CHAPTER 17
Chapter 17
Aziel Pov
"Bakit niyo ako pinatawag dad?" tanong ko kay Daddy.
Umupo lang ako sa leather na sofa dito sa office niya. Nakatalikod sa akin si Daddy habang nakatanaw sa mga labas—sa mga nagtatayugang mga buildings din kagaya ng sa amin.
Daddy's hands were on his back and standing proudly. Kahit na matanda na itong si daddy ay nandyan pa rin talaga ang kanyang karisma, talino sa negosyo, at syempre ang pagiging gwapo niya kahit na may konting puti na siya sa kanyang buhok. Haha! Matanda na talaga.
Humarap si Daddy sa akin at inayos ang kanyang suot na suit. Di na talaga ako nagtataka kung saan ko nakuha itong mukha ko. Tsk! Nasa harap ko na ang pinagmanahan ko nitong mukha ko, e.
"I want you to take my position for some time."
Napalunok ako bigla. Para kasing may kung anong humarang sa aking lalamunan dahil sa biglang sinabi ni daddy. Fuck! Ito na ba? Ibibigay na ba ni daddy ang position niya sa akin? Ang inheritance ko? Pero bakit sometime?
"Some time, dad?" pagklaro ko.
"Oo."
Kumunot ang noo ko. Umupo si daddy sa isang sofa at binuksan ang TV dito sa office niya. Mahilig manood si daddy ng mga action movies kaya di na ako nagulat nang pagbukas sa TV ay bumungad agad ang nagba-bakbakan.
"Magpapakalayo muna ako."
"Huh? Magpapakalayo? Why dad? Why so sudden?"
Si daddy ang taong di alam ang bakasyon. Kung nagbabakasyon man kami di naman nakahiwalay sa kanya ang kanyang trabaho. Kung pwede nga siguro sa dagat nadadala ang mga trabahuin niya ay dadalhin niya.
"Aziel, you told me to not meddle with Trazons anymore, and now they're going anywhere I go just to ask for money again." Pagod na saad ni daddy.
"Ilang beses na ba silang nanghingi sa inyo dad?"
Sumandal si daddy sa sandalan ng sofa at tumingin muli sa TV. He seemed so engrossed in watching the show, but his ears were on me naman.
"Just last week dalawang beses na silang nanghingi ng five hundred thousand. Ngayon di ko na sila binibigyan "
"Binigyan mo dad?!"
"Sinabi ko nang huli na iyong binigay kong half million last week. But those people were suckers for money." Iling-iling na saad ni daddy sa akin.
Sa pagpapakasal lang namin ni Debie kung di ako nagkakamali ay nagbigay si daddy sa kanila ng seven million. Ano ba ang ginagawa nila sa pera nila? Binenta na nga nila ang anak nila para sa pera. Tsk! Nanghu-huthot pa talaga.
"The Granvilles have already pulled out their investment in recent projects, and I think that is why they need our money."
Pumanting ang tenga ko sa narinig. Parang nagdiwang mga anghel sa ibabaw ko dahil sa narinig.
"Damn! Good for them." I whispered. Daddy glanced at me, raising his eyebrow.
"Be sure to take care of Debie, Aziel."
"Of course, dad!" halos pulutin ko na si daddy sa kanyang sinabi.
"By the way, dad," pagbitin ko at napalingon si daddy sa akin. "Gusto ko lang magtanong kung bakit sa dami ng babae dyan o... lalaki. Bakit... si Deb of all people?"
It's been a question for me kung bakit si Debie of all the people. Madami naman dyan na agad na magkandarapa na handang matali sa akin dahil na rin sa impluwensya namin pero bakit si Debie?
Well, hindi naman ako nagsisi doon kasi ngayon. I like Deb already. I already feel accustomed to him. I like him around me. Aaminin kong sa una ay di nga maganda ang simula namin ni Deb pero nagbago na iyon. Aaminin kung may mga nagawa akong napaka-childish sa kanya. Kasi nagulat lang naman ako na bigla-bigla nalang akong ipagkasundo ni Daddy, e. Hindi namin tradisyon iyon.
At first... no. from the very beginning, since mommy used me and left me. Hindi na ako naniniwala doon sa may tao talagang nagpapabaliw sayo. Di ako naniniwala sa pagmamahal. I don't believe in love. I don't believe in I love you's. My mom already ruined my definition of love. My mother has already tainted my mind about that love. My mom showed me how to become a fool of love, and I hate it. I hate it so much!
But then... Debie. Debie came. Slowly, he heals me. He helped me. He showed me the different colors of love. He showed me the different shades of love. He showed me the new meaning of love. He made me feel loved again. He made me believe in love again. He extended his hand to me. I now love him. I now love Debie Fabre, my husband.
"Because I want to help him."
"Help him?"
"Yes," daddy heaved. "I first saw him in a department store. I was personally checking our business that time when my wallet dropped without me knowing and thankfully si Debie ang nakapulot nang wallet ko. He politely asked me and gave me my wallet. I wanted to give him something in return for his kindness, but he declined, saying that he was in a hurry at di niya naman daw binalik ang wallet ko para lang sa reward. At nang binigay niya sa akin ang wallet ay nakita ko ang nga pasa niya sa kamay. Hindi ko naman iyon pinansin kasi di ko naman siya kilala. Pero nang tinawag siya ng isang babae, his stepmom, I saw how Debie's eyes panic and freaked out. Hindi siguro ako nakita ni Mikee that time but I saw how he raised her hand on Debie. I want to meddle but who am I?"
Pumikit ako saglit bago magsalita. "So from the very beginning dad... alam mo na ang mga pinagdaanan ni Deb? Alam mo nang inaapi siya at naaubuso doon sa bahay nila?"
Hininaan ni daddy ang volume ng TV. "I know a thing, not the whole thing Aziel."
"Kaya n'yo ako pinagkasundo sa kanya dahil gusto mo siyang tulungan?"
Tumango si daddy. "Hmm, and it was all accident since... I know how you dislike women."
"Ganun ba kalaki ang tiwala mo sa'kin dad para gawin iyon?"
"I have hesitance, Aziel. I know how evil you are, but I also know that you can help each other. And I'm not wrong, right? I have made a good decision."
Napatulala nalang ako kay daddy. He's smiling like he was actually congratulating me.
"But why didn't you tell me at first, dad?"
"For what? Why would I tell you? I want you to find things for yourself. To make things come out naturally."
"So everything was your plan, dad?"
Ngumiti si daddy sa akin. "No. It was by accident that I met Deb. And it was purely fate that Gideon Trazon came here to ask for something in exchange for his son Debie. Hindi naman ako papayag sa ganon na ang anak ang kapalit ng pera pero nang pa-imbestigahan ko si Gideon Trazon. Doon ko nalaman na anak niya pala si Debie sa kabit niya at kaya siguro ganoon lang kadali sa kanya na ibenta ang anak niya. It was really fate that I met Debie. None of this was my plan, Aziel. I promise."
---
I was in my office below dad's floor and still thinking about things that he said to me earlier. Nagliligpit ako ng ilan sa mga gamit ko na dadlahin ko doon sa office ni daddy dahil aalis nga siya ng bansa. Si Gideon Trazon lang pala ang magpapa-bakasyon ni daddy sa ibang bansa, e. Siguro ay naiirita na siya sa nga 'yon.
Pwedeng-pwede na naman talagang ayawan na ni daddy ang mga Trazon pero alam ko ang iniisip ni daddy. Iniisip din niya na gigipitin na naman nila Gideon si Deb. Si Debie na naman ang makikita ng mga 'yon.
Napatigil ako sa pagliligpit nang makita kong tumatawag si Debie. Napangiti agad ako nang mabasa ko ang naka phonebook njyang name sa telepono ko.
'Cranky Baby😠.'
Cranky Baby😠 is calling...
"Yes, Deb?" sagot ko sa tawag niya.
"Aziel?"
Para akong tanga na napatigil sa ginagawa at ngumingiti mag-isa dito sa opisina ko. Salamat nalang talaga na wala dito ang kaibigan at pinsan ko. Tangina! Iba magpabaliw itong si Debie!
"Ano kasi... ahm..."
"What is it, Deb?" tanong ko dahil nahimigan ko ang pag-aalinlangan sa boses niya.
"Kasi Aziel... diba kilala mo naman si Renna."
"Hmm, then?" I probed him.
"Ano kasi m-may task kami at partner kaming dalawa. Tapos..."
"Tapos?"
"G-gusto kasi ni Renna na sa bahay natin gawin iyong task namin."
"Hmm."
"A-ano. Okay lang Aziel kung hindi ka papayag. Sasabihin ko na lang sa kanya na sa kanila nalang kami gagaw--"
"No, sa bahay na natin Deb." Pinutol ko na siya.
"Okay lang sayo Aziel?"
"Oo naman."
"Sige! Thank you. Ingat ka dyan sa trabaho at kumain ka na rin."
May sasabihin pa sana ako sa kanya kaso pinatay na niya ang tawag. Minsan ko rin talaga makuha itong si Deb. Napakatapang sa akin makipagsagutan. Minsan naman napakamahiyain. Napangiti na naman ako nang maalala ko na crush niya pala ako noon kaya siguro ganun. Tsk! Deb. Deb. Deb.
Debie Pov
"Ano pumayag ang kasama mo sa bahay? Kuya mo ba iyong tinawagan mo?" usisa ni Renna sa akin habang naglalakad kami palabas ng school.
Sinilid ko sa bag ang telepono ko matapos magpaalam kay Aziel. Grabe pa ang dasal ko na sana di pumayag si Aziel na doon sa bahay namin gawin ang assignment sa lab namin ni Renna at di ko aakalain na pumayag siya.
Nasabi ko kay Renna na hindi ako mayaman. Which is totoo naman. Di ko rin sinabi sa kanya na may asawa na ako. Di ko sinabi sa kanya na asawa ko ang isang Aziel-Rigg Fabre. Minsan na niya akong tinanong koung sino ba daw ang sumusundo sa akin at naghahatid at sinabi ko lang ay kasamahan ko sa bahay at dinadaan lang ako dito sa school araw-araw.
Saka kung sasabihin ko kay Renna ang totoo na may asawa na ako at si Aziel pa. Sa tingin ko ay di rin niya ako paniniwalaan. Baka sabihin lang nito na nagd-delusion lang ako.
"Oo pumayag siya." sagot ko sa kanya.
"Yehey! Sa susunod Deb sa doon na naman tayo sa bahay namin." excited niyang wika.
Marunong magdrive si Renna ng sasakyan at may sarili rin siyang kotse kaya naman di na kami nakapag-commute. Dumaan din kami ng grocery store para sa ingredients ng lulutuin namin. Madali kaming nakarating ni Renna sa private land kung saan kami nakatira ni Aziel. May sarili na akong susi sa bahay kaya di na problema sa akin kung wala pa si Aziel.
"Wow! Dito ka nakatira Deb? Ang yaman n'yo pala." eksaherada ni Renna pagkababa ng sasakyan niya.
"A-ah sa kasama ko ito dito. Na...nakikitira lang ako." ani ko naman at giniya siya papasok ng bahay.
Mabuti nalang talaga at wala kaming display na larawan namin ni Aziel dito sa bahay namin.
Pinalagay ko kay Renna ang bag niya sa salas at saka kami dumiretso ng kusina upang simulan na ang lulutuin namin. Kailangan kasi naming makaluto ng isang putahi na sariling amin. Kaso may sari-sarili kaming ideya ni Renna kaya naisipan nalang namin na kung sino iyong luto na mas masarap at unique iyon nalang ang ipapasa namin para sa aming task.
"Ako na pag s-slice ng salmon Deb. Proceed ka nalang sa paghanda ng ingredients. Bago natin ito ilagay sa oven."
"Hmm, sige."
Mga isang oras din kami ni Renna na naging tutok sa pagluluto. At habang hinihintay nalang namin na magluto ang salmon niya at ang beef na pinakuluan ko ay naisipan kung maligo. Hindi naman ako nainitan kanina at ang lagkit na rin kasi ng katawan ko.
At nang aalis na sana ako sa kitchen ay bigla namang damating ang taong hindi ko aakalain na maagang uuwi ngayon. Si Aziel na malapad ang ngiti ay naglalakad na ngayon patungo sa akin.
Napatingin ako kay Renna na nagkahalo ang starstruck at saya sa mukha. Nanlaki ang mata niya habang nakatutok kay Aziel.
"Hi!" si Aziel ang bumasag sa pagkatahimik namin at walang alinlangang pinatakan ng halik ang sintedo ko.
I looked at Renna and found her eyes widening in shock and her mouth hanging open.
"Am I dreaming? Is this really true?" bulaslas ni Renna.
"Renna k-kasi..."
"I'm Deb's husband Aziel Fabre." Aziel said, offering his right hand to Renna.
I saw how the corners of Renna's mouth raised before accepting Aziel's hand for a quick shake.
Aziel went back to hold my hands.
Renna smirked at me. "Akala ko kasamahan lang sa bahay Deb? I didn't know that you have a husband. And surprisingly it was Aziel-Rigg, huh?" May panunuksong turan ni Renna sa akin.
Iniwan ko si Aziel saglit para lapitan si Renna.
"S-sorry. It's not really my intention to keep this to you Renna. Pero kasi nakakahiya kung sasabihin ko sayo."
Renna laughed. "Kinakahiya mo ang isang Aziel-Rigg Fabre?"
Nabaling ko ang ulo ko kay Aziel. Nag-iisang linya na ang kilay ng lalaki sa akin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago binalik ang atensyon kay Renna.
"Hindi naman sa ganoon Renna. H-hindi ko kinakahiya si A-aziel. Baka lang kasi... h-hindi ka maniwala na kasal ako kay Aziel at hindi rin kasi namin pinagsasabi na kasal kami."
Napatango-tango si Renna. "That's explain why."
"Huh?"
"What I mean is that's explain why na hindi man lang kumalat sa industry nila na kasal na ang nag-iisang tagapag-mana ng Fabre. Secret pala itong relasyon ninyo." paliwanag ni Renna na sinang-ayunan ko.
Tinanguan ko siya.
"Sige na diba maliligo ka pa? Ako na ang bahala dito sa niluluto natin." pagtulak ni Renna sa akin.
Bumalik ako sa kinatatayuan ni Aziel. Ni hindi man lang siya gumalaw doon.
"Maliligo lang ako saglit sa taas, Aziel."
"Sama na tayo. I need to change my clothes too."
Sinuway ko kaagad siya.
"H'wag. Mamaya na kapag nakababa na ako. Asikasuhin mo muna si Renna. Ang pangit namang tingnan kung iiwan natin siya ng sabay dito."
Umikot ang eyeballs ni Aziel bago bumuntong hininga at saka ako tinanguan.
"Okay," tamad niyang ani bago ako kinabig upang hagkan sa labi.
Nadiin ko ang ngipin ko sa labi ko dahil sa lantarang ginawa ni Aziel. Wala talaga itong paki sa ibang tao sa paligid niya.
Dali-dali akong umakyat sa taas para maligo. Nagbihis na rin ako ng pambahay kong damit bago bumaba. Nagmadali rin ako kasi magbibihis pa iyong si Aziel.
Papalapit na ako sa kitchen namin at pinaplantsa ko ang t-shirt ko gamit ang daliri ko nang mapatigil ako nang marinig ko ang malakas na bulyaw ni Aziel.
"Fuck!"
"Still the same Aziel? Kaya hindi ako naniniwala na kinasal ka at lalong di ako naniniwalang ang isang Aziel-Rigg Fabre ay nagseseryoso."
"Damn you woman! Stay away from me!"
"Bakit ang bilis mong magalit? I'm just saying the truth Aziel."
"What? Tsk! I truly love my husband, woman. Kaya pala di na maganda ang kutob sayo dahil sinasaksak mo pala ang asawa ko patalikod, huh. And before he gets here and see us. Move!"
"What if I do--"
Bago pa man matapos si Renna sa kanyang sasabihin ay umeksena na ako. Hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ni Renna. Hindi siya iyong kaibigan ko. Nag-iba siya. At inaakit niya ba si Aziel?
Buka na ang bibig ko upang sumapaw sa kanila nang kusang umurong ang dila ko nang makita kong hawak-hawak ni Renna ang leeg ni Aziel at ang lapit na ng mukha ni Renna sa lalaki. Pero di iyong binalingan ng lalaki na ngayon ay nanlaki ang singkit na mata sa akin.
"Aziel."
Natapon si Renna sa lakas ng pagkatulak ni Aziel sa kanya. Talagang bumagsak sa sahig ang pang-upo ni Renna.
"Mal." usal ni Aziel habang nakatingin sa akin.
***
Hello mga beh. Pagpasensyhan nyo na sana ang update ko ngayon. Shuta nahihilo ako dito. Omg ito! Sana nagustuhan ninyo.
Thank you for reading!!! Labyo all sagad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top