CHAPTER 20
Chapter 20
Debie Pov
"Say ah," utos ni Aziel sa akin saka ako sinubuan. Hindi naman ako imbaldado at nagagamit ko na naman ang kamay ko kahit papaano pero itong si Aziel OA. Sinusubuan ako. Parang binabata niya ako, e.
Ngumiwi ako at tinuro ang kutsarang puno ng pagkain.
"Bawasan mo naman 'yan mal. Ang dami." reklamo ko.
"Oh," saad niya na parang doon pa talaga na-realized na ang dami niyang nilagay doon.
Binawasan niya iyon saka muling sinubo sa akin. Nagpipigil sa pagtili ako dito sa harap niya.
"Y-you cleaned me last night, Aziel?" ani habang nginunguya ang maliit na pagkain sa bibig ko.
Napatigil ang lalaki sa pag-scoop ng pagkain nang marinig niya ako. Nag-isang linya ang kilay niya sa akin.
"Aziel?"
Umuwang ang labi ko sa kanya. Lihim akong napangiti at napaipit sa labi.
"M-mal..." pagtama ko sa sarili ko.
Agad naman siyang ngumiti.
"Of course. I made the mess kaya ako rin ang lilinis. Ganyan ako ka-responsableng asawa." Madamdamin niyang sagot sa akin.
Muntik ko na siyang masipa sa kanyang sinagot sa akin. Muli niya akong sinubuan bago niya naman sinubuan ang sarili.
"Teka di ka ba papasok sa trabaho mo?" Ang tanong ko.
"I think I need to absent to take care of you."
Nalukot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi na kailangan Aziel. Maayos naman ang pakiramdam ko. K-konting sakit lang naman sa baba ko at sa balakang." wika ko sa kanya. Ayaw ko naman na ako ang maging dahilan sa pagliban niya sa kanyang trabaho.
Sa konting bagay na ginawa niya kagaya ngayon ay naa-appreciate ko naman ng sobra kaso di niya naman kailangan na umabsent dahil tingin ko kaya ko na naman ang sarili ko. Pahinga lang ang kulang ko.
Tinabi niya ang platong hawak at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at napisil ang mga 'yon.
"Ayaw mo bang magpa-alaga sa akin?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Hindi naman sa ganon, Aziel." Sumimangot siya. "A-ayaw ko lang na lumiban ka sa trabaho mo dahil lang sa akin."
Halos umusli ang mga ugat niya sa noo nang mapapikit mata siya. Marahas siyang bumuga ng hininga sa bibig at muli akong pinukol ng matatalim na tingin.
"Lang? You really think of yourself too low, mal." He growled.
"Azi--"
"I love you, okay? I don't know if you're still uncomfortable with me being intimate with you, Deb. I don't know if you're still not used to me being a caring and loving husband to you. I don't understand why you're pushing me when I just want to take care of you." Aziel gritted his teeth.
Okay, aaminin ko na. Oo medyo awkward. Oo di ako sanay. Oo naninibago pa rin ako sa lahat ng mga pinapakita ni Aziel. Hindi ko naman pinagduduhan ang nararamdaman niya sa akin. Hindi naman ako nagduduga doon dahil pinapakita niya naman iyon sa akin. Siguro nga ako ang may problema. Siguro nasa akin ang mali.
I have wished for this before. I have wanted this time to come before. Pero ngayong nandidito na. Iba ang pakiramdam ko. Iba pala kapag totoo na. Iba pala kapag nasa harapan mo. Iba pala kapag nararanasan mo na at totoong nararamdaman mo. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako.
Tangina! Ako siguro ang mali. Si Aziel na ito, e. Siya itong idolo ko noon. Siya itong pangarap ko lang noon. Siya itong pangarap ko na sa parang sa panaginip ko lang mangyayari pero heto na. Nasa harap ko na. Harap-harapan na niyang sinusubo sa akin na mahal niya ako.
Pero bakit ako natatakot? Dahil ba naranasan ko? Dahil ba sa nakaraan ko?
Para kasing naririnig ng mga tainga ko ang boses ni Tita Mikee. Parang may bumubulong sa akin. Para kasing sinasaksak ang isip ko na di ako nababagay sa mga bagay na nangyayari sa akin ngayon. Parang naririnig ko ang mga boses ni Papa Gideon. Iyong mga salita nila na pilit ko namang nilalabanan. Pilit ko namang kinakalimutan pero nandidito pa rin. Tumatatak pa rin.
