CHAPTER 2
Chapter 2
Debie Pov
Lumaki ako na ang kasama ay ang Mama Sarah ko lang. Hindi nakatapos sa pag-aaral si Mama at di siya nakapasok sa mga trabaho na nais niya. O sa mga trabaho na hindi sana mabibigat. Hindi siya natatanggap sa mga pinag-a-applyan niya noon kasi humahanap ng high school graduate o di kaya ay college level ang mga pinag-aaplyan niya.
Kaya nauwi si Mama sa pagiging kasambahay. Kasambahay si Mama sa bahay noon ni Papa Gideon. Iyon ang kwento ni Mama sa akin noong mga panahon na maayos pa ang pag-iisip niya. Kasambahay lang siya sa bahay ni Papa noon at kagaya ng mga tipikal na nangyayari sa mga drama na napapanood. Si Mama ay nahulog kay Papa kahit na alam niyang bawal iyon dahil kasal na at may pamilya na si Papa.
Kaya iyong nararamdaman niya kay Papa ay nilihim niya lang at patuloy siya sa pagtatrabaho pero si Papa ay tukso rin. Si Papa ay nagpapapansin din kay Mama Sarah noon. Di ko alam kung playboy si Papa o sadyang mapaglaro lang siya. Maganda kasi si Mama dahil may dugong banyaga. Dahil ang lola ko na ina ni Mama Sarah ay isang bugaw at si Mama ay isang bunga na di naman gusto ng lola kaya lumaki si Mama sa orphan. Iniwan lang din kasi si lola noong nakabuntis sa kanya dahil may pamilya daw iyon sa ibang bansa.
Nangako si Mama sa sarili niya na di siya gagaya sa ina niya, kay lola pero nabuntis din si Mama kay Papa Gideon. Nagaya siya sa ina niya at ako naman ang naging bunga noon. Noong nabuntis si Mama sinabi iyon ni Mama kay Papa pero tinulak lang si Mama ni Papa dahil ayaw daw nito na masira ang kanyang pamilya. Binigyan lang si Mama ng pera ni Papa pero di naman sapat ang pera na binigay ni Papa kay Mama upang mapalaki ako noon.
Kaya naghirap si Mama. Naalala ko pa nga na sumasama ako kay Mama kapag may labada siya para makatulong ako sa kanya. Sumasama ako kay Mama kapag naglalako siya ng mga kakanin. Naitaguyod ako ni Mama sa ganoong buhay. At akala ko ayos na kami doon ni Mama. Pero bigla na lang na nabaliw si Mama dahil sa problema na dinadala niya. Sa mga problema namin sa buhay na siya lang ang nag-iisip mag-isa.
Kaya naman napunta ako sa bahay ni Papa Gideon. Doon ako humingi ng tulong sa kanya. Kinailangan ko pang lumuhod sa harapan ni Papa Gideon para lang maipagamot si Mama at maipasok sa mental hospital. Nagtagumpay naman ako doon kaso lang naging alila ako sa bahay nila ni Papa.
"Hey!" isang pitik sa kamay sa harapan ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napabaling ako kay Aziel na masungit ang tingin sa akin.
Nakaka-turn off ang ugali ni Aziel. Akala ko noon nung di ko pa siya kilala na ayos lang ang masungit niyang mukha kasi nakadagdag iyon sa kagwapuhan niya kaso lang iba na kapag kasama mo na siya. Nakaka-turn off masyado ang kanyang kasungitan na di ko naman alam kong bakit niya ako sinusungutan.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Napasinghay siya at bumuga ng marahas na hininga.
"Baba. Nandito na tayo." masungit niyang wika sa akin. Napatingin ako sa labas ng sasakyan at nakita ko ang magandang bahay sa harap namin. Malaki ang bahay kahit na nasa facade pa lang kami. Binaba ko ang salamin ng bintana sa kotse ni Aziel at napangiti ako habang nakatitig doon sa two storey na bahay na ang pintura sa labas ay pinaghalong puti at itim. Tapos ang gate naman ay may mga halaman na kumakapit doon.
"Baba ka o itutulak kita?" pagbabanta ni Aziel sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kanya saglit bago binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas doon.
