayon ay ako na naman ang pinamulahan sa mukha at napaiwas ng tingin. Si Vicente naman sa gilid ko ay parang sinilihan ang pwet sa kakatili.

Nagpasalamat ako nang makarating kami sa room at nag-uwian na dahil naputol ang usapan namin sa score-score na 'yan. Pagkalabas namin ng room ay natanaw ko kaagad ang kotse ni Aziel sa kabilang lane ng daan.

Sinamaan ko ng tingin si Vicente nang ituro niya pa ang sasakyan ng asawa ko. Sinabihan ko na si Aziel na kapag susunduin o ihahatid niya ako sa dito sa school ay wag na siyang lalabas ng sasakyan. At sinunod niya naman iyon. Ayaw ko lang kasi na mapag-usapan kami.

Kumaway ako kina Caroll at Vicente saka tumawid sa daan. Di talaga nakatakas sa mata ko ang pagtili ni Vicente kasama si Caroll.

"Hi!" saad ko nang maka-upo na ako sa tabi ni Aziel.

"Good afternoon, mal. How was your day?" wika niya at inabot ang mukha ko para halikan sa labi. Nagpapasalamat talaga ako na ngayon ay lagi na akong naglilinis sa katawan at lagi nang nagto-toothbrush. Ibig sabihin ko ay sati kasi wala lang akong masyadong arte sa katawan. Nito lang ako nagkaroon ng OA na mga routines sa katawan. Di ko kasi alam kung kailan a-ataki itong si Aziel.

Minsan kasi kamay ko hinahagkan niya. Minsan sa pisngi, minsan sa ilong, minsan sa leeg. Basta kung saan niya trip ilapat ang bibig niya.

Patuloy kung tinatanggap itong ugali na ito ni Aziel at parang kailan lang n'ong nagtatalo pa kami sa bahay sa mga maliliit na bagay. Naalala ko nga noong pinabunot niya sa akin ang mga halaman sa bahay namin. Talagang di ko na siya natimpi sa panahong iyon at nagkasigawan na kami na parang bata sa labas ng bahay. Minsan na talaga kaming naging isip bata ni Aziel. Tapos iyong magagaspang niyang ugali sa akin noon. Tanggap ko na naman iyon dahil kahit nga sa mga interview pahirapan din ang lalaki.

Ngayon mas naunawaan ko na ang isang Aziel-Rigg sa likod ng camera. Naunawaan ko na siya bilang siya. Iyong mga pinapakita niya sa akin dati ay para lang iyon pahirapan ako upang ako ang kusang makipag-divorce sa kanya kaso lang di niya alam na higit pa doon ang mga dinanas ko kina Papa Gideon dati. Kaya nakayanan ko lahat ng mga pahirap niya dati sa bahay. Tapos nakilala ko na ang isang Aziel-Rigg. Si Aziel iyong wala talagang paki sa mga ginagawa niya as long as di niya iyon natatapakan. Pero kapag siya naman ang una mong tinapakan ay uuwi ka talagang luhaan at durog. Saka isa sa napansin ko sa kanya ay kapag may ginawa ang isang tao na di mabuti sa kanyang mahal sa buhay ay di niya iyon papalampasin. Di naniniwala si Aziel sa kasabihang kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Bagkos, ang kanya ay kapag binato ng bato batuhin mo ng tuniladang bato.

"Ano ba 'yan baka may makakita, mal." suway ko sa lalaki nang buksan na niya sana ang suot kong polo.

"Ouch!" angil ko nang pitikin niya ang ut*ong ko. Ang manyak talaga nito!

"Sorry." natatawa niyang wika saka kinuha ang bag ko at nilagay sa likod.

"Ang manyak mo baka m-may makakita sa labas!" pagalit kong wika sa kanya at pinag-krus ko ang kamay ko sa harap at tumingin sa labas.

"Sorry na nga. Saka mas mabuti nana ikaw ang minamanyak ko kaysa sa iba." walang kagatol-gatol niyang pahayag saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Halos mapa-face palm ako sa sinabi ni Aziel. Isa na rin 'to sa nadiskubre ko sa lalaki. Kung ano ang gusto niyang sabihin talagang isisiwalat niya iyon. Ni di marunong mag-filter sa mga lumalabas sa bibig niya.

"B-bakit pala nagtext ka kanina na may pupuntahan tayo?" tanong ko sa kanya nang maalala ko ang text niya kanina sa akin.

Dahan-dahan niyang inusad ang sasakyan at saka ako sinagot. "Sa mall."

