CHAPTER 16
Chapter 16
Debie Pov
"Hello po, Dad!" Medyo may pagka-awkward kong bati sa daddy ni Aziel na si Senior Fabre. Kumaway pa ako sa kanya ng konti. Nagvideo call kami habang binabaybay na namin ni Aziel ang daan patungo sa school ko. Ngayon ang first day ko sa school at may konting kaba at excitement sa akin. Namiss ko rin ang pumasok sa school. Sana lang may maging kaibigan ako.
Pinakita ko kay Senior Fabre si Aziel na nagmamaneho. Saglit naman na tingnan ni Aziel ang ama niya at bumati.
"Morning dad!"
"Morning too, son. Debie," tinawag ako ni Senior Fabre kaya naman hinarap ko ang camera sa akin at ngumiti kay Senior kahit na nanginginig ang labi ko. Ewan ko ba kung bakit ganito. Siguro ay di lang ako sanay kay Senior Fabre at masyado ring kasi siyang intimidating na tao. Strikto kasi ang mukha niya at mukhang di nagbibiro. Pero ayos naman kausap si Senior at napaka-calm magsalita. No wonder kay Senior nagmana si Aziel sa pagiging strikto nito kaso lang nasobrahan yata itong si Aziel. Napaka bugnutin!
"Dad," ani ko.
"Good luck on your first day of school. Pasensya na at di ako nakakabisita sa bahay ninyo Debie anak. Dad was just a busy old man." May pagbibiro sa tono ng pananalita ni Senior at umangat naman ang gilid ng labi ko doon.
"S-salamat po, dad. Ayos lang po."
Nagpaalam kami ni Senior Fabre sa isa't isa bago ko binaba ang telepono ko sa aking hita. Tumingin ako sa labas at tinitingnan ko ang magandang tanawin. Gusto ko mang sabihin sa mama Sarah ko na makakapag-aral na ako nang culinary kaso alam ko namang di iyon maiintindihan ni Mama Sarah. Nakakalungkot nga na ang tagal na niya sa mental hospital kaso parang walang improvements sa kanyang condition. Nananalangin ako na sana balang araw. Gagaling din si Mama Sarah; na balang araw ay makasama ko na siya at may kakampi na ako; na sana balang araw magiging maayos na si Mama Sarah at makakakwento na ako sa kanya—may kakwentuhan na ako. Iyon bang walang sawa na nakikinig sayo kahit na wala namang patutunguhan ang mga pinagsasabi. Iyong kahit na presensya niya lang okay na. Ayos na.
Napatingin ako sa harap partikular sa daan bago napako ang mga mata ko kay Aziel na nagmamaneho. Parang tumigil ang mundo ko nang titigan ko siya. Parang nagliwanag ang piligid ko at parang bumukas ang langit at may nagkantahang mga anghel. Sunod ay ang pagkabog ng puso ko. Literal na dumudugdog ang dibdib ko.
Aaminin kong dati na akong humanga kay Aziel. Humanga ako sa taglay niyang kakisigan at kagwapuhan. Pero parang natabunan iyon nang makasama ko siya sa iisang bubong. Sa tingin ko nga ay mabait pa si Gage sa kanya. Si Theo kasi parang mapagbiro ang pinsang iyon ni Aziel.
Akala ko naman mabilis kong mapapalis ang paghanga ko kay Aziel kaso... nagkamali ako. Napakalaking mali na inaakala ko na wala na akong paghanga sa kanya dahil ngayon muli na namang bumukas ang puso ko at lumundag-lundag na. Ang swerte ko siguro sa part na ang dating celebrity crush ko lang... naging asawa ko at magkasama pa kami ngayon. Siguro kaya rin ako nahulog kay Aziel kasi... may bait din pala siyang tinatago. May pag-aalala sa tao at masayang kasama. Ang gaan nga nang pakiramdam ko kay Aziel ngayon.