"P*nyeta! Isa kang pagkakali!"
"Pagkakamali na sinilang ka sa mundong ito!"
"Anak ka ng isang p*ta!"
"Anak ka ng isang baliw!"
"Magiging baliw ka rin tulad ng ina mong makati!"
"Wala kang karapatang maging masaya. Di bagay sayo ang maging masaya."
"Walang magmamahal sa isang tulad mo Debie. Walang magmamahal sa anak ng isang baliw na tulad mo."
Napapikit ako nang rumehistro ang mga katagang iyon nina Papa Gideon at Tita Mikee. Pilit kong pinuno ng hangin ang dibdib kong naninikip sa mga masasakit na alaalang iyon.
Naging matibay ako. Pilit akong lumalaban. Pilit kong nilalabanan ang lahat ng 'yon. Kaso ang hirap. Ang hirap ding lumaban. Ang hirap ng maging ganito. Ang hirap maging api. Ang hirap maging anak na ganito.
"Mal?"
Mabilis kong pinalis ang mga luha sa pisngi ko. Nginitian ko si Aziel na ngayon ay nakatayo na pala. Parang handa na siyang umalis.
"Aalis ka? M-mag-iingat ka." nag-crack ang boses ko.
Hindi ko inaasahan ang pagyuko ni Aziel at sabay yakap sa akin. Biglang bumuhos ang mga luha ko. Napakapit ako sa kanya dahil para akong nanghihina. Ngumuwa ako at hinayaan lang ako ni Aziel na umiyak sa bisig niya hanggang sa kusa akong tumahan.
"Sobra na ba ang hihilingin ko sayo Deb kapag sinabi kong... gusto kong sabihin mo sa akin ang mga nararamdaman mo? Is it too much to ask if I ask you to share your sufferrings with me? Ako ito Deb. Ako ito ang asawa mo. You can lean on me. You can lean on me. You can cry in my arms. You can be weak in my arms. You can be Debie in my arms. You don't have to pretend to be strong. You can be real with me, mal."
"Sorry, Aziel. Sorry. I'm so sorry." iyak ko na naman.
I found myself leaning on Aziel's chest. Nakasandal siya sa headrest ng kama niya. At nakayakap siya sa akin. Mahina niyang hinahaplos ang braso ko.
Hindi na naman ako umiiyak pero sininok ako.
Kinuwento ko kay Aziel ang mga pinagdaanan ko doon sa bahay ni Papa Gideon. Sinabi ko rin sa kanya ang dahilan kong bakit ko siya tinulak kanina na umalis. Sinabi ko sa kanya na hindi ako sanay sa mga ganoon. Sinabi ko sa kanya na natakot ako, na nangamba ako dahil sa nakaraan ko. Sinabi ko sa kanya na parang hindi ko deserve itong nangyayari sa buhay ko ngayon.
Para akong bata sa tabi niya na sinusumbong ang mga pang-aapi sa akin ng ama ko at ng asawa nito.
"Para kasing ang bilis ng lahat. Para kasing panaginip itong nangyayari ngayon. Siguro dahil nasanay akong di naging masaya at nakaranas ng maayos na buhay kaya nararamdaman ko na napaka-imposible ng mga nangyayari sa akin ngayon, Aziel. Pangarap nga lang kita dati, e. Nakikita lang kita sa nga news at magazine noon."
"Deb, to tell you the truth, this is not a dream. This is the reality. You are married to me. You were married to your idol before and now... your husband." wika niya sa akin.
Tiningala ko siya.
"Natatakot pa rin ako Aziel--"
"H'wag mong paniwalaan ang mga sinabi sayo ng ama mo at ng Tita Mikee mo, mal. Sinasabi lang nila iyon sayo kasi gusto nilang masira ang buhay mo. Gusto ka lang nilang sirain pero naging matibay ka. You have come this far despite the awful and bad things they said to you. And no matter what they say about your mother, it's not true. Dahil di naman nila kilala ang mother mo. Ikaw ang mas makakakilala sa kay Mama Sarah. That is why I ask you mal to forget those things. Let's replace those memories with good ones together with me. And my love will never lessen just because you have an ill mother, mal."