"Mall? Naubos na ba ang grocery natin?"

Umiling siya. "Hindi iba ang bibilhin natin."

Lito ko siyang hinarap ng maayos. Humawak ako sa seatbelt ko. "Anong bibilhin natin?"

"Kama."

Bumilog ang mata ko sa kanya.

"K-k-kama?"

"Mmm." tango niya at nginisihan ako.

Bigla kong naalala ang usapan namin nung nakaraang gabi. Akala ko di siya seryoso noong sinabi niya sa akin na bibili siya ng bagong kama. Di ko naman masyadong pinagtuonan iyon ng pansin kasi maayos pa naman ang kama naming dalawa. Magkatabi na kaming matulog ni Aziel. Minsan gamit namin ang kama niya at minsan naman sa akin.

At talagang nagrereklamo ang lalaki dahil masyado raw'ng masikip sa amin ang kama baka daw mahulog kami. Nagsuhestiyon naman ako sa kanya na maghiwalay nalang kami ng kama tutal doon naman kami nasanay dalawa nung una. Pero ang lalaki di naman nakikinig.

"Mas okay ang magsiksikan, mal." Ika nga niya.

Bumuntong hininga ako saka tumingin nalang sa daan. Di ko rin naman ito mapipigilan, e. Bibili at bibili ito.

"Papaano na ang dalawang kama sa bahay, mal. Kung bibili tayo ngayon?" tanong ko mayamaya.

Niliko niya ang sasakyan bago ako sinagot. "Pinakuha ko na, mal." sagot niya.

Napairap nalang ako. Tingnan mo na. Talagang siniguro na wala akong choice kung hindi sundin siya.

Pagdating namin sa parking lot ng mall ay nagsuot na siya ng face mask at saka cap na parehong kulay itom.

Napangiti naman nang titigan ko siya. Ang gwapo rin talaga ng isang 'to. Naka long sleeves siya na kulay sky blue. Lagi niya talagang suot ay mga long sleeves. Nagt-tshirt lang siya sa bahay. His lower extremities were dressed in ironed slacks, emphasizing his long legs. Di ko man kita ang buong mukha niya dahil sa facemask at cap niyang suot pero kapansin-pansin pa rin talaga at sumisigaw pa rin sa kagwapuhan at kakisigan ang lalaki... ang asawa ko.

I involuntarily snickered, and that made Aziel turn his head at me. He undo his seatbelt. 

"What's wrong, mal?" he asked and leant to unbuckled my seatbelt.

"Wala." natatawa kong untag sa kanya.

Nanliit naman sa akin ang singkit niyang mata.

"Ang gwapo mo lang." saad ko saka siya iniwan sa loob ng sasakyan na laglag ang panga.

Hinintay ko si Aziel sa harap ng elevator dahil natagalan siya sa loob ng kotse. Hahaha! Hinanap pa siguro ang nahulog niyang panga! Ang OA para namang di nakatanggap ng mga papuri galing sa mga fans niya.

Malapad ang ngiti ko nang makita kong mahahaba ang hakbang niya tungo sa akin. Humagikhik ako nang agad niyang pinagsiklop ang kamay naming dalawa. I am really over the moon whenever Aziel treats me so well and with such tenderness. He's the man who unexpectedly came into my life. He's the man that I never, in my wildest dream, thought would become mine. He's the man who guided me, who helped me, who cradled me at my lowest. And that man is my husband, Aziel-Rigg! One of the country's highest-paid models and businessman.  

Nahigit ko ang hininga ko nang nilapit ni Aziel ang mukha niya sa may tainga ko. Kahit na may facemask siya ay parang nanindig ang balahibo ko sa batok nang magsalita siya.

"Lagot ka sa akin pagdating sa bahay." Hindi ko alam kung banta niya ba iyon sa akin o ano pero parang binulabog n'on ang loob ng tiyan ko. Gutom ba ito?

Lumunok ako at tiningala ang asawa ko. Sa gitna ng facemask niya ay nakita ko talaga sa mukha niya ang pagngisi sa akin.

Dumiretso kami ni Aziel kung saan nakahilera ang samot saring mga furnitures. Kaunti lang ang mga taong namimili.

Maingat na nilagay ni Aziel ang kamay sa likod ko at lumakbay iyon sa baywang ko saka ako giniya para pumili ng kama.