Hindi ko namalayan na napatagal na pala ako sa pagtitig sa kanya. Kung di lang siya tumingin sa akin at tumikhim ay di siguro mapuputol ang tingin ko sa kanya.
"Are you nervous?" He asked, turning his head on the road.
Umiwas agad ako ng tingin. Tinuon ko ang mata ko sa daan at napakagat sa labi. Ano ba 'yan! Ultimo boses nang lalaki ay nagpapabaliw na rin sa puso ko! Konting kibot ng mga labi niya naalala ko ang halikan namin. Dios ko tulungan niyo naman ako dito. Para na akong nababaliw dito e. Lutang ang isip ko sa halikan namin noong nakaraang gabi! Iba kasi iyon... kasi... kasi may kasama ng dilaan at sipsipan.
Halos i-umpog ko na ang ulo ko sa salamin ng bintana ng kotse.
"Deb?"
Napa-ayos ako ng upo. "A-ah, oo. Oo ayos lang ako. May k-konting kaba lang."
"Hmm. Anyway, we're here."
Sumilip ako sa labas at napabuga ng malalim na hininga. Huu! Ito na.
Kinalas ko ang seatbelt ko at bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapansin kong lalabas din ang lalaki. Agad kong kinuha ang kamay ko doon at pinigilan si Aziel sa gagawin. Dios ko naman!
"Anong ginagawa mo Aziel?" may inis kong untag sa kanya.
"Pagbubuksan lang kita ng pintuan. What's wrong?"
Parang nakuryenteng binitawan ko ang braso niya nang mapatitig siya doon.
"N-nakalimutan mo na bang sikat ka? Ako na ang lalabas. Kaya ko naman. Salamat pala sa paghatid, ingat sa pagda-drive!" saad ko sa kanya at lalabas na sana kaso inabot ng lalaki ang batok ko saka ako hinalikan sa labi.
Napakpan ko ang bibig ko matapos ang halik niya at pansalamantang di makapagsalita sa kanyang ginawa.
"Good luck!" Natauhan ako doon.
"B-bakit ka basta't basta ka nalang nanghahalik Aziel? Pa... papano nalang kung may makakita sa atin di--"
"I don't care. We're marriage, Deb. And... we already talk about working this marriage out, right?"
Napatanga ako sa kanyang sinabi. Oo nga pala. Pero kasi... nangbibigla siya ng tao. Kinakabahan ako. Ewan ko kung kaba ba ito o excitement. Basta ang alam ko nagrarambol na ang puso ko.
"O-oo alam ko pero wag ka namang nanghahalik bigla. Paano kung may makakita sa atin o di kaya'y makakuha ng larawan at ibenta sa mga news?"
Napatingin ako sa kamay ni Aziel na dumausdos sa palad ko at pinagsiklop ang kamay namin. Ngumiti siya at talagang iyong ngiti na parang nawawala ang mata niya.
"I already decided Deb. I have decided to work this out and I meant every word I said. Malaman man ng mga tao o hindi wala akong paki. Okay?"
Napakapit ako sa nakasiklop naming kamay at ngumiti sa kanya.
"S-salamat Aziel."
"No need to thank me." aniya at pinalis ang luha ko.
"Pero dapat di tayo maghalikan sa p-public place, okay?"
Humalakhak siya pero kalaunay ngumiti at niyakap ako.
---
Pagdating sa room ko ay nawala ang tapang ko sa pagpasok nang makita kong ang dami ng mga estudyante at may kanya-kanyang mga kausap. Di na naman ito bago sa akin pero parang bumalik ako sa dati. Siguro naninibago lang ako.
Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob at ayos lang naman sa akin na walang pumapansin sa akin. Nasanay na kasi doon. Noon pa man di na talaga ako lapitin ng mga kaklase ko kasi tahimik lang ako at di ako masyadong nag-a-approach. Kumbaga di ako magf-first move.