Akala niya naman talaga ginusto ko ang makasama siya doon sa kotse niya. Kung alam niya lang na gusto ayaw ko rin naman na makasama siya. Kung noon pinapangarap ko ngayon di na nakakasuka ang ugali niya. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko naman din sa kanya. Patas lang kami. Saka kung di niya pala rin ito gusto. Bakit siya pumayag na magpakasal sa akin? Tapos, bakit siya pumayag na tumira kami sa iisang bahay? Mukha naman siyang matapang pero, bakit di niya kayang suwayin si Mr. Fabre, ang ama niya?
"Wag mo akong hintayin na ako pa ang kukuha sa gamit mo sa compartment. Kompleto naman ang kamay at paa mo kaya kunin mo ang gamit mo doon."
Napabuntonghininga na lang ako at di na pinansan ang pagsusungit ni Aziel. Masasanay naman siguro ako doon. Sa bahay nga ni Papa Gideon nakayanan ko doon. Dito pa kaya na si Aziel lang ang kasama ko.
Tumalikod ako at binuksan ko ang compartment ng kotse niya at kinuha ko doon ang isang maleta ko. Binaba ko ang maleta saka sinara ng compartment. Napatingin ako kay Aziel na pumasok na doon sa gate. Dala ang sarili niyang gamit.
Ito na talaga. Magsasama na kami sa iisang bahay. Ako na lang at siya. Sa wakas ay naging malaya na ako sa kamay ni Papa Gideon. Sa wakas ay di ko na matitikman ang mga masasakit at mapapait na salita ni Tita Mikee. Tiniis ko ang mga pangmamaliit ni Tita Mikee sa akin para sa Mama ko. Laging nababanggit ni Tita sa akin kapag nagka-oras siya na kabit ang Mama ko, na malandi ang Mama ko at nilandi ni Mama si Papa noon, na makati daw na babae si Mama. Lahat ng mga iyon tiniis ko. Lahat ng mga salita iyon iniyak ko lang ng palihim. Wala akong makakapitan. Wala akong matatakbuhan.
Napabuntonghininga na lang ako.
Sumunod ako kay Aziel. Iniwan niya lang na bukas ang gate kaya nang makapasok ako ay ako na ang nagsara noon. Napangiti naman ako nang makita ko na namumulaklak na ang mga bulaklak garden sa isang sulok ng bakuran. Tapos may maliit na fish pond din doon.
Hila-hila ang maleta ko tinulak ko ang malaki na main door at pagkapasok ko. Napanganga ako sa ganda noon. Halos sing-laki ito ng bahay ni Papa Gideon kaso mas maganda ata ito. Ang bawat sulok ay may mga halaman at may mga vases din na may mga bulaklak. Nabitawan ko ang maleta ko at napatakbo sa mga halaman at isa-isa ko iyong tiningnan at sinuri. Akala ko mga artificial lang mga iyon kaso totoong mga bulaklak at halaman talaga iyon.
"Wow!" saad ko. Noon pa man ay hilig ko na talaga ang mga halaman. Kaya nga noon kapag sumasama ako kay Mama sa paglalabada niya nai-excite ako kapag sa mga malalaking bahay kami pumapasok at naglalabada kasi nabubusog ang mata ko sa mga halaman nila.
"Wow!" rinig ko ang sarkastikong wika ni Aziel kaya napaayos ako sa tayo ko at nilingon ko si Aziel na nakasandal sa railings noong hagdanaan pataas. Sa simpleng postura ni Aziel ay nagmumukha na siyang nagp-photoshoot doon. Binalikan ko ang naiwan kong maleta nang magsalita siya ulit. "Let's go upstair. Nandun ang rooms."
Tinalikuran ako ni Aziel ay nauna na siyang umakyat sa taas dala ang gamit niya. Habang tinitingnan ko siya na papaakyat sa hagdanan ay parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyari sa akin ngayon. Hindi naman kami nagtagal sa US. After noong pirmahan namin ni Aziel sa marriage contract ay kumain lang kami sa labas. Sabi pa ni Mr. Fabre na ayos lang daw kung nagtagal kami ni Aziel doon sa US pero si Aziel na ang tumanggi doon at sinabi kay Mr. Fabre na marami daw siyang tatapusin na trabaho.
Parang isang araw nandun pa ako sa bahay ni Papa Gideon pero paggising ko ito na ako. Kasal na. May... asawa na tapos lalaki pa at higit sa lahat iyon pa talagang lalaki na hinahangaan ko. Na ngayon ay ayaw ko na sa sama ng ugali.
Pumanhik na rin ako sa taas para di na ako masungitan pa ni Aziel. Kaso lang nang makarating ako sa taas ay napatigil ako nang makita ko si Aziel na nakatayo lang at nakatingin sa dalawang pintuan na bukas.
"Aziel, saan ang kwarto ko dyan?" tanong ko sa kanya.
Tagpo ang dalawang kilay niya na bumaling sa akin. Narinig ko ang pagtagis niya sa kanyang bagang at binalik ang mata sa harap.
"Dammit! I'm sure Daddy made this fucking thing!" pagmumura niya.
"Azie-"
"The other room is a damn storage room..." pagputol niya sa akin.
Napatanga ako at lumapit ako doon sa isang pintuan na bukas. Sumilip ako doon at tambak ang kwarto sa mga gamit, na di ko naman alam kung saan galing. May nakatabon pa sa mga iyon na puting tela.
Lumingon ako kay Aziel na halos gusto ng sumpain ang mundo.
"S-saan ako nito matutulog? Magkatabi tayong matutulog? Iisa lang ang kwarto natin?" napatanong ako sa kanya.
Umirap si Aziel sa akin.
Napadaing si Aziel. "As much as I don't want to share a room with you, but we don't have a choice!" malakas niya saad.
Pinagsiklop ko ang kamay ko at tumingin sa maleta ko na nasa likuran niya banda.
"P-pwede naman na sa baba na lang ako matutulog at ikaw na lang dito s-"
Kusa akong tumigil sa pagsasalita nang biglang tumawa si Aziel sa akin. Pero iyon bang tawa na parang nanginginsulto. Tinikom ko ang bibig ko saka kinunutan siya sa noo.
"Aziel." usal ko.
"Don't make me laugh, please." aniya at napahagikhik at mabilis ang pagpalit niya ng ekspresyon. Mula sa pagtawa ay sumeryoso siya. "That kind of act won't work on me. Don't try to persuade with that act of yours, as if trying to prey on my conscience, huh."
Umiling ako kay Aziel at magpapaliwanag na sana ako sa kanya ng lampasan niya ako at pumasok doon sa isang kwarto.
"We'll be staying in one room. Whether we like or not." aniya at napayuko na lang ako.
Bumagsak ang tingin ko sa singsing na binigay niya sa akin. I really wear it. Hindi ko pa nga nahuhubad ang singsing mula nang ibigay iyon ni Aziel sa akin. Napahimas ako doon.
Kinuha ko ang melata ko saka sumunod kay Aziel doon sa magiging silid namin. Nang makapasok ako ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa nakita ko.
Napakalawak mg kwarto. Tapos may dalawang kama. Ang kama ay pinaghiwalay ng isang table na may nakalagay na isang lampshade. At sa magkabila ng kama ay may sari-sarili ring night stand. Ang bintana ay isang floor-to-ceiling ay gawa naman sa salamin at may kulay puting kurtina na nakatabing doon. Na sa hula ko ay binuksan iyon ni Aziel.
Hindi pala masama dahil hiwalay kami ng kama. Tapos napatingin ako sa dalawang closet. Gumaan ang pakiramdam ko doon. Nakakahiya naman kasi kung makikita ni Aziel ang mga gamit ko na lumang-luma na. Iyong ibang mga gamit ko na f-fade na iyong kulay dahil sa kalumaan.
Napatingin ako kay Aziel na nagd-diskarga sa kanyang gamit sa kanyang sarili kama. Siya ay nasa kanan na kama at ako naman ay nasa kaliwa. Inakyat ko ang maleta sa kama at saka ako sumampa doon at nag cross sit. Napangiti na naman ako dahil sa lambot noong kama.
Iyong dati ko kasing kama sa bahay ni Papa Gideon ay medyo matigas kaya nga sumasakit ang paso ko doon. Di pa nga gumagaling ang paso sa likod ko at mamaya ay lalagyan ko iyon ng oitment.
"Hey!"
Habang nilalabas ko ang mga damit ko ay biglang nagsalita si Aziel kaya napabaling ako sa kanya.
"Huh?"
Ngayon ko lang napagtanto di pa ako tinatawag ni Aziel sa pangalan ko.
"Don't tell your friends about our marriage, okay?" saad niya at nagpatuloy sa kanyang pagd-diskarga.
Lumaylay ang balikat ko sa sinabi ni Aziel. Hindi dahil hindi pwedeng sabihin nakasal kami kung hindi wala naman akong kaibigan. Sino naman nag pagsasabihan ko, eh wala naman akong kaibigan.
Noong may mga bata na lumalapit sa akin kaso iyon mga magulang nila. Nakikita at naririnig ko na pinapagalitan nila ang anak nila dahil nakikipagkaibigan ito sa akin. Anak daw ako ng isang kabit, at malandi daw ang Mama Sarah ko kaya dapat daw ni nakikipagkaibigan sa akin ang mga anak nila.
Dahil doon ako na mismo ang lumayo sa sarili ko sa mga bata. Noon nga ay tinanong ako ni Mama kung may kaibigan ba daw ako pero sinabi ko lang kay Mama na siya lang sapat na sa akin. Ayaw ko sa mga tao na ayaw din sa akin. Di ko ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. Sumiksik lang naman ako sa bahay ni papa Gideon dahil sa kalagayan ni Mama Sarah, eh.
"Wag kang mag-alala dahil... di ko ipagkakalat iyan." wika ko.
"Good. Besides, we are married but only papers. So, we are free to do anything we want just don't get caught by my Dad and yours. Or else we're both done. If you have a girlfriend maybe you should take a cool off for the mean time, too." si Aziel.
Napalobo ako sa bibig ko sa huli niyang sinabi. "W-wala naman akong g-girlfriend-"
"Boyfriend, perhaps."
"W-wala rin. Baka ikaw meron at... mahuli ka."
Bumaling si Aziel sa akin. Napakurap-kurap ako nang bumaba siya sa kama niya at naglakad tungo ko sa kama ko. Napalunok ako at di makagalaw ng isampa niya ang isang tuhod niya sa kama at tinungkod ang dalawang kamay saka nilapit niya ang mukha niya sa akin. Naitungkod ko naman ang kamay ko sa likuran ko at nilayo ang mukha kay Aziel
Nanlaki ang mata ko at naistatwa. Ang mainit at mabango niyang hininga ay tumatama sa ilong at ibabaw na bahagi ng labi ko. Napatingin ako sa mapupula at namamasa niyang labi. Gusto ko tuloy kapain ang dibdib ko dahil sa pagwawala noon. Napalunok ako ng malalim ng bigla ay dinilaan ni Aziel ang kanyang sariling labi. Mas kumintab ang labi niya dahil doon.
"Do you think I do that kind of bullshit? Do you think, I do have that kind of relationship?"
Halos malula ako sa lapit ng mukha namin at halos mawalan ng lakas ang kamay ko dahil kay Aziel. Ang bawat hininga na pinapakawalan ng bibig niya ay tumatama sa bibig kong nakatikom.
"H-hindi ko alam, A-ziel."
"Wrong answer."
Naangat ko ang tingin ko sa kanya at nagtagpo ang mata naming dalawa. "Huh?"
"Have you ever kiss?"
"A-ano?"
"Have you ever kiss?"
"Wala pa Azie-"
Hindi ko alam kung papaano nangyari iyon pero naputol ako ng biglang bumagsak ang labi ni Aziel sa akin. Dahil doon ay nawalan na nang tuluyan ng lakas ang kamay ko na nakatungkod sa likod ko at nahiga ako. Hindi ko sinasadyang mapaungol dahil sa paso ko sa likod. Dahil sa napahiga ako di ko naman inaakala na susunod pa rin ang katawan ni Aziel sa akin. Kaya ayon napakubabaw siya sa akin at ang simpleng dampi sa labi napabaon nang husto sa akin.
Dios ko! Sambit ko na lang sa isipan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top