Napapalunok ako sa bawat hakbang namin ni Aziel nang makita ko ang mga presyo n'on. Dios ko! Para namang di maka-tao ang mga presyo! Parang nilagay lang nila ang mga 'yon pang display di para bilhin. Naku, tignang mo nga tiglima o di kaya'y tig-aanim na digits ang presyo! Napahawak naman ako kay Aziel nang makita ko ang isang presyo ng kama na umabot ng milyon! Maling store yata 'tong napasukan namin.

"M-mal lipat tayo ng ibang store. A-ang mamahal naman dito." reklamo ko at napatingin naman sa akin iyong lalaki na hula ko'y merchandiser.

"No, mal. Dito na. Mas matitibay ang mga produkto nila dito."

Mallorca! Ganon ang mga tatak noong mga furnitures dito na ang mamahal. Dios ko. Kapag lalabas ka naman sa store na ito ay mangangapa ka sa bulsa mo na wala nang laman.

"Mallorcas Furniture is one of the most known brands when it comes to furniture and home designs." dagdag pa ni Aziel at humawak doon sa isang kama.

Gusto kong supilin ang lalaki dahil nang makita ko ang presyo ay umabot iyon ng milyones!

May nakalagay na bawal iyong upuan at higaan ay inupuan iyon ng lalaki. Di naman siya sinupil noong lalaking buntot nang buntot sa amin.

Pinaupo rin ako ni Aziel doon at parang nakaka-comfort talaga ang lambot noong kama. Makapal ang foam at ang lambot saka ang lapad din. Kaso iyong presyo naman nakaka sama sa loob.

"Gusto mo ba ito, mal?" Si Aziel.

"O-oo," sagot ko. "kaso ang mahal." pagdugtong ko.

"Ganyan talaga ang mga presyo, mal kapag maasahan at durable."

Bumaling siya sa lalaki na bumubuntot sa amin. "We'll get this one." saad niya doon.

May kung ano pang pinapirmahan ang lalaki kay Aziel at binigay naman ni Aziel ang itim na card niya. Sumama si Aziel doon sa lalaki at nagpaiwan ako.

Tumingin ako sa paligid at nang makita kong walang nakatingin ay humiga ako doon. Napapahaplos ako sa kamay ko doon sa kama at ang ganda nga. Pumikit ako nang may biglang pumatid sa paa ko.

"Hey! Di mo ba alam na bawal 'yan higaan?" Isang babae ang sumuway sa akin at napa-ahon ako doon sa kama.

Nahihiya akong tumayo at umalis sa kamang hinigaan. Mali ko naman din talaga na humiga doon.

Tatabi na sana ako nang pwersahang hinablot ng babae sa braso ko at tinulak. Akala ko ay matutumba ako kaya naman napapikit ako. Pero bago ko pa maramdaman ang sahig ay may sumalo na sa akin.

"Mal!"

"A-azi—mal." garalgal ko.

Tumayo ako ng maayos at agad na hinawakan ang kamay ni Aziel. Nanginig ang kamay niya nang hawakan ko iyon.

I saw how Aziel's eyes glistened in fury.

"A-aziel nagugutom ako. Labas na tayo dito, please." Kuha ko sa atensyon niya kaso di talaga natitinag ang galit niya.

"Mal labas na t-tayo dito, please."

Aziel clasped his hands on mine.

He heaved and wrapped his hands around my waist. Palabas na kami ng store na iyon pero nag-iwan pa talaga ng isnag tingin si Aziel doon.

Nang makalabas kami doon sa Mallorcas Furnitures saka pa ako nakahinga ng maluwag. Ayaw ko na kasing makakita pa ng away si Aziel kagaya nung huli kaming lumabas. Mainitin kasi ang ulo nito at baka doon pa makakita ng away.

"Nasaktan ka ba?" si Aziel saka tiningnan ang braso ko.

Mabuti at pamumula lang ang iniwan ng kamay noong babae.

"Hindi naman. Saka... m-mahina lang iyong pagkakahawak niya. Wala kang dapat ipag-alala."

Tumango siya.

"That's good." aniya saka binaba ang facemask at saglit akong hinagkan sa noo. "Diba nagugutom ka saan mo gustong kumain?" Ang tanong niya saka binalik ang mask.

"Ah, sa bahay na biglang nawala ang gutom ko, e." Dahilan ko.

Nakita ko ang pagsingkit ng mata niya tanda na ngumiti ang lalaki sa likod ng mask niya.

"Mabuti dahil bibinyagan pa natin ang bagong bili nating kama." saad niya at muling pinagsiklop ang kamay sa akin at hinila ako palabas ng mall.




***
Thank you for reading!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top