Yumakap ako sa malaki niyang katawan at tumango.
"Sasamahan mo ako sa lahat?" tanong ko habang yakap siya.
"Yes, sasamahan kita sa lahat. You helped me, Deb. You mend my sick and broken heart. Now, it's my time to mend you."
"Thank you. Thank you, mal. Love you."
"I love you more, mal."
Ilang sandali habang nasa kama ni Aziel ay naramdaman ko ang pagtawag ng kalikasan sa akin. Malalalim na hininga ang pinakawalan ni Aziel at nang tingnan ko ang lalaki ay tulog na pala ito.
Napangiti naman ako doon saka dahan-dahan na umalis sa pagkakahilig sa kanya. Maingat ang kilos ko saka tumapak sa sahig. Tumayo ako upang tumungo na sa banyo pero lumagapak ako sa sahig nang walang lakas ang mga binti ko. Dun ko pa napansin na naka tees lang ako at underwear.
"Mal? Dàmmit. Anong ginagawa mo?"
Nilingon ko si Aziel.
"M-magba-banyo lang." sagot ko saka sinubukan ulit na tumayo kaso wala talagang lakas ang mga binti ko na tumayo. At bumabagsak ako.
Hanggang sa naramdaman ko na ang braso ni Aziel na yumakap sa akin saka ako binuhat.
"You should have told me."
"Tulog ka."
"Gigising naman ako kapag kailangan mo."
Tinikom ko nalang ang bibig ko saka pinulupot ko ang kamay sa kanyang leeg. Pagkatapos ko sa banyo ay muli na niya naman akong binuhat tungo sa kama niya.
"Mal gusto ko maligo." saad ko sa kanya nang mailapag niya ako.
"Okay, ihahanda ko tubig para sayo."
"Salamat."
He kissed my forehead before turning his heels and went to bathroom. Habang naghihintay ako kay Aziel na natapos doon sa banyo ay bigla namang tumunog ang cell phone niya na nasa tabi ng lampshade. Umusog ako para makuha ko ang cell phone niya na walang tigil sa kakawala.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag kaso unregistered number naman iyon. Pero kahit na ganoon ay sinagot ko dahil baka emergency iyon.
Pagkasagot ko ay tinapat ko iyon sa tainga ko. Magsasalita na sana ako nang nagsalita na ang nasa kabilang linya.
"Hello?" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses babae sa kabilang linya.
"Sino 'to?" turan ko maya-maya.
Kaso di na sumagot at pinatay agad ang tawag. Ibabalik ko na sana iyong telepono ni Aziel sa kinalalagyan ito nang nay tunawag na naman. Muntik ko pang mahulog ang telepono.
Nang makita ko na ang daddy ni Aziel ang tumawag ay sinagot ko kaagad iyon.
"D-dad?"
"Debie?"
"Hello po, dad. Ako nga po ito si Debie. Nasa banyo po kasi si Aziel." ani ko.
"Ahh, please sabihin mo nalang sa kanya anak na ngayon ang alis ko nang bansa. Hindi ko naman aasahan 'yan na ihahatid akong airport pero gusto ko lang malaman niya na aalis na ako."
"Okay po dad. Sasabihin ko po. Gusto niyo po ba na ibigay ko kay Aziel ang telepono?" dagdag kong alok.
"No need, anak. Sige na ibaba ko na ito."
"Sige p-po dad. Ingat po sa byahe."
"Hmm."
Tama naman na paglabas ni Aziel sa banyo na nakataas hanggang tuhod ang pajama na suot at walang pang-itaas ay naibaba ko na ang tawag.
"May tumawag?" tanong niya.
Tinango ko ang ulo ko. "Si dad. Sinabi niya na aalis na raw siya ngayon. Bakit di mo naman sinabi sa akin. Di tuloy natin siya naihatid sa airport. O nakapagpaalam man lang ng maayos."
Umismid lang ang lalaki at binuhat ko.
"Matanda na si Daddy. Kaya na n'on ang sarili niya."
"Ang sama mo naman kay dad."
"I'm just kidding. Maiintindihan ako n'on kapag sinabi ko na inalagaan ko lang ang asawa ko na di makalakad matapos ang isang gabin--"
Naputol siya sa paghampas ko sa dibdib niya. Wala akong paki kung magmarka na iyong palad ko sa dibdib niya. Talagang sinasampal niya sa akin ang bagay na iyan. Kita niya naman na di ako makalad dahil sa kanya.
Laking pasasalamat ko talaga na sabado dahil wala pasok. I really can't move around because of my hips and around my butt area hurts. Hindi nga ako maayos na nakaka-upo kahit na cushion naman iyong kama ni Aziel. Sumasakit, e. Patagilid nga ako kung umupo at sumasakit ang balakang. Literal talaga akong inararo ng husto ni Aziel. Tingnan lang natin kung makaulit pa! Walang silbi ang gentle-gentle niya sa laki ng kargada niya, e.
"Maliligo ka na rin?" tanong ko nang sinabayan niya ako sa shower room.
"Oo, walang magsasabon sayo." rason niya na kinasimangot ko.
"K-kaya ko 'yon."
"Di ka nga makatayo ng maayos, e." pambabara niya naman sa akin.
Inirapan ko nalang siya saka humarap sa shower. Bibilisan ko nalang ang kilos ko. 'Yan sana ang plano ko pero iba ang plano ng lalaki. Talagang may balak pang umulit sa nangyari kagabi pero mabuti at napigilan ko. Ayaw kong humaba pa itong paghihirap ko. Baka di pa ako makapasok nito sa lunes, e.
"Sabon lang, mal. Pakiusap." saad ko sa kanya at binigay ang body soap.
Ngumisi lang siya at tumango.
Pareho kaming hubo't hubad dito sa ilalim ng shower. Ako nakatalikod sa kanya habang siya ay nasa likuran ko at sinimulan na ang pagsasabon sa katawan ko.
"Uhm," impit kong ungol nang humaplos ang mainit-init niyang palad sa dibdib ko.
"S-sabing sabnan l-lang–ahh!"
"I'm just doing what you said, mal. It's just that I'm just really doing well here." patay malisya niyang saad sa tainga ko.
Nang-aakit siya! Inaakit niya ako! Porket alam niyang madaling bibigay ang katawan ko!
Napaliyad ako at sumandal sa dibdib niya nang bumaba ang kamay niya sa kaselanan ko at sinabnan ako doon. Parang ibang pagsasabon ang ginagawa niya aa katawan ko. Kumapit ang kamay ko sa katawan niya nang hagurin niya ako ng mabuti doon sa ibaba.
"Dàmmit, mal. I'm fùcking turned on."
Hindi na niya kailangan pang sabihin iyon dahil ramdam ko naman sa likod ko ang pagtusok ng kahabaan niya.
"Masakit pa Aziel." mahina kong turan.
Sayang man pero nahulog ang sabon sa tiles nang inikot ako ni Aziel at hinarap sa kanya. His huge thing saluted! And was like asking me to help him. Hawak ang baywang ko saka sunod niya akong sinandal sa dingding ng banyo.
Kung di lang niya supurtado ang katawan ko ay malamang matagal na akong lugmok ngayon sa sahig. Tumatama ang shower sa kanyang ulo habang nasa ilalim niya ako. Nagtatagis ang bagang niya at umiigting na ang maskulado niyang katawan. Tinungkod niya ang isang kamay sa dingding habang nakasuporta pa rin ang isa sa baywang ko at humigpit ang paghahawak n'on sa akin.
"P-papaano 'yan ngayon?" walang ka-ideya ideya kong tanong habang pinagmamasdan ang kahabaan niyang nanunutok sa akin.
"Just... just touch me, mal. Hold me." he groaned.
Nang tingnan ko siya sa mata ay punong-puno ng pagnanasa at pagkasabik ang mga 'yon. Ngayon ko lang napagtanto na ang hot tingnan ni Aziel habang dumadaloy ang tubig sa ulo niya at pababa sa akin.
When I looked down, I raised my hands to hold him. I used my hands to hold his member. Mataba kasi. Naalala ko ang ginawa niya sa akin noong nakaraang gabi kaya naman ginaya ko iyon. Sa mahinang ritmo ay ginalaw ko pataas-baba ang kamay ko.
Tumingala ako sa kanya habang ginagawa ko iyon at nagtanong, "Ganito?"
Umalpas ang adam's apple niya. "Ugh! Yeah. That's it, mal." nasasarapan niyang ungol saka napatingala at napakagat labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top