"Hello!" Napatalon ako sa gulat nang mag isang babae na hanggang balikat ang buhok na bagsak at may highlights. Malaki ang ngiting binigay niya sa akin.
"Bago ka?" tanong niya at umupo sa tabi ko.
Kumurap-kurap ako bago mahanap ang boses para magsalita. Nakakapanibago!
"Oo. Bago."
"Nice! Renna pala." Pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niya. Ang kinis at ang puti.
"D-debie Fab— Debie!"
Si Renna ay mas matanda sa akin, ka-edaran niya si Aziel at nakapagtapos na siya ng kurso at nakapagtrabaho na rin pero gusto niya raw ang culinary kaya nag-aral siya. Sabi pa niya ito raw talaga ang gusto niya kaso lang dahil sa magulang niya Business ang natapos niyang kurso.
Madali rin kaming naging close ni Renna dahil bukod sa wala rin daw'ng nakikipag-usap sa kanya sa mga classmates namin. Pareho rin kami ng trip. Nagl-lunch kami sa labas ng school.
Everyday kami may laboratory kaya araw-araw din kaming nagluluto. Provided na nang school ang mga gamit namin. Like apron, gloves, ingredients, and etcetera. Kasali na daw iyon sa tuition na binabayaran namin. Sa kaso ko naman di ko na kailangan pang magbayad ng tuition dahil fully paid na ako.
"Bye, Renna!" Paalam ko kay Renna at tumalikod sa kanya saka tumakbo sa sasakyan ni Aziel. Isang linggo na akong nag-aaral at so far maayos naman at may natututunan na rin.
"Hey!" salubong agad sa akin ni Aziel nang makapasok ako sa sasakyan at ginawaran ng halik sa pisngi at labi.
Nasanay na ako sa ganitong bungad ni Aziel. Sa paggising, sa paghatid niya sa akin sa school, at sa pagsundo ay ganito na. Pero di ko pa rin maiwasang di pamulahan sa mukha. Everything seems to right. Everyhting seems so perfect and surreal. Maayos na buhay, maayos na tahanan, at may mapagmahal... este maayos na asawa. Pakiramdam ko nasa akin na ang lahat. Parang sa isang iglap lang nawala lahat ng mga pasakit sa mundo ko. Parang iyong mga hirap na dinanas ko noon kina Papa Gideon ay nabayaran lahat. At ang mga ito ay dahil kay Aziel.
"You seem so close to that woman, Deb."
"Woman? Si Renna?"
"I guess. Iyong babaeng lagi mong kasama."
Napatango ako. "Si Renna nga. Sinabi ko naman sayo kaibigan ko 'yon Aziel at ilang beses ko na bang sinabi sayo ang pangalan niya."
Ang ulyanin naman nito. Ilang beses ko na kayang nabanggit sa kanya si Renna.
"I don't know and I don't care, Deb."
Bumuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Wala talaga itong paki sa ibang tao.
"Siya lang ang close ko sa mga kaklase ko Aziel at sobrang bait n'on. I tell you."
"Whatever. Saan mo pala gustong kumain?" tanong niya sa akin.
Napa-isip ako kung saan kami pwedeng kumain pero wala naman akong maisip kung saan.
"Sa bahay nalang Aziel. Magluluto ako. Ipapatikim ko sayo ang niluto ko kanina sa school."
Nanunuksong ngumiti ang lalaki sa akin at pinaandar ang kotse.
Pagdating sa bahay ay di na ako nagbihis at dumiretso na ako sa kitchen. Hindi kami nakapag-grocery ni Aziel pero mabuti nalang at may isang manok pa kaming natira dito. Hinanda ko na ang mga ingredients at una kong hiniwa ang manok bago hinugasan at minarinate. Simpleng adobong manok lang with may secret recipe. Nagustuhan kasi ito ni Chef Jules kanina kaya gusto kong ipatikim kay Aziel.
I marinated the chiken with my secret recipe sauce and leave it for a few minutes. Habang hinihintay ko iyong marinated chicken ay nagdikdik ako ng bawang at naghiwa ng sibuyas. Naghiwa rin ako ng konting patatas nang may biglang yumapos sa katawan ko galing sa likod.
"Ay!" Bulaslas ko at muntik ng mahiwa ang daliri!
"Sorry." namamaos na bulong ni Aziel sa tenga ko.
Napatigil ako sa paghihiwa at napalunok. Nanindig ang balahibo ko sa batok ng bumulong ang lalaki sa akin.
"Ohh," biglaang sambit ko nang dinilaan ni Aziel ang likod ng tenga ko saka pinapak. Nabitawan ko ang kutsilyo at napahawak sa edge ng sink.
"A-aziel." Nahihirapan kong wika. Animo'y kinakapos sa hangin.
"Dammit! Deb." ungol niya. Sunod niyang dinilaan ang leeg ko at sabay pasok sa kanyang kamay sa loob ng t-shirt ko.
Napasandal ako sa lalaki nang napahanap ng nag-aalab niyang kamay ang dalawa kong dibdib at sabay na pinisil at pinitik.
"Hmn, A-aziel... a-ahh, m-magluluto pa a-ako." Kinakapos kong usal.
"Fuck!" Mura niya at bumagsak ang ulo sa balikat ko. Tumigil din ang kamay niya sa paglamas ng dibdib ko at inalis ang kamay. Yumakap siya sa bewang ko at humalik sa leeg. "I'm sorry. Magluto ka na." aniya pero di umalis sa likod ko. Parang tukong nakayakap!
"A-alis muna. Paano ako makakapagluto ng maayos nito kung nandyan ka sa likod ko."
"I don't want to." Napahagikgik ako sa tono ng boses niya. Nagb-baby talk ang isang Aziel-Rigg!
"Magsaing ka nang kanin para mabilis tayo matapos dito." utos ko sa kanya.
"Tsk! Okay."
After cooking naghain ako sa niluto kong ulam samantalang si Aziel ay naghain ng kanin. Sa iisang plato lang naman kami nagsasalo e.
Inusog ko ang upuan ko papalapit sa kanya at nilagyan niya ng napkin ang hita ko habang abala naman ako sa pagkuha ng manok. Hinapan ko ang adobong manok saka ko iyon sinubo kay Aziel. Dineep ko pa iyon sa sauce na gawa ko rin.
"Medyo mainit pa." paalala ko sa kanya.
I waited for a few seconds at nag-observe sa kanyang reaksyon.
"Ma... sarap ba?"
"Superb!"
Parang naghiyawan ang mga bulati ko sa tiyan dahil sa sinabi niya. Mas masaya pa kaysa nung pinuri ako ni Chef kanina sa school.
"It's juicy and very aromatic. Anong hinalo mo?" komento niya pa.
Sumubo ako at nginisihan siya. "Secret recipe ko 'yan. Bawal sabihin sa iba."
"Hmm. I bet you're more juicy and delicious than this chicken adobo, Deb."
Naubo ako at muntik ng naluwa ang nginunguyang pagkain dahil sa sinabi ng lalaki! Agad niya namang hinagod ang likod ko at sinalinan ng pineapple juice sa baso ko.
"Ano ba 'yan Aziel!" inis kong untag at nagpunas sa baba.
"What? Why?" pamaang-maangan niya pa.
"Nakakainis ka!"
"What?"
"Kung ano-ano kasi lumalabas dyan sa bibig mo!"
"Ohh," napatango siya. "But I guess that was true, Deb. I bet you're more tasty, too. Wanna try--"
Pinutol ko siya sa pagsubo ng kanin sa kanyang bibig! Nakakinis na! Init na init na ang pisngi ko sa mga sinasabi niya! Gumugulo na ang utak ko at dibdib! Tangina niya! Ang halay na nang utak at bibig